SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 82
Downloaden Sie, um offline zu lesen
SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON
SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG
PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR
Isang Pananaliksik
Na Ipinasa kay
Dr. Sharon K. Galang
Pamantasang Centro Escolar
Para sa Parsyal na Pagbubuo
Ng mga Kailangan para sa Digring
Bachelor of Science in Medical Technology
Eana Joyce T. Castillo Maria Mica S. Coronado
Jastine Mae R. del Mundo Jose Mari L. Esguerra
Jonna Beatriz L. Lagaya Eugene T. Tupa
Marso 2015
ii
ABSTRAK
Pamagat: SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-
AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR
Mananaliksik: Eana Joyce T. Castillo, Maria Mica S. Coronado, Jastine
Mae R. del Mundo, Jose Mari L. Esguerra, Jonna Beatriz L.
Lagaya at Eugene T. Tupa
Institusyon: Pamantasang Centro Escolar
Lungsod ng Makati
March 2015
Tagapayo: Dr. Sharon K. Galang
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ayon sa pamilya at relasyon sa
kapwa ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar.
Sa pananaliksik na ito ginamit ang paraang palarawan, ang pangunahing
instrumentong ginamit ay talatanungan upang makakalap ng datos tungkol sa
salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral.
Pagpoporsyento ang ginamit sa pag-aaral upang malaman ang mga kasagutan
sa mga suliraning kinakaharap ng pag-aaral na ito.
Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondente ay mga may labimpito
hanggang labingwalong edad na nagkaroon ng animnapu’t tatlong porsyento
(63%). Karamihan ay mga kababaihan na may pitumpu’t tatlong porsyento (73%)
at karamihan rin ay nasa kursong Bachelor of Science in Tourism Manangement
na may dalawampu’t dalawang porsyento (22%).
Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa
pamilya ay ang presyur at ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon mula sa relasyon sa kapwa ay ang kasiyahan sa mga
nakatakdang gawain.
Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral iminumungkahi na huwag
masyadong magpaapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay
ang nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting
pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patuloy rin ang pagkakaroon ng
motibasyon at determinason sa pag-aaral.
iii
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Pinagtibay ng Lupon sa Pagsusulit ng pananaliksik na ito tungkol sa Salik
ng Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga
Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar na ang kaloob na antas ay
________________ ngayong ika-21 ng Marso 2015.
_________________________
Dr. Sharon K. Galang
Guro sa Filipino 12
iv
PAGKILALA
Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga
sumusunod na nagbigay suporta, kooperasyon, inspirasyon, gabay at
nagpatatag ng saloobin ng mga mananaliksik noong isinasagawa ang pag-aaral:
Unang-una sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng gabay, matatag na
kondisyon ng katawan, at sa pagbigay ng katalinuhan sa bawat mananaliksik
upang maisakatuparan ang pag-aaral;
Kay Dr. Sharon K. Galang, ang masigasig na propesor sa Filipino 12, na
tumulong sa mga mananaliksik at gumabay sa paggawa ng tesis sa
pamamagitan ng pagturo ng mga tamang paraan sa paggawa at pagtama sa
mga kamalian ng mga mananaliksik upang maging maayos at maging
matagumpay ang pag-aaral na ito;
Sa pamilya ng mga mananaliksik, sa pagbibigay ng walang humpay na
suporta at tulong sa mga pangangailangan ng mga awtor;
Sa mga awtor, editor at mga mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan
ng mga mahahalagang impormasyon na nakatulong ng malaki sa pagbuo ng
ikalawang kabanata ng tesis; at
Sa mga taong nagbigay-kooperasyong sumagot sa mga sarbey, sa
paglalaan ng panahon at sa matapat na pagsagot na nagsilbing mahalagang
v
parte ng pag-aaral na ito upang malaman ang iba’t ibang saloobin tungkol sa
paksa.
E.J.T.C
M.M.S.C
J.M.R.D.M
J.B.L.L
J.M.L.E
E.T.T
vi
PAGHAHANDOG
Ang pag-aaral na ito ay lubos na inihahandog sa mga mag-aaral ng
Pamantasang Centro Escolar.
Inihahandog din ng mga awtor ang pag-aaral na ito sa pamilya, kaibigan,
at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng talento at kaalaman
sa mga mananaliksik upang matapos at maging matagumpay ang pag-aaral na
ito.
Nais din ng mga awtor na ihandog ang pag-aaral na ito sa mga magulang
na walang humpay na sumuporta at tumulong sa mga pangangailangan ng mga
mananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ay nais din ihandog ng mga awtor kay Dr. Sharon K.
Galang na tumulong at gumabay sa mga awtor upang maging maayos at
matagumpay ang pag-aaral na ito.
E.J.T.C.
M.M.S.C.
J.M.S.D.
J.B.L.L.
J.M.L.E.
E.T.T.
vii
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
ABSTRAK……………………………………………………………………. ii
DAHON NG PAGPAPATIBAY…………………………………………….. iii
PAGKILALA……………………………………………………………........ iv
PAGHAHANDOG…………………………………………………………… vi
TALAAN NG MGA NILALAMAN…………………………………………… vii
TALAAN NG TALAHANAYAN……………………………………………… x
TALAAN NG GRAP…………………………………………………………. xi
TALAAN NG LARAWAN……………………………………………………. xii
Kabanata Pahina
1. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO
Panimula…………………………………………………….. 1
Kaligirang Pangkasaysayan………………………………. 3
Teoretikal na Balangkas…………………………………… 4
Konseptwal na Balangkas…………………………………. 4
Paglalahad ng Suliranin……………………………………. 6
Hipotesis……………………………………………………… 7
viii
Palagay……………………………………………………….. 7
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………. 8
Saklaw at Delimitasyon……………………………………… 9
Depinisyon ng mga Katawagan…………………………….. 10
2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Mga Kaugnay na Literatura
Lokal na Literatura…………………………………… 12
Dayuhang Literatura…………………………………. 15
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Lokal na Pag-aaral……………………………………. 17
Dayuhang Pag-aaral………………………………….. 22
3. MGA PAMAMARAAN
Paraan ng Pananaliksik………………………………………………. 28
Paksa…………………………………………………………………… 29
Teknik…………………………………………………………………… 29
Instrumento…………………………………………………………….. 30
Paraan ng Pagsasagawa ng Pag-aaral…………………………….. 30
Paraan ng Pagbibigay Halaga sa mga Datos……………………… 32
4. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA
DATOS…………………………………………………………………. 33
5. BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Buod ng Natuklasan………………………………………….. 46
ix
Konklusyon……………………………………………………. 47
Rekomendasyon……………………………………………… 48
DAHONG DAGDAG
Talasanggunian……………………………………………….. 49
Talatanungan………………………………………………….. 52
Mga Larawan Habang Nagsasaliksik………………………. 57
Talambuhay ng mga Mananaliksik…………………………. 61
x
TALAAN NG TALAHANAYAN
Talahanayan Blg. Pamagat Pahina
1 EDAD NG MGA RESPONDENTE…………….. 33
2 KASARIAN NG MGA RESPONDENTE………. 34
3 KURSO NG MGA RESPONDENTE…………… 35
4 TAON SA KOLEHIYO NG MGA
RESPONDENTE………………………………… 36
xi
TALAAN NG GRAP
Grap Blg. Pamagat Pahina
1 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON
AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG
MGA MAG-AARAL AYON SA PAMILYA…………………….. 37
2 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA
MAG-AARAL AYON SA RELASYON SA KAPWA………….. 39
3 PINAGMUMULAN NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON NG MGA MAG-AARAL UPANG
PUMASOK AT IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL………… 40
4 POSITIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG
MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA
KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL…………………….. 42
5 NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG
MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA
KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL……………………… 43
6 IMPORTANSYA NG PAGKAKAROON NG
MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA PAG-AARAL…. 44
xii
TALAAN NG LARAWAN
Larawan Blg. Pamagat Pahina
1 PROSESO SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL…………. 5
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
Panimula
Mahirap ang palipat-lipat at papalit-palit ng kurso dahil nasasayang
lamang ang panahon at salapi. Marami ngayong Pilipinong kabataan ang inaabot
ng lampas sa apat na taong pag-aaral sa kolehiyo kahit ang programa na
kanilang napili at kasalukuyang pinapasukan ay maaari namang matapos sa loob
lamang ng apat na taong pagsisikap. Kaya ang pananaliksik na ito ay
makatutulong lalung-lalo na sa mga estudyante, upang mapag-alaman nila ang
mga salik para sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon na ipagpatuloy
at tapusin ang kanilang napiling kurso. Dapat ay magkaroon ang karamihan ng
malalim na pang-unawa sa usaping ito upang maging mabuti ang hinaharap ng
bawat isa.
Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon sa
buhay na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang
usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay para sa hinaharap.
Ang mga magulang ay may mahahalagang papel sa desisyon ng anak
lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung anong kurso ang
pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at ng kanyang
mga magulang. Ang mga magulang ang siyang gabay sa usaping ito.
Mahalagang isaalang-alang ang interes ng anak dahil ito ang nagbibigay
sa
2
kanya ng sigla sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagganyak. Ngunit sa lawak
ng kaalaman ng mga magulang dahil sa kanilang mga karanasan ay nakabubuti
para sa anak na makinig sa desisyon ng mga magulang.
Kailangan natin maging determinado sa pagpasok sa kolehiyo,
determinado sa piniling kurso para tapusin ito, hindi maiaalis sa isang kabataan
ang pagbago-bago ng desisyon, ang kailangan lamang ay maging pokus sa
ginagawa at sinusunod ang puso sa piniling kurso.
Dahil ang pagpasok sa kolehiyo ang kadalasang unang yugto ng buhay
ng isang anak na mapapawalay sa mga magulang, hindi maitatanggi na sa
yugtong ito maraming mga anak ang naliligaw ng landas dahil wala sa piling ng
kanilang mga magulang na dati ay gumagabay araw-araw. Maraming
napapasama sa masasamang barkada, nalululong sa masasamang bisyo,
pumapasok sa relasyon na nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng isang
babae at iba pa.
Ayon kay Adrian Paolo Molina, malaki ang ginagampanang papel ng
kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng estudyante. Kaakibat nito ang pagpili ng
kursong tatahakin sapagkat ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang
panghinaharap na pamumuhay. Kaya nga ang unang taon ng estudyante sa
kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin kung tama ba o hindi ang
kursong kanilang napili. Maraming tanong ang maaaring pumasok sa isipan ng
tao sa bawat hakbang nito sa buhay at nasa sarili rin natin kung paano natin ito
aaksyunan.
3
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang kawalan ng motibasyon at determinasyon ng mga estudyante sa
kanilang napiling kurso sa kolehiyo ay matagal na at kasalukuyang nangyayari
ngayon sa ating lipunan na nagreresulta ng pagpalipat-lipat ng mga mag-aaral
ng kurso. Ang lugar kung saan ginawa ang pag-aaral na ito ay sa Pamantasang
Centro Escolar sangay sa Makati.
Ang Pamantasang Centro Escolar ay itinayo noong ika-3 araw ng buwan
ng Hunyo taong 1907. Ang komunidad ng Pamantasang Centro Escolar ay
nasaksihan ang kapanganakan ng isang kampus noong Hunyo 2005 na
matatagpuan sa Central Business District ng National Capital Region sa 259-263
Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City. Magkasunod, pagkatapos ng dalawang taon
ng pagpapatakbo, ang CEU ay bumuo pa ng isang yunit, na binuksan noong
Hunyo 2007 sa 103 Esteban, sa sulok ng kalyeng Dela Rosa, Legaspi Village,
Makati City. Ang dalawang yunit ay itinatag upang matugunan ang lumalaking
pangangailangan para sa mas mataas na edukasyon mula sa Metro Manila at
iba pang mga prospektibo na mga aplikante mula sa timog. Ang kampus sa
Makati ay tugon ng CEU sa pagtaas ng pangangailangan sa mga propesyonal sa
kalusugan at di-agham na kurso, kung saan ang pamantasan ay kilala sa
panahon ng 100 taong pag-iral.
Sa Pamantasang Centro Escolar Makati ginanap ang pananaliksik upang
matugunan ang layunin ng mga mananaliksik na makapagbigay tulong sa mga
4
kasalukuyang estudyante sa nasabing pamantasan sa paraan ng pagbibigay ng
dagdag kaalaman kung ano ang magiging resulta ng pananaliksik.
Teoretikal na Balangkas
Ayon sa self-determination theory, mayroong tatlong pangunahing mga
sikolohikal na pangangailangan na mahalaga para sa pagkakaroon ng mainam
na motibasyon at kaayusan. Ang mga sikolohikal na pangangailangan ay ang
pangangailangan ng lakas ng loob, pakiki-isa, at pagsasarili. Ang pagkabigong
matugunan ang mga pangangailangan na ito ay maaaring humantong sa
pagbaba ng motibasyon sa sarili at maaaring makadanas ng sobrang kahirapan
at pagka-inip.
Ayon kay J.E. Ormrod, ang motibasyon ay mayroong ilang epekto sa
pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil ang motibasyon ang nagiging daan tungo sa
pagkakaroon ng pangarap, tungo sa pagkakaroon ng karagdagang diskarte at
enerhiya, ang motibasyon ay nakadaragdag ng resistensya para sa mga gawain,
nakakaapekto ito sa proseso ng pagbibigay malay. Ang motibasyon ay
nakapagsusuri kung ang kalalabasan ay makatutulong o makapagpapasakit at
ang motibasyon ay malimit na nakapagpapahusay ng pagganap.
Konseptwal na Balangkas
Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-
process-output na modelo. Inilahad ng input na kuwadro ang naging dahilan para
5
sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Ang kuwadro ng proseso ay tumutukoy sa
mga hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang
interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang awtput o
kinalabasan na kuwadro ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na
datos at ang salik ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling
kurso ng mga mag-aaral.
Larawan bilang 1
PROSESO SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL
 Kawalan ng
motibasyon
at
determinas
yon sa
piniling
kurso
 Pagpapalit-
palit ng
kurso ng
mga mag-
aaral
 Pagbabasa ng
mga kaugnay
na literatura
 Paggawa ng
listahan ng mga
katanungan o
kwestyuneyr
 Pagsagawa ng
isang sarbey o
pag-iinterbyu
 Dokumentasyon
ng mga nakalap
na datos
 Pagsusuri
Salik sa
Pagkakaroon ng
Motibasyon at
Determinasyon
sa piniling kurso
ng mga mag-
aaral
INPUT PROSESO KINALABASAN
6
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay minimithing malaman ang salik sa pagkakaroon
ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral ng
Pamantasang Centro Escolar.
Lalung-lalo na, ang pag-aaral na ito ay inaalam ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:
1.1 Edad;
1.2 Kasarian;
1.3 Kurso; at
1.4 Taon sa Kolehiyo?
2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
napiling kurso sa kolehiyo ayon sa mga sumusunod:
2.1 Pamilya; at
2.2 Relasyon sa kapwa?
3. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
kinabukasan ng mga mag-aaral:
3.1 Positibo; at
3.2 Negatibo?
7
Hipotesis
Ang mga hipotesis o ang mga pahayag na hindi pinatunayan sa
pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
 Na ang mga mag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar ay walang tiyak
na relasyon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang
napiling kurso sa kolehiyo.
 Na ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral
ng Pamantasang Centro Escolar sa kanilang napiling kurso ay walang tiyak na
maidudulot sa kanilang kinabukasan.
Palagay
Ang palagay o ang mga pahayag na pinatunayan, sinuri at sinubukan sa
pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
 Na ang mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar ay may tiyak
na relasyon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral
sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo.
 Na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa na-
piling kurso ay mayroong magiging tiyak na epekto sa mga mag-aaral ng
Pamantasang Centro Escolar.
 Na ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-
aaral ng Pamantasang Centro Escolar sa kanilang napiling kurso ay mayroong
tiyak na maidudulot para sa kanilang hinaharap.
8
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay makapagbibigay benepisyo sa
mga sumusunod:
Para sa mga mag-aaral, makatutulong ang pag-aaral na ito dahil
makapagbibigay ito ng dagdag kaalaman para sa mga mag-aaral tungkol sa salik
ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso na
makatutulong sa kanilang sarili sa mismong pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon sa kanilang napiling kurso upang mas magkaroon ng tyaga, lakas
ng loob at enerhiya upang tapusin ang kasalukuyang kurso.
Para sa mga guro, makapagbibigay-liwanag ang pag-aaral na ito para
magkaroon ng ideya at lalong mas maintindihan ng mga guro o propesor ang
mga kabataan ngayon lalo na ang kanilang mga mag-aaral at tiyak na kanilang
malaman kung ano ang hakbang na dapat gawin upang matugunan ang mga
sikolohikal na pangangailangan ng estudyante.
Para sa mga magulang na kasalukuyang nagpapaaral ng kanilang mga
anak sa kolehiyo, makapagbibigay kaalaman ito sa kanila upang mas
maintindihan ang kanilang mga anak at malaman nila kung ano ang
karapatdapat na gawin upang matugunan ang mga sikolohikal na
pangangailangan ng anak pagdating sa kanilang pag-aaral, upang mas
magkaroon sila ng motibasyon at determinasyon na makatapos ng pag-aaral.
9
Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tinukoy lamang ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga kasalukuyang mag-aaral
sa kolehiyo na maaaring magmula sa mga nasa una hanggang ika-apat na taon
ng kurso sa Pamantasang Centro Escolar-Makati, dahil ngayon maraming mga
kolehiyo ang nagkukulang sa motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling
kurso kaya’t napagsang-ayunan ng mga mananaliksik na ipakita ang salik sa
pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso upang
makatulong sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pag-aaral.
Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral na nagmula sa una,
ikalawa, ikatlo, at ikaapat na antas o taon sa kolehiyo na may total na isandaan
(100).
Ang mga respondente ay mga mag-aaral na nanggaling sa Pamantasang
Centro Escolar – Makati.
Ang mga respondente ay kinuha sa pamamagitan ng random sampling,
dalawampu’t limang respondente ang nanggaling sa bawat antas o taon sa
kolehiyo upang mabuo ang total na isandaan (100).
Hindi isinali sa pag-aaral na ito ang iba pang mag-aaral na nagmula sa
ibang pamantasan o unibersidad. Hindi rin inaalam ng pananaliksik na ito ang
mga nagiging dahilan ng pagkawala o paghina ng motibasyon at determinasyon
ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
10
Depinisyon ng mga Katawagan
Para sa pag-aaral na ito upang mapabilis na maunawaan ang pagkayari o
ang gawang ito, ang mga termino sa ibaba ay binigyan ng maayos na kahulugan
na nagmula sa mga mananaliksik at iba-ibang websayt:
Determinasyon. Ito ay ang paninindigan, tatag o tibay ng iyong layunin o
hangarin sa buhay.
Interes. Ito ay tumutukoy sa kagustuhan o hilig ng isang tao.
Kolehiyo. Ito ay isang establisyimento o paaralan.
Kurso. Ito ay tumutukoy sa programa na nagsisilbing daan, tungo sa ating
minimithing kinabukasan.
Mag-aaral. Ito ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang
estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskubre ng mga bagay.
(tl.m.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral)
Motibasyon. Ito ang isang kadahilanan o mga dahilan para ikilos o kumilos sa
isang partikular na paraan. (http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation)
Pamantasan. Ito ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon at
pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba’t-ibang
larangan. Naglalaan ang isang pamantasan ng edukasyon para sa hindi pa tapos
at nagtapos ng edukasyong tersera-klase. (http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamanta
san)
Propayl. Ito ay isang maikling deskripsyon na nagbibigay impormasyon tungkol
sa isang tao o bagay. (//i.word.com/dictionary/profile)
11
Salik. Ito ay ang isa o mga elemento na nag-aambag sa isang partikular na
resulta o sitwasyon. (http://dictionary.reference.com/browse/factor)
Sikolohikal. Ito ay tumutukoy sa mental na kalagayan ng tao.
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga mananaliksik ng
maraming impormasyon o mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa
paksa ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga
mag-aaral. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang una ay pinapaloob ang mga
kaugnay na literaturang lokal at dayuhan at ang ikalawa ay nilalaman ang mga
kaugnay na lokal at dayuhang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura
Mga Lokal na Literatura
Ayon kay Mary Joy M. Bautista, 2014 na pinamagatang “Pagpili ng Kurso
sa Kolehiyo”. (http://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa-
kolehiyo.html), tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng
bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nasa paaralan …
Karaniwan ng naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman
na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man.
Sa artikulo ni Arnold Matencio Valledor, 2014 na pinamagatang “Pag-
aaral: Kanin na Dapat Isubo”. (http://www.catanduanestribune.com/article/3T28),
tinukoy na:
“Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay
lumilikha ng mahiwagang susi, ang mahiwagang
13
susi na siyang magbubukas ng pintuan ng magandang
buhay na hindi lamang nakalaan para sa sarili kundi
sa pamilyang pinagmulan, sa kapwa, sa bayan…. “
Sa artikulo ni Jayaram V, 2012 na pinamagatang “Ang Kapangyarihan ng
Determinasyon”. (http://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp),
isinaad na madami na ang sumuko habang ang ilan ay kaya pang labanan
hanggang sa katapusan. Maaari kang magkamali, ang mga ito ay madalas na
para sa matigas ang ulo o suwail, kung itutuloy nila ang kanilang mga layunin sa
pagbalewala sa kanilang pag aaral hindi kaagad makatatapos, kailangan lang ay
determinasyon. Kapansin-pansin ang determinadong tao bilang mga mahihigpit
na lider na tapusin ang kanilang kurso. Dapat tayong maging determinadong tao
dahil madami tayong pangarap sa buhay at gustong makamit. Lahat naman ay
gustong magtagumpay ang kailangan ay pasensya at mag-aral ng mabuti at
unahin ang mas kailangan. Madalas ang mga determinadong tao ay yoong
nagtatagumpay.
Sa blog ni Jesse Guevara, 2011 na pinamagatang “Anong Motibo Mo”
(http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html), sinaad na
mayroong limang hakbang sa motibasyon ito ay ang mga sumusunod: (1)
Atensyon o pagpansin, na sinasabing ang pag-ibig ay nagsisimula sa atensyon;
(2) Panahon, ganito din sa relasyon, kapag wala kang panahon dito, kusa itong
mapapanis at lilipas; (3) Masigasig, wika nga, “kapag may tiyaga, may nilaga”;
(4) Koneksyon, ang pangunahing sangkap o elemento ng kaligayahan,
kahalagahan, at tagumpay ay nakapaloob lamang sa kapangyarihan ng
14
pagsasama-sama sa isa’t isa; at (5) Laruin, huwag laging seryoso sa lahat ng
bagay, nagpapatigas ito ng leeg.
Tinalakay naman sa blog ni Ralph Patrick Dy, 2011 na pinamagatang
“Determinasyon sa Pag-aaral”. (http://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determi
nasyon-sa-pag-aaral/), tinutukoy na:
“Sa buhay, madaming problemang napagdadaanan.
Minsan mahirap, minsan madali. Pero, kahit ano pa
man iyon, dapat di tayo sumusuko at ipagpatuloy
ang ginagawa upang malutas ang problema. Dapat
may determinasyon sa loob natin ...”
Ayon sa artikulo ni Rocky Rivera, 2010 na pinamagatang “Ano ang
Matibay na Gawing Basehan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo”
(http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-baseh
an-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/), naniniwala ang mananaliksik na hindi lahat
ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo
na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating
ekonomiya para sa ating mga mamamayan dito. Kaya’t ang magkaroon ng
pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi
dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal
na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede
mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinambili,
hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na
maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito
ang nais mong kurso.
15
Mga Dayuhang Literatura
Ayon sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang
“MOTIVATING THE LOW-ACHIEVING TEEN” (http://www.education.com/magaz
ine/article/Motivating_the_Low-Achieving/), sinabi na ang mga kabataan ay
kinakailangang malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay
nangangailangan ng suporta mula sa mga magulang at guro. Mayroong anim na
pamamaraan upang mabigyan ng motibo ang mga nagsisikap na estudyante sa
pagpapanatili ng pagganap, ito ay ang mga sumusunod: (1) Bigyan ng atensyon;
(2) Magkaroon ng komunikasyon; (3) Huwag magdahilan; (4) Kilalanin ang mga
nakakamit; (5) Ikagalak ang kagalingan; at (6) Huwag kailanman sumuko.
Sa blog ni Daniel Moore, 2013 (http://blog.uwgb.edu/adults/what-is-your-
drive-or-motivation-for-going-to-college/), sinasaad na ang rason kung bakit tayo
pumasok sa kolehiyo ay importante kahit anong edad pa tayo, pero kasing
halaga rin nito ang mga bagay na ating natutunan tungkol sa ating mga sarili
habang tinatapos natin ito. Magmuni-muni at isipin kung paano nagbago ang
sarili at motibasyon. Ang pag-iisip at pagbabago ng iyong determinasyon sa
bawat oras ay makatutulong upang makaabot ka hanggang dulo.
Sa blog ni Tim Tyrell-Smith, 2011 (http://money.usnews.com/money/blogs/
outside-voices-careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you),
binanggit na kung ang pagpili ng karera ay presyon para sayo. May mga opsyon
katulad ng: (1) Pumili ka ng landas na sa tingin mo ay tama sa pamamagitan ng
isang pinakamagaling na desisyon na nagawa mo at alam mong hindi
16
makakapagbago ng isip mo sa hinaharap. Ang pagpili ng karera ay kailangan
mong mahalin at gustuhin kase ito ang magiging kasangga mo sa buhay.
Pansinin na habang dumadaan ang araw may nagbabago: (1) Pangangailangan
sa pera; (2) Kalayaan; at (3) Pagbalanse sa buhay. Pag-isipan ang mga ideya na
ito at gawing paraan sa pagpili ng isang karera na pinakamahusay.
Ayon kay Steve Mueller, 2010 (http://www.planetofsuccess.com/blog/2010
/how-to-get-motivated-to-study/), inilathala na ang mga mag-aaral na may
motibasyon o determinado sa pag-aaral ay mas magiging madali na tapusin ang
mga gawain na naka-atas sa kanila. Sinabi rin na mas magiging pokus ang mga
mag-aaral at magkakaroon ng konsentrasyon kung magiging determinado. Dahil
ang pagkakaroon ng paraan upang maging determinado sa pag-aaral ay lubos
na makatutulong kung nakararamdam ng prokrastinasyon sa panahon ng iyong
pag-aaral.
Ayon sa artikulo ni Propesor Joe Martin, Ed.D, 2009 na pinamagatang
“Getting & Staying Motivated” (http://www.rwuniversity.com/?p=96), mayroon
lamang isang klase ng motibasyon at ito ay ang sariling motibasyon. Maaaring
ang ating kapwa ay makatulong upang tayo ay mawili sa ating paggawa, pero
ang totoo ay tayo ay kumikilos para sa ating pangsariling rason at hindi dahil sa
rason ng ating kapwa.
Sa artikulo ni Ethan Beh, 2009 (http://EzineArticles.com/?expert=Ethan_B
eh), isinaad ang limang pinaka epektibong pamamaraan upang mapataas ang
motibasyon sa pag-aaral ng kahit sinong mga mag-aaral. Ito ay ang mga
17
sumusunod: (1) Gumawa ng talaan at mag-aral sa tamang oras; (2) Magsimula
sa tulong ng limang minutong hamon, kung sakaling mawalan ka talaga ng gana
na mag-aral, planuhin na mag-aral lamang sa loob ng limang minuto at planuhing
huminto pagkatapos nito; (3) Simulan sa masayang bahagi, ang mga parte na
masasabi mong interesante ay makatutulong upang makapagsimula sa pag-
aaral; (4) Tanggalin ang mga distraksyon sa iyong paligid, kapag malapit ka sa
telebisyon, cellphone, kama, mga magazine maaaring ikaw ay matukso na
isantabi muna ang mga aklat, ngunit maaari itong maiwasan kung kinakailangan
mo pang maglakad ng malayo sa iyong tahanan upang makapanood ng
telebisyon; at (5) Magkaroon ng layunin, sa tulong nito mas magiging
determinado tayo upang lampasan ang mga hamon at gawin ang ating buong
makakaya upang magtagumpay o makamit ang ating layunin.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Mga Lokal na Pag-aaral
Sa pananaliksik nina Andranda at Fernando, 2014 na isinagawa sa
Pamantasang Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “EFFECTS OF
POSITIVE REINFORCEMENT METHODS ON TEST PERFORMANCE OF
COLLEGE STUDENTS”, natuklasan na ang mga papuri bilang positibong
karagdagan ay epektibo sa pagpapanatili ng lebel ng pagganap. Ngunit hindi ito
epektibo sa pagpapataas ng lebel ng pagganap.
18
Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil: (1) Ang
positibong karagdagan ay makatutulong rin sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon ng mga kolehiyong mag-aaral sa kanilang kurso; (2) ang pag-
aaral ay isinagawa rin sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang mga
respondente ng pananaliksik ay nagmula sa mga nasa unang taon ng pag-aaral
sa kursong sikolohiya.
Naiiba naman ang pananaliksik nina Andranda at Fernando sa pag-aaral
na ito sapagkat: (1) Ang tesis na ito ay mas nakatuon sa salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi
lamang sa pagpapataas ng akademikong pagganap; (2) ang respondente sa
tesis na ito ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kahit anong kurso at taon ng
pag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang mga datos sa
tesis na ito ay nakalap sa pagsasarbey o pamamahagi ng mga katanungan na
may kinalaman sa paksa at hindi sa pagsasagawa ng mga katanungan kung
saan susukatin ang intelektwal na abilidad ng mga mag-aaral.
Ayon sa pananaliksik ni Lorenzo, 2012 na isinagawa sa University of
Perpetual Help System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT COURSE”
natuklasang ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay mayroong mga pangunahing
pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka batayan sa pagsasaalang-
alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano ang
gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral.
Pangalawa, ang iyong kakayahan, sa pagpili ng isang kurso ang pangunahing
19
kailanganin ay ang pagiging pursigido at pagtatasa ng iyong mga kakayahan at
mga talento.
Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag aaral dahil: (1)
Kaakibat dito ang determinasyon sa pagpili ng iyong kurso; at (2) isinagawa ang
pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey o interbyu.
Naiiba naman ang pag-aaral ni Lorenzo sa pananaliksik na ito sapagkat:
(1) Ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta; at
(2) ang mga respondante ng pananaliksik na ito ay nagmula sa iba’t ibang kurso
sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati.
Ayon naman sa pananaliksik nina Ceniza, et.al, 2012 na isinagawa sa
Pamantasang Centro Escolar at pinamagatang “COMPARISON OF
MOTIVATIONAL STATUS, ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE
OF 2ND
YEAR AND 4TH
YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM
STUDENTS OF CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”, natuklasang may
impluwensiya ang pagkakaroon ng motibasyon, enerhiya, panloob at panlabas
na pagpapalagay ng abilidad, pagsisikap, swerte at hamon sa bawat isa ay
nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil ang
paksa ng parehong tesis ay parehong may koneksiyon sa motibasyon ng mga
mag-aaral.
Naiiba naman ang pananaliksik ni Ceniza, et.al, sa pag-aaral na ito
sapagkat: (1) ang lugar ng pinagsaliksikan ay sa kabilang sangay ng
20
Pamantasang Centro Escolar sa Makati lamang, sa CEU Legazpi Village; at (2)
Ang pagpili ng respondente sa pananaliksik ni Ceniza, et.al ay sa isang kurso
lamang nakapokus.
Sa pananaliksik nina Cruz, et.al, 2011 na isinagawa sa Pamantasang
Centro Escolar at pinamagatang “The Relationship Among Academic Self-
efficacy, Academic Procrastination, and Academic Performance”, natuklasan na
ang mga respondenteng kasalukuyang dumadaan sa pagdadalaga at
pagbibinata ay nasa proseso pa ng paghuhulma ng determinasyon sa sarili.
Lumabas sa pag-aaral na ang pangangailangan sa determinasyon sa sarili ng
mga estudyante ay dapat makamit upang malaman ang kanilang academic self-
efficacy, mabawasan ang prokrastinasyon, at upang paghusayin ang kanilang
akademikong pagganap.
Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pag-aaral nina Cruz, et.al, dahil:
(1) Ito ay patungkol sa relasyon ng determinasyon sa pag-aaral at ang
akademikong pagganap ng estudyante; (2) Ang pag-aaral ay isinagawa din sa
Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (3) Ang mga respondente ay nagmula
rin sa nasabing pamantasan; at (4) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa
pamamagitan ng sarbey.
Naiiba naman ang pag-aaral nina Cruz, et.al. sa tesis na ito sapagkat: (1)
nakapokus ang pag-aaral sa akademikong pagganap ng mga estudyante,
samantalang ang tesis na ito ay tungkol sa salik ng pagkakaroon ng motibasyon
21
at determinasyon sa pag-aaral; at (2) hindi correlational approach ang ginamit sa
tesis na ito.
Sa pananaliksik nina Brecia, et.al, 2009 na isinagawa sa University of the
East at pinamagatang “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong Ito”
natuklasang ang pagiging in-demand ng mga propesyon ay maaaring isa sa mga
batayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Makatutulong ang mga career
talks sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante tungkol sa
kursong malamang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi
ang kursong ito.
Natutulad ang pananaliksik nina Brecia et.al, sa tesis na ito dahil pareho
itong mayroong kaugnayan tungkol sa nakukursunadahang kurso ng mga mag-
aaral.
Naiiba naman ang pananaliksik ni Brecia et.al, sa tesis na ito dahil: (1)
Ang tesis na ito ay isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at hindi sa
University of the East; (2) Ang respondente ay nagmula sa mismong lugar kung
saan ginawa ang tesis na ito; at (3) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos ng
tesis na ito sa pamamagitan ng survey sheet o kwestyuneyr.
Sa pananaliksik nina Aguas, et.al, 2009 na isinagawa sa Pamantasang
Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “Self-concept as Correlates of Study
Habits and Attitudes Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat
Students” natuklasang ang relasyon ng sarili sa pamamahala ng sariling
pamamaraan sa pag-aaral. Ang lebel ng self-concept sa mga estudyante ng
22
CEU na mga 4th
year ay karamihan mababa. Ang sariling pamamaraan ng pag-
aaral ng mga estudyante sa CEU ay nakabase sa mga salik na tinalakay sa
kanilang pananaliksik.
Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pananaliksik dahil: (1) Inalam
sa pananaliksik ang mga kaugnay na pag-uugali para magkaroon ng disiplina sa
pag-aaral na patungo sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-
aaral; at (2) Parehong isinagawa ang pag-aaral sa CEU Makati.
Naiiba naman ang tesis na ito sa pananaliksik ni Aguas, et.al, dahil: (1)
ang paksang tinutukoy sa pananaliksik ay hindi mismo ang motibasyon at
determinasyon sa pag-aaral bagkos ang tinalakay at sinubukan ay ang sarili na
makapagdisiplina upang magkaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-
aaral; at (2) isang test ang isinagawa ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos
sa pananaliksik ni Aguas, et.al.
Mga Dayuhang Pag-aaral
Sa pananaliksik ni Virbickaite, 2013 na isinagawa sa University of Iceland
at pinamagatang “IMPORTANCE OF MOTIVATIONAL FACTORS AMONG
STUDENTS AT THE UNIVERSITY OF ICLELAND”.
(http://skemman.is/en/item/view/1946/13678), natuklasang ang motibasyon sa
trabaho ay isang napakalakas na nakapanghihikayat sa mga empleyado upang
taasan ang kanilang pagganap sa trabaho. Kung mas marami ang mga tagapag-
empleyo na nakakaalam kung ano ang mga salik para magkaroon ng
23
motibasyon ang kanilang mga empleyado ay maaari pang mas higit silang
tangkilikin at tumaas ang pagganyak ng mga empleyado at mas mahusay ang
mga kakalabasan.
Natutulad ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral dahil
kaugnay dito ang mga paksa sa pagaaral na patungkol sa salik ng motibasyon.
Naiiba naman ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral
dahil: (1) ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Iceland; (2) ang mga
respondente ay nagmula rin sa nasabing pamantasan; at (3) isinagawa ang
pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng online sarbey.
Sa pag-aaral ni Gemeren, 2013 na isinagawa sa Bates College sa
Lewiston at pinamagatang “Motivation as the Foundation for Academic Success:
The Study of Intrinsic Motivation in Montessori, Waldorf, and Reggio Emilia
Classrooms”. (http://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract-
2013/), natuklasang ang mga ekstrinsik na bagay ay hindi epektibo sa mga
estudyante na nakukuntento na sa kanilang pag-aaral. Natuklasan rin na kung
ang kapaligiran sa silid-aralan ay nagtataglay ng kakayahan upang natural na
mapataas ang motibasyong intrinsik ng mga mag-aaral, at ang mga estudyante
ay mas kakikitaan ng otonomya at kakayahan.
Natutulad ang pag-aaral na ito sa isinagawang tesis dahil: (1) tinalakay rin
dito ang ilang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga
mag-aaral upang makapagtagumpay sa pag-aaral; at (2) ang mga datos ay
nakalap rin sa paraang pagsasarbey.
24
Naiiba naman ang pag-aaral ni Gemeren sa tesis na ito sapagkat: (1) sa
tesis na ito ay mas nakatuon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon
sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi lamang sa pagpapataas ng
akademikong pagganap; (2) ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Pamantasang
Centro Escolar sa Makati; at (3) ang respondente ay nagmula sa mga
estudyante at hindi sa mga guro.
Sa pananaliksik nina Olamide at Olawaiye, 2013 na isinagawa sa limang
sekundaryang paaralan sa stado ng Ogun at pinamagatang “The Factors
Determining the Choice of Career Among Secondary School Students”.
(http://www.theijes.com/papers/v2-i6/Part.2/E0262033044.pdf), natuklasan na
ang lahat ng napiling mga sekundaryang paaralan sa lugar ng lokal na
pamahalaan ng Ikenne ay nagkukulang sa serbisyo ng isang konsehal sa karera
na nagbunga sa mga estudyante na maisang-tabi sa kanilang napiling karera at
ang kanilang mga magulang ay naglalayon ng prehistilyosong karera para sa
kanilang anak.
Natutulad ang tesis na ito sa nasabing pananaliksik ni Olamide at
Olawaiye dahil: (1) isinasaad din nito ang salik sa motibasyon ng mga magaaral
sa kanilang napiling kurso; (2) ang respondente ay nagmula rin sa mga
estudyante; at (3) nakalap rin ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng isang sarbey.
Naiiba naman ang pananaliksik ni Olamide at Olawaiye sa tesis na ito dahil: (1)
ang tesis na ito ay isinagawa lamang sa isang unibersidad at ito ay sa
25
Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (2) ang mga respondente sa nasabing
pananaliksik ay nanggaling lamang sa iisang departamento; at (3) ang
isinagawang pagsasarbey sa tesis na ito ay hindi direkta o sa pamamagitan ng
pamamahagi ng kwestyuneyr.
Sa pananaliksik ni Kasurkar, 2012, na isinagawa sa Unibersidad ng
Utrecth at pinamagatang “Motivation in Medical Students”.
(http://dspace.library.uu.nl/handle/1874/234627), natuklasang ang motibasyon ay
isang independenteng baryabol sa edukasyong medikal at ang intrinsik na
motibasyon ay importanteng kasangga ang stratehiya sa malalimang pag-aaral,
mataas na pagsisikap sa pag-aaral at mahusay na akademikong pagganap. Ang
motibasyon din ay isang dependenteng baryabol sa edukasyong medikal at
makabuluhang apektado ng edad, kapanahunan, kasarian, karanasang pang-
edukasyon, intrinsik na motibasyon na pinahuhusay sa pamamagitan ng
pagbibigay sa mga mag-aaral ng otonomya, katugunan tungkol sa kakayahan at
emosyonal na suporta.
Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral ni Kasurkar
dahil ang paksang tinutukoy ay magkatulad din sa paksang pinag-aaralan.
Naiiba naman ang pag-aaral ni Kasurkar sa tesis na ito sapagkat: (1)
ang lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Unibersidad ng Utrecth; (2)
ang pagpili ng mga respondente ay nakapokus lamang sa iisang kurso; at (3)
ang mga mananaliksik ng tesis na ito ay namahagi ng kwestyuneyr para sa
pagkalap ng mga datos.
26
Sa pag-aaral ni Brianna Johnson, 2012 na isinagawa sa Southern
Illinois University Carbondale at pinamagatang “Motivation and Attitudes Toward
Learning French in the University's Foreign Language Classroom”.
(http://opensiuc.lib.siu.edu/theses/867/), natuklasang ang integratibong
motibasyong pagkikilos ay nilipat bilang positibo sa kabuuan ng semestre, kung
saan ang instrumental na motibasyon na pagkikilos ay nanatiling pare-pareho.
Ang kaibahan sa integratibong motibasyon ay dahil sa kultura na dinala sa silid-
aralan mula sa guro at mga materyal na babasahin.
Natutulad ang pag-aaral ni Johnson sa tesis na ito dahil: (1)
ipinararating din nito na ang motibasyon ay ang susi sa pagtatagumpay sa
buhay; at (2) ang mga awtor sa tesis na ito ay nangalap ng mga datos sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga katanungan.
Naiiba naman ang pag-aaral ni Johnson sa tesis na ito sapagkat: (1) ang
pag-aaral ni Johnson ay nakatutok lamang sa motibasyon at determinasyon sa
pag-aaral ng iba’t ibang lenggwahe; at (2) ang tesis na ito ay isinagawa sa
Pamantasang Centro Escolar.
Sa pananaliksik ni Lei Zhao, 2012 na isinagawa sa Unibersidad ng
Yunnan, Tsina at pinamagatang “Investigation into Motivation Types and
Influences on Motivation: The Case of Chinese Non-English Majors”.
(http://www.ccsenet.org/journal/index.php/elt/article/viewFile/15271/10335),
lumabas na sa perspektibo ng mga estudyante, ang pagtatakda ng mga layunin
at pag-asa ang mga pinakamalalaking salik ng pagpapanatili ng kanilang
27
motibasyon. Karamihan sa mga estudyante ay gumawa ng mga layunin para sa
pagkatuto nila sa lenggwaheng Ingles at marami rin ang umaasa ng
pagtatagumpay dito.
Ang tesis na ito ay natutulad sa pag-aaral ni Zhao dahil ito’y tungkol sa
determinasyon ng mga estudyante upang matuto sa kanilang pag-aaral. Pinag-
aralan rin dito kung ano ang mga salik ng pagpapanatili ng kanilang motibasyon
sa pag-aaral.
Samantala, naiiba naman ang tesis sa isinagawang pag-aaral ni Zhao
dahil: (1) ang lugar na kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Tsina
samantalang ang tesis ay sa Pilipinas; (2) ang mga respondente sa tesis na ito
ay nagmula sa mga estudyante at hindi kasama ang mga guro; at (3) ginamitan
ito ng kuwestyunaryo sa pagkalap ng mga impormasyon.
Kabanata 3
MGA PAMAMARAAN
Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit ng mga
mananaliksik sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente.
Nakasaad dito ang paraan ng pananaliksik, ang mga paksa at dahilan kung bakit
nahikayat ang mga mananaliksik sa pagpili ng pag-aaral na ito, teknik,
instrumento, paraan ng pagsasagawa ng pag-aaral at paraan ng pagbibigay-
halaga sa mga datos na ginamit upang mas maunawaan pa ang pananaliksik na
ito.
Paraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pamamaraang palarawan. Ito ay
nangangailangan ng partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa Pamantasang
Centro Escolar sa Makati. Kinailangang pamamaraang palarawan ang gamitin
upang maipakita ang isang tumpak na larawan ng kasalukuyang kalagayan
tungkol sa suliranin ng pag-aaral na ito. Ang paraang ito ang pinakaepektibong
gamitin upang magkaroon ng kabuluhan ang pag-aaral na patungkol sa salik sa
pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-
aaral na nasa iba’t ibang kurso ng nasabing pamantasan.
29
Paksa
Kadalasan sa mga estudyante ngayon ay hirap at tinatamad pag-igihin
ang kanilang pag-aaral, lalo na ang mga nasa kolehiyo, dahil sa may ibang mga
bagay ang pumupukaw sa kanilang atensyon na paminsan ay nagreresulta sa
paghinto sa pag-aaral. Bagamat may mga ganitong pagkakataon, may mga
estudyante pa rin namang pawang walang kapagod pagod sa dami ng
pinapagawa ng kanilang unibersidad. Gaya na lamang ng ilan sa mga
estudyante ng Pamantasang Centro Escolar, kahit na marami ang
pangangailangan ng kanilang mga kurso ay patuloy pa rin ang paghusay nila sa
akademiks. Kaya naman naisipan ng mga mananaliksik na alamin at pag-aralan
ang mga salik na nagbibigay ng motibasyon at determinasyon sa mga
estudyante upang tapusin ang kanilang piniling kurso. Inaasahang makatutulong
ang mga datos na nakalap upang makapagbigay tulong sa iba pang mga
estudyanteng may problema ukol dito.
Teknik
Ang teknik na napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang paraang
sarbey sa pagkalap ng mga datos mula sa isandaang respondente sa
Pamatasang Centro Escolar sa Makati. Ito ay isang paraan ng pananaliksik kung
saan mangangalap ng mga datos ang mga mananaliksik upang mabigyan ng
kasagutan ang suliranin ng pag-aaral na ito. Ito ay nakatulong sapagkat ito ang
pinakamabisang paraan sa pangangalap ng mga datos at pagpapasagot sa
30
isandaang (100) respondente sa mga katanungang kaugnay ng pananaliksik na
ito.
Instrumento
Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay talatanungan. Ang
talatanungan ay isang materyal na mayroong grupo ng mga katanungang
ipasasagot sa mga respondente upang makuha ang mga saloobin at opinyon
nila ukol sa isang partikular na isyu. Dito nagkakaroon ng direktang ugnayan ang
mga mananaliksik na magtanong sa kanilang mga respondente. Bagamat
mayroon ng talatanungan, dapat pa ring ikonsidera ang mga mahahalagang
detalye sa pagtatanong gaya na lamang ng profayl ng mga respondente. Ang
ganitong impormasyon sa pagtatanong ay mahalaga dahil ito ang tutukoy kung
gaano kataas ang bahagdan ng mga sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon.
Paraan ng Pagsasagawa ng Pag-aaral
Nakapaloob dito ang mga tiyak na hakbang na isinagawa ng mga
mananaliksik mula sa pagbabasa ng mga kaugnay na literatura tungkol sa
paksa, pagsasagawa ng isang sarbey hanggang sa pagbuo ng konklusyon mula
dito. Sa pamamagitan ng masususing mga hakbang na ito, naging malinaw at
mayroong sistema ang isinagawang sarbey at ang pagkalap ng mga datos mula
sa mga respondente.
31
1. Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura
Tumutukoy ang hakbang na ito sa mas paghahanda ng mga
mananaliksik, pagsasagawa ng mga plano at upang magkaroon ng karagdagang
impormasyon tungkol sa paksa.
2. Pagsasagawa ng mga Katanungan at Sarbey
Matapos ang mas malalimang pag-unawa ng mga mananaliksik sa paksa
ng pag-aaral na ito, sumunod ang pagsasagawa ng mga katanungan na
pinapaloob ang ilang posibleng kasagutan na nakaayos upang magsilbing
tseklist at pagkapinalisa ng isinagawang kwestyuneyr ay kasunod naman ang
pagpapadami nito.
3. Pagpapasagot ng Sarbey o Kwestyuneyr
Tumutukoy ang hakbang na ito sa pagkuha ng malawak na impormasyon
mula sa mga respondente patungkol sa mga salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral sa
Pamantasang Centro Escolar sa Makati. Ang mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik ay siniguradong ito ay malinaw at sapat para sa bawat katanungan
na may kalakip na kasagutan.
4. Dokumentasyon ng mga Nakalap na Datos
Matapos ang pagpapasagot sa isandaang (100) respondente ng mga
kwestyuneyr, pinagbukod-bukod ng mga mananaliksik ang mga ito ayon sa
pagkakaugnay-ugnay at pagkakaiba-iba ng mga datos.
32
5. Pagsusuri at Pagbuo ng Konklusyon mula sa Sarbey
Sa pagsusuri at pagbuo ng konklusyon mula sa sarbey, nakapaloob dito
ang mga pinagsama-samang ideya at mga kasagutan o opinyon sa mga
talatanungan na patungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral sa Pamantasang Centro
Escolar.
Paraan ng Pagbibigay-Halaga sa mga Datos
Ang mga datos ay mahalaga para maging batayan ng pananaliksik. Ito
ang maglalahad ng mga patunay sa suliraning binubuo mula sa paksa.
Importanteng malaman ang tiyak na porsyento ng mga respondenteng pumili sa
mga nalikom na sagot sa isinagawang sarbey. Kaya naman, ang pormulang ito
ay napiling gamitin ng mga mananaliksik para sa maayos at malinaw na
komputasyon.
P = F / n x 100
Kung saan:
F- Frequency
n- kabuuang bilang ng respondente
Ito ay para matukoy ang porsyento. Ang unang hakbang ay i-divide ang
frequency sa kabuuang bilang ng respondente at i-multiply ang sagot sa
isandaan (100).
Kabanata 4
PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS
Sa isinagawang sarbey, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga
kasagutan na kinailangan sa pag-aaral ng salik sa pagkakaroon ng motibasyon
at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral. Ang mga sumusunod na
talahanayan at mga grap ay nagpapakita ng tally ng kabuuang kasagutan ng
mga respondente.
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:
1.1 Edad;
TALAHANAYAN BLG. 1
EDAD NG MGA RESPONDENTE
Edad Porsyento
21 taong gulang pataas 2%
19-20 taong gulang 28%
17-18 taong gulang 63%
16 taong gulang pababa 7%
Kabuuan 100%
Lumabas sa pananaliksik na dalawang porsyento (2%) ng respondente ay
mula sa mga may dalawampu’t isang taong gulang pataas na mga mag-
aaral,
34
dalawampu't walong porsyento (28%) mula sa mga nasa labingsiyam hanggang
dalawampung taong gulang, animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng
respondente ay nagmula sa mga nasa edad na labimpito hanggang
labingwalong taon, at pitong porsyento (7%) ay nagmula sa mga may labing-
anim na taong gulang pababa, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).
1.1 Kasarian;
TALAHANAYAN BLG. 2
KASARIAN NG MGA RESPONDENTE
Kasarian Porsyento
Babae 73%
Lalaki 27%
Kabuuan 100%
Lumalabas sa pananaliksik na pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ng
respondente ay mga babae at dalawampu't pitong porsyento (27%) ng
respondente ay mga lalaki, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).
35
1.2 Kurso; at
TALAHANAYAN BLG. 3
KURSO NG MGA RESPONDENTE
Kurso Porsyento
Bachelor of Science in Nursing 10%
Bachelor of Science in Medical Technology 11%
Bachelor of Science in Pharmacy 12%
Bachelor of Science in Psychology 5%
Bachelor of Science in Arts (Pre-Dental Course) 5%
Bachelor of Science in Business Administration
Major in Management
13%
Bachelor of Science in Tourism Management 22%
Bachelor of Science in Computer Science 5%
Bachelor of Science in Information Technology 7%
Bachelor of Science in Hotel and Restaurant
Management
10%
Kabuuan 100%
Batay sa talahanayan, lumabas sa pananaliksik na sampung porsyento
(10%) ng respondente ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kursong Bachelor
of Science in Nursing, labing-isang porsyento (11%) naman ay mula sa kursong
Bachelor of Science in Medical Technology, labindalawang porsyento (12%) ay
36
nagmula sa kursong Bachelor of Science in Pharmacy, limang porsyento (5%)
mula sa kursong Bachelor of Science in Psychology, limang porsyento (5%) mula
sa kursong Bachelor of Science in Arts (Pre-Dental Course), labingtatlong
porsyento (13%) mula sa kursong Bachelor of Science in Business
Administration Major in Management, dalawampu’t dalawang porsyento (22%)
mula sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management, limang porsyento
(5%) mula sa kursong Bachelor of Science in Computer Science, pitong
porsyento (7%) mula sa kursong Bachelor of Science in Information Technology,
at sampung porsyento (10%) ng respondente naman ay mula sa kursong
Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, na may kabuuang
isandaang porsyento (100%).
1.3 Taon sa Kolehiyo?
TALAHANAYAN BLG. 4
TAON SA KOLEHIYO NG MGA RESPONDENTE
Taon sa Kolehiyo Porsyento
Unang taon 25%
Ikalawang taon 25%
Ikatlong taon 25%
Ika-apat na taon 25%
Kabuuan 100%
37
Batay sa talahanayan, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng
respondente na sumagot sa sarbey ay mula sa mga mag-aaral na nasa unang
taon sa kolehiyo, dalawampu’t limang porsyento (25%) mula sa mga nasa
ikalawang taon sa kolehiyo, dalawampu’t limang porsyento (25%) mula sa mga
nasa ikatlong taon sa kolehiyo, at dalawampu’t limang porsyento (25%) muli ay
nagmula naman sa mga nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, na mayroong
kabuuang isandaang porsyento (100%).
2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
napiling kurso sa kolehiyo ayon sa pamilya at relasyon sa kapwa:
GRAP BLG. 1
SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA
NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA PAMILYA
32%
28%
30%
6%
4% Presyur
Pagbibigay ng reward
Suporta
Pagmamatyag sa grado
Iba pang sagot
38
Lumabas sa pananaliksik na tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) ng
respondente ang nagsabi na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang
presyur dahil sa mataas na ekspektasyon ng mga magulang. Samantalang
dalawampu’t walong porsyento (28%) naman ang nagsabing ang pagbibigay ng
pamilya ng reward sa bawat parangal na makakamit sa paaralan ang salik sa
pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso. Mayroon
namang tatlumpung porsyento (30%) ng respondente ang nagsabing ang salik
sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo
ay ang walang humpay na suporta ng pamilya sa napiling karera ng mga mag-
aaral, anim na porsyento (6%) naman ng respondente ang nagsabi na ang salik
sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ay ang
malimit na pagmamatyag ng mga magulang sa nakakamit na grado ng mga
mag-aaral at lumabas naman na apat na porsyento (4%) ng respondente ang
nagsabing mayroong iba pang sagot maliban sa mga posibleng kasagutang
ibinigay ng mga mananaliksik ngunit mas piniling huwag ipahayag ang kanilang
iba pang sagot.
39
GRAP BLG. 2
SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA
NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA RELASYON SA KAPWA
Lumabas sa pag-aaral na sampung porsyento (10%) ng respondente ang
nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
napiling kurso ng mga mag-aaral ayon sa relasyon sa kapwa ay presyur dahil sa
nabubuong kompetisyon sa klase, apatnapung porsyento (40%) ang nagsabing
kasiyahan sa mga nakatakdang gawain ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon
at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa, dalawampu’t siyam na porsyento
(29%) naman ng respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon ay ang pag-iimpluwensya ng mga kaibigan na
magsipag sa pag-aaral, at dalawampu’t isang porsyento (21%) ng respondente
ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng
10%
40%
29%
21%
Presyur
Kasiyahan
Impluwensya
Pagkakaroon ng
katulong
40
mga mag-aaral ayon sa relasyon sa kapwa ay ang pagkakaroon ng katulong sa
pag-intindi ng mga leksyon sa paaralan, na may kabuuang isandaang porsyento
(100%).
GRAP BLG. 3
PINAGMUMULAN NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON NG MGA MAG-
AARAL UPANG PUMASOK AT IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL
Lumabas sa pag-aaral na tatlumpu’t apat na porsyento (34%) ng
respondente and nagsabing ang Diyos ang pinagmumulan ng motibasyon at
determinasyon ng mga mag-aaral upang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral,
apatnapu’t pitong porsyento (47%) naman ang nagsabing ang pamilya ang
pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, labing-isang porsyento (11%)
34%
47%
11%
3%
2%
2%
1%
Diyos
Pamilya
Kaibigan
Mga Idolo
Kasintahan
Sarili lamang
Baon o pera
41
naman ang nagsabing ang mga kaibigan ang pinagmumulan ng motibasyon at
determinasyon, tatlong porsyento (3%) ang nagsabing ang mga idolo ang
pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, dalawang porsyento (2%)
naman ang nagsabing ang kasintahan ang pinagmumulan ng motibasyon at
determinasyon, dalawang porsyento (2%) ang nagsabing ang sarili lamang ang
pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, at isang porsyento (1%) ng
respondente ang nagsabing ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon
ng mga mag-aaral upang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral ay ang baon o
pera, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).
42
3. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
kinabukasan ng mga mag-aaral:
GRAP BLG. 4
POSITIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL
Ayon sa grap bilang apat, lumabas sa pananaliksik na apatnapu’t apat na
porsyento (44%) ng respondente ang nagsabing ang positibong epekto ng
pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mag-aaral ay
ang pagkakaroon ng magandang buhay balangaraw, tatlumpu’t pitong porsyento
(37%) naman ang nagsabing maraming magbubukas na oportunidad para sa
sarili ang positibong epekto sa kinabukasan ng mga mag-aaral ng pakakaroon
ng motibasyon at determinasyon, labingwalong porsyento (18%) naman ng
respondente ang nagsabing ang positibong epekto ay makatatapos sa kolehiyo
44%
37%
18%
1%
Magandang buhay
balangaraw
Maraming magbubukas
na oportunidad
Makatatapos ng nasa
tamang edad
Iba pang sagot
43
ang mga mag-aaral na nasa tamang edad, at isang porsyento (1%) naman ang
nagsabing mayroong iba pang kasagutan bukod sa mga ibinigay na posibleng
kasagutan ng mga mananaliksik ngunit mas piniling huwag ng banggitin ito.
GRAP BLG. 5
NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL
Lumabas sa pananaliksik na dalawampu’t pitong porsyento (27%) ng
respondente ang nagsabing ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay ang
pagiging makasarili at sarili na lamang ang iniisip, limampu’t anim (56%) naman
ang nagsabing mawawalan ng oras pagdating sa ibang bagay ang negatibong
epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng
27%
56%
16%
1%
Magiging makasarili
Mawawalan ng oras sa
ibang bagay
Hihina ang kasanayan
sa pakikisalamuha
Iba pang sagot
44
mga mag-aaral, labing-anim na porsyento (16%) naman ang nagsabing hihina
ang kasanayan sa pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa ibang tao, at isang
porsyento (1%) ng respondente ang nagsabing mayroon pang ibang sagot ngunit
mas piniling huwag ng banggitin ito.
GRAP BLG. 6
IMPORTANSYA NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON SA PAG-AARAL
Ipinakita sa grap na lumabas sa pananaliksik na limampu’t apat na
porsyento (54%) ng respondente ang nagsabing para sa sarili ang importansya
ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral, apatnapu’t isang
porsyento (41%) ang nagsabing ang importansya ng pagkakaroon ng
54%
41%
4% 1%
Para sa sarili
Para sa pamilya
Para sa mga kaibigan
Iba pang sagot
45
motibasyon at determinasyon ay para sa pamilya, apat na porsyento (4%)
naman ng respondente ang nagsabing para sa mga kaibigan ang importansya
ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral, at isang
porsyento (1%) naman ang pumili ng iba pang sagot ngunit mas piniling huwag
sambitin ito.
Kabanata 5
BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Nakasaad sa huling kabanatang ito ang buod ng mga nakalap na
impormasyon mula sa sarbey na ginawa ng mga mananaliksik. Nakapaloob rin
dito ang mga konklusyon at rekomendasyon kaugnay sa mga natuklasang datos
mula sa mga respondente upang mas maging malinaw ang paglalahad ng
resulta ng pag-aaral na ito.
Mga Buod ng Natuklasan
Nilalaman nito ang mga buod at kabuuang natuklasan ukol sa mga
impormasyong nakalap mula sa mga respondente.
1. Propayl ng mga respondente
Karamihan sa naging respondente ay mga mag-aaral na may
labimpito hanggang labingwalong edad, mga kababaihan at may kursong
Bachelor of Science in Tourism Management.
2. Salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso
sa kolehiyo.
Lumabas sa pananaliksik na karamihan sa mga respondente ang
nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur dahil sa
mataas na ekspektasyon ng mga magulang at karamihan rin sa respondente
ay nagsabing
47
ang kasiyahan sa mga nakatakdang gawain ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa.
3. Epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan
ng mga mag-aaral
Lumabas sa pag-aaral na karamihan sa mga respondente ang
nagsabing ang positibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon sa kinabukasan ng mag-aaral ay ang pagkakaroon ng
magandang buhay balangaraw, at ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay mawawalan
ng oras pagdating sa ibang bagay.
Konklusyon
Matapos ang pagsama-sama at paghihimay ng mga nakalap na datos,
nakabuo at napatunayan ng mga mananaliksik ang mga nakuhang resulta para
sa pag-aaral na ito.
1. Na karamihan sa mga kababaihan na may edad na labimpito hanggang
la-
bingwalo at may kursong Bachelor of Science in Tourism Management ay
napepresyur at nagkakaroon ng kasiyahan sa mga nakatakdang gawain sa
paaralan.
2. Na karamihan sa mga mag-aaral ay nagkakaroon ng motibasyon at deter-
48
minasyon mula sa pamilya dahil sa presyur na bunga ng mataas na
ekspektasyon ng magulang, at nagkakaroon rin ng motibasyon at determinasyon
ang mga mag-aaral mula sa relasyon sa kapwa dahil sa kasiyahan sa mga
nakatakdang gawain sa paaralan.
3. Na nakabubuti ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga
mag-aaral dahil magbubunga ito ng magandang buhay balangaraw, ngunit
nakasasama rin ang sobrang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
pag-aaral dahil mawawalan ng oras ang mga mag-aaral pagdating sa ibang
bagay.
Rekomendasyon
Nakapaloob dito ang mga minungkahi ng mga mananaliksik mula sa mga
nakalap na resulta upang makatulong sa mga estudyante na sakop ng pag-aaral
na ito at pati na rin sa iba pang nais magsaliksik ukol sa paksang ito.
1. Gamitin sa mga susunod na pag-aaral ang karamihan sa mga kalalakihan.
2. Huwag na masyadong magpaapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga
magulang ay ang nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting
pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patuloy din ang pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa pag-aaral.
3. Isaisip na ang lahat ng pagsisikap ay makabubuti para sa sariling
kinabuka-
49
san at matutong mamahala ng sariling oras nang sa gayon ay magkaroon ng
balanseng oras sa mga bagay-bagay.
4. Magsagawa ng iba pang pag-aaral kaugnay ng paksa ng tesis na ito.
49
TALASANGGUNIAN
A. Aklat
Andrada at Fernando. “EFFECTS OF POSITIVE REINFORCEMENT
METHODS ON TEST PERFORMANCE OF COLLEGE STUDENTS”.
Pamantasang Centro Escolar. 2014.
Lorenzo. “CHOOSING A RIGHT COURSE”. University of Perpetual
Help System Dalta. 2012.
Ceniza et.al. “COMPARISON OF MOTIVATIONAL STATUS,
ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE OF 2ND
YEAR AND 4TH
YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM STUDENTS OF
CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”. Pamantasang Centro Escolar. 2012.
Cruz et.al. “The Relationship Among Academic Self-efficacy, Academic
Procrastination, and Academic Performance”. Pamantasang Centro Escolar.
2012.
Brecia et.al. “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong Ito”. University
of the East. 2009.
Aguas et.al. “Self-concept as Correlates of Study Habits and Attitudes
Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat Students”. Pamantasang
Centro Escolar. 2009.
50
B. Internet
tl.m.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral
http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamantasan
//i.word.com/dictionary/profile
http://dictionary.reference.com/browse/factor
http://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa-
kolehiyo.html
http://www.catanduanestribune.com/article/3T28
http://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp
http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html
http://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determinasyon-sa-pag-
aaral/
http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-
gawing-baseh an-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/
http://www.education.com/magaz ine/article/Motivating_the_Low-
Achieving/
http://blog.uwgb.edu/adults/what-is-your-drive-or-motivation-for-
going-to-college/
http://money.usnews.com/money/blogs/outside-voices-
careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you
51
http://www.planetofsuccess.com/blog/2010 /how-to-get-motivated-
to-study/
http://www.rwuniversity.com/?p=96
http://EzineArticles.com/?expert=Ethan_Beh
http://skemman.is/en/item/view/1946/13678
http://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract-
2013/
http://www.theijes.com/papers/v2-i6/Part.2/E0262033044.pdf
http://dspace.library.uu.nl/handle/1874/234627
http://opensiuc.lib.siu.edu/theses/867/
http://www.ccsenet.org/journal/index.php/elt/article/viewFile/15271/
10335
52
MGA INSTRUMENTONG GINAMIT
Marso 7, 2015
Mahal naming respondente,
Mapagpalang araw! Kami ay mananaliksik ng BSMT-1C na nag-aaral ukol
sa ”SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA
NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO
ESCOLAR” kaya naman kami ay humihingi ng kaunting oras at kooperasyon
mula sa inyo upang sagutan ang sarbey na ito. Ang inyong kasagutan ay lubos
na makatutulong upang maisagawa ang pag-aaral.
Gumagalang,
BSMT-1C
TALATANUNGAN
Pangalan (opsyonal): _________________________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng
napiling sagot.
I. Profayl
A. Edad
21 taong gulang pataas
19-20 taong gulang
17-18 taong gulang
16 taong gulang pababa
53
B. Kasarian
Babae
Lalaki
C. Kurso
Bachelor of Science in Nursing
Bachelor of Science in Medical Technology
Bachelor of Science in Pharmacy
Bachelor of Science in Psychology
Associate in Arts (Pre-Dental Course)
Bachelor of Science in Business Administration Major in
Management
Bachelor of Science in Tourism Management
Bachelor of Science in Computer Science
Bachelor of Science in Information Technology
Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management
D. Taon sa Kolehiyo
Unang taon
Ikalawang taon
Ikatlong taon
Ika-apat na taon
54
II. Mga katanungang may kaugnayan sa salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon para sa mga estudyante.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.
Lagyan ng tsek (/) ang iyong mga sagot. Kung mayroong karagdagang sagot,
ilagay ito sa nakalaang patlang.
1. Sino ang pinagmumulan ng iyong motibasyon at determinasyon upang
pumasok at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral araw-araw?
Diyos Mga Idolo
Pamilya Kasintahan
Kaibigan Iba pang sagot (banggitin):__________
2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
napiling
kurso sa kolehiyo na nagmumula sa iyong pamilya?
Presyur dahil sa mataas na ekspektasyon ng magulang
Pagbibigay ng pamilya ng reward sa bawat parangal na iyong
makakamit sa paaralan
Walang humpay na suporta sa iyong napiling karera
Malimit na pagmamatyag ng magulang sa iyong nakakamit na
grado
55
Iba pang sagot (banggitin):____________________
3. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa
napiling
kurso sa kolehiyo ang nakukuha mo sa iyong relasyon sa kapwa?
Presyur dahil sa nabubuong kompetisyon sa bawatisa
Kasiyahan sa bawat gawaing nakatakda
Pag-iimpluwensya ng mga kaibigan upang magsipag
Pagkakaroon ng katulong sa pag-intindi sa mga leksyon sa
paaralan
Iba pang sagot (banggitin):____________________
4. Ano ang importansya o para saan ang pagkakaroon ng motibasyon sa
pag-aaral?
Para sa sariling kinabukasan
Para sa pamilya
Para sa mga kaibigan
Iba pang sagot (banggitin):____________________
5. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng determinasyon sa pag-aaral sa iyong
kinabukasan?
A. Positibo
56
Mas magkakaroon ng magandang buhay balangaraw
Mas maraming magbubukas na oportunidad para sa sarili
Makatatapos sa kolehiyo na nasa tamang edad
Iba pang sagot (banggitin):____________________
B. Negatibo
Maaaring maging makasarili at sarili na lamang ang iniisip
Mawawalan ng pokus at oras pagdating sa ibang bagay
Hihina ang kasanayan sa pakikisalamuha sa ibang tao
Iba pang sagot (banggitin):____________________
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon upang maisagawa at maging
matagumpay ang pananaliksik na ito.
Nawa’y mas pagpalain kayo ng Poong Maykapal!
57
MGA LARAWAN HABANG NAGSASALIKSIK
58
59
60
61
TALAMBUHAY NG MGA MANANALIKSIK
EANA JOYCE T. CASTILLO
1655-F D. BENITO ST. BRGY. KASILAWAN,
MAKATI CITY
Kapanganakan: Nobyembre 25, 1997
Lugar ng kapanganakan: Lungsod ng Makati
Edad: 17 taong gulang
Kalagayang Sibil: Dalaga
Taas: 4’ 9 ft.
Timbang: 110 Libra
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Mga Magulang:
Rey A. Castillo Customs Broker
Evelyn T. Castillo Customs Broker
Edukasyon:
Kolehiyo:
Pamantasang Centro Escolar
Lungsod ng Makati
BSMT
2014 – kasalukuyan
Mataas na Paaralan:
St. Paul College of Makati
Poblacion, Makati
2010-2014
Mababang Paaralan:
O.B Montessori Inc.
Sta. Ana, Manila
2004-2010
62
TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK
MARIA MICA S. CORONADO
39 LIWAYWAY ST. STA. ANA
TAGUIG CITY
Kapanganakan: Oktubre 18, 1997
Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Makati
Edad: 17 taong gulang
Kalagayang Sibil: Dalaga
Taas: 5’ 3 ft.
Timbang: 100 Libra
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Mga Magulang:
Ama: Michael Dee Coronado Unemployed
Ina: Cynthia S. Coronado Optometrist/OFW
Edukasyon:
Kolehiyo:
Pamantasang Centro Escolar
Lungsod ng Makati
BSMT
2014 – kasalukuyan
Mataas na Paaralan:
Colegio de Santa Ana
Lungsod ng Taguig
2010-2014
Mababang Paaralan:
Colegio de Santa Ana
Lungsod ng Taguig
2004-2010
63
TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK
JASTINE MAE R. DEL MUNDO
2ND
AVE ST., MOLINO 4,
BACOOR CITY, CAVITE
Kapanganakan: Pebrero 26, 1998
Lugar ng Kapanganakan: Quezon Province
Edade: 17 taong gulang
Kalagayang Sibil: Dalaga
Taas: 5’ 0 ft.
Timbang: 100 Libra
Nasyonalidad: Pilipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Mga Magulang:
Ama: Manolo R. del Mundo Businessman
Ina: Jean R. del Mundo Housewife
Edukasyon:
Kolehiyo:
Pamantasang Centro Escolar
Lungsod ng Makati
BSMT
2014 – kasalukuyan
Mataas na Paaralan:
Harrell Horne Integrated School
Lungsod ng Bacoor
2010-2014
Mababang Paaralan:
Citiville Christian Academy
Lungsod ng Bacoor
2004-2010
64
TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK
JOSE MARI L. ESGUERRA
#206 JUNCTION ST., BRGY. DUHAT,
CAVINTI, LAGUNA
Kapanganakan: Septyembre 8, 1998
Lugar ng Kapanganakan: Cavinti, Laguna
Edad: 16 taong gulang
Kalagayang Sibil: Binata
Taas: 5’ 7 ft.
Timbang: 125 Libra
Nasyonalidad: Pilipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Mga Magulang:
Ama: Floro G. Esguerra Businessman
Ina: Florcelie L. Esguerra Businesswoman
Edukasyon
Kolehiyo:
Pamantasang Centro Escolar
Lungsod ng Makati
BSMT
2014 – kasalukuyan
Mataas na paaralan:
Liceo de Cavinti
Cavinti, Laguna
2010-2014
Mababang Paaralan:
Liceo de Cavinti
Cavinti, Laguna
2004-2010
65
TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK
JONNA BEATRIZ L. LAGAYA
BLOCK 15 LOT 9 NEW MAHOGANY VILLAGE SAN ISIDRO
CABUYAO CITY, LAGUNA
Kapanganakan: Enero 8, 1998
Lugar ng Kapanganakan: San Pedro, Laguna
Edad: 17 taong gulang
Kalagayang Sibil: Dalaga
Taas: 5’ 1 ft.
Timbang: 117 Libra
Nasyonalidad: Pilipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Mga Magulang:
Ama: Randall D. Lagaya Manager
Ina: Matelinda L. Lagaya Housewife
Edukasyon:
Kolehiyo:
Pamantasan ng Centro Escolar
Lungsod ng Makati
BSMT
2014- kasalukuyan
Mataas na paaralan:
Infant Jesus Montessori Center
Camella Homes, Mamatid Laguna
2010-2014
Mababang Paaralan:
Infant Jesus Montessori Center
Camella Homes, Mamatid Laguna
2004-2010
66
TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK
EUGENE T. TUPA
#6-B MANALILI EXT. ZONE-2, SIGNAL VILLAGE,
TAGUIG CITY
Kapanganakan: Enero 12, 1998
Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Taguig
Edad: 17 Taong gulang
Kalagayang Sibil: Binata
Taas: 5’ 3 ft.
Timbang: 95 Libra
Nasyonalidad: Pilipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Mga Magulang:
Ama: Julius A. Tupa Seaman
Ina: Evelyn T. Tupa Housewife
Edukasyon:
Kolehiyo:
Pamantasang Centro Escolar
Lungsod ng Makati
BSMT
2014 – kasalukuyan
Mataas na paaralan:
Taguig Science High School
Taguig City
2010 - 2014
Mababang Paaralan:
EM’s Signal Village Elementary School
Taguig City
2004-2010

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanIntroduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Emma Sarah
 
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunianPangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Emma Sarah
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
guestaa5c2e6
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
PRINTDESK by Dan
 

Was ist angesagt? (20)

Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanIntroduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
 
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunianPangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
 
wikang pambansa
wikang pambansawikang pambansa
wikang pambansa
 
Ang Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng WikaAng Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng Wika
 
Pamanahong papel
Pamanahong papelPamanahong papel
Pamanahong papel
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wika
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated File
 

Ähnlich wie Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...
Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...
Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...
AJHSSR Journal
 
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
Cristy Barsatan
 

Ähnlich wie Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar (20)

Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdfEpekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
 
Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...
Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...
Mga Batayan sa Pagpili ng Asignaturang Medyor ng mga Magaaral ng Batsilyer ng...
 
FILIPINO RESEARCH/ PANANALIKSIK
FILIPINO RESEARCH/ PANANALIKSIKFILIPINO RESEARCH/ PANANALIKSIK
FILIPINO RESEARCH/ PANANALIKSIK
 
220424520 final-case-study
220424520 final-case-study220424520 final-case-study
220424520 final-case-study
 
;(
;(;(
;(
 
PAMANAHONG PAPEL
PAMANAHONG PAPELPAMANAHONG PAPEL
PAMANAHONG PAPEL
 
FILILIPINO 11 Pananaliksik 2nd Semesterr
FILILIPINO 11 Pananaliksik 2nd SemesterrFILILIPINO 11 Pananaliksik 2nd Semesterr
FILILIPINO 11 Pananaliksik 2nd Semesterr
 
PROPOSAL-DEFENSE-ANDRADE_proposal defense .pptx
PROPOSAL-DEFENSE-ANDRADE_proposal defense .pptxPROPOSAL-DEFENSE-ANDRADE_proposal defense .pptx
PROPOSAL-DEFENSE-ANDRADE_proposal defense .pptx
 
ESP-9_Q4_Week-2.pdf
ESP-9_Q4_Week-2.pdfESP-9_Q4_Week-2.pdf
ESP-9_Q4_Week-2.pdf
 
Pag-aaral vs. Trabaho (Isang Konseptong papel)
Pag-aaral vs. Trabaho (Isang Konseptong papel)Pag-aaral vs. Trabaho (Isang Konseptong papel)
Pag-aaral vs. Trabaho (Isang Konseptong papel)
 
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxEsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
 
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
 
Epekto ng Oplayn na Laro
Epekto ng Oplayn na LaroEpekto ng Oplayn na Laro
Epekto ng Oplayn na Laro
 
EsP 8 Concepts 4
EsP 8 Concepts 4EsP 8 Concepts 4
EsP 8 Concepts 4
 
BAHAGI NG PANANALIKSIK para sa mga Kabataan.pptx
BAHAGI NG PANANALIKSIK para sa mga Kabataan.pptxBAHAGI NG PANANALIKSIK para sa mga Kabataan.pptx
BAHAGI NG PANANALIKSIK para sa mga Kabataan.pptx
 
123614995 case-study
123614995 case-study123614995 case-study
123614995 case-study
 
EPEKTO NG TIKTOK.docx
EPEKTO NG TIKTOK.docxEPEKTO NG TIKTOK.docx
EPEKTO NG TIKTOK.docx
 
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptxugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
 
Disenyo ng pananaliksik.pptx
Disenyo ng pananaliksik.pptxDisenyo ng pananaliksik.pptx
Disenyo ng pananaliksik.pptx
 
MGA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA DI PAGKAKAUNAWAAN NG MAGULANG AT ANAK: ISYUNG PANG-...
MGA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA DI PAGKAKAUNAWAAN NG MAGULANG AT ANAK: ISYUNG PANG-...MGA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA DI PAGKAKAUNAWAAN NG MAGULANG AT ANAK: ISYUNG PANG-...
MGA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA DI PAGKAKAUNAWAAN NG MAGULANG AT ANAK: ISYUNG PANG-...
 

Kürzlich hochgeladen

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 

Kürzlich hochgeladen (20)

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 

Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

  • 1. SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR Isang Pananaliksik Na Ipinasa kay Dr. Sharon K. Galang Pamantasang Centro Escolar Para sa Parsyal na Pagbubuo Ng mga Kailangan para sa Digring Bachelor of Science in Medical Technology Eana Joyce T. Castillo Maria Mica S. Coronado Jastine Mae R. del Mundo Jose Mari L. Esguerra Jonna Beatriz L. Lagaya Eugene T. Tupa Marso 2015
  • 2. ii ABSTRAK Pamagat: SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG- AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR Mananaliksik: Eana Joyce T. Castillo, Maria Mica S. Coronado, Jastine Mae R. del Mundo, Jose Mari L. Esguerra, Jonna Beatriz L. Lagaya at Eugene T. Tupa Institusyon: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati March 2015 Tagapayo: Dr. Sharon K. Galang Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ayon sa pamilya at relasyon sa kapwa ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar. Sa pananaliksik na ito ginamit ang paraang palarawan, ang pangunahing instrumentong ginamit ay talatanungan upang makakalap ng datos tungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral. Pagpoporsyento ang ginamit sa pag-aaral upang malaman ang mga kasagutan sa mga suliraning kinakaharap ng pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondente ay mga may labimpito hanggang labingwalong edad na nagkaroon ng animnapu’t tatlong porsyento (63%). Karamihan ay mga kababaihan na may pitumpu’t tatlong porsyento (73%) at karamihan rin ay nasa kursong Bachelor of Science in Tourism Manangement na may dalawampu’t dalawang porsyento (22%). Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur at ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa ay ang kasiyahan sa mga nakatakdang gawain. Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral iminumungkahi na huwag masyadong magpaapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay ang nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patuloy rin ang pagkakaroon ng motibasyon at determinason sa pag-aaral.
  • 3. iii DAHON NG PAGPAPATIBAY Pinagtibay ng Lupon sa Pagsusulit ng pananaliksik na ito tungkol sa Salik ng Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar na ang kaloob na antas ay ________________ ngayong ika-21 ng Marso 2015. _________________________ Dr. Sharon K. Galang Guro sa Filipino 12
  • 4. iv PAGKILALA Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na nagbigay suporta, kooperasyon, inspirasyon, gabay at nagpatatag ng saloobin ng mga mananaliksik noong isinasagawa ang pag-aaral: Unang-una sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng gabay, matatag na kondisyon ng katawan, at sa pagbigay ng katalinuhan sa bawat mananaliksik upang maisakatuparan ang pag-aaral; Kay Dr. Sharon K. Galang, ang masigasig na propesor sa Filipino 12, na tumulong sa mga mananaliksik at gumabay sa paggawa ng tesis sa pamamagitan ng pagturo ng mga tamang paraan sa paggawa at pagtama sa mga kamalian ng mga mananaliksik upang maging maayos at maging matagumpay ang pag-aaral na ito; Sa pamilya ng mga mananaliksik, sa pagbibigay ng walang humpay na suporta at tulong sa mga pangangailangan ng mga awtor; Sa mga awtor, editor at mga mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan ng mga mahahalagang impormasyon na nakatulong ng malaki sa pagbuo ng ikalawang kabanata ng tesis; at Sa mga taong nagbigay-kooperasyong sumagot sa mga sarbey, sa paglalaan ng panahon at sa matapat na pagsagot na nagsilbing mahalagang
  • 5. v parte ng pag-aaral na ito upang malaman ang iba’t ibang saloobin tungkol sa paksa. E.J.T.C M.M.S.C J.M.R.D.M J.B.L.L J.M.L.E E.T.T
  • 6. vi PAGHAHANDOG Ang pag-aaral na ito ay lubos na inihahandog sa mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar. Inihahandog din ng mga awtor ang pag-aaral na ito sa pamilya, kaibigan, at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng talento at kaalaman sa mga mananaliksik upang matapos at maging matagumpay ang pag-aaral na ito. Nais din ng mga awtor na ihandog ang pag-aaral na ito sa mga magulang na walang humpay na sumuporta at tumulong sa mga pangangailangan ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nais din ihandog ng mga awtor kay Dr. Sharon K. Galang na tumulong at gumabay sa mga awtor upang maging maayos at matagumpay ang pag-aaral na ito. E.J.T.C. M.M.S.C. J.M.S.D. J.B.L.L. J.M.L.E. E.T.T.
  • 7. vii TALAAN NG MGA NILALAMAN Pahina ABSTRAK……………………………………………………………………. ii DAHON NG PAGPAPATIBAY…………………………………………….. iii PAGKILALA……………………………………………………………........ iv PAGHAHANDOG…………………………………………………………… vi TALAAN NG MGA NILALAMAN…………………………………………… vii TALAAN NG TALAHANAYAN……………………………………………… x TALAAN NG GRAP…………………………………………………………. xi TALAAN NG LARAWAN……………………………………………………. xii Kabanata Pahina 1. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO Panimula…………………………………………………….. 1 Kaligirang Pangkasaysayan………………………………. 3 Teoretikal na Balangkas…………………………………… 4 Konseptwal na Balangkas…………………………………. 4 Paglalahad ng Suliranin……………………………………. 6 Hipotesis……………………………………………………… 7
  • 8. viii Palagay……………………………………………………….. 7 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………. 8 Saklaw at Delimitasyon……………………………………… 9 Depinisyon ng mga Katawagan…………………………….. 10 2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Mga Kaugnay na Literatura Lokal na Literatura…………………………………… 12 Dayuhang Literatura…………………………………. 15 Mga Kaugnay na Pag-aaral Lokal na Pag-aaral……………………………………. 17 Dayuhang Pag-aaral………………………………….. 22 3. MGA PAMAMARAAN Paraan ng Pananaliksik………………………………………………. 28 Paksa…………………………………………………………………… 29 Teknik…………………………………………………………………… 29 Instrumento…………………………………………………………….. 30 Paraan ng Pagsasagawa ng Pag-aaral…………………………….. 30 Paraan ng Pagbibigay Halaga sa mga Datos……………………… 32 4. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS…………………………………………………………………. 33 5. BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON Buod ng Natuklasan………………………………………….. 46
  • 9. ix Konklusyon……………………………………………………. 47 Rekomendasyon……………………………………………… 48 DAHONG DAGDAG Talasanggunian……………………………………………….. 49 Talatanungan………………………………………………….. 52 Mga Larawan Habang Nagsasaliksik………………………. 57 Talambuhay ng mga Mananaliksik…………………………. 61
  • 10. x TALAAN NG TALAHANAYAN Talahanayan Blg. Pamagat Pahina 1 EDAD NG MGA RESPONDENTE…………….. 33 2 KASARIAN NG MGA RESPONDENTE………. 34 3 KURSO NG MGA RESPONDENTE…………… 35 4 TAON SA KOLEHIYO NG MGA RESPONDENTE………………………………… 36
  • 11. xi TALAAN NG GRAP Grap Blg. Pamagat Pahina 1 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA PAMILYA…………………….. 37 2 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA RELASYON SA KAPWA………….. 39 3 PINAGMUMULAN NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON NG MGA MAG-AARAL UPANG PUMASOK AT IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL………… 40 4 POSITIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL…………………….. 42 5 NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL……………………… 43 6 IMPORTANSYA NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA PAG-AARAL…. 44
  • 12. xii TALAAN NG LARAWAN Larawan Blg. Pamagat Pahina 1 PROSESO SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL…………. 5
  • 13. Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO Panimula Mahirap ang palipat-lipat at papalit-palit ng kurso dahil nasasayang lamang ang panahon at salapi. Marami ngayong Pilipinong kabataan ang inaabot ng lampas sa apat na taong pag-aaral sa kolehiyo kahit ang programa na kanilang napili at kasalukuyang pinapasukan ay maaari namang matapos sa loob lamang ng apat na taong pagsisikap. Kaya ang pananaliksik na ito ay makatutulong lalung-lalo na sa mga estudyante, upang mapag-alaman nila ang mga salik para sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon na ipagpatuloy at tapusin ang kanilang napiling kurso. Dapat ay magkaroon ang karamihan ng malalim na pang-unawa sa usaping ito upang maging mabuti ang hinaharap ng bawat isa. Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon sa buhay na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay para sa hinaharap. Ang mga magulang ay may mahahalagang papel sa desisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung anong kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang ang siyang gabay sa usaping ito.
  • 14. Mahalagang isaalang-alang ang interes ng anak dahil ito ang nagbibigay sa
  • 15. 2 kanya ng sigla sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagganyak. Ngunit sa lawak ng kaalaman ng mga magulang dahil sa kanilang mga karanasan ay nakabubuti para sa anak na makinig sa desisyon ng mga magulang. Kailangan natin maging determinado sa pagpasok sa kolehiyo, determinado sa piniling kurso para tapusin ito, hindi maiaalis sa isang kabataan ang pagbago-bago ng desisyon, ang kailangan lamang ay maging pokus sa ginagawa at sinusunod ang puso sa piniling kurso. Dahil ang pagpasok sa kolehiyo ang kadalasang unang yugto ng buhay ng isang anak na mapapawalay sa mga magulang, hindi maitatanggi na sa yugtong ito maraming mga anak ang naliligaw ng landas dahil wala sa piling ng kanilang mga magulang na dati ay gumagabay araw-araw. Maraming napapasama sa masasamang barkada, nalululong sa masasamang bisyo, pumapasok sa relasyon na nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng isang babae at iba pa. Ayon kay Adrian Paolo Molina, malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng estudyante. Kaakibat nito ang pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Kaya nga ang unang taon ng estudyante sa kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin kung tama ba o hindi ang kursong kanilang napili. Maraming tanong ang maaaring pumasok sa isipan ng tao sa bawat hakbang nito sa buhay at nasa sarili rin natin kung paano natin ito aaksyunan.
  • 16. 3 Kaligirang Pangkasaysayan Ang kawalan ng motibasyon at determinasyon ng mga estudyante sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo ay matagal na at kasalukuyang nangyayari ngayon sa ating lipunan na nagreresulta ng pagpalipat-lipat ng mga mag-aaral ng kurso. Ang lugar kung saan ginawa ang pag-aaral na ito ay sa Pamantasang Centro Escolar sangay sa Makati. Ang Pamantasang Centro Escolar ay itinayo noong ika-3 araw ng buwan ng Hunyo taong 1907. Ang komunidad ng Pamantasang Centro Escolar ay nasaksihan ang kapanganakan ng isang kampus noong Hunyo 2005 na matatagpuan sa Central Business District ng National Capital Region sa 259-263 Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City. Magkasunod, pagkatapos ng dalawang taon ng pagpapatakbo, ang CEU ay bumuo pa ng isang yunit, na binuksan noong Hunyo 2007 sa 103 Esteban, sa sulok ng kalyeng Dela Rosa, Legaspi Village, Makati City. Ang dalawang yunit ay itinatag upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mas mataas na edukasyon mula sa Metro Manila at iba pang mga prospektibo na mga aplikante mula sa timog. Ang kampus sa Makati ay tugon ng CEU sa pagtaas ng pangangailangan sa mga propesyonal sa kalusugan at di-agham na kurso, kung saan ang pamantasan ay kilala sa panahon ng 100 taong pag-iral. Sa Pamantasang Centro Escolar Makati ginanap ang pananaliksik upang matugunan ang layunin ng mga mananaliksik na makapagbigay tulong sa mga
  • 17. 4 kasalukuyang estudyante sa nasabing pamantasan sa paraan ng pagbibigay ng dagdag kaalaman kung ano ang magiging resulta ng pananaliksik. Teoretikal na Balangkas Ayon sa self-determination theory, mayroong tatlong pangunahing mga sikolohikal na pangangailangan na mahalaga para sa pagkakaroon ng mainam na motibasyon at kaayusan. Ang mga sikolohikal na pangangailangan ay ang pangangailangan ng lakas ng loob, pakiki-isa, at pagsasarili. Ang pagkabigong matugunan ang mga pangangailangan na ito ay maaaring humantong sa pagbaba ng motibasyon sa sarili at maaaring makadanas ng sobrang kahirapan at pagka-inip. Ayon kay J.E. Ormrod, ang motibasyon ay mayroong ilang epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil ang motibasyon ang nagiging daan tungo sa pagkakaroon ng pangarap, tungo sa pagkakaroon ng karagdagang diskarte at enerhiya, ang motibasyon ay nakadaragdag ng resistensya para sa mga gawain, nakakaapekto ito sa proseso ng pagbibigay malay. Ang motibasyon ay nakapagsusuri kung ang kalalabasan ay makatutulong o makapagpapasakit at ang motibasyon ay malimit na nakapagpapahusay ng pagganap. Konseptwal na Balangkas Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input- process-output na modelo. Inilahad ng input na kuwadro ang naging dahilan para
  • 18. 5 sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Ang kuwadro ng proseso ay tumutukoy sa mga hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang awtput o kinalabasan na kuwadro ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at ang salik ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral. Larawan bilang 1 PROSESO SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL  Kawalan ng motibasyon at determinas yon sa piniling kurso  Pagpapalit- palit ng kurso ng mga mag- aaral  Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura  Paggawa ng listahan ng mga katanungan o kwestyuneyr  Pagsagawa ng isang sarbey o pag-iinterbyu  Dokumentasyon ng mga nakalap na datos  Pagsusuri Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa piniling kurso ng mga mag- aaral INPUT PROSESO KINALABASAN
  • 19. 6 Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay minimithing malaman ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar. Lalung-lalo na, ang pag-aaral na ito ay inaalam ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa: 1.1 Edad; 1.2 Kasarian; 1.3 Kurso; at 1.4 Taon sa Kolehiyo? 2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo ayon sa mga sumusunod: 2.1 Pamilya; at 2.2 Relasyon sa kapwa? 3. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral: 3.1 Positibo; at 3.2 Negatibo?
  • 20. 7 Hipotesis Ang mga hipotesis o ang mga pahayag na hindi pinatunayan sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:  Na ang mga mag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar ay walang tiyak na relasyon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo.  Na ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar sa kanilang napiling kurso ay walang tiyak na maidudulot sa kanilang kinabukasan. Palagay Ang palagay o ang mga pahayag na pinatunayan, sinuri at sinubukan sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:  Na ang mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar ay may tiyak na relasyon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo.  Na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa na- piling kurso ay mayroong magiging tiyak na epekto sa mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar.  Na ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag- aaral ng Pamantasang Centro Escolar sa kanilang napiling kurso ay mayroong tiyak na maidudulot para sa kanilang hinaharap.
  • 21. 8 Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay makapagbibigay benepisyo sa mga sumusunod: Para sa mga mag-aaral, makatutulong ang pag-aaral na ito dahil makapagbibigay ito ng dagdag kaalaman para sa mga mag-aaral tungkol sa salik ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso na makatutulong sa kanilang sarili sa mismong pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso upang mas magkaroon ng tyaga, lakas ng loob at enerhiya upang tapusin ang kasalukuyang kurso. Para sa mga guro, makapagbibigay-liwanag ang pag-aaral na ito para magkaroon ng ideya at lalong mas maintindihan ng mga guro o propesor ang mga kabataan ngayon lalo na ang kanilang mga mag-aaral at tiyak na kanilang malaman kung ano ang hakbang na dapat gawin upang matugunan ang mga sikolohikal na pangangailangan ng estudyante. Para sa mga magulang na kasalukuyang nagpapaaral ng kanilang mga anak sa kolehiyo, makapagbibigay kaalaman ito sa kanila upang mas maintindihan ang kanilang mga anak at malaman nila kung ano ang karapatdapat na gawin upang matugunan ang mga sikolohikal na pangangailangan ng anak pagdating sa kanilang pag-aaral, upang mas magkaroon sila ng motibasyon at determinasyon na makatapos ng pag-aaral.
  • 22. 9 Saklaw at Delimitasyon Ang pananaliksik na ito ay tinukoy lamang ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga kasalukuyang mag-aaral sa kolehiyo na maaaring magmula sa mga nasa una hanggang ika-apat na taon ng kurso sa Pamantasang Centro Escolar-Makati, dahil ngayon maraming mga kolehiyo ang nagkukulang sa motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso kaya’t napagsang-ayunan ng mga mananaliksik na ipakita ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso upang makatulong sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pag-aaral. Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral na nagmula sa una, ikalawa, ikatlo, at ikaapat na antas o taon sa kolehiyo na may total na isandaan (100). Ang mga respondente ay mga mag-aaral na nanggaling sa Pamantasang Centro Escolar – Makati. Ang mga respondente ay kinuha sa pamamagitan ng random sampling, dalawampu’t limang respondente ang nanggaling sa bawat antas o taon sa kolehiyo upang mabuo ang total na isandaan (100). Hindi isinali sa pag-aaral na ito ang iba pang mag-aaral na nagmula sa ibang pamantasan o unibersidad. Hindi rin inaalam ng pananaliksik na ito ang mga nagiging dahilan ng pagkawala o paghina ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
  • 23. 10 Depinisyon ng mga Katawagan Para sa pag-aaral na ito upang mapabilis na maunawaan ang pagkayari o ang gawang ito, ang mga termino sa ibaba ay binigyan ng maayos na kahulugan na nagmula sa mga mananaliksik at iba-ibang websayt: Determinasyon. Ito ay ang paninindigan, tatag o tibay ng iyong layunin o hangarin sa buhay. Interes. Ito ay tumutukoy sa kagustuhan o hilig ng isang tao. Kolehiyo. Ito ay isang establisyimento o paaralan. Kurso. Ito ay tumutukoy sa programa na nagsisilbing daan, tungo sa ating minimithing kinabukasan. Mag-aaral. Ito ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskubre ng mga bagay. (tl.m.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral) Motibasyon. Ito ang isang kadahilanan o mga dahilan para ikilos o kumilos sa isang partikular na paraan. (http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation) Pamantasan. Ito ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon at pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba’t-ibang larangan. Naglalaan ang isang pamantasan ng edukasyon para sa hindi pa tapos at nagtapos ng edukasyong tersera-klase. (http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamanta san) Propayl. Ito ay isang maikling deskripsyon na nagbibigay impormasyon tungkol sa isang tao o bagay. (//i.word.com/dictionary/profile)
  • 24. 11 Salik. Ito ay ang isa o mga elemento na nag-aambag sa isang partikular na resulta o sitwasyon. (http://dictionary.reference.com/browse/factor) Sikolohikal. Ito ay tumutukoy sa mental na kalagayan ng tao.
  • 25. Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga mananaliksik ng maraming impormasyon o mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa paksa ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang una ay pinapaloob ang mga kaugnay na literaturang lokal at dayuhan at ang ikalawa ay nilalaman ang mga kaugnay na lokal at dayuhang pag-aaral. Mga Kaugnay na Literatura Mga Lokal na Literatura Ayon kay Mary Joy M. Bautista, 2014 na pinamagatang “Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo”. (http://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa- kolehiyo.html), tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nasa paaralan … Karaniwan ng naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Sa artikulo ni Arnold Matencio Valledor, 2014 na pinamagatang “Pag- aaral: Kanin na Dapat Isubo”. (http://www.catanduanestribune.com/article/3T28), tinukoy na: “Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay lumilikha ng mahiwagang susi, ang mahiwagang
  • 26. 13 susi na siyang magbubukas ng pintuan ng magandang buhay na hindi lamang nakalaan para sa sarili kundi sa pamilyang pinagmulan, sa kapwa, sa bayan…. “ Sa artikulo ni Jayaram V, 2012 na pinamagatang “Ang Kapangyarihan ng Determinasyon”. (http://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp), isinaad na madami na ang sumuko habang ang ilan ay kaya pang labanan hanggang sa katapusan. Maaari kang magkamali, ang mga ito ay madalas na para sa matigas ang ulo o suwail, kung itutuloy nila ang kanilang mga layunin sa pagbalewala sa kanilang pag aaral hindi kaagad makatatapos, kailangan lang ay determinasyon. Kapansin-pansin ang determinadong tao bilang mga mahihigpit na lider na tapusin ang kanilang kurso. Dapat tayong maging determinadong tao dahil madami tayong pangarap sa buhay at gustong makamit. Lahat naman ay gustong magtagumpay ang kailangan ay pasensya at mag-aral ng mabuti at unahin ang mas kailangan. Madalas ang mga determinadong tao ay yoong nagtatagumpay. Sa blog ni Jesse Guevara, 2011 na pinamagatang “Anong Motibo Mo” (http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html), sinaad na mayroong limang hakbang sa motibasyon ito ay ang mga sumusunod: (1) Atensyon o pagpansin, na sinasabing ang pag-ibig ay nagsisimula sa atensyon; (2) Panahon, ganito din sa relasyon, kapag wala kang panahon dito, kusa itong mapapanis at lilipas; (3) Masigasig, wika nga, “kapag may tiyaga, may nilaga”; (4) Koneksyon, ang pangunahing sangkap o elemento ng kaligayahan, kahalagahan, at tagumpay ay nakapaloob lamang sa kapangyarihan ng
  • 27. 14 pagsasama-sama sa isa’t isa; at (5) Laruin, huwag laging seryoso sa lahat ng bagay, nagpapatigas ito ng leeg. Tinalakay naman sa blog ni Ralph Patrick Dy, 2011 na pinamagatang “Determinasyon sa Pag-aaral”. (http://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determi nasyon-sa-pag-aaral/), tinutukoy na: “Sa buhay, madaming problemang napagdadaanan. Minsan mahirap, minsan madali. Pero, kahit ano pa man iyon, dapat di tayo sumusuko at ipagpatuloy ang ginagawa upang malutas ang problema. Dapat may determinasyon sa loob natin ...” Ayon sa artikulo ni Rocky Rivera, 2010 na pinamagatang “Ano ang Matibay na Gawing Basehan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo” (http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-baseh an-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/), naniniwala ang mananaliksik na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating ekonomiya para sa ating mga mamamayan dito. Kaya’t ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinambili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso.
  • 28. 15 Mga Dayuhang Literatura Ayon sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang “MOTIVATING THE LOW-ACHIEVING TEEN” (http://www.education.com/magaz ine/article/Motivating_the_Low-Achieving/), sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa mga magulang at guro. Mayroong anim na pamamaraan upang mabigyan ng motibo ang mga nagsisikap na estudyante sa pagpapanatili ng pagganap, ito ay ang mga sumusunod: (1) Bigyan ng atensyon; (2) Magkaroon ng komunikasyon; (3) Huwag magdahilan; (4) Kilalanin ang mga nakakamit; (5) Ikagalak ang kagalingan; at (6) Huwag kailanman sumuko. Sa blog ni Daniel Moore, 2013 (http://blog.uwgb.edu/adults/what-is-your- drive-or-motivation-for-going-to-college/), sinasaad na ang rason kung bakit tayo pumasok sa kolehiyo ay importante kahit anong edad pa tayo, pero kasing halaga rin nito ang mga bagay na ating natutunan tungkol sa ating mga sarili habang tinatapos natin ito. Magmuni-muni at isipin kung paano nagbago ang sarili at motibasyon. Ang pag-iisip at pagbabago ng iyong determinasyon sa bawat oras ay makatutulong upang makaabot ka hanggang dulo. Sa blog ni Tim Tyrell-Smith, 2011 (http://money.usnews.com/money/blogs/ outside-voices-careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you), binanggit na kung ang pagpili ng karera ay presyon para sayo. May mga opsyon katulad ng: (1) Pumili ka ng landas na sa tingin mo ay tama sa pamamagitan ng isang pinakamagaling na desisyon na nagawa mo at alam mong hindi
  • 29. 16 makakapagbago ng isip mo sa hinaharap. Ang pagpili ng karera ay kailangan mong mahalin at gustuhin kase ito ang magiging kasangga mo sa buhay. Pansinin na habang dumadaan ang araw may nagbabago: (1) Pangangailangan sa pera; (2) Kalayaan; at (3) Pagbalanse sa buhay. Pag-isipan ang mga ideya na ito at gawing paraan sa pagpili ng isang karera na pinakamahusay. Ayon kay Steve Mueller, 2010 (http://www.planetofsuccess.com/blog/2010 /how-to-get-motivated-to-study/), inilathala na ang mga mag-aaral na may motibasyon o determinado sa pag-aaral ay mas magiging madali na tapusin ang mga gawain na naka-atas sa kanila. Sinabi rin na mas magiging pokus ang mga mag-aaral at magkakaroon ng konsentrasyon kung magiging determinado. Dahil ang pagkakaroon ng paraan upang maging determinado sa pag-aaral ay lubos na makatutulong kung nakararamdam ng prokrastinasyon sa panahon ng iyong pag-aaral. Ayon sa artikulo ni Propesor Joe Martin, Ed.D, 2009 na pinamagatang “Getting & Staying Motivated” (http://www.rwuniversity.com/?p=96), mayroon lamang isang klase ng motibasyon at ito ay ang sariling motibasyon. Maaaring ang ating kapwa ay makatulong upang tayo ay mawili sa ating paggawa, pero ang totoo ay tayo ay kumikilos para sa ating pangsariling rason at hindi dahil sa rason ng ating kapwa. Sa artikulo ni Ethan Beh, 2009 (http://EzineArticles.com/?expert=Ethan_B eh), isinaad ang limang pinaka epektibong pamamaraan upang mapataas ang motibasyon sa pag-aaral ng kahit sinong mga mag-aaral. Ito ay ang mga
  • 30. 17 sumusunod: (1) Gumawa ng talaan at mag-aral sa tamang oras; (2) Magsimula sa tulong ng limang minutong hamon, kung sakaling mawalan ka talaga ng gana na mag-aral, planuhin na mag-aral lamang sa loob ng limang minuto at planuhing huminto pagkatapos nito; (3) Simulan sa masayang bahagi, ang mga parte na masasabi mong interesante ay makatutulong upang makapagsimula sa pag- aaral; (4) Tanggalin ang mga distraksyon sa iyong paligid, kapag malapit ka sa telebisyon, cellphone, kama, mga magazine maaaring ikaw ay matukso na isantabi muna ang mga aklat, ngunit maaari itong maiwasan kung kinakailangan mo pang maglakad ng malayo sa iyong tahanan upang makapanood ng telebisyon; at (5) Magkaroon ng layunin, sa tulong nito mas magiging determinado tayo upang lampasan ang mga hamon at gawin ang ating buong makakaya upang magtagumpay o makamit ang ating layunin. Mga Kaugnay na Pag-aaral Mga Lokal na Pag-aaral Sa pananaliksik nina Andranda at Fernando, 2014 na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “EFFECTS OF POSITIVE REINFORCEMENT METHODS ON TEST PERFORMANCE OF COLLEGE STUDENTS”, natuklasan na ang mga papuri bilang positibong karagdagan ay epektibo sa pagpapanatili ng lebel ng pagganap. Ngunit hindi ito epektibo sa pagpapataas ng lebel ng pagganap.
  • 31. 18 Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil: (1) Ang positibong karagdagan ay makatutulong rin sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga kolehiyong mag-aaral sa kanilang kurso; (2) ang pag- aaral ay isinagawa rin sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang mga respondente ng pananaliksik ay nagmula sa mga nasa unang taon ng pag-aaral sa kursong sikolohiya. Naiiba naman ang pananaliksik nina Andranda at Fernando sa pag-aaral na ito sapagkat: (1) Ang tesis na ito ay mas nakatuon sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi lamang sa pagpapataas ng akademikong pagganap; (2) ang respondente sa tesis na ito ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kahit anong kurso at taon ng pag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang mga datos sa tesis na ito ay nakalap sa pagsasarbey o pamamahagi ng mga katanungan na may kinalaman sa paksa at hindi sa pagsasagawa ng mga katanungan kung saan susukatin ang intelektwal na abilidad ng mga mag-aaral. Ayon sa pananaliksik ni Lorenzo, 2012 na isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT COURSE” natuklasang ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay mayroong mga pangunahing pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka batayan sa pagsasaalang- alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano ang gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral. Pangalawa, ang iyong kakayahan, sa pagpili ng isang kurso ang pangunahing
  • 32. 19 kailanganin ay ang pagiging pursigido at pagtatasa ng iyong mga kakayahan at mga talento. Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag aaral dahil: (1) Kaakibat dito ang determinasyon sa pagpili ng iyong kurso; at (2) isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey o interbyu. Naiiba naman ang pag-aaral ni Lorenzo sa pananaliksik na ito sapagkat: (1) Ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta; at (2) ang mga respondante ng pananaliksik na ito ay nagmula sa iba’t ibang kurso sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati. Ayon naman sa pananaliksik nina Ceniza, et.al, 2012 na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at pinamagatang “COMPARISON OF MOTIVATIONAL STATUS, ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE OF 2ND YEAR AND 4TH YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM STUDENTS OF CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”, natuklasang may impluwensiya ang pagkakaroon ng motibasyon, enerhiya, panloob at panlabas na pagpapalagay ng abilidad, pagsisikap, swerte at hamon sa bawat isa ay nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil ang paksa ng parehong tesis ay parehong may koneksiyon sa motibasyon ng mga mag-aaral. Naiiba naman ang pananaliksik ni Ceniza, et.al, sa pag-aaral na ito sapagkat: (1) ang lugar ng pinagsaliksikan ay sa kabilang sangay ng
  • 33. 20 Pamantasang Centro Escolar sa Makati lamang, sa CEU Legazpi Village; at (2) Ang pagpili ng respondente sa pananaliksik ni Ceniza, et.al ay sa isang kurso lamang nakapokus. Sa pananaliksik nina Cruz, et.al, 2011 na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at pinamagatang “The Relationship Among Academic Self- efficacy, Academic Procrastination, and Academic Performance”, natuklasan na ang mga respondenteng kasalukuyang dumadaan sa pagdadalaga at pagbibinata ay nasa proseso pa ng paghuhulma ng determinasyon sa sarili. Lumabas sa pag-aaral na ang pangangailangan sa determinasyon sa sarili ng mga estudyante ay dapat makamit upang malaman ang kanilang academic self- efficacy, mabawasan ang prokrastinasyon, at upang paghusayin ang kanilang akademikong pagganap. Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pag-aaral nina Cruz, et.al, dahil: (1) Ito ay patungkol sa relasyon ng determinasyon sa pag-aaral at ang akademikong pagganap ng estudyante; (2) Ang pag-aaral ay isinagawa din sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (3) Ang mga respondente ay nagmula rin sa nasabing pamantasan; at (4) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey. Naiiba naman ang pag-aaral nina Cruz, et.al. sa tesis na ito sapagkat: (1) nakapokus ang pag-aaral sa akademikong pagganap ng mga estudyante, samantalang ang tesis na ito ay tungkol sa salik ng pagkakaroon ng motibasyon
  • 34. 21 at determinasyon sa pag-aaral; at (2) hindi correlational approach ang ginamit sa tesis na ito. Sa pananaliksik nina Brecia, et.al, 2009 na isinagawa sa University of the East at pinamagatang “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong Ito” natuklasang ang pagiging in-demand ng mga propesyon ay maaaring isa sa mga batayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Makatutulong ang mga career talks sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante tungkol sa kursong malamang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi ang kursong ito. Natutulad ang pananaliksik nina Brecia et.al, sa tesis na ito dahil pareho itong mayroong kaugnayan tungkol sa nakukursunadahang kurso ng mga mag- aaral. Naiiba naman ang pananaliksik ni Brecia et.al, sa tesis na ito dahil: (1) Ang tesis na ito ay isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at hindi sa University of the East; (2) Ang respondente ay nagmula sa mismong lugar kung saan ginawa ang tesis na ito; at (3) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos ng tesis na ito sa pamamagitan ng survey sheet o kwestyuneyr. Sa pananaliksik nina Aguas, et.al, 2009 na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “Self-concept as Correlates of Study Habits and Attitudes Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat Students” natuklasang ang relasyon ng sarili sa pamamahala ng sariling pamamaraan sa pag-aaral. Ang lebel ng self-concept sa mga estudyante ng
  • 35. 22 CEU na mga 4th year ay karamihan mababa. Ang sariling pamamaraan ng pag- aaral ng mga estudyante sa CEU ay nakabase sa mga salik na tinalakay sa kanilang pananaliksik. Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pananaliksik dahil: (1) Inalam sa pananaliksik ang mga kaugnay na pag-uugali para magkaroon ng disiplina sa pag-aaral na patungo sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag- aaral; at (2) Parehong isinagawa ang pag-aaral sa CEU Makati. Naiiba naman ang tesis na ito sa pananaliksik ni Aguas, et.al, dahil: (1) ang paksang tinutukoy sa pananaliksik ay hindi mismo ang motibasyon at determinasyon sa pag-aaral bagkos ang tinalakay at sinubukan ay ang sarili na makapagdisiplina upang magkaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag- aaral; at (2) isang test ang isinagawa ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos sa pananaliksik ni Aguas, et.al. Mga Dayuhang Pag-aaral Sa pananaliksik ni Virbickaite, 2013 na isinagawa sa University of Iceland at pinamagatang “IMPORTANCE OF MOTIVATIONAL FACTORS AMONG STUDENTS AT THE UNIVERSITY OF ICLELAND”. (http://skemman.is/en/item/view/1946/13678), natuklasang ang motibasyon sa trabaho ay isang napakalakas na nakapanghihikayat sa mga empleyado upang taasan ang kanilang pagganap sa trabaho. Kung mas marami ang mga tagapag- empleyo na nakakaalam kung ano ang mga salik para magkaroon ng
  • 36. 23 motibasyon ang kanilang mga empleyado ay maaari pang mas higit silang tangkilikin at tumaas ang pagganyak ng mga empleyado at mas mahusay ang mga kakalabasan. Natutulad ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral dahil kaugnay dito ang mga paksa sa pagaaral na patungkol sa salik ng motibasyon. Naiiba naman ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral dahil: (1) ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Iceland; (2) ang mga respondente ay nagmula rin sa nasabing pamantasan; at (3) isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng online sarbey. Sa pag-aaral ni Gemeren, 2013 na isinagawa sa Bates College sa Lewiston at pinamagatang “Motivation as the Foundation for Academic Success: The Study of Intrinsic Motivation in Montessori, Waldorf, and Reggio Emilia Classrooms”. (http://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract- 2013/), natuklasang ang mga ekstrinsik na bagay ay hindi epektibo sa mga estudyante na nakukuntento na sa kanilang pag-aaral. Natuklasan rin na kung ang kapaligiran sa silid-aralan ay nagtataglay ng kakayahan upang natural na mapataas ang motibasyong intrinsik ng mga mag-aaral, at ang mga estudyante ay mas kakikitaan ng otonomya at kakayahan. Natutulad ang pag-aaral na ito sa isinagawang tesis dahil: (1) tinalakay rin dito ang ilang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral upang makapagtagumpay sa pag-aaral; at (2) ang mga datos ay nakalap rin sa paraang pagsasarbey.
  • 37. 24 Naiiba naman ang pag-aaral ni Gemeren sa tesis na ito sapagkat: (1) sa tesis na ito ay mas nakatuon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi lamang sa pagpapataas ng akademikong pagganap; (2) ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang respondente ay nagmula sa mga estudyante at hindi sa mga guro. Sa pananaliksik nina Olamide at Olawaiye, 2013 na isinagawa sa limang sekundaryang paaralan sa stado ng Ogun at pinamagatang “The Factors Determining the Choice of Career Among Secondary School Students”. (http://www.theijes.com/papers/v2-i6/Part.2/E0262033044.pdf), natuklasan na ang lahat ng napiling mga sekundaryang paaralan sa lugar ng lokal na pamahalaan ng Ikenne ay nagkukulang sa serbisyo ng isang konsehal sa karera na nagbunga sa mga estudyante na maisang-tabi sa kanilang napiling karera at ang kanilang mga magulang ay naglalayon ng prehistilyosong karera para sa kanilang anak. Natutulad ang tesis na ito sa nasabing pananaliksik ni Olamide at Olawaiye dahil: (1) isinasaad din nito ang salik sa motibasyon ng mga magaaral sa kanilang napiling kurso; (2) ang respondente ay nagmula rin sa mga estudyante; at (3) nakalap rin ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sarbey. Naiiba naman ang pananaliksik ni Olamide at Olawaiye sa tesis na ito dahil: (1) ang tesis na ito ay isinagawa lamang sa isang unibersidad at ito ay sa
  • 38. 25 Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (2) ang mga respondente sa nasabing pananaliksik ay nanggaling lamang sa iisang departamento; at (3) ang isinagawang pagsasarbey sa tesis na ito ay hindi direkta o sa pamamagitan ng pamamahagi ng kwestyuneyr. Sa pananaliksik ni Kasurkar, 2012, na isinagawa sa Unibersidad ng Utrecth at pinamagatang “Motivation in Medical Students”. (http://dspace.library.uu.nl/handle/1874/234627), natuklasang ang motibasyon ay isang independenteng baryabol sa edukasyong medikal at ang intrinsik na motibasyon ay importanteng kasangga ang stratehiya sa malalimang pag-aaral, mataas na pagsisikap sa pag-aaral at mahusay na akademikong pagganap. Ang motibasyon din ay isang dependenteng baryabol sa edukasyong medikal at makabuluhang apektado ng edad, kapanahunan, kasarian, karanasang pang- edukasyon, intrinsik na motibasyon na pinahuhusay sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng otonomya, katugunan tungkol sa kakayahan at emosyonal na suporta. Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral ni Kasurkar dahil ang paksang tinutukoy ay magkatulad din sa paksang pinag-aaralan. Naiiba naman ang pag-aaral ni Kasurkar sa tesis na ito sapagkat: (1) ang lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Unibersidad ng Utrecth; (2) ang pagpili ng mga respondente ay nakapokus lamang sa iisang kurso; at (3) ang mga mananaliksik ng tesis na ito ay namahagi ng kwestyuneyr para sa pagkalap ng mga datos.
  • 39. 26 Sa pag-aaral ni Brianna Johnson, 2012 na isinagawa sa Southern Illinois University Carbondale at pinamagatang “Motivation and Attitudes Toward Learning French in the University's Foreign Language Classroom”. (http://opensiuc.lib.siu.edu/theses/867/), natuklasang ang integratibong motibasyong pagkikilos ay nilipat bilang positibo sa kabuuan ng semestre, kung saan ang instrumental na motibasyon na pagkikilos ay nanatiling pare-pareho. Ang kaibahan sa integratibong motibasyon ay dahil sa kultura na dinala sa silid- aralan mula sa guro at mga materyal na babasahin. Natutulad ang pag-aaral ni Johnson sa tesis na ito dahil: (1) ipinararating din nito na ang motibasyon ay ang susi sa pagtatagumpay sa buhay; at (2) ang mga awtor sa tesis na ito ay nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga katanungan. Naiiba naman ang pag-aaral ni Johnson sa tesis na ito sapagkat: (1) ang pag-aaral ni Johnson ay nakatutok lamang sa motibasyon at determinasyon sa pag-aaral ng iba’t ibang lenggwahe; at (2) ang tesis na ito ay isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar. Sa pananaliksik ni Lei Zhao, 2012 na isinagawa sa Unibersidad ng Yunnan, Tsina at pinamagatang “Investigation into Motivation Types and Influences on Motivation: The Case of Chinese Non-English Majors”. (http://www.ccsenet.org/journal/index.php/elt/article/viewFile/15271/10335), lumabas na sa perspektibo ng mga estudyante, ang pagtatakda ng mga layunin at pag-asa ang mga pinakamalalaking salik ng pagpapanatili ng kanilang
  • 40. 27 motibasyon. Karamihan sa mga estudyante ay gumawa ng mga layunin para sa pagkatuto nila sa lenggwaheng Ingles at marami rin ang umaasa ng pagtatagumpay dito. Ang tesis na ito ay natutulad sa pag-aaral ni Zhao dahil ito’y tungkol sa determinasyon ng mga estudyante upang matuto sa kanilang pag-aaral. Pinag- aralan rin dito kung ano ang mga salik ng pagpapanatili ng kanilang motibasyon sa pag-aaral. Samantala, naiiba naman ang tesis sa isinagawang pag-aaral ni Zhao dahil: (1) ang lugar na kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Tsina samantalang ang tesis ay sa Pilipinas; (2) ang mga respondente sa tesis na ito ay nagmula sa mga estudyante at hindi kasama ang mga guro; at (3) ginamitan ito ng kuwestyunaryo sa pagkalap ng mga impormasyon.
  • 41. Kabanata 3 MGA PAMAMARAAN Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Nakasaad dito ang paraan ng pananaliksik, ang mga paksa at dahilan kung bakit nahikayat ang mga mananaliksik sa pagpili ng pag-aaral na ito, teknik, instrumento, paraan ng pagsasagawa ng pag-aaral at paraan ng pagbibigay- halaga sa mga datos na ginamit upang mas maunawaan pa ang pananaliksik na ito. Paraan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pamamaraang palarawan. Ito ay nangangailangan ng partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati. Kinailangang pamamaraang palarawan ang gamitin upang maipakita ang isang tumpak na larawan ng kasalukuyang kalagayan tungkol sa suliranin ng pag-aaral na ito. Ang paraang ito ang pinakaepektibong gamitin upang magkaroon ng kabuluhan ang pag-aaral na patungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag- aaral na nasa iba’t ibang kurso ng nasabing pamantasan.
  • 42. 29 Paksa Kadalasan sa mga estudyante ngayon ay hirap at tinatamad pag-igihin ang kanilang pag-aaral, lalo na ang mga nasa kolehiyo, dahil sa may ibang mga bagay ang pumupukaw sa kanilang atensyon na paminsan ay nagreresulta sa paghinto sa pag-aaral. Bagamat may mga ganitong pagkakataon, may mga estudyante pa rin namang pawang walang kapagod pagod sa dami ng pinapagawa ng kanilang unibersidad. Gaya na lamang ng ilan sa mga estudyante ng Pamantasang Centro Escolar, kahit na marami ang pangangailangan ng kanilang mga kurso ay patuloy pa rin ang paghusay nila sa akademiks. Kaya naman naisipan ng mga mananaliksik na alamin at pag-aralan ang mga salik na nagbibigay ng motibasyon at determinasyon sa mga estudyante upang tapusin ang kanilang piniling kurso. Inaasahang makatutulong ang mga datos na nakalap upang makapagbigay tulong sa iba pang mga estudyanteng may problema ukol dito. Teknik Ang teknik na napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang paraang sarbey sa pagkalap ng mga datos mula sa isandaang respondente sa Pamatasang Centro Escolar sa Makati. Ito ay isang paraan ng pananaliksik kung saan mangangalap ng mga datos ang mga mananaliksik upang mabigyan ng kasagutan ang suliranin ng pag-aaral na ito. Ito ay nakatulong sapagkat ito ang pinakamabisang paraan sa pangangalap ng mga datos at pagpapasagot sa
  • 43. 30 isandaang (100) respondente sa mga katanungang kaugnay ng pananaliksik na ito. Instrumento Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay talatanungan. Ang talatanungan ay isang materyal na mayroong grupo ng mga katanungang ipasasagot sa mga respondente upang makuha ang mga saloobin at opinyon nila ukol sa isang partikular na isyu. Dito nagkakaroon ng direktang ugnayan ang mga mananaliksik na magtanong sa kanilang mga respondente. Bagamat mayroon ng talatanungan, dapat pa ring ikonsidera ang mga mahahalagang detalye sa pagtatanong gaya na lamang ng profayl ng mga respondente. Ang ganitong impormasyon sa pagtatanong ay mahalaga dahil ito ang tutukoy kung gaano kataas ang bahagdan ng mga sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon. Paraan ng Pagsasagawa ng Pag-aaral Nakapaloob dito ang mga tiyak na hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik mula sa pagbabasa ng mga kaugnay na literatura tungkol sa paksa, pagsasagawa ng isang sarbey hanggang sa pagbuo ng konklusyon mula dito. Sa pamamagitan ng masususing mga hakbang na ito, naging malinaw at mayroong sistema ang isinagawang sarbey at ang pagkalap ng mga datos mula sa mga respondente.
  • 44. 31 1. Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura Tumutukoy ang hakbang na ito sa mas paghahanda ng mga mananaliksik, pagsasagawa ng mga plano at upang magkaroon ng karagdagang impormasyon tungkol sa paksa. 2. Pagsasagawa ng mga Katanungan at Sarbey Matapos ang mas malalimang pag-unawa ng mga mananaliksik sa paksa ng pag-aaral na ito, sumunod ang pagsasagawa ng mga katanungan na pinapaloob ang ilang posibleng kasagutan na nakaayos upang magsilbing tseklist at pagkapinalisa ng isinagawang kwestyuneyr ay kasunod naman ang pagpapadami nito. 3. Pagpapasagot ng Sarbey o Kwestyuneyr Tumutukoy ang hakbang na ito sa pagkuha ng malawak na impormasyon mula sa mga respondente patungkol sa mga salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati. Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay siniguradong ito ay malinaw at sapat para sa bawat katanungan na may kalakip na kasagutan. 4. Dokumentasyon ng mga Nakalap na Datos Matapos ang pagpapasagot sa isandaang (100) respondente ng mga kwestyuneyr, pinagbukod-bukod ng mga mananaliksik ang mga ito ayon sa pagkakaugnay-ugnay at pagkakaiba-iba ng mga datos.
  • 45. 32 5. Pagsusuri at Pagbuo ng Konklusyon mula sa Sarbey Sa pagsusuri at pagbuo ng konklusyon mula sa sarbey, nakapaloob dito ang mga pinagsama-samang ideya at mga kasagutan o opinyon sa mga talatanungan na patungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar. Paraan ng Pagbibigay-Halaga sa mga Datos Ang mga datos ay mahalaga para maging batayan ng pananaliksik. Ito ang maglalahad ng mga patunay sa suliraning binubuo mula sa paksa. Importanteng malaman ang tiyak na porsyento ng mga respondenteng pumili sa mga nalikom na sagot sa isinagawang sarbey. Kaya naman, ang pormulang ito ay napiling gamitin ng mga mananaliksik para sa maayos at malinaw na komputasyon. P = F / n x 100 Kung saan: F- Frequency n- kabuuang bilang ng respondente Ito ay para matukoy ang porsyento. Ang unang hakbang ay i-divide ang frequency sa kabuuang bilang ng respondente at i-multiply ang sagot sa isandaan (100).
  • 46. Kabanata 4 PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS Sa isinagawang sarbey, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga kasagutan na kinailangan sa pag-aaral ng salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral. Ang mga sumusunod na talahanayan at mga grap ay nagpapakita ng tally ng kabuuang kasagutan ng mga respondente. 1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa: 1.1 Edad; TALAHANAYAN BLG. 1 EDAD NG MGA RESPONDENTE Edad Porsyento 21 taong gulang pataas 2% 19-20 taong gulang 28% 17-18 taong gulang 63% 16 taong gulang pababa 7% Kabuuan 100%
  • 47. Lumabas sa pananaliksik na dalawang porsyento (2%) ng respondente ay mula sa mga may dalawampu’t isang taong gulang pataas na mga mag- aaral,
  • 48. 34 dalawampu't walong porsyento (28%) mula sa mga nasa labingsiyam hanggang dalawampung taong gulang, animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng respondente ay nagmula sa mga nasa edad na labimpito hanggang labingwalong taon, at pitong porsyento (7%) ay nagmula sa mga may labing- anim na taong gulang pababa, na may kabuuang isandaang porsyento (100%). 1.1 Kasarian; TALAHANAYAN BLG. 2 KASARIAN NG MGA RESPONDENTE Kasarian Porsyento Babae 73% Lalaki 27% Kabuuan 100% Lumalabas sa pananaliksik na pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ng respondente ay mga babae at dalawampu't pitong porsyento (27%) ng respondente ay mga lalaki, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).
  • 49. 35 1.2 Kurso; at TALAHANAYAN BLG. 3 KURSO NG MGA RESPONDENTE Kurso Porsyento Bachelor of Science in Nursing 10% Bachelor of Science in Medical Technology 11% Bachelor of Science in Pharmacy 12% Bachelor of Science in Psychology 5% Bachelor of Science in Arts (Pre-Dental Course) 5% Bachelor of Science in Business Administration Major in Management 13% Bachelor of Science in Tourism Management 22% Bachelor of Science in Computer Science 5% Bachelor of Science in Information Technology 7% Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management 10% Kabuuan 100% Batay sa talahanayan, lumabas sa pananaliksik na sampung porsyento (10%) ng respondente ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kursong Bachelor of Science in Nursing, labing-isang porsyento (11%) naman ay mula sa kursong Bachelor of Science in Medical Technology, labindalawang porsyento (12%) ay
  • 50. 36 nagmula sa kursong Bachelor of Science in Pharmacy, limang porsyento (5%) mula sa kursong Bachelor of Science in Psychology, limang porsyento (5%) mula sa kursong Bachelor of Science in Arts (Pre-Dental Course), labingtatlong porsyento (13%) mula sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Management, dalawampu’t dalawang porsyento (22%) mula sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management, limang porsyento (5%) mula sa kursong Bachelor of Science in Computer Science, pitong porsyento (7%) mula sa kursong Bachelor of Science in Information Technology, at sampung porsyento (10%) ng respondente naman ay mula sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, na may kabuuang isandaang porsyento (100%). 1.3 Taon sa Kolehiyo? TALAHANAYAN BLG. 4 TAON SA KOLEHIYO NG MGA RESPONDENTE Taon sa Kolehiyo Porsyento Unang taon 25% Ikalawang taon 25% Ikatlong taon 25% Ika-apat na taon 25% Kabuuan 100%
  • 51. 37 Batay sa talahanayan, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng respondente na sumagot sa sarbey ay mula sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo, dalawampu’t limang porsyento (25%) mula sa mga nasa ikalawang taon sa kolehiyo, dalawampu’t limang porsyento (25%) mula sa mga nasa ikatlong taon sa kolehiyo, at dalawampu’t limang porsyento (25%) muli ay nagmula naman sa mga nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, na mayroong kabuuang isandaang porsyento (100%). 2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo ayon sa pamilya at relasyon sa kapwa: GRAP BLG. 1 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA PAMILYA 32% 28% 30% 6% 4% Presyur Pagbibigay ng reward Suporta Pagmamatyag sa grado Iba pang sagot
  • 52. 38 Lumabas sa pananaliksik na tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) ng respondente ang nagsabi na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur dahil sa mataas na ekspektasyon ng mga magulang. Samantalang dalawampu’t walong porsyento (28%) naman ang nagsabing ang pagbibigay ng pamilya ng reward sa bawat parangal na makakamit sa paaralan ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso. Mayroon namang tatlumpung porsyento (30%) ng respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo ay ang walang humpay na suporta ng pamilya sa napiling karera ng mga mag- aaral, anim na porsyento (6%) naman ng respondente ang nagsabi na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ay ang malimit na pagmamatyag ng mga magulang sa nakakamit na grado ng mga mag-aaral at lumabas naman na apat na porsyento (4%) ng respondente ang nagsabing mayroong iba pang sagot maliban sa mga posibleng kasagutang ibinigay ng mga mananaliksik ngunit mas piniling huwag ipahayag ang kanilang iba pang sagot.
  • 53. 39 GRAP BLG. 2 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA RELASYON SA KAPWA Lumabas sa pag-aaral na sampung porsyento (10%) ng respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral ayon sa relasyon sa kapwa ay presyur dahil sa nabubuong kompetisyon sa klase, apatnapung porsyento (40%) ang nagsabing kasiyahan sa mga nakatakdang gawain ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa, dalawampu’t siyam na porsyento (29%) naman ng respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ay ang pag-iimpluwensya ng mga kaibigan na magsipag sa pag-aaral, at dalawampu’t isang porsyento (21%) ng respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng 10% 40% 29% 21% Presyur Kasiyahan Impluwensya Pagkakaroon ng katulong
  • 54. 40 mga mag-aaral ayon sa relasyon sa kapwa ay ang pagkakaroon ng katulong sa pag-intindi ng mga leksyon sa paaralan, na may kabuuang isandaang porsyento (100%). GRAP BLG. 3 PINAGMUMULAN NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON NG MGA MAG- AARAL UPANG PUMASOK AT IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL Lumabas sa pag-aaral na tatlumpu’t apat na porsyento (34%) ng respondente and nagsabing ang Diyos ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral upang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral, apatnapu’t pitong porsyento (47%) naman ang nagsabing ang pamilya ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, labing-isang porsyento (11%) 34% 47% 11% 3% 2% 2% 1% Diyos Pamilya Kaibigan Mga Idolo Kasintahan Sarili lamang Baon o pera
  • 55. 41 naman ang nagsabing ang mga kaibigan ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, tatlong porsyento (3%) ang nagsabing ang mga idolo ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, dalawang porsyento (2%) naman ang nagsabing ang kasintahan ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, dalawang porsyento (2%) ang nagsabing ang sarili lamang ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, at isang porsyento (1%) ng respondente ang nagsabing ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral upang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral ay ang baon o pera, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).
  • 56. 42 3. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral: GRAP BLG. 4 POSITIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL Ayon sa grap bilang apat, lumabas sa pananaliksik na apatnapu’t apat na porsyento (44%) ng respondente ang nagsabing ang positibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mag-aaral ay ang pagkakaroon ng magandang buhay balangaraw, tatlumpu’t pitong porsyento (37%) naman ang nagsabing maraming magbubukas na oportunidad para sa sarili ang positibong epekto sa kinabukasan ng mga mag-aaral ng pakakaroon ng motibasyon at determinasyon, labingwalong porsyento (18%) naman ng respondente ang nagsabing ang positibong epekto ay makatatapos sa kolehiyo 44% 37% 18% 1% Magandang buhay balangaraw Maraming magbubukas na oportunidad Makatatapos ng nasa tamang edad Iba pang sagot
  • 57. 43 ang mga mag-aaral na nasa tamang edad, at isang porsyento (1%) naman ang nagsabing mayroong iba pang kasagutan bukod sa mga ibinigay na posibleng kasagutan ng mga mananaliksik ngunit mas piniling huwag ng banggitin ito. GRAP BLG. 5 NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL Lumabas sa pananaliksik na dalawampu’t pitong porsyento (27%) ng respondente ang nagsabing ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay ang pagiging makasarili at sarili na lamang ang iniisip, limampu’t anim (56%) naman ang nagsabing mawawalan ng oras pagdating sa ibang bagay ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng 27% 56% 16% 1% Magiging makasarili Mawawalan ng oras sa ibang bagay Hihina ang kasanayan sa pakikisalamuha Iba pang sagot
  • 58. 44 mga mag-aaral, labing-anim na porsyento (16%) naman ang nagsabing hihina ang kasanayan sa pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa ibang tao, at isang porsyento (1%) ng respondente ang nagsabing mayroon pang ibang sagot ngunit mas piniling huwag ng banggitin ito. GRAP BLG. 6 IMPORTANSYA NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA PAG-AARAL Ipinakita sa grap na lumabas sa pananaliksik na limampu’t apat na porsyento (54%) ng respondente ang nagsabing para sa sarili ang importansya ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral, apatnapu’t isang porsyento (41%) ang nagsabing ang importansya ng pagkakaroon ng 54% 41% 4% 1% Para sa sarili Para sa pamilya Para sa mga kaibigan Iba pang sagot
  • 59. 45 motibasyon at determinasyon ay para sa pamilya, apat na porsyento (4%) naman ng respondente ang nagsabing para sa mga kaibigan ang importansya ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral, at isang porsyento (1%) naman ang pumili ng iba pang sagot ngunit mas piniling huwag sambitin ito.
  • 60. Kabanata 5 BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON Nakasaad sa huling kabanatang ito ang buod ng mga nakalap na impormasyon mula sa sarbey na ginawa ng mga mananaliksik. Nakapaloob rin dito ang mga konklusyon at rekomendasyon kaugnay sa mga natuklasang datos mula sa mga respondente upang mas maging malinaw ang paglalahad ng resulta ng pag-aaral na ito. Mga Buod ng Natuklasan Nilalaman nito ang mga buod at kabuuang natuklasan ukol sa mga impormasyong nakalap mula sa mga respondente. 1. Propayl ng mga respondente Karamihan sa naging respondente ay mga mag-aaral na may labimpito hanggang labingwalong edad, mga kababaihan at may kursong Bachelor of Science in Tourism Management. 2. Salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo. Lumabas sa pananaliksik na karamihan sa mga respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur dahil sa
  • 61. mataas na ekspektasyon ng mga magulang at karamihan rin sa respondente ay nagsabing
  • 62. 47 ang kasiyahan sa mga nakatakdang gawain ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa. 3. Epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral Lumabas sa pag-aaral na karamihan sa mga respondente ang nagsabing ang positibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mag-aaral ay ang pagkakaroon ng magandang buhay balangaraw, at ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay mawawalan ng oras pagdating sa ibang bagay. Konklusyon Matapos ang pagsama-sama at paghihimay ng mga nakalap na datos, nakabuo at napatunayan ng mga mananaliksik ang mga nakuhang resulta para sa pag-aaral na ito. 1. Na karamihan sa mga kababaihan na may edad na labimpito hanggang la- bingwalo at may kursong Bachelor of Science in Tourism Management ay napepresyur at nagkakaroon ng kasiyahan sa mga nakatakdang gawain sa paaralan. 2. Na karamihan sa mga mag-aaral ay nagkakaroon ng motibasyon at deter-
  • 63. 48 minasyon mula sa pamilya dahil sa presyur na bunga ng mataas na ekspektasyon ng magulang, at nagkakaroon rin ng motibasyon at determinasyon ang mga mag-aaral mula sa relasyon sa kapwa dahil sa kasiyahan sa mga nakatakdang gawain sa paaralan. 3. Na nakabubuti ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral dahil magbubunga ito ng magandang buhay balangaraw, ngunit nakasasama rin ang sobrang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral dahil mawawalan ng oras ang mga mag-aaral pagdating sa ibang bagay. Rekomendasyon Nakapaloob dito ang mga minungkahi ng mga mananaliksik mula sa mga nakalap na resulta upang makatulong sa mga estudyante na sakop ng pag-aaral na ito at pati na rin sa iba pang nais magsaliksik ukol sa paksang ito. 1. Gamitin sa mga susunod na pag-aaral ang karamihan sa mga kalalakihan. 2. Huwag na masyadong magpaapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay ang nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patuloy din ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral. 3. Isaisip na ang lahat ng pagsisikap ay makabubuti para sa sariling kinabuka-
  • 64. 49 san at matutong mamahala ng sariling oras nang sa gayon ay magkaroon ng balanseng oras sa mga bagay-bagay. 4. Magsagawa ng iba pang pag-aaral kaugnay ng paksa ng tesis na ito.
  • 65. 49 TALASANGGUNIAN A. Aklat Andrada at Fernando. “EFFECTS OF POSITIVE REINFORCEMENT METHODS ON TEST PERFORMANCE OF COLLEGE STUDENTS”. Pamantasang Centro Escolar. 2014. Lorenzo. “CHOOSING A RIGHT COURSE”. University of Perpetual Help System Dalta. 2012. Ceniza et.al. “COMPARISON OF MOTIVATIONAL STATUS, ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE OF 2ND YEAR AND 4TH YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM STUDENTS OF CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”. Pamantasang Centro Escolar. 2012. Cruz et.al. “The Relationship Among Academic Self-efficacy, Academic Procrastination, and Academic Performance”. Pamantasang Centro Escolar. 2012. Brecia et.al. “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong Ito”. University of the East. 2009. Aguas et.al. “Self-concept as Correlates of Study Habits and Attitudes Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat Students”. Pamantasang Centro Escolar. 2009.
  • 66. 50 B. Internet tl.m.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamantasan //i.word.com/dictionary/profile http://dictionary.reference.com/browse/factor http://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa- kolehiyo.html http://www.catanduanestribune.com/article/3T28 http://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html http://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determinasyon-sa-pag- aaral/ http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na- gawing-baseh an-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/ http://www.education.com/magaz ine/article/Motivating_the_Low- Achieving/ http://blog.uwgb.edu/adults/what-is-your-drive-or-motivation-for- going-to-college/ http://money.usnews.com/money/blogs/outside-voices- careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you
  • 68. 52 MGA INSTRUMENTONG GINAMIT Marso 7, 2015 Mahal naming respondente, Mapagpalang araw! Kami ay mananaliksik ng BSMT-1C na nag-aaral ukol sa ”SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR” kaya naman kami ay humihingi ng kaunting oras at kooperasyon mula sa inyo upang sagutan ang sarbey na ito. Ang inyong kasagutan ay lubos na makatutulong upang maisagawa ang pag-aaral. Gumagalang, BSMT-1C TALATANUNGAN Pangalan (opsyonal): _________________________________ Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng napiling sagot. I. Profayl A. Edad 21 taong gulang pataas 19-20 taong gulang 17-18 taong gulang 16 taong gulang pababa
  • 69. 53 B. Kasarian Babae Lalaki C. Kurso Bachelor of Science in Nursing Bachelor of Science in Medical Technology Bachelor of Science in Pharmacy Bachelor of Science in Psychology Associate in Arts (Pre-Dental Course) Bachelor of Science in Business Administration Major in Management Bachelor of Science in Tourism Management Bachelor of Science in Computer Science Bachelor of Science in Information Technology Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management D. Taon sa Kolehiyo Unang taon Ikalawang taon Ikatlong taon Ika-apat na taon
  • 70. 54 II. Mga katanungang may kaugnayan sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon para sa mga estudyante. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng tsek (/) ang iyong mga sagot. Kung mayroong karagdagang sagot, ilagay ito sa nakalaang patlang. 1. Sino ang pinagmumulan ng iyong motibasyon at determinasyon upang pumasok at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral araw-araw? Diyos Mga Idolo Pamilya Kasintahan Kaibigan Iba pang sagot (banggitin):__________ 2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmumula sa iyong pamilya? Presyur dahil sa mataas na ekspektasyon ng magulang Pagbibigay ng pamilya ng reward sa bawat parangal na iyong makakamit sa paaralan Walang humpay na suporta sa iyong napiling karera Malimit na pagmamatyag ng magulang sa iyong nakakamit na grado
  • 71. 55 Iba pang sagot (banggitin):____________________ 3. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo ang nakukuha mo sa iyong relasyon sa kapwa? Presyur dahil sa nabubuong kompetisyon sa bawatisa Kasiyahan sa bawat gawaing nakatakda Pag-iimpluwensya ng mga kaibigan upang magsipag Pagkakaroon ng katulong sa pag-intindi sa mga leksyon sa paaralan Iba pang sagot (banggitin):____________________ 4. Ano ang importansya o para saan ang pagkakaroon ng motibasyon sa pag-aaral? Para sa sariling kinabukasan Para sa pamilya Para sa mga kaibigan Iba pang sagot (banggitin):____________________ 5. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng determinasyon sa pag-aaral sa iyong kinabukasan? A. Positibo
  • 72. 56 Mas magkakaroon ng magandang buhay balangaraw Mas maraming magbubukas na oportunidad para sa sarili Makatatapos sa kolehiyo na nasa tamang edad Iba pang sagot (banggitin):____________________ B. Negatibo Maaaring maging makasarili at sarili na lamang ang iniisip Mawawalan ng pokus at oras pagdating sa ibang bagay Hihina ang kasanayan sa pakikisalamuha sa ibang tao Iba pang sagot (banggitin):____________________ Maraming salamat po sa inyong kooperasyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Nawa’y mas pagpalain kayo ng Poong Maykapal!
  • 73. 57 MGA LARAWAN HABANG NAGSASALIKSIK
  • 74. 58
  • 75. 59
  • 76. 60
  • 77. 61 TALAMBUHAY NG MGA MANANALIKSIK EANA JOYCE T. CASTILLO 1655-F D. BENITO ST. BRGY. KASILAWAN, MAKATI CITY Kapanganakan: Nobyembre 25, 1997 Lugar ng kapanganakan: Lungsod ng Makati Edad: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 4’ 9 ft. Timbang: 110 Libra Nasyonalidad: Filipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Rey A. Castillo Customs Broker Evelyn T. Castillo Customs Broker Edukasyon: Kolehiyo: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan Mataas na Paaralan: St. Paul College of Makati Poblacion, Makati 2010-2014 Mababang Paaralan: O.B Montessori Inc. Sta. Ana, Manila 2004-2010
  • 78. 62 TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK MARIA MICA S. CORONADO 39 LIWAYWAY ST. STA. ANA TAGUIG CITY Kapanganakan: Oktubre 18, 1997 Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Makati Edad: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 5’ 3 ft. Timbang: 100 Libra Nasyonalidad: Filipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Ama: Michael Dee Coronado Unemployed Ina: Cynthia S. Coronado Optometrist/OFW Edukasyon: Kolehiyo: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan Mataas na Paaralan: Colegio de Santa Ana Lungsod ng Taguig 2010-2014 Mababang Paaralan: Colegio de Santa Ana Lungsod ng Taguig 2004-2010
  • 79. 63 TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK JASTINE MAE R. DEL MUNDO 2ND AVE ST., MOLINO 4, BACOOR CITY, CAVITE Kapanganakan: Pebrero 26, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Quezon Province Edade: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 5’ 0 ft. Timbang: 100 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Ama: Manolo R. del Mundo Businessman Ina: Jean R. del Mundo Housewife Edukasyon: Kolehiyo: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan Mataas na Paaralan: Harrell Horne Integrated School Lungsod ng Bacoor 2010-2014 Mababang Paaralan: Citiville Christian Academy Lungsod ng Bacoor 2004-2010
  • 80. 64 TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK JOSE MARI L. ESGUERRA #206 JUNCTION ST., BRGY. DUHAT, CAVINTI, LAGUNA Kapanganakan: Septyembre 8, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Cavinti, Laguna Edad: 16 taong gulang Kalagayang Sibil: Binata Taas: 5’ 7 ft. Timbang: 125 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Ama: Floro G. Esguerra Businessman Ina: Florcelie L. Esguerra Businesswoman Edukasyon Kolehiyo: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan Mataas na paaralan: Liceo de Cavinti Cavinti, Laguna 2010-2014 Mababang Paaralan: Liceo de Cavinti Cavinti, Laguna 2004-2010
  • 81. 65 TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK JONNA BEATRIZ L. LAGAYA BLOCK 15 LOT 9 NEW MAHOGANY VILLAGE SAN ISIDRO CABUYAO CITY, LAGUNA Kapanganakan: Enero 8, 1998 Lugar ng Kapanganakan: San Pedro, Laguna Edad: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 5’ 1 ft. Timbang: 117 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Ama: Randall D. Lagaya Manager Ina: Matelinda L. Lagaya Housewife Edukasyon: Kolehiyo: Pamantasan ng Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014- kasalukuyan Mataas na paaralan: Infant Jesus Montessori Center Camella Homes, Mamatid Laguna 2010-2014 Mababang Paaralan: Infant Jesus Montessori Center Camella Homes, Mamatid Laguna 2004-2010
  • 82. 66 TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK EUGENE T. TUPA #6-B MANALILI EXT. ZONE-2, SIGNAL VILLAGE, TAGUIG CITY Kapanganakan: Enero 12, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Taguig Edad: 17 Taong gulang Kalagayang Sibil: Binata Taas: 5’ 3 ft. Timbang: 95 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Ama: Julius A. Tupa Seaman Ina: Evelyn T. Tupa Housewife Edukasyon: Kolehiyo: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan Mataas na paaralan: Taguig Science High School Taguig City 2010 - 2014 Mababang Paaralan: EM’s Signal Village Elementary School Taguig City 2004-2010