3. Labintatlong kolonya ang naitatag ng mga Ingles sa lupaing
inangkin ng Gran Britanya sa Hilagang Amerika. Sa mga
kolonyang ito nanirahan ang mga nagsitakas mula sa
Britanya dala ng kahirapan at pag-uusig dahil sa relihiyon.
Naging maayos ang buhay ng mga kolono. Nagkaroon sila
ng sariling lupa na napagtaniman at dito’y natamasa nila
ang kalayaang di nila natikman sa Europa.
Subali’t nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng pamahalaan
ng Gran Britanya at ang kolonya nang magpasa ng mga
batas ang Parliamento na naghihigpit sa kalakal at
industriya kasabay ng pagpapataw ng iba’t ibang uri ng
buwis. Tinutulan ng mga kolono ang alinmang hakbang na
sisikil sa kanilang kalayaan at ang tensiyon ay humantong
sa digmaan noong 1775 na tinawag na Rebolusyong
Amerikano. Nagtagumpay ang mga Amerikano at bunga
nito’y sumilang ang malayang estado ng Estados Unidos ng
Amerika.
Sa araling ito’y tatalakayin ang pagkakalatag ng labintatlong
kolonya at ang naging sanhi at bunga ng Rebolusyong
Amerikano.
4.
5.
6. Bunga ng kaisipang liberal na kumalat sa Europa at
Amerika noong ika-18 na siglo, sinimulan ng mga
kolonya na maghimagsik laban sa kanilang mga
manankop upang makamtan ang kanilang kalayaan.
Ang himagsikan sa Amerika ay nagsimula nang ang mga
British ay nandayuhan sa Timog Amerika. Ang Amerika
ay nagrebelde laban sa sobrang ipinapataw na buwis sa
kanila ng Parliament. Idineklara nila amg kanilang
kalayaan noong 1776. Pagkatapos, sila ay bumuo ng
isang hukbong naging tagapagtanggol nila.
Ang mga kolonyang Ingles sa Hilagang Amerika ay
itinatag sa pagitan ng 1607 at 1773. Dinala ng mga
kolono sa Amerika ang konsepto ng kalayaan at
karapatan na nabuo sa Gran Britanya, na sa bandang
huli’y mga Amerikano ang nagpalaganap sa iba’i ibang
bahagi ng daigdig.
9. Sa panimula’y nagdanas ng matinding
kahirapan ang mga kolono. Marami ang
nagkasakit at di sapat ang suplay ng pagkain.
Nagbago ang takbo ng kanilang buhay nang
dumating ang tulong mula sa Gran Britanya. Sa
kalaunan, natutuhan ng mga kolono ang
pagtatanim ng tabako, isang produktong
mabiling-mabili sa Europa.
Umunlad ang Virginia dahil sa tabako. Dito rin sa
kolonyang ito umusbong ang binhi ng
demokrasya sa Amerika. Ito ang unang kolonya
na nakaranas ng sariling pamamahala at ito’y
lumaganap sa buong kapatagan ng Virginia.
10. Pagsapit ng ika-18 na siglo, ang mga
British ay nakabuo ng labintatlong
kolonya, na ang hangganan ay sa
Massachusetts sa hilaga at Georgia sa
timog. Nagsarili ang bawat kolonya.
Dulot ng malaking halagang ginastos
ng Britanya laban sa Pransiya upang
mapanatili ang labintatlong kolonya sa
ilalim ng kanilang imperyo, nais nitong
tumulong ang mga kolonya sa mga
gastusin ng Britanya. Ito ay maaaring
makuha sa pamamagitan ng
karagdagang buwis.
11.
12. Massachusetts (1630)- Puritans
Connecticut (1636)- Puritans
Rhode Island (1636)- mga Hudyo
Maryland (1633)- Lord Baltimore
Pennsylvania (1682)- William Penn
Delaware (1638)- William Penn
New Jersey (1664) -Gov. Phillip Carteret
New York (1626) - Peter Minuit
South Carolina (1663)- mga kolonong Ingles
New Hampshire (1682)- John Wheelwright
Georgia (1732)- James Oglethorpe
North Carolina (1653)-mga kolono galing Virginia
13. State Taon kung kailan naitatag Deskription
Virginia 1607 Unang permanenteng tirahan ng mga English
sa Hilagang Amerika
New York 1626 Ipinangalan sa Duke of York
Massachusetts (at Plymouth) 1630 Naging pinakaimportanteng kolonyang
British dahil ito’y naging “lider” sa British
Oppression
Maryland 1633 Naging tahanan ng mga Kristiyano, ngunit
nauwi ito sa isang digmaang Puritan (1654-
1648)
Rhode Island 1636 Unang kolonya na kumilala sa
pagkakahiwalay ng kapangyarihang estado at
ng Simbahan
Connecticut 1636 Nagsilbing pinakaimportanteng supplier ng
Continental Army noong Himagsikang
Amerikano
Delaware 1638 Ang lupang pinagkaloob ng Duke of York kay
William Penn
North Carolina 1653 English Propiety Colony
South Carolina 1663 Plantation agriculture (indigo, rice, tobacco,
cotton, cattle)
New Jersey 1664 Manufacturing (ironworking, lumbering)
New Hampshire 1679 “Leader of Revolutionary Cause”
Pennsylvania 1682 Dito nagsilikas ang mga Presbyterian,
Anglican, Quaker, at mga Calvinist at
Lutheran buhat sa Alemanya
16. Labintatlo ang kabuuang bilang ng
mga kolonyang naitatag ng mga
Ingles sa Hilagang Amerika. Ito’y
pinagpangkat-pangkat sa tatlong
pangunahing ekonomiko-ang
kolonya ng Bagong Inglatera (New
England), Panggitnang Kolonya
(Middle Colonies) at mga Kolonya
sa Timog (Southern Colonies).
17. New England
(Massachusetts, Connecticut,
New Hampshire, Rhode Island)
Middle Colonies
(Delaware, Pennsylvania,
New York, New Jersey)
Southern Colonies
(Maryland, Virginia,
North Carolina, South
Carolina, Georgia)
18. Ang Bagong Inglatera ay binuo ng
Massachusetts, Connecticut, New
Hampshire at Rhode Island. Napakalamig
ng taglamig dito at hindi magandang
taniman ang lupa. Pagbabarko,
pangingisda, pangangalakal, at
pagmamanupaktura ang mga
pangunahing industriya rito. Dito’y pinag-
usig ang hindi Puritan at sinunog nang
buhay ang sinumang mapaghinalaang
mangkukulam.
19. Ang Gitnang Kolonya ay binuo ng New York, New
Jersey, Pennsylvania at Delaware. Mas maganda
ang klima at lupa sa mga kolonyang ito. Iba-ibang
nasyonalidad ang nanirahan dito- Ingles, Olandes,
Irish, Swedish at Aleman. Dito’y may kalayaan sa
pananampalataya. Pagsasaka, pagmimina at
pagmamanupaktura ang pangunahing industriya
rito. Umaani nang sapat na butil sa mga Gitnang
Kolonya at kadalasan ay may surplas na
nailuluwas sa ibang bansa.
20. Kabilang sa mga Katimugang
Kolonya ang Maryland, Virginia,
North Carolina, South Carolina
at Georgia. Ang klima rito ay
paborable sa agrikultura.
Sagana at malawak ang mga
lupaing taniman. Pangunahing
mga pananim ang tinang asul,
tabako at palay. Ang mga
taniman ay binubungkal ng mga
21.
22. Mga aksyon ng Parliamento na tinutulan ng
mga kolonya
1.) Paghihigpit sa Kalakal at Industriya
Ipinasa ng Parliamento ang Batas
Nabigasyon ng 1660 at 1663 na nag-utos sa
mga kolonya na tanging sa Inglatera at sa
teritoryo nito lamang maaaring iluwas o
ipagbili ang mga produktong tabako,
asukal, at tinang asul. Tinutulan ito ng
mga mangangalakal at prodyuser dahil
maaari nila itong iluwas sa ibang
pamilihan sa higit na mataas na presyo.
23. 2.) Pagpapataw ng iba’t ibang uri ng buwis
a.Batas sa Asukal (Sugar Act). Ipinasa noong 1764 na
nagpataw ng bagong buwis sa mga inaangkat na asukal, kape at alak.
b.Batas sa Selyo (Stamp Act). Ipinasa noong 17645 na
nagpataw ng buwis sa mga pahayagan, baraha, lisensiya, diploma,
kasulatan ng bilihan, mga legal o opisyal na dokumento at mga anunsyo.
c.Batas Townshend. Ipinasa noong 1767 na nagpataw ng mga
karagdagang buwis na nagpataas sa presyo ng maraming pang-araw-araw
na gamit gaya ng pintura, papel, salamin at tsaa.
24. Reaksyon sa Paghihigpit at Pagbubuwis
Ipinahayag ng mga kolono na ang pagbubuwis nang walang
konsultasyon ay paglabag sa karapatan pangtao. Ang mga
batas sa pagbubuwis ay pinagtibay ng Parliamento kung saan
wala namang kinatawan ang mga kolonya. Sa Boston,
Massachusetts, nasaksihan ang mga protesta laban sa
paghihigpit at pagbubuwis. Sabi ni Samuel Adams, isang
Bostonian- “Kung ang kalakal ay binubuwisan, posibleng
buwisan din ang ating lupa, ang produkto ng mga lupa at lahat
ng ating pinakikinabangan at lahat ng ating ari-arian. Ilegal
ang pagbubuwis na walang representasyon.”
25. Naging laganap ang protesta sa mga kolonya. Upang makaiwas
sa pagbabayad ng buwis, ipinuslit ng mga kolono ang pulot,
asukal, kape at tela. Kanila rin binoykot ang mga produktong
galing at gawa sa Gran Britanya. Sa asembleya ng bawa’t
kolonya maririnig ang mga mapanghimok na talumpati laban sa
paghihigpit ng kanilang Inang Bayan. Sa kapulungan sa
Virginia, ganito ang narinig kay Patrick Henry- “Is life so
dear, or peace so sweet as to be purchased at
the price of chains and slavery? Forbid it
Almighty God! I know not what course others
may take; but as for me, give me liberty or give
me death.” (Napakahalaga ba ng buhay o napakatamis ng
kapayapaan upang ang maging katumbas nito ay tanikala ng
pagkaalipin? Huwag mong ipahintulot o makapangyarihang
Diyos! Hindi ko alam ang maaaring gawin ng iba; nguni’t para sa
26.
27. Iginiit ng Parliamento ang
pagkakaroon ng Gran Britanya ng
karapatang patawan ng buwis ang mga
kolonya. Naging emosyonal ang mga
kolono sa pagtatanggol sa kanilang
karapatan. Ang magkasalungat na
reaksiyon ng dalawang panig ang
nagbigay-daan sa pagsiklab ng
rebolusyon matapos maganap ang
mga sumusunod:
29. Mas matindi ang mga kilos-
protesta sa Boston,
Massachusetts kaysa ibang mga
kolonya. Ang pinakamayamang
mangangalakal dito ay si John
Hancock at madalas niyang
makatunggali ang mga Ingles na
kolektor ng buwis sa adwana.
Mainit ang mata ng mga taga-
adwana kay Hancock dahil
laging kasama nitong huli si
Samuel Adams na nanguna sa
hayagang pagkondena sa mga
paghihigpit at pagbubuwis na
pinaiiral sa mga kolonya.
30. Noong Hulyo, 1768, hinarang ng mga taga-
adwana ang barko ni Hancock, ang Liberty, at
kinumpiska ang mga kargamento nito. Dito na
nagsimulang sumulpot ang mga armadong
grupo ng mga galit na galit na tao sa mga
lansangan sa Boston. Kumalat ang balita na
lulusubin ng mga tao ang mga opisyal ng
adwana sa Gran Britanya.
Nagpadala ang Gran Britanya ng apat na
rehimeng sundalo sa Boston. Naalarma ang
mga Bostonian kaya pansamantala silang
nanahimik. Nguni’t nang umalis na ang
dalawang rehimeng sundalo, nabuhayan muli
ng loob ang mga Bostonian. Pinagsisigawan
31. Noong Marso 5, 1770, naganap ang makasaysayang Boston
Massacre. Dalawang grupo ng mga Bostonian ang nagtipon sa
harap ng nag-iisang guwardiya na nagbabantay sa opisina ng
adwana. Sinigawan ng isang bata ang guwardiya, nagalit ito, at
pinalo ang bata. Akala ng guwardiya ay lulusubin siya ng mga
Bostonian dahil may narinig siyang sumigaw na “Patayin ang
duwag!” Humingi ng tulong ang guwardiya sa mga sundalong
nasa loob ng kuwartel nguni’t hindi pa rin naghiwalay ang mga
grupo ng Bostonian. Sa kaguluhan, nabato ang isang sundalo na
ikinabuwal nito. Gumanti ng putok ang mga sundalo at
pagkatapos ng kaguluhan, tatlong Bostonian ang napatay at
dalawa ang malubhang nasugutan.
Pagkalipas ng insidenteng ito, nilisan na ng mga sundalong
Ingles ang Boston.
33. Naging maunlad ang pangangalakal ng
tsaa ng British East India Company sa
Asya. At upang lalo itong
magtagumpay, nagpasa ang
Parliamento ng batas na nagbigay sa
nasabing kumpanya ng karapatan na
magluwas ng tsaa sa Amerika. Nagalit
ang mga Amerikano dahil
makakakumpetensya nila ang mga
Ingles sa pangangalakal ng tsaa at
mangangahulugan na naman ito ng
karagdagang buwis na sisingilin sa
kanila bilang mga kolonya.
Hinadlangan ng mga Amerikano ang
pagbababa ng mga kargamentong tsaa
sa kanilang mga daungan. Mas
matindi ang naging protesta ng taga-
Boston sa Tea Act.
34. Noong Setyembre 16, 1773, nagsuot
Indian ang mga aktibistang
Bostonian, sinampa nila ang barko
ng British East India Company at
kanilang itinapon sa tubig ang mga
kargamento nitong tsaa. Ito ang
makasaysayang Boston Tea Party kung
saan nalugi nang malaking halaga
ang British East India Company.
35.
36. Bilang tugon sa Boston Tea Party, ipinasa ng
Parliamento ang Intolerable Acts of 1774 na
nagtadhana ng mga sumusunod:
1.) Pagsasara ng daungan ng Boston sa
kalakalan hanggang hindi nakababayad ang
Massachusetts ng halagang katumbas ng
natapong tsaa nng British East India
Company. Hinalagahan ang tsaa ng
sampung daang libong dolyar.
2.) Pagpapawalang-bisa sa Karta ng
Massachusetts, na nagbigay-wakas sa
sariling pamahalaan.
37. Mahigpit na tinutulan ng iba pang mga
kolonya ang parusang iginawad ng
Parliamento sa Massachusetts dahil
maaari rin itong gawin ng Gran Britanya sa
kanila. Ang mga kolonya ay nagalit dahil sa
batas na ito. Dahil dito, ipinasiya nilang
magdaos ng isang pangkalahatang
asembleya ng mga kolonya upang
pagpasiyahan ang hakbang na gagawin
para ipahayag ang protesta laban sa
Intolerable Acts. Ang kapulungan ay
idinaos sa Philadelphia noong Setyembre
5, 1774 at tinawag itong First Continental
38.
39. Ang unang kongreso ng kontinente ay dinaluhan
ng limampu’t anim na kinatawan mula sa labin-
dalawang kolonya. Hindi nagpadala ng kinatawan
ang Georgia. Ang ilan sa mga prominenteng
kinatawan sa Kongreso ay sina George Washington
at Patrick Henry ng Virginia, at John Hay ng New
York. Sa pagkakataong ito sinabi ni Patrick Henry na
“Walang pagkakaiba ang Virginian, Pennsylvanian,
New Yorker, at New Englanders. Hindi ako Virginian,
ako ay American.”
Nagtatag sila ng asosasyong kontinental na binuo
ng mga komite buhat sa bawa’t kolonya na nagpairal
ng pagboykoteo sa mga produktong buhat sa Gran
Britanya. Inihanda rin ng Kongreso ang deklarasyon
ng mga karapatan at hinaing na kanilang iniharap sa
mga mamamayan at pamahalaan ng Britanya.
40. Ito ay tahasang pagpapakita
ng paglaban sa mga batas at
patakarang ipinatupad ng mga
British sa kanila. Nagkaisa
ang mga kolonya para
itaguyod ang kapakanan ng
bawat isa. Determinado ang
marami sa kanila na bumuo at
gumamit ng mga
41. Gran Britanya
May Kolonya sa
Hilagang
Amerika
Napapangkat sa
tatlo
Middle
Colonies
New
England
Southern
Colonies