SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 10
KALIGIRANG KASAYSAYAN
NG BALAGTASAN
Ginawa ni: Jerick Lee M. Merza
Ipinasa kay: Mam Josefina S. Elipane
Ang Balagtasan
Sumilang ang Balagtasan noong Abril 2, 1925, kaugnay ng
pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas. Bago sumapit ang
naturang araw, ang Akademya ng Wikang Tagalog na
kinasasapian ng mga kilalang makata at mananagalog ay
nagdaos ng isang pagpupulong sa gusali ng Instituto de
Mujeres na nasa Tayuman, Tundo, Maynila.
Kabilang sa mga dumalong makata at manunulat ay sina
Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Patricio a. Dionisio,
Teodoro E. Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de
Jesus, Florentino Collantes, at iba pa.
Pinag-usapan nila’t napagpasiyahan, sa mungkahi
ni Atty. Patricio A. Dionisio na ang larong ipapalit
sa matandang duplo ay ang Balagtasan. Bilang
huwaran, si Dionisio na rin ang sumulat ng kauna-
unahang Balagtasan at ito’y nalathala sa
lingguhang pahayagang Telembang. Sa
balagtasang ito ibinatay ang unang Balagtasang
itinanghal nina Corazon de Jesus at Florentino T.
Collantes, ang Bulaklak ng Kalinisan na ginanap
sa Instituto de Mujeres. Sinundan na ito ng
marami pang uri ng ganitong balagtasan.
Nagkaroon noon ng tatlong grupo ng mambabalagtas:
sina De Jesus at Collantes;
sina Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez;
at sina Rafael Olay at Tomas L. de Jesus.
Ang unang Balagtasan nina Collantes at Huseng Batute ay
naging matagumpay at kinagiliwan ng madla. Si Lope K.
Santos ang naging Lakandiwa; si Sofia Enriquez ang nag-
Kampupot; si De Jesus ang nag-Paruparo; at si Collantes
naman ang nag-Bubuyog.
Hindi nagtagal, ang Balagtasan ay ginanap sa dating Olympic
Stadium na nasa Doroteo Jose, Sta. Cruz, Maynila. Dito
nagbalagtasan ang mga kilala’t pangunahing makata ng bansa,
tulad nina Benigno Ramos, Pedro Gatmaitan, Pedro Mendoza
at iba pa na nag-aagawan sa pagiging Hari ng Balagtasan.
Ang naging unang Hari ay si Jose Corazon de Jesus at
pagkatapos ay si Collantes. Ang isa sa mga naging
huling hari ay si Emilio Mar Antonio at si Domingo
Raymundo ay naging prinsipe. Ang iba pang naging Hari
ng Balagtasan ay ang mga makatang sina Jose Gallardo,
Nemesio Caravana, Aurelio Angeles, Fernando Bautista
Monleon at Cresciano C. Marquez, Jr.
Sa kabilang dako, kung sa Katagalugan ay naging popular
ang Balagtasan, sa mga Ilokano naman ay naging tanyag
ang ganitong uri ng pagtatalo sa tawag na Bukanegan na
hango sa makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg. Sa mga
Kapampangan naman ay mayroon din silang Crissotan na
hango sa makatang Kapampangan na si Juan Crisostomo na
ang ginagamit na sagisag ay Crissot.
Samantalang mayroon pa ring isang uri ng balagtasan sa kasalukuyan -
ang Batutian – na hango kay Huseng Batute na sagisag ni Jose
Corazon de Jesus. Ang ikinaiiba nito sa Balagtasan, ito’y
nagtataglay ng pagpapaigting ng tudyuhan at pagmamayabang ng
mga nagtatalong makata.
Mula sa entablado o tanghalan, ang Balagtasan ay narinig na rin sa
radio o himpapawid at maging sa tanghalan ng mga paaralan sa
kasalukuyan. Ang unang naging tagatangkilik sa radio ay ang
Elizalde & Company, isang makawikang bahay-kalakal.
Makabuluhan ding banggitin dito na unang nagkaroon tayo ng aklat na
katipunan ng mga balagtasan noong 1937. Ito’y inilathala ni Jesus
Balmori.
Mga Kragdagang Ulat
Noong 1950, medyo nagbagong-bihis
ang Balagtasan nang lumitaw ang grupo nina Antonio
Raymundo, Ofelia Angeles at Ka Tino Estanislao. Gaya
rin nina De Jesus at Collantes, dinumog ng tao
ang Balagtasan nina Ofelia at Raymundo. Higit na
uminit ang pagtanggap sa kanila ng publiko nang
palagian silang naririnig sa radio. Para silang
nagkakagalit na parati. May sigawan at may
tudyuhan. Sa kanilang panahon din nauso ang malayang
taludturan. May sukat, may tugma, ngunit kung minsan
ay dalawa o isang taludtod lang ang isinasagot ng
kalaban sa kanyang katunggali.
Mga taong 1960 nang ihayag ang pagiging Hari ng Balagtasan ni C.C.
Marquez. Sa aming pagkatanda, miminsan lamang naming nasaksihan si
CC na lumaban ng Balagtasan – nang magkaroon lamang sila ng
eliminasyon. Magmula noon ay hindi na ito naulit, pagkat hindi na
nagdaos ng pambansang timpalak sa sining na ito upang makilala at
tanghalin ang sinumang magiging bagong Hari ng Balagtasan.
Kaalinsabay ni CC Marquez, si Zenaida Flores naman ang
kinilalang Reyna ng Balagtasan. Ito’y naganap nang pagkaisahan ng mga
pangunahing makata’t mambabalagtas na si Bb. Flores ang gawin nilang
reyna. Hindi rin dapat itatwa ang taguring ito, pagkat bukod sa husay sa
pagbigkas ay talagang kinikilala rin ng publiko ang panitik ni Zenaida
Arcega Flores.
Sa kabilang dako ng pangyayaring ito, may mga mambabalagtas
din na gumawa ng kani-kanilang kaningningan sa pamamagitan ng
radio. Ang mga ito’y sina Maria Fe Aguinaldo, Epifanio Alcaraz,
Marlo Cabling, Gregorio Victorio, Diosdado Magadia, at iba
pa. Subali’t sa mga bagong sibol ng mga makata, kinilala at
hinangaan naman sina Pablo Reyna Libiran, Elena A. Sunpongco,
Rodolfo A. Milan. Sa pamamagitan ng kanilang lingguhang
programang Bagong Oras ng Balagtasan, magawa nilang higit
na mapatingkad ang pagnanasa at kasiyahan ng tao sa pakikinig sa
sining na ito.
Bagama’t maikli lamang ang panahong nauukol para sa naturang
palatuntunan (kalahating oras lamang), nagawa rin nina Libiran na
mapaabot sa apat na sulok ng kapuluan ang tagisan ng talino sa
larangang balagtasan. Ang kanilang programa ay
isinasahimpapawid sa Himpilang DWWW, Lider Radio, sa
pamamatnugot ni Henry Jones Ragas.
Masasabing dahil na rin sa naturang programa, maraming pook sa
bansa ang narating na nina Libiran, Sunpongco at Milan upang
magputong lamang ng korona o dili kaya’y magpupuri sa mga
napiling reyna ng pagdiriwang. Basta’t nagkasama ang tatlong ito, di
maaaring hindi mahilingan silang magbalagtasan.
Sa kasalukuyan, bagama’t walang kinikilalang bagong Hari at
Reyna ng Balagtasan, sina Pablo at Elena naman ay gumagawa
na rin ng kanilang sariling bantayog sa larangang ito. Sabihin pa,
sila ang mga bagong dugo at sigla na bumubuhay at maaaring
sumagip sa unti-unti nang namamatay na pamana ng Lahing
Kayumanggi – ang BALAGTASAN.
Marahil, sa mga darating na panahon ay marami pang sisibol o
lilitaw na mambabalagtas na kikilalalanin at hahangaan. Sa
ibabaw ng lahat, ang mahalaga ay ang huwag mamatay ang
kulturang ito, pagkat tanging sa Pilipinas lamang masasaksihan
ang ganitong uri ng sining.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Elvira Regidor
 
ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)
ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)
ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)
Satcheil Amamangpang
 
Paglinang At Pagpapayaman
Paglinang At PagpapayamanPaglinang At Pagpapayaman
Paglinang At Pagpapayaman
rosemelyn
 
DLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docx
DLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docxDLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docx
DLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docx
rosemariepabillo
 
Batas ng wikang filipino
Batas ng wikang filipinoBatas ng wikang filipino
Batas ng wikang filipino
Allan Ortiz
 

Was ist angesagt? (20)

Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
 
URI NG PONEMA
URI NG PONEMA URI NG PONEMA
URI NG PONEMA
 
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
LEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdfLEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdf
 
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINOANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
 
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx
BAHAGI NG PANANALITA-.pptxBAHAGI NG PANANALITA-.pptx
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx
 
MGA KLASTER NG WIKANG FILIPINO
MGA KLASTER NG WIKANG FILIPINOMGA KLASTER NG WIKANG FILIPINO
MGA KLASTER NG WIKANG FILIPINO
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wikaMga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
 
ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)
ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)
ALM at Designer Method-CLL (Pagtalakay sa Panimulang Linggwistika)
 
MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO
MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINOMGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO
MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO
 
komunikasyon berbal at di berbal.pptx
komunikasyon berbal at di berbal.pptxkomunikasyon berbal at di berbal.pptx
komunikasyon berbal at di berbal.pptx
 
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryaSikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
 
Paglinang At Pagpapayaman
Paglinang At PagpapayamanPaglinang At Pagpapayaman
Paglinang At Pagpapayaman
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
DLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docx
DLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docxDLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docx
DLL_FILIPINO 9 2ngd Grading (Topic 1).docx
 
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunanPanitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
 
Batas ng wikang filipino
Batas ng wikang filipinoBatas ng wikang filipino
Batas ng wikang filipino
 
Lesson k12 english
Lesson k12 englishLesson k12 english
Lesson k12 english
 

Ähnlich wie filipino report 2 in balagtasan.pptx

Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
eijrem
 
PANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptx
PANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptxPANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptx
PANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptx
JKDeGuzman1
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Chin Chan
 

Ähnlich wie filipino report 2 in balagtasan.pptx (20)

KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.pptKASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunan
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Filipino takdang aralin
Filipino takdang aralinFilipino takdang aralin
Filipino takdang aralin
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
 
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASANHINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
 
Filipino presentation
Filipino presentationFilipino presentation
Filipino presentation
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Flordeliza
FlordelizaFlordeliza
Flordeliza
 
Flordeliza
FlordelizaFlordeliza
Flordeliza
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Kaligirang Pangkasaysayan ng BalagtasanKaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
 
PANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptx
PANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptxPANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptx
PANITIKAN-PANAHON-NG-ISINAULING-KALAYAAN - Copy.pptx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - Balagtasan
 
Mga Likas na Yaman ng Asya SILANGAN KANLURAN AT TIMOG SILANGANG ASYA.pptx
Mga Likas na Yaman ng Asya SILANGAN KANLURAN  AT TIMOG SILANGANG ASYA.pptxMga Likas na Yaman ng Asya SILANGAN KANLURAN  AT TIMOG SILANGANG ASYA.pptx
Mga Likas na Yaman ng Asya SILANGAN KANLURAN AT TIMOG SILANGANG ASYA.pptx
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
 
Colorful Minimalist Landscape Fun Manila Travel Spots PH Presentation.pptx
Colorful Minimalist Landscape Fun Manila Travel Spots PH Presentation.pptxColorful Minimalist Landscape Fun Manila Travel Spots PH Presentation.pptx
Colorful Minimalist Landscape Fun Manila Travel Spots PH Presentation.pptx
 
Ferdi2 Power
Ferdi2 PowerFerdi2 Power
Ferdi2 Power
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 

filipino report 2 in balagtasan.pptx

  • 1. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG BALAGTASAN Ginawa ni: Jerick Lee M. Merza Ipinasa kay: Mam Josefina S. Elipane
  • 2. Ang Balagtasan Sumilang ang Balagtasan noong Abril 2, 1925, kaugnay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas. Bago sumapit ang naturang araw, ang Akademya ng Wikang Tagalog na kinasasapian ng mga kilalang makata at mananagalog ay nagdaos ng isang pagpupulong sa gusali ng Instituto de Mujeres na nasa Tayuman, Tundo, Maynila. Kabilang sa mga dumalong makata at manunulat ay sina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Patricio a. Dionisio, Teodoro E. Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, at iba pa.
  • 3. Pinag-usapan nila’t napagpasiyahan, sa mungkahi ni Atty. Patricio A. Dionisio na ang larong ipapalit sa matandang duplo ay ang Balagtasan. Bilang huwaran, si Dionisio na rin ang sumulat ng kauna- unahang Balagtasan at ito’y nalathala sa lingguhang pahayagang Telembang. Sa balagtasang ito ibinatay ang unang Balagtasang itinanghal nina Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes, ang Bulaklak ng Kalinisan na ginanap sa Instituto de Mujeres. Sinundan na ito ng marami pang uri ng ganitong balagtasan.
  • 4. Nagkaroon noon ng tatlong grupo ng mambabalagtas: sina De Jesus at Collantes; sina Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez; at sina Rafael Olay at Tomas L. de Jesus. Ang unang Balagtasan nina Collantes at Huseng Batute ay naging matagumpay at kinagiliwan ng madla. Si Lope K. Santos ang naging Lakandiwa; si Sofia Enriquez ang nag- Kampupot; si De Jesus ang nag-Paruparo; at si Collantes naman ang nag-Bubuyog. Hindi nagtagal, ang Balagtasan ay ginanap sa dating Olympic Stadium na nasa Doroteo Jose, Sta. Cruz, Maynila. Dito nagbalagtasan ang mga kilala’t pangunahing makata ng bansa, tulad nina Benigno Ramos, Pedro Gatmaitan, Pedro Mendoza at iba pa na nag-aagawan sa pagiging Hari ng Balagtasan.
  • 5. Ang naging unang Hari ay si Jose Corazon de Jesus at pagkatapos ay si Collantes. Ang isa sa mga naging huling hari ay si Emilio Mar Antonio at si Domingo Raymundo ay naging prinsipe. Ang iba pang naging Hari ng Balagtasan ay ang mga makatang sina Jose Gallardo, Nemesio Caravana, Aurelio Angeles, Fernando Bautista Monleon at Cresciano C. Marquez, Jr. Sa kabilang dako, kung sa Katagalugan ay naging popular ang Balagtasan, sa mga Ilokano naman ay naging tanyag ang ganitong uri ng pagtatalo sa tawag na Bukanegan na hango sa makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg. Sa mga Kapampangan naman ay mayroon din silang Crissotan na hango sa makatang Kapampangan na si Juan Crisostomo na ang ginagamit na sagisag ay Crissot.
  • 6. Samantalang mayroon pa ring isang uri ng balagtasan sa kasalukuyan - ang Batutian – na hango kay Huseng Batute na sagisag ni Jose Corazon de Jesus. Ang ikinaiiba nito sa Balagtasan, ito’y nagtataglay ng pagpapaigting ng tudyuhan at pagmamayabang ng mga nagtatalong makata. Mula sa entablado o tanghalan, ang Balagtasan ay narinig na rin sa radio o himpapawid at maging sa tanghalan ng mga paaralan sa kasalukuyan. Ang unang naging tagatangkilik sa radio ay ang Elizalde & Company, isang makawikang bahay-kalakal. Makabuluhan ding banggitin dito na unang nagkaroon tayo ng aklat na katipunan ng mga balagtasan noong 1937. Ito’y inilathala ni Jesus Balmori.
  • 7. Mga Kragdagang Ulat Noong 1950, medyo nagbagong-bihis ang Balagtasan nang lumitaw ang grupo nina Antonio Raymundo, Ofelia Angeles at Ka Tino Estanislao. Gaya rin nina De Jesus at Collantes, dinumog ng tao ang Balagtasan nina Ofelia at Raymundo. Higit na uminit ang pagtanggap sa kanila ng publiko nang palagian silang naririnig sa radio. Para silang nagkakagalit na parati. May sigawan at may tudyuhan. Sa kanilang panahon din nauso ang malayang taludturan. May sukat, may tugma, ngunit kung minsan ay dalawa o isang taludtod lang ang isinasagot ng kalaban sa kanyang katunggali.
  • 8. Mga taong 1960 nang ihayag ang pagiging Hari ng Balagtasan ni C.C. Marquez. Sa aming pagkatanda, miminsan lamang naming nasaksihan si CC na lumaban ng Balagtasan – nang magkaroon lamang sila ng eliminasyon. Magmula noon ay hindi na ito naulit, pagkat hindi na nagdaos ng pambansang timpalak sa sining na ito upang makilala at tanghalin ang sinumang magiging bagong Hari ng Balagtasan. Kaalinsabay ni CC Marquez, si Zenaida Flores naman ang kinilalang Reyna ng Balagtasan. Ito’y naganap nang pagkaisahan ng mga pangunahing makata’t mambabalagtas na si Bb. Flores ang gawin nilang reyna. Hindi rin dapat itatwa ang taguring ito, pagkat bukod sa husay sa pagbigkas ay talagang kinikilala rin ng publiko ang panitik ni Zenaida Arcega Flores.
  • 9. Sa kabilang dako ng pangyayaring ito, may mga mambabalagtas din na gumawa ng kani-kanilang kaningningan sa pamamagitan ng radio. Ang mga ito’y sina Maria Fe Aguinaldo, Epifanio Alcaraz, Marlo Cabling, Gregorio Victorio, Diosdado Magadia, at iba pa. Subali’t sa mga bagong sibol ng mga makata, kinilala at hinangaan naman sina Pablo Reyna Libiran, Elena A. Sunpongco, Rodolfo A. Milan. Sa pamamagitan ng kanilang lingguhang programang Bagong Oras ng Balagtasan, magawa nilang higit na mapatingkad ang pagnanasa at kasiyahan ng tao sa pakikinig sa sining na ito. Bagama’t maikli lamang ang panahong nauukol para sa naturang palatuntunan (kalahating oras lamang), nagawa rin nina Libiran na mapaabot sa apat na sulok ng kapuluan ang tagisan ng talino sa larangang balagtasan. Ang kanilang programa ay isinasahimpapawid sa Himpilang DWWW, Lider Radio, sa pamamatnugot ni Henry Jones Ragas.
  • 10. Masasabing dahil na rin sa naturang programa, maraming pook sa bansa ang narating na nina Libiran, Sunpongco at Milan upang magputong lamang ng korona o dili kaya’y magpupuri sa mga napiling reyna ng pagdiriwang. Basta’t nagkasama ang tatlong ito, di maaaring hindi mahilingan silang magbalagtasan. Sa kasalukuyan, bagama’t walang kinikilalang bagong Hari at Reyna ng Balagtasan, sina Pablo at Elena naman ay gumagawa na rin ng kanilang sariling bantayog sa larangang ito. Sabihin pa, sila ang mga bagong dugo at sigla na bumubuhay at maaaring sumagip sa unti-unti nang namamatay na pamana ng Lahing Kayumanggi – ang BALAGTASAN. Marahil, sa mga darating na panahon ay marami pang sisibol o lilitaw na mambabalagtas na kikilalalanin at hahangaan. Sa ibabaw ng lahat, ang mahalaga ay ang huwag mamatay ang kulturang ito, pagkat tanging sa Pilipinas lamang masasaksihan ang ganitong uri ng sining.