SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 54
ARALIN 5
ANG PAMILIHAN: KONSEPTO
AT MGA ESTRUKTURA NITO
Balik-aral: TAMA o MALI.
1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produktong
handang ipagbili sa magkakaibang presyo sa isang
takdang panahon.
2. Ang pangunahing salik na nakaaapekto sa demand ay
ang panlasa ng mga konsyumer.
3. May demand ang isang produkto at paglilingkod kapag
ito ay nakatutugon sa isang pangangailangan.
4. Ang pagtaas ng presyo ay magbubunga ng
karagdagang demand.
5. Ang gastos ang batayan sa pagtatakda ng presyo ng
produktong handang ipagbili.
Gawain 2: PICTURE PERFECT:
PIC-COLLAGE
• Unawain, suriin, at sagutin ang sumusunod na larawan gamit ang
mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.
• Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
2.Ano ang naging batayan mo upang
matukoy ang konseptong ipinahahatid
ng mga larawan?
3.Alin sa mga larawang ito ang madalas
kang nagkakaroon ng ugnayan? Bakit?
ANG KONSEPTO
NG PAMILIHAN
Ano ang pamilihan?
• Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng
prodyuser at konsyumer.
• Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang
konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan
at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.
Ano ang pamilihan?
• Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon,
pambansa, o pandaigdigan ang lawak.
• Ang kilalang sari-sari store na matatagpuan
saanmang dako ng ating bansa ay isang
magandang halimbawa ng lokal na pamilihan
HALIMBAWANG PAMBANSANGPAMILIHAN
• Abaka ng Bicol
• Dried Fish ng Cebu
• Durian ng Davao
HALIMBAWANG LOKAL NA PAMILIHAN
• Bigas
HALIMBAWANG PANDAIGDIGANG PAMILIHAN
• Prutas
• Produktong Petrolyo
• Langis
• Ang mga nauusong on-line shops sa
pamamagitan ng internet ay mga halimbawa ng
pamilihang maaring maging lokal, panrehiyon,
pambansa, at pandaigdigan ang saklaw.
Ano ang konsyumer?
• Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga
prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa
ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa
pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari
ng mga konsyumer.
Mga Paliwanag:
• Gregory Mankiw – 6th Principle of Economics “Markets
are usually a good way to organize economic activity”.
• Adam Smith – An Inquiry into the Nature and Causes of
the Wealth of Nations (1776) na ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan.
Mayroong tinawag na invisible hand si Adam Smith na
siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor na ito
ng pamilihan. Ito ay ang “presyo”, na siyang instrumento
upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser.
Mga Estruktura ng
Pamilihan
ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
• Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng
merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser.
• Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing balangkas----
ang pamilihan na may ganap na kompetisyon
(Perfectly Competitive Market (PCM)) at ang
pamilihang hindi ganap ang kompetisyon
(Imperfectly Competitive Market (ICM)).
• Ang mga ito ay teoretikal na balangkas ng pamilihan.
• Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang
mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik
na nagtatakda ng estruktura nito.
Istruktura ng Pamilihan
Ganap na
Kompetisyon
Maraming maliliit na
konsyumer at prodyuser
Magkakatulad ang
produkto (Homogenous)
Malayang paggalaw ng
sangkap ng produksiyon
Malayang pagpasok at
paglabas sa industriya
Malaya ang Impormasyon
ukol sa pamilihan
Istruktura ng Pamilihan
Di-Ganap na
Kompetisyon
Monopoly
Oligopoly
Monopolistic
Competition
Ganap na Kompetisyon
• Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o
ideal.
• Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser
at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng
pamilihan partikular sa presyo.
• Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang
prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
SA PANIG NG PRODYUSER
• Hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at
serbisyo sa pamilihan.
• Dahil dito, ang mga konsyumer ay may pamimilian kung
saan at kanino bibili ng isang partikular na produkto o
serbisyo.
• Ito ay nangangahulugan ng balangkas na lubhang
napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang ng
mga prodyuser sa pamilihan.
SA PANIG NAMAN NG MGA
KONSYUMER
• Walang sinoman ang may kakayahang idikta ang presyo
dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang
ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo.
• Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay
mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo
sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan.
• Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag ng konsepto ng
price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay
umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa
pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili
nilang presyo.
• Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat
na Economics 2nd Edition (2009), ang pamilihang may
ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian:
MARAMING MALILIIT NA
KONSYUMER AT PRODYUSER
• Dahil sa marami at maliliit ang konsyumer at prodyuser,
walang kakayahan na maimpluwensiyahan ang presyo
na papabor sa interes ng sinoman sa pamilihan.
MAGKAKATULAD ANG
PRODUKTO (HOMOGENOUS)
• Ito ay nangangahulugang maraming produkto na
magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming
pagpipilian. Halimbawa, ang pechay, na galing sa
Benguet ay walang pagkakaiba sa pechay na galing sa
Nueva Ecija.
MALAYANG PAGGALAW NG
SANGKAP NG PRODUKSIYON
• Dahil walang direktang may kontrol sa mga salik ng
produksiyon, maraming mapagkukunan ng mga sangkap
para makabuo ng mga produkto.
• Bunga nito, maraming produkto ang nagkakatulad na
maaaring ipagbili sa pamilihan.
MALAYANG PAGPASOK AT
PAGLABAS SA INDUSTRIYA
• Ang pamilihan partikular na ang sistema ng
pagnenegosyo ay bukas sa lahat ng may kapasidad na
maibahagi.
• Walang kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay
hadlangan o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan.
• Ito ay nakatutulong upang paigtingin ang kompetisyon sa
pamilihan na nagdudulot para siguraduhin ng mga
prodyuser na ang kanilang produkto ay may mataas na
kalidad at tamang presyo upang tangkilin ng mga
konsyumer.
MALAYA ANG IMPORMASYON
UKOL SA PAMILIHAN
• Dahil ang sistema ay malaya, ang pagdaloy ng
impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay
bukas para sa kaalaman ng lahat.
• Malayang makagagawa at makapagbebenta ang isang
prodyuser sa pamilihan.
• Gayundin, ang mga konsyumer ay malaya kung bibili o
hindi bibili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
Di-Ganap na Kompetisyon
• Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na
kompetisyon ang estruktura kung wala ang
anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa
pamilihang may ganap na kompetisyon.
• Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng
prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay
may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan.
• Ang sumusunod na anyo ang bumubuo sa
pamilihang may hindi-ganap na kompetisyon.
Monopolyo
• Isa lang ang nagtitinda sa pamilihan.
• Ito ang nagtatakda ng presyo at walang
magagawa ang mga mamimili.
Monopolyo
• Ang mga konsyumer ay napipilitang tanggapin
na lamang ang pagiging makapangyarihan ng
mga monopolista.
• Ang mga halimbawa ng mga prodyuser na nasa
ganitong uri ay ang mga kompanya ng koryente
sa aspekto ng transmission, tubig, at tren.
ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG
MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD:
• Iisa ang nagtitinda – Dahil iisa ang
nagbebenta, ang presyo at dami ng supply ay
idinidikta, batay sa tinatawag na profit max rule
o pagnanais ng prodyuser na makakuha ng
malaking kita.
• Produkto na walang kapalit – Ang mga
produkto ay walang kauri kaya nakokontrol ang
presyo at dami ng supply.
ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG
MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD:
• Kakayahang hadlangan ang kalaban – Dahil
sa mga patent, copyright, at trademark gamit
ang Intellectual Property Rights, hindi
makapasok ang ibang nais na maging bahagi
ng industriya na kaparehas sa hanay ng
produkto at serbisyong nililikha ng mga
monopolista.
ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG
MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD:
• Kaugnay nito, batay sa World Intellectual Property
Organization, ang copyright ay isang uri ng intellectual
property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-
ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang
pampanitikan (literary works) o akdang pansining
(artistic works).
• Kabilang din dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika,
paintings, iskultura, pelikula, computer programs,
databases, advertisements, maps, at technical
drawings.
ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG
MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD:
• Kaugnay nito, batay sa World Intellectual Property
Organization, ang copyright ay isang uri ng intellectual
property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-
ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang
pampanitikan (literary works) o akdang pansining
(artistic works).
• Kabilang din dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika,
paintings, iskultura, pelikula, computer programs,
databases, advertisements, maps, at technical
drawings.
ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG
MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD:
• Samantala, ang patent naman ay pumoprotekta sa
mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
• Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor
upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin,
ibenta, iangkat, at iluwas ang imbensiyon niya kapalit
ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang
imbensiyon.
• Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa
hinaharap para magkaroon ng inobasyon at pag-unlad.
ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG
MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD:
• Samantala, ang patent naman ay pumoprotekta sa
mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
• Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor
upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin,
ibenta, iangkat, at iluwas ang imbensiyon niya kapalit
ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang
imbensiyon.
• Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa
hinaharap para magkaroon ng inobasyon at pag-unlad.
NATURAL MONOPOLY
• Mga kompanyang binibigyang-karapatan na magkaloob ng
serbisyo sa mga mamamayan.
• Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang mga produkto at serbisyo sa
mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas maraming
kompanya.
• Ang mga halimbawa ng mga serbisyo na ibinigay sa konsyumer
sa ganitong estruktura ng pamahalaan ay makikita sa mga
larawang nasa ibaba.
Monopsonyo
• Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang
konsyumer ngunit maraming prodyuser ng produkto at
serbisyo.
• Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer
na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
• Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan ay
ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at
nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic
enforcer, at iba pa.
• Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo
ng mga nabanggit bilang empleyado, ito ay may direktang
kapangyarihan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga
ito.
• Ang mga larawan sa ibaba ang mabisang
magpapaliwanag ukol sa estrukturang
monopsonyo:
Oligopoly (Cartel)
• Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o
iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay na produkto at serbisyo.
• Sa ganitong uri ng pamilihan, may kakayahan ang
prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo
na umiiral sa pamilihan.
Oligopoly (Cartel)
• Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa
pamilihan ay ang semento, bakal, ginto, at petrolyo.
• Maaari din nilang gawin ang hoarding o ang pagtatago ng
produkto upang magkulang ang supply sa pamilihan na
magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo.
• Sa ganitong sistema, maaring magkaroon ng pagkontrol o
sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na collusion.
• Ito ay nagaganap partikular na sa presyo sa ilalim ng kartel o
samahan ng mga oligopolista.
• Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang
pagkakaroon ng alliances of enterprises.
Oligopoly (Cartel)
• Hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa
ating bansa upang mabigyan ng proteksiyon at isulong
ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinatakda
ng Consumers Act of the Philippines o Republic
Act 9374 na isinabatas noong Abril 23, 2011.
• Sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and
