1. PAMANAHONG PAPEL
Papel – pampananaliksik
Isang pangangailangan sa larangang akademiko
Kulminasyon ng mga pasulat na gawain
Ginagawa sa loob ng isang panahon (term paper)
Sukatan ng kainaman sa pagkakagawa ang presentasyon
at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman
2. Mga bahagi ng Papel - Pampananaliksik
Mga Pahinang Preliminaryo – flyleaf 1, pamagating
pahina, dahon ng pagpapatibay, pasasalamat o
pagkilala, edikasyon o pag – aalay (opsyonal), talaan
ng nilalaman, talaan ng mga grap at talahanayan
Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura
Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Kabanata IV : Presentasyon at Interpretasyon ng mga
Datos
Kabanata V : Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Mga Panghuling Pahina – Talaan ng Sanggunian,
Apendiks o Dahong - Dagdag
3. 1. Mga pahinang Preliminaryo
Flyleaf 1 – pinakauna, blangko o walang nakasulat
Pamagating Pahina – narito ang pamagat sa anyong inverted
pyramid, kanino ipinasa, saang asignatura ito pangangailangan,
sino ang gumawa at petsa ng kumplesyon
Dahon ng Pagpapatibay – kumukumpirma sa pagkakapasa ng
mananaliksik
Pasasalamat o pagkilala – para sa mga nakatulong sa mananaliksik
Dedikasyon o pag – aalay (opsyonal) – kung sino ang inspirasyon sa
pagsulat at kanino inilalaan ang pag – aaral
Talaan ng nilalaman - nakaayos na mga paksa sa anyong
pabalangkas pati na ang pahina kung saan matatagpuan ang paksa
Talaan ng mga grap at talahanayan – nakatala ang pamagat ng
bawat talahanayan o grap at ang pahina kung saan ito matatagpuan
4. 2. Kabanata I : AngSuliranin at Kaligiran Nito
Panimula o Introduksyon – pangkalahatang pagtalakay
sa paksa
Layunin ng Pag- aaral – mga pangkalahatan at
ispesipikong layunin
Kahalagahan ng Pag – aaral – pagtukoy sa maaaring
maging kapakinabangan ng pag – aaral sa iba
Saklaw at Limitasyon – pagtatakda ng parameter ng pag
– aaral, mga sakop at hindi sakop ng pag – aaral
Depinisyon ng mga Termino – pagbibigay – kahulugan
sa mga katawagan o terminong ginamit sa pananaliksik
Iba pa – Theoretikal Framework o Batayang Teoretikal,
Hypotheses at Assumptions
5. 3. Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag- aaral at
Literatura
Pagtukoy sa mga pag – aaral (tesis o disertasyon o
literatura) na ginamit ng mananaliksik
Nalimbag sa huling 10 taon
Walang pagkiling, relevant at maiuugnay sa pag -
aaral
Sapat ang dami at hindi kakaunti
6. 4. Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Nagpapakilala sa uri ng pamanahong papel na
kadalasan ay Deskriptibong Pagsusuri
Ipinakikilala ang respondente – kasarian, ilan sila at
paano sila napili
Instrumento ng Pananaliksik- paglalarawan sa
paraang ginamit sa pagkalap ng impormasyon
Tritment ng mga Datos – paglalarawan sa mga
istatistikal o numerikal na datos na ginamit sa
pananaliksik
7. 5. Kabanata IV : Presentayon at Interpretasyon ng
mga Datos
Paglalahad ng mga datos na nakuha sa paraang
tabular o grapikal na may kasamang pagsusuri
8. 6. Kabanata V : Lagom, Kongklusyon at
Rekomendasyon
Lagom – pagbubuod ng mga datos o impormasyon
na tinalakay sa Kab. 3
Kongklusyon – pangkalahatang interpretasyon batay
sa mga nakalap na datos o impormasyon ng
mananaliksik, sumasagot sa mga pangunahin at
tiyak na suliranin
Rekomendasyon – mga mungkahing solusyon para
sa suliraning natukoy sa pananaliksik
9. 7. Mga Panghuling Pahina
Talaan ng Sanggunian – kumpletong tala ng lahat ng
pinaghanguan ng kaalaman ng mananaliksik
Apendiks (Dahong – Dagdag) – nakapaloob ang mga
liham, pormularyo ng ebalwasyon, talatanungan
(survey – questionnaire), bio – data ng
mananaliksik, larawan at iba pa.
Fly Leaf 2