ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
Panimulang pagkilatis sa sosyolingguwistika
1. S g
N
i
l
o
y
s
o
JOSE V. VALDEZ
Tagapag-ulat:
g i
w s t k
i
Introduksyong Kilatis sa
Kaligiran ng
Sosyolinggwistika
2. Ang talakay ay iinog sa panimulang pagkilatis sa kaligiran
ng Sosyolinggwistika na binubuo ng sumusunod na usapin:
• Ang kaugnayan ng wika at ng lipunan o ang gampanin ng
wika sa isang lipunan.
• Kaalamang pangwika at baryasyon
• Ang wika at ang lipunan, at
• Ang sosyolinggwistika at ang sosyolohiya ng wika.
Bibigyang-pansin sa ilang bahagi ng talakay ang mga salik
na nakaaapekto sa sosyolinggwistika at ang epekto nito sa
komunikasyon.
.
PANGKALAHATANG TANAW SA ULAT
3. PhD Fil- 388: Sosyolinggwistikang Filipino
Introduksyong Kilatis sa Kaligiran ng Sosyolinggwistika
I. PANIMULA II. KAHULUGAN NG
SOSYOLINGGWISTIKA
III. KAALAMANG
PANGWIKA
IV. BARYASYON V. ANG WIKA AT LIPUNAN VI. ANG SOSYOLINGGWISTIKA
AT SOSYOLOHIYA NG WIKA
4. Ang lipunan ay maituturing na anumang
pangkat ng tao na nagsama-sama dahil sa iisang
tunguhin o layunin. At ang wika ay mahalaga sa
isang lipunan. Hindi maipagkakaila na minsan, ang
lipunan ay nagtataglay ng hindi lamang iisang wika
(plurilingual): nangangahulugan na ang karamihan
ay maaaring nakapagsasalita ng higit sa isang
wika. Mahalaga ding bigyang-pansin na ang
kahulugan ng wika at ng lipunan ay hindi
independent. May kaugnayan ito sa isa’t isa.
I. PANIMULA
5. Ayon kay Constantino (2000) sa aklat ni Santos, et al
(2010) ang sosyolinggwistika ay pag-aaral sa ideya ng
paggamit ng heteregenous ng wika dahil sa magkakaibang
mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na
tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa.
II. KAHULUGAN NG SOSYOLINGGWISTIKA
Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang
simpleng instrument ng komunikasyon na ginagamit
ng indibidwal ayon sa isang sistemang mga alituntunin
kundi isang kolektibong puwersa, isang pagsasama-
sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang kultural at
sosyal na mga gawain at grupo.
BUTIL NG DUNONG
Ang sosyolinggwistika ay binuo
lamang sa loob ng limampung taon.
Nalikha ito noong 1939 ni Thomas C.
Hudson sa kaniyang artikulong
“Sociolinguistic in India”. Taong
1960s nang sumikat ang pag-aaral ng
sociolinguistics at nagkaroon ito ng
dalawang pamagat: Socioliguistics at
ang sosyolohiya ng wika. Sa katapusan
ay nagkaroon ng kaibahan ang dalawa,
ang sosyolohiya sa wika ay
humahawak sa mga paliwanag at hula
sa mga ganap na wika sa iba’t ibang
antas ng grupo
6. .
II. KAHULUGAN NG SOSYOLINGGWISTIKA
Ayon naman sa pagtalakay sa
dyornal na inilathala ng Shieffield
Academy sa United Kingdom (2013),
ang sosyolinggwistika ay ang
pinagsamang pag-aaral ng
sosyolohikal at linggwistika na kung
saan pinag-uugnay ang wika at ang
lipunan. Ayon dito, malaki ang tulong
ng sosyolinggwistika para mas lalong
maunawaan kung bakit may iba-
ibang wikang ginagamit ang isang
lipunan.
Ayon naman kay Chambers
(1971) ang sosyolinggwistika
ay ang pag-aaral ng maka-
sosyal na gamit ng wika at
ang mga prodatibong pag-
aaral sa apat na dekada ng
sosyolinggwistikang
pananaliksik ay nanggaling sa
sosyal na ebalwasyon ng
linggwistikong baryant.
7. .
III. KAALAMANG PANGWIKA
Kapag ang dalawang tao o higit pa
ay nakipagtalastasan sa isa’t isa
matatawag ang sistemang ginamit
nila bilang code. Mahalaga ding
bigyan ng pasin na ang dalawang
taong nagsasalita na bilingual, ay
may kakayanang gamitin ang
dalawang code kung saan maaari
niya itong paghaluin habang nag-
uusap sila sa pamamagitan ng code
switching na kung tutuusin ay
maituturing na third code.
Ang sistema (gramatika) ay bagay na
alam ng dalawang taong nag-uusap
ngunit dalawang mahalagang
magkaibang usapin para sa mga
linggwista.
8. .
III. KAALAMANG PANGWIKA
Hindi madali para sa mga
linggwista ang sumulat ng gramatika
dahil ang kaalaman/knowledge na
mayroon ang mga tao sa mga
wikang sinasalita nila ay higit na
mahirap ilarawan. Malaki ang
pagkakaiba. Kahit pa may mga
halimbawa ng kaalamang
nailalarawan sa mga gramatikang
nakikita natin sa silid-aklatan, kahit
gaano pa kahusay ang mga
gramatikang iyon.
“Sinuman na nakaaalam
sa wika ay higit na
nakaaalam sa wikang iyon
kaysa sa mga nasa aklat
na naglalayong ilarawan
ang wika”
-Wardhaugh (2010)
9. .
III. KAALAMANG PANGWIKA
Ang pananaw ni Chomsky sa
gramatika ng wika o grammar of
language ay siyang
pinakasinusundan ng karamihang
linggwista. Itinuturing siyang
pinakamaimpluwensya sa
linggwistika sa nakalipas na
kalahating siglo.
10. Ang Mahalaga at Hindi Mahalaga sa Wika
at Kaugaliang Pangwika
III. KAALAMANG PANGWIKA
1. Mahalaga (important)- ang mga mahalaga ay ang learnability ng
lahat ng wika , ang katangian na kanilang ibinabahagi, ang mga
tuntunin at prinsipyong ginagamit ng mga nagsasalita sa
pagbubuo at pagpapakahulugan sa mga pangungusap.
2. Hindi Mahalaga (unimportant)- ito ay napatutungkol naman sa
kung paano gamitin ng tao ang pagbigkas sa maraming
baryasyon o paraan
11. Ang I-language at E-language
ni Chomsky
III. KAALAMANG PANGWIKA
Tungkulin ng isang linggwista na
bigyang-pokus ang I-language
(Internalized Language) dahil ito ay
sitemang pangkaisipan na
naglalarawan ng lawak ng
kakayahang panglinggwistika na
kadalasang inirerepresenta ng isip
ng indibidwal.
12. Ang I-language at E-language
ni Chomsky
III. KAALAMANG PANGWIKA
Samantala, ang E-language
(Externalized Language) ay bahagi
ng panlabas na mundo…
amorphous/walang hugis…hindi
isang sistema…hindi sistematiko.
Nangangahulugan at maaaring
sabihin na ito ay hindi gaanong
mahalaga sa maka-agham na
pagsisiyasat.
13. III. KAALAMANG PANGWIKA
Tinukoy ni Chomsky and kaibahan ng
kaniyang sinasabing kasanayan (competence) at
pagganap (performance). Pinaniniwalaan niyang
gawain ng isang linggwista na ilarawan ang
kaalaman ng tao sa kaniyang wika, ang kanilang
kasanayan, hindi ang kung ano ginagawa nila sa
kanilang wika, ang kanilang pagganap.
CHOMSKY (1965)- ang teoryang panglinggwistika ay nakasalig sa kaisipang
tagapagsalita-tagapakinig, sa isang kumpletong homogenous speech-community, na
nakaaalam sa kaniyang wika at hindi naaapektuhan ng mga kondisyong tulad ng
limitasyon sa kaisipan, mga kaguluhan sa isip, pagbabago ng tuon ng atensyon at
interes, at mga pagkakamali sa paglalapat ng kaniyang kaisipan sa wika sa aktwal na
pagganap/paggamit.
14. III. KAALAMANG PANGWIKA
“Ang kaugaliang
panglinggwistika ng indibidwal
ay hindi mauunawaan kung
walang kaalaman sa uri ng
lipunang kinabibilangan nila”
Labov
16. IV. BARYASYON
Isang larangan ng sosyolinggwistika
na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-
aaral at pananaliksik ang tungkol sa
varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay
ng mga pagpaplanong pangwika na
isinasagawa sa mga bansa na
multilinggwal ang mga tao, may mga
isyung panglinggwistika na kaugnay ng
pagkakaroon ng varayti ng wika: paano
nagkakaroon ng mga pangkat ng mga
tao na may isang varayti ng wikang
sinasalita? Kailan sila nagkakaroon ng
karaniwang varayti ng wika?
17. IV. BARYASYON
Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa
paniniwala ng mga linggwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba
ng wika (Saussure, 1916) at “hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad
ng anumang wika”, ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang
pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain,
pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado
ang mga gawain at tungkulin ng tao na nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng
kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao
(Roussean, 1950).
18. IV. BARYASYON
Maiuugnay ang Teorya ni Babel (Genesis 11:1-9) sa mga pag-aaral kung bakit may
baryason ang wika kung saan siasabing naging labis na mapagmataas at mapagmalaki
ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan, sila ay nagkaisang
magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan
ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi nagkakaintindihan, natigil ang
pagtatatayo ng babel.
19. IV. BARYASYON
Ang Heterogenous at Homogenous na Wika
• Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit
nito. (Paz, et.al.2003).
• Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at
pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay
nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o element, Ito ay mula sa mga
salitang heteros – nangangahulugang magkaiba samantalang at genos –
nangangahulugang uri o lahi.
Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at
grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa
20. V. ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
Ang wika ang nag-uugnay sa
mga tao sa isang kultura. Ito ang
kanilang identidad o pagkakakilanlan.
Ang kultura ay maiintindihan at
mapahahalagahan lamang sa tulong ng
wika ng mga taong kasapi sa grupo at
maging ng mga taong hindi kabilang sa
pangkat.
21. V. ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan
sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiba nila sa iba pang
lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa
pagsasalita na nagpapakita ng kaniyang pagkakaiba sa iba pang
tao. Bawat tao ay may sariling katangian, kakayahan, at kaalaman
hindi maaaring katulad ng iba. Dayag (2016)
22. V. ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan
sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiba nila sa iba pang
lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa
pagsasalita na nagpapakita ng kaniyang pagkakaiba sa iba pang
tao. Bawat tao ay may sariling katangian, kakayahan, at kaalaman
hindi maaaring katulad ng iba. Dayag (2016)
23. V. ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
Apat na Posibilidad
na Ugnayan ng Wika
at ng Lipunan
Ang estrukturang sosyal ay
maaaring nakaiimpluwensya o
makatukoy ng panlinggwistikang
estruktura o kaugalian
Ang panlinggwistikang estruktura
o kaugalian ay maaaring
makaimpluwensya sa
estrukturang sosyal.
Ang impluwensya ay
maaaring Bi-directional
Pagpapalagay na walang
kaugnayan ang panlinggwistikang
estruktura sa estrukturang sosyal
at sila ay independent sa isa’t isa.
24. V. ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
Ayon kay Holmes (1992) ang isang sosyolinggwista
ay naglalayong makatuklas ng teoryang makapagbibigay
ng dahilan kung bakit ginagamit ang wika sa isang
komunidad, at ang mga pagpipiling ginagawa ng mga tao
kapag ginagamit nila ang wika.
25. VI. ANG SOSYOLINGGWISTIKA AT SOSYOLOHIYA NG WIKA
Sosyolinggwistika
(Micro-sociolinguistics)
Sosyolohiya ng Wika
(Macro-sociolinguistics)
Layunin nitong imbestigahan
ang kaugnayan ng wika at ng
lipunan upang maunawaan
nang mabuti ang estruktura ng
wika at kung ano ang tungkulin
nito sa komunikasyon
Layunin naman nitong subuking
tuklasin kung paanong ang
estrukturang sosyal ay mas
mabuting maunawaan sa
pamamagitan ng pag-aaral sa
wika
26. VI. ANG SOSYOLINGGWISTIKA AT SOSYOLOHIYA NG WIKA
Inilarawan naman ni
Hudson (1996) ang pagkakaiba ng
dalawa sa sumusunod: ang
sosyolinggwistika ay ang pag-
aaral ng lipunan at pag-uugnay sa
wika. Sa madaling salita, sa
sosyolinggwistika pinag-aaralan
ang wika at lipunan upang
matunton kung ano ang uri ng
wika.
27. VI. ANG SOSYOLINGGWISTIKA AT SOSYOLOHIYA NG WIKA
Ayon naman kay Coulmas (1997)
ang micro-sociolinguistics ay nag-
iimbestiga kung paanong ang
estrukturang sosyal ay nakaiimpluwensya
sa paraan ng pagsasalita at kung
paanong ang mga barayti ng wika ay
naiuugnay sa kasarian at edad.
Samantalang ang macro-sociolinguistics
ay nag-aaral sa kung ano ang ginagawa
ng lipunan sa kanilang wika.
28. VI. ANG SOSYOLINGGWISTIKA AT SOSYOLOHIYA NG WIKA
Ang sosyolinggwistika at sosyolohiya
ng wika ay parehong nangangailangan
ng sistematikong pag-aaral ng wika at
ng lipunan
29. VII. SANGGUNIAN
Chambers, J. K. (2003). Sociolinguistic Theory: Linguistic Variation and its Social Significance. 2nd Edn.
Oxford: Blackwell.
Chomsky, N. (1965). Aspects of the Theory of Syntax. Cambridge: Cambridge University Press.
Coulmas, F. (ed.) (1981). The Handbook of Sociolinguistics. Oxford: Blackwell.
Dayag, Alma at Del Rosario, Mary Grace. (2016). Pinagyamang Pluma – Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Holmes, J. (1992). An Introduction to Sociolinguistics. London: Longman.
Hudson, R. A. (1996). Sociolinguistics. 2nd edn. Cambridge: Cambridge University Press.
Wardhaugh, Ronald. (2010). Introduction to Linguistics. Singapore: Fabulous Printers Pte Ltd.
Wennie TM. Barayti ng Wika. Retrieved from http://wenn-
listahanngsanggunian.blogspot.com/2016/07/barayti-ng-wika.htm
.(http://sites.google.com/a/sheffield.ac.uk/aal20S13/branches/sociolinguistics/what-is-sociolingguistics).