2. PAKIKIPAGTALASTASAN
• isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang
sistema ng mga simbolo.
• ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa
• KOMUNIKASYON (galing sa salitang Latin na
commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") - aktibidad
ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga
senyales at batas semiyotiko.
• Diksiyunaryong Webster - Ang komunikasyon ay
pagpapahayag, pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan,
pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
3. APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1. Paglalahad
Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na
ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito
ng katanungang “bakit”.
2. Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na
ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa
ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang
bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito.
• Karaniwang paglalarawan
• Masining na paglalarawan
4. 3. Pagsasalaysay
Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang
hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na
pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino,
saan, kailan, at ano.
4. Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang
hangarin ay makaakit sa mga sarili at magbigay dahilan sa mga
bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili.
• Pangangatwirang Pabuo (inductive reasoning)
- nahahati sa tatlong bahagi: pangangatwirang gumagamit ng
pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
pangyayari at sa sanhi; at pangangatwiran sa pamamagitan ng
mga katibayan at pagpapatunay.
• Pangangatwirang Pasaklaw (deductive reasoning)
6. Ang Wika at Pakikipagtalastasan
• Pakikipagtalastasan - proseso ng paglilipat ng mensahe o
impormasyon
• Wika - instrumento ng pakikipagtalastasan
- lumalawak at yumayaman
KATANGIAN NG WIKA
1. binubuo ng tunog
2. Dinamiko
3. Arbitraryo
4. nanghihiram ang lahat ng wika
5. may sariling kakanyahan
6. may kaugnayan sa kultura
7. Kahulugan ng Wika ayon sa mga
Dalubhasa
• Ayon kay Frans Boas, antropologo, ang wika ng tao ay
tulad ng sa hayop.
• Ayon kay Constantino, ang wika ay daluyan,
tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng kultura.
• Ayon kay Peñalosa, ang wika ay may layong lumikha
ng pagbabago sa kilos, isipan at damdamin ng tao.
• Ayon kay Brumfit, ang gampaning pangwika ay sa
kung ano ang ginagawa ng nagsasalita sa kanyang wika.
8. Teorya sa pinagmulan ng Wika
• Bow-Wow – tunog ng kalikasan
• Yum-Yum – pagkumpas o paggalaw
• Pooh-pooh – masidhing damdamin
• Yo-he-ho – pwersang pangkatawan
• Ding-dong – lumilikha ng sariling tunog
URI NG KOMUNIKASYON
• komunikasyong verbal – nababasa at pasalita
• komunikasyong di-verbal – kilos, ekspresyon ng
mukha
9. • Wikang Pasalita
-may kontekstong sosyal
- may kagyat na feedback
- gumagamit ng
paralanguage (tunog na
nalilikha, binubuo ng dami,
bilis at taas ng tinig ng
nagsasalita)
- anyong tuloy tuloy
- gumagamit ng informal na
salita
- maaaring ulitin, linawin,
baguhin
- madaling natatamo
- natutunan sa natural na
proseso
- madaling isalin
• Wikang Pasulat
- gawaing mag-isa
- maraming rebisyon
- walang kagyat na feedback
- panindigan ang naisulat
- higit na formal ang salita
- higit na husay sa paglalahad
- formal na pagtuturo at
pagkakatuto
- higit na mahirap na
pagpapahayag
10. Tungkulin ng Wika
• pagkontrol sa kilos ng iba – pakiusap, pag-utos, pag-suggest,
pagtanggi
• pagbibigay o pagkuha ng impormasyon – pagtukoy,
pagtatanong, pag-uulat
• pagbabahagi ng damdamin – pakikiramay, pasasalamat,
pagpayag, pagpuri
• pangangarap – magsalaysay o magkwento
• pagpapanatili ng pakikipagkapwa – pagbati, paghingi ng
tawad, pagbibiro
Apat (4) na Kategorya Batay sa layunin ng Nagsasalita
• deklarativ (declarative)
• ekspresiv (expressive)
• komisiv (pangako, pananakot)
• direktiv (directive – utos o pakiusap)
11. Antas ng Wika
- Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na
ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao , sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan at okasyong dinadaluhan
1. Pormal – ito’y antas ng wika na istandard at kinikilala/
ginagamit ng nakakarami.
• Pambansa
• Pampanitikan
2. Impormal – antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-
araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan
• Lalawiganin
• Kolokyal
• Balbal
• Salitang Pang-LinguaFranca
12. Filipino bilang Pambansang Wika
- isinatas ni Pangulong Manuel Quezon sa Saligang
Batas 135 – Batas Komonwelt Bilang 184 na ang
Filipino ang Pambansang Wika at ang pangunahing
batayan ay ang Tagalog
Dahilan sa pagpili ng Tagalog
• hindi mahirap sa mga hindi Tagalog
• nagtataglay ng 5,000 salitang hiram
• mayaman sa talisalitaan
• madaling pag-aralan
13. Ang Retorika at Balarila sa
Pagpapahayag
• Retorika o Sayusay
- isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng
paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita.
- Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw
kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang
pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o
sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe
- Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang
maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang
saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang
nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid.
14. - Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor, na
nangangahulugang "guro" o "mahusay na
mananalumpati".
- Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang
iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at,
samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang
ng mga estilo sa pananalita kundi maging sa paggamit ng
jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa
mga taga-pakinig.
- ang retorika ay nakatuon sa maaring magawa ng mga
salita at hindi sa kinakailangang istraktura o ayos ng mga
salita sa isang pahayag.
- Ang binibigyan-priyoriti sa retorika ay kalayaan sa
pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang
ipinagbabawal ng lojic at balarila.
15. “Tulad ng salapi at enerhiyang
atomiko, ang mga salita ay magagamit
sa mga layuning mabuti at masama.”
- (halaw mula sa salaysay ni William
D. Halsey)
16. Retorika bilang isang sangay ng
pakikipag-dayalogo
• Sa isang dayalogo, nangangailangan ng dalawa o higit pang
indibidwal upang ito ay maisagawa.
• Ang retorikal na paggamit ng mga salita ay hindi lamang
mailalapat sa interpersonal na uri ng komunikasyon;
bagkus, ito rin ay maaaring magamit sa mas malaking
kantidad ng tao.
Kahalagahan at kaugnayan ng Retorika at Wika
- Edukasyon
- Relihiyon
- Politika
- Legalidad
- Kultura
- Sosyolohiya
17. Balarila
• Pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga
sumusunod:
- morpolohiya (pagsusuri sa pagkakabalangkas ng mga salita)
- sintaks (pagsasaayos upang ang mga salita ay maging
makabuluhang pangungusap)
- ponolohiya (wastong pagbigkas)
- semantika (kahulugan ng mga salita at parirala)
- etimolohiya (ugat o palaugatan ng mga salita)
• Tumutukoy rin ang balarila sa pagsulat o pananalitang
inihahambing sa wastong paggamit.
• Kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga
pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan,
palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita.
18. Ang Palatunugan o Ponolohiya
• pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng
isang wika upang makalikha ito ng kahulugan.
PONEMA
- ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika.