2. Ideolohiya
• Ang ideolohiya ay ang huwaran
o balangkas ng mga patakaran
at sistemang politikal at
ekonomiko ng isang kilusan o
bansa. Gamit itong gabay ng
mga pinuno sa pamamahala ng
kanilang nasasakupan.
3. Mga Ideolohiyang Nagdulot ng Malaking Epekto sa
Kasaysayan ng Daigdig
Liberalismo
Konserbatismo
Kapitalismo
Sosyalismo
Komunismo
Pasismo
4. Liberalismo
Nagmula sa salitang latin na
Liber na nangangahulugang
kalayaan.
Ang mga bansang kabilang dito
ay ang US, Canada, at Japan.
Unti-unting umusbong ang
liberalismo noong ika-17 siglo,
partikular sa Great Britain.
Naganap ito sa katauhan ng
pilosopo British na si John Locke.
5. Sa aspektong ekonomiko, noong simula,
naniwala ang mga liberist tulad ni Adam Smith
na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa
pambansang ekonomiya. Subalit matapos ang
Great Depression noong dekada 1930,
napagtanto ng ilang liberalist na mahalaga ang
gampanin ng pamahalaan sa pagpapanumbalik
ng kaayusan sa ekonomiya.
Batay sa ideolohiyang ito, ang tao ay likas na
mabuti; may kakayahang makabuo ng wastong
pasiya gamit ang rasyonal ng pag-iisip; may
kakayahan para sa sariling pag-unlad; at
may likas na karapatang dapat igalang ng
pamahalaan at pangalagaan ng batas.
6. Ilan sa mga tagapagtaguyod ng
liberalismo ay sina:
John Locke, ayon sa kaniya ang
bawat tao ay may karapatang
mabuhay, magmay-ari, at maging
malaya. Kilala bilang Ama
ng Liberalismo, ay
isang Ingles na pilosopo at
manggagamot.
7. Jeremy Bentham, na nagsabing makabubuti
para sa bansa ang limitadong pakikialam ng
pamahalaan; itinuring na tagapagtatag ng
modernong utilitarianismo.
John Stuart Mill, na naniwala sa pantay na
karapatan para sa kababaihan at sa
panlipunang pagbabago. Sa kasalukuyan,
ang US ay halimbawa ng isang bansang
yumayakap sa liberalismo. Tinawag siya “Ang
pinakamaimpluwensiyang na nagsasalita ng
Ingles na pilosopo ng ikalabing siyam na
siglo.”
8. John Locke John Stuart Mill Jeremy Bentham
Tagapagtaguyod ng Liberalismo (Liberist)
9. Konserbatismo
Malawak ang naging epekto ng liberalismo sa
pag-iisip ng tao noong ika-19 na siglo. Naging
malaking banta ito sa mga tradisyon, kaugalian,
at paniniwalang matagal nang namayani sa
lipunan. Sa ganitong konteksto isinilang ang
konserbatismo.
Ang British na si Edmund Burke ang kinikilalang
tagapagtaguyod ng ideolohiyang ito. Nabuo ang
konserbatismo mula sa masidhing pagtutol ni
Burke sa French Revolution at sa kakayahan ng
tao na gumawa ng bagong kaayusang politikal.
10. Pinakamithiin ng ideolohiyang ito na
mapanatili ang status quo sa lipunan,
gayundin ang kultura at kaayusan ng bansa.
Para sa mga conservatist, mahalaga ang
kasaysayan, mga tradisyon, at mga
institusyon sa pagpapanatiling kaayusan sa
lipunan. Hindi sila naging bukas sa mga
panlipunang pagbabago sapagkat
sinasalungat nito ang mga nakagawian na.
Nanindigan ang mga tagapagtaguyod ng
konserbatismo na bagama’t maraming
pagbabagong nagaganap sa lipunan, hindi
ito dapat biglaan.
11. Hindi tulad ng mga liberist, naniniwala ang
mga conservatist na ang tao ay likas na
masama at walang kakayahang mag-isip
nang maayos. Hindi rin naniniwala ang mga
conservatist sa pagkakapantay-pantay ng
tao. Naniniwala silang mayroong nakatataas
at makapangyarihan kaysa sa iba, at ang
mga taong ito ang dapat na makapangyari
sa lipunan at sa pamahalaan. Sa aspektong
ekonomiko, naniwala ang mga conservatist
na walang bahaging dapat gampanan ang
pamahalaan sa ekonomiya.
12. Edmund Burke Ang akda ni Burke na
“Reflections on the Revolution
in France and on the Proceedings
in Certain Societies in London
Relative to that Event”
13. Kapitalismo
Unti-unting humina ang merkantilismo sa Europe
noong ika-18 siglo. Ito ay nagbigay-daan sa pag-
usbong ng kapitalismo sa pagpasok ng Rebolusyong
Industriyal.
