1. Ang Isyu ng Wika sa Larangan ng Bilingwal na Edukasyon
Teksto: Baylingwal na Edukasyon: Malabong Patakaran at Hilaw na Pagkatuto
Bilang isang tubong Quezon, hindi ko maiikakailang may ibang wikang nakahalo sa
Tagalog-Quezon na wika namin na iba pa sa Tgalog- Batanggas at ibang barasyon ng wikang
Tagalog. Wikang Filipino na ang nakagisnan kong wikang panturo sa loob ng paaralan naming
noong ako’y nasa Elementrya subalit kasabay niyon, nililinang at may mga asignatura rin
kaming nasa wikang Ingles. Katunayan, nasa ikatlong antas pa lamang kami ng elementarya ay
tinuturo na rin sa amin ang wikang Ingles na nagbunga sa amin na kalituhan. Noong Hayskul
naman ay mas malala ang lagay ng Baylingwalismo sapagkat sa aking pinasukang paaralan,
palibhasa ay pribado, may buwan na talagang opisyal na ipinapatupad ang buwan ng Wikang
Ingles o kapag buwan ng Pebrero. Kaming mga mag-aaral ay obligadong magsalita ng Wikang
Ingles maging sa Canteen.
Subalit noong panahong iyon ay hindi ko man lamang magawang kwestyunin ang mga
bagay na iyon sapagkat bunga nga ng baylingwalismong Edukasyon, sabay na pinapasok sa
paaralan ang wikang Filipino at Wikang Ingles bilang Midyum ng Pagtuturo.lumaki akong
kasabay na ginagamit sa paaralan ang nasabing mga wika kaya naman hindi na ako ganoon
naguguluhan. Tanggap na naming na sa mga asignaturang syensya, matematika at ingles ay
wikang Ingles ang panturo habang sa mga asignaturang pagpapahalaga, araling panlipunan at
makabayan pumapasok ang wikang Filipino.
Doon umikot ang buhay paaralan naming mga estudyante. Bilang isang pribadong
paaralan, namulat ako sa mga misa at mga santong nasa Ingles ang basehan pero walang
kwestun parin sa akin ang mga iyon subalit ng pumasok ako sa daigdig ng Kolehiyong mundo,
nabuksan ang isa pang mundong dapat kong matuklasan at iyon ang mga hiwaga sa likod ng
mga wikang umiiral o midyum na ginagamit sa pagtuturo: ang Baylingwalismong Edukasyon.
Balik-tanaw sa Patakarang Baylingwalismo sa Bansa
Isinasaad ng artikulo XIV, seksiyon 7 ng 1987 konstitusyon na sa mga layuning pang
komunikasyon at pampagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay filipino at ingles
hangga’t hindi itinatadhana ng batas. Samantala ang kagawaran ng edukasyon kultura at
isports bilang pagpapatibay sa idineklarang patakaran ng kagawaran ng bilinggualismo sa mga
paaralan ( NBE Resolusyon Blg. 73-7, s. 1997) ay naglalahad ng patakaran ng edukasyong
bilingual na naglalayong matamo ang kahusayan sa filipino at ingles ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggamit ng dalawang wikang ito sa lahat ng antas.
Maliwanag na itinadhanang magkaroon ng dalawang wikang opisyal: pilipino at
ingles...samakatuwid, nakatalaga ang ating pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng
dalawang wika: pilipino at ingles...kaya lalong dapat linawin ng pambansang lupon ng
edukasyon at ng kagawaran ng edukasyon at kultura ang pagpapatupad n patakarang ito:
pilipino para sa ating pambansang pangangailalngan, bilang buklod ng pagkakaisa at tatak ng
ating kaangkinang pambansa at ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig.”
2. Isa sa layunin ng patakarang bilingguwal ang pagpapalawak ng filipino bilang wika ng literasi.
Sinabi ni sibayan( 1987) na ang isang tao ay kailangan g may sapat na kaalaman sa wikang
ginagamit sa pamahalaan, administrasyon, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo at
industriya, media at iba pang larangan. Sa sitwasyong ng Pilipinas, kailangang maging mahusay
sa filipino at ingles ang mga mag-aaral.
Dahil sa mahalagang tungkulin ng wiikang Filipino may dalawang probisyon na sadyang
isinaman dahil gudtong matiyak na kalauna’y mag-isa at tanging wika na lang ito para sa mga
opisyal na komunikasyon at sa sistema ng edukasyon sa bansa. makikitang ipinagdiinan ito sa
skesyon 6 at 7. ipinag-aatas na:
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya sa
kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Bukod dito, ipinagdiinan pa rin sa skesyon 7 na para matiyak na balang- araw ito na lamang
ang magiging tanging wikang panturo kung hindi ma’y pangunahing midyum ng pagtuturo sa
lahat ng level ng pag-aaral. Ayon sa seksyong ito:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ingles.
Samakatuwid, nakatalaga an gating pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng
dalawang wika. Kaya naman aking artikulong ito, nais kong mabigyan linaw kung anon a nga
ba ang mga nagawa at ginagawang aksyon ng Pambansang lupon sa Edukasyon at ng
Kagawaran ng Edukasyon at kultura para sa pagpapatupad ng patakarang: “Filipino para sa
ating pambansang pangangailangan, bilang bukold ng pagkakaisa at tatak n gating
kaangkinang pambansa at Ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig.” Sa punto de
bistang iyon, malinaw na Bilingwalismo ang nangingibabaw sa Pilipinas simula pa noon. Ang
Ingles at Filipino ang laging magka-angkla para gamitin bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan at bunga ng isinumiting polisiya ng pambansang lupon ng Edukasyon, nais nilang
malinang at makapagbuo pa ng mga susuportang batas hinggil sa Bilingwalismo sa larangan ng
pagtuturo.
Patakarang Baylingwalisom sa Ilang Unibersidad sa Bansa
Batay na rin sa interbyu sa ilang mga administrador, malinaw na hindi sila nag-uusap-
usap tungkol sa pataakarang pangwika. Hindi rin malinaw ang paninindigan ng UA and P ukol
sa pagpapayaman at pagpapayabong ng filipino sa buong unibersidad, gayong tinutukoy naman
sa kredo nito na gagawin inla ang lahat upang maitaas ang moral, kultural, at materyal na level
ng bansa. Bigyan muna nating pansin ang maliwanag na pagsipat sa itinadhana ng batas na
pagkakaroon natin ng dalawang wikang opisyal: Filipino at Ingles.
Hindi lamang rebisyon ng kurikulum at singkronisasyon ng mga sabyek ang isinagawa,
Isinunod ang isa pang workshop para sa mga komite sa kurilulum ng bawat kolehiyo sa bawat
kampus sa layuning gawing komon din ang mga silabus sa mga sabjek erya upang tumugma sa
singkronisayon. Ang ganitong pagpaplano ay batay na rin sa naging rekomendasyon ng AACUP
na dapat magkaroon ng komon na silabus ang bawat sabjek, medyor man o batayan. Ang mga
tagapangulo ng departamento ng mga wika at ang mga propesor sa ingles at filipino na mga
3. meyembro ng komite at nagkaisa sa pagbuo ng komon na silabus para sa ingles at filipino. (
Talegon)
Ang kawalan ng institusyunal na patakarang pangwika ng unibersidad ang
pinakamalaking hadlang sa ganap na modernisasyon ng wikang pambansa sa institusyong ito.
Anumang pagpaplanog pangwikang napagkakasunduan ay hindi nagtatagal at walang sapilitang
pagpapatupad. Ang kawalan o kakulangan ng suporta ng departamento ng mga wika ay isa ring
suliraning nakikita sa pagpaplanong pangwika para sa pambansang wika lalo na kung ang
tagapangulo nito ay isang propesor sa ingles na tahasang sinasabing wala siyang alam sa
Filipino.( Tarun)
Maliwanang na ang pamamahala at patakaran sa fiilipino ng MSU System ay hindi
binibigyan ng gaanong akademikong pagpapahalaga kung ihahamabing sa ingles. May mga
programang pandigri sa Filipino dahil ito’y kailangang makatugon din sa pangangilangan ng
komunidad lalo na sa edukasyon. Sybalit walang gaanong bigat ang ibinibigay sa Filipino bilang
karagdagang bahagi ng tinatawag na general education curriculum. Kung magagawa nga
lamang sa ilang mga kolehiyo na huwag nang isama ang filipino sa kanilang programang
pandigri, matagal na itong nangyari. ( Magracia)
Patakarang Bilingwalismo: Pagkakaiba sa ibang mga Bansa
Kakaiba naman ang nangyari sa Singapore, naging patakaran sa wika ang pagbibigay ng
pantay-pantay na pagkakataon sa mga katutbong wika na maging midyum ng pagtuturo sa
mga paaralan kasama ng ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa sa lahat ng
paaralan. Nangyari ito na hindi itinakda o plinano at nasa likuran ng hindi nakikitang plano.na
ito ang mga magulang, mga estudyante at mga propesyunal kasama na ang mga guro. Naging
matagumpay sa mga paaralan ang pagtuturo ng ingles, at sa kasalukuyan, hindi na pinag-
uusapan ang istatus ng ingles kundi ang estandard ng ingles na dapat linangin sa mga paaralan
(Lam, 1994). Sa kabila nito, may nabubuong konsern sa parte ng gobyerno at mga magulang
sa pagkakaroon ng deteryorasyon sa kultura at pagpapahalagang intsik dala ng pagbibigay-
halaga sa pag-aaral ng ingles.
Sa Pilipinas, bagama’t malinaw ang itinakdang patakaran sa wika na nauukol sa
paggamit ng dalawang wika, ingles at Filipino sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura,
masasabing ang pagpapatupad nito ay may kalabuan. Simula pa noong 1974 hanggang sa
kasalukuyan ay walang ginagawang pagbabago sa mga naunang plano gayong may mga
nakikitang problema sa mga paaralan. Katulad ng sa pagpapahayag at pag-unawa sa dalawang
wika, filipino at ingles. Ngunit higit na ikinabahala ng mga namumuno sa edukasyon ang
pagbaba ng kalidad ng ingles ng mga mag-aaral na minsan ay isinisisi sa mismong patakaran sa
wika. (Liwanag)
Ipinapakitang malabo talaga ang puntirya ng baylingwalismo sa pamamalakad sa ating
bansa katulad na lamang ng ipinahayag ni Liwanag.
4. Baylingwaslimo: Isang malabong patakaran
Batay sa mga nabasa at nakalap kong impormasyon hinggil sa mga pag-aaral ng mga
dalubhasa sa wika tulad nila Andrew Gonzales, Bonifacio Sibayan at Ernesto Constantino,
lumalabas na nagin pokus ng pag-aaral nila ang ebalwasyon hinggil sa mga pinatunguhan na ng
mga batas na ipinapatupad hinggil sa pagpapalaganap ng Bilingwalismong Edukasyon saan
mang part eng bansa at kung nagin matagumpay ba naman ang mga nasabing pag-aaral.
Unahin nating ipasok ang isinagawang pag-aaral ni Andrew Gonzales na isang Elitistang anak
ng isang pristehiyosong unibersidad. Siya ang isa sa lupon ng mga Komite na nagsasagawa ng
mga pag-aaral hinggil sa baylingwalismo.
Dagdag ni Gonzales: “ sa pilipinas, ang isyu sa ingles ay nahahati sa bansa—iyong pabor
sa pagpapanatili ng ingles ngunit hindi opisyal na ipinapahayag ito dahil sa gustong ipakitang
nasyonalistiko sila: at iyong ginagaya ang malaysia na may mga panganib at sana nga’y
pansamantalang hadlang bilang resulta ng transisyon. Ang buong- buong intelektwalisasyon ng
filipino at iba pang wika ay nananatiling problematiko at walang malinaw at madaling solusyon.
Batay sa lumabas na resulta ng kanyang pag-aaral, hilaw ang pagkatuto ng mga mag-
aaral sa ilalim ng batas na ito. Mas nangingibabaw na preperensiya ng mga nasa lalawigan na
gamitin nila ang kanilang bernakular na wika at totoong ang wikang Filipino ay nasa ilang
asignatura lamang tinuturo sa kanila. Lumabas din sa pag-aaral na katulad ng karanasan ko
bilang prudukto ng pribadong paaralan ng sekondarya, mas ginagamit ng mga kaguruan ang
wikang ingles bilang Midyum ng kanilang pagtuturo na nagkakaroon ng malaking impak sa
mag-aaral.
At bilang nais ipunto ni Gonzales, hindi ganoon ka-epektibo ang wikang Filipino o
kalaganap bilang midyum ng pagtuturo. Doon lumalabas ang koneksyon ng mga Elitista at alaki
nilang koneksyon hinggil sa pagtataguyod ng wika. Sa kaso naman ni Ernesto Constantino na
dakilang tagapagsulong ng wikang umiiral sa buong bansa. para sa kanya, Tawaging English
Speaking Country tayo ay isa lamang ilusyon. Sabagay, may punto siya doon dahil base sa
aking sariling karanasan, kahit may multa sa aming paaralan ang magsalita ng wikang Filipino
tuwing Buwan ng Ingles ay nagsasalita pa rin kami ng natural na wika namin. Si Constantino
din ang tagapagsulong ng paglilinang ng sarili nating kaakuhan o wika natin. Ayon sa kanya,
kung manghihiram nga naman tayo ng wika, maari natin itong baybayin sa sariling atin batay
sa ortograpiyang mayroon tayo tulad ng mga bansang Rusya, britanya at Iba pa.
Kaugnay ng modernong kasaysayan ng wika sa edukasyon, dapat banggitin ang umiiral
na sitwasyong pangwika noon sa bansa. isang taon pa ang lumipas bago kinilala ng
konstitusyon ang Filipino bilang pambansang wika. Samantala ang opisyal na wika ng mga
paaralan at gobyerno ay ingles.
Kaugnay ng modernong kasaysayan ng wika sa edukasyon, dapat banggitin na noong
1970, iniutos ng national board of education ang patakarang gradwal na paggamit ng filipino
bilang isang wikang panturo sa elementarya, mula grade one ng taong- aralan 1972-1973, at
pinaunlad taon taon hanggang sa magamit ang Filipino sa lahat ng grado. Sa taon ding iyon
pinagtibay ng NBE ang paggamit ng Filipino sa kursong Rizal at mga klase ng pamhalaan at
kasaysayan sa mga kolehiyo at unibersidad.
5. Patakarang baylingwalismo: Hilaw na pagkatuto
Kaya naman buhat sa mga nasabing pag-aaral ng mga dalubhasa sa wika at resultang
ipinamuka sa atin ng Baylingwasilismong Edukasyon, masasabi ba natin na tagumpay ang batas
na iyan? Gayong base sa mga nasabing pag-aaral, lahat ay bigo. Sapagkat naging hilaw ang
pagkatuto nating mga Pilipino. hilaw sa paraang hindi muna tayo nahahayaang linangin ang
sariling mayroon tayo bago tayo makipagsabayan sa global na pangangailangan. Ang paaralan
ang tumatayong napakalaking impluwensya sa pagpapatupad at pagsasagawa ng mga batas
kaya naman sa paaralan din pinasok ang Baylingwalimong iyan. Paaralang may malaking papel
sa pagpapalaganap ng wika. Kung ano man ang nais gawin ng pamahalaan para masolusyunan
ang bigong resultang ito ng Bilingwalismo sa ating bansa, dapat hanggang maaga ay umaksyon
na lalo na sa akwisisyon o larangan ng edukasyon sapagkat sa pagtuturo nakasalalay ang
kaalaman ng mga kabataan o bagong sibol na tanggapin ang wikang Filipino bukod pa sa
Wikang ingles.
Sa lawak ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon sa Filipinas, kailangan ang matapat
na pagsusuri sa bilinggual na patakaran sa edukasyon na ipinatupad sa buong bansa. Sa
layunin nito na maging mahusay ang mga mag-aaral sa dalawang wika, ingles at Filipino na
magagamit nila sa pang araw-araw na pakikipaugnayan sa ibang tao, ang kalagayang
pangkapaligiran sa pilipinas ay hindi sumusuporta sa layuning ito. Magkaiba rin ang karansan
ng mga bata sa pagkatuto sa dalawang wika. Ang ingles ay pangalawang wika para sa
karamihan ng mga mag-aaral at ang struktura nito ay naiiba sa kanilang mga katutubong wika.
Wala ring kapaligiran o komunidad na sumusuporta sa gamit ng ingles lalo na sa mga rural na
lugar sa bansa.
Samantalang ang filipino ay wikang batay sa mga katutubong wika ng mga mag-aaral at
ang estruktura nito ay halos kapareho ng mga wikang sinasalita sa kani-kanilang pangkat wika.
Sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal sa kalahatan, ang nagkakaroon lamang ng
bentahe rito ay ang mga mag-aaral sa mahuhusay na paaralan at unibersidad. Sa ganitong
kalagayan, lalong lumalawak ang pagitan ng mga mag-aaral na mahihirap at mga mag-aaral na
may pagkakataong matuto mula sa magagaling na guro at paaralan. Hindi nakatutulong ang
patakaran sa wika sa nakararaming mag-aaral na nais magtamo ng kaalaman na ginagamit ang
kanilang katutubong wika.
Dapat magkaroon ng ibang alternatibong programa sa edukasyong bilinguwal ayon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. kung kinakailangang
gamitin muna ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo upang magkaroon ng sapat na
kasanayan at kaalaman dito ang mga mag-aaral, dapat itong ipatupad . ang pagtuturo ng ingles
bilang sabjek sa mga paaralan ay isa ring alternatibo kung ang layunin ay magkaroon din ng
kasanayan ang mga mag-aaral sa wikang ito kailangangin man ito.
Bibliyograpiya
Assessing Manpower and teaching materials for Bilingual Education: A Final Report
Andrew Gonzales. FSC, July 1974
6. Ang wika ng nasyon o bansa Teksto: Nasyonalisayon ng Filipino ni Virgilio Almario
Ang isyu ng wika sa larangan ng Edukasyon Teksto: ang wikang Filipino sa Edukasyonal na mga
Isyu sa panahon ng Globalisayon ni Wilfrido Villacorta.
Panimulang Pagsusuri sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas ni Melania Lagahit-
Abad
Pagpaplanong pangwika para sa Pambansang wika ng Isabela State University ni Jaine Z. Tarun
Pamamahala at patakaran sa Filipino ng mindanao State university: Filipino bilang kurikular na
pangangailangan ni Emma B. Magracia, Ph.D
Pagpaplanong pangwika para sa pambansang wika ng isabela State university ni Jaine Z. Tarun
Tungo sa pagbuo ng patakaran at programa sa wika para sa university of asia and hthe pacific
ni Vivencio M. talegon jr.
Pagmulat ng mata: isang personal na salaysay sa patakarang pangwika ng Batibot ni Rene o.
villanueva
Pagpaplanong pangwika sa edukakasyon; karanasan ng Filipinas, Singapore at Hongkong ni
Lydia B. Liwanag
Kahusayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya at hayskul: pagsusuri at implikasyon
ni Lydia P. lalunio
Sibayan, Bonifacio P. 1987 “language as a resources for personal and national development.”
Pagpalanong pangwika at intelektwalisasyon ni Andrew B. gonzales, F.S.C
Florencia C. Victor “Lingguwistikong dibersidad: Komparitbong pagsusuri ng pagpaplanong
pangwika ng india at Pilipinas”