2. Ang maykroekonomiks ay sangay ng
ekonomiks na tumatalakay o sumusuri sa
maliliit na yunit ng ekonomiks tulad ng
kayarian ng isang maliit na negosyo at mga
pangyayari at pasiya sa alokasyon ng mga
tiyak na sector ng ekonomiya (bahay- kalakal
at sambahayan). Sinusuri rin sa
maykroekonomiks ang pagkonsumo ng tao
at kung paano siya naaapektuhan ng mga
pagbabago sa presyo ng mga bilihin,
gayundin sa pagtaas ng kita.
3.
4.
5. Tinitingnan din dito ang mga aktibidad ng
mga prodyuser at kung paano nila ginagamit
ang iba’t ibang salik ng produksiyon para sa
pagtatakda ng presyo sa mga prodyuser o
serbisyo at sa pagpapalaki ng kailang kita.
Saklaw ng pag- aral ng maykroekonomiks
ang mga sumusunod:
6. Mga gawi, kilos, at pasiya ng isang
prodyuser o negosyante sa alokasyon ng
kaniyang pinagkukunang-yaman upang
mapababa ang posibilidad ng pagkalugi at
mapataas naman ang tubo.
Ang pagtatakda ng presyo ng mga bilihin
sa pamamagitan ng interaksiyon ng
demand at suplay.
7. Mga paraan kung paano ginagamit ng isang
mamimili ang kaniyang kita upang matugunan
ang kaniyang mga pangangailangan at
mapataas ang antas ng kasiyahan o kalidad
ng kaniyang buhay.
9. Ang sambahayan (Household) at bahay-
kalakal (firm) ang mga pangunahing
yunit na gumagawa ng pasiya sa
alokasyon ng pinagkukunang- yaman.
10. sambahayan
Ang sambahayan ay tumutukoy sa sector ng
ekonomiya na kumokonsumo (consumer)
tulad ng mga estudyante, pamilya, at
mamimili. Ang pasiya ng sambahayan ay
kalimitang naiimpluwensiyahan ng kaniyang
panlasa at kakayahang bumili ayon sa
kaniyang badyet.
11.
12. bahay- kalakal
Ang bahay- kalakal naman ay tumutukoy sa
isang tao o pangkat ng mga tao ( tulad ng
prodyuser o negosyante) na lumilikha ng
mga kalakal (mula sa mga hilaw na
materyales) at nagbibigay ng serbisyo para
sa mga nangangailangan o bumibili. Ang
pasiya ng bahay- kalakal ay nakatuon sa
pagkakaroon ng kita mula sa pagnenegosyo
13.
14. Maituturing din ang mga prodyuser o
negosyante na kabilang sa sambahayan
sapagkat kumokonsumo rin sila ng mga
hilaw na materyales mula sa ibang
prodyuser o kompanya para makalikha ng
mg kalakal.
15.
16. Mahalaga namang malaman kung ano- ano
ang mga nakaiimpluwensiya sa pagpapasiya
ng bahay- kalakal at sambahayan dahil
makaaapekto ang mga ito sa interaksiyon ng
demand at suplay.
18. Demand tumutukoy sa dami ng produkto o
serbisyo na nais at kayang bilhin ng
mamimili batay sa presyo sa isang takdang
panahon. Ang demand ay hindi lang
nakadepende sa pagnanais ng mamimili na
mabili ang isang kalakal, dapat ay sasabayan
ito ng kaniyang kakayahang bumili. Ang
presyo kalakal (commodity) ang batayan ng
isang mamimili kung nais at kaya niya itong
bilhin.
19. Halimbawa, kung gusto ng isang estudyante
na magkaroon ng sarili niyang sasakyan,
hindi ito nangangahulugan na siya ay may
demand sa sasakyan. Nararapat na mayroon
siyang pera na pambili nito. Sa kabilang
banda, maaaring magkaroon ng demand ang
estudyante sa papel sapagkat una, ito ay
kailangan niya sa kaniyang pag- aral at
pangalawa, ang halaga nito ay hindi mataas
at pasok sa kaniyang allowance.
20.
21.
22. Samantala, tinatawag na dami ng demad
(quality demanded) ang dami ng produktong
nais at kayang bilhin ng isang mamimili sa
isang tiyak na halaga.
24. Mahihinuha natin sa kahulugan ng demand
na ito ay may relasyon sa presyo. Sa
pamamagitan ng iskedyul ng demand,
naipakikita ang pagbabago ng dami ng
demand sa presyo ng produkto at serbisyo
na nais at kayang bilihin ng isang mamimili.
