2. •Ano ang Alamat?
•Ano-ano ang katangian ng isang Alamat?
•Sa alamat na natalakay, saan ang tagpuan nito?
•Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa akda
a. Simula
b. Katawan
c. Wakas
3. •Ano ang aral na makukuha mula sa Alamat?
•Paano ipinakita ng mga tauhan ang wagas na
pagmamahalan?
5. 1. Sa iyong palagay, ano ang tema ng alamat?
2. Ano ang maaaring aral na nais iparating ng
alamat?
3. Ihambing ang “Alamat ng Zaragosa” sa
“Alamat ng Saging” gamit ang grapikong
pantulong
6. Paghahambing ng Alamat
Alamat ng
Zaragoza,
Aloguinsan
Tuon ng
pagsusuri
Alamat ng Saging
Tema ng Alamat
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Aral na
Natutuhan
7. Mga Tanong:
1. Sino kina Aging at Rago ang higit na nagpakita
ng pagmamahal sa kanilang kasintahan?
2. Sinong magulang ang higit na istrikto sa
kanilang anak: Ama ni Juana o Ina ni Zasah?
3. Alin sa dalawang alamat ang higit mong
nagustuhan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
8. Sukatin:
Alamin ang iyong kaalaman sa katatapos na aralin
upang masukat ang iyong natutuhan.
A. Talasalitaan:
Piliin at bilugan ang letra ng kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Labis na nagdadalamhati si Rago sa pagkawala ng
kaniyang minamahal.
a. Naghihinakit b. nagtampo c. nainis d. nalungkot
9. 2. Nakipagsapalarang lumuwas ng nayon si Rago
upang makapaghanap-buhay.
a. lumayas b. naglakbay c. pumunta d. umalis
3. Naibigay ng hari ang lunas sa sakit ng kaniyang anak
ngunit sa kasamaang-palad ay nahulog ito sa butas.
a. Dahilan b. gamot c. karamdaman d. reseta
4. Labis na tumamlay si Zasah nang umalis si Rago.
a. Nabagabag b. nagulumihanan c. nanghina
d. nanlumo
10. 5. Bumubulusok pababa ang prinsesa nang Makita siya
ng dalawang pato.
a. Nahuhulog b. naliligaw c. nalilito d.natutumba
B. Sanhi at Bunga
Ibigay ang hinihinging sanhi o bunga sa bawat
bilang
1. Malaking butas sa tabi ng puno ng baliti.
Bunga: _____________________________________
11. 2. Pagtulong ng bao o pagong
Sanhi: _____________________________________
3. Ipinatawag ng bao o pagong ang lahat ng hayop na
marunong lumangoy.
Bunga: _____________________________________
4. Tumubo ang sarisaring damo sa bao at naging isang
isla.
Sanhi: ______________________________________
5. Pinalitan ang pangalan ng isla ng bao ng Bohol.
Sanhi: ______________________________________
12. C. Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.
1. Ano ang pangunahing paksa noon ng mga alamat?
a. Mga anito o Maykapal b. mga bayani
c. Mga hayop d. mga likas na yaman
2. Ano ang pangunahing layunin ng isang alamat?
a. Magbigay ng impormasyon b.magbigay-aliw
c. Magpaliwanag ng kasaysayan ng Pilipinas
d. Magpaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay-bagay
13. 3. Sa anong wika nagmula ang salitang “Legenda”?
a. Espanyol b. Griyego c. Ingles d. Latin
4. Ano ang kahulugan ng salitang “legenda”?
a. Upang maunawaan b. upang mabasa
c. Upang maikwento d. upang maisulat
5. Sa paanong paraan lumaganap ang mga alamat?
a. Pagsusulat sa bato b. pag-uukit sa kahoy
c. pasalin-dila/pakuwento d. pasayaw o pagdiriwang