SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 25
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Tiwala sa Sarili Ating Buuin
7
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Tiwala sa Sarili Ating Buuin
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Efren B. Tayaotao
Editor: Loida S. Pigon
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla
Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR.
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon
7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Tiwala sa Sarili Ating Buuin
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-
Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
pinamagatang Tiwala sa Sarili Ating Buuin!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Tiwala sa Sarili Ating Buuin!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Aralin
1
Tiwala sa Sarili
Ating Buuin
Alamin
Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang
ng tiwala sa sarili at kung paano malalampasan ang mga kahinaang ito upang
maipakita ang talent at kakayahan.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
 Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa saril
 Nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito.
(EsP7PS-Ic-2.2)
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag/ sitwasyon sa ibaba. Piliin ang
pinaka-angkop na sagot. Isulat ito sa kuwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang
ang kakayahan ay kalakasang intelektwal
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang
samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang
ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
2
Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang
na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at
siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa
kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga
patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang
mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit
sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito
ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.
2. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?
A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan.
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa
paligsahan at magtanghal.
3. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas
magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang
palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at
pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya
niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga
kahinaan
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang
kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming
tao.
4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at
kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Upang maging sikat.
Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa
kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay
ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang
kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pagaaral,
barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti.
3
5. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro
dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng
katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang
mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang
kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at
nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.
6. Sa anong larangan ang talento ni Cleo na mapababayaan?
A. Matematika
B. Visual/Spatial
C. Bodily Kinesthetic
D. Intrapersonal
Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang
kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay
inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip
na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan.
Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit
nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya
siyang sumali rito.
7. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
A. Magiging mahusay siya sa paglalaro dahil sa kanyang interes at
kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
B. Hindi siya makasasabay sa mga kasama na matagal nang nagsasanay.
C. Magiging mahirap ang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyan
pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro
volleyball.
D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya
sanay sa paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.
8. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang
mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang
nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok
sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
4
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan
Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito.
Palaging mababa ang kanyang marka na nakukuha sa mga pagsusulit at hindi siya
magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng
inlges.
10.no ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng
kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin
D. Hayaan na lamang niya na may mababang marka siya.
11.Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili?
A. Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan
B. Maging positibo sa kabila ng mga suliranin
C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain
D. Sikaping makihalubilo sa karamihan
12.Ipinapakita mo na positibo ka sakabila ng mga hinaharap na suliranin kapag:
A. Kapag nawawalan ka ng pag-asa sa buhay
B. Kapag nanatili ka lamang sa loob ng inyong tahanan upang iwasan ang
suliranin
C. Kapag hinaharap ang suliranin at gumagawa ng mabuting paraan na
lutasin ito
D. Kapag umiiwas ka sa iba na makasama sila para isawan ang
sassabihin nila
13.Ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali kapag ipinapakita mo na:
A. Inaamin nang tapa tang nagawang pagkakamali at handang tanggapin
ito
B. Pilit na itinatanggi ang nagawang pagkakamali sa takot na mapagalitan
C. Manatiling tahimik na lamang para hindi malaman ang nagawang
pagkakamali
D. Umiwas sa mga kasama ng hindi mahalata ang nagawang pagkakamali
5
14.Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa?
A. Sasama kahit kanino na lamang
B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid
C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan. Kahit saan lugar.
D. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang
mga kamag-aral
15.Ang pagkakroon ng tiwala sa sarili ay nagmumula sa:
A. sa pamilyang kinalakihan
B. sa disiplinang ibinigay ng magulang
C. sa pagtuklas ng sariling kakayahan at kahinaan
D. sa mga napiling kaibigan
Balikan
Panuto: Isulat sa patlang na nakalaan ang salitang mabubuo mula sa mga salitang
hindi maayos ang pagkakasulat na nasa ilalim ng patlang.
Ayon kay Sean Covey, bawat 1.____________ ay may talento at
OAT
kakayahan. Kadalasan nga lamang ay di ito nabibigyan ng pansin
ngunit ito ay 2. ____________. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang
LAAGAMAH
panahon ng 3.___________, lalo na ng mga tinedyer. Ang iba ay
LOBISGAP
tinatawag na “late bloomer”. Kaya hindi dapat ikasira ng 4._________
OBOL
ang sa tingin ay napakasimple nating kakayahan. At dapat nating
tandaan, tayo ay espesyal dahil tayo ay nilkhang kawangis ng 5.__________.
OIDYS.
6
Tuklasin
Panuto: Isulat sa loob ng bawat bilog ang mga bagay o gawain na nais mong magawa
na walang takot. Gawi ito sa iyong kwaderno o “journal notebook”. Maging malikhain
sa gawain ito
Halimbawa: Sa Paaralan- magsalita sa harap ng klase
(SA PAARALAN)
(SA TAHANAN)
AKO
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos
Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang
pinagtularan)
____________________________
KABUUAN = 25 Puntos
7
Suriin
Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng
masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
Nakakalungkot isipin na marami sa atin ang sa unang pagsubok pa lamang
ay sumusuko na. Dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil sa kawalan ng
kumpiyansya sa sarili ay maraming pagkakataon o oportunidad ang pinalalampas
ng marami. Dahil dito, natutuon ang ating pansin sa ating mga kahinaan at hindi
sa ating mga talento at kakayahan. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, aasa na
lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa ating mga kakayahan at
limitasyon. Kung nasisiyahan sila sa ating ikinikilos pupurihin nila tayo, kung hindi
naman ay maaaring bansagan tayong mahina o walang alam. Kung hindi natin kilala
ang ating sarili, wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang
mga tawag o bansag. Mahalaga na magkaroon tayo ng tiwala sa ating sarili.
Mula sa sinulat ni CT Sarigumba, na nagsasabi na napakarami na sa ngayon
ang mga kakompetensiya ng mga estudyante, talagang hindi maiiwasang mag-
alangan sila sa kanilang kakayahan. Pero sabihin mang maraming kakompetensiya
o may mas magaling sa isang estudyante, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng
tiwala sa sarili ng kahit na sino. Kaya naman nagbigay siya ng ilang simpleng paraan
upang magkaroon ng tiwala sa sarili:
1. Kilalanin ang sarili at alamin ang kakayahan
Unang-unang kailangan nating gawin ay ang kilalanin ang ating sarili at
alamin ang hangganan ng ating kakayahan. Marami sa atin ang nag-aalangan
na gawin ang isang bagay sa takot na hindi magawa ng maayos. Natatakot sa
sasabihin ng iba kapag nagkamali. Huwag nating pansinin ang sasabihin ng
iba. Bagkus ang bigyan pansin ay alamin ang kakayahan at pagyamanin pa
ito.
2. Maging positibo sa kabila ng kinahaharap na problema
Hindi naman maiiwasan ang mga negatibong pangyayari sa paligid. Kaliwa’t
kanan ang problemang kinahaharap natin. Tandaan na hindi lang naman tayo
ang kumakaharap sa problema at pagsubok. At imbes na magmukmok o
dibdibin ang mga pagsubok at problema, mas mainam at makatutulong kung
mananatiling positibo ang pananaw at pagtingin sa mga bagay-bagay. Hindi
dapat nawawalan ng pag-asa, tandaan nating habambuhay ay may pag-asa
basta’t magsisikap na gagawa ng mabuting paraan.
8
3. Matutong tumanggap ng pagkakamali at kritisismo
