SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 120
PARISH OF ST. RAPHAEL THE 
ARCHANGEL 
Basud, Camarines Norte 
SEMINAR SA SAKRAMENTO NG 
KUMPIL 
Prepared by Bro. Joemer V. Aragon 
Catechetical Ministry 
St. Raphael the Archangel Parish 
Basud , Camarines Norte
WELCOME
Binabago nya ako araw-araw 
(4X)Ngayon, bukas at kailanman pag-ibig 
nya ay laging wagas 
Love, love, love tayo’y magmahalan 
L ove, love, love tayo’y mag-awitan 
Love, love, love tayo ay binabago nya 
Binabago nya ako araw-araw (4X) 
Ngayon, bukas at 
kailanman kailanman pag-ibig nya ay 
laging wagas 
Love, love, love tayo’y maglundagan 
Love, love, love tayo’y magkamayan 
Love, love, love tayo ay binago niya
"Pagkagising sa Umaga, Hesus ikaw 
ang nasa isip at ang buong katawan 
koy, punong puno ng pag ibig. 
katawan koy napapa indak, ang puso 
ko'y umaawit. Ang mga paa ay 
sumasayaw sa tugtuging makalangit. 
Baywang ko'y kumekembot paa ko'y 
umiindak, mga kamay kumakaway, 
nagpupuring buong sigla, 
lumulundag pa sa tuwa. Sumasayaw 
kumakanta. Iyan ang alay ko sa iyo 
aking ama." (Repeat it again)
OPENING LITURGY 
A. INTRODUCTION: BILANG PASIMULA HINGIN NATIN 
ANG PATNUBAY NG BANAL NA ESPIRITU UPANG 
MAGING MAKABULUHAN AT MABUNGA ANG 
SEMINAR NA ITO 
1. OPENING SONG: 
LIWANAG NG AMING PUSO 
LIWANAG NG AMING PUSO 
SA AMI’Y MANAHAN KA 
ANG INIT NG ‘YONG BIYAYA 
SA AMIN IPADAMA
PATNUBAY NG MAHIHIRAP 
O AMING PAG-ASA’T GABAY 
SA AMING SAYA AT HAPIS 
TANGLAW KANG KAAYA-AYA.
PARISH OF ST. RAPHAEL THE 
ARCHANGEL 
Basud, Camarines Norte 
SEMINAR SA SAKRAMENTO NG 
KUMPIL 
Prepared by Bro. Joemer V. Aragon 
Catechetical Ministry 
St. Raphael the Archangel Parish 
Basud , Camarines Norte
WELCOME
2. OPENING PRAYER 
O DIYOS TUNAY NA LIWANAG, LUMIKHA 
AT NAGBIGAY NG LIWANAG NA 
WALANG HANGGAN, TANGLAWAN MO 
ANG IYONG MGA LINGKOD NA UMAASA 
SA YO. KAMI NAWA’Y PANGUNAHAN AT 
GABAYAN SA LAHAT NG AMING MGA 
GAGAWIN UPANG ANG SEMINAR NA ITO 
AY MAGING MABUNGA AT 
MAKABULUHAN PARA SA AMING 
LAHAT. ITO ANG AMING PANALANGIN 
SA PANGALAN NI HESUKRISTONG 
AMING PANGINOON. AMEN.
3. PAGBASA NG MABUTING BALITA-Juan 
20:21-22 
sinabi ni Hesus “Sumainyo 
ang Panginoon! Kung 
paanong sinugo ako ng Ama, 
gayundin naman, isinusugo ko 
kayo - Pagkatapos, sila"y 
hiningahan niya at sinabi - 
tanggapin ninyo ang Espiritu 
Santo".
4. TAHIMIK NA PAGNINILAY 
5. PANALANGIN SA ESPIRITU SANTO: 
BANAL NA ESPIRITU, 
BUKSAN MO ANG AMING MGA PUSO UPANG 
MADAMA NAMIN ANG KAGANDAHANG LOOB 
NA HANDOG NG DIYOS SA AMING BUHAY. AT 
NANG SA ARAW NA ITO NG AMING 
PAKIKIPAGTAGPO SA ‘YO AY LUBOS KAMING 
MAKAPAGPASALAMAT SA LAHAT NG BIYAYA 
NA AMING TINANGGAP
• BANAL NA ESPIRITU 
BUKSAN MO ANG AMING MGA ISIP 
UPANG KAMI AY MAGKAROON NG 
KAKAYAHAN NA UNAWAIN AT 
TANGGAPIN ANG MGA SALITA NG 
DIYOS NA AMING MARIRINIG AT 
MATATANGGAP
• BANAL NA ESPIRITU, 
BUKSAN MO ANG AMING MGA 
PALAD UPANG ANG LAHAT NA 
AMING MATATANGGAP SA ARAW NA 
ITO AY BUKAS PALAD DIN NAMING 
MAIBAHAGI SA AMING PAMILYA, 
KAIBIGAN AT SA KOMUNIDAD NA 
AMING KINABIBILANGAN.
• HALINA BANAL NA ESPIRITU, HALINA’T 
MANAHAN KA SA AMIN, HALINA’T 
PANGUNAHAN MO KAMI SA AMING 
PAKIKINIG, PAGNINILAY AT 
PANANALANGIN. HALINA’T TULUNGAN 
MO KAMING MAKATUGON SA 
KALOOBAN NG DIYOS AMA AT 
MAKASUNOD KAY KRISTONG AMING 
PANGINOON. AMEN 
6. CLOSING PRAYER – AMA NAMIN.
PARISH OF ST. RAPHAEL THE 
ARCHANGEL 
Basud, Camarines Norte 
SEMINAR SA SAKRAMENTO NG 
KUMPIL 
Inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon 
Parish School Head Catechist 
Parish Catechetical Ministry 
St. Raphael the Archangel Parish 
Basud , Camarines Norte
UNANG PAKSA: SACRAMENTS ( IN GENERAL ) 
Paano ninyo 
ipinapadama ang 
pagmamahal ninyo 
sa inyong mahal sa 
buhay?
ALAMIN NATIN NGAYON ANG SINASABI NG SALITA 
NG DIYOS. 
SALITA NG DIYOS: Juan 3:16 
Gayon na lamang ang pag-ibig ng 
Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay 
niya ang kanyang bugtong na anak 
upang ang sumampalataya sa kanya 
ay hindi mapahamak kundi upang 
magkaroon ng buhay na walang 
hanggan.
Sino ang ipinadala 
ng Diyos sa 
Sanlibutan? 
Bakit ipinadala ng 
Diyos ang kanyang 
Anak sa atin?
ANAK 
Upang magkaroon ng buhay ng walang 
hanggan,
Ipinadala ng AMA ang 
kanyang ANAK na si Kristo 
bilang tanda ng kanyang 
pagmamahal, itinatag 
naman ni Kristo ang 
Simbahan at sa simbahan 
ipinagdiriwang ang mga 
Sakramento
AMA 
KRISTO 
SIMBAHAN 
7 SAKRAMENTO
“Ito nga ang kalooban ng 
aking Ama, na ang lahat ng 
makakita sa Anak at 
sumampalataya sa kanya ay 
magkamit ng buhay na 
walang hanggan at 
bubuhayin ko siya muli sa 
huling araw” Jn. 6:40
Si Kristo ang 
ibinigay ng Ama 
upang maging 
daan 
katotohanan at 
buhay ng tao
Paano makakamit 
ng tao ang buhay 
ng Diyos o grasyang 
nagpapabanal sa 
pamamagitan ng 
Anak?
Nagtatag si Kristo 
ng Pitong 
Sakramento bilang 
mga bukal ng 
grasyang 
nagpapabanal.
Ipinagpapatuloy ni 
Kristo ang kanyang 
pamumuhay sa ating 
piling sa 
pamamagitan ng 
mga SAMRAMENTO.
Kung paanong ginamit ni 
Kristo noong una ang 
kanyang katawan sa 
paggawa ng mabuti, 
gayon din naman 
ginagamit ngayon ang 
sakramento sa 
paggawad ng biyaya sa 
mga kaluluwa.
Ano ang Sakramento? 
• GALING ITO SA DALAWANG 
SALITANG LATIN: 
“SACRA” – IBIG SABIHIN AY 
BANAL 
“MENTO”- IBIG SABIHIN AY 
TANDA 
Ito ay banal na tanda na 
itinatag ni Kristo upang
Bakit itinatag ni kristo ang mga sakramento? 
 Itinatag ni kristo ang pitong 
sakramento upang maging ito’y 
maging bukal ng grasyang 
nagpapabanal, na kung saan 
ipinagpapatuloy ni Kristo ang 
kanyang pamumuhay sa ating 
piling sa pamamagitan ng mga 
sakramento.
• 
AT DAHIL SI KRISTO ANG NAKAKA-TAGPO 
SA PAGTANGGAP NG BAWAT 
SAKRAMENTO, ITO AY TANDA NA SI 
KRISTO AY : 
 PATULOY NA NASA SIMBAHAN AT 
 PATULOY NA NAGLILIGTAS SA MGA 
KASAPI NITO NA WALANG IBA 
KUNDI 
TAYONG LAHAT.
•PAANO NAUUGNAY ANG MGA 
SAKRAMENTO SA KARANIWANG 
BUHAY NG TAO? 
•SA BAWA’T YUGTO NG BUHAY NG TAO AY 
NAROON SI KRISTO SA MGA 
SAKRAMENTO AT NAG-AANYAYA NA 
TANGGAPIN SIYA.
YUGTO NG BUHAY MGA SAKRAMENTO 
PAGSILANG BINYAG – 
TUMUTUGON SA KAPANGANAKAN 
NG TAO. ISINISILANG TAYO SA 
PAMILYA NG DIYOS. 
PAGKAIN PARA 
MABUHAY 
BANAL NA EUKARISTIYA – 
NAGBIBIGAY SA TAO NG PAGKAIN 
UPANG MANATILING BUHAY AT 
MAY HIGIT NA BUHAY SA 
PANGINOON.
PAGLAKI KUMPIL – 
TUMUTUGON SA 
PANGANGAILANGAN NG TAO 
NA MAGKAROON NG TANGING 
GAWAIN SA LIPUNANG 
KINABIBILANGAN. 
NAGPAPATIBAY SA ISANG 
KRISTIYANO UPANG MAGING 
SAKSI
PAGKAKASAKIT PAGPAPAHID NG BANAL NA 
LANGIS – NAGPAPATIBAY SA 
ISANG KRISTIYANO SA 
PAGLALAKBAY PATUNGO SA 
KABILANG BUHAY 
DI-PAGKAKAUNA 
WAAN 
PAGBABALIK-LOOB – 
SA PAMAMAGITAN NITO, ANG 
NASIRANG UGNAYAN SA DIYOS 
AT KAPWA AY NABABALIK.
PANANAGUTAN PAG-AASAWA O MATRIMONYO – 
NAGBIBIGAY SA SIMBAHAN NG 
BAGONG KASAPI 
PAGPAPARI O BANAL NA ORDEN – 
1. DIAKONO 
2. PARI 
3. OBISPO 
NAGBIBIGAY SA SAMBAYANANG 
KRISTIYANO NG LIDER NA 
MANGANGALAGA SA BAYAN.
PAGKAKAHATI – HATI NG MGA SAKRAMENTO: 
•SAKRAMENTO NG PAG-ANIB ( SACRAMENT OF INITIATION 
1. BINYAG 
2. KUMPIL 
3. BANAL NA EUKARISTIYA 
•SAKRAMENTO NG PAGPAPAGALING ( SACRAMENT OF 
HEALING ) 
1. PAGBABALIK-LOOB 
2. PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS 
•SAKRAMENTO NG PAGTATALAGA NG SARILI 
1. BANAL NA ORDEN 
2. MATRIMONYO
MGA SAKRAMENTONG MINSAN LANG 
TINATANGGAP : 
1.BINYAG 
2. KUMPIL 
3. BANAL NA ORDEN O PAGPAPARI 
• NAG-IIWAN NG WALANG HANGGANG 
TATAK SA TAO NA SILA AY KAY KRISTO
• SAKRAMENTONG INUULIT AYON SA 
PAGKAKATAON: 
1.MATRIMONYO – KUNG NABALO NA 
AT MULI PANG MAG-ASAWA . 
2.PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS 
– PARA SA NAPAHIRAN NA 
GUMALING AT MULING NAGKASAKIT 
3.BANAL NA EUKARISTIYA 
4.PAGBABALIK-LOOB.
Ilan ang 
Sakramento?
7 SAKRAMENTO 
BINYAG 
BANAL NA 
EUKARISTIYA 
PAGPAPAHID NG 
LANGIS SA MAY 
SAKIT 
KUMPIL 
KUMPISAL 
KASAL PAGPAPARI 
sakramento ng pag-anib 
sakramento ng pagpapagaling 
sakramento ng 
pagtatalaga ng 
sarili
Anu-ano ang tatlong pangunahing sangkap ng 
bawat sakramento? 
Ang tatlong pangunahing sangkap ng 
bawat sakramento ay mga: 
• 1. MINISTRO - ang 
tagapamahala ng sakramento. 
• 2. BAGAY - ang nakikitang 
bagay na ginagamit para sa 
sakramento. 
• 3. ANYO - mga salita na 
ginagamit sa pagdiriwang ng 
sakramento.
• Ang mga ito ay may "BISA" sapagkat 
nabibigyang bisa nila ang mga hindi nakikitang 
katotohanan na kanilang isinasagisag. Ang 
mga sakramento ay laging tunay ("ex opere 
operato"), dahil isinasagawa ito ng mga 
ministro sa katauhan ni Kristo ("in persona 
Christi"). 
• Ang mga ito ay nagbibigay ng mga "BIYAYA". 
Ang biyayang nagpapabanal ay ang 
pakikipagkaisa sa Diyos, na nawawala sa 
bawat sandaling tayo ay nagkakaroon ng 
kasalanang mortal. Ang biyayang sakramental 
ay ang banal na tulong na ibinibigay ng bawat 
sakramento upang maisagawa ang ating mga 
tungkulin.
MGA DAPAT ISAULO AT ISAPUSO NG ISANG 
• A. MGA PANGUNAHING PANALANGIN 
KUKUMPILAN: 
1.ANG TANDA NG KRUS 
2.AMA NAMIN 
3.ABA GINOONG MARIA 
4.LUWALHATI 
5.SUMASAMPALATAYA
B. ANG PITONG SAKRAMENTO 
1. BINYAG 
2. KUMPIL 
3. BANAL NA EUKARISTIYA 
4. KUMPaISAL O PAGBABALIK-LOOB 
5. PAGPAPAHID NG LANGIS SA 
MAYSAKIT 
6. PAGPAPARI O BANAL NA ORDEN 
7. MATRIMONYO
C. ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS 
1. IBIGIN MO ANG DIYOS NG HIGIT 
SA LAHAT. 
2. HUWAG MONG GAMITIN NG 
WALANG KATUTURAN ANG 
NGALAN NG DIYOS. (IGALANG 
MO ANG NGALAN NG DIYOS). 
3. MANGILIN KA KUNG LINGGO AT 
PISTANG PANGILIN
ANG SAMPUNG UTOS (IKA-4 HANGGANG IKA-10) 
4. IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA. 
5. HUWAG KANG PAPATAY. 
6. HUWAG KANG MAKIKIAPID. 
7. HUWAG KANG MAGNANAKAW 
8. HUWAG KANG SUMAKSI NG WALANG 
KATOTOHANAN LABAN SA IYONG KAPWA. 
9. HUWAG MONG PAGNASAAN ANG HINDI MO 
ASAWA 
10. HUWAG MONG PAGNASAAN ANG DI MO PAG-AARI
MGA DAPAT ISAULO AT ISAPUSO NG ISANG 
KUKUMPILAN 
• D. ANG LIMANG UTOS NG SIMBAHAN 
1. MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG MISA KUNG 
LINGGO AT PISTANG PANGILIN. 
2. MANGUMPISAL MINSAN MAN LAMANG SA ISANG 
TAON. TUMANGGAP NG BANAL NA KOMUNYON 
LALO NA SA PANAHON NG MULING PAGKABUHAY. 
3. MAG-AYUNO AT MANGILIN SA MGA ARAW NA 
ITINAKDA. 
4. MAG-ABULOY PARA SA PANGANGAILANGAN NG 
SIMBAHAN. 
5. MAGPAKASAL SA SIMBAHAN AYON SA BATAS
E. ANG PITONG KALOOB NG ESPIRITU 
SANTO: 
1. KARUNUNGAN (WISDOM) 
2. KAALAMAN (KNOWLEDGE) 
3. PAG-UNAWA (UNDERSTANDING) 
4. PAGPAPAYO ( GOOD COUNSEL) 
5. KABANALAN (PIETY) 
6. KATATAGAN (FORTITUDE) 
7. BANAL NA PAGKATAKOT SA DIYOS 
(HOLY FEAR OF GOD)
Ano ba ang 
Sakramento 
ng kumpil?
II. TALAKAYAN: 
1. Ano ang ginagawa ng mga 
alagad? 
- Nagkakatipon sa silid 
2. Ano ang kanilang narinig at 
nakita habang nagkakatipon 
sila sa silid na iyon? 
- Nakarinig sila ng hagunot 
ng malakas na hangin at 
may nakita silang waring 
dilang apoy na lumapag 
sa bawat isa.
Apoy at hangin dalawang 
simbolo ng Espiritu Santo
4. Ano ang nangyari ng 
mapuspos sila ng Espiritu 
Santo? 
–- NAKAPAGSALITA SILA 
SA IBA’T IBANG WIKA AT 
NAGKAROON NG LAKAS 
NG LOOB AT 
KAKAYAHAN NA 
IPAHAYAG ANG SALITA 
NG DIYOS.
Pentekostes- Ang Araw ng 
Pentecostes Araw ng 
pagdating ng Espiritu Santo  
Araw din ng pagsilang ng 
Simbahan 
Pentecostes (pente=50) – Isang 
malaking kapistahan ng mga 
Hudyo, 50 araw pagkatapos ng 
Paskuwa. 
Maraming mga tao sa 
Jerusalem, 
iba’t ibang wika.
• PAGBUBUO: 
–NANG SI HESUS AY NAMATAY, ANG 
KANYANG MGA ALAGAD AY NAGSIMULANG 
MAGKAHIWA-HIWALAY AT MAGTAGO 
–SUBALIT NANG SI HESUS AY MULING 
NABUHAY AT MAGPAKITA SA MGA 
ALAGAD, IPINANGAKO NIYA ANG BANAL 
NA ESPIRITU 
–KUNG KAYA’T SILAY NAGKATIPUN-TIPON 
SA ISANG SILID SA PAGHIHINTAY SA 
BANAL NA ESPIRITU. 
–KASABAY NG PAGHIHINTAY AY NAROON 
ANG TAKOT SA KANILANG MGA PUSO.
• NGUNIT MAY MAGANDANG 
NANGYARI SA KANILANG 
PAGTITIPON 
• TINANGGAP NILA ANG BANAL NA 
ESPIRITU NA 
NAG-ALIS NG KANILANG 
KAHINAAN, TAKOT AT PAG-AALINLANGAN 
AT 
NAGBIGAY SA KANILA NG LAKAS 
NG LOOB NA IPAHAYAG ANG 
KANILANG PANANAMPALATAYA 
KAY HESUS NANG WALANG TAKOT 
MAGING SA HARAP NG PANGANIB
• 1. KATULAD NG MGA ALAGAD NI HESUS, 
MAY PAGKAKATAON BA SA IYONG BUHAY 
NANAKADAMA KAYO NG TAKOT O 
PANGHIHINA? BAKIT? 
• 2. ANO ANG IYONG GINAWA PARA 
PAGLABANAN ANG IYONG TAKOT O 
KAHINAAN?
• SUMMING –UP: 
– KATULAD NG MGA ALAGAD, MAY MGA 
PAGKAKATAON DIN SA ATING BUHAY NA TAYO 
AY NANGHIHINA, NATATAKOT, NAWAWALAN NG 
PAG-ASA O NAHIHIRAPAN 
– SA MGA PANAHONG NARARAMDAMAN NATIN 
ITO, NAIS NATING MERON TAYONG MGA 
KASAMA TULAD NG MGA KAIBIGAN, BARKADA 
O ANG ATING KAPAMILYA MISMO. 
– NGUNIT HIGIT PA SA ATING MGA KAIBIGAN 
AY MAYROONG ISANG TUNAY N A NAGBIBIGAY 
NG LAKAS NA SIYANG TUMUTULONG SA ATIN 
SA PANAHON NG ATING MGA KAHINAAN
–Ito ay ang Banal na Espiritu. 
–Siya rin ang nagbigay ng lakas ng 
loob sa mga alagad at sa mga unang 
Kristiyano. 
–Tinanggap natin ang banal na 
espiritu sa sakramento ng binyag sa 
panahong tayo ay nasa murang 
gulang pa lamang. Noong bata pa 
tayo kaya hindi pa natin lubos na 
nauunawaan ang biyayang dulot nito.
–NGUNIT TAYO AY LUMALAKI AT 
LUMALAGO, AT KAALINSABAY NG 
PAGLAGO NATIN BILANG TAO AY 
ANG PAGLAGO NATIN SA BUHAY 
ESPIRITUAL KUNG SAAN TAYO AY 
INAANYAYAHANG MAUNAWAAN 
ANG B IYAYANG TINANGGAP NATIN 
SA BINYAG NANG SA GAYON AY 
MAISABUHAY AT MAPATATAG ITO. 
– AT ITO AY NAGAGANAP SA 
PAGDIRIWANG NG SAKRAMENTO 
NG KUMPIL.
• Viewing
Ano ang sakramento ng Kumpil? 
ay ang sakramento na sa pamamagitan 
ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay 
higit na napapalapit ang ugnayan ng 
binyagan sa Simbahan at 
napagkakalooban ng lakas na aktibong 
ipalaganap ang Ebanghelyo 
pinagiging ganap ang biyayang 
tinanggap natin sa Sakramento ng 
Binyag
Ang Sakramento ng Kumpil ay ang 
sakramento na nagbibigay ng mga biyaya 
ng Espiritu Santo. Ito ay tinatawag na 
Kumpil dahil ang sakramentong ito ang 
nagpapatibay at nagpapatatag ng 
biyayang tinanggap sa binyag. Sa 
pamamagitan ng Espiritu Santo, tayo ay 
nagiging ganap na Kristiyano at saksi ni 
Kristo sa salita at gawa, hanggang sa 
kamatayan.
Kailan itinatag ni Jesus ang Sakramento ng 
Kumpil? 
• Itinatag ni Kristo ang Sakramento ng Kumpil 
ang sinabi niyang: 
Juan 20:21-22 "Sumainyo ang Panginoon! Kung 
paanong sinugo ako ng Ama, gayundin naman, 
isinusugo ko kayo - Pagkatapos, sila"y 
hiningahan niya at sinabi - tanggapin ninyo ang 
Espiritu Santo". 
• Ang unang Kumpil ay naganap noong 
Araw ng Pentekostes (33 A. D.), nang 
ang Espiritu Santo ay pumanaog sa 
Birheng Maria at sa labindalawang 
alagad na natitipon sa Senakulo ng 
Jerusalem (Gawa 2).
Tanda sa Sakramento ng Kumpil 
†Pagpapatong Ng Kamay 
†Pagpapahid ng banal na 
Krisma sa Noo 
†Pagtapik sa pisngi 
† name Tanggapin mo ang 
tatak ng kaloob ng 
Espiritu Santo
Pagpapatong Ng 
Kamay 
Ωnagpapahiwatig 
ng “pagbaba ng 
Espiritu Santo 
-Ayon sa halimbawa nina 
Pedro at Juan sa Gawa 
8:17
Pagpapahid ng 
banal na Krisma sa 
Noo 
Banal na Krisma-banal 
na langis na 
binasbasan ng Obispo 
tuwing Misa ng Krisma 
tuwing Huwebes Santo 
ng umaga
• Tinatatakan ng KRUS ang tatak ni 
Kristo 
• Upang ipahiwatig na ikaw 
kinukumpilan ay lalo pang nakikiisa 
sa misyon ni Kristo na humantong sa 
pag-aalay Niya ng Kanyang buhay sa 
krus bilang tugatog ng knayang 
gawang-pagliligtas. Paanyaya rin ito 
sa iyo na huwag kang mahiya at 
huwag matakot na manatiling saksi 
at lingkod ni Jesuskristong namatay 
sa krus, kahit pa humantong ito sa 
iyong pagdurusa at kamatayan.
• Sa lumang tipan ang kahulugan 
ng pagpapahid ay pagpapagaling, 
paglilinis at pagpapalakas 
(CCC1629) 
• Sa pamamagitan ng Banal na 
Krisma, tayo ay pinapagkaisa sa 
makahari, pari at propeta na 
ministeryo ni Kristo, dahil sa 
Lumang Tipan, ang mga tao ay 
nagiging pari, hari at propeta sa 
pamamagitan ng pagpapahid 
ng langis.
Si Isaias ay pinahiran ng langis 
upang maging propeta (Isaias 
61:1). Si Saul ay pinahiran ng 