Causes of the Wealth of Nations” (1776), si Adam
Smith ay nagpahayag ng kaniyang pananaw tungkol
sa katotohanan ng pagkakaroon ng kartel.
Ito ay ang sumusunod:
“People of the same trade seldom meet together, even for
merriment and diversion, but the conversation ends in a
conspiracy against the public, or in some contrivance to
raise prices. It is impossible indeed to prevent such
meetings, by any law which either could be executed, or
would be consistent with liberty and justice.”
—Adam Smith, The Wealth of Nations, 1776
• Ayon kay Adam Smith, ang mga negosyante ay hindi aktuwal na
nagkikita upang pag-usapan ang takbo ng kanilang mga negosyo subalit
sila ay nagkakaroon ng pagkakaunawaaan sa pamamagitan ng
sabwatan sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.
• Ang Organization of Petroleum of Exporting Countries (OPEC) ay
isang halimbawa ng pandaigdigang kartel sapagkat sila ang nagtatakda
ng supply at presyo ng produktong petrolyo sa buong daigdig.
• Ang samahang ito ay naitatag noong September 10-14, 1960 sa
ginanap na Baghdad Conference sa Baghdad, Iraq.
• Ito ay pinasimulan ng five founding countries na binubuo ng Iran, Iraq,
Kuwait, Saudi Arabia, at Venezuela.
• Sa kasalukuyan, mayroon itong kabuuang 12 bansang kasapi na
kinabibilangan ng Algeria, Angola, Ecuador, Libya, Nigeria, Qatar, at
United Arab Emirates (UAE), bukod sa unang limang bansang
nagtatag.
Ang mga larawang nasa ibaba ang mabisang
magpapaliwanag ng mga halimbawa ng mga produkto na
nasa ilalim ng estrukturang oligopolyo.
Monopolistic Competition
• Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan,
maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta
ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin
ang mga konsyumer.
• Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa pamilihan
ang mga prodyuser na magtakda ng presyo ng
kanilang mga produkto.
Monopolistic Competition
• Dahil sa product differentiation, ang katangian ng
mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho
ngunit hindi eksaktong magkakahawig.
• Ang kanilang pagkakapareho ay maaaring sa uri ng
produkto gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste.
• Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging, labeling,
presentasyon, at maging sa lasa o flavor.
Monopolistic Competition
• Ginagawa ito ng mga prodyuser sapagkat ang
kanilang layunin sa product differentiation ay kumita at
mas makilala ang kanilang mga produkto.
• Layunin din ng mga prodyuser na maitaas ang antas
ng kasiyahan ng konsyumer.
• Ang advertisement o pag-aanunsiyo ay isang
mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga
prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga
produkto at serbisyo.
Monopolistic Competition
• Ang mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong
ipinagkakaloob sa pamilihang may monopolistic competition ay
ang mga sabong panlaba at pampaligo, toothpaste, pabango,
fabric conditioner, cellphone, softdrinks, appliances,
fastfood restaurant, serbisyo ng mga ospital, hair salon,
beauty & cosmetics product, at marami pang iba. (Balitao,
2012)
Buod
Estruktura ng
Pamilihan
Pagtatakda ng
Demand
Pagtatakda ng
supply
Pagtatakda ng
Presyo
I. Ganap na
Kompetisyon
Hindi maaaring
itakda
Hindi maaaring
itakda
Hindi maaaring
itakda
II. Hindi ganap na
Kompetisyon
A. Monopoly Hindi maaaring
itakda
Maaaring itakda Maaring itakda
B. Oligopoly Hindi maaaring
itakda
Maaaring itakda
dahil sa collusion
at cartel
Maaaring itakda
C. Monopolistic
Competition
Hindi maaaring
itakda
Maaaring itakda
dahil sa product
differentiation
Maaaring itakda
D. Monopsony Maaaring itakda Hindi maaaring
itakda
Maaaring itakda
ng mamimili
Buod:
Anyo ng
Pamilihan
Balakid sa
Nagtitinda
Bilang ng
Nagtitinda
Balakid sa
Mamimili
Bilang ng
Mamimili
Perfect
Competition
Wala Marami Wala Marami
Monopolistic
competition
Wala Marami Wala Marami
Oligopoly OO Kakaunti Wala Marami
Monopoly OO Isa Wala Marami
Monopsony Wala Marami OO Isa
Gawain 2: Pabili o Patawad
Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon sa mga salitang
nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PABILI kung TAMA ang mensahe at PATAWAD kung ito ay MALI.
• 1.Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at
prodyuser.
• 2.Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser at ang
produkto.
• 3.Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan na mag-
supply.
• 4.Sa pamamagitan ng pamilihan, nalalaman ang sistema ng ekonomiya.
• 5.Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na
kompetisyon.
• 6.Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing
produkto.
• 7.Kapag mataas ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magbawas ng supply
lalo na sa mga pangunahing uri ng produkto.
• 8.Ang presyo ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa pamilihan.
• 9.Kapag mababa ang presyo sa pamilihan ang konsyumer ay nagtataas ng kabuuang
dami ng binibiling produkto.
• 10.Ang kartel ay nangangahulugang alliances of consumers.
Paglalapat
Ano ang dalawang pangunahing
estruktura ng pamilihan?
Guro: Isa-isahin ang mga katangian ng
bawat estruktura at uri ng pamilihan na
nabibilang dito?
Gawain3: StructuralMarket TallyBoard
Mula sa teksong iyong nabasa ay punan mo ang mahahalagang datos o
impormasyon na hinihingiang structural market tallyboard na nasa
susunodna pahina.
Estruktura ng
pamilihan
May Hawak ng
kapangyarihan
(Konsyumer o
Prodyuser)
Katangian ng
presyo (Malaya o
itinatakda)
Mga Halimbawa ng
produkto o
Kompanya
Pamprosesong Tanong
1. Alin sa mga estruktura ng pamilihan ang pabor sa konsyumer o
prodyuser?
2. Sa anung estruktura ng pamilihan ka nahirapang mag-isip ng
halimbawa ng produkto o kompanya? Bakit?
TAKDANGARALIN
Gawain:4MARKETANALYSIS; VENNDIAGRAM
Panuto:Mataposmongmabasaangmgateksto,ngayonaypaghambinginmoangiba’tibang
estrukturangpamilihansapamamagitanngpaglalagaysaVennDiagramngpagkakaparehoat
pagkakaibangkatangianngbawatestruktura.Gamitinggabayanghalimbawangnasasusunodna
pahinaatsagutinangmgapamprosesongtanongupangmapunanmonangwastoangdayagram.
Pamprosesong Tanong
1.Anong dalawang estruktura ng pamilihan ang iyong pinaghambing?
2.Ano-ano ang katangian na magkatulad ang dalawang estruktura na iyong
pinaghambing?
3.Sa ano-anong mga katangian naman sila nagkaroon ng pagkakaiba?
4.Ano ang iyong pananaw sa dalawang estruktura ng pamilihan bilang isang konsyumer?
• Sa iyong palagay, anong uri ng pamilihan
ang nagbibigay ng higit na
kapakinabangan sa mga mamimili.
Ipaliwanag ang inyong sagot.
PAGPAPAHALAGA
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

