1. A PROJECT IN “EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.”
Members: Arnie C. Gomez
Aljon M. Lacuarin
Il Yung V. Han Jhon Micah G. Galing
John Michael G. Abogado
with special participation of
Mr. Seymour Josef Barrieta
2.
3. NAME: IRENEO BARRIETA BORN:
DECEMBER 17, 1962 PLACE OF BIRTH:
ROXAS, CITY CAPIZ
CURRENTLY LIVING AT WOODSROW 3 ,
MALAYA COMPOUND, MANUYO DOS , LAS PIÑAS
CITY
4. Siya si Ireneo Barrieta, Ipinanganak noong ika-17 ng Disyembre taong
1962 sa Roxas City, Capiz. Nakatapagtapos sa kursong Batsilyer sa
Agham ng Arkitektura. Lumuwas sa Maynila noong taong 1987 upang
mag-aral ng koleheyo sa Unibersidad ng Adamson. Siya’y
nanirahan sa Rose Avenue, Quezon City. Naging marangya ang buhay
nila noong mga panahon na iyon dahil sa negosyo ng kaniyang mga
magulang na sina
Erlinda Barrieta at Beltran Barrieta . Nagsimula sila sa isang simpleng
pag “Jujunkshop” at noong panahon na nagkaroon ng shortage ng
bigas sa bansa ay nagdesisyon
ang kanyang mga magulang na magnegosyo ng bigasan.
Dito pumasok ang paghohoard at pagcartel ng mga bigas na
inaangkat ng NGA (National Grains Authority). At kinalaunan ay
pumasok sila sa paggawa ng parol gamit ang Capiz o “Shell”.
5. Adamson
University
Ito ay ang diploma na natanggap ni
G. Ireneo Barrieta sa kursong
“Batsilyer ng Arkitektura”
Ngunit hindi siya naging ganap na
“Architect” sa halip ay naging
isa lamang siyang draftsman
sa kadahilanang kinuha siya bilang
tagapangasiwa ng negosyo
nilang Capiz.
6. Sumama siya sa pag export ng kanilang mga Capiz sa
Europa at kung saan-saan pa. Ngunit ng nagkaroon ng digmaan
sa Vietnam at humina na ang pagbili ng mga taga-Europa ng Capiz
ay kasabay neto ang paghina ng industriya ng Capiz. Nang dahil dito
napilitan si G. Ireneo Barrieta na mamasukan sa bansang Korea
bilang tagahol ng kemikal sa mga factory. Ngunit siya’y isang TNT sa nasabing bansa
kaya ang mga lugar na kanilang pinagtatrabahuhan ay nasa mga liblib na lugar
partikular na sa mga bundok. Subalit isang gabi ay nagkaroon ng di pagkakaintindihan
sa panig ng dalawang grupo ng manggagawa habang nagkakasiyahan. Nang dahil sa
pangyayaring ito ay nahuli sila at napa deport pabalik nang bansa.
Pagbalik ni G. Ireneo sa Pilipinas ay bumili siya ng taxi at naging taxi
driver. Dito niya nakilala ang kanyang maybahay at katuwang sa buhay na
si Gng. Marites Barrieta na noo’y isang saleslady sa Harrison Plaza.
7. Ito ang mga halimbawa ng mga produktong Capiz na kanilang
ginagawa sa kasalukuyan.
Kumikita si G. Ireneo ng P25,000 sa loob ng isang buwan
subalit ito’y hindi madalas sapagkat
ang mga Capiz ay mga pasadya lamang. Sa kabila nito’y
sapat ito para buhayin ang kanilang pitong anak. Pero
sa panahon na malapit na ang pasko o “Peak Season”
kumikita sila ng humigit kumulang P100,000 na umaabot
hanggang Enero.
8. Naipayo sa amin ni G. Ireneo na kung sakaling maging isa kaming negosyante
kailangan maging matatag ang loob namin sa lahat ng maaaring mangyari , handa
kaming magsakripsyo at sumugal sa pagnenegosyo kung sakaling may pagkakataon.
Marapat din na magkaroon kami ng determinasyon, pasensya at maging isang matalinong
negosyante sa paggamit ng kapital .
Dahil sa proyektong ito, nagkaroon kami ng ideya at inspirasyon para sa pagharap ng mga
hamon ng buhay at pagkamit ng aming mga pangarap sa hinaharap.