langis upang maging hari (1 
Samuel 10:1) at si Aaron ay 
pinahiran ng langis upang 
maging pari (Levitico 8:12). Ang 
pagpapahid ng langis ay 
nagbibigay-diin sa pangalang 
Kristo at Kristiyano, na 
nangangahulugang "pinahiran 
ng langis".
Kung gayon sa 
sakramento ng Kumpil 
tayo ay inaanyayahan na 
makiisa sa misyon ni 
Kristo na: 
Hari 
Pari 
Propeta
1.MAKAPROPETANG 
MINISTERYO 
ay nangangahulugan na ag 
bawat Kristiyano ay dapat 
magpahayag ng Mabuting 
Balita sa pamamagitan ng 
salita at gawa.
2.MAKAHARING MINISTERYO 
ay nagpapahayag ng 
ating pakikipag-isa sa 
kaharian ng Diyos at ng 
ating kapangyarihan 
laban sa pagkalat ng 
kasalanan at 
kamatayan.
3. MAKAPARING MINISTERYO 
ay nangangahulugan na dapat tayong 
manalangin lagi sa Diyos at ialay ang 
ating buhay sa kanya kaisa ni Kristo. 
Itong pangkalahatang pagkapari ng 
bawat Kristiyano ay iba sa 
sakramental na pagkapari na 
tinatanggap ng pari sa Banal na 
Orden. na nagbibigay sa 
inordenahang pari ng kakayahan 
upang magdiwang ng misa at 
magpakumpisal
Sasabihin ng Obispo N. Tanggapin mo ang 
tatak ng kaloob ng Espiritu Sato (Amen) 
Ito ay panalangin upang maipagkaloob ng 
Obispo ang kumpil 
Tatak- parang tattoo subalit hindi pisikal kundi 
espiritwal na hindi nakikita ng pisikal nating 
mga mata 
Ito ay permanenteng tanda na tinatawag na 
“karakter” na siyang dahilang kung bakit 
minsan lang tanggapin ang kumpil 
- Ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay ganap na 
pag-aari ni Jesukristo at nakatalaga kang 
makipagkaisa sa Kanyang misyon at gawing 
ialok at ibahagi sa iyong kapwa ang biyayang 
nagpapabanal at nagliligtas
Pagtapik ng Pisngi 
-sagisag ng katapangan 
-kapayapaang hangad ng Obispo at 
pagsugo ng may pagmamahal 
bilang mga saksi ni Kristo. 
Sinasabi ng Obispo Sumainyo ang 
kapayapaan, (sagot: AT SUMAIYO RIN) 
panalangin ito at paanyaya sa iyo 
na upang manatiling matatag at 
huwag maligalig kahit sa harap ng 
pagsubok. 
-patuloy mong kasama ang Espiritu 
Santo
Ang Maging Kumpilang Saksi 
Saksi sa ibang salita ay martyr 
“Hindi iyon tungkol sa maraming salita 
at pakikipagdebate, hindi rin upang 
bulabugin ang kapwa tao…. Ang maging 
saksi ay pamumuhay sa hiwaga ng 
Diyos. Nangangahulugan ito ng isang 
buhay na walang saysay kung hindi 
totoo na Merong Diyos.” Cardinal Suenens
Sino ang ministro ng Kumpil? 
Si KRISTO sa katauhan 
ng Obispo bilang kahalili 
ng mga Apostol, 
gayunman, may mga 
pagkakataon dala ng di 
maiwasang mga 
kadahilanan ay maaaring 
ipagkaloob ng mga 
Obispo sa mga pari ang 
pagkumpil
1. INSPIRASYON NG BIBLIYA: Ang Espiritu 
Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng mga 
propeta at mga apostol, at pinukaw rin nito 
ang kanilang damdamin upang maisulat ang 
Luma at Bagong Tipan. Katulad ng sinabi ni 
Pedro: 
2 Pedro 1:21 
• "Sapagkat hindi nagbuhat sa 
kalooban ng tao ag hula ng mga 
propeta, ito"y galing sa Diyos at 
ipinahayag ng mga taong 
kinasihan ng Espiritu Santo" .
2. PAGDALAW NG ANGHEL: Si 
Jesukristo ay ipinaglihi sa sinapupunan 
ng Birheng Maria sa pamamagitan ng 
Espiritu Santo. Kagaya ng sinabi ng 
LAurckaasn 1g:3h5el Gabriel sa kanya: 
• "Bababa sa iyo ang 
Espiritu Santo, at 
lililiman ka ng 
kapangyarihan ng 
kataas-taasan. Kaya"t 
banal ang 
ipanganganak mo at 
tatawaging Anak g
3. PAGBIBINYAG KAY JESUS: Ang 
Espiritu Santo ay pumanaog kay Jesus 
sa pagbibinyag sa kanya sa ilog ng 
MaJtoerod 3a:n1.6 A-1y7on nga sa Mabuting Balita: 
• "Nang mabinyagan si 
Jesus, umahon siya sa 
tubig. Nabuksan ang 
langit at nakita niya ang 
Espiritu g Diyos, 
bumababa sa kanya 
gaya ng isang 
kalapati."
• 4. PENTEKOSTES: Noong araw ng 
Pentekostes, pumanaog ang Espiritu 
Santo sa Birheng Maria at mga 
alagad na natitipon sa Senakulo sa 
Jerusalem. Kagaya ng nakasaad sa 
Kasulatan: 
Gawa 2:1-4 
• "Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, 
nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang 
narinig ang isang ugong mula sa langit, animo"y 
hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito 
ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita 
silang wari"y mga dilang apoy na lumapag sa 
bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng 
Espiritu Santo at nagsalita ng iba"t ibang wika."
Anu-ano ang 
kaloob ng 
Espiritu Santo?
7 kaloob ng Espiritu Santo 
Biyaya ng Diyos upang maging masunurin tayo 
sa kanyang kalooban 
KARUNUNGAN 
KAALAMAN 
PAG-UNAWA PAYO 
KABANALAN 
KATATAGAN 
PAGKATAKOT SA DIYOS 
Isaias 
11:2-3
1. KARUNUNGAN: Ito ay ang kakayahan upang 
malaman ang tama at mali at ayusin ang lahat ayon 
sa kalooban ng Diyos. Salungat nito ang kahangalan. 
2. KAUNAWAAN: Ito ay ang kakayahan upang 
maintindihan ang mga katotohanan ng 
pananampalataya ng madali at maayos. Salungat ito 
sa kawlan ng kabatiran. 
3. KAHATULAN: Ito ay ang kakayahan upang 
malaman na rin ng maayos kaagad ang kalooban ng 
Diyos sa iba"t ibang sitwasyon ng buhay. Ito ay 
kasalungat ng katigasan ng ulo. 
4. KALAKASAN: Ito ay ang kakayahan 
upang magtiyaga sa pagsunod sa kalooban ng Diyos 
sa mga oras ng kahirapan. Salungat ito sakahinaan.
5. . KAALAMAN: Ito ay ang kaalaman upang matuklasan 
ang mga katotohanan ng makamundo at espirituwal na 
mundo at maisaysay ang mga ito sa Lumikha. Ito ay 
kabaligtaran ng kamangmangan. 
6. KABANALAN: Ito ay ang kakayahan upang sambahin 
ang Diyos nang buong puso at mahalin ang ating kapwa 
tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang totoong 
pagsamba sa Diyos ay naipapakita sa totoong 
pagmamahal sa kanyang mga anak. Kasalungat ito ng 
kasamaan. 
7. TAKOT SA DIYOS: Ito ay ang kakayahan upang igalang 
ang kapangyarihan ng Diyos at matakot sa kasalanan. 
Dapat nating iwasan ang kasalanan hindi upang matakot 
sa kaparusahan kundi upang matakot na maaaring ating 
masaktan ang Diyos. ang takot ay hindi pagkasindak, jundi 
ang pagsamba at paggalang sa maka-amang pag-ibig ng 
Diyos. Ito ay kasalungat ng kawalang galang.
(Galatians 5:22-23). 
BUNGA NG ESPIRITU 
SANTO
• Pag-ibig (love) 
• Kagalakan (joy) 
• Kapayapaan (peace) 
• Pagtitiyaga (patience) 
• Kabaitan (kindness) 
• Pagbubukas-palad 
(generosity) 
• Katapatan (faithfulness) 
• Pagkamahinahon 
(gentleness) 
• Pagtitimpi (self-control)
Ano ang katangian ng Kumpil? 
• Ang katangian ng Sakramento ng Kumpil ay 
ang espirituwal na tanda na nagtatalaga ng 
ating sarili kay Kristo. Winika ni San Pablo: 
"Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng 
kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin 
niya ang kanyang pangako" (2 Corinto 1:22). 
Ang katangiang ito ay hindi na mabubura pa 
sapagkat ito"y nangangahulugan ng ating 
pagiging kaisa ni Kristo. Ito"y katulad ng tanda 
na nakatatak sa mga sundalo na nagpapahiwatig 
ng kanilang katapatan sa kanilang pinuno o 
kaya"y selyong idinidikit na nagpapatunay sa 
isang dokumento. Ang Sakramento ng Binyag at 
Banal na Orden ay nagtatatak din ng katangian; 
kung kaya"t ang mga nasabing Sakramento ay 
nagtataglay ng katangiang hindi nabubura at di 
na maaaring ulitin.
Sino ang maaaring kumpilan? 
-Binyagang Katoliko 
-May sapat na gulang na 
upang magpasiya (12 yrs 
old pataas) 
-May kaalaman tungkol sa 
sakramento ng Kumpil
Sino ang maaaringtumayo 
bilang ninong/ninang? 
-Higit na maganda kung ang 
tatayo sa ninong/ninang sa 
kumpil ay ang ninong o ninang 
sa binyag upang 
maipagpatuloy niya ang 
tungkuling ipinagkaloob sa 
binyag na kanyang tutuparin
• Hindi magulang ng kukumpilan 
• Isang mabuting Katoliko na 
kinumpilan na at pinili 
• Hindi babata sa 16 na taong 
gulang 
• May sapat na kaalaman na at 
matibay na hangaring tulungan 
sng kukumpilan upang 
maisakatuparan niya ang mga 
tungkulin ng buhay Kristiyano
Ano ibig sabihin ng pagpapatong ng 
ninong o ninang sa kanang balikat ng 
kinukumpilan sa sandaling pagkumpil? 
-itinatalaga niya ang 
kanyang sarili upang 
gampanan ang kanyang 
tungkulin bilang espiritual 
na magulang at nang sa 
gayon ay manatili at 
maging mabunga para sa 
iyo ang mga biyayang 
kaloob ng Kumpil
Ano ang dapat na isuot ng kukumpilan? 
• Ang dapat na isuot ng mga kukumpilan 
ay disente subalit magayak. Hindi na 
kailangan ng mahahabang damit pang-kumpil 
dahil napagkakamalan lamang 
itong damit ng mga magsisipagtapos. 
Hindi na rin kailangan ng mga estolang 
pangkumpil sapagkat ang estola ay 
damit pangliturhiya na ginagamit 
lamang ng mga tumanggap ng Banal na 
Orden.
Tayo ay inaanyayahan ng 
maging tunay na Saksi ni 
kristo na buong tapang na 
ipaglaban ang 
pananampalataya, tulad 
na mga alagad matapos 
nilang tanggapin ang 
Espiritu Santo sila’y 
nagkaroon ng tapang at 
lakas ng loob
THANK YOU 
FOR YOUR LISTENING 
MAY THE HOLY SPIRIT 
GUIDE US ALWAYS!
Iisa ang Espiritu na 
tinanggap natin sa 
tinanggap ng mga 
Apostol. Kaya magagawa 
rin natin ang nagawa ng 
mga Apostol.
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB 
• MGA GABAY NA TANONG: 
1. NARANASAN NA BA NINYO ANG HUMINGI NG 
TAWAD PAGKATAPOS NA KAYO AY MAGKAGALIT O 
MAGKASAMAANG-LOOB O KAYA AY NAGKAMALI 
SA ISANG TAO? 
2. MADALI BANG HUMINGI NG TAWAD?
• II. PAGBUBUO / PAGPAPALALIM 
• III. PAG-UUGNAY 
• BAKIT KAYA MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD? 
• ANO ANG KAILANGAN UPANG MAGAWA ITO? 
• BASAHIN NATIN ANG KASAYSAYAN NG ISANG TAO 
NA HUMINGI NG TAWAD AT NAGBALIK-LOOB 
PAGKATAPOS MAGKASALA
• IV. SALITA NG DIYOS- LUKAS 15:11-32 
• V. PAGTATALAKAY SA PAGBASA: 
1. SINU-SINO SNG MGA PANGUNAHING TAUHAN SA 
TALINHAGANG BINASA NATIN? 
2. ANO ANG GINAWA NG BUNSONG ANAK? 
3. PAGKATAPOS IBIGAY NG AMA ANG KANYANG MANA 
ANO ANG KANYANG GINAWA? 
4. ANO ANG NANGYARI SA KANYA MATAPOS MAUBOS 
ANG KANYANG SALAPI? 
5. ANO ANG NADAMA NIYA NGAYONG NAGHIHIRAP NA 
SIYA? ANO ANG KANYANG NAGING PASYA?
6. ANO ANG NAGING REAKSYON NG AMA NG 
MAKITA ANG BUNSONG ANAK NA 
DUMARATING? 
7. ANO ANG GINAWA NG ANAK? 
8. TANDA NG PAGPAPATAWAD AN O ANG GINAWA 
NG AMA? 
9. SAMANTALA. ANO ANG NAGING REAKSYON NG 
PANGANAY NA KAPATID? 
10. ANO NAMAN ANG GINAWA NG AMA?
VI. KAHULUGAN NG TALINHAGA 
• AYON SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO, ANG 
AMA SA TALINHAGA AY LARAWAN NG DIYOS. 
MABIYAYA SA LAHAT, MABUTI MAN O MASAMA. 
• MAPAGPATAWAD SA ANAK NA NAGKASALA 
NGUNIT NAGBABALIK –LOOB SA DIYOS. 
• SIYA ANG DIYOS NA NATUTUWANG LUBHA SA 
PAGBABALIK NG MAKASALANAN AT 
TUMATANGGAP NA MULI DITO BILANG TUNAY 
NA ANAK NA MALAYA.
• ANG BUNSONG ANAK AY LARAWAN NATING 
LAHAT. LUMALAYO TAYO AT PINUPUTOL ANG 
UGNAYAN SA AMA SA TUWING TAYO AY 
GUMAGAWA NG DI MABUTI. 
• ANG PAGLAYONG ITO SA AMA AT PAGPUTOL SA 
UGNAYAN NATIN SA KANYA AY TINATAWAG NA 
KASALANAN. 
• ANG PAGBABALIK NG ANAK AT PAGHINGI NG 
TAWAD AY LARAWAN NG ATING PAGSISISI SA 
TUWING TAYO AY NAGKAKASALA. 
• ANG PANGANAY NA ANAK AY LARAWAN DIN 
NATING LAHAT SA TUWING TAYO’Y AYAW 
MAGPATAWAD AT ANG TINGIN SA SARILI AY MAS 
MABUTI KAYSA IBA.
• VII. PAG-UUGNAY: 
– LAHAT TAYO AY NAKAKARANAS MAGKASALA AT 
NAKADAMA NA MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD. 
– SA TINALAKAY NATING TALINHAGA, NAKITA NATIN 
ANG DALAWANG ANAK NA KAPWA NAKARANAS 
NA MAGKASALA SA AMA NGUNIT ANG ISA’Y 
NAGLAKAS-LOOB NA HUMINGI NG TAWAD 
SAMANTALANG ANG ISA AY DI MAN LAMANG 
TINANGGAP NA SIYA AY MAY PAGKAKAMALI. 
– SAMANTALA ANG AMA NA KUMAKATAWAN SA 
DIYOS AY TIGIB NG PAGMAMAHAL AT HANDANG 
TUMANGGAP SA ANAK NA NAGBABALIK-LOOB AT 
NAGSISISI.
• KAILAN TAYO NAGKAKASALA AT ANO ANG 
KAILANGAN NATIN UPANG MAPATAWAD GAYA NG 
BUNSONG ANAK? 
NAGKAKASALA TAYO KUNG 
NALALAMAN AT MALAYANG 
PINAGPAPASYAHAN NATING 
TUMALIKOD SA PANGINOON AT 
TUMANGGING GAWIN ANG KANYANG 
KALOOBAN.
• KASALANAN – AY ANG PAGTALIKOD SA DIYOS, 
PAGTANGGING GAWIN ANG KANYANG KALOOBAN. 
ITO’Y PAGTANGGI SA RELASYON NATIN SA DIYOS, SA 
KAPWA AT SA SARILI. 
• ANG ISANG AKTO AY NAGIGING KASALANAN KUNG 
ALAM NATING MASAMA ITO AT PAGKATAPOS AY 
MALAYA TAYONG NAGPASYA NA GAWIN ITO 
• ( CITE AN EXAMPLE )
• MADALAS TAYONG NAGKAKASALA SUBALIT HINDI 
MADALING HUMINGI NG TAWAD O MAGSISI. 
• ANO KAYA ANG MAGIGING LAKAS NATIN UPANG 
HUMINGI NG TAWAD SA DIYOS AT SA KAPWA? 
 ANG KAPANGYARIHAN NG BIYAYANG NAKALILIGTAS 
NI KRISTO ANG NAG-UUDYOK SA ATIN UPANG 
HUMINGI NG KAPATAWARAN SA DIYOS AT SA 
KAPWA.
• TOTOONG MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD SA 
ISANG TAONG ATING NASAKTAN O NAGAWAN NG 
KASALANAN. 
• KUNG NAGAGAWA MAN NATING LUMAPIT AT 
HUMINGI NG TAWAD, ITO’Y BIYAYA NA RIN NG 
DIYOS. 
• BAGO PA TAYO HUMINGI NG TAWAD, ANG 
BIYAYANG ITO NG DIYOS ANG SIYANG LAKAS NA 
UMAAKIT SA ATIN NA MAGBALIK. 
• KADALASAN AY GINAGAMIT NG DIYOS ANG 
PAGHIHIRAP NA MINSAN AY BUNGA NG ATING 
PAGKAKASALA UPANG PAALALAHANAN TAYONG 
MAGBALIK-LOOB.
• KUNG PAANONG ANG PAGKALUBLOB NG 
ALIBUGHANG ANAK SA KAHIRAPAN AY NAGING 
DAAN PARA SIYA’Y MAGBAGO, GAYUNDIN NAMAN, 
GINAGAMIT NG DIYOS ANG MGA PANGYAYARING 
HINDI KANAIS-NAIS SA ATIN UPANG TAYO’Y 
KANYANG AKITIN. 
• AT PAG TAYO’Y NAGBALIK, BAGAMA’T NAGSISIMULA 
ANG ATING PAGSISISI SA PANSARILING DAHILAN, 
PINAWAWAGAS ITO NG DIYOS HANGGANG TAYO’Y 
MAKAPAGSISI DAHIL SA PAGMAMAHAL SA KANYA.
• PAANONG SUMASAATIN ANG PAGPAPATAWAD NG 
DIYOS? 
 SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB, 
PINAGKAKASUNDO TAYO NG 
PANGINOONG HESUKRISTO SA AMA 
SA KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU 
SANTO AT SA PAMAMAGITAN NG 
PARI. 
 SEE HIGHLIGHT NOTES
PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG 
SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB 
• 1. TAHIMIK NA PAGDARASAL – HIHINGIN NATIN 
ANG TULONG NG ESPIRITU SANTO UPANG 
BIGYAN TAYO NG LAKAS NA MAKITA, AMININ 
AT TANGGAPIN ANG ATING MGA KAHINAAN 
AT KASALANANG NAGAWA. 
• 2. PAGSISISI – DAHIL SA ATING MGA KASALANAN 
AY NAKITA NATIN KUNG PAANO TAYO 
NAPALAYO SA DIYOS. KAYA PAGSISIHAN 
NATIN ANG MGA NAGAWANG KASALANAN 
KASABAY NITO ANG PANGAKONG DI NA 
MULING MAGKAKASALA.
PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG 
SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB 
3. PANGAKONG MAGBABAGO – ANG PAGBABAGO 
AY ISA SA MGA BUNGA NG TUNAY NA 
PAGSISISI. ITO AY ISANG BIYAYA NG DIYOS. 
NAPAKAHALAGANG MALAMAN NATIN ITO 
SAPAGKAT MAY KAAKIBAT O KASAMA ITONG 
TUNGKULING ATING GAGAWIN. 
HALIMBAWA: KUNG DATI TAYONG 
PALAAWAY, AY MAGSUMIKAP TAYONG 
MAGING PALAKAIBIGAN AT MAGING 
MABUTING TAO.
PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG 
SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB 
4. PANGUNGUMPISAL – ANG PAGLAPIT SA PARI AT 
PAGSABI NG KASALANAN. 
HUWAG TAYONG MATAKOT O MAHIYA 
SAPAGKAT ANG PAGLAPIT NATIN SA PARI SA 
SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB AY 
PAGLAPIT NATIN SA DIYOS AMANG MAPAGMAHAL 
AT MAPAGPATAWAD
MGA HAKBANG SA PAGKUKUMPISAL 
– 1. LULUHOD O UUPO SA HARAPAN O SA TABI NG PARI 
AT MAG-AANTANDA NG KRUS. 
– 2. SASABIHIN SA PARI: “BASBASAN MO PO AKO 
PADRE SAPAGKAT AKO AY NAGKASALA. ANG HULI 
KO PONG KUMPISAL AY NOONG….” SABIHIN ANG 
BUWAN O ARAW. O KUNG DI NA MATANDAAN 
KUNG KAILAN AY SABIHIN SA PARI) 
– 3. SASABIHIN NA SA PARI ANG MGA KASALANANG 
NAGAWA AT NAIS IHINGI NG TAWAD SA DIYOS. 
– 4. HINTAYIN ANG IPADADASAL NG PARI SA HARAP 
NIYA (PAGSISISI) AT ANG ABSOLUSYON. 
– 5. TANDAAN AT GAWIN ANG IPAPAYO NG PARI 
PAGKATAPOS NG KUMPISAL. MAARING ITO’Y MGA 
PANALANGIN O KONKRETONG GAWAIN.
PANALANGIN NG PAGSISISI 
• PANGINOONG HESUKRISTO, AKO AY 
NAGKASALA LABAN SA IYONG 
KABUTIHANG WALANG-HANGGAN. 
AKO’Y NAGSISISI NG BUONG PUSO AT 
NANGANGAKONG HINDI NA MULING 
MAGKAKASALA SA TULONG NG IYONG 
MAHAL NA GRASYA. AMEN.
PAGTUGON: 
 ANO ANG GAGAWIN MO UPANG MAGKAROON 
NG LAKAS NA HUMINGI NG TAWAD TUWING 
IKAW AY NAGKAKASALA 
• KANINO KA LALAPIT UPANG KONKRETONG 
MAKAMTAN ANG HABAG AT AWA NG DIYOS NA 
LAGING HANDANG MAGPATAWAD? BAKIT 
PAGDIRIWANG: RITO NG SAKRAMENTO NG 
PAGBABALIK LOOB
Pre Confirmation Seminar

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Was ist angesagt? (20)

PRE CANA MODULE
PRE CANA MODULEPRE CANA MODULE
PRE CANA MODULE
 
sakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptxsakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptx
 
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.pptkumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
 
Sacrament and seven sacraments
Sacrament and seven sacramentsSacrament and seven sacraments
Sacrament and seven sacraments
 
Sacrament of Confirmation
Sacrament of Confirmation Sacrament of Confirmation
Sacrament of Confirmation
 
LITURGICAL YEAR
LITURGICAL YEARLITURGICAL YEAR
LITURGICAL YEAR
 
The sacraments
The sacramentsThe sacraments
The sacraments
 
Ang sakramento ng banal na orden
Ang sakramento ng banal na ordenAng sakramento ng banal na orden
Ang sakramento ng banal na orden
 
Ash Wednesday and Practices of Lent
Ash Wednesday and Practices of LentAsh Wednesday and Practices of Lent
Ash Wednesday and Practices of Lent
 
What is Lent?
What is Lent?What is Lent?
What is Lent?
 
Baptism
BaptismBaptism
Baptism
 
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay KristianoAng Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
 
The Easter Season
The Easter SeasonThe Easter Season
The Easter Season
 
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
 
SACRAMENT OF HOLY EUCHARIST.pptx
SACRAMENT OF HOLY EUCHARIST.pptxSACRAMENT OF HOLY EUCHARIST.pptx
SACRAMENT OF HOLY EUCHARIST.pptx
 
HOLY EUCHARIST.pptx
HOLY EUCHARIST.pptxHOLY EUCHARIST.pptx
HOLY EUCHARIST.pptx
 
Lenten Recollection 2015
Lenten Recollection 2015Lenten Recollection 2015
Lenten Recollection 2015
 
liturgy and sacraments
 liturgy and sacraments liturgy and sacraments
liturgy and sacraments
 
2.SAKRAMENTO SA BUNYAG.pptx
2.SAKRAMENTO SA BUNYAG.pptx2.SAKRAMENTO SA BUNYAG.pptx
2.SAKRAMENTO SA BUNYAG.pptx
 
Holy eucharist
Holy eucharistHoly eucharist
Holy eucharist
 

Ähnlich wie Pre Confirmation Seminar

God Promises a Savior
God Promises a SaviorGod Promises a Savior
God Promises a Savior
Ric Eguia
 
Aral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptx
Aral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptxAral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptx
Aral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptx
JoyceAgrao
 
Mass notebook in bicol dialect
Mass notebook  in bicol dialectMass notebook  in bicol dialect
Mass notebook in bicol dialect
luz tria
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Ric Eguia
 
KADIWA. Aktibo. Pilipino. June Presentation
KADIWA. Aktibo. Pilipino. June PresentationKADIWA. Aktibo. Pilipino. June Presentation
KADIWA. Aktibo. Pilipino. June Presentation
Coy Caballes
 

Ähnlich wie Pre Confirmation Seminar (20)

3rd-Saturday-Catechism-7-SACRAMENTS.pptx
3rd-Saturday-Catechism-7-SACRAMENTS.pptx3rd-Saturday-Catechism-7-SACRAMENTS.pptx
3rd-Saturday-Catechism-7-SACRAMENTS.pptx
 
MIsa ng Pasasalamat_ER_06.19.23.pptx
MIsa ng Pasasalamat_ER_06.19.23.pptxMIsa ng Pasasalamat_ER_06.19.23.pptx
MIsa ng Pasasalamat_ER_06.19.23.pptx
 
God Promises a Savior
God Promises a SaviorGod Promises a Savior
God Promises a Savior
 
6th sunday of easter may 9
6th sunday of easter   may 96th sunday of easter   may 9
6th sunday of easter may 9
 
Mass-Guide-April-20-2022-Wednesday-white.pptx
Mass-Guide-April-20-2022-Wednesday-white.pptxMass-Guide-April-20-2022-Wednesday-white.pptx
Mass-Guide-April-20-2022-Wednesday-white.pptx
 
Aral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptx
Aral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptxAral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptx
Aral-Batangueno Presentation(Ala eh) . pptx
 
Mass Guide in Bicol Dialect
Mass Guide  in Bicol Dialect Mass Guide  in Bicol Dialect
Mass Guide in Bicol Dialect
 
Mass notebook in bicol dialect
Mass notebook  in bicol dialectMass notebook  in bicol dialect
Mass notebook in bicol dialect
 
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
 
Day 4-5.pptx
Day 4-5.pptxDay 4-5.pptx
Day 4-5.pptx
 
1st Sunday Of Easter April 6
1st Sunday Of Easter   April 61st Sunday Of Easter   April 6
1st Sunday Of Easter April 6
 
Sending off and renewal 2017-2018
Sending off and renewal   2017-2018Sending off and renewal   2017-2018
Sending off and renewal 2017-2018
 
Relihiyong Asyano
Relihiyong AsyanoRelihiyong Asyano
Relihiyong Asyano
 
Clp sesyon 10
Clp sesyon 10Clp sesyon 10
Clp sesyon 10
 
Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
 
PAGMAMAHAL SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NI MARIA
PAGMAMAHAL SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NI MARIAPAGMAMAHAL SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NI MARIA
PAGMAMAHAL SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NI MARIA
 
Feast Of The Holy Family Year C
Feast Of The Holy Family Year CFeast Of The Holy Family Year C
Feast Of The Holy Family Year C
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version
 
KADIWA. Aktibo. Pilipino. June Presentation
KADIWA. Aktibo. Pilipino. June PresentationKADIWA. Aktibo. Pilipino. June Presentation
KADIWA. Aktibo. Pilipino. June Presentation
 

Mehr von Joemer Aragon

Mehr von Joemer Aragon (18)

praayer
praayerpraayer
praayer
 
a acatechist
a acatechista acatechist
a acatechist
 
Parish advent recollection basud
Parish advent recollection basudParish advent recollection basud
Parish advent recollection basud
 
Alay kapwa 2018
Alay kapwa 2018Alay kapwa 2018
Alay kapwa 2018
 
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaNobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
 
Katekesis sa panalangin
Katekesis sa panalanginKatekesis sa panalangin
Katekesis sa panalangin
 
San rafael arkanghel
San rafael arkanghelSan rafael arkanghel
San rafael arkanghel
 
San lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaSan lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynila
 
How to make a holy Hour
How to make a holy HourHow to make a holy Hour
How to make a holy Hour
 
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaPag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
 
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangModyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
 
The purpose of my life
The purpose of my lifeThe purpose of my life
The purpose of my life
 
Prayer
 Prayer Prayer
Prayer
 
Why no Sunday 3
Why no Sunday 3Why no Sunday 3
Why no Sunday 3
 
Know your Mass 2
Know your Mass 2Know your Mass 2
Know your Mass 2
 
Know your Mass 1
Know your Mass 1Know your Mass 1
Know your Mass 1
 
Marian Catechesis
Marian CatechesisMarian Catechesis
Marian Catechesis
 

Pre Confirmation Seminar

  • 1. PARISH OF ST. RAPHAEL THE ARCHANGEL Basud, Camarines Norte SEMINAR SA SAKRAMENTO NG KUMPIL Prepared by Bro. Joemer V. Aragon Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel Parish Basud , Camarines Norte
  • 3. Binabago nya ako araw-araw (4X)Ngayon, bukas at kailanman pag-ibig nya ay laging wagas Love, love, love tayo’y magmahalan L ove, love, love tayo’y mag-awitan Love, love, love tayo ay binabago nya Binabago nya ako araw-araw (4X) Ngayon, bukas at kailanman kailanman pag-ibig nya ay laging wagas Love, love, love tayo’y maglundagan Love, love, love tayo’y magkamayan Love, love, love tayo ay binago niya
  • 4. "Pagkagising sa Umaga, Hesus ikaw ang nasa isip at ang buong katawan koy, punong puno ng pag ibig. katawan koy napapa indak, ang puso ko'y umaawit. Ang mga paa ay sumasayaw sa tugtuging makalangit. Baywang ko'y kumekembot paa ko'y umiindak, mga kamay kumakaway, nagpupuring buong sigla, lumulundag pa sa tuwa. Sumasayaw kumakanta. Iyan ang alay ko sa iyo aking ama." (Repeat it again)
  • 5. OPENING LITURGY A. INTRODUCTION: BILANG PASIMULA HINGIN NATIN ANG PATNUBAY NG BANAL NA ESPIRITU UPANG MAGING MAKABULUHAN AT MABUNGA ANG SEMINAR NA ITO 1. OPENING SONG: LIWANAG NG AMING PUSO LIWANAG NG AMING PUSO SA AMI’Y MANAHAN KA ANG INIT NG ‘YONG BIYAYA SA AMIN IPADAMA
  • 6. PATNUBAY NG MAHIHIRAP O AMING PAG-ASA’T GABAY SA AMING SAYA AT HAPIS TANGLAW KANG KAAYA-AYA.
  • 7. PARISH OF ST. RAPHAEL THE ARCHANGEL Basud, Camarines Norte SEMINAR SA SAKRAMENTO NG KUMPIL Prepared by Bro. Joemer V. Aragon Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel Parish Basud , Camarines Norte
  • 9. 2. OPENING PRAYER O DIYOS TUNAY NA LIWANAG, LUMIKHA AT NAGBIGAY NG LIWANAG NA WALANG HANGGAN, TANGLAWAN MO ANG IYONG MGA LINGKOD NA UMAASA SA YO. KAMI NAWA’Y PANGUNAHAN AT GABAYAN SA LAHAT NG AMING MGA GAGAWIN UPANG ANG SEMINAR NA ITO AY MAGING MABUNGA AT MAKABULUHAN PARA SA AMING LAHAT. ITO ANG AMING PANALANGIN SA PANGALAN NI HESUKRISTONG AMING PANGINOON. AMEN.
  • 10. 3. PAGBASA NG MABUTING BALITA-Juan 20:21-22 sinabi ni Hesus “Sumainyo ang Panginoon! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayundin naman, isinusugo ko kayo - Pagkatapos, sila"y hiningahan niya at sinabi - tanggapin ninyo ang Espiritu Santo".
  • 11. 4. TAHIMIK NA PAGNINILAY 5. PANALANGIN SA ESPIRITU SANTO: BANAL NA ESPIRITU, BUKSAN MO ANG AMING MGA PUSO UPANG MADAMA NAMIN ANG KAGANDAHANG LOOB NA HANDOG NG DIYOS SA AMING BUHAY. AT NANG SA ARAW NA ITO NG AMING PAKIKIPAGTAGPO SA ‘YO AY LUBOS KAMING MAKAPAGPASALAMAT SA LAHAT NG BIYAYA NA AMING TINANGGAP
  • 12. • BANAL NA ESPIRITU BUKSAN MO ANG AMING MGA ISIP UPANG KAMI AY MAGKAROON NG KAKAYAHAN NA UNAWAIN AT TANGGAPIN ANG MGA SALITA NG DIYOS NA AMING MARIRINIG AT MATATANGGAP
  • 13. • BANAL NA ESPIRITU, BUKSAN MO ANG AMING MGA PALAD UPANG ANG LAHAT NA AMING MATATANGGAP SA ARAW NA ITO AY BUKAS PALAD DIN NAMING MAIBAHAGI SA AMING PAMILYA, KAIBIGAN AT SA KOMUNIDAD NA AMING KINABIBILANGAN.
  • 14. • HALINA BANAL NA ESPIRITU, HALINA’T MANAHAN KA SA AMIN, HALINA’T PANGUNAHAN MO KAMI SA AMING PAKIKINIG, PAGNINILAY AT PANANALANGIN. HALINA’T TULUNGAN MO KAMING MAKATUGON SA KALOOBAN NG DIYOS AMA AT MAKASUNOD KAY KRISTONG AMING PANGINOON. AMEN 6. CLOSING PRAYER – AMA NAMIN.
  • 15. PARISH OF ST. RAPHAEL THE ARCHANGEL Basud, Camarines Norte SEMINAR SA SAKRAMENTO NG KUMPIL Inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon Parish School Head Catechist Parish Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel Parish Basud , Camarines Norte
  • 16.
  • 17. UNANG PAKSA: SACRAMENTS ( IN GENERAL ) Paano ninyo ipinapadama ang pagmamahal ninyo sa inyong mahal sa buhay?
  • 18. ALAMIN NATIN NGAYON ANG SINASABI NG SALITA NG DIYOS. SALITA NG DIYOS: Juan 3:16 Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
  • 19. Sino ang ipinadala ng Diyos sa Sanlibutan? Bakit ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak sa atin?
  • 20. ANAK Upang magkaroon ng buhay ng walang hanggan,
  • 21. Ipinadala ng AMA ang kanyang ANAK na si Kristo bilang tanda ng kanyang pagmamahal, itinatag naman ni Kristo ang Simbahan at sa simbahan ipinagdiriwang ang mga Sakramento
  • 22. AMA KRISTO SIMBAHAN 7 SAKRAMENTO
  • 23. “Ito nga ang kalooban ng aking Ama, na ang lahat ng makakita sa Anak at sumampalataya sa kanya ay magkamit ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya muli sa huling araw” Jn. 6:40
  • 24. Si Kristo ang ibinigay ng Ama upang maging daan katotohanan at buhay ng tao
  • 25. Paano makakamit ng tao ang buhay ng Diyos o grasyang nagpapabanal sa pamamagitan ng Anak?
  • 26. Nagtatag si Kristo ng Pitong Sakramento bilang mga bukal ng grasyang nagpapabanal.
  • 27. Ipinagpapatuloy ni Kristo ang kanyang pamumuhay sa ating piling sa pamamagitan ng mga SAMRAMENTO.
  • 28. Kung paanong ginamit ni Kristo noong una ang kanyang katawan sa paggawa ng mabuti, gayon din naman ginagamit ngayon ang sakramento sa paggawad ng biyaya sa mga kaluluwa.
  • 29.
  • 30. Ano ang Sakramento? • GALING ITO SA DALAWANG SALITANG LATIN: “SACRA” – IBIG SABIHIN AY BANAL “MENTO”- IBIG SABIHIN AY TANDA Ito ay banal na tanda na itinatag ni Kristo upang
  • 31. Bakit itinatag ni kristo ang mga sakramento?  Itinatag ni kristo ang pitong sakramento upang maging ito’y maging bukal ng grasyang nagpapabanal, na kung saan ipinagpapatuloy ni Kristo ang kanyang pamumuhay sa ating piling sa pamamagitan ng mga sakramento.
  • 32.
  • 33. • AT DAHIL SI KRISTO ANG NAKAKA-TAGPO SA PAGTANGGAP NG BAWAT SAKRAMENTO, ITO AY TANDA NA SI KRISTO AY :  PATULOY NA NASA SIMBAHAN AT  PATULOY NA NAGLILIGTAS SA MGA KASAPI NITO NA WALANG IBA KUNDI TAYONG LAHAT.
  • 34. •PAANO NAUUGNAY ANG MGA SAKRAMENTO SA KARANIWANG BUHAY NG TAO? •SA BAWA’T YUGTO NG BUHAY NG TAO AY NAROON SI KRISTO SA MGA SAKRAMENTO AT NAG-AANYAYA NA TANGGAPIN SIYA.
  • 35. YUGTO NG BUHAY MGA SAKRAMENTO PAGSILANG BINYAG – TUMUTUGON SA KAPANGANAKAN NG TAO. ISINISILANG TAYO SA PAMILYA NG DIYOS. PAGKAIN PARA MABUHAY BANAL NA EUKARISTIYA – NAGBIBIGAY SA TAO NG PAGKAIN UPANG MANATILING BUHAY AT MAY HIGIT NA BUHAY SA PANGINOON.
  • 36. PAGLAKI KUMPIL – TUMUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG TAO NA MAGKAROON NG TANGING GAWAIN SA LIPUNANG KINABIBILANGAN. NAGPAPATIBAY SA ISANG KRISTIYANO UPANG MAGING SAKSI
  • 37. PAGKAKASAKIT PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS – NAGPAPATIBAY SA ISANG KRISTIYANO SA PAGLALAKBAY PATUNGO SA KABILANG BUHAY DI-PAGKAKAUNA WAAN PAGBABALIK-LOOB – SA PAMAMAGITAN NITO, ANG NASIRANG UGNAYAN SA DIYOS AT KAPWA AY NABABALIK.
  • 38. PANANAGUTAN PAG-AASAWA O MATRIMONYO – NAGBIBIGAY SA SIMBAHAN NG BAGONG KASAPI PAGPAPARI O BANAL NA ORDEN – 1. DIAKONO 2. PARI 3. OBISPO NAGBIBIGAY SA SAMBAYANANG KRISTIYANO NG LIDER NA MANGANGALAGA SA BAYAN.
  • 39. PAGKAKAHATI – HATI NG MGA SAKRAMENTO: •SAKRAMENTO NG PAG-ANIB ( SACRAMENT OF INITIATION 1. BINYAG 2. KUMPIL 3. BANAL NA EUKARISTIYA •SAKRAMENTO NG PAGPAPAGALING ( SACRAMENT OF HEALING ) 1. PAGBABALIK-LOOB 2. PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS •SAKRAMENTO NG PAGTATALAGA NG SARILI 1. BANAL NA ORDEN 2. MATRIMONYO
  • 40. MGA SAKRAMENTONG MINSAN LANG TINATANGGAP : 1.BINYAG 2. KUMPIL 3. BANAL NA ORDEN O PAGPAPARI • NAG-IIWAN NG WALANG HANGGANG TATAK SA TAO NA SILA AY KAY KRISTO
  • 41. • SAKRAMENTONG INUULIT AYON SA PAGKAKATAON: 1.MATRIMONYO – KUNG NABALO NA AT MULI PANG MAG-ASAWA . 2.PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS – PARA SA NAPAHIRAN NA GUMALING AT MULING NAGKASAKIT 3.BANAL NA EUKARISTIYA 4.PAGBABALIK-LOOB.
  • 43. 7 SAKRAMENTO BINYAG BANAL NA EUKARISTIYA PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAY SAKIT KUMPIL KUMPISAL KASAL PAGPAPARI sakramento ng pag-anib sakramento ng pagpapagaling sakramento ng pagtatalaga ng sarili
  • 44. Anu-ano ang tatlong pangunahing sangkap ng bawat sakramento? Ang tatlong pangunahing sangkap ng bawat sakramento ay mga: • 1. MINISTRO - ang tagapamahala ng sakramento. • 2. BAGAY - ang nakikitang bagay na ginagamit para sa sakramento. • 3. ANYO - mga salita na ginagamit sa pagdiriwang ng sakramento.
  • 45. • Ang mga ito ay may "BISA" sapagkat nabibigyang bisa nila ang mga hindi nakikitang katotohanan na kanilang isinasagisag. Ang mga sakramento ay laging tunay ("ex opere operato"), dahil isinasagawa ito ng mga ministro sa katauhan ni Kristo ("in persona Christi"). • Ang mga ito ay nagbibigay ng mga "BIYAYA". Ang biyayang nagpapabanal ay ang pakikipagkaisa sa Diyos, na nawawala sa bawat sandaling tayo ay nagkakaroon ng kasalanang mortal. Ang biyayang sakramental ay ang banal na tulong na ibinibigay ng bawat sakramento upang maisagawa ang ating mga tungkulin.
  • 46. MGA DAPAT ISAULO AT ISAPUSO NG ISANG • A. MGA PANGUNAHING PANALANGIN KUKUMPILAN: 1.ANG TANDA NG KRUS 2.AMA NAMIN 3.ABA GINOONG MARIA 4.LUWALHATI 5.SUMASAMPALATAYA
  • 47. B. ANG PITONG SAKRAMENTO 1. BINYAG 2. KUMPIL 3. BANAL NA EUKARISTIYA 4. KUMPaISAL O PAGBABALIK-LOOB 5. PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT 6. PAGPAPARI O BANAL NA ORDEN 7. MATRIMONYO
  • 48. C. ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS 1. IBIGIN MO ANG DIYOS NG HIGIT SA LAHAT. 2. HUWAG MONG GAMITIN NG WALANG KATUTURAN ANG NGALAN NG DIYOS. (IGALANG MO ANG NGALAN NG DIYOS). 3. MANGILIN KA KUNG LINGGO AT PISTANG PANGILIN
  • 49. ANG SAMPUNG UTOS (IKA-4 HANGGANG IKA-10) 4. IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA. 5. HUWAG KANG PAPATAY. 6. HUWAG KANG MAKIKIAPID. 7. HUWAG KANG MAGNANAKAW 8. HUWAG KANG SUMAKSI NG WALANG KATOTOHANAN LABAN SA IYONG KAPWA. 9. HUWAG MONG PAGNASAAN ANG HINDI MO ASAWA 10. HUWAG MONG PAGNASAAN ANG DI MO PAG-AARI
  • 50. MGA DAPAT ISAULO AT ISAPUSO NG ISANG KUKUMPILAN • D. ANG LIMANG UTOS NG SIMBAHAN 1. MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG MISA KUNG LINGGO AT PISTANG PANGILIN. 2. MANGUMPISAL MINSAN MAN LAMANG SA ISANG TAON. TUMANGGAP NG BANAL NA KOMUNYON LALO NA SA PANAHON NG MULING PAGKABUHAY. 3. MAG-AYUNO AT MANGILIN SA MGA ARAW NA ITINAKDA. 4. MAG-ABULOY PARA SA PANGANGAILANGAN NG SIMBAHAN. 5. MAGPAKASAL SA SIMBAHAN AYON SA BATAS
  • 51. E. ANG PITONG KALOOB NG ESPIRITU SANTO: 1. KARUNUNGAN (WISDOM) 2. KAALAMAN (KNOWLEDGE) 3. PAG-UNAWA (UNDERSTANDING) 4. PAGPAPAYO ( GOOD COUNSEL) 5. KABANALAN (PIETY) 6. KATATAGAN (FORTITUDE) 7. BANAL NA PAGKATAKOT SA DIYOS (HOLY FEAR OF GOD)
  • 52. Ano ba ang Sakramento ng kumpil?
  • 53.
  • 54. II. TALAKAYAN: 1. Ano ang ginagawa ng mga alagad? - Nagkakatipon sa silid 2. Ano ang kanilang narinig at nakita habang nagkakatipon sila sa silid na iyon? - Nakarinig sila ng hagunot ng malakas na hangin at may nakita silang waring dilang apoy na lumapag sa bawat isa.
  • 55. Apoy at hangin dalawang simbolo ng Espiritu Santo
  • 56. 4. Ano ang nangyari ng mapuspos sila ng Espiritu Santo? –- NAKAPAGSALITA SILA SA IBA’T IBANG WIKA AT NAGKAROON NG LAKAS NG LOOB AT KAKAYAHAN NA IPAHAYAG ANG SALITA NG DIYOS.
  • 57. Pentekostes- Ang Araw ng Pentecostes Araw ng pagdating ng Espiritu Santo  Araw din ng pagsilang ng Simbahan Pentecostes (pente=50) – Isang malaking kapistahan ng mga Hudyo, 50 araw pagkatapos ng Paskuwa. Maraming mga tao sa Jerusalem, iba’t ibang wika.
  • 58. • PAGBUBUO: –NANG SI HESUS AY NAMATAY, ANG KANYANG MGA ALAGAD AY NAGSIMULANG MAGKAHIWA-HIWALAY AT MAGTAGO –SUBALIT NANG SI HESUS AY MULING NABUHAY AT MAGPAKITA SA MGA ALAGAD, IPINANGAKO NIYA ANG BANAL NA ESPIRITU –KUNG KAYA’T SILAY NAGKATIPUN-TIPON SA ISANG SILID SA PAGHIHINTAY SA BANAL NA ESPIRITU. –KASABAY NG PAGHIHINTAY AY NAROON ANG TAKOT SA KANILANG MGA PUSO.
  • 59. • NGUNIT MAY MAGANDANG NANGYARI SA KANILANG PAGTITIPON • TINANGGAP NILA ANG BANAL NA ESPIRITU NA NAG-ALIS NG KANILANG KAHINAAN, TAKOT AT PAG-AALINLANGAN AT NAGBIGAY SA KANILA NG LAKAS NG LOOB NA IPAHAYAG ANG KANILANG PANANAMPALATAYA KAY HESUS NANG WALANG TAKOT MAGING SA HARAP NG PANGANIB
  • 60. • 1. KATULAD NG MGA ALAGAD NI HESUS, MAY PAGKAKATAON BA SA IYONG BUHAY NANAKADAMA KAYO NG TAKOT O PANGHIHINA? BAKIT? • 2. ANO ANG IYONG GINAWA PARA PAGLABANAN ANG IYONG TAKOT O KAHINAAN?
  • 61. • SUMMING –UP: – KATULAD NG MGA ALAGAD, MAY MGA PAGKAKATAON DIN SA ATING BUHAY NA TAYO AY NANGHIHINA, NATATAKOT, NAWAWALAN NG PAG-ASA O NAHIHIRAPAN – SA MGA PANAHONG NARARAMDAMAN NATIN ITO, NAIS NATING MERON TAYONG MGA KASAMA TULAD NG MGA KAIBIGAN, BARKADA O ANG ATING KAPAMILYA MISMO. – NGUNIT HIGIT PA SA ATING MGA KAIBIGAN AY MAYROONG ISANG TUNAY N A NAGBIBIGAY NG LAKAS NA SIYANG TUMUTULONG SA ATIN SA PANAHON NG ATING MGA KAHINAAN
  • 62. –Ito ay ang Banal na Espiritu. –Siya rin ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga alagad at sa mga unang Kristiyano. –Tinanggap natin ang banal na espiritu sa sakramento ng binyag sa panahong tayo ay nasa murang gulang pa lamang. Noong bata pa tayo kaya hindi pa natin lubos na nauunawaan ang biyayang dulot nito.
  • 63. –NGUNIT TAYO AY LUMALAKI AT LUMALAGO, AT KAALINSABAY NG PAGLAGO NATIN BILANG TAO AY ANG PAGLAGO NATIN SA BUHAY ESPIRITUAL KUNG SAAN TAYO AY INAANYAYAHANG MAUNAWAAN ANG B IYAYANG TINANGGAP NATIN SA BINYAG NANG SA GAYON AY MAISABUHAY AT MAPATATAG ITO. – AT ITO AY NAGAGANAP SA PAGDIRIWANG NG SAKRAMENTO NG KUMPIL.
  • 65. Ano ang sakramento ng Kumpil? ay ang sakramento na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay higit na napapalapit ang ugnayan ng binyagan sa Simbahan at napagkakalooban ng lakas na aktibong ipalaganap ang Ebanghelyo pinagiging ganap ang biyayang tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag
  • 66. Ang Sakramento ng Kumpil ay ang sakramento na nagbibigay ng mga biyaya ng Espiritu Santo. Ito ay tinatawag na Kumpil dahil ang sakramentong ito ang nagpapatibay at nagpapatatag ng biyayang tinanggap sa binyag. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tayo ay nagiging ganap na Kristiyano at saksi ni Kristo sa salita at gawa, hanggang sa kamatayan.
  • 67. Kailan itinatag ni Jesus ang Sakramento ng Kumpil? • Itinatag ni Kristo ang Sakramento ng Kumpil ang sinabi niyang: Juan 20:21-22 "Sumainyo ang Panginoon! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayundin naman, isinusugo ko kayo - Pagkatapos, sila"y hiningahan niya at sinabi - tanggapin ninyo ang Espiritu Santo". • Ang unang Kumpil ay naganap noong Araw ng Pentekostes (33 A. D.), nang ang Espiritu Santo ay pumanaog sa Birheng Maria at sa labindalawang alagad na natitipon sa Senakulo ng Jerusalem (Gawa 2).
  • 68. Tanda sa Sakramento ng Kumpil †Pagpapatong Ng Kamay †Pagpapahid ng banal na Krisma sa Noo †Pagtapik sa pisngi † name Tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo
  • 69. Pagpapatong Ng Kamay Ωnagpapahiwatig ng “pagbaba ng Espiritu Santo -Ayon sa halimbawa nina Pedro at Juan sa Gawa 8:17
  • 70. Pagpapahid ng banal na Krisma sa Noo Banal na Krisma-banal na langis na binasbasan ng Obispo tuwing Misa ng Krisma tuwing Huwebes Santo ng umaga
  • 71. • Tinatatakan ng KRUS ang tatak ni Kristo • Upang ipahiwatig na ikaw kinukumpilan ay lalo pang nakikiisa sa misyon ni Kristo na humantong sa pag-aalay Niya ng Kanyang buhay sa krus bilang tugatog ng knayang gawang-pagliligtas. Paanyaya rin ito sa iyo na huwag kang mahiya at huwag matakot na manatiling saksi at lingkod ni Jesuskristong namatay sa krus, kahit pa humantong ito sa iyong pagdurusa at kamatayan.
  • 72. • Sa lumang tipan ang kahulugan ng pagpapahid ay pagpapagaling, paglilinis at pagpapalakas (CCC1629) • Sa pamamagitan ng Banal na Krisma, tayo ay pinapagkaisa sa makahari, pari at propeta na ministeryo ni Kristo, dahil sa Lumang Tipan, ang mga tao ay nagiging pari, hari at propeta sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis.
  • 73. Si Isaias ay pinahiran ng langis upang maging propeta (Isaias 61:1). Si Saul ay pinahiran ng langis upang maging hari (1 Samuel 10:1) at si Aaron ay pinahiran ng langis upang maging pari (Levitico 8:12). Ang pagpapahid ng langis ay nagbibigay-diin sa pangalang Kristo at Kristiyano, na nangangahulugang "pinahiran ng langis".
  • 74. Kung gayon sa sakramento ng Kumpil tayo ay inaanyayahan na makiisa sa misyon ni Kristo na: Hari Pari Propeta
  • 75. 1.MAKAPROPETANG MINISTERYO ay nangangahulugan na ag bawat Kristiyano ay dapat magpahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng salita at gawa.
  • 76. 2.MAKAHARING MINISTERYO ay nagpapahayag ng ating pakikipag-isa sa kaharian ng Diyos at ng ating kapangyarihan laban sa pagkalat ng kasalanan at kamatayan.
  • 77. 3. MAKAPARING MINISTERYO ay nangangahulugan na dapat tayong manalangin lagi sa Diyos at ialay ang ating buhay sa kanya kaisa ni Kristo. Itong pangkalahatang pagkapari ng bawat Kristiyano ay iba sa sakramental na pagkapari na tinatanggap ng pari sa Banal na Orden. na nagbibigay sa inordenahang pari ng kakayahan upang magdiwang ng misa at magpakumpisal
  • 78. Sasabihin ng Obispo N. Tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Sato (Amen) Ito ay panalangin upang maipagkaloob ng Obispo ang kumpil Tatak- parang tattoo subalit hindi pisikal kundi espiritwal na hindi nakikita ng pisikal nating mga mata Ito ay permanenteng tanda na tinatawag na “karakter” na siyang dahilang kung bakit minsan lang tanggapin ang kumpil - Ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay ganap na pag-aari ni Jesukristo at nakatalaga kang makipagkaisa sa Kanyang misyon at gawing ialok at ibahagi sa iyong kapwa ang biyayang nagpapabanal at nagliligtas
  • 79. Pagtapik ng Pisngi -sagisag ng katapangan -kapayapaang hangad ng Obispo at pagsugo ng may pagmamahal bilang mga saksi ni Kristo. Sinasabi ng Obispo Sumainyo ang kapayapaan, (sagot: AT SUMAIYO RIN) panalangin ito at paanyaya sa iyo na upang manatiling matatag at huwag maligalig kahit sa harap ng pagsubok. -patuloy mong kasama ang Espiritu Santo
  • 80. Ang Maging Kumpilang Saksi Saksi sa ibang salita ay martyr “Hindi iyon tungkol sa maraming salita at pakikipagdebate, hindi rin upang bulabugin ang kapwa tao…. Ang maging saksi ay pamumuhay sa hiwaga ng Diyos. Nangangahulugan ito ng isang buhay na walang saysay kung hindi totoo na Merong Diyos.” Cardinal Suenens
  • 81. Sino ang ministro ng Kumpil? Si KRISTO sa katauhan ng Obispo bilang kahalili ng mga Apostol, gayunman, may mga pagkakataon dala ng di maiwasang mga kadahilanan ay maaaring ipagkaloob ng mga Obispo sa mga pari ang pagkumpil
  • 82. 1. INSPIRASYON NG BIBLIYA: Ang Espiritu Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta at mga apostol, at pinukaw rin nito ang kanilang damdamin upang maisulat ang Luma at Bagong Tipan. Katulad ng sinabi ni Pedro: 2 Pedro 1:21 • "Sapagkat hindi nagbuhat sa kalooban ng tao ag hula ng mga propeta, ito"y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong kinasihan ng Espiritu Santo" .
  • 83. 2. PAGDALAW NG ANGHEL: Si Jesukristo ay ipinaglihi sa sinapupunan ng Birheng Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kagaya ng sinabi ng LAurckaasn 1g:3h5el Gabriel sa kanya: • "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng kataas-taasan. Kaya"t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak g
  • 84. 3. PAGBIBINYAG KAY JESUS: Ang Espiritu Santo ay pumanaog kay Jesus sa pagbibinyag sa kanya sa ilog ng MaJtoerod 3a:n1.6 A-1y7on nga sa Mabuting Balita: • "Nang mabinyagan si Jesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu g Diyos, bumababa sa kanya gaya ng isang kalapati."
  • 85. • 4. PENTEKOSTES: Noong araw ng Pentekostes, pumanaog ang Espiritu Santo sa Birheng Maria at mga alagad na natitipon sa Senakulo sa Jerusalem. Kagaya ng nakasaad sa Kasulatan: Gawa 2:1-4 • "Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo"y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wari"y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba"t ibang wika."
  • 86. Anu-ano ang kaloob ng Espiritu Santo?
  • 87. 7 kaloob ng Espiritu Santo Biyaya ng Diyos upang maging masunurin tayo sa kanyang kalooban KARUNUNGAN KAALAMAN PAG-UNAWA PAYO KABANALAN KATATAGAN PAGKATAKOT SA DIYOS Isaias 11:2-3
  • 88. 1. KARUNUNGAN: Ito ay ang kakayahan upang malaman ang tama at mali at ayusin ang lahat ayon sa kalooban ng Diyos. Salungat nito ang kahangalan. 2. KAUNAWAAN: Ito ay ang kakayahan upang maintindihan ang mga katotohanan ng pananampalataya ng madali at maayos. Salungat ito sa kawlan ng kabatiran. 3. KAHATULAN: Ito ay ang kakayahan upang malaman na rin ng maayos kaagad ang kalooban ng Diyos sa iba"t ibang sitwasyon ng buhay. Ito ay kasalungat ng katigasan ng ulo. 4. KALAKASAN: Ito ay ang kakayahan upang magtiyaga sa pagsunod sa kalooban ng Diyos sa mga oras ng kahirapan. Salungat ito sakahinaan.
  • 89. 5. . KAALAMAN: Ito ay ang kaalaman upang matuklasan ang mga katotohanan ng makamundo at espirituwal na mundo at maisaysay ang mga ito sa Lumikha. Ito ay kabaligtaran ng kamangmangan. 6. KABANALAN: Ito ay ang kakayahan upang sambahin ang Diyos nang buong puso at mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang totoong pagsamba sa Diyos ay naipapakita sa totoong pagmamahal sa kanyang mga anak. Kasalungat ito ng kasamaan. 7. TAKOT SA DIYOS: Ito ay ang kakayahan upang igalang ang kapangyarihan ng Diyos at matakot sa kasalanan. Dapat nating iwasan ang kasalanan hindi upang matakot sa kaparusahan kundi upang matakot na maaaring ating masaktan ang Diyos. ang takot ay hindi pagkasindak, jundi ang pagsamba at paggalang sa maka-amang pag-ibig ng Diyos. Ito ay kasalungat ng kawalang galang.
  • 90. (Galatians 5:22-23). BUNGA NG ESPIRITU SANTO
  • 91. • Pag-ibig (love) • Kagalakan (joy) • Kapayapaan (peace) • Pagtitiyaga (patience) • Kabaitan (kindness) • Pagbubukas-palad (generosity) • Katapatan (faithfulness) • Pagkamahinahon (gentleness) • Pagtitimpi (self-control)
  • 92. Ano ang katangian ng Kumpil? • Ang katangian ng Sakramento ng Kumpil ay ang espirituwal na tanda na nagtatalaga ng ating sarili kay Kristo. Winika ni San Pablo: "Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako" (2 Corinto 1:22). Ang katangiang ito ay hindi na mabubura pa sapagkat ito"y nangangahulugan ng ating pagiging kaisa ni Kristo. Ito"y katulad ng tanda na nakatatak sa mga sundalo na nagpapahiwatig ng kanilang katapatan sa kanilang pinuno o kaya"y selyong idinidikit na nagpapatunay sa isang dokumento. Ang Sakramento ng Binyag at Banal na Orden ay nagtatatak din ng katangian; kung kaya"t ang mga nasabing Sakramento ay nagtataglay ng katangiang hindi nabubura at di na maaaring ulitin.
  • 93. Sino ang maaaring kumpilan? -Binyagang Katoliko -May sapat na gulang na upang magpasiya (12 yrs old pataas) -May kaalaman tungkol sa sakramento ng Kumpil
  • 94. Sino ang maaaringtumayo bilang ninong/ninang? -Higit na maganda kung ang tatayo sa ninong/ninang sa kumpil ay ang ninong o ninang sa binyag upang maipagpatuloy niya ang tungkuling ipinagkaloob sa binyag na kanyang tutuparin
  • 95. • Hindi magulang ng kukumpilan • Isang mabuting Katoliko na kinumpilan na at pinili • Hindi babata sa 16 na taong gulang • May sapat na kaalaman na at matibay na hangaring tulungan sng kukumpilan upang maisakatuparan niya ang mga tungkulin ng buhay Kristiyano
  • 96. Ano ibig sabihin ng pagpapatong ng ninong o ninang sa kanang balikat ng kinukumpilan sa sandaling pagkumpil? -itinatalaga niya ang kanyang sarili upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang espiritual na magulang at nang sa gayon ay manatili at maging mabunga para sa iyo ang mga biyayang kaloob ng Kumpil
  • 97. Ano ang dapat na isuot ng kukumpilan? • Ang dapat na isuot ng mga kukumpilan ay disente subalit magayak. Hindi na kailangan ng mahahabang damit pang-kumpil dahil napagkakamalan lamang itong damit ng mga magsisipagtapos. Hindi na rin kailangan ng mga estolang pangkumpil sapagkat ang estola ay damit pangliturhiya na ginagamit lamang ng mga tumanggap ng Banal na Orden.
  • 98. Tayo ay inaanyayahan ng maging tunay na Saksi ni kristo na buong tapang na ipaglaban ang pananampalataya, tulad na mga alagad matapos nilang tanggapin ang Espiritu Santo sila’y nagkaroon ng tapang at lakas ng loob
  • 99. THANK YOU FOR YOUR LISTENING MAY THE HOLY SPIRIT GUIDE US ALWAYS!
  • 100. Iisa ang Espiritu na tinanggap natin sa tinanggap ng mga Apostol. Kaya magagawa rin natin ang nagawa ng mga Apostol.
  • 101. KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB • MGA GABAY NA TANONG: 1. NARANASAN NA BA NINYO ANG HUMINGI NG TAWAD PAGKATAPOS NA KAYO AY MAGKAGALIT O MAGKASAMAANG-LOOB O KAYA AY NAGKAMALI SA ISANG TAO? 2. MADALI BANG HUMINGI NG TAWAD?
  • 102. • II. PAGBUBUO / PAGPAPALALIM • III. PAG-UUGNAY • BAKIT KAYA MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD? • ANO ANG KAILANGAN UPANG MAGAWA ITO? • BASAHIN NATIN ANG KASAYSAYAN NG ISANG TAO NA HUMINGI NG TAWAD AT NAGBALIK-LOOB PAGKATAPOS MAGKASALA
  • 103. • IV. SALITA NG DIYOS- LUKAS 15:11-32 • V. PAGTATALAKAY SA PAGBASA: 1. SINU-SINO SNG MGA PANGUNAHING TAUHAN SA TALINHAGANG BINASA NATIN? 2. ANO ANG GINAWA NG BUNSONG ANAK? 3. PAGKATAPOS IBIGAY NG AMA ANG KANYANG MANA ANO ANG KANYANG GINAWA? 4. ANO ANG NANGYARI SA KANYA MATAPOS MAUBOS ANG KANYANG SALAPI? 5. ANO ANG NADAMA NIYA NGAYONG NAGHIHIRAP NA SIYA? ANO ANG KANYANG NAGING PASYA?
  • 104. 6. ANO ANG NAGING REAKSYON NG AMA NG MAKITA ANG BUNSONG ANAK NA DUMARATING? 7. ANO ANG GINAWA NG ANAK? 8. TANDA NG PAGPAPATAWAD AN O ANG GINAWA NG AMA? 9. SAMANTALA. ANO ANG NAGING REAKSYON NG PANGANAY NA KAPATID? 10. ANO NAMAN ANG GINAWA NG AMA?
  • 105. VI. KAHULUGAN NG TALINHAGA • AYON SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO, ANG AMA SA TALINHAGA AY LARAWAN NG DIYOS. MABIYAYA SA LAHAT, MABUTI MAN O MASAMA. • MAPAGPATAWAD SA ANAK NA NAGKASALA NGUNIT NAGBABALIK –LOOB SA DIYOS. • SIYA ANG DIYOS NA NATUTUWANG LUBHA SA PAGBABALIK NG MAKASALANAN AT TUMATANGGAP NA MULI DITO BILANG TUNAY NA ANAK NA MALAYA.
  • 106. • ANG BUNSONG ANAK AY LARAWAN NATING LAHAT. LUMALAYO TAYO AT PINUPUTOL ANG UGNAYAN SA AMA SA TUWING TAYO AY GUMAGAWA NG DI MABUTI. • ANG PAGLAYONG ITO SA AMA AT PAGPUTOL SA UGNAYAN NATIN SA KANYA AY TINATAWAG NA KASALANAN. • ANG PAGBABALIK NG ANAK AT PAGHINGI NG TAWAD AY LARAWAN NG ATING PAGSISISI SA TUWING TAYO AY NAGKAKASALA. • ANG PANGANAY NA ANAK AY LARAWAN DIN NATING LAHAT SA TUWING TAYO’Y AYAW MAGPATAWAD AT ANG TINGIN SA SARILI AY MAS MABUTI KAYSA IBA.
  • 107. • VII. PAG-UUGNAY: – LAHAT TAYO AY NAKAKARANAS MAGKASALA AT NAKADAMA NA MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD. – SA TINALAKAY NATING TALINHAGA, NAKITA NATIN ANG DALAWANG ANAK NA KAPWA NAKARANAS NA MAGKASALA SA AMA NGUNIT ANG ISA’Y NAGLAKAS-LOOB NA HUMINGI NG TAWAD SAMANTALANG ANG ISA AY DI MAN LAMANG TINANGGAP NA SIYA AY MAY PAGKAKAMALI. – SAMANTALA ANG AMA NA KUMAKATAWAN SA DIYOS AY TIGIB NG PAGMAMAHAL AT HANDANG TUMANGGAP SA ANAK NA NAGBABALIK-LOOB AT NAGSISISI.
  • 108. • KAILAN TAYO NAGKAKASALA AT ANO ANG KAILANGAN NATIN UPANG MAPATAWAD GAYA NG BUNSONG ANAK? NAGKAKASALA TAYO KUNG NALALAMAN AT MALAYANG PINAGPAPASYAHAN NATING TUMALIKOD SA PANGINOON AT TUMANGGING GAWIN ANG KANYANG KALOOBAN.
  • 109. • KASALANAN – AY ANG PAGTALIKOD SA DIYOS, PAGTANGGING GAWIN ANG KANYANG KALOOBAN. ITO’Y PAGTANGGI SA RELASYON NATIN SA DIYOS, SA KAPWA AT SA SARILI. • ANG ISANG AKTO AY NAGIGING KASALANAN KUNG ALAM NATING MASAMA ITO AT PAGKATAPOS AY MALAYA TAYONG NAGPASYA NA GAWIN ITO • ( CITE AN EXAMPLE )
  • 110. • MADALAS TAYONG NAGKAKASALA SUBALIT HINDI MADALING HUMINGI NG TAWAD O MAGSISI. • ANO KAYA ANG MAGIGING LAKAS NATIN UPANG HUMINGI NG TAWAD SA DIYOS AT SA KAPWA?  ANG KAPANGYARIHAN NG BIYAYANG NAKALILIGTAS NI KRISTO ANG NAG-UUDYOK SA ATIN UPANG HUMINGI NG KAPATAWARAN SA DIYOS AT SA KAPWA.
  • 111. • TOTOONG MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD SA ISANG TAONG ATING NASAKTAN O NAGAWAN NG KASALANAN. • KUNG NAGAGAWA MAN NATING LUMAPIT AT HUMINGI NG TAWAD, ITO’Y BIYAYA NA RIN NG DIYOS. • BAGO PA TAYO HUMINGI NG TAWAD, ANG BIYAYANG ITO NG DIYOS ANG SIYANG LAKAS NA UMAAKIT SA ATIN NA MAGBALIK. • KADALASAN AY GINAGAMIT NG DIYOS ANG PAGHIHIRAP NA MINSAN AY BUNGA NG ATING PAGKAKASALA UPANG PAALALAHANAN TAYONG MAGBALIK-LOOB.
  • 112. • KUNG PAANONG ANG PAGKALUBLOB NG ALIBUGHANG ANAK SA KAHIRAPAN AY NAGING DAAN PARA SIYA’Y MAGBAGO, GAYUNDIN NAMAN, GINAGAMIT NG DIYOS ANG MGA PANGYAYARING HINDI KANAIS-NAIS SA ATIN UPANG TAYO’Y KANYANG AKITIN. • AT PAG TAYO’Y NAGBALIK, BAGAMA’T NAGSISIMULA ANG ATING PAGSISISI SA PANSARILING DAHILAN, PINAWAWAGAS ITO NG DIYOS HANGGANG TAYO’Y MAKAPAGSISI DAHIL SA PAGMAMAHAL SA KANYA.
  • 113. • PAANONG SUMASAATIN ANG PAGPAPATAWAD NG DIYOS?  SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB, PINAGKAKASUNDO TAYO NG PANGINOONG HESUKRISTO SA AMA SA KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO AT SA PAMAMAGITAN NG PARI.  SEE HIGHLIGHT NOTES
  • 114. PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB • 1. TAHIMIK NA PAGDARASAL – HIHINGIN NATIN ANG TULONG NG ESPIRITU SANTO UPANG BIGYAN TAYO NG LAKAS NA MAKITA, AMININ AT TANGGAPIN ANG ATING MGA KAHINAAN AT KASALANANG NAGAWA. • 2. PAGSISISI – DAHIL SA ATING MGA KASALANAN AY NAKITA NATIN KUNG PAANO TAYO NAPALAYO SA DIYOS. KAYA PAGSISIHAN NATIN ANG MGA NAGAWANG KASALANAN KASABAY NITO ANG PANGAKONG DI NA MULING MAGKAKASALA.
  • 115. PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB 3. PANGAKONG MAGBABAGO – ANG PAGBABAGO AY ISA SA MGA BUNGA NG TUNAY NA PAGSISISI. ITO AY ISANG BIYAYA NG DIYOS. NAPAKAHALAGANG MALAMAN NATIN ITO SAPAGKAT MAY KAAKIBAT O KASAMA ITONG TUNGKULING ATING GAGAWIN. HALIMBAWA: KUNG DATI TAYONG PALAAWAY, AY MAGSUMIKAP TAYONG MAGING PALAKAIBIGAN AT MAGING MABUTING TAO.
  • 116. PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB 4. PANGUNGUMPISAL – ANG PAGLAPIT SA PARI AT PAGSABI NG KASALANAN. HUWAG TAYONG MATAKOT O MAHIYA SAPAGKAT ANG PAGLAPIT NATIN SA PARI SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB AY PAGLAPIT NATIN SA DIYOS AMANG MAPAGMAHAL AT MAPAGPATAWAD
  • 117. MGA HAKBANG SA PAGKUKUMPISAL – 1. LULUHOD O UUPO SA HARAPAN O SA TABI NG PARI AT MAG-AANTANDA NG KRUS. – 2. SASABIHIN SA PARI: “BASBASAN MO PO AKO PADRE SAPAGKAT AKO AY NAGKASALA. ANG HULI KO PONG KUMPISAL AY NOONG….” SABIHIN ANG BUWAN O ARAW. O KUNG DI NA MATANDAAN KUNG KAILAN AY SABIHIN SA PARI) – 3. SASABIHIN NA SA PARI ANG MGA KASALANANG NAGAWA AT NAIS IHINGI NG TAWAD SA DIYOS. – 4. HINTAYIN ANG IPADADASAL NG PARI SA HARAP NIYA (PAGSISISI) AT ANG ABSOLUSYON. – 5. TANDAAN AT GAWIN ANG IPAPAYO NG PARI PAGKATAPOS NG KUMPISAL. MAARING ITO’Y MGA PANALANGIN O KONKRETONG GAWAIN.
  • 118. PANALANGIN NG PAGSISISI • PANGINOONG HESUKRISTO, AKO AY NAGKASALA LABAN SA IYONG KABUTIHANG WALANG-HANGGAN. AKO’Y NAGSISISI NG BUONG PUSO AT NANGANGAKONG HINDI NA MULING MAGKAKASALA SA TULONG NG IYONG MAHAL NA GRASYA. AMEN.
  • 119. PAGTUGON:  ANO ANG GAGAWIN MO UPANG MAGKAROON NG LAKAS NA HUMINGI NG TAWAD TUWING IKAW AY NAGKAKASALA • KANINO KA LALAPIT UPANG KONKRETONG MAKAMTAN ANG HABAG AT AWA NG DIYOS NA LAGING HANDANG MAGPATAWAD? BAKIT PAGDIRIWANG: RITO NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK LOOB