esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Module 8

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8:
Pag-unlad ng Hilig
Paglawak ng Tungkulin
7
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Niño M. Llave
Editor: Loida S. Pigon
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla
Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR.
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon
7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8:
Pag-unlad ng Hilig
Paglawak ng Tungkulin
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-
Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
pinamagatang Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng
Tungkulin!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Aralin
1
Pag-unlad ng Hilig
Paglawak ng Tungkulin
Alamin
Alam mo bang ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad
ng iyong tungkulin? Paghahanda sa tamang pagpili ng kurso tungo sa tamang
propesyon? Pagkakaroon ng negosyo o hanap-buhay? O kaya nama’y pagtulong sa
kapwa, at paglilingkod sa pamayanan? Sa modyul na ito, Modyul 8 -Pagpapaunlad
ng mga Hilig Bilang Isang Paghahanda, matutuklasan mo ang mga kasagutan ng
mga naunang pahayag.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maaipapamalas mo ang mga sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa
pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon,
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong
sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. (EsP7PS-If-3.3)
b. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga
hilig.(EsP7PS-If-3.4)
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng
pinaka-angkop na sagot sa bawat bilang sa inyong kwaderno.
Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay:
A. Natutuhan mula sa mga karanasan
B. Namamana
C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan
D. Napapakinggan
2
1. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa
paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito.
2. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng
iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya
ng pagbibigay ng pagkain, limos at iba pa.
3. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan
kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa
lansangan.
4. Nung nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi niyang napapansin ang pagiging
mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon yun din ang
napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho.
5. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang
nararanasan niya sa buhay.
6. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng
kanyang makakaya.
7. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle,
pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na
pagkain at mga regalo para sa mga ito.
8. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig
ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito.
9. Sinundan na rin ng mga batang Villafuerte ang yapak ng kanilang lolo kaya
ngayo’y sila ang nasa pulitika sa Camarines Sur.
10. Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging
isang sikat na singer siya.
11. Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa
panahon ng krisis.
12. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard.
Naging dalubhasa siya rito sapagka’t lagi siyang nakakapanood at
nakakapaglaro ng bilyar.
13.Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya
naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine.
14.Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapakat kinalakihan na
niya ito.
15. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon
mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan.
3
Balikan
Gawin 1. Punan Mo!
Panuto: Punan ang tsart ayon sa mga hinihingi nito. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno o “journal notebook”.
MGA HILIG
MO
KURSONG
KUKUHANIN
SA KOLEHIYO
GUSTONG
MAGING
TRABAHO O
HANAPBUHAY
PAANO MO MAGAGAMIT
ANG IYONG HILIG SA
KURSO O SA MAGIGING
HANAPBUHAY MO?
1.
2.
3.
Pamantaya sa Paggawa
Pamantayan Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman(Content) 10
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 5
Ideya/Paliwanag 15
Kabuuan 30
Tuklasin
Gawain 2. My Top List!
Panuto: Ibigay mo ang mga pangalan ng bantog na mga Pillipino sa mga sumusunod
na larangan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Basketball
4
2. Volleyball
3. Boxing
4. Pag - awit
6. Pagsasadula o Pag-acting
7. Pagsulat
8. Pagguhit
9. Pagtuklas/Pag-iimbento
10. Pagtatanghal (Teatro)
Ikaw, nais mo rin ba na ang iyong pangalan ay mapasama sa mga bantog o
hinahangaan ng kapwa Pilipino?
Suriin
Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng
masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
May dalawang aspekto ng mga hilig: ang mga larangan ng mga hilig (areas of
interest) at ang tuon ng atensyon ( Abiva, 1993)
Narito ang sampung larangan ng mga hilig:
1. Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan ( tools)
3. Computational – Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero
4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman , pagdidisenyo at
pag-imbento na mga bagay o produkto
5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao
o pakikipagkaibigan
6. Artistic- Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
7. Literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
8. Musical- Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng
instrumenong musical
9. Social service- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10.Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
Ang apat(4) na tuon ng atensyon: ito ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot
sa isang gawain:
1. Tao - May kinalaman sa tao
2. Datos - May kinalaman sa mga katotohanan , records, files, numero, detalye
3. Bagay - Gamit ang mga kagamitan( tools) o makina (machine)
4. Ideya - Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya o kaisipan
5
Tunay na mahalaga ang pagtuklas ng mga larangan ng hilig, pati ang mga
tuon ng atensiyon sa bawat indibidawal dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain,
kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan.
Ang mga hilig ay maaaring:
A. Natututuhan mula sa mga karanasan.
Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng pamilya na pagtitinda
ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo rito
ang iyong kinukuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho
bilang chef sa isang kilalang hotel.
B. Minamana.
Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-
aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong
nagkakaroon ka rin ng interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya
katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin.
C. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan.
Halimbawa, labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas
ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan. Labis ang
kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa
iyong kapwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao
o kapwa.
Bakit ba kailangang paunlarin mo ang iyong mga hilig? Ang pagpapaunlad
ng mga hilig o interes ay makatutulong sa:
Una, pagtupad ng mga tungkulin. Madaling gawin ang isang bagay o
tungkuling iniatang sa iyong mga balikat kung ito ay kinahihiligan mo. Halimbawa,
Inutusan ka ng iyong ina na magluto ng pagkain, sapagka’t hilig mo ang pagluluto
madali at may kasiglahan mong magagawa ito.
Ikalawa, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon. Sa reyalidad ng buhay,
kadalasan kung ano ang hilig mo, yun ang sinusundan mo. Halimbawa, Kung
magaling ka sa math, natural ang kukunin mong kurso ay nasa
AcademickTrack(engineering o accountancy o katulad ng mga ito) upang hindi ka
masyadong mahirapan sa iyong pag-aaral at maging matagumpay kang engineer o
accountant sa hinaharap at makamit mo ang minimithi mong pangarap. Kung ang
hilig mo naman ay pag-aayos ng mga sirang bagay kagaya ng motor, cp at iba pa mas
mainam na kunin mo ang kursong nasa Technical-Vocational at magiging masaya
ka sa larangang ito.
Ikatlo, Negosyo o Hanapbuhay. May kasabihan na wala raw yumayaman sa
hanap-buhay kundi sa negosyo. Pero ang tanong, alin ba sa dalawa ang pipiliin mo
at magiging masaya ka? Hilig mo ba ang magnegosyo o maghanap-buhay? Ikaw ang
makasasagot niyan. Marahil, may narinig ka ng kwento tungkol sa pamilya ng mga
doctor, pamilya ng mga guro, pamilya ng mga pulis at pamilya ng mga negosyantei.
Mula sa lolo hanggang sa apo ay pulis, doctor, guro o kaya nama’y negosyante. Isa
sa mga salik nito ay ang hilig o interes.
6
At ikaapat, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. Marami ka
bang hinahangaang mga kilalang personalidad o karaniwang tao sa inyong
komunidad na walang sawa at bukal sa loob ang pagtulong sa kapwa at paglilingkod
sa pamayanan? Kinahiligan na nila ito dahil hindi kayang bayaran ng salapi o
anumang material na bagay ang kaligayahang naihatid nito sa kanila. Maaring
nakaranas din silang tulungan, o kaya nama’y nakita nila sa kanilang mga magulang
o sadyang ganon ang kanilang likas.
Kapag palagian mong ginagawa, naririnig, o nakikita ang isang bagay ,
kadalasa’y nagiging hilig o interes mo na rin ito.
Pagyamanin
Gawain 3. Differentiated Activities
Panuto: Tukuyin ang larangan ng iyong hilig. Pumili lamang ng isa (1) na iyong nais
o hilig gawin at saka tugunan ang mga nakaatang na gawain ayon sa bawat panuto.
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o sa iyong “journal notebook”.
A. Pagluluto
Bumuo ng isang resipe ng iyong paboritong putahe na nais lutuin. Sa ibaba
ng recipe, ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
B. Paghahalaman
Itala ang mga tanim mong halaman sa iyong bakuran. Isulat sa ibaba nito
ang mga kapakinabangang dulot nito.
C. Pag-awit
Isulat mo ang mga awitin na nais mong pakinggan o kantahin. Ilahad rin kung
bakit ito ang napili mo?
D. Pagguhit
Iguhit kung paano mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon.
Ipaliwanag .
E. Pagsulat
Bumuo ng isang komposisyon tungkol sa iyong pangarap sa buhay. Ilahad
ang mga hakbangin na iyong gagawin upang makamit ito.
7
Pangkalahatang Rubric
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman(Content)
Angkop sa hinihinging
gawain
15
Mekaniks(Mechanics)
Tamang ispeling,
bantas at iba pa.
10
Pagkamalikhain
(Creativity)
Nagpapakita ng
pagkamalikhain sa
pamamagitan ng
paggamit ng kulay,
desenyo at iba pang art
materials
5
Kaayusan/Kalinisan
(Neatness/Organization)
Maayos at malinis ang
awtput
5
Kabuuan 35
Isaisip
Gawain 4. Kumpletuhin Mo!
Panuto: Tapusin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sa iyong kwaderno.
Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa ………
1. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay mahalaga dahil………..
2. Ang ibang hilig ay maaring minamana sapaka’t ………
3. Ang ibang hilig ay natututuhan mula sa karanasan, halimbawa….
4. Ang ibang hilig ay galling sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan kung
kaya’t ……….
Pamantayan sa Paggawa ng Awtput
Pamantayan Puntos
Nakuhang
Puntos
Mekaniks (Correct Spelling, Proper
punctuation marks etc.)
10
Kaayusan/Kalinisan
(Organization/Neatness)
10
Ideya/Paliwanag(Reasoning) 20
Kabuuan 40
8
Isagawa
Gawain 5. Ang Aking Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig
Panuto: Punan mo ang kasunod na Tsart ng Pagpapaunlad ng iyong mga Hilig.
Magandang karanasan ito upang masanay kang magplano para sa iyong sariling
pag-unlad. Ikaw lamang ang nakakikilala sa iyong sariling kakayahan kung kaya
ikaw rin ang makaaalam kung anong estilo ang angkop sa iyo sa pagsasagawa ng
gawaing ito. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o “journal notebook”.
Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig
Mga Hilig
Paano
papaunlarin
ito?
Mga taong
hinihingan ng
tulong/suporta o
kokunsultahin
Maaring
balakid
Paano
malalampasan
1.
2.
3.
4.
(Halaw sa LM EsP7 p.84)
Rubric sa Isahang Awtput
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Angkop ang nilalaman sa
hinihingi
40
Ideya Tama ang paliwanag 40
Presentasyon
Maayos at malinis ang
pagkakagawa
20
Kabuuan 100
9
Tayahin
Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay
A. Natutuhan mula sa mga karanasan
B. Namamana
C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan
D. Napapakinggan
1. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang
nararanasan niya sa buhay.
2. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa
paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito.
3. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng
iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya
ng pagbibigay ng pagkain, limos at iba pa.
4. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan
kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa
lansangan.
5. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle,
pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na
pagkain at mga regalo para sa mga ito.
6. Nung nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi nitong napapansin ang pagiging
mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon yun din ang
napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho.
7. Sinundan na rin ng mga batang Villafuerte ang yapak ng kanilang lolo kaya
ngayo’y sila ang nasa pulitika sa Camarines Sur.
8. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng
kanyang makakaya.
9. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard.
Naging dalubhasa siya rito sapagka’t lagi siyang nakakapanood at
nakakapaglaro ng bilyar.
10. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig
ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito.
11.Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya
naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine.
12.Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging
isang sikat na singer siya.
13. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon
mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan
14.Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa
panahon ng krisis.
15.Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapakat kinalakihan na
niya ito.
10
Karagdagang Gawain
Gawain 6. Isang Pagninilay
Panuto: Gumawa ng sariling pagninilay sa tulong ng tanong sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.
Ano ang aking mga hilig ay paano ko magagamit sa kurso na nais kong
kuhanin sa kolehiyo?
Pamantayan sa Isahang Awtput
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Angkop ang nilalaman sa
hinihingi
20
Ideya Tama ang paliwanag 10
Presentasyon
Maayos at malinis ang
pagkagawa
15
Kabuuan 35
Ang aking hilig sa/na _______________________ ay malaki ang maiitutulong
kapag ako ay kumuha ng kursong __________________________.
Naniniwala ako na sa pamamagitan ng mga hilig ko ay:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________
11
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1.
C
2.
B
3.
C
4.
A
5.
C
6.
B
7.
B
8.
C
9.
A
10.B
11.A
12.A
13.C
14.C
15.B
Subukin
1.
A
2.
C
3.
A
4.
B
5.
C
6.
C
7.
C
8.
B
9.
B
10.A
11.C
12.A
13.A
14.B
15.C
12
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material pp. 79, 82-85
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Recomendados

Lipunang Politikal von
Lipunang PolitikalLipunang Politikal
Lipunang Politikalzynica mhorien marcoso
3.6K views11 Folien
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM) von
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Cansinala High School
530.4K views343 Folien
EsP 9-Modyul 4 von
EsP 9-Modyul 4EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4Rivera Arnel
134K views16 Folien
EsP-Modyul 3 von
EsP-Modyul 3EsP-Modyul 3
EsP-Modyul 3Rivera Arnel
78K views17 Folien
Karahasan sa Paaralan von
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanFatima_Carino23
25.1K views21 Folien
EsP 9 M2 Lipunang Pampolitika von
EsP 9 M2 Lipunang PampolitikaEsP 9 M2 Lipunang Pampolitika
EsP 9 M2 Lipunang PampolitikaIan Mayaan
113.5K views22 Folien

Más contenido relacionado

Was ist angesagt?

ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids) von
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)Avigail Gabaleo Maximo
5.3K views13 Folien
Lipunang Sibil von
 Lipunang Sibil Lipunang Sibil
Lipunang Sibiledmond84
25.7K views43 Folien
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok von
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng NaimpokModyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpokka_francis
160.3K views20 Folien
Modyul 11Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok von
Modyul 11Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpokModyul 11Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok
Modyul 11Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpokJustice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School SHS
5.6K views16 Folien
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity von
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarityAng lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiaritycristineyabes1
250K views31 Folien
Grade 9 ESP MODULE 1 von
Grade 9 ESP MODULE 1Grade 9 ESP MODULE 1
Grade 9 ESP MODULE 1Avigail Gabaleo Maximo
54.1K views53 Folien

Was ist angesagt?(20)

Lipunang Sibil von edmond84
 Lipunang Sibil Lipunang Sibil
Lipunang Sibil
edmond8425.7K views
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok von ka_francis
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng NaimpokModyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok
ka_francis160.3K views
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity von cristineyabes1
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarityAng lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
cristineyabes1250K views
ESP9-Q1-W2-LAYUNIN NG LIPUNAN-KABUTIHANG PANLAHAT.pptx von TcherReaQuezada
ESP9-Q1-W2-LAYUNIN NG LIPUNAN-KABUTIHANG PANLAHAT.pptxESP9-Q1-W2-LAYUNIN NG LIPUNAN-KABUTIHANG PANLAHAT.pptx
ESP9-Q1-W2-LAYUNIN NG LIPUNAN-KABUTIHANG PANLAHAT.pptx
TcherReaQuezada435 views
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak... von Ralph Isidro
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
Ralph Isidro240.2K views
Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa... von Edna Azarcon
Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...
Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...