LESSON PLAN- Thricia Salvador.pptx
LESSON PLAN- Thricia Salvador.pptxLESSON PLAN- Thricia Salvador.pptx
LESSON PLAN- Thricia Salvador.pptxThriciaSalvador
 
Estruktura sa pamilihan
Estruktura sa pamilihanEstruktura sa pamilihan
Estruktura sa pamilihanana kang
 
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)Maria Jiwani Laña
 
Elastisidad ng supply
Elastisidad ng supplyElastisidad ng supply
Elastisidad ng supplyMarie Cabelin
 
Aralin 5 pagkonsumo at ang mamimili
Aralin 5 pagkonsumo at ang mamimiliAralin 5 pagkonsumo at ang mamimili
Aralin 5 pagkonsumo at ang mamimiliRivera Arnel
 
Aralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyonAralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyonedmond84
 
Aralin 2 Ang Konsepto ng Kakapusan
Aralin 2 Ang Konsepto ng KakapusanAralin 2 Ang Konsepto ng Kakapusan
Aralin 2 Ang Konsepto ng Kakapusanedmond84
 
MELC_Aralin 10-Istruktura ng Pamilihan
MELC_Aralin 10-Istruktura ng PamilihanMELC_Aralin 10-Istruktura ng Pamilihan
MELC_Aralin 10-Istruktura ng PamilihanRivera Arnel
 
Elastisidad ng demand
Elastisidad ng demandElastisidad ng demand
Elastisidad ng demandMarie Cabelin
 
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng PamahalaanMELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng PamahalaanRivera Arnel
 
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAlokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaBooNeil
 
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng Produksyon
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng ProduksyonMELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng Produksyon
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng ProduksyonRivera Arnel
 
Pamilihan at ang estruktura nito
Pamilihan at ang estruktura nitoPamilihan at ang estruktura nito
Pamilihan at ang estruktura nitocharito reyes
 
Mga Salik na Nakakaaepkto sa Pagkonsumo
Mga Salik na Nakakaaepkto sa PagkonsumoMga Salik na Nakakaaepkto sa Pagkonsumo
Mga Salik na Nakakaaepkto sa Pagkonsumojessicalovesu
 
Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON JJ027
 
Aralin 13 pamilihan at pamahalaan
Aralin 13 pamilihan at pamahalaanAralin 13 pamilihan at pamahalaan
Aralin 13 pamilihan at pamahalaanRivera Arnel
 

Was ist angesagt? (20)

LESSON PLAN- Thricia Salvador.pptx
LESSON PLAN- Thricia Salvador.pptxLESSON PLAN- Thricia Salvador.pptx
LESSON PLAN- Thricia Salvador.pptx
 
Estruktura sa pamilihan
Estruktura sa pamilihanEstruktura sa pamilihan
Estruktura sa pamilihan
 
Ugnayan ng Pamahalaan at Pamilihan
Ugnayan ng Pamahalaan at PamilihanUgnayan ng Pamahalaan at Pamilihan
Ugnayan ng Pamahalaan at Pamilihan
 
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
 
Ang pamilihan
Ang pamilihanAng pamilihan
Ang pamilihan
 
Elastisidad ng supply
Elastisidad ng supplyElastisidad ng supply
Elastisidad ng supply
 
Aralin 5 pagkonsumo at ang mamimili
Aralin 5 pagkonsumo at ang mamimiliAralin 5 pagkonsumo at ang mamimili
Aralin 5 pagkonsumo at ang mamimili
 
Aralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyonAralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyon
 