Makikita sa talahanayan 1 ang iskedyul ng
presyo at dami ng demand sa papel ng isang
estudyante. Mapapansin dito na habang ang
presyo (p) ng papel ay tumataas, ang dami ng
demand (QD) ng produktong ito ay bumababa
naman.
25. Presyo (P) ng papel
(kada piraso)
Dami ng
Demand (QD)
40₵ 32
45₵ 30
50₵ 28
75₵ 16
Php. 1.00 5
26. Ang grapikong paglalarawan ng iskedyul ng
demand ng isang mamimili ay tinatawag na
kurba ng demand. Tingnan ang grap 1. Ang
patayong aksis ay para sa presyo (p) at ang
pahalang na aksis ay para sa dami ng
demand (QD) na mabibili.
27.
28. Makikita na ang linear demand graph ay may
negatibong relasyon ng presyo at demand.
Mapapansin ditto na sa pagtaas ng presyo
ng papel, nababawasan ang dami ng
demand ng isang estudyante. Ang
magkasalungat na ugnayang ito, kung
gayon, ang nagbibigay ng negatibong
dahilig sa kurba ng demand.
30. Ang magkasalungat na ugnayan ng presyo
at dami ng demand ay ipinapaliwanag din sa
batas ng demand. Isinasaad sa batas ng
demand na kapag mababa ang presyo ng
isang produkto, maraming mamimili ang
magkakaroon ng kakayahan at magnanais
na bilhin ito. Kapag mataas naman ang
presyo, kakaunti lamang ang may kakayahan
at magnanais na bumili.
31. Dapat tandaan na ikinakabit sa batas ng
demand ang konsepto ng ceteris paribus-
ipagpalagay munang walang nagbabago sa
ibang salik ng demand kahit na bumababa o
tumataas ang presyo ng mga bilihin.
32. Subalit mahalagang malaman ang ceteris
paribus dahil nakatutulong ito upang
maunawaan nang simple ang relasyon ng
presyo at ng dami ng demand.
34. Kung pagbabatayan ang isinasaad ng batas
ng demand , makikitang naaapektuhan ng
pagbabago sa presyo ng bilihin ang dami ng
demand. Subalit, hindi sa lahat ng
pagkakataon ay presyo lamang ang
nakaiimpluwensiya sa pagbabago ng
demand. May iba pang salik na nakaaapekto
rito at ito ang mga sumusunod:
35. KITA
Ang halagang sinsahod ng mamimili mula sa
pagtatrabaho o pagpapaupa ng kaniyang ari-
arian o serbisyo. Ang laki o liit ng kita ng
mamimili ang nagtatakda ng dami ng
produkto na kaya niyang bilhin.
36.
37. Halimbawa, ang kita ni mamimili A ay
Php. 362 bawat araw, samantalang si
mamimili B naman ay Php. 500 bawat
araw. Kung ang presyo ng karne ay Php.
200 kada kilo, tiyak na mas may
kakayahang bumili ng mas maraming
karne si mamimili B. Maari naman na
pareho silang makabili ng isang kilong
karne subalit si mamimili B ay maaari
pang makabili ng iba pang produkto kaysa
kay mamimili A.
39. NORMAL GOOD
Kung ang produkto ay isang normal
good, ang pagtaas ng kita ay
nagdudulot ng pagtaas sa demand ng
produktong ito. Ang halimbawa ng
normal good ay ice cream. Kung mas
mataas ang kita ng isang mamimili ,
mas maraming ice cream ang kaniyang
mabibili.
40.
41. INFERIOR GOOD
Kung ang produkto naman ay inferior good,
ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng
pagbaba ng demand sa produktong ito. Ang
halimbawa ng inferior good ay sardinas.
Ipagpalagay na sardinas lamang ang kasya sa
badyet noon ng isang mamimili. Ngunit kapag
tumaas ang kaniyang kita, maaari na siyang
makabili ng mas masarap na pagkain. Dahil
dito, ang demand niya para sa sardinas ay
bababa.
42.
43.
44. Populasyon
Ang dami ng tao sa isang tiyak na lugar. Ang
populasyon ay nakapagpapataas ng demand para
sa lahat ng uri ng bilihin sa isang pamayanan.
Gayundin, ang pandarayuhan o migrasyon ng tao
tungo sa isang tiyak na lugar ay nakapagpapataas
din ng demand para sa lahat ng uri ng bilihin
doon. Samantala, bumababa naman ang demand
para sa lahat ng mga bilihin sa lugar na iniiwan ng
mga taong lumilipat sa ibang lugar. Ibig sabihin,
nakaaapekto ang dami ng tao sa dami ng
produktong dapat itakda sa isang tiyak na lugar o
pamilihan.
45.
46. Panlasa at pagtatangi ng mamimili
Tumutukoy ito sa nais o kagustuhan ng mga
mamimili. Ang salik na ito ay maaaring
makapagpabago sa antas ng demand. Halimbawa,
maraming kabataan ang nagnanais magkaroon ng
mga electronic gadget tulad ng cell phone, portable
video game player, tablet, at MP4 player. Dahil dito,
tumataas ang demand o panganailangan para sa mga
produktong ito. Dapat na tandaan na ang panlasa at
pagtatangi ng mamimili ay naaayon sa kasarian,
edad, o antas ng pamumuhay, at maaari ring dulot ng
mga anunsiyo o patalastas.
47.
48.
49.
50. Presyo ng iba pang produkto
(related goods)
Tumutukoy ito sa pagbabago ng presyo ng
produkto na maaaring ihalili o ipalit sa isang
produkto (substitute goods), o kaya naman
ay produkto na binibili at kinokonsumo
kasabay ng isang produkto ( complementary
goods).
51. Sa mga taga- probinsiya, halimbawa, sa
halip na bigas ang bilhin ay pinapalitan na
lamang nila ito ng kamoteo saging na saba
(substitute goods) dahil mas mura ang mga
ito kaysa bigas. Kaya naman , kapag tumaas
ang presyo ng bigas na nakapagpapababa
ng demand nito, maaaring asahan ng mga
tao na tataas ang demand para sa kamote o
saging na saba.
52.
53.
54. Isang halimbawa ng complementary goods
ang asukal at kape. Ang asukal ay
kinukonsumo kasabay ng kape. Kapag
tumaas ang presyo ng asukal, bababa ang
demand nito. Ito rin ay nagdudulot ng
pagbaba sa demand ng kape. Iba pang
halimbawa ng complementary goods ay
tinapay at palaman, at hamburger at ketsap.
59. Ang bawat salik na nabanggit ay nagiging
dahilan ng pagkilos o paggalaw ng kurba. Ang
pagbabago ng presyo ng mga bilihin ang
nagiging dahilan ng pataas o pababang pagkilos
ng direksiyon sa kahabaan ng kurba ng
demand(along the demand curve). Makikita sa
grap 2 ang pagkilos na pataas ay
nangangahulugan ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin at pagbaba ng dami ng demand.
Samantala, ang pagkilos na pababa ay
nangangahulugan ng pagbaba ng presyo ng
mga bilihin at pagtaas ng dami ng demand.
60.
61. Sa grap 3, ang pakanang paglipat ay
makikita sa D0 at D2. Sa parehong presyo
Php. 8, ang demand ay tumaas sa 3 mula sa
2. Ang paggalawa ng kurba ng demand sa
kanan o kaliwa ay sanhi ng pagbabago ng
mga non- price determinant ng demand tulad
ng substitute goods at complementary
goods.
62.
63. Tandaan na ang pakaliwang paglipat ng
kurba ng demand ay nangangahulugan ng
pagbaba ng demand para sa produkto o
serbisyo. Tingnan muli ang grap3. Ang
pakaliwang paglipat ng kurba ng demand ay
ipinakikita ng D0 at D1. Sa parehong presyo
ba Php. 8 halimbawa, ang demand ay
bumaba sa 1 mula sa 2.
64. Halimbawa, kung tataas ang presyo ng
asukal, magkakaroon ng pakaliwang paglipat
ang kurba ng demand para sa kape. Walang
pagbabago ang presyo ng kape, ngunitdahil
ang kape at asukal ay complementary
goods, ang pagtaas ng presyo ng asukal ay
magdudulot ng pagbaba ng demand sa kape.
65. Samantala, ipinakikita naman sa talahanayan
2 ang mga pagbabago sa mga non-price
determinant at ang kaukulang paglipat ng
kurba ng demand.
66. MGA SALIK PAGGALAW NG KURBA
Pagtaas ng kita Pakanan kung norma goods
Pakaliwa kung inferior goods
Paglaki ng populasyon Pakanan
Paglaki ng populasyon dahil sa
papasok na pandarayuhan
Pakanan
Pagliit ng populasyon dahil sa
papalabas na pandarayuhin
Pakaliwa
Pagbaba ng presyo ng kasabay na
produkto (complementary goods)
Pakanan
Pagtaas ng presyo ng complementary
goods
Pakaliwa
Pagtaas ng presyo ng kahaliling
produkto (substitute goods)
Pakanan
Pagbaba ng presyo ng kahaliling
produkto
pakaliwa