Anzeige

PDF document.pdf

28. Mar 2023
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige

PDF document.pdf

  1. IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
  2. Ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng salitang KABIHASNAN?
  3. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
  4. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya • Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o“pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. • Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. • Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite at iba pa. • Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.
  5. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna- unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito.
  6. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna- unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. • Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
  7. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna- unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. • Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. • Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
  8. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim
  9. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim • Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.
  10. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag- ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan.
  11. HEOGRAPIYA NG Mesopotamia • Bunga ng pag-unladng lipunan sa mga nagkaroon ng mga sumusunod na taon, pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna- unahang lungsod sa daigdig.
  12. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
  13. Ang Kabihasnang INDUS sa TIMOG Asya
  14. Ang Kabihasnang INDUS sa TIMOG Asya • Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. • HEOGRAPIKAL: Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. • KULTURAL: Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito. • Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok.
  15. Ang Kabihasnang INDUS sa TIMOG Asya • Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
  16. Ang Kabihasnang INDUS • Sinasabin g mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.
  17. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E.
  18. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang- kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. • Ang mga lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1,000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
  19. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2,900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
  20. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng mahalagasa pagsisimula ng mga matabanglupa ay naging lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay- daan upang malinang ang lupain.
  21. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
  22. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag- usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba
  23. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
  24. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya • Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas.
  25. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya • Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino
  26. • Saaspektong Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisaat pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
  27. HEOGRAPIYA NG Huang ho • ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit. Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain.
  28. HEOGRAPIYA NG Huang Ho Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito.
  29. HEOGRAPIYA NG Huang ho • Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
  30. HEOGRAPIYA NG Huang ho • Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
  31. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
  32. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA • Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang- silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang isang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang estado pagsapit ng 3100 BCE at Nakapagpa tuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
  33. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA • Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
  34. HEOGRAPIY A NG Egypt • Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
  35. HEOGRAPIYA NG Egypt • Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa.
  36. HEOGRAPIYA NG Egypt • Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag- apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
  37. HEOGRAPIYA NG Egypt • Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig- baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag- iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.
  38. HEOGRAPIYA NG Egypt • Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
  39. HEOGRAPIYA NG Egypt • Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
  40. HEOGRAPIYA NG Egypt • Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
  41. Gawain 3: TRIPLE MATCHING TYPE
  42. Gawain 3: TRIPLE MATCHING TYPE Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan. A B C • Egypt • Tsino • Indus • Mesopotamia • Sa pagitan ng mga ilog • Biyaya ng Nile • Nasa tangway ng Timog Asya • May matabang lupain sa Huang Ho • Timog ng Mediterranean • Nasa kanluran ng Yellow Sea • Dumadaloy ang Indus River • Nasa Kanlurang Asya
  43. PAMPROSESONG TANONG
  44. 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? 3. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.
Anzeige