SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 16
tabskr
Alegorya ng Yungib:
Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang tao
na matatagpuan sa loob ng kweba na nakatali at
nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay
may apoy at ang tanging nakikita niya ay ang mga anino
ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita niya
ang katotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan na
siya ay makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng
kweba.
Mensahe:
Ano nga ba ang nais iparating ni Plato sa kanyang sanaysay na "Alegorya
ng Yungib"? Nais ipabatid ni Plato na ang karunungan ay matatamo lamang
kung sisikapin ng tao na pangatwiranan ang mga konsepto ng mga bagay
bagay na nasa ating isipan mula ng tayo ay ipanganak dito sa mundo. Tulad
ng tao sa loob ng yungib, kinakailangan na tayo ay kumawala sa
pagkakagapos at tuluyan ng lumaya mula sa kwebang ating kinaroroonan.
Sa ganitong paraan, malalaman natin ang katotohanan sa kabila ng mga
anino na nakikita natin mula sa labas ng kweba. upang maunawaan ang
mensaheng ito, kinakailangan na maunawaan natin ang kanyang konsepto
ng rasyonalismo.
Kahalagahan:
Bakit isinulat ni Plato ang sanaysay na "Alegorya ng Yungib?" Sa pagnanais ni
Plato na maunawaan ng tao ang kahalagahan ng pagkatuto at karunungan, ginamit
niya ang sanaysay na ito upang ihalintulad ang mga tao sa tao sa yungib na pilit na
kumakawala upang makita ang realidad sa labas ng yungib. Nais niya na makita ng
mga tao ang kaibahan ng mga anino na nakikita ng taong sa yungib sa loob na
nagmumula sa labas at ng mga totoong bagay sa labas ng yungib na lumilikha ng
mga anino sa pamamagitan ng apoy na nagsisilbing liwanag para sa taong nasa
loob ng yungib. Sapagkat ito ay isang alegorya, hayaan ninyo na isa - isahin ko ang
mga simbolismong ginamit ni Plato.
Simbolismo:
Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi ng mundo
na humahadlang sa tao para makita ang realidad o ang katotohanan. Ang
tao sa yungib ay kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo. Ang apoy sa
likuran ng tao sa yungib na nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang
mga karunungang natatamo ng tao dito sa mundo. Dahil sa mga
karunungang ito, nakikita ng tao ang mga bagay sa mundo ngunit hindi ang
kanilang kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong sa loob ng
yungib. Sa oras na sila ay kumawala sa pagkakagapos at lumabas sa yungib,
dito pa lang nila matatamasa ang kabuuan ng karunungang natamo.
Depinisyon:
Ang rasyonalismo ay sangay ng pilosopiya na nagsasabing ang
pangangatwiran ang siyang pinagmumulan at basehan ng
karunungan. Ayon kay Plato, kinakailangan na magkaroon ang tao
ng basehan ng kanyang karunungan at ito ay matatamo lamang
sa pamamgitan ng paglabas sa yungib na kanyang kinaroroonan.
Patunay lamang na ang personal na karanasan ay mahalaga
sapagkat ito ang matibay na batayan ng pagkatuto higit sa
karunungan na natamo sa pagbabasa at pagmumuni muni
lamang.
Alegorya ng Yungib
Ang Alegorya ng Yungib ay isang kwento kung saan ang mga tauhan,
tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong
kahulugan. Tayong mga tao sa mundo ay kagaya ng isang tao na nasa
loob ng isang yungib o kuweba habang naka-tanikala at nakaharap sa
dingding.
Si Plato na isang iskolar, pilosopo at awtor ang may-akda ng Alegorya
ng Yungib. At pagkatapos ay may apoy sa ating likuran at ang tanging
nakikita lamang natin ay ang mga anino ng mga bagay sa labas ng
kuweba. Ito ang magiging dahilan ng pangangailanganing humulagpos
sa tanikala at lumabas ng kuweba para lang makita ang katotohanan
tungkol sa mga bagay-bagay.
Sa katunayan, ang mga larawang itong ibinuod ng
rasyonalismo ni Plato kaya ito ay tinagurian niyang “Alegorya
ng Yungib” Ayon pa kay Plato , ang totoong pag-iral ay nasa
‘Mundo ng mga Ideya.’ Malawak ang kaniyang pananaw,
kadalasan na hindi ito naaayon sa kung ano ang inaasahan at
tinatanggap ng karamihan. Matagal pa bago ito nagiging
praktikal sa karunungan ng tao. Kaya naman
napakaimpluwensya niya sa lipunan ngayon.
Ang Kapanganakan
At ang mga konsepto ng mga bagay-bagay ay naroroon
na sa isipan na natin mula kapanganakan.
Kakailanganin lang gamitin ang ating pangangatwiran o
pagka-rasyonal para sila ay matuklasan. Taliwas man sa
mga turo ni Aristotle, si Plato ay nagbukas pinto sa
pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin
lampas sa realidad na ating nakikita.
Ang ganitong mga alegorya ay maaaring magpahayag
ng:
ideyang abstract
mabubuting kaugalian
tauhan
pangyayaring makasaysayan
panrelihiyon
panlipunan
platonic love
Para sa kaalaman ng lahat, ang alegorya ay dapat binabasa sa
dalawang pamamamaraan. Ito ay ang literal at simboliko o
masagisag.
Ang alegorya ay naisulat o nilikha para magturo ng mabuting
asal sa mga tao o magbigay ito ng mga komento tungkol sa
kabutihan o kasamaan. Ang paksa ng sanaysay na Alegorya
ng Yungib ay nagpaliwanag na mayroong pagkakaugnay ng
kapaligiran sa karunungang tinataglay ng mga tao at ano ang
pagkakaiba nito sa sariling kaisipan.
Ang Aral
Tinawag na bilanggo ni Plato ang mga tauhan dahil di sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang ulo at ang
mga binti at leeg nila'y nakakatanikala. May mga bagay din
na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ang
anino.
Sa kwento, ang mahalagang natutunan ng bilanggo mula sa
pagtingin sa liwanag ay harapin ang masakit na katotohanan
ng realidad.
Natutuhan nitong bilanggo na tumuklas ng mga
bago sa kanyang paningin.
Naging uhaw siya sa kaalaman nang lumabas ang
bilanggo sa Yungib at dapat di agad naniniwala sa
mga nakikita ng ating mata dahil ang laging mas
maganda ay ang alamin muna ang katotohanan at
huwag matatakot sa ano mangyayari sa resulta o
paglabas.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteThor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
EmelynInguito1
 
Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo
Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismoSimbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo
Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo
Leinoj Lopez
 
Aralin 2 pag- ibig sa tinubuang lupa
Aralin 2  pag- ibig sa tinubuang lupaAralin 2  pag- ibig sa tinubuang lupa
Aralin 2 pag- ibig sa tinubuang lupa
dindoOjeda
 
Noli Kabanata 4 erehe at filibustero
Noli Kabanata 4   erehe at filibusteroNoli Kabanata 4   erehe at filibustero
Noli Kabanata 4 erehe at filibustero
Hularjervis
 

Was ist angesagt? (20)

Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteThor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 
ESP Grade 10, Modules 9 and 10
ESP Grade 10, Modules 9 and 10ESP Grade 10, Modules 9 and 10
ESP Grade 10, Modules 9 and 10
 
Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2
 
Ang ningning at ang liwanag
Ang ningning at ang liwanagAng ningning at ang liwanag
Ang ningning at ang liwanag
 
Filipino 10 lm q3
Filipino 10 lm q3Filipino 10 lm q3
Filipino 10 lm q3
 
ppt.pptx
ppt.pptxppt.pptx
ppt.pptx
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo
Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismoSimbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo
Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo
 
Aralin 2 pag- ibig sa tinubuang lupa
Aralin 2  pag- ibig sa tinubuang lupaAralin 2  pag- ibig sa tinubuang lupa
Aralin 2 pag- ibig sa tinubuang lupa
 
Alegorya ng yungib
Alegorya ng yungib Alegorya ng yungib
Alegorya ng yungib
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Ang Yungib ng alegorya
Ang Yungib ng alegoryaAng Yungib ng alegorya
Ang Yungib ng alegorya
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Noli Kabanata 4 erehe at filibustero
Noli Kabanata 4   erehe at filibusteroNoli Kabanata 4   erehe at filibustero
Noli Kabanata 4 erehe at filibustero
 
Alegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxAlegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptx
 
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)
 
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
 

Ähnlich wie ALEGORYA-FIL-10.pptx (11)

Alegorya_ng_Yungib.docx
Alegorya_ng_Yungib.docxAlegorya_ng_Yungib.docx
Alegorya_ng_Yungib.docx
 
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuriAlegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuri
 
The allegory of the cave 1
The allegory of the cave 1The allegory of the cave 1
The allegory of the cave 1
 
SCCS 2013 TOP FOUR SYNTHESIS PAPERS: SUMMARY
SCCS 2013 TOP FOUR SYNTHESIS PAPERS: SUMMARYSCCS 2013 TOP FOUR SYNTHESIS PAPERS: SUMMARY
SCCS 2013 TOP FOUR SYNTHESIS PAPERS: SUMMARY
 
Alegorya ng yungib
Alegorya ng yungibAlegorya ng yungib
Alegorya ng yungib
 
Alegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxAlegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptx
 
ANG_ALEGORYA_NG_YUNGIB.pptx
ANG_ALEGORYA_NG_YUNGIB.pptxANG_ALEGORYA_NG_YUNGIB.pptx
ANG_ALEGORYA_NG_YUNGIB.pptx
 
Ang Poetika
Ang PoetikaAng Poetika
Ang Poetika
 
Alegorya ng Yungib - Filipino 10.pptx
Alegorya ng Yungib - Filipino 10.pptxAlegorya ng Yungib - Filipino 10.pptx
Alegorya ng Yungib - Filipino 10.pptx
 
Alegorya ng Yungib
Alegorya ng YungibAlegorya ng Yungib
Alegorya ng Yungib
 
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATOANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
 

ALEGORYA-FIL-10.pptx

  • 2.
  • 3.
  • 4.
  • 5. Alegorya ng Yungib: Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang tao na matatagpuan sa loob ng kweba na nakatali at nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay may apoy at ang tanging nakikita niya ay ang mga anino ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita niya ang katotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan na siya ay makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng kweba.
  • 6. Mensahe: Ano nga ba ang nais iparating ni Plato sa kanyang sanaysay na "Alegorya ng Yungib"? Nais ipabatid ni Plato na ang karunungan ay matatamo lamang kung sisikapin ng tao na pangatwiranan ang mga konsepto ng mga bagay bagay na nasa ating isipan mula ng tayo ay ipanganak dito sa mundo. Tulad ng tao sa loob ng yungib, kinakailangan na tayo ay kumawala sa pagkakagapos at tuluyan ng lumaya mula sa kwebang ating kinaroroonan. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang katotohanan sa kabila ng mga anino na nakikita natin mula sa labas ng kweba. upang maunawaan ang mensaheng ito, kinakailangan na maunawaan natin ang kanyang konsepto ng rasyonalismo.
  • 7. Kahalagahan: Bakit isinulat ni Plato ang sanaysay na "Alegorya ng Yungib?" Sa pagnanais ni Plato na maunawaan ng tao ang kahalagahan ng pagkatuto at karunungan, ginamit niya ang sanaysay na ito upang ihalintulad ang mga tao sa tao sa yungib na pilit na kumakawala upang makita ang realidad sa labas ng yungib. Nais niya na makita ng mga tao ang kaibahan ng mga anino na nakikita ng taong sa yungib sa loob na nagmumula sa labas at ng mga totoong bagay sa labas ng yungib na lumilikha ng mga anino sa pamamagitan ng apoy na nagsisilbing liwanag para sa taong nasa loob ng yungib. Sapagkat ito ay isang alegorya, hayaan ninyo na isa - isahin ko ang mga simbolismong ginamit ni Plato.
  • 8. Simbolismo: Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi ng mundo na humahadlang sa tao para makita ang realidad o ang katotohanan. Ang tao sa yungib ay kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo. Ang apoy sa likuran ng tao sa yungib na nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang mga karunungang natatamo ng tao dito sa mundo. Dahil sa mga karunungang ito, nakikita ng tao ang mga bagay sa mundo ngunit hindi ang kanilang kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong sa loob ng yungib. Sa oras na sila ay kumawala sa pagkakagapos at lumabas sa yungib, dito pa lang nila matatamasa ang kabuuan ng karunungang natamo.
  • 9. Depinisyon: Ang rasyonalismo ay sangay ng pilosopiya na nagsasabing ang pangangatwiran ang siyang pinagmumulan at basehan ng karunungan. Ayon kay Plato, kinakailangan na magkaroon ang tao ng basehan ng kanyang karunungan at ito ay matatamo lamang sa pamamgitan ng paglabas sa yungib na kanyang kinaroroonan. Patunay lamang na ang personal na karanasan ay mahalaga sapagkat ito ang matibay na batayan ng pagkatuto higit sa karunungan na natamo sa pagbabasa at pagmumuni muni lamang.
  • 10. Alegorya ng Yungib Ang Alegorya ng Yungib ay isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. Tayong mga tao sa mundo ay kagaya ng isang tao na nasa loob ng isang yungib o kuweba habang naka-tanikala at nakaharap sa dingding. Si Plato na isang iskolar, pilosopo at awtor ang may-akda ng Alegorya ng Yungib. At pagkatapos ay may apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita lamang natin ay ang mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. Ito ang magiging dahilan ng pangangailanganing humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba para lang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay-bagay.
  • 11. Sa katunayan, ang mga larawang itong ibinuod ng rasyonalismo ni Plato kaya ito ay tinagurian niyang “Alegorya ng Yungib” Ayon pa kay Plato , ang totoong pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Malawak ang kaniyang pananaw, kadalasan na hindi ito naaayon sa kung ano ang inaasahan at tinatanggap ng karamihan. Matagal pa bago ito nagiging praktikal sa karunungan ng tao. Kaya naman napakaimpluwensya niya sa lipunan ngayon.
  • 12. Ang Kapanganakan At ang mga konsepto ng mga bagay-bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lang gamitin ang ating pangangatwiran o pagka-rasyonal para sila ay matuklasan. Taliwas man sa mga turo ni Aristotle, si Plato ay nagbukas pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.
  • 13. Ang ganitong mga alegorya ay maaaring magpahayag ng: ideyang abstract mabubuting kaugalian tauhan pangyayaring makasaysayan panrelihiyon panlipunan platonic love
  • 14. Para sa kaalaman ng lahat, ang alegorya ay dapat binabasa sa dalawang pamamamaraan. Ito ay ang literal at simboliko o masagisag. Ang alegorya ay naisulat o nilikha para magturo ng mabuting asal sa mga tao o magbigay ito ng mga komento tungkol sa kabutihan o kasamaan. Ang paksa ng sanaysay na Alegorya ng Yungib ay nagpaliwanag na mayroong pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng mga tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan.
  • 15. Ang Aral Tinawag na bilanggo ni Plato ang mga tauhan dahil di sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang ulo at ang mga binti at leeg nila'y nakakatanikala. May mga bagay din na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ang anino. Sa kwento, ang mahalagang natutunan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag ay harapin ang masakit na katotohanan ng realidad.
  • 16. Natutuhan nitong bilanggo na tumuklas ng mga bago sa kanyang paningin. Naging uhaw siya sa kaalaman nang lumabas ang bilanggo sa Yungib at dapat di agad naniniwala sa mga nakikita ng ating mata dahil ang laging mas maganda ay ang alamin muna ang katotohanan at huwag matatakot sa ano mangyayari sa resulta o paglabas.