Aralin 2 Ang Konsepto ng Kakapusan
Aralin 2 Ang Konsepto ng KakapusanAralin 2 Ang Konsepto ng Kakapusan
Aralin 2 Ang Konsepto ng Kakapusan
 
MELC_Aralin 10-Istruktura ng Pamilihan
MELC_Aralin 10-Istruktura ng PamilihanMELC_Aralin 10-Istruktura ng Pamilihan
MELC_Aralin 10-Istruktura ng Pamilihan
 
Konsepto ng Suplay
Konsepto ng SuplayKonsepto ng Suplay
Konsepto ng Suplay
 
Elastisidad ng demand
Elastisidad ng demandElastisidad ng demand
Elastisidad ng demand
 
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng PamahalaanMELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
 
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAlokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
 
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng Produksyon
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng ProduksyonMELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng Produksyon
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng Produksyon
 
Pamilihan at ang estruktura nito
Pamilihan at ang estruktura nitoPamilihan at ang estruktura nito
Pamilihan at ang estruktura nito
 
Mga Salik na Nakakaaepkto sa Pagkonsumo
Mga Salik na Nakakaaepkto sa PagkonsumoMga Salik na Nakakaaepkto sa Pagkonsumo
Mga Salik na Nakakaaepkto sa Pagkonsumo
 
Konsepto ng pamilihan
Konsepto ng pamilihanKonsepto ng pamilihan
Konsepto ng pamilihan
 
Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON
 
Aralin 13 pamilihan at pamahalaan
Aralin 13 pamilihan at pamahalaanAralin 13 pamilihan at pamahalaan
Aralin 13 pamilihan at pamahalaan
 

Ähnlich wie vdocuments.site_aralin-5-pamilihan.pptx

2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx
2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx
2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptxAngellou Barrett
 
structure of market in economics lesson 8
structure of market in economics lesson 8structure of market in economics lesson 8
structure of market in economics lesson 8BeejayTaguinod1
 
pamilihan-171019124020.pdf
pamilihan-171019124020.pdfpamilihan-171019124020.pdf
pamilihan-171019124020.pdfKayzeelynMorit1
 
Ang Konsepto ng Pamilihan
Ang Konsepto ng Pamilihan Ang Konsepto ng Pamilihan
Ang Konsepto ng Pamilihan RanceCy
 
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITOANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITOJohn Labrador
 
apyunit2aralin5grade9-171004082630.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630.pptapyunit2aralin5grade9-171004082630.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630.pptMariaRuffaDulayIrinc
 
Mga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihanMga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihanRaia Jasmine
 
quarter 2 module 4.pptx
quarter 2 module 4.pptxquarter 2 module 4.pptx
quarter 2 module 4.pptxBrellin
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15yhabx
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15yhabx
 
apyunit2aralin5grade9-171004082630_2.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630_2.pptapyunit2aralin5grade9-171004082630_2.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630_2.pptMariaRuffaDulayIrinc
 
ANG PAMILIHAN.docx
ANG PAMILIHAN.docxANG PAMILIHAN.docx
ANG PAMILIHAN.docxIrisNingas1
 
aralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdf
aralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdfaralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdf
aralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdfKayzeelynMorit1
 
Ang_mamimili_at_ang_demand.ppt
Ang_mamimili_at_ang_demand.pptAng_mamimili_at_ang_demand.ppt
Ang_mamimili_at_ang_demand.pptOrtizBryan3
 
Iba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptx
Iba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptxIba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptx
Iba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptxFatimaCayusa2
 

Ähnlich wie vdocuments.site_aralin-5-pamilihan.pptx (20)

2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx
2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx
2nd quarter week 6 to 7 istruktura ng pamilihan.pptx
 
structure of market in economics lesson 8
structure of market in economics lesson 8structure of market in economics lesson 8
structure of market in economics lesson 8
 
pamilihan-171019124020.pdf
pamilihan-171019124020.pdfpamilihan-171019124020.pdf
pamilihan-171019124020.pdf
 
Ang Konsepto ng Pamilihan
Ang Konsepto ng Pamilihan Ang Konsepto ng Pamilihan
Ang Konsepto ng Pamilihan
 
looo-161012141012.pdf
looo-161012141012.pdflooo-161012141012.pdf
looo-161012141012.pdf
 
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITOANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
 
apyunit2aralin5grade9-171004082630.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630.pptapyunit2aralin5grade9-171004082630.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630.ppt
 
Mga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihanMga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihan
 
CO2.pptx
CO2.pptxCO2.pptx
CO2.pptx
 
quarter 2 module 4.pptx
quarter 2 module 4.pptxquarter 2 module 4.pptx
quarter 2 module 4.pptx
 
KONSEPTO AT ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
KONSEPTO AT ESTRUKTURA NG PAMILIHANKONSEPTO AT ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
KONSEPTO AT ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15
 
apyunit2aralin5grade9-171004082630_2.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630_2.pptapyunit2aralin5grade9-171004082630_2.ppt
apyunit2aralin5grade9-171004082630_2.ppt
 
AP9 - PAMILIHAN.pptx
AP9 - PAMILIHAN.pptxAP9 - PAMILIHAN.pptx
AP9 - PAMILIHAN.pptx
 
konsepto ng pamilihan
konsepto ng pamilihankonsepto ng pamilihan
konsepto ng pamilihan
 
ANG PAMILIHAN.docx
ANG PAMILIHAN.docxANG PAMILIHAN.docx
ANG PAMILIHAN.docx
 
aralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdf
aralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdfaralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdf
aralin12-ibatibanganyongpamilihan-180521231128.pdf
 
Ang_mamimili_at_ang_demand.ppt
Ang_mamimili_at_ang_demand.pptAng_mamimili_at_ang_demand.ppt
Ang_mamimili_at_ang_demand.ppt
 
Iba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptx
Iba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptxIba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptx
Iba_t Ibang Anyo ng Pamilihan.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 

vdocuments.site_aralin-5-pamilihan.pptx

  • 1. ARALIN 5 ANG PAMILIHAN: KONSEPTO AT MGA ESTRUKTURA NITO
  • 2. Balik-aral: TAMA o MALI. 1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produktong handang ipagbili sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon. 2. Ang pangunahing salik na nakaaapekto sa demand ay ang panlasa ng mga konsyumer. 3. May demand ang isang produkto at paglilingkod kapag ito ay nakatutugon sa isang pangangailangan. 4. Ang pagtaas ng presyo ay magbubunga ng karagdagang demand. 5. Ang gastos ang batayan sa pagtatakda ng presyo ng produktong handang ipagbili.
  • 3. Gawain 2: PICTURE PERFECT: PIC-COLLAGE • Unawain, suriin, at sagutin ang sumusunod na larawan gamit ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.
  • 4. • Pamprosesong Tanong: 1.Ano ang ipinapakita ng mga larawan? 2.Ano ang naging batayan mo upang matukoy ang konseptong ipinahahatid ng mga larawan? 3.Alin sa mga larawang ito ang madalas kang nagkakaroon ng ugnayan? Bakit?
  • 6. Ano ang pamilihan? • Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. • Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.
  • 7. Ano ang pamilihan? • Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa, o pandaigdigan ang lawak. • Ang kilalang sari-sari store na matatagpuan saanmang dako ng ating bansa ay isang magandang halimbawa ng lokal na pamilihan
  • 8. HALIMBAWANG PAMBANSANGPAMILIHAN • Abaka ng Bicol • Dried Fish ng Cebu • Durian ng Davao HALIMBAWANG LOKAL NA PAMILIHAN • Bigas HALIMBAWANG PANDAIGDIGANG PAMILIHAN • Prutas • Produktong Petrolyo • Langis
  • 9. • Ang mga nauusong on-line shops sa pamamagitan ng internet ay mga halimbawa ng pamilihang maaring maging lokal, panrehiyon, pambansa, at pandaigdigan ang saklaw.
  • 10. Ano ang konsyumer? • Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer.
  • 11. Mga Paliwanag: • Gregory Mankiw – 6th Principle of Economics “Markets are usually a good way to organize economic activity”. • Adam Smith – An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (1776) na ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. Mayroong tinawag na invisible hand si Adam Smith na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor na ito ng pamilihan. Ito ay ang “presyo”, na siyang instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.
  • 13. ESTRUKTURA NG PAMILIHAN • Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. • Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing balangkas---- ang pamilihan na may ganap na kompetisyon (Perfectly Competitive Market (PCM)) at ang pamilihang hindi ganap ang kompetisyon (Imperfectly Competitive Market (ICM)). • Ang mga ito ay teoretikal na balangkas ng pamilihan. • Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito.
  • 14. Istruktura ng Pamilihan Ganap na Kompetisyon Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser Magkakatulad ang produkto (Homogenous) Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon Malayang pagpasok at paglabas sa industriya Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan
  • 15. Istruktura ng Pamilihan Di-Ganap na Kompetisyon Monopoly Oligopoly Monopolistic Competition
  • 16. Ganap na Kompetisyon • Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. • Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. • Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
  • 17. SA PANIG NG PRODYUSER • Hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan. • Dahil dito, ang mga konsyumer ay may pamimilian kung saan at kanino bibili ng isang partikular na produkto o serbisyo. • Ito ay nangangahulugan ng balangkas na lubhang napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang ng mga prodyuser sa pamilihan.
  • 18. SA PANIG NAMAN NG MGA KONSYUMER • Walang sinoman ang may kakayahang idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo. • Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. • Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag ng konsepto ng price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.
  • 19. • Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd Edition (2009), ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian:
  • 20. MARAMING MALILIIT NA KONSYUMER AT PRODYUSER • Dahil sa marami at maliliit ang konsyumer at prodyuser, walang kakayahan na maimpluwensiyahan ang presyo na papabor sa interes ng sinoman sa pamilihan.
  • 21. MAGKAKATULAD ANG PRODUKTO (HOMOGENOUS) • Ito ay nangangahulugang maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming pagpipilian. Halimbawa, ang pechay, na galing sa Benguet ay walang pagkakaiba sa pechay na galing sa Nueva Ecija.
  • 22. MALAYANG PAGGALAW NG SANGKAP NG PRODUKSIYON • Dahil walang direktang may kontrol sa mga salik ng produksiyon, maraming mapagkukunan ng mga sangkap para makabuo ng mga produkto. • Bunga nito, maraming produkto ang nagkakatulad na maaaring ipagbili sa pamilihan.
  • 23. MALAYANG PAGPASOK AT PAGLABAS SA INDUSTRIYA • Ang pamilihan partikular na ang sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat ng may kapasidad na maibahagi. • Walang kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay hadlangan o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan. • Ito ay nakatutulong upang paigtingin ang kompetisyon sa pamilihan na nagdudulot para siguraduhin ng mga prodyuser na ang kanilang produkto ay may mataas na kalidad at tamang presyo upang tangkilin ng mga konsyumer.
  • 24. MALAYA ANG IMPORMASYON UKOL SA PAMILIHAN • Dahil ang sistema ay malaya, ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat. • Malayang makagagawa at makapagbebenta ang isang prodyuser sa pamilihan. • Gayundin, ang mga konsyumer ay malaya kung bibili o hindi bibili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
  • 25. Di-Ganap na Kompetisyon • Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. • Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. • Ang sumusunod na anyo ang bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap na kompetisyon.
  • 26. Monopolyo • Isa lang ang nagtitinda sa pamilihan. • Ito ang nagtatakda ng presyo at walang magagawa ang mga mamimili.
  • 27. Monopolyo • Ang mga konsyumer ay napipilitang tanggapin na lamang ang pagiging makapangyarihan ng mga monopolista. • Ang mga halimbawa ng mga prodyuser na nasa ganitong uri ay ang mga kompanya ng koryente sa aspekto ng transmission, tubig, at tren.
  • 28. ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD: • Iisa ang nagtitinda – Dahil iisa ang nagbebenta, ang presyo at dami ng supply ay idinidikta, batay sa tinatawag na profit max rule o pagnanais ng prodyuser na makakuha ng malaking kita. • Produkto na walang kapalit – Ang mga produkto ay walang kauri kaya nakokontrol ang presyo at dami ng supply.
  • 29. ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD: • Kakayahang hadlangan ang kalaban – Dahil sa mga patent, copyright, at trademark gamit ang Intellectual Property Rights, hindi makapasok ang ibang nais na maging bahagi ng industriya na kaparehas sa hanay ng produkto at serbisyong nililikha ng mga monopolista.
  • 30. ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD: • Kaugnay nito, batay sa World Intellectual Property Organization, ang copyright ay isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay- ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary works) o akdang pansining (artistic works). • Kabilang din dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, maps, at technical drawings.
  • 31. ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD: • Kaugnay nito, batay sa World Intellectual Property Organization, ang copyright ay isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay- ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary works) o akdang pansining (artistic works). • Kabilang din dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, maps, at technical drawings.
  • 32. ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD: • Samantala, ang patent naman ay pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon. • Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat, at iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang imbensiyon. • Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hinaharap para magkaroon ng inobasyon at pag-unlad.
  • 33. ANG MGAPANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYOAYANG SUMUSUNOD: • Samantala, ang patent naman ay pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon. • Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat, at iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang imbensiyon. • Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hinaharap para magkaroon ng inobasyon at pag-unlad.
  • 34. NATURAL MONOPOLY • Mga kompanyang binibigyang-karapatan na magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan. • Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang mga produkto at serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas maraming kompanya. • Ang mga halimbawa ng mga serbisyo na ibinigay sa konsyumer sa ganitong estruktura ng pamahalaan ay makikita sa mga larawang nasa ibaba.
  • 35. Monopsonyo • Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. • Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. • Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic enforcer, at iba pa. • Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo ng mga nabanggit bilang empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga ito.
  • 36. • Ang mga larawan sa ibaba ang mabisang magpapaliwanag ukol sa estrukturang monopsonyo:
  • 37. Oligopoly (Cartel) • Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. • Sa ganitong uri ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na umiiral sa pamilihan.
  • 38. Oligopoly (Cartel) • Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa pamilihan ay ang semento, bakal, ginto, at petrolyo. • Maaari din nilang gawin ang hoarding o ang pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo. • Sa ganitong sistema, maaring magkaroon ng pagkontrol o sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na collusion. • Ito ay nagaganap partikular na sa presyo sa ilalim ng kartel o samahan ng mga oligopolista. • Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises.
  • 39. Oligopoly (Cartel) • Hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa ating bansa upang mabigyan ng proteksiyon at isulong ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinatakda ng Consumers Act of the Philippines o Republic Act 9374 na isinabatas noong Abril 23, 2011. • Sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” (1776), si Adam Smith ay nagpahayag ng kaniyang pananaw tungkol sa katotohanan ng pagkakaroon ng kartel.
  • 40. Ito ay ang sumusunod: “People of the same trade seldom meet together, even for merriment and diversion, but the conversation ends in a conspiracy against the public, or in some contrivance to raise prices. It is impossible indeed to prevent such meetings, by any law which either could be executed, or would be consistent with liberty and justice.” —Adam Smith, The Wealth of Nations, 1776
  • 41. • Ayon kay Adam Smith, ang mga negosyante ay hindi aktuwal na nagkikita upang pag-usapan ang takbo ng kanilang mga negosyo subalit sila ay nagkakaroon ng pagkakaunawaaan sa pamamagitan ng sabwatan sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. • Ang Organization of Petroleum of Exporting Countries (OPEC) ay isang halimbawa ng pandaigdigang kartel sapagkat sila ang nagtatakda ng supply at presyo ng produktong petrolyo sa buong daigdig. • Ang samahang ito ay naitatag noong September 10-14, 1960 sa ginanap na Baghdad Conference sa Baghdad, Iraq. • Ito ay pinasimulan ng five founding countries na binubuo ng Iran, Iraq, Kuwait, Saudi Arabia, at Venezuela. • Sa kasalukuyan, mayroon itong kabuuang 12 bansang kasapi na kinabibilangan ng Algeria, Angola, Ecuador, Libya, Nigeria, Qatar, at United Arab Emirates (UAE), bukod sa unang limang bansang nagtatag.
  • 42. Ang mga larawang nasa ibaba ang mabisang magpapaliwanag ng mga halimbawa ng mga produkto na nasa ilalim ng estrukturang oligopolyo.
  • 43. Monopolistic Competition • Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer. • Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng presyo ng kanilang mga produkto.
  • 44. Monopolistic Competition • Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig. • Ang kanilang pagkakapareho ay maaaring sa uri ng produkto gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste. • Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging, labeling, presentasyon, at maging sa lasa o flavor.
  • 45. Monopolistic Competition • Ginagawa ito ng mga prodyuser sapagkat ang kanilang layunin sa product differentiation ay kumita at mas makilala ang kanilang mga produkto. • Layunin din ng mga prodyuser na maitaas ang antas ng kasiyahan ng konsyumer. • Ang advertisement o pag-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo.
  • 46. Monopolistic Competition • Ang mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang may monopolistic competition ay ang mga sabong panlaba at pampaligo, toothpaste, pabango, fabric conditioner, cellphone, softdrinks, appliances, fastfood restaurant, serbisyo ng mga ospital, hair salon, beauty & cosmetics product, at marami pang iba. (Balitao, 2012)
  • 47. Buod Estruktura ng Pamilihan Pagtatakda ng Demand Pagtatakda ng supply Pagtatakda ng Presyo I. Ganap na Kompetisyon Hindi maaaring itakda Hindi maaaring itakda Hindi maaaring itakda II. Hindi ganap na Kompetisyon A. Monopoly Hindi maaaring itakda Maaaring itakda Maaring itakda B. Oligopoly Hindi maaaring itakda Maaaring itakda dahil sa collusion at cartel Maaaring itakda C. Monopolistic Competition Hindi maaaring itakda Maaaring itakda dahil sa product differentiation Maaaring itakda D. Monopsony Maaaring itakda Hindi maaaring itakda Maaaring itakda ng mamimili
  • 48. Buod: Anyo ng Pamilihan Balakid sa Nagtitinda Bilang ng Nagtitinda Balakid sa Mamimili Bilang ng Mamimili Perfect Competition Wala Marami Wala Marami Monopolistic competition Wala Marami Wala Marami Oligopoly OO Kakaunti Wala Marami Monopoly OO Isa Wala Marami Monopsony Wala Marami OO Isa
  • 49. Gawain 2: Pabili o Patawad Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon sa mga salitang nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PABILI kung TAMA ang mensahe at PATAWAD kung ito ay MALI. • 1.Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser. • 2.Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser at ang produkto. • 3.Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan na mag- supply. • 4.Sa pamamagitan ng pamilihan, nalalaman ang sistema ng ekonomiya. • 5.Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon. • 6.Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing produkto. • 7.Kapag mataas ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magbawas ng supply lalo na sa mga pangunahing uri ng produkto. • 8.Ang presyo ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa pamilihan. • 9.Kapag mababa ang presyo sa pamilihan ang konsyumer ay nagtataas ng kabuuang dami ng binibiling produkto. • 10.Ang kartel ay nangangahulugang alliances of consumers.
  • 50. Paglalapat Ano ang dalawang pangunahing estruktura ng pamilihan? Guro: Isa-isahin ang mga katangian ng bawat estruktura at uri ng pamilihan na nabibilang dito?
  • 51. Gawain3: StructuralMarket TallyBoard Mula sa teksong iyong nabasa ay punan mo ang mahahalagang datos o impormasyon na hinihingiang structural market tallyboard na nasa susunodna pahina. Estruktura ng pamilihan May Hawak ng kapangyarihan (Konsyumer o Prodyuser) Katangian ng presyo (Malaya o itinatakda) Mga Halimbawa ng produkto o Kompanya Pamprosesong Tanong 1. Alin sa mga estruktura ng pamilihan ang pabor sa konsyumer o prodyuser? 2. Sa anung estruktura ng pamilihan ka nahirapang mag-isip ng halimbawa ng produkto o kompanya? Bakit?
  • 52. TAKDANGARALIN Gawain:4MARKETANALYSIS; VENNDIAGRAM Panuto:Mataposmongmabasaangmgateksto,ngayonaypaghambinginmoangiba’tibang estrukturangpamilihansapamamagitanngpaglalagaysaVennDiagramngpagkakaparehoat pagkakaibangkatangianngbawatestruktura.Gamitinggabayanghalimbawangnasasusunodna pahinaatsagutinangmgapamprosesongtanongupangmapunanmonangwastoangdayagram. Pamprosesong Tanong 1.Anong dalawang estruktura ng pamilihan ang iyong pinaghambing? 2.Ano-ano ang katangian na magkatulad ang dalawang estruktura na iyong pinaghambing? 3.Sa ano-anong mga katangian naman sila nagkaroon ng pagkakaiba? 4.Ano ang iyong pananaw sa dalawang estruktura ng pamilihan bilang isang konsyumer?
  • 53. • Sa iyong palagay, anong uri ng pamilihan ang nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga mamimili. Ipaliwanag ang inyong sagot. PAGPAPAHALAGA
  • 54. References: • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI • Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI • Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI