ECONOMICAL
• Ang kahirapan sa lugar na dulot ng ibat ibang kadahilanan ay
nakaka contribute sa maaga at sapilitang pag aasawa ng mga
bata. Sa isang pamilya na may maraming anak, ang pag
aasawa ng anak ay isang paraan para sa ibang magulang para
mabawasan ang kanilang binubuhay.
• Ang isang mahirap na pamilya na wala din kapasidad ang
magulang para paaralin ang mga anak ay mas pinipili na lang
daw ng magulang na kundi ipa abroad ang anak ay ipaasawa
na lang.
SOCIAL
• Ang impluwensiya ng social media sa mga kabataan ay malakas.
Ayon sa mga pag uuspa, marami ang maagang nag aasawa dahil
sa facebook, chatmate at textmate. Sa youtube, at iba pang site,
maraming nakikita ang kabataan na hindi na dapat makita.
Minsan ay ginagaya na nila ito kaya ilan sa mag kabataang babae
ang minsan at buntis na bago ikasal.
• Malakas din ang impluwensiya ng mga kaibigan/barkada sa mga
kabataan. Minsan dahil sa sulsol ng kaibigan kaya nakapag asawa
ng maaga ang ibang kabataan.
• Ang panahon ngayon n amalakas ang epekto ng social media ssa
bawat tao, pati mga magulang ay naapekuhan din. At dahil
dito, may mga magulang na napapabayaan na ang kanilang
teenager na anak. Hindi napapansin ang mag pag babago sa
mga anak nila at hindi na nila ito nabibigyan ng tamang aruga
at guidance.
• Ang pag hihiwalay ng mag asawa dahil sa ibat ibang dahilan na
ang mga anak ang higit na naapektuhan ay nakaka contribute
din ng maagang pag aasawa ng mga bata.
• Sabi ng isang batang ina, kaya daw niya pinili na mag asawa ng
maaga ay para lang makaalis sa kanilang bahay dahil sawang
sawa na daw siya sa pamilya nila.
POLITICAL
• May mga arranges married na nangyayari minsan dahil sa poltical
na rason
• May mga violent conflict dahil sa politika ang nag dudulot ng pag
likas ng mag tao na papahirap lalo sa kanilang dati ng mahirap na
kalagayan.
• Ang walang katapusan at paulit ulit na gyera ay nag dudulot din
ng paulit ulit na pag likas na nag dudulot ng samutsaring
problema kasama na CEFM.
CULTURAL
• Ang pananaw na ang anak ay pag mamay ari ng magulang
at walang karapatan anak anuman ang pasya na gagawin
ng magulang para sa kapakanan ng kanyang anak
• Ang pananaw na kapag nag umpisa ng makipag date ang
mga bata ay ipakasal na lang ito para maiwasan na may
mangyari pa sa kanila bago ang kasal.
• Para lalong mapalapit ang pagiging relatives ng isang
angkan, ipapaasawa ang kanilang mga anak.
• Sa ibang kultura, ang DOWRE ay nagiging dahilan ng
sapilitang pag papaasawa sa mga anak
• Kagustuhan ng magulang na masigurado ang kinabukasan ng
anak kaya minsan ay sapilitan nila itong pinapakasal kadalasan
ay sa mas matanda, o mataas ang pinag aralan sa Arabic o
minsan ay sa may kaya.
• Sa pananaw ng kumyunidad na pag nag regla na ang bata ay
dalaga na ito at handa na sa pag aasawa.
• Para maiwasang makapag asawa ng masamang tao at adik, mas
gusto na daw ng magulang na ipakasal ng maaga ang kanilang
anak, atleast sigurado sila sa maaasawa nito.
• Sa ibang pamilyang moro, ang mga anak at magulang ay hindi
masyado bukas sa pag uusap tungkol sa kanilang mga
nararamdaman. Sa halip na sa magulang nag nanggagaling ang
payo, minsan ay sa mag kaibigan ang naging takbuhan ng mga
anak. At kadalasan, hindi angkop ang payo na naibibigay ng mga
ito.
MESSAGE:
1. Ang pag aasawa sa Islam ay nakabase sa pag mamahal at awa
(Mawaddatan Warahma). HINDI PINAPAYAGAN ANG FORCE
MARRIAGE
2. Kahit pa sinabing maari ng ipakasal ang babae pag nag regla na
ito, sinasabi din na mahalaga ang capacity to contract marriage,
mind maturity and intellectual capacity
3. Mahalaga sa Islam ang kalusugan ng ina at ng anak nito sa
panahon man ng pag bubuntis o pagkatapos nitong manganak.
4. Ang karapatan ng babae sa Islam na makapamili ng kanyang
makakasama habang buhay.
5. Karapatan na magkaroon ng maayos na kinabukasan