Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Aralin sa Filipino

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Aralin-5.pptx
Aralin-5.pptx
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 35 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Ähnlich wie Aralin sa Filipino (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Aralin sa Filipino

  1. 1. Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng Ilocos Sur Bantay, Ilocos Sur Filipino 7 Unang Markahan( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao) Aralin 1.3 Epiko ni Prinsipe Bantugan
  2. 2. Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay aatasang iguhit sa cartolina ang paborito nilang superhero. Isang kinatawan mula sa pangkat ang magpapaliwanag ng kanilang ginawa.
  3. 3. Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at dikapani- paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila- gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
  4. 4. Dugtungang Pagbasa: Prinsipe Bantugan (Epiko ng Mindanao) Ikatlong Salaysay ng Darangan
  5. 5. Unang Pangkat Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.
  6. 6. Ikalawang Pangkat Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saan-saan, si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
  7. 7. Ikatlong Pangkat Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
  8. 8. Ikaapat na Pangkat Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali.
  9. 9. Ikalimang Pangkat Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran. Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.
  10. 10. Lahat ng Pangkat Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
  11. 11. mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang.Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaeng pinakasalan.
  12. 12. Pangkatang Gawain: Tableau ng Pangyayari Gumawa ng tableau ng mga pangyayari mula sa epikong binasa. Habang naka-freeze kunan ito ng larawan at gawan ng pelikula ng mga larawan.Ipakita ito sa klase.
  13. 13. (F7PN-Id-e-3 Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang pananalita) Gawain: Ipakilala ang mga tauhan batay sa mga salitang inutal ng mga pangunahing tauhan sa nabasang epiko. Ilahad ang kanilang mga pahayag sa akda.
  14. 14. (F7PT-Id-e-3 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda ) Ano ang isinisimbolo o iniriripresenta sa lipunan ang mga sumusunod na salita o tauhan na nabasa sa akda? Palasyo Puso Haring Madali Loro Kaharian espada
  15. 15. Salungguhitan ang salitang nasa loob ng panaklong na hindi kabilang sa kahulugan ng salitang naka- italisado sa loob ng pangungusap. 1. Walang sinuman ang nangahas na makaaway si Bantugan. (sumubok,naglakas-loob, umatras) Gamitin sa pangungusap:______________________ 2. Isinangguni nila sa Hari ang pagkamatay ni Bantugan. (Inilapit, Itinago,Ibinalita) Gamitin sa pangungusap:___________________________
  16. 16. 3. Pinakasalan ni Bantugan ang kanyang mga katipan sa wakas ng epiko.(karibal, kasintahan, nobya) Gamitin sa pangungusap:______________________ 4. Nakipaghamok siya nang kagila-gilalas sa kanyang mga kaaway. (Nakipaglaban, Nakiusap, Nakipagtunggali) Gamitin sa pangungusap:______________________ 5. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan. (Yumuko, Pumaibabaw, Lumipad) Gamitin sa pangungusap:______________________
  17. 17. Gramatika: Suriin ang mga salitang naka-italisado sa bawat pangungusap. Ano ang nagiging gamit ng mga salitang ito sa loob ng pangungusap? 1. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. 2. Dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. 3. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay na si Bantugan.
  18. 18. 4. Si Bantugan ay namatay dulot ng matinding gutom at kalungkutan. 5. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring Madali epekto ng matinding inggit.
  19. 19. Ang mga salitang dahil sa, dulot ng, sapagkat, epekto ng, bunga ng, dahilan sa, mangyari, at iba pa ay mga salitang pang- ugnay ng dalawang sugnay na nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga.
  20. 20. Dugtungan ang pahayag ng angkop na parirala o pangungusap upang mabuo ang diwa. 1. Si Alex ang naging Top 1 ng klase dahil sa _____________________________________. 2. Bumaha sa buong Metro Manila dulot ng _____________________________________. 3. Ako ang napagbintangan dahil sa _____________________________________. 4. Mabuti akong tao sapagkat _____________________________________. 5. Mananalo ako sa timpalak kasi __________________________________________.
  21. 21. (F7EP-Id-e-3 Nagsasagawa ng panayam sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ) Pangkatang Gawain: Ibigay ang mga sanhi at bunga ng mga sumusunod na kalagayan na namamasdan natin sa pang- araw-araw na buhay. Mag-atas ng kasapi sa pangkat na ilahad ang mga napag-usapan. Gamitin ang mga salitang pang-ugnay na ginagamit ng relasyong sanhi at bunga.Kapanayamin ang mga taong may malawak na kaalaman sa mga nakaatang na paksa sa inyong pangkat.
  22. 22. Sakit sa Balat Polusyon sa Lupa Polusyon sa Hangin Polusyon sa Tubig Pagbabago ng Klima(Climate Change)
  23. 23. (F7PB-Id-e-3 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari) Gawain: Maglahad ng sampung pangyayari sa akdang binasa at ilahad ang sanhi at bunga nito. Gamitin ang mga salitang pang- ugnay na ginagamit ng relasyong sanhi at bunga.
  24. 24. Gawain:Sumulat ng limang pangungusap na nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga. Salungguhitan ng isang beses ang sanhi at dalawang beses naman ang bunga. Bilugan ang ginamit na pang-ugnay.
  25. 25. Talakayan: Magsagawa ng malayang talakayan sa klase gamit ang sumusunod na mga tanong: Mga Tanong: 1. Ano-ano ang katangian ni Bantugan? 2. Bakit nakatakdang parusahan ng kamatayan si Bantugan? 3. Ano ang dahilan ng pag-alis ni Bantugan sa palasyo? 4. Paano muling nabuhay si Bantugan? 5. Isalaysay ang naging pakikipaglaban at tagumpay ni Bantugan kay Haring Miskoyaw.
  26. 26. (F7PT-Id-e-3 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda ) (F7PD-Id-e-3 Naipahahayag ang sariling pakahulugan sa kahalagahan ng mga tauhan sa napanood na pelikula na may temang katulad ng akdang tinalakay )
  27. 27. Pangkatang Gawain: Pangkat 1: Gumuhit ng limang bagay na sumisimbolo sa katapangan. Pangkat 2: Sumulat ng tatlong mga tauhan mula sa mga palabas/pelikula na inyo nang napanood na maaari ninyong iugnay kay Bantugan at ano ang kahalagahan ng mga tauhan sa palabras/pelikula. Pangkat 3: Bumuo ng isang script mula sa salaysay ng Epiko ni Bantugan. Pangkat 4: Gumawa ng sariling wakas ng Epiko ni Bantugan.
  28. 28. Pagpapanood ng halimbawa ng Informance https://www.youtube .com/watch?v=M8oIGWWkiDU
  29. 29. Pagtalakay sa Kaisipan ng Informance Ang salitang Informance ay binubuo ng dalawang salitang information at performance. Upang magawa ito, kinakailangan mong magsagawa ng research may kinalaman sa bagay na iyong papaksain at matapos makakuha ng sapat ng impromasyon ay ipapakita mo ito o ipeperform. https://brainly.ph/question/475228#readmore A performance intended to be both educational and entertaining; especially a musical concert which includes an informative talk about the piece or instruments being played.https://en.oxforddictionaries.com/definition/informance
  30. 30. Halimbawa ng Iskrip ng Informnace Scene 1: Pinapakita ang kahariang Bumbarian at sina Prinsipe Bantugan @ Hari Madali. Narrator: Sa kahariang Bumbarian ay may magkapatid na si Prinsipe Bantugan @ Hari Madali. Si Prinsipe Bantugan ay higit na hinahangaan ng mga kababaihan sa kanilang palasyo kasya sa kay Haring Madali. Dahil sa tinataglay nitong kakisigan at kahusayan sa pagdidigma. (MagpapaGwapo si Prinsipe Bantugan dito, o magpapakita na malakas siya at gwapo. At magpapakita ng konting pagkainggit ang kanyang kapatid na Hari sa kanya.)
  31. 31. Scene 2: Pinapapatay ng Hari ang mga makikitang babae makikipagusap sa Prinsipe @ sa takot ng Prinsipe, minabuti na umalis nalang siya ng kaharian. Narrator: Dahil dito, labis na kinaiinggitan ng Hari ang kanyang kapatid na Prinsipe, at ipinag-utos pa na patayin ang sinumang babaing mahuhuling makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan. Hari Madali: Oh siya! Ayoko makakita ng ni-isa na dalaga na makikipagusap sa aking kapatid! Ang mahuli niyo na nakikipagusap sa kanya na dalaga ay siyang patayin niyo agad!(Tumuturo ang Hari palabas ng palasyo sa mga kawal habang sinasabi ang utos na galit. *dahil sa onti lang tayo,ipapakita nalang nung gaganap na hari na ang mga kawal nya ay ung AUDIENCE, haharap siya sa audience at sa kanila niya sasabihin ung linya.)
  32. 32. Narrator: Mula sa malapit ay narinig ni Prinsipe Bantugan ang utos ng Hari, at agad-agad siya na nagisip ng paraan. Prinsipe Bantugan: Hindi ito maari! Wala akong magagawa kung ‘yon ang utos ng aking kapatid! Dapat na akong umalis dito sa alangala ng mga chikabeybs ko!!!!! (umalis)
  33. 33. .(F7PU-Id-e-3 Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing tauhan sa epiko ) Pagsulat: Bumuo ng iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng mga tauhan sa epikong binasa
  34. 34. (F7PS-Id-e-3 Naitatanghal ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri nito ) Pangkatang Gawain: Mula sa mga indibidwal na iskrip na sinulat, pumili ng isang iskrip na ayon sa panlasa niyo ay pinakamaganda. Isadula sa ang iskrip na ito sa anyo ng Informance.Maaaring gumamit ng mga props at mga kasuotan para sa mas malinaw na pagganap sa bawat tauhan.Itanghal sa Klase.
  35. 35. Inihanda ni: RONALD P. DOMINNO Grade 7 DLL Writer Head Teacher III (Salcedo NHS)

×