Maraming kabataan ang ayaw tumanggap ng pagkakamali. Kahit na
nagkamali sila, ayaw nilang aminin. Hindi nakasasama ang pagtanggap at
maging tapat sakaling nakagawa ng hindi maganda. Lahat naman tayo ay
nagkakamali. Ang kaibahan nga lang ay kung paano natin ito tatanggapin. At
lalong hindi dapat na malungkot lalo na kung may hindi magandang sinasabi
ang ilan sa atin. Ang mas magandang gawin ay ang paggawa ng mabuti.
Gamitin ang kritisismo o mga sinasabing hindi maganda ng iba upang
mapagbuti pa ang sarili.
4. Tapangan at lakasan ang loob
Huwag susuko at lakasan ang loob, ito ang dapat na mayroon ang isang tao.
Mahalaga sa buhay ang pagiging matapang at pagkakaroon ng lakas ng loob
lalo na sa panahon ng mga pagsubok at sa mga nangyayaring hindi maganda
sa paligid.
5. Matutong makihalubilo sa kapwa
Isa pa sa paraan upang magkaroon ng tiwala sa sarili ay sa pamamagitan ng
pakikihalubilo sa kapwa. Hindi maiiwasang may mga mahiyaing tao o takot na
makipag-usap sa iba. Sanayin ang sariling makihalubilo sa iba dahil
makakatulong ito nang madagdagan ang tiwala sa sarili.
6. Matutong magpasalamat
Matuto tayong magpasalamat sa ibinigay sa atin ng Panginoon. May iba mang
nahihirapan sa buhay, ipagpasalamat pa rin natin iyon. Ipagpasalamat natin
ang araw-araw nating paggising at patuloy tayong nakikipagsapalaran sa
mundo.
Tiwala sa sarili, may mga taong wala nito. Gayunpaman, napakahalaga ng
tiwala sa sarili para sa pag-unlad ng isang tao. Kaya naman, gawin natin ang kahit
na anong paraan makamit lang ang lakas ng loob at pagkakaroon ng tiwala sa ating
sarili.
9
Pagyamanin
Gawain 3. Pagbabahagi ng Sarili
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ayon sa hinihinging kasagutan. Maging matapat
sa pagsasagot. Gawin ito sa inyong kwaderno o “journal notebook”.
Magbigay ng Pangyayari
sa iyong buhay na
nawalan ka ng tiwala sa
sarili
Ano ang naging
resulta/Bunga
Maaari mong gawin
upang maipakita mo
ang iyong talento at
kakayahan
Halimbawa
1. Natukahang kumanta
sa Linggo ng Wika ngunit
hindi ginampanan.
Dahil sa takot na maging
sintunado natalo ako.
Lalakasan ang loob,
kakanta lang sa harap ng
maraming tao para
masubok ang husay at
galing ko sa pagkanta
Ikaw naman:
Pamantayan Sa Paggawa Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman(Content) 10
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 10
Ideya/Paliwanag 15
Kabuuan 35
10
Isaisip
Gawain 4. Tiwala sa Sarili…Sikaping Makamit
Panuto: Sa iyong kwaderno o “journal” ilagay ang gawain na ito. Ibigay ang mga
paraang nabanggit upang magkaroon ng tiwala sa sarili. Sa tapat ng mga paraan ay
ay iyong magagawa para maisabuhay ito araw araw. Maaring umisip o gumawa ng
sariling desenyo . Ipakita ang pagiging malikhain.
PARAAN PARA MAPAUNLAD ANG
TIWALA SA SARILI
ANGKOP NA PAGSASABUHAY ARAW
ARAW (MAGBIGAY NG KAHIT ISA)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS
Mga Paraan na ibinigay 6 na puntos
Pagsasabuhay araw araw 6 na puntos
Kaayusan at kalinisan ng gawa 4 na puntos
Pagiging malikhain 4 na puntos
Kabuuan 20 na puntos
11
Isagawa
Gawain 5: Sa Tulong Mo !
Panuto: Mga paraan para magkaroon ng tiwala sa sarili o kung paano mo pa ito
mapapaunlad nang tama sa tulong ng ibang tao. Gawin sa iyong kwaderno. Maging
malikhain sa paggawa.
TAO NA MAARING MAKATULONG
SA IYO
MGA PARAAN NA IYONG MAGAGAWA
Pamantayan sa Isahang Gawain
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Angkop ang nilalaman sa
hinihingi
10
Ideya Tama ang paliwanag 20
Presentasyon
Maayos at malinis ang
pagkagawa
10
Kabuuan 40
 ___________________
 ___________________
 ___________________
 ___________________
 ___________________
 ___________________
12
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/ sitwasyon .Piliin at
isulat sa iyong kwaderno ang pinaka-angkop na letra sa bawat bilang.
Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang
na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at
siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa
kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga
patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang
mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit
sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito
ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.
1. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?
A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa
paligsahan at magtanghal.
2. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas
magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang
palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at
pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya
niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga
kahinaan
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang
kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming
tao.
Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya
ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang
nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto
na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa
pagaaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti.
13
3. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro
dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng
katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang
mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang
kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at
nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.
4. Sa anong larangan ang talent ni Cleo na mapababayaan?
A. Matematika
B. Visual /Spatial
C. Bodily Kinesthetic
D. Intrapersonal
5. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang
ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang
pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang
samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang
ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang
kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay
inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip
na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan.
Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit
nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya
siyang sumali rito.
6. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
A. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang
interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
B. Hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng
nagsasanay.
C. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang
kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa
paglalaro ng nito.
D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya
sanay sa paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.
14
7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang
mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang
nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok
sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan
Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito.
Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng
lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges.
9. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng
kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Maki-uasap sa guro na ipasa siya
D. Hayaan na lamang na maging mababa ang marka.
10.Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at
kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan.
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Upang gumanda ang buhay
11.Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili?
A. Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan
B. Maging positibo sa kabila ng mga suliranin
C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain
D. Sikaping makihalubilo sa karamihan
12.Ipinapakita mo na positibo ka sakabila ng mga hinaharap na suliranin kapag:
A. Kapag nawawalan ka ng pag-asa sa buhay
B. Kapag nanatili ka lamang sa loob ng inyong tahanan upang iwasan ang
suliranin
C. Kapag hinaharap ang suliranin at gumagawa ng mabuting paraan na
lutasin ito
D. Kapag umiiwas ka sa iba na makasama sila para isawan ang
sassabihin nila
15
13.Ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali kapag ipinapakita mo na:
A. Inaamin nang tapa tang nagawang pagkakamali at handang tanggapin
ito
B. Pilit na itinatanggi ang nagawang pagkakamali sa takot na mapagalitan
C. Manatiling tahimik na lamang para hindi malaman ang nagawang
pagkakamali
D. Umiwas sa mga kasama ng hindi mahalata ang nagawang pagkakamali
14.Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa?
A. Sasama kahit kanino na lamang
B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid
C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan. Kahit saan lugar.
D. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang
mga kamag-aral
15.Ang pagkakroon ng tiwala sa sarili ay nagmumula sa:
A. sa pamilyang kinalakihan
B. sa disiplinang ibinigay ng magulang
C. sa pagtuklas ng sariling kakayahan at kahinaan
D. sa mga napiling kaibigan
16
Karagdagang Gawain
Gawain 6. Gabay ng Buhay
Panuto: Gumawa ng kasabihan o kawikaan hinggil sa pagkakaroon ng tiwala sa
sarili, isulat ito sa loob ng kwadro o sa “journal notebook”. Maging malikhain sa
paggawa.
Pamantayan sa Isahang Gawain
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman/Ideya
ng Mensahe
Mensahe 20
Presentasyon
Maayos at malinis ang
pagkagawa
10
Kabuuan 30
O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo,
magpunta ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang
mga Gawain sa modyul na ito.
Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.
17
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1.
C
2.
D
3.
C
4.
C
5.
A
6.
D
7.
A
8.
A
9.
D
10.A
11.C
12.C
13.A
14.D
15.D
Balikan
1.
Tao
2.
Halaga
3.
Pagsibol
4.
Loob
5.
Diyos
Subukin
1.
A
2.
C
3.
D
4.
A
5.
C
6.
C
7.
D
8.
A
9.
A
10.B
11.C
12.C
13.A
14.D
15.D
18
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 - Learner’s Material, pahina 5
CT Sarigumba, “Tiwala sa Sarili, Paano Nga Ba Magkakaroon Nito ang mga
Kabataan?” , June 27, 2019
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinVincentDanteConde
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaRodel Sinamban
 
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaRoselle Liwanag
 
Unang markahang pagsusulit esp 7 / TOS
Unang markahang pagsusulit esp 7 / TOSUnang markahang pagsusulit esp 7 / TOS
Unang markahang pagsusulit esp 7 / TOSESMAEL NAVARRO
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4Faith De Leon
 
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!avonnecastiilo
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterJocelFrancisco2
 
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptxISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptxgabs reyes
 
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng PamilyaModule 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng PamilyaLUDIVINABAUTISTA
 
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptxhalaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptxRenatoofong
 
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga PagpapahalagaPanlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga PagpapahalagaEddie San Peñalosa
 
Lesson 1 pagpapahalaga at birtud
Lesson 1 pagpapahalaga at birtudLesson 1 pagpapahalaga at birtud
Lesson 1 pagpapahalaga at birtudBridget Rosales
 
Hirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaHirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaArnel Rivera
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptxHannaTheresaRamos
 
Q2 ESP 7-WEEK 1.pptx
Q2 ESP 7-WEEK 1.pptxQ2 ESP 7-WEEK 1.pptx
Q2 ESP 7-WEEK 1.pptxRissaCultivo1
 

Was ist angesagt? (20)

Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
 
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
 
Unang markahang pagsusulit esp 7 / TOS
Unang markahang pagsusulit esp 7 / TOSUnang markahang pagsusulit esp 7 / TOS
Unang markahang pagsusulit esp 7 / TOS
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4
 
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
 
Birtud at Halaga
Birtud at HalagaBirtud at Halaga
Birtud at Halaga
 
ESP 7 MODYUL 9
ESP 7 MODYUL 9ESP 7 MODYUL 9
ESP 7 MODYUL 9
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
 
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptxISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
 
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng PamilyaModule 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
 
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptxhalaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
 
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga PagpapahalagaPanlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
 
Lesson 1 pagpapahalaga at birtud
Lesson 1 pagpapahalaga at birtudLesson 1 pagpapahalaga at birtud
Lesson 1 pagpapahalaga at birtud
 
Hirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaHirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halaga
 
EsP G7: Modyul 16
EsP G7: Modyul 16EsP G7: Modyul 16
EsP G7: Modyul 16
 
Birtud
BirtudBirtud
Birtud
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7,MODYUL 3:PANGARAP AT MITHIIN.pptx
 
Es p 7 module 1 day 1
Es p 7 module 1 day 1Es p 7 module 1 day 1
Es p 7 module 1 day 1
 
Q2 ESP 7-WEEK 1.pptx
Q2 ESP 7-WEEK 1.pptxQ2 ESP 7-WEEK 1.pptx
Q2 ESP 7-WEEK 1.pptx
 

Ähnlich wie esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf

esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfRenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxrufinodelacruz3
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfJohnnyJrAbalos1
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)OLIVERRAMOS29
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velarojudithvelaro
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfMARYANNLOPEZ16
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfnelietumpap1
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...PrincessJemimaNaingu2
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...GeraldCanapi
 

Ähnlich wie esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf (20)

esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
 

Kürzlich hochgeladen

ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxcrisquiambaoalfonso
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxShynaNorraineDestura
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...CristinaLoyola5
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 

Kürzlich hochgeladen (20)

ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 

esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 5: Tiwala sa Sarili Ating Buuin 7
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Tiwala sa Sarili Ating Buuin Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Efren B. Tayaotao Editor: Loida S. Pigon Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina Susana M. Bautista Cynthia Eleanor G. Manalo Mariflor B. Musa Melbert S. Broqueza Danilo C. Padilla Annabelle M. Marmol Domingo L. Mendoza, JR. Elmer P. Concepcion Loida S. Pigon
  • 3. 7 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 5: Tiwala sa Sarili Ating Buuin
  • 4. ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling pinamagatang Tiwala sa Sarili Ating Buuin! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Tiwala sa Sarili Ating Buuin! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. iv Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Aralin 1 Tiwala sa Sarili Ating Buuin Alamin Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang ng tiwala sa sarili at kung paano malalampasan ang mga kahinaang ito upang maipakita ang talent at kakayahan. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:  Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa saril  Nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito. (EsP7PS-Ic-2.2) Subukin Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag/ sitwasyon sa ibaba. Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat ito sa kuwaderno. 1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa: A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
  • 8. 2 Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid. 2. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna? A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan. C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal. 3. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna? A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan. B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal. C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao. 4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan? A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan C. Upang makapaglingkod sa pamayanan D. Upang maging sikat. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pagaaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti.
  • 9. 3 5. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo? A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan. C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito. D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro. 6. Sa anong larangan ang talento ni Cleo na mapababayaan? A. Matematika B. Visual/Spatial C. Bodily Kinesthetic D. Intrapersonal Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. 7. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline? A. Magiging mahusay siya sa paglalaro dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay. B. Hindi siya makasasabay sa mga kasama na matagal nang nagsasanay. C. Magiging mahirap ang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyan pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro volleyball. D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon. 8. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao. B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
  • 10. 4 9. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa: A. Ito ay hindi namamana B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka na nakukuha sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. 10.no ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo? A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin D. Hayaan na lamang niya na may mababang marka siya. 11.Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili? A. Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan B. Maging positibo sa kabila ng mga suliranin C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain D. Sikaping makihalubilo sa karamihan 12.Ipinapakita mo na positibo ka sakabila ng mga hinaharap na suliranin kapag: A. Kapag nawawalan ka ng pag-asa sa buhay B. Kapag nanatili ka lamang sa loob ng inyong tahanan upang iwasan ang suliranin C. Kapag hinaharap ang suliranin at gumagawa ng mabuting paraan na lutasin ito D. Kapag umiiwas ka sa iba na makasama sila para isawan ang sassabihin nila 13.Ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali kapag ipinapakita mo na: A. Inaamin nang tapa tang nagawang pagkakamali at handang tanggapin ito B. Pilit na itinatanggi ang nagawang pagkakamali sa takot na mapagalitan C. Manatiling tahimik na lamang para hindi malaman ang nagawang pagkakamali D. Umiwas sa mga kasama ng hindi mahalata ang nagawang pagkakamali
  • 11. 5 14.Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa? A. Sasama kahit kanino na lamang B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan. Kahit saan lugar. D. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang mga kamag-aral 15.Ang pagkakroon ng tiwala sa sarili ay nagmumula sa: A. sa pamilyang kinalakihan B. sa disiplinang ibinigay ng magulang C. sa pagtuklas ng sariling kakayahan at kahinaan D. sa mga napiling kaibigan Balikan Panuto: Isulat sa patlang na nakalaan ang salitang mabubuo mula sa mga salitang hindi maayos ang pagkakasulat na nasa ilalim ng patlang. Ayon kay Sean Covey, bawat 1.____________ ay may talento at OAT kakayahan. Kadalasan nga lamang ay di ito nabibigyan ng pansin ngunit ito ay 2. ____________. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang LAAGAMAH panahon ng 3.___________, lalo na ng mga tinedyer. Ang iba ay LOBISGAP tinatawag na “late bloomer”. Kaya hindi dapat ikasira ng 4._________ OBOL ang sa tingin ay napakasimple nating kakayahan. At dapat nating tandaan, tayo ay espesyal dahil tayo ay nilkhang kawangis ng 5.__________. OIDYS.
  • 12. 6 Tuklasin Panuto: Isulat sa loob ng bawat bilog ang mga bagay o gawain na nais mong magawa na walang takot. Gawi ito sa iyong kwaderno o “journal notebook”. Maging malikhain sa gawain ito Halimbawa: Sa Paaralan- magsalita sa harap ng klase (SA PAARALAN) (SA TAHANAN) AKO PAMANTAYAN SA PAGGAWA Nilalaman – 10 puntos Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang pinagtularan) ____________________________ KABUUAN = 25 Puntos
  • 13. 7 Suriin Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang kaya mo yan! Nakakalungkot isipin na marami sa atin ang sa unang pagsubok pa lamang ay sumusuko na. Dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil sa kawalan ng kumpiyansya sa sarili ay maraming pagkakataon o oportunidad ang pinalalampas ng marami. Dahil dito, natutuon ang ating pansin sa ating mga kahinaan at hindi sa ating mga talento at kakayahan. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa ating mga kakayahan at limitasyon. Kung nasisiyahan sila sa ating ikinikilos pupurihin nila tayo, kung hindi naman ay maaaring bansagan tayong mahina o walang alam. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang mga tawag o bansag. Mahalaga na magkaroon tayo ng tiwala sa ating sarili. Mula sa sinulat ni CT Sarigumba, na nagsasabi na napakarami na sa ngayon ang mga kakompetensiya ng mga estudyante, talagang hindi maiiwasang mag- alangan sila sa kanilang kakayahan. Pero sabihin mang maraming kakompetensiya o may mas magaling sa isang estudyante, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng kahit na sino. Kaya naman nagbigay siya ng ilang simpleng paraan upang magkaroon ng tiwala sa sarili: 1. Kilalanin ang sarili at alamin ang kakayahan Unang-unang kailangan nating gawin ay ang kilalanin ang ating sarili at alamin ang hangganan ng ating kakayahan. Marami sa atin ang nag-aalangan na gawin ang isang bagay sa takot na hindi magawa ng maayos. Natatakot sa sasabihin ng iba kapag nagkamali. Huwag nating pansinin ang sasabihin ng iba. Bagkus ang bigyan pansin ay alamin ang kakayahan at pagyamanin pa ito. 2. Maging positibo sa kabila ng kinahaharap na problema Hindi naman maiiwasan ang mga negatibong pangyayari sa paligid. Kaliwa’t kanan ang problemang kinahaharap natin. Tandaan na hindi lang naman tayo ang kumakaharap sa problema at pagsubok. At imbes na magmukmok o dibdibin ang mga pagsubok at problema, mas mainam at makatutulong kung mananatiling positibo ang pananaw at pagtingin sa mga bagay-bagay. Hindi dapat nawawalan ng pag-asa, tandaan nating habambuhay ay may pag-asa basta’t magsisikap na gagawa ng mabuting paraan.
  • 14. 8 3. Matutong tumanggap ng pagkakamali at kritisismo Maraming kabataan ang ayaw tumanggap ng pagkakamali. Kahit na nagkamali sila, ayaw nilang aminin. Hindi nakasasama ang pagtanggap at maging tapat sakaling nakagawa ng hindi maganda. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Ang kaibahan nga lang ay kung paano natin ito tatanggapin. At lalong hindi dapat na malungkot lalo na kung may hindi magandang sinasabi ang ilan sa atin. Ang mas magandang gawin ay ang paggawa ng mabuti. Gamitin ang kritisismo o mga sinasabing hindi maganda ng iba upang mapagbuti pa ang sarili. 4. Tapangan at lakasan ang loob Huwag susuko at lakasan ang loob, ito ang dapat na mayroon ang isang tao. Mahalaga sa buhay ang pagiging matapang at pagkakaroon ng lakas ng loob lalo na sa panahon ng mga pagsubok at sa mga nangyayaring hindi maganda sa paligid. 5. Matutong makihalubilo sa kapwa Isa pa sa paraan upang magkaroon ng tiwala sa sarili ay sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa kapwa. Hindi maiiwasang may mga mahiyaing tao o takot na makipag-usap sa iba. Sanayin ang sariling makihalubilo sa iba dahil makakatulong ito nang madagdagan ang tiwala sa sarili. 6. Matutong magpasalamat Matuto tayong magpasalamat sa ibinigay sa atin ng Panginoon. May iba mang nahihirapan sa buhay, ipagpasalamat pa rin natin iyon. Ipagpasalamat natin ang araw-araw nating paggising at patuloy tayong nakikipagsapalaran sa mundo. Tiwala sa sarili, may mga taong wala nito. Gayunpaman, napakahalaga ng tiwala sa sarili para sa pag-unlad ng isang tao. Kaya naman, gawin natin ang kahit na anong paraan makamit lang ang lakas ng loob at pagkakaroon ng tiwala sa ating sarili.
  • 15. 9 Pagyamanin Gawain 3. Pagbabahagi ng Sarili Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ayon sa hinihinging kasagutan. Maging matapat sa pagsasagot. Gawin ito sa inyong kwaderno o “journal notebook”. Magbigay ng Pangyayari sa iyong buhay na nawalan ka ng tiwala sa sarili Ano ang naging resulta/Bunga Maaari mong gawin upang maipakita mo ang iyong talento at kakayahan Halimbawa 1. Natukahang kumanta sa Linggo ng Wika ngunit hindi ginampanan. Dahil sa takot na maging sintunado natalo ako. Lalakasan ang loob, kakanta lang sa harap ng maraming tao para masubok ang husay at galing ko sa pagkanta Ikaw naman: Pamantayan Sa Paggawa Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman(Content) 10 Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 10 Ideya/Paliwanag 15 Kabuuan 35
