SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 23
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Grade 8
Araling Panlipunan
Quarter 1
1
Module 1- Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Alamin
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na nasusuri ang katangiang pisikal
ngdaigdig (AP8HSK-Id-4).
Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Ang Daigdig at Ang Mga
Kontinente.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
Mga Icon ng Modyul
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
2
Panimulang Pagsusulit:
Panuto.Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.
1. Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo
patungo sa isa pang polo?
A. Latitud
B. Longhitud
C. Ekwador
D. Meridian
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan?
A. Atlantic
B. Indian
C. Pacific
D. Mediterranean
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang
pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. Africa
B. Amerika
C. Asya
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Pagtatasa
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Susi sa
Pagwasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.
Subukin
3
4. Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan
ng timog at hilaga?
A. Ekwador
B. Parallel
C. Longhitud
D. Meridian
5. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat?
A. Burol
B. Elebasyon
C. Relief
D. Talampas
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya
ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan
7. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig?
A. Klima at panahon
B. Porma at elebasyon ng lupa
C. Lawak at anyo ng katubigan
D. Lahat ng A, B, at C.
8. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan?
A. Hindi magkatulad
B. may ugnayan sa isa’t isa
C. magkatulad
D. walang kaugnayan sa isa’t isa
9. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may
mahalagang bahagi sa kasaysayan?
A. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon
ng kanyang pagsalakay doon.
B. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.
C. Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl maamig doon.
D. Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas.
10. Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa
radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba’t
ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang
mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang
gampanin bilang residente ng daigdig na ito.
Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan?
A. Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan
B. Para huwag magalit ang Diyos sa tao
C. Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito
D. Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga taong naninirahan dito.
4
Aralin
1 Ang Daigdig
Gawain: Picture-Suri
Suriing mabuti ang nasa larawan at punan ng mga letra ang mga patlang sa ibaba
upang mabuo ang salita na tumutukoy dito. Sagutin din ang mga katanungan na nasa
ibaba.
https://freesvg.org/3d-earth-globe
Tanong:
1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?
___________________________________________________________________
2. Anong mga katangian ang nakikitang mong tinataglay ng nasa larawan?
___________________________________________________________________
Tuklasin
E_R_H
5
Suriin
Heograpiya
Ang salitang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia
o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig".
Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical
Geography, na agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa
kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng
agham-pangkalikasan.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa sa walong planetang
umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang
mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng
enerhiya mula sa araw. Gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin,
alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw
sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga
halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon
ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay
na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at
mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km)
palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7
km.
Ang mantle ay isang
patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi nito.
Tinatawag na core ang
kaloob-loobang bahagi ng daigdi
na binubuo ng mga metal tulad
ng iron at nickel.
Ang daigdig ay may plate
o malalaking masa ng solidong
bato na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang mga ito
ay gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa mantle.
Ang daigdig ay may apat
na hatingglobo (hemisphere):
Ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na
hinahati ng equator, at ang
Eastern Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.
http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAA
Bdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg
6
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao
Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima,
katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat
katangian sa isa't isa. Ang sistema ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa
nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang
mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang
hayop at lamang-dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha
buhat sa mga tao. llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng
nagbabagong daigdig.
Grid ng Daigdig
Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng
daigdig na nagiging patag sa mga polo.
Upang masukat ang
kinaroroonan ng isang lugar,
naglagay ang tao ng mga
kathang-isip na guhit sa
mundo. Nagsisimula ito sa
magkabilang dulo ng mga polo
na may tawag na Timog Polo
(South Pole) sa bandang itaas
at Hilagang Polo (North Pole)
sa bandang ibaba. Ang guhit
na makikita sa kalagitnaan at
pahalang sa pagitan ng hilaga
at timog ay tinatawag na
ekwador (equator). Ang maliliit
na mga bilog na naka-parallel
sa ekwador at ng polo ay
tinatawag itong parallel ng
latitud dahil sa kanilang
relasyon sa ekwador.
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif
Meridian
Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang
polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na
bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng
katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Dito rin kinuha ang
salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang
tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang "pagkalipas ng tanghali."
North Pole
Prime Meridian
South Pole
Tropic of
Capricornn
Prime Meridian
Tropic of
Cancer
7
Parallel
Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila
magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig sa
pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn,
at ang Antarctic Circle.
Latitud
Latitud ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay
maysukat na 10° o 15°. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng
ekwador.
Longhitud
Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at
sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang
sabihin muna ang latitud, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog,
hilaga, silangan, o kanluran).
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras
Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw.
Taliwas ito sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa ito
ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw ng
mga puntos sa ekwador habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras. Nababawasan
ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo.
Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-
ikot ng daigdig sa araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil
matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay.
Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig
sakanyang axis. Kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot
ito hanggang sa susunod na hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat
oras o isang galaw bawat apat na minuto. Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin
ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran dahil umiinog ang daigdig patungo sa
silangan.
Ang Klima
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng
buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang kapaligiran o atmospera
at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima
sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon
din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.
8
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng
araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na
tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga
lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp.
Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng
disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang
maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.
Gawain: Guhit Ko, Tukuyin Mo
Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon
upang tukuyin ang mga mahahalagang guhit o bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na
patlang.
___ _____ _____
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif
Pagyamanin
Equator North Pole
Prime Meridian Antarctic Circle Arctic Circle
Tropic of Cancer Tropic of Capricorn South Pole
9
Gawain: Malayo Man, Malapit Din
Basahin at unawain ang mga kondisyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung malapit
o malayo sa equator ang kinaroroonan ng lugar na inilalarawan ng mga kondisyong
nakasulat sa unang kolum. Iguhit sa ikalawang kolum ang kung malapit sa equator at
iguhit ang kung malayo. Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa
gawaing kwaderno.
1. Pagkakaroon ng rainforest
2. Nakakaranas ng snowfall o niyebe
3. Nagsasaka ang mga tao at tuwirang nagagamit ang lupa
4. Makakapal ang mga kasuotan ng mga tao
5. Ang pagkakaroon ng disyerto
Tanong:
1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Isaisip
10
Isagawa
Gawain: Tala-Puna
Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o
kaganapan sa loob at labas ng ating bansa na may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga
pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa radyo o
nabasa sa isang pahayagan.
Pangyayari/Kaganapan Ano ang iyong alam sa pangyayari o kaganapang ito?
1. Bagyo
2. Lindol
3. Baha
4. Pagsabog ng bulkan
5. Ipo-ipo
6. El Niño
11
Aralin
2 Ang Mga Kontinente
Gawain: Complete It!
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong natalakay
sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng paglapat ng wastong titk sa loob ng mga kahon.
Gawin ito sa activity notebbok.
1. Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang Earth.
C T
2. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito.
M N E
3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at
nickel.
C E
4. Binubuo ng malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon.
P A E
5. Ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero.
E U R
Balikan
12
Tuklasin
Gawain: Alamat, Ikuwento Ko!
Basahin at unawain ang kuwento na nakasulat sa kahon at sagutin ang mga tanong
na nasa ibaba.
Tanong:
1. Tungkol saan ang kuwento?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Anong anyong lupa at anyong tubig ang nabanggit sa alamat?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ayon sa isang matandang alamat, noong unang panahonay walang lupa. Ang
langit at tubig lamang ang namamayani sa daigdig.
May isang uwak na lumipad sa himpapawid ngunit wala siyang madapuan. Sa
sobrang pagod sa paglipad, naisipan ng uwak na paglabanin ang langit at dagat.
Nagkaroon ng matinding labanan ang dalawa. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa
langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito
sinsabing nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.
13
Ang Mga Kontinente
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory,
dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa
paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang
kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.
Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Continental Drift Theory:
Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente
ng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa,
Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika,
ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa
Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.
Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang
kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa
Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito.
Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
•Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran
ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.
240 milyong taon
•Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa
dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.
200 milyong taon
•Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-
unting dumidikit sa Asya.
65 milyong taon
•Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang
galaw ng North America at Europe bawat taon
Sa kasalukuyan
Suriin
14
ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya
rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng
Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng
kabuuang lupa ng daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.
Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor
Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba
pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa
dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula
sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Mga Anyong Tubig
Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto
ng tao na mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran.
Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga
lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng
maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus
sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng
panahon dahil sa iba't ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na
rason o dahilan.
Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang
panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot
hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa
daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,
pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi
15
ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java
Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
Mga Uri ng Anyong Tubig
Ating balikan ang iba’t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan
kung paano sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig.
Karagatan - Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat
ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko,
Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang
Southern.)
Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa
karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang
sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat
Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)
Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong
dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundoko burol.
Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan. (Ang Look ng Maynila,Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at
Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo.
Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat.
Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot– Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong
tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging
arkipelago nito.
Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy.
Mga Anyong Lupa
Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-
hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya,
at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at
Australia kasama ang Oceania.
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28
milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng
16
lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific
Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga
oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang
ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang
pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.
Mga Uri ng Anyong Lupa
Balikan natin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating
pang-unawaan sa kasaysayan ng daigdig.
Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa,
patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay.
Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at
hamak na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok
Apo.
Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na
kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari
itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang
Pinatubo.
Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang
tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring
mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing
taniman.
Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at
magkasunud-sunod.
Pulo —Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring
pasukin ng tao at hayop.
Tangway —Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway.
Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.
17
Gawain: The Map Says
Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BlankMap-World-1957.png
I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan.
1. Pacific Ocean ___________________
2. Atlantic Ocean __________________
3. Indian Ocean ___________________
4. Arctic Ocean ___________________
5. Southern Ocean ________________
II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa?
a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania
2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente?
a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America
3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe?
a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia
4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa?
a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean
5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa?
a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean
Pagyamanin
C
B
D
E
D
A
18
Gawain: Anyo Mo, Ilarawan Ko
Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga anyong lupa at
anyong tubig at isulat ito sa unang kolum. Isulat naman sa ikalawang kolum ang katangian
ng bawat halimbawa na naibigay. Sagutin din ang tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa
gawaing kwaderno.
Anyong Lupa Katangian
Anyong Tubig Katangian
Tanong:
1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang
pinaninirahan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-unlad ng
kabuhayan ng tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isaisip
19
Gawain: Iguhit Ko, Kuwento Ko
Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan.
Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig na iyong nakita sa lugar na may masaya
kayong ala-ala. Gawin ito sa iyong activity notebook.
Isagawa
20
Buod
Ang daigdigay binubuo ng crust,mantleat core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran
– mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ng araw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig.
Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng
halaman at hayopang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit
ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na
mgahalaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May
pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South
America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon.May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at
Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa
apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica;
Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia
kasama ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang
lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.
Pangwakas na Pagsusulit:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa
isapang polo?
A. Parallel
B. Longhitud
C. Latitud
D. Meridian
Pagtatasa
21
2. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at
timog?
A. Meridian
B. Parallel
C. Ekwador
D. Longhitud
3. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?
A. Kalupaan
B. Katubigan
C. Klima at Panahon
D. Lahat ng nasa itaas
4. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat?
A. Elebasyon
B. Meridian
C. Relief
D. Ekwador
5. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
A. Indian
B. Atlantic
C. Mediterranean
D. Pacific
6. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig?
A. Aprica
B. Europa
C. Asya
D. Hilagang Amerika
7. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng
kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima
B. Anyo at lawak ng katubigan
C. Porma ng lupa
D. Lahat ng nasa itaas
8. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga
bansa?
A. Kabuhayan
B. Panlipunan
C. Pulitika
D. Pangkabuhayan
9. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito daigdig bilang tahanan ng tao at
nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay?
A. Pisikal
B. Pulitika
C. Kultura
D.Panlipunan
22
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy
nang maayos ang buhay ng tao.
Gawain: Barangay Ko, Guhit Ko
Gamit ang iyong kuwaderno, iguhit ang mapa ng iyong Barangay at lagyan
ito ng mga marka kung saan dito ang mga lugar na may anyong lupa at anyong
tubig.
Karagdagang Gawain
23

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1DIEGO Pomarca
 
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...Khristine Joyce Reniva
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigNeri Diaz
 
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptxAraling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptxKatherine Bautista
 
Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8MechelPurca1
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigNorman Gonzales
 
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang PantaoAraling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang PantaoJonathan Husain
 
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYALinangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYAOlhen Rence Duque
 
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedChuckry Maunes
 
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)Darwin Caronan
 
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2Nico Granada
 
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...anettebasco
 
Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1JoeHapz
 
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang AsyaUnang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang AsyaLaarni Cudal
 
Araling Panlipunan 8 - MELC Updated
Araling Panlipunan 8 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 8 - MELC Updated
Araling Panlipunan 8 - MELC UpdatedChuckry Maunes
 

Was ist angesagt? (20)

Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
 
Heograpiyang Pantao
Heograpiyang PantaoHeograpiyang Pantao
Heograpiyang Pantao
 
Deepen heograpiyang pantao
Deepen heograpiyang pantaoDeepen heograpiyang pantao
Deepen heograpiyang pantao
 
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
 
Ap 7 3rd quarter exam
Ap 7 3rd quarter examAp 7 3rd quarter exam
Ap 7 3rd quarter exam
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng Daigdig
 
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptxAraling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
Araling Panlipunan 7 Third Quarter.pptx
 
Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng Daigdig
 
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM FIRST QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM FIRST QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM FIRST QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM FIRST QUARTER
 
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang PantaoAraling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
 
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYALinangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
 
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga KontinenteA.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
 
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
 
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
 
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
 
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
 
Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-7 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
 
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang AsyaUnang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
 
Araling Panlipunan 8 - MELC Updated
Araling Panlipunan 8 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 8 - MELC Updated
Araling Panlipunan 8 - MELC Updated
 

Ähnlich wie Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1

Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01
Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01
Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01Maynchie Faronilo
 
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigAP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigJared Ram Juezan
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigOlhen Rence Duque
 
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptxHeograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptxAceAnoya1
 
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptxHeograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptxMarnelGealon2
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdigdionesioable
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014
Modyul 01   hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014Modyul 01   hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014sugareve34
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdigdionesioable
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig南 睿
 
Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...
Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...
Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...R Borres
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8PreSison
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Precious Sison-Cerdoncillo
 
AP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptx
AP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptxAP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptx
AP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptxMaryJoyTolentino8
 
AP 8 Q1 week 1 day 1
AP 8 Q1 week 1 day 1AP 8 Q1 week 1 day 1
AP 8 Q1 week 1 day 1Mila Reyes
 
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptxAP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptxStevAlvarado
 
AP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxAP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxYnnejGem
 

Ähnlich wie Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1 (20)

Heograpiya sa Daigdig SIM
Heograpiya sa Daigdig SIMHeograpiya sa Daigdig SIM
Heograpiya sa Daigdig SIM
 
Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01
Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01
Heograpiyangdaigdig 140604233559-phpapp01
 
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigAP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng Daigdig
 
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptxHeograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
 
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptxHeograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
Heograpiya ng Daigdig Q1ppt.pptx
 
DAIGDIG.pptx
DAIGDIG.pptxDAIGDIG.pptx
DAIGDIG.pptx
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014
Modyul 01   hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014Modyul 01   hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig.pdf grade 8 2014
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
 
05
0505
05
 
Solar system tv
Solar system tvSolar system tv
Solar system tv
 
Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...
Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...
Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective ...
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
AP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptx
AP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptxAP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptx
AP8-Q1-W1-KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG.pptx
 
AP 8 Q1 week 1 day 1
AP 8 Q1 week 1 day 1AP 8 Q1 week 1 day 1
AP 8 Q1 week 1 day 1
 
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptxAP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
 
AP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxAP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docx
 

Kürzlich hochgeladen

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 

Kürzlich hochgeladen (20)

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 

Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1

  • 2. Module 1- Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Alamin Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na nasusuri ang katangiang pisikal ngdaigdig (AP8HSK-Id-4). Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Ang Daigdig at Ang Mga Kontinente. Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito: 1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. 2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan. 3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. 4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul. Mga Icon ng Modyul Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. 2
  • 3. Panimulang Pagsusulit: Panuto.Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o kwaderno. 1. Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo patungo sa isa pang polo? A. Latitud B. Longhitud C. Ekwador D. Meridian 2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan? A. Atlantic B. Indian C. Pacific D. Mediterranean 3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang pinakamalaking populasyon sa daigdig? A. Africa B. Amerika C. Asya Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Pagtatasa Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Susi sa Pagwasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Subukin 3
  • 4. 4. Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng timog at hilaga? A. Ekwador B. Parallel C. Longhitud D. Meridian 5. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat? A. Burol B. Elebasyon C. Relief D. Talampas 6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya ng daigdig? A. Ang daigdig ay tahanan ng tao B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan 7. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig? A. Klima at panahon B. Porma at elebasyon ng lupa C. Lawak at anyo ng katubigan D. Lahat ng A, B, at C. 8. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan? A. Hindi magkatulad B. may ugnayan sa isa’t isa C. magkatulad D. walang kaugnayan sa isa’t isa 9. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan? A. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon ng kanyang pagsalakay doon. B. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito. C. Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl maamig doon. D. Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas. 10. Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba’t ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang gampanin bilang residente ng daigdig na ito. Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan? A. Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan B. Para huwag magalit ang Diyos sa tao C. Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito D. Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng buhay ng mga taong naninirahan dito. 4
  • 5. Aralin 1 Ang Daigdig Gawain: Picture-Suri Suriing mabuti ang nasa larawan at punan ng mga letra ang mga patlang sa ibaba upang mabuo ang salita na tumutukoy dito. Sagutin din ang mga katanungan na nasa ibaba. https://freesvg.org/3d-earth-globe Tanong: 1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan? ___________________________________________________________________ 2. Anong mga katangian ang nakikitang mong tinataglay ng nasa larawan? ___________________________________________________________________ Tuklasin E_R_H 5
  • 6. Suriin Heograpiya Ang salitang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig". Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical Geography, na agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng agham-pangkalikasan. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon. Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang daigdig ay may apat na hatingglobo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAA Bdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg 6
  • 7. Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat katangian sa isa't isa. Ang sistema ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at lamang-dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat sa mga tao. llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig. Grid ng Daigdig Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng daigdig na nagiging patag sa mga polo. Upang masukat ang kinaroroonan ng isang lugar, naglagay ang tao ng mga kathang-isip na guhit sa mundo. Nagsisimula ito sa magkabilang dulo ng mga polo na may tawag na Timog Polo (South Pole) sa bandang itaas at Hilagang Polo (North Pole) sa bandang ibaba. Ang guhit na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog ay tinatawag na ekwador (equator). Ang maliliit na mga bilog na naka-parallel sa ekwador at ng polo ay tinatawag itong parallel ng latitud dahil sa kanilang relasyon sa ekwador. https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif Meridian Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Dito rin kinuha ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang "pagkalipas ng tanghali." North Pole Prime Meridian South Pole Tropic of Capricornn Prime Meridian Tropic of Cancer 7
  • 8. Parallel Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn, at ang Antarctic Circle. Latitud Latitud ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay maysukat na 10° o 15°. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng ekwador. Longhitud Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang sabihin muna ang latitud, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog, hilaga, silangan, o kanluran). Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw. Taliwas ito sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw ng mga puntos sa ekwador habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras. Nababawasan ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo. Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag- ikot ng daigdig sa araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay. Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sakanyang axis. Kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito hanggang sa susunod na hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat oras o isang galaw bawat apat na minuto. Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran dahil umiinog ang daigdig patungo sa silangan. Ang Klima Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang kapaligiran o atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level. 8
  • 9. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. Gawain: Guhit Ko, Tukuyin Mo Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon upang tukuyin ang mga mahahalagang guhit o bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na patlang. ___ _____ _____ https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif Pagyamanin Equator North Pole Prime Meridian Antarctic Circle Arctic Circle Tropic of Cancer Tropic of Capricorn South Pole 9
  • 10. Gawain: Malayo Man, Malapit Din Basahin at unawain ang mga kondisyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung malapit o malayo sa equator ang kinaroroonan ng lugar na inilalarawan ng mga kondisyong nakasulat sa unang kolum. Iguhit sa ikalawang kolum ang kung malapit sa equator at iguhit ang kung malayo. Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing kwaderno. 1. Pagkakaroon ng rainforest 2. Nakakaranas ng snowfall o niyebe 3. Nagsasaka ang mga tao at tuwirang nagagamit ang lupa 4. Makakapal ang mga kasuotan ng mga tao 5. Ang pagkakaroon ng disyerto Tanong: 1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ 2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ 3. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Isaisip 10
  • 11. Isagawa Gawain: Tala-Puna Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o kaganapan sa loob at labas ng ating bansa na may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa radyo o nabasa sa isang pahayagan. Pangyayari/Kaganapan Ano ang iyong alam sa pangyayari o kaganapang ito? 1. Bagyo 2. Lindol 3. Baha 4. Pagsabog ng bulkan 5. Ipo-ipo 6. El Niño 11
  • 12. Aralin 2 Ang Mga Kontinente Gawain: Complete It! Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong natalakay sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng paglapat ng wastong titk sa loob ng mga kahon. Gawin ito sa activity notebbok. 1. Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang Earth. C T 2. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. M N E 3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. C E 4. Binubuo ng malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. P A E 5. Ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. E U R Balikan 12
  • 13. Tuklasin Gawain: Alamat, Ikuwento Ko! Basahin at unawain ang kuwento na nakasulat sa kahon at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Tanong: 1. Tungkol saan ang kuwento? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ 2. Anong anyong lupa at anyong tubig ang nabanggit sa alamat? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Ayon sa isang matandang alamat, noong unang panahonay walang lupa. Ang langit at tubig lamang ang namamayani sa daigdig. May isang uwak na lumipad sa himpapawid ngunit wala siyang madapuan. Sa sobrang pagod sa paglipad, naisipan ng uwak na paglabanin ang langit at dagat. Nagkaroon ng matinding labanan ang dalawa. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito sinsabing nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas. 13
  • 14. Ang Mga Kontinente Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente. Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Continental Drift Theory: Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente ng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente. Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito. Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya •Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean. 240 milyong taon •Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere. 200 milyong taon •Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti- unting dumidikit sa Asya. 65 milyong taon •Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North America at Europe bawat taon Sa kasalukuyan Suriin 14
  • 15. ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China. Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig. Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America. Mga Anyong Tubig Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto ng tao na mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran. Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro). Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng panahon dahil sa iba't ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na rason o dahilan. Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi 15
  • 16. ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean. Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea. Mga Uri ng Anyong Tubig Ating balikan ang iba’t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan kung paano sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig. Karagatan - Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.) Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.) Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundoko burol. Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila,Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo. Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat. Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Kipot– Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito. Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos. Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy. Mga Anyong Lupa Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati- hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania. Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28 milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng 16
  • 17. lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig. Mga Uri ng Anyong Lupa Balikan natin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating pang-unawaan sa kasaysayan ng daigdig. Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay. Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok Apo. Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo. Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing taniman. Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat. Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at magkasunud-sunod. Pulo —Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig. Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop. Tangway —Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig. Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway. Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa. 17
  • 18. Gawain: The Map Says Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BlankMap-World-1957.png I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan. 1. Pacific Ocean ___________________ 2. Atlantic Ocean __________________ 3. Indian Ocean ___________________ 4. Arctic Ocean ___________________ 5. Southern Ocean ________________ II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa? a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania 2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente? a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America 3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe? a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia 4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa? a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean 5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa? a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean Pagyamanin C B D E D A 18
  • 19. Gawain: Anyo Mo, Ilarawan Ko Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig at isulat ito sa unang kolum. Isulat naman sa ikalawang kolum ang katangian ng bawat halimbawa na naibigay. Sagutin din ang tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing kwaderno. Anyong Lupa Katangian Anyong Tubig Katangian Tanong: 1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ 2. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Isaisip 19
  • 20. Gawain: Iguhit Ko, Kuwento Ko Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan. Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig na iyong nakita sa lugar na may masaya kayong ala-ala. Gawin ito sa iyong activity notebook. Isagawa 20
  • 21. Buod Ang daigdigay binubuo ng crust,mantleat core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ng araw. Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayopang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mgahalaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon.May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at Southern Ocean. Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania. Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon. Pangwakas na Pagsusulit: Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isapang polo? A. Parallel B. Longhitud C. Latitud D. Meridian Pagtatasa 21
  • 22. 2. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog? A. Meridian B. Parallel C. Ekwador D. Longhitud 3. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig? A. Kalupaan B. Katubigan C. Klima at Panahon D. Lahat ng nasa itaas 4. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat? A. Elebasyon B. Meridian C. Relief D. Ekwador 5. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig? A. Indian B. Atlantic C. Mediterranean D. Pacific 6. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig? A. Aprica B. Europa C. Asya D. Hilagang Amerika 7. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig? A. Klima B. Anyo at lawak ng katubigan C. Porma ng lupa D. Lahat ng nasa itaas 8. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa? A. Kabuhayan B. Panlipunan C. Pulitika D. Pangkabuhayan 9. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito daigdig bilang tahanan ng tao at nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay? A. Pisikal B. Pulitika C. Kultura D.Panlipunan 22
  • 23. 10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin? A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan. B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan. C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan. D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy nang maayos ang buhay ng tao. Gawain: Barangay Ko, Guhit Ko Gamit ang iyong kuwaderno, iguhit ang mapa ng iyong Barangay at lagyan ito ng mga marka kung saan dito ang mga lugar na may anyong lupa at anyong tubig. Karagdagang Gawain 23