2. Unang Anyo ng Buhay
Ang mga reptilya ay itinuturing na mga
unang hayop kaya naman tinawag ang
panahon na ito na Panahon ng mga
Reptilya.
Nariyan ang mga Dinosaur na
pinakamalaking reptilya na
pinaniniwalaang unang namayani sa
daigdig.
Sa pagdaan ng panahon, kagulat-gulat
ang pagkawala ng mga dinosaurs kung
kayat ang mga siyentia ay nagkaroon ng
3. Teorya ni Charles Darwin
• Si Charles Darwin ay isang Siyentistang
Ingles
• Sa kanyang On the Origin of Species,
sinasalungat niya ang nakasaad sa
bibliya na tayo ay linikha ng Diyos
bagkos isinasaad niya dito na ang mga
nilalang noon ay mga organismo kung
saan dumaan sila sa apat na yugto ng
ebolusyon ng tao.
5. Ang Yugto ng Ebolusyon
• Hominid
– Silaang mga uri ng nilalang na may
anyong hayop at tao na namuhay noon sa
daigdig.
– Ipinapalagay na ninuno sila ng mga
Homo Sapiens o mga kasalukuyang tao.
URI KATANGIAN LUGAR NA NATAGPUAN
Ramapithecus -Tinatayang may gulang na 14
hanggang 12 milyong taon nang
nahukay
-Hinihinalang nginunguya ang
kanilang mga pagkain
Europa, Asya, Aprika
Australopithe-
cus Africanus
-Malapit na kahawig ng sa isang tao
- Natagpuan ni Raymond Dart ang
mga labi noong 1924
Timog Aprika
6. Australopithecus
Robustus
-Natagpuan ng mag-asawang Louis at Mary
Leakey noong 1959
-May matipunong pangangatawan , may
mahabang noo, mahabang mukha, at maliit na
panga.
Olduvai Gorge,
Tanzania
Australopithecus -Nahukay ni Donald Johanson ang kalansay Afar, Ethiopia
Afarensis =Lucy= noong 1974
-Tinatayang may 3.5 na milyong taon na ang labi
nito
7. • Homo Habilis/ The Handy Man
– Sila ang pangkat ng mga sinaunang tao na
pinaniniwalaang bihasa sa paggamit ng kanilang
mga kamay sa paggawa ng mga kasangkapan
para sa kanilang pang-araw araw na kabuhayan.
URI KATANGIAN LUGAR NA
NATAGPUAN
Zinjanthropus -Natagpuan ni Dr.Louis Leakey noong
1959
-nakakalakad ng tuwid at tinatayang
may 4 na talampakan ang kanyang
taas.
-higit na mataas ang kaalaman
nito na pinatunayan ng mga
nahukay na kasangkapang yari sa
bato.
Olduvai, Gorge,
Tanzania
8.
9. • Homo Erectus/ The Upright Man
– tinatayang pinakadirektang ninuno ng mga Homo sapiens.
-nagtataglay ito ng mga katangiang tuwid, nakakagawa ng gamit yari
URI KATANGIAN LUGAR NA NATAGPUAN
1. Java Man
(Pithecanthropus
Erectus
kaunaunahang labí ng Homo Erectus na
natuklasan. Natuklasan ni Eugene Dubois,
isang Olandes,sa buhanginan sa gitnang Java,
Indonesia noong 1891.
-maliit ang mga taong ito ngunit nakatatayo at
nakalalakad ng tuwid.gumamit ng mga tinapyas
na bato bilang sandata at kagamitan.
Java, Indonesia
2. Peking Man
(Sinanthropus
Erectus)
Pinakamalaking kalansay ng Homo Erectus
na natuklasan.
-Natagpuan ni Davidson Black ang mga buto sa isang
kweba sa Choukoutien noong 1919-1937 sa Peking,
China.
-Ayon sa pagsusuri, natutong gumawa ng apoy ang
taong ito minsang tumama ang kidlat sa isang puno.
Choukoutien , China
10. • Homo Sapiens/ The Wise Man
– Mula sa Homo Habilis lumitaw ang mga Homo Sapiens
– Pinaniniwalaang sila ang mga pangkat ng species na
may malaking utak, maliit na ngipin, malaking binti, at
higit na nakatayo nang tuwid kaysa ibang pangkot ng
tao batay sa mga nahukay ng labi nito.
URI KATANGIAN LUGAR NA NATAGPUAN
Taong
Neanderthal
-lumitaw 70,000 taon na ang nakaraan
-natuklasan ang mga labi noong 1856
-nakatira sila sa mga yungib
-nagsusuot nga mga balat ng hayop
-naglilibing sila ng kanilang patay
Neanderthal, Alemanya
Taong Cro-
Magnon
-natagpuan ni Louis Lartet ang mga labi
noong 1868
-tinatayang nagmula sila sa Asya o Aprika
-nagtataglay nagn higit sa limang
talampakan ang taas
-may saplot ang katawan na yari sa balat ng
hayop
-may kaalaman sa pagguhit
Cro-Magnon France
11. Taong Tabon -Kahawig ng Taong Java at Taong Peking
-Natuklasan ang mga labi noong 1962 ni Robert
Fox at ng mga arkeologo ng Pambansang Museo
ng Pilipinas
Palawan, Philippines
12. Paano nabuhay ang mga
tao sa Panahong
Paleolitiko?
Mesolitiko? Neolitiko? Metal?
13. –Tinatayang 500,000 taon na ang
nakaraan nang unang gumamit ng
mga bagay bagay ang tao sa
kanyang pagsusumikap na
mabuhay.
–Malalaman ang kanilang mga
gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay pansin sa mga bagay
na nakapaligid sa kanilang mga
labi.
14. –Nakuha ang impormasyon
tungkol sa pamumuhay ng
mga unang tao sa
pamamagitan ng kanilang
labi tulad ng mga bungo,
buto at mga kasangkapang
kanilang naiwan.
21. KATANGIAN NG PAG UNLAD
PALEOLITIKO
• Pagala-gala ang mga tao sa
paghahanap ng pagkain at walang
permanenteng tirahan. Sa yungib sila
tumitira upang maging ligtas sa
lamig ng panahon.
• Pangangaso at pangingisda ang
ikinabubuhay ng mga tao, gamit
ang kanilang mga kamay.
22. • Gumagamit din sila ng mga
tapyas ng bato bilang sandata
at kasangkapan sa
pangangaso at pangingisda.
• Natuklasan din nila ang
paggamit ng apoy bilang
pagpapainit ng katawan,
panakot sa mababangis na
hayop at panluto ng pagkain.
23.
24. • Kapag nabasag ang bato maari na
itong gamitin na pantapyas ,basta’t
may talim ang mga ito. Tinatawag
nila itong flaked stone tool o
tinapyas na kasangkapang bato.
Karaniwang mga hand axe at
chopper tool ang kanilang
ginagamit.Sa timog-kanlurang
Asya ,GitnangAsya at Tsina at
naging laganap ang teknolohiya ng
Gitnang Paleolitiko.
26. • Natutunan din nila ang pag-ukit,
paglilok, at pagpinta. Ito ay
ginamit nila sa pagguhit ng
dingding ng kweba at paggawa ng
talim ng sibat, kutsilyo at iba
pang kagamitan yari sa bato. Sa
relihiyon ang mga taong
Neanderthal na naipamalas sa
pag-aalay ng sakripisyo, pagkain
at mga palamuti sa patay.
30. KATANGIAN NG PAG-UNLAD
MESOLITIKO
·Suliranin ang panustos na pagkain
dulot ng mga pagbabago sa
klima.Nakaranas ang Africa ng tagtuyot
dahil sa matinding init ng panahon.
·Nagsimulang mag-alaga ang tao ng
mga hayop tulad ng aso.
31. ·Natutong gumawa at gumamit
ng mga kasangkapang kahoy
ang mga tao tulad ng palakol,
adze at gouge.
·Nalinang ang pagkakarpintero
at pag-iimbento ng mga bagay
na gawa sa kahoy tulad ng
paragos (sleigh) ang kauna-
unahang sasakyang naimbento
ng tao.
32. · Nakalinang ng mga gamit
mula sa balat ng hayop at mga
hibla ng halaman.
·Nagsilbing transisyon sa
panahon ng kulturang Neolitiko
·Nagsimula ang paggawa ng
palayok mula sa luwad
37. Nagsimula ang
panahon ng bagong bato
o Panahong Neolitiko
noong 8,000
B.C. Lumaganap sa
maraming bahagi ng
mundo ang produksyon ng
pagkain
38. KATANGIAN NG PAG UNLAD
NEOLITIKO
· Nagsimulang magtanim at magsaka
ang mga tao.Bunga nito,naging
permanente ang paninirahan ng mga
tao.
Nagsimula ang pagpapalayok.
Natutuhan ang paggawa ng mga bagay
na gawa sa putik tulad ng bricks na
ginagamit sa paggawa ng bahay.
39.
40. ·Natutuhang pakinisin ang mga
magaspang na bato at ginawang
ibat-ibang hugis at laki ayon sa
kanilang gamit.
·Natutuhang gamitin ang mga
inaalagaang hayop tulad ng
kabayo, baka at asno bilang
sasakyan o tagahila ng paragos at
karwahe.
41. ·Nagsimula ang
konsepto ng palengke
kung saan higit na
maayos ang sistema ng
palitan ng mga
produkto ng mga tao.
47. KATANGIAN NG PAG UNLAD
PANAHON NG TANSO
·Tanso ang kauna-unahang
natuklasang uri ng metal na nakuhang
nakahalo sa buhangin sa gilid ng ilog
Tigris.
·Higit na matigas ang tanso kaysa
ginto at nahuhulma sa iba`t-ibang
hugis na nais ng tao
48. ·Nalinang nangmabuti ang
paggawa at pagpapanday ng
mga kagamitang gawa sa tanso.
·Unang ginamit ang tanso sa
mga lugar sa Asia, Europe at
Egypt.
52. KATANGIAN NG PAG UNLAD
PANAHON NG BRONSE
·Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso
at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay-ang bronse o pulang
tanso. Ginamit ito sa paggawa ng mga
armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo,
martilyo, punyal, pana, at sibat.
·Natutong makipagkalakalan ang mga tao
sa mag karatig pook.
55. KATANGIAN NG PAG UNLAD
PANAHON NG BAKAL
·Natuklasan ng mga Hittite ang pagtunaw
at pagpanday ng Bakal. Inilihim nila ang
kaalaman ng pagtunaw at pagpapanday
ng bakal kung kaya umunlad ang kanilang
kabihasnan at madalas ang pagwawagi sa
mga digmaan.
56. •
•
Ang paggamit ng bakal ang
naghatid sa kabihasnan mula sa
sinauna,gitna hanggang sa modernong
panahon.
Lumaganap sa buong Africa, Asia
at Europe ang paggamit ng bakal.