Pinangunahan ni Adam Smith ang pagtataguyod ng
kapitalismo sa kaniyang akdang The Wealth of
Nations noong 1776. Ayon kay Smith, hindi dapat
makialam ang pamahalaan sa takbo ng ekonomiya
kung nais nitong makamit ang kaunlaran. Nasa pusod
ng ideolohiyang ito ang pilosopiyang laissez faire, na
nagsasabing may kakayahan ang pamilihan na
pangasiwaan ang sarili nang walang panghihimasok
ng pamahalaan.
14. Ayon kay Smith, mayroon ang malayang
pamilihan ng “invisible hand.” Tumutukoy ito sa
puwersang gumagabay sa pamilihan bunga ng
kompetisyon para sa pangangailangan ng tao.
Sa madaling salita, sa pagsusumikap ng tao
para sa sariling kapakinabangan ay
nakaaambag siya sa pag-unlad ng lipunan
kahit hindi pa ito ang kaniyang intensiyon.
Ang mga salik ng produksiyon ay dapat na
pinanghahawakan ng mga pribadong
indibidwal at kompanya. Dapat na sila rin ang
nagpapasiya sa magiging takbo ng ekonomiya.
15. Adam Smith kinilala din
siyang “Ama ng
Makabagong Ekonomiks.”
Ang akda ni Adam Smith na
“An Inquiry into the Nature
and Causes of the
Wealth of Nations”
16. Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimulang
dumami ang mga kritiko ng kapitalismo.
Batikos nila, ang ganitong sistema ng
ekonomiya ay nagbubunsod sa pag-iral ng
imperyalismo, pang-aapi sa mga uring
manggagawa, at pagiging laganap ng hindi
pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Sumailalim ang ideolohiyang ito sa pagbabago
higit nang maganap ang Great Depression.
Bilang epekto, lumawak ang kontrol ng
pamahalaan sa ekonomiya upang magsilbing
tagapag-ayos ng mga kakulangan ng
pamilihan at para maiwasan ang muling
pagkalugmok ng ekonomiya.
17. Sosyalismo
Sa pag-unlad ng ekonomiya sa Europe
noong Rebolusyong Industriyal at sa
pagyaman ng mga may-ari ng pabrika at
mamumuhunan ay nanatiling mahirap
ang mga manggagawa. Ang ganitong
sitwasyon ang nagbigay-daan sa pagbuo
ng ideolohiyang tutol sa kapitalismo, ang
sosiyalismo.
18. Mga tagapagtaguyod ng sosyalismo o mga
socialist:
Robert Owen. Ayon kay Owen,
maipapakita ng tao ang kaniyang
kabutihan kung siya ay nabubuhay sa
nabubuhay sa isang lipunang
nagkakaisa.
Ayon naman kay Charles Fourier, dapat
alisin ang kompetisyon sa ekonomiya.
Henry de Saint-Simon, ang nagsabing
dapat alisin ang pribadong pagmamay-
ari.
19. Binigyang-diin ng ideolohiyang ito ang
kolektibismo kaysa sa indibidwalismo-sa
kabutihan ng nakararami kaysa sa kabutihan ng
iisa o iilan lamang. Pangako ng sosyalismo ang
kalayaan ng tao mula sa kahirapan at pang-aapi
na umano ay dulot ng kapitalismo.
Naniwala ang mga socialist na dapat kontrolado
ng publiko o mga mamamayan ang mga salik ng
produksiyon. Ito ay batay sa prinsipyo ng
pagkakapantay-pantay at katarungang
panlipunan. Naniwala ang mga socialist na
mahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa
pangangasiwa ng ekonomiya para sa kapakanan
ng mga mamamayan nito.
21. Ang USSR ang unang nagpatupad ng
sosyalismo bagama’t nabuwag ito noong
1991 dala ng kahinaan sa pagpapatupad
ng ideolohiyang ito.
Sa kasalukuyan naman, ipinatutupad sa
China at Vietnam sa isang market
socialism, upang makamit ang mga
mithiin ng sosyalismo.
22. Komunismo
Tumanggap ng pandaigdigang kasikatan ang
sosyalismo matapos lumabas ang akda nina Karl
Marx at Friedrich Engels, ang The Communist
Manifesto, noong 1848. Dito isinaad ng dalawa
ang paniniwalang nagbunsod sa pagbuo ng isang
radikal na uri ng sosyalismo, ang komunismo.
Ayon sa historical materialism ni Marx, ang
kasaysayan ay daraan sa iba’t ibang paraan ng
produksiyon-primitibong komunismo, sinaunang
lipunan, piyudalismo, kapitalismo, sosyalismo, at
komunismo.
23. Sa bawat paraan ng produksiyon ay may tunggalian sa
pagitan ng mga uring panlipunan-ang may hawak ng
salik ng produksiyon at ang wala. Tinawag ni Marx ang
naghaharing uri sa lipunan- ang mga may hawak ng
mga salik ng produksiyon-na bourgeoisie, at ang mga
manggagawa na proletariat.
Ayon kay Marx, magwawakas ang tunggalian sa
pagitan ng bourgeoisie at ang proletariat sa isang
himagsikan, kung saan ang mga salik ng produksiyon
ay mapapasakamay ng proletariat. Ito ang daan upang
humantong ang tao sa huling yugto ng historical
materialism, ang komunismo. Sa yugtong ito,
matatamo ang isang perpektong lipunan kung saan
ang lahat ay pantay-pantay at lahat ng salik ng
produksiyon ay pagmamay-ari ng tao. Utopia ang
tawag sa lipunang ito.
24. Ang mga may-akda ng
“The Communist
Manifesto”
- Sina Engels at Marx
25. Pasismo
Dulot ng matinding kahirapan at lubos na
pagkadismaya sa kawalang-kakayahan ng
pamahalaan na malutas ang mga suliraning
ekonomiko noong Great Depression, isang ideolohiya
ang umusbong sa Europe at naging salik sa
Ikalawang Digmaang Daigdig – ang pasismo.
Ang pasismo ay ang ideolohiya na higit na
nagpahalaga sa kapakanan ng estado kaysa sa
mamamayan. Isa itong radikal na uri ng nasyonalismo
na pinangunahan ng isang karismatikong pinuno,
tulad halimbawa nina Adolf Hitler ng Germany,
Joseph Stalin ng USSR, at Benito Mussolini ng Italy.
26. Upang maitaguyod ang kagalingan ng
mamamayan, inilagak sa pamahalaan ang
ganap na kapangyarihan pamunuan ang tawag
sa aspekto ng lipunan. Totalitaryanismo ang
tawag sa uri ng pamahalaang ito. Ang
pagpapalaganap ng ideolohiyang ito ay
isinagawa sa pamamagitan ng propaganda at
karahasan.
Pinaniniwalaan din sa ideolohiyang ito ang
pagkakaroon ng superyor na lahi at hindi
pagkakapantay-pantay ng tao. Nasaksihan ang
katangiang ito ng pasismo ng pagpuksa ni
Hitler sa mga Jew noong Holocaust.
29. Test l
1. Ang ______ ay huwaran o balangkas ng mga patakaran at
sistemang politikal at ekonomiko ng isang kilusan o bansa.
2-3. Ang liberalismo ay nagmula sa salitang latin na _____ na
nangangahulugang _____.
4. Si ______ ang may akda ng “Reflections on the Revolution in
France and on the Proceedings in Certain Societies in London
Relative to that Event.”
5. Lumbas ang akda nina Marx at Engels na “The Communist
Manifesto” noong _____.
6. Si ________ ay tinawag na “Ang pinakamaimpluwensiyang na
nagsasalita ng Ingles na pilosopo ng ikalabing siyam na siglo.”
30. 7. Ang sosyalismo ay umusbong noong panahon ng
______________.
8. Ang __________ ay isang mahalagang konsepto sa
kapitalismo.
9. Ang ______ ay may kakayahan ng isang indibidwal na mapa-
unlad ang sarili.
10. Ang _______ ay isang sistema kung saan nagkaroon ng
ganap na kapangyarihan ang pamahalaan sa lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
11. Pinangunahan ni Adam Smith ang pagtataguyod ng
kapitalismo sa kaniyang akdang The Wealth of Nations noong
_____.
12. Si Adam Smith ay kinikilalang “____________.”
31. Test ll
13. Ayon sa kaniya dapat alisin ang kompetisyon sa ekonomiya.
14. Tumutukoy ito sa puwersang gumagabay sa pamilihan bunga
ng kompetisyon para sa pangangailangan ng tao.
15. Ang ideolohiyang na higit na nagpahalaga sa kapakanan ng
estado kaysa sa mamamayan.
16. Siya ang nagsabi na makabubuti para sa bansa ang
limitadong pakikialam ng pamahalaan
17. Ayon sa kaniya maipapakita ng tao ang kaniyang kabutihan
kung siya ay nabubuhay sa nabubuhay sa isang lipunang
nagkakaisa.
32. 18-19. Sila ang may akda ng “The Communist
Manifesto.”
20. Siya ang may akda ng “An Inquiry into the Nature
and Cause of the Wealth of Nation.”
21. Siya ang may akda ng “Reflections on the
Revolution in France and on the Proceedings in Certain
Societies in London Relative to that Event”
22. Binatikos niya ang mga ipinaglaban noong French
Revolution.
23. Siya ang kinikilalang “Ama ng Liberalismo.”
33. Test lll
Mga bansang kabilang sa liberalismo.
24.
25.
26.
Mga nagtaguyod ng liberalismo.
27.
28.
29.
Mga nagtaguyod ng sosyalismo
30.
31.
32.