2. KAHULUGAN
Ang sistemang berbal ay ang
paggamit ng wika bilang paraan ng
pagbabatid ng kahulugan at
pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin.
Ito rin ang ginagamit natin upang lumikha
at magpanatili ng magandang relasyon sa
kapwa.
3. URI
1.Komunikasyong Intrapersonal
Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala at pagdama, mga
prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.
Kapag ika'y napapabulong sa iyong sarili, ika'y
nakikipagtalastasang intrapersonal. Ang uri ng
Komunikasyong ito ang siyang pinakabatayan ng dalawa
pang uri ng Komunikasyon.
4. 2. Komunikasyong Interpersonal
Ito naman ay tumutukoy sa
Komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao o sa pagitan ng isang tao at
maliliit na pangkat. Malaking bahagdan ng
komunikasyon nagaganap sa ating lipunan ang
nasa uring ito.Ang uri ng komunikasyong ito ang
humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating
kapwa.
5. 3. Komunikasyong Pampubliko
Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng isa at malaking
pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang
nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay
nakikipagtalastasang pampubliko. Ang mga
midyang pangmasa tulad ng telebisyon, radio,
pahayagan at pelikula ay nasa ilalim din ng uring
ito.
6. 4. Multi-Kultural
Ito ang komunikasyon na nasasangkutan ng
mga kultura ng iba't ibang ispiker. Batay nga kay
Fishman (1971), sa kanyang "Can Language be
Planned" na kailanman ay hindi mapaghihiwalay
ang kultura at wika kaya't lagi nang isaalang-alang
ang kultura ng tagapagsalita.