2. Ang Asya ang pinakamalaking
kontinente sa daigdig.
Nagtataglay ito ng malaking
potensiyal upang umunlad at
maging isang makapangyarihang
kontinente.
May sarili itong pinagmulan,
kasaysayan, pagkakakilanlan,
tradisyon at paniniwala.
Bigyang Pansin
8. Ang mga heograpo, mga eksperto sa
heograpiya, ang naghati sa daigdig sa
dawala: ang silangan at ang kanluran.
9. Oriente, mula sa salitang Latin na oriens, ay
nangangahulungang “silangan” o “lugar na
sinisikatan ng araw”.
Oksidente, mula sa salitang Latin na accidente,
ay nangangahulungang “kanluran” o “lugar na
nilulubugan ng araw”.
10. Ang Asya ay nasa silangan samantala ang Europa
at Amerika ay nasa kanluran. Dito nagmula ang
salitang ”Kanluranin” na tumutukoy sa mga taong
mula sa Amerika at sa Europa.
Isang Ruso ang nagmarka ng hangganan ng
kanluran at silangan noong 1980.
11. Ang Bulubunduking Ural ang ginawang
palatandaan at hangganan ng dalawang panig ng
daigdig.
12. Ang bahagi ng krus na nakaharap sa silangan ay
may nakasulat na Asia (salin sa Ingles ng Asya)
samantalang Europe (salin sa Ingles ng Europa)
naman ang nakasulat sa bahagi ng krus na
nakaharap sa kanluran.
Ang kontinente ay tumutukoy sa pinakamalaking
paghahati ng lupain sa mundo.
14. Isang manunulat
Sinuri niya ang tungkol sa
paggamit ng salitang oriente
o silangan.
Sinulat niya ang aklat na
Orientalism noong 1978.
Edward Said
15. Sinabi niya na “ang Asya at
ang kultura ng mga Asyano
ay minamalas at inilalarawan
ng mga Europeo sa paraang
nagpapalitaw ng pagiging
superyor ng kanilang lahi at
kultura.
.
Edward Said
16. Ayon kay Swami
Vivekananda mula sa India,
sa Asya nagmula ang lahat
ng bagay na may kaugnayan
sa relihiyon o paniniwala.
Ang asya ay “higante” ng
espiritwalidad sapagkat sa
Asya nagmula ang
karamihan sa malalaking
relihiyon sa daigdig.
.
Swami
Vivekananda
20. Una, ang mga Pilipino ay Asyano.
Ikalawa, ang Asya ay patuloy na nagpapakita ng
malakas at matatag na pagbabagong pampolitika,
pangkabuhayan at pangkultura.
Ikatlo, napakaraming mahalagang ambag ang Asya
sa kabihasnan ng daigdig.
25. Ang Asya ay may kabuuang
sukat na 17 212 000 milya
kwadrado o 44 579 000
kilometro kuwadrado.
1/3 bahagi ng kabuuang
lupain ng daigdig ang
kabuuang sukat ng Asya.
Binubuo ito ng 49 bansa
27. Isa sa paraan upang
matukoy ang lokasyon ng
isang kontinente ay sa
pamamagitan ng ng
pagtukoy sa tiyak na
kinaroroonan o absolutong
lokasyon.
ASYA
28. Longhitud - ang distansiyang anggular sa
silangan at kanluran ng prime meridian.
Latitud - ang distansiyang anggular sa hilaga
at timog ng ekwador.
Ekwador ay may zero-degree latitude. Ito ay
humahati sa globo sa Hilagang Hemispero at
Timog Hemispero.
29. Prime meridian – ang zero-degree latitude. Ito
ay humahati sa globo sa Kanlurang Hemispero
at Silangang Hemispero.
Tropiko ng Kanser – ay matatagpuan sa
pinakadulong latitud sa hilaga.
Tropiko ng Kaprikorniyo – ay matatagpuan
sa pinakadulong latitud sa timog.
30. Parallel - ang tawag sa
mga guhit sa mapa at
globo na pahalang at
kahanay ng ekwador.
31. Meridian - ang tawag
sa mga guhit sa kalinya
ng prime meridian.
32. Ang Asya ay napaliligiran ng
Karagatang Arktiko sa hilaga; ng
Karagatang Pasipiko sa silangan; ng
mga Dagat Pula, Dagat Mediteraneo,
Dagat Itim, Dagat Caspian, at Ilog
Ural sa kanluran; at Karagatang
Indian sa timog.
33. Limang Rehiyon ng Asya
1. Asya Sentral
2. Kanlurang Asya
3. Timog Asya
4. Timog-Silangang Asya
5. Silangang Asya
34. Sa Asya nararanasan lahat ng uri ng
klima dahil sa lawak nito.
Lahat ng uri ng anyong lupa at
anyong tubig ay matatagpuan sa
Asya.