Edna Azarcon25.5K views
ESP 9 Module 2 (Session 1) von andrelyn diaz
ESP 9 Module 2 (Session 1)ESP 9 Module 2 (Session 1)
ESP 9 Module 2 (Session 1)
andrelyn diaz18.2K views
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx von GenovivoBCebuLunduya
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptxMga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan von MartinGeraldine
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunanPagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
MartinGeraldine2.6K views
9 filipino lm q3 von Nheng Bongo
9 filipino lm q39 filipino lm q3
9 filipino lm q3
Nheng Bongo132.4K views

Similar a esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf

esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf von
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
97 views23 Folien
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf von
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
425 views26 Folien
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf von
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
125 views25 Folien
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf von
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
101 views24 Folien
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf von
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
105 views19 Folien
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao von
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
2.9K views31 Folien

Similar a esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf(20)

esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf von jashemar1
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
jashemar1425 views
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf von JenniferTamesaOliqui
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf von JenniferTamesaOliqui
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf von JenniferTamesaOliqui
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf von hazelpalabasan1
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
hazelpalabasan1313 views
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf von JohnnyJrAbalos1
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
JohnnyJrAbalos1132 views
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202... von OLIVESAMSON2
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
OLIVESAMSON2412 views
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf von NoelPiedad
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
NoelPiedad118 views
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf von CrisElcarte
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
CrisElcarte63 views
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf von NoelPiedad
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
NoelPiedad143 views
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx von rufinodelacruz3
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
rufinodelacruz3163 views
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf von ReinNalyn
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
ReinNalyn23 views
G10 3rd modyul1_version2.docx (1) von OLIVERRAMOS29
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS291.3K views
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf von JrJr50
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
JrJr501.4K views
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf von WynxLegitimacy
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
WynxLegitimacy1.8K views

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin 7
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Niño M. Llave Editor: Loida S. Pigon Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina Susana M. Bautista Cynthia Eleanor G. Manalo Mariflor B. Musa Melbert S. Broqueza Danilo C. Padilla Annabelle M. Marmol Domingo L. Mendoza, JR. Elmer P. Concepcion Loida S. Pigon
  • 3. 7 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin
  • 4. ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling pinamagatang Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. iv Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Aralin 1 Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin Alamin Alam mo bang ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng iyong tungkulin? Paghahanda sa tamang pagpili ng kurso tungo sa tamang propesyon? Pagkakaroon ng negosyo o hanap-buhay? O kaya nama’y pagtulong sa kapwa, at paglilingkod sa pamayanan? Sa modyul na ito, Modyul 8 -Pagpapaunlad ng mga Hilig Bilang Isang Paghahanda, matutuklasan mo ang mga kasagutan ng mga naunang pahayag. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maaipapamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: a. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. (EsP7PS-If-3.3) b. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.(EsP7PS-If-3.4) Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng pinaka-angkop na sagot sa bawat bilang sa inyong kwaderno. Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay: A. Natutuhan mula sa mga karanasan B. Namamana C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan D. Napapakinggan
  • 8. 2 1. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito. 2. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya ng pagbibigay ng pagkain, limos at iba pa. 3. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa lansangan. 4. Nung nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi niyang napapansin ang pagiging mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon yun din ang napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho. 5. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang nararanasan niya sa buhay. 6. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang makakaya. 7. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle, pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na pagkain at mga regalo para sa mga ito. 8. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito. 9. Sinundan na rin ng mga batang Villafuerte ang yapak ng kanilang lolo kaya ngayo’y sila ang nasa pulitika sa Camarines Sur. 10. Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging isang sikat na singer siya. 11. Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng krisis. 12. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard. Naging dalubhasa siya rito sapagka’t lagi siyang nakakapanood at nakakapaglaro ng bilyar. 13.Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine. 14.Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapakat kinalakihan na niya ito. 15. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan.
  • 9. 3 Balikan Gawin 1. Punan Mo! Panuto: Punan ang tsart ayon sa mga hinihingi nito. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o “journal notebook”. MGA HILIG MO KURSONG KUKUHANIN SA KOLEHIYO GUSTONG MAGING TRABAHO O HANAPBUHAY PAANO MO MAGAGAMIT ANG IYONG HILIG SA KURSO O SA MAGIGING HANAPBUHAY MO? 1. 2. 3. Pamantaya sa Paggawa Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman(Content) 10 Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 5 Ideya/Paliwanag 15 Kabuuan 30 Tuklasin Gawain 2. My Top List! Panuto: Ibigay mo ang mga pangalan ng bantog na mga Pillipino sa mga sumusunod na larangan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Basketball
  • 10. 4 2. Volleyball 3. Boxing 4. Pag - awit 6. Pagsasadula o Pag-acting 7. Pagsulat 8. Pagguhit 9. Pagtuklas/Pag-iimbento 10. Pagtatanghal (Teatro) Ikaw, nais mo rin ba na ang iyong pangalan ay mapasama sa mga bantog o hinahangaan ng kapwa Pilipino? Suriin Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang kaya mo yan! May dalawang aspekto ng mga hilig: ang mga larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon ( Abiva, 1993) Narito ang sampung larangan ng mga hilig: 1. Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor) 2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan ( tools) 3. Computational – Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero 4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman , pagdidisenyo at pag-imbento na mga bagay o produkto 5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan 6. Artistic- Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay 7. Literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat 8. Musical- Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng instrumenong musical 9. Social service- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao 10.Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina Ang apat(4) na tuon ng atensyon: ito ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain: 1. Tao - May kinalaman sa tao 2. Datos - May kinalaman sa mga katotohanan , records, files, numero, detalye 3. Bagay - Gamit ang mga kagamitan( tools) o makina (machine) 4. Ideya - Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya o kaisipan
  • 11. 5 Tunay na mahalaga ang pagtuklas ng mga larangan ng hilig, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat indibidawal dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Ang mga hilig ay maaaring: A. Natututuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo rito ang iyong kinukuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang chef sa isang kilalang hotel. B. Minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag- aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin ng interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin. C. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan. Labis ang kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa iyong kapwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapwa. Bakit ba kailangang paunlarin mo ang iyong mga hilig? Ang pagpapaunlad ng mga hilig o interes ay makatutulong sa: Una, pagtupad ng mga tungkulin. Madaling gawin ang isang bagay o tungkuling iniatang sa iyong mga balikat kung ito ay kinahihiligan mo. Halimbawa, Inutusan ka ng iyong ina na magluto ng pagkain, sapagka’t hilig mo ang pagluluto madali at may kasiglahan mong magagawa ito. Ikalawa, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon. Sa reyalidad ng buhay, kadalasan kung ano ang hilig mo, yun ang sinusundan mo. Halimbawa, Kung magaling ka sa math, natural ang kukunin mong kurso ay nasa AcademickTrack(engineering o accountancy o katulad ng mga ito) upang hindi ka masyadong mahirapan sa iyong pag-aaral at maging matagumpay kang engineer o accountant sa hinaharap at makamit mo ang minimithi mong pangarap. Kung ang hilig mo naman ay pag-aayos ng mga sirang bagay kagaya ng motor, cp at iba pa mas mainam na kunin mo ang kursong nasa Technical-Vocational at magiging masaya ka sa larangang ito. Ikatlo, Negosyo o Hanapbuhay. May kasabihan na wala raw yumayaman sa hanap-buhay kundi sa negosyo. Pero ang tanong, alin ba sa dalawa ang pipiliin mo at magiging masaya ka? Hilig mo ba ang magnegosyo o maghanap-buhay? Ikaw ang makasasagot niyan. Marahil, may narinig ka ng kwento tungkol sa pamilya ng mga doctor, pamilya ng mga guro, pamilya ng mga pulis at pamilya ng mga negosyantei. Mula sa lolo hanggang sa apo ay pulis, doctor, guro o kaya nama’y negosyante. Isa sa mga salik nito ay ang hilig o interes.
  • 12. 6 At ikaapat, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. Marami ka bang hinahangaang mga kilalang personalidad o karaniwang tao sa inyong komunidad na walang sawa at bukal sa loob ang pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan? Kinahiligan na nila ito dahil hindi kayang bayaran ng salapi o anumang material na bagay ang kaligayahang naihatid nito sa kanila. Maaring nakaranas din silang tulungan, o kaya nama’y nakita nila sa kanilang mga magulang o sadyang ganon ang kanilang likas. Kapag palagian mong ginagawa, naririnig, o nakikita ang isang bagay , kadalasa’y nagiging hilig o interes mo na rin ito. Pagyamanin Gawain 3. Differentiated Activities Panuto: Tukuyin ang larangan ng iyong hilig. Pumili lamang ng isa (1) na iyong nais o hilig gawin at saka tugunan ang mga nakaatang na gawain ayon sa bawat panuto. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o sa iyong “journal notebook”. A. Pagluluto Bumuo ng isang resipe ng iyong paboritong putahe na nais lutuin. Sa ibaba ng recipe, ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili. B. Paghahalaman Itala ang mga tanim mong halaman sa iyong bakuran. Isulat sa ibaba nito ang mga kapakinabangang dulot nito. C. Pag-awit Isulat mo ang mga awitin na nais mong pakinggan o kantahin. Ilahad rin kung bakit ito ang napili mo? D. Pagguhit Iguhit kung paano mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon. Ipaliwanag . E. Pagsulat Bumuo ng isang komposisyon tungkol sa iyong pangarap sa buhay. Ilahad ang mga hakbangin na iyong gagawin upang makamit ito.
  • 13. 7 Pangkalahatang Rubric Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman(Content) Angkop sa hinihinging gawain 15 Mekaniks(Mechanics) Tamang ispeling, bantas at iba pa. 10 Pagkamalikhain (Creativity) Nagpapakita ng pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggamit ng kulay, desenyo at iba pang art materials 5 Kaayusan/Kalinisan (Neatness/Organization) Maayos at malinis ang awtput 5 Kabuuan 35 Isaisip Gawain 4. Kumpletuhin Mo! Panuto: Tapusin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sa iyong kwaderno. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa ……… 1. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay mahalaga dahil……….. 2. Ang ibang hilig ay maaring minamana sapaka’t ……… 3. Ang ibang hilig ay natututuhan mula sa karanasan, halimbawa…. 4. Ang ibang hilig ay galling sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan kung kaya’t ………. Pamantayan sa Paggawa ng Awtput Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos Mekaniks (Correct Spelling, Proper punctuation marks etc.) 10 Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 10 Ideya/Paliwanag(Reasoning) 20 Kabuuan 40
  • 14. 8 Isagawa Gawain 5. Ang Aking Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig Panuto: Punan mo ang kasunod na Tsart ng Pagpapaunlad ng iyong mga Hilig. Magandang karanasan ito upang masanay kang magplano para sa iyong sariling pag-unlad. Ikaw lamang ang nakakikilala sa iyong sariling kakayahan kung kaya ikaw rin ang makaaalam kung anong estilo ang angkop sa iyo sa pagsasagawa ng gawaing ito. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o “journal notebook”. Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig Mga Hilig Paano papaunlarin ito? Mga taong hinihingan ng tulong/suporta o kokunsultahin Maaring balakid Paano malalampasan 1. 2. 3. 4. (Halaw sa LM EsP7 p.84) Rubric sa Isahang Awtput Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Angkop ang nilalaman sa hinihingi 40 Ideya Tama ang paliwanag 40 Presentasyon Maayos at malinis ang pagkakagawa 20 Kabuuan 100
  • 15. 9 Tayahin Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay A. Natutuhan mula sa mga karanasan B. Namamana C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan D. Napapakinggan 1. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang nararanasan niya sa buhay. 2. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito. 3. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya ng pagbibigay ng pagkain, limos at iba pa. 4. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa lansangan. 5. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle, pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na pagkain at mga regalo para sa mga ito. 6. Nung nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi nitong napapansin ang pagiging mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon yun din ang napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho. 7. Sinundan na rin ng mga batang Villafuerte ang yapak ng kanilang lolo kaya ngayo’y sila ang nasa pulitika sa Camarines Sur. 8. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang makakaya. 9. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard. Naging dalubhasa siya rito sapagka’t lagi siyang nakakapanood at nakakapaglaro ng bilyar. 10. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito. 11.Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine. 12.Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging isang sikat na singer siya. 13. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan 14.Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng krisis. 15.Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapakat kinalakihan na niya ito.
  • 16. 10 Karagdagang Gawain Gawain 6. Isang Pagninilay Panuto: Gumawa ng sariling pagninilay sa tulong ng tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. Ano ang aking mga hilig ay paano ko magagamit sa kurso na nais kong kuhanin sa kolehiyo? Pamantayan sa Isahang Awtput Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Angkop ang nilalaman sa hinihingi 20 Ideya Tama ang paliwanag 10 Presentasyon Maayos at malinis ang pagkagawa 15 Kabuuan 35 Ang aking hilig sa/na _______________________ ay malaki ang maiitutulong kapag ako ay kumuha ng kursong __________________________. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng mga hilig ko ay: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ______________________________________
  • 18. 12 Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material pp. 79, 82-85
  • 19. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph