2. Sa ilalim ng polisiya ng CSC, ano ang pakahulugan ng sexual harassment?
Ayon sa CSC Resolution No. 01-0940 o ang Administrative Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases:
Ang terminong “sexual harassment” ay patungkol sa unwelcome sexual advance, paghingi o pagde-
demand ng sexual favor, o anumang klase ng pananalita o kilos na may bahid sekswal
o Unwelcome, ibig sabihin ang akto ay hindi ayon sa kagustuhan ng biktima
Offender ay government employee or official
o Lahat ng opisyal at empleyado sa national and local government, state colleges and universities,
government owned and controlled corporations, kasama ang Presidential appointees at elective
officials
o Career or non-career, and regardless of position
o Sakop ng polisiyang ito kung ang offender ay isang empleyado o opisyal ng pamahalaan, kahit ang
biktima ay hindi taga-gobyerno.
Ginawa sa loob ng isang work-related, training or education related environment.
Sexual Harassment in the Public Sector
3. May iba-ibang klase ba ito?
Physical
Makikita sa paraan ng malisyosong paghawak o paghipo, overt or obvious sexual advances, at
gestures na may bahid ng pambabastos
Verbal
Kasama rito ang paghingi ng sexual favors at malisyosong pananalita
Paggamit ng mga bagay, larawan o sulat na may bahid sekswal
Sexual Harassment in the Public Sector
4. Ano ang maaaring ugat ng sexual harassment sa lugar ng trabaho?
Malaking factor dito ang gender bias, o ang pagtingin ng isang tao toward another person of the
opposite sex bilang mas mahina.
May mga pag-aaral na nagsasabing ito ay bunga ng work environment kung saan ang mga staff sa isang
opisina ay magkakasama ng walong oras o higit pa sa isang araw.
Maaaring ito rin ay dahil sa superior-subordinate relationship. May mga pagkakataon na inaabuso ng
isang opisyal ang kanyang status bilang mas nakatataas.
Lalo pa ngayon na usung-uso ang cellphones, e-mail at iba pang technological devices, mas madali para
sa mga harassers na makapang-biktima ng kanilang mga kasama sa trabaho.
Sexual Harassment in the Public Sector
5. Ano ang epekto ng sexual harassment sa loob ng pamahalaan?
Ang sexual harassment ay isang klase ng human right violation. Malaki ang epekto nito sa mga biktima
lalo na sa aspetong pisikal (physical) at sikolohikal (psychological). Dahil ito ay work-related, maaari
itong magdulot ng pagbaba ng morale at productivity ng biktima.
Para sa isang institusyong gaya ng pamahalaan kung saan malaking bahagi nito ay binubuo ng mga
kababaihan, mahalagang siguruhin na protektado ang mga babaeng empleyado laban sa karahasan at
diskriminasyon.
Sexual Harassment in the Public Sector
6. Ano ang dapat tandaan ng isang empleyado kung pakiramdam niyang siya ay naging biktima
ng sexual harassment?
May ilang mga bagay na dapat tandaan ang isang tao kung pakiramdam niyang siya ay biktima ng sexual
harassment:
Huwag i-deny ang pangyayari
Huwag isiping matitigil ang pambabastos kung hindi niya ito papansinin
Huwag matakot na magsumbong o humingi ng payo o tulong sa kinauukulan; put everything in writing
Huwag antaying lumala ang “offensive behavior” bago gumawa ng aksyon
Kung ang pambabastos ay ginawa ng mahigit isang beses, isulat ang mga detalye ng bawat pangyayari
Kung maaari, maghanap ng witness at mga ebidensya mula sa mga ka-trabaho
Kung gusto ng “legal action”, maghain ng formal complaint
Sexual Harassment in the Public Sector
7. May laban ba ang mga biktima ng sexual harassment? Kanino o saan sila maaaring lumapit?
Mayroong mga institusyon at mekanismo na nagbibigay suporta sa mga biktima ng sexual harassment.
Sa lahat ng opisina ng pamahalaan ay may – o dapat may – Committee on Decorum and Investigation
(CODI) na binubuo ng mga miyembro ng management at mga empleyado. Ito ang tumutulong upang
labanan o sugpuin ang sexual at iba pang klase ng harassment sa lugar ng pagtatrabaho. Ito ay
nakasaad sa R.A. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995.
Bago pa man isinabatas ang R.A. 7877, ang CSC ay nakapaglabas na ng polisiya tungkol sa sexual
harassment (CSC Resolution 01-0940 signed in 2001)
Sexual Harassment in the Public Sector
8. Ano ang mga prosesong dapat nilang pagdaanan? Ano ang maaari nilang asahan na aksyon?
Dadaan sila sa legal process
(i.e. filing of complaint, investigation, hearing, decision, appeals)
Maaari rin bigyan ang biktima ng tulong sa pamamagitan ng counseling, referral at iba pa.
Sexual Harassment in the Public Sector
9. Paano natin mahihimok ang mga biktima (pati na rin mga witness) ng sexual harassment na
humingi ng tulong sa kinauukulan o maghain ng reklamo?
Karaniwan na para sa mga biktima ng sexual harassment ang mag-alinlangan pagdating sa paghahain ng
reklamo. Maaaring:
Sinisisi nila ang kanilang sarili kung bakit nangyari ang pambabastos (e.g. being too friendly, wearing
sexy or revealing outfit, has loose morals)
Nahihiya silang malaman ng ibang tao na sila ay biktima ng ganitong klaseng pangyayari o “fear of
discrimination”
Mayroon silang “fear of retaliation” lalo na kung ang inirereklamong indibidwal ay may authority
Iniisip nilang walang patutunguhan ang kanilang reklamo
Responsibilidad ng mga kinauukulan na siguruhing ang mga sensitibong kaso tulad ng sexual harassment ay
inaaksyunan ng tama at may pag-iingat. Kailangan ring mabigyan ng assurance ang biktima na bibigyan ng
karampatang atensyon at aksyon ang kanyang reklamo, at siya ay aalalayan laban sa retaliation at
discrimination.
Sexual Harassment in the Public Sector
10. Maaari bang masiguro na maitatago ang pagkatao ng biktima, maging ang mga dokumentong
kaugnay sa kaso?
Base sa Section 44 ng R.A. 9262, lahat ng records pagdating sa mga kaso ng karahasan sa kababaihan ay
kinakailangang ituring na confidential bilang pag-respeto sa privacy ng biktima. Pagdating sa application for
ten-day leave, ang mga staff na magpo-proseso ng mga dokumento ng isang victim of violence ay dapat
umiwas sa pag-leak o pagsiwalat ng sensitive information na dumadaan sa kanila.
SEC. 44. Confidentiality. – All records pertaining to cases of violence against women and their children
including those in the barangay shall be confidential and all public officers and employees and public or
private clinics to hospitals shall respect the right to privacy of the victim. Whoever publishes or causes to
be published, in any format, the name, address, telephone number, school, business address, employer,
or other identifying information of a victim or an immediate family member, without the latter’s consent,
shall be liable to the contempt power of the court.
Sexual Harassment in the Public Sector
11. May mga special benefits at services bang ibinibigay para sa mga biktima ng sexual harassment?
Benefits – see Ten-Day Leave Privilege for VAWC victims
Services – Counseling
o Humingi ng tulong sa HR department o disciplining authority ng ahensya
Magna Carta of Women
o Sec. 30. Women in Especially Difficult Circumstance – For purposes of this Act, “Women in Especially Difficult
Circumstances” (WEDC) shall refer to victims and survivors of sexual and physical abuse, illegal recruitment, prostitution,
trafficking, armed conflict, women in detention, victims and survivors of rape and incest, and such other related
circumstances which have incapacitated them functionally. Local government units are therefore mandated to deliver the
necessary services and interventions to WEDC under their respective jurisdictions.
o Sec. 31. Services and Interventions. – WEDC shall be provided with services and interventions as necessary such as but not
limited to, the following:
(a) Temporary and protective custody;
(b) Medical and dental services;
(c) Psychological evaluation;
(d) Counseling;
(e) Psychiatric evaluation;
(f) Legal services; Sexual Harassment in the Public Sector
(g) Productivity skills capability building;
(h) Livelihood assistance;
(i) Job placement;
(j) Financial assistance, and
(k) Transportation assistance
12. Ano ang kaparusahan sa mga taong mapapatunayang nagkasala ng sexual harassment?
GRAVE OFFENSE
o Examples: unwanted touching of private parts, sexual assault, request for sexual favor in exchange for
employment, promotion, passing grade (para sa harassment in an education or training related environment),
etc.
o Penalty: Dismissal
LESS GRAVE OFFENSE
o Examples: unwanted touching (non-private parts), verbal abuse with sexual overtones
o Penalties: 1st offense – fine or suspension not less than 30 days and not exceeding six months; 2nd offense –
dismissal
LIGHT OFFENSE
o Examples: stealing a look at a person’s private part or undergarments, sending sexist/smutty jokes electronic
means (i.e. text, email), malicious ogling, making offensive hand or body gestures
o Penalties: 1st offense – reprimand; 2nd offense – fine or suspension not exceeding 30 days; 3rd offense –
dismissal
Sexual Harassment in the Public Sector