3. Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay
kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.
Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa
ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig
ngayon. Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano
ang kalooban ng Panginoon. Huwag kayong maglalasing, sapagkat
mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong
mapuspos ng Espiritu. Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno
at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri
sa Panginoon. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama
dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu
Cristo.
Efeso 5:15-20
3 10/8/2022 Matalinong Pamumuhay