  • 16. 10 Isaisip Gawain 4. Tiwala sa Sarili…Sikaping Makamit Panuto: Sa iyong kwaderno o “journal” ilagay ang gawain na ito. Ibigay ang mga paraang nabanggit upang magkaroon ng tiwala sa sarili. Sa tapat ng mga paraan ay ay iyong magagawa para maisabuhay ito araw araw. Maaring umisip o gumawa ng sariling desenyo . Ipakita ang pagiging malikhain. PARAAN PARA MAPAUNLAD ANG TIWALA SA SARILI ANGKOP NA PAGSASABUHAY ARAW ARAW (MAGBIGAY NG KAHIT ISA) 1. 2. 3. 4. 5. 6. PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS Mga Paraan na ibinigay 6 na puntos Pagsasabuhay araw araw 6 na puntos Kaayusan at kalinisan ng gawa 4 na puntos Pagiging malikhain 4 na puntos Kabuuan 20 na puntos
  • 17. 11 Isagawa Gawain 5: Sa Tulong Mo ! Panuto: Mga paraan para magkaroon ng tiwala sa sarili o kung paano mo pa ito mapapaunlad nang tama sa tulong ng ibang tao. Gawin sa iyong kwaderno. Maging malikhain sa paggawa. TAO NA MAARING MAKATULONG SA IYO MGA PARAAN NA IYONG MAGAGAWA Pamantayan sa Isahang Gawain Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Angkop ang nilalaman sa hinihingi 10 Ideya Tama ang paliwanag 20 Presentasyon Maayos at malinis ang pagkagawa 10 Kabuuan 40  ___________________  ___________________  ___________________  ___________________  ___________________  ___________________
  • 18. 12 Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/ sitwasyon .Piliin at isulat sa iyong kwaderno ang pinaka-angkop na letra sa bawat bilang. Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid. 1. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna? A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal. 2. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna? A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan. B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal. C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pagaaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti.
  • 19. 13 3. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo? A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan. C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito. D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro. 4. Sa anong larangan ang talent ni Cleo na mapababayaan? A. Matematika B. Visual /Spatial C. Bodily Kinesthetic D. Intrapersonal 5. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa: A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay. B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. 6. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline? A. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay. B. Hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay. C. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng nito. D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.
  • 20. 14 7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao. B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa 8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa: A. Ito ay hindi namamana B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. 9. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo? A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura C. Maki-uasap sa guro na ipasa siya D. Hayaan na lamang na maging mababa ang marka. 10.Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan? A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan. C. Upang makapaglingkod sa pamayanan D. Upang gumanda ang buhay 11.Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili? A. Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan B. Maging positibo sa kabila ng mga suliranin C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain D. Sikaping makihalubilo sa karamihan 12.Ipinapakita mo na positibo ka sakabila ng mga hinaharap na suliranin kapag: A. Kapag nawawalan ka ng pag-asa sa buhay B. Kapag nanatili ka lamang sa loob ng inyong tahanan upang iwasan ang suliranin C. Kapag hinaharap ang suliranin at gumagawa ng mabuting paraan na lutasin ito D. Kapag umiiwas ka sa iba na makasama sila para isawan ang sassabihin nila
  • 21. 15 13.Ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali kapag ipinapakita mo na: A. Inaamin nang tapa tang nagawang pagkakamali at handang tanggapin ito B. Pilit na itinatanggi ang nagawang pagkakamali sa takot na mapagalitan C. Manatiling tahimik na lamang para hindi malaman ang nagawang pagkakamali D. Umiwas sa mga kasama ng hindi mahalata ang nagawang pagkakamali 14.Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa? A. Sasama kahit kanino na lamang B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan. Kahit saan lugar. D. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang mga kamag-aral 15.Ang pagkakroon ng tiwala sa sarili ay nagmumula sa: A. sa pamilyang kinalakihan B. sa disiplinang ibinigay ng magulang C. sa pagtuklas ng sariling kakayahan at kahinaan D. sa mga napiling kaibigan
  • 22. 16 Karagdagang Gawain Gawain 6. Gabay ng Buhay Panuto: Gumawa ng kasabihan o kawikaan hinggil sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, isulat ito sa loob ng kwadro o sa “journal notebook”. Maging malikhain sa paggawa. Pamantayan sa Isahang Gawain Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman/Ideya ng Mensahe Mensahe 20 Presentasyon Maayos at malinis ang pagkagawa 10 Kabuuan 30 O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo, magpunta ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga Gawain sa modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.
  • 24. 18 Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 - Learner’s Material, pahina 5 CT Sarigumba, “Tiwala sa Sarili, Paano Nga Ba Magkakaroon Nito ang mga Kabataan?” , June 27, 2019
  • 25. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph