SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 25
10 |M o d y u l I I : W i k a
Mayroon ka bang mga katanungan sa iyong sarili ukol sa kahulugan ng wika? Iniisip
mo rin ba na hindi lamang kahulugan ng wika ang mayroon dito, ito rin ay mayroong
sumusunod: katangian ng wika, teorya ng pinagmulan ng wika, kahalagahan ng wika, antas ng
wika at barayti ng wika. Malalaman mo lamang kung ano pa ang nakapaloob dito sa susunod
nating pag-aaralan.
Halina’t iyong basahin ang mga impormasyong tiyak kong iyong kapupulutan ng mga
bagong kaalaman na daragdag sa iyong isipan.
Wika. Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin na Lengua na ang literal na
kahulugan ay “dila.” Ito ay mayroong 3000-6000 wika sa buong daigdig subalit 400 lamang sa
ating bansa. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo
o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
Ilan sa mga taong nagbigay pakahulugan ukol sa Wika:
Webster. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan
ng mga pasulat at pasalitang simbolo.
MODYUL IIWika
Alam mo ba?
Tinatayang mayroon
tayong mahigit na
6,000 wika sa daigdig.
Ang 230 na wikain ay
sinasalita sa Europeo
samantalang 2,197 ang
sinasalita sa Asya at
ang iba ay nagkalat sa
ib a’t ibang parte ng
mundo.
(Ayon kay
Constantino)
11 | M o d y u l I I : W i k a
Hill. Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng pansimbulikong gawain.
Gleason. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit sa mga taong kabilang sa iyong kultura.
Whitehead. Isang edukador at pilosopong Ingles: Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng
lipunang lumikha nito. Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
Constantino. Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang
instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.
San Buenaventura(1985). “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat, isang
kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat yaman ng mga
tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t
kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka
at katiyakan ng isang bansa.
Chomsky. Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na
abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.
Hymes. Ang wika ay nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa Sistema ang wika na
nakikipaginteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng
grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.
Dr. Jose Villa Panganiban. Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin
sa pamamagitan ng mga salita upang makipagunawaan sa kapwa tao.
John Locke. Ang wika ay arbitraryong walang kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pag-
iisip ng tao.
Sa mga taong nagbigay pakahulugan sa wika, naisip mo ba na magkakaiba man ang
kahulugan nito subalit iisa lamang ang hangarin nito ito ay ating mahalin, tangkilikin at higit sa
lahat ito’y dapat nating ipagmalaki. Sapagkat ito ang nagbubuklod at nagbibigay pagkakakilanlan
sa bawat bansa. Ito ay nakabatay sa ating kultura at kasabay ng ating pag-unlad ay ang pagbabago
nito.
Gawain I.
Mula sa iyong nabasa, alam ko na ikaw ay may natutunan upang malaman ko kung
talagang may tumatak sa iyong isipan. Narito ang isang gawain na iyong sasagutan.
Handa ka na ba?
Simulan mo na!
12 |M o d y u l I I : W i k a
Panuto: Isaayos ang mga titik sa loob ng panaklong upang makuha ang tamang kasagutan
mula sa aking mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1. Ito ay hango sa salitang latin na lengua na ang kahulugan ay dila. (IKWA)
2. Ayon sa kanya ang wika ay isang prosesong mental. (SOCYKMH)
3. WIka ay pinakaelaboreyt at pangunahin sa anyo ng pansimbulikong gawain. (ILHL)
4. Nagsabi na ang wika ay ay isang buhay. (MHSEY)
5. Ayon sa kanya ang wika ay arbitraryong walang kahulugan. (OHNJ CKLEO)
6. Sinasabi niya na ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. (ANS
ABARTUENUENV)
7. Siya ay isang edukador at pilosopong ingles. (EETHIWADH)
8. Ayon sa kanya ang wika ay Sistema ng komunikasyon na pasulat at pasalitang simbolo.
(SBWERET)
13 |M o d y u l I I : W i k a
9. Nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili.
(AGELNOS)
10. Ayon sa kanya ang wika ay maituturing na paraan ng pagpapahayag ng damdamin.
(ONITSNOCANT)
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng
Sariling Linangan Kit na ito.
Gawain II. Tiyak ako na napakahusay mo sa pagsagot ng unang gawain upang mas mahasa pa
ang iyong kaisipan ito ang susunod mong gagawin.
Panuto. Sumulat ng isang sanaysay kung paano dapat nating pangalagaan ang ating wika.
Isulat ito sa loob ng kahon.
Alam kong marami kang natutunan mula sa mga impormasyong aking inilaan.
Nakakasiguro ako na ito ay tumatak sa iyong isipan. Masasabi ko na ikaw ay parang Wika sapagkat
ang nakuha mong mga kaalaman kailanman ay ‘di mo malilimutan bagkus ito ay tatatak sa iyong
murang isipan. Ngayon ay iyo namang pag-aralan kung saan naman nagmula ang wika.
14 |M o d y u l I I : W i k a
Aralin 1: Simu - simula ng Wika
A. Ano-ano ang mga Tiyak na Matutunan mo?
Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan.
a. Nababatid ang mga ibat’t ibang klase ng teorya ng wika.
b. Nabibigyan ng kahulugan ang mga teoryang napag –aralan at;
c. Nakakagawa ng sariling halimbawa ng bawat teorya ng wika.
B. Anu-ano na ang Tiyak na alam mo?
Matapos mong malaman ang kahulugan ng wika. Nararapat lamang na mabatid mo ang
mga teorya ng wika upang lalo mo itong maunawaan. May iba’t ibang Teorya ng Wika, nais ko
na malaman mo ito upang ikaw ay makabuo ng isang maganda at maayos na pagsasalin. Halina’t
iyong basahin at unawain. Sa paksang ito, tutuklasin natin ang iba’t ibang teorya ng wika na mga
basehan kung saan nagsimula ang wika. Pero bago natin sila kilalanin, ano ba ang teorya?
Teorya – ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang batayan pero hanggang ngayon di pa
napapatunayan ng lubos
MGA TEORYA NG WIKA
1. TEORYANG BOW-W0W- ito ay mga tunog na nilikha ng mga hayop.
Halimbawa: ungol at salita ng mga hayop tulad ng: Pusa- ngiyaw-ngiyaw, Aso- aw-
aw-aw
2. TEORYANG DING-DONG- ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran.
Halimbawa: mga simbolo ng pag-ibig doon
3. TEORYANG POOH-POOH- ang paggamit ng bibig na bumubuo ng mga tunog na galing sa
mga emosyon.
Halimbawa: takot- naku, tuwa-yehey, sakit-aray
4. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- ang wika ay galing sa mga tunog na nilikha galing
sa mga ritwal.
Halimbawa: pakikidigma at pag-aani (-da-da-da-, bum-bum)
5. TEORYANG SING-SONG- ang wika ay galing sa musika.
6. TEORYANG BIBLIKAL- Genesis 11:1 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at
iisang mga salita.
Halimbawa: “Lungsod ng Babel”
15 | M o d y u l I I : W i k a
7. TEORYANG YOO-HE YO- natuto ang mga taong magsalita dahil sa kanyang puwersang
pisikal.
Halimbawa: pagkarate- ya-ya-ya, pagsuntok- o-o-p-s, ug-ug
8. TEORYANG TA-TA- nangangahulugan itong paalam.
Halimbawa: Pagkumpas at galaw ng kamay na nangangahulugang paalam
9. TEORYANG MAMA- unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother.
Halimbawa: mama, wiwi
10. TEORYANG HEY YOU! - ito ay mula sa linggwistang si Revesz. Nagmula ang wika sa mga
tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (ako) (tayo)
11. TEORYANG COO-COO- tinutukoy nito sa mga tunog na nilikha ng mga sanggol na
ginagaya ng mga matatanda.
12. TEORYANG BABBLE LUCKY- nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng
mga tao.
13. TEORYANG HOCUS POCUS- nanggaling ang wika sa tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyon ng mga ninuno.
14. TEORYANG EUREKA - ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Matapos mong basahin kung ano ang teorya at ang iba’t ibang teorya ng wika na inihanda
ko. Masasagot mo na siguro ang inihanda kong gawain para sa iyo.
Handa ka na ba?
Alam mo ba ang mga ito?
Gawain I:
Kung iyong nauwaan ang mga paksa na iyong nabasa, sagutin mo ang mga pagsubok na inihanda
ko sa iyo kung gaano kalawak ang iyong pang-unawa.
Panuto: Ayusin ang mga letra na nakalagay sa kahon at alamin kung anong teorya ang
tinutukoy dito.
1. Teorya na nanggaling ang wika sa tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyon ng mga
ninuno?
O h U s C o c p s u
2. Teorya na unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother.
A M m a
16 | M o d y u l I I : W i k a
3. Teoryang mula sa linggwistang si Revesz.
Y H E o y u
4. Teorya na ang wika ay galing sa musika.
N S g I n o g s
5. Teorya na natuto ang taong magsalita dahil sa kanyang puwersang pisikal.
O Y o e h o y
6. Teorya na ang paggamit ng bibiga na bumubuo ng mga tunog na galing sa mga emosyon.
P O h O p h o o
7. Teorya na nangangahulugan itong paalam.
A T t a
8. Teorya na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at salita.
K L a B i l b i
9. Teorya na ang mga tunog ay niliha ng mga hayop.
O W B o w w
10. Ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran.
D N g I n g o d
Iwasto mo ang iyong sagot.gamitin mo ang Susi sa Pagwasto na nasa huling bahagi ng Sariling
Linangan Kit na ito.
1. Alamin mo….
Lubos mo ng naunawaan ang mga paksa na ating pinag-aralan. Bilang isang mag-aaral,
mahalagang matutunan mo ang mga teorya ng wika na maaari mong maging gabay.
17 |M o d y u l I I : W i k a
Subukin mong sagutin ang mga inihanda kong pagsubok kung gaano ka kagaling sa paksang
ito.
Gawain II:
Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teorya ang mga halimbawa sa bawat bilang.
________________1. langit-ngit ng kawayan.
________________2. Unang salita ng bata.”MAMA”
________________3. hango ito sa bibliya ‘’Tore ni Babel’’
________________4. tuwa”yehey”
________________5. Simbolo ng pag-ibig
________________6. kumpas at galaw ng kamay
________________7. pagkarate”Ya-ya-ya”
________________8. pakikidigma at pag-aani(da-da-da-bum-bum)
________________9. aso(aw-aw-aw)pusa(ngiyaw)
________________10. palakpak,padyak
Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwasto na nasa huling bahagi ng
Sariling Linangan Kit na ito.
2. Lagumin Mo
Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinasagawa sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.
Panuto: Isulat sa mga kahon ang pagkakasunod sunod ng mga teorya ng wika.
2.
12.
8.
3. 4. 5.
13. 14.
9.7.
10. 11.
6.
1.
18 |M o d y u l I I : W i k a
Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi
sa pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito upang malaman kung ilan
ang nakuha mong iskor.
3. Subukin Mo
Panuto: Punuan ng wastong sagot ang bawat patlang. Piliin sa kahon ng mga salita ang iyong
sagot.
Teorya teoryang ding-dong wika Revesz
Bow-wow ritwal teoryang coo-coo
Teoryang biblikal musika paalam mama
1. Ang teoryang __________ay mga tunog na nilikha ng mga hayop.
2. Ang wika ay galing sa _____________.
3. Ang Teoryang Tata ay nangangahulugang____________.
4. Unang sinabi ng sanggol “_________” dahil hindi niya masabi ang salitang mother.
5. Ang___________ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran.
6. Ang ________ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang batayan pero hanggang ngayon
di pa napapatunayan ng lubos.
7. Ang teoryang Ta-ra-ra-Boom De ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga_________.
8. Tinutukoy nito sa mga tunog na nilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga
matatanda___________.
9. Ang Teoryang Hey you! ay mula sa linggwistang si__________.
10. Nagmula ang______ sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao.
4. Paunlarin Mo
Tama ba lahat ng iyong kasagutan? Nangangahulugan lamang n’yan na alam mo na ang
mga iba’t ibang teorya ng wika. Dahil lubos mo nang nauunawaan ang araling ating pinag-aralan.
Maaari mo ng pag-aralan ang susunod na aralin.
Aralin 2: Katangian ng Wika
A. Ano-ano Ang Mga Tiyak Na Matututunan Mo?
Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan:
19 |M o d y u l I I : W i k a
1. Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng wika.
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang kahulugan ng katangian ng wika.
3. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang katangian ng wika.
B. Ano-ano na ang Tiyak na Alam Mo?
Matapos mong malaman sa Aralin 1 ang pinagmulan ng wika, nararapat lamang na mabatid
mo ang mga katangiang tinataglay ng wika.
May ideya ka na ba? Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na
kalawak ang iyong kaalaman sa paksang ito.
Panuto: Buuin ang akronim ng salitang WIKA batay sa iyong napag-aralan.
C. Mga Gawain sa Pagkatuto
1. Alamin Mo…..
Bilang isang indibidwal na gumagamit ng wika, mahalagang malaman mo at matutunan na
hindi lamang basta salita ang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon, ang wika
ay may iba’t iba ding katangiang tinataglay.
Alam mo ba kung ano-ano ang mga katangian ng wika?
Subukin mong sagutin ang inihanda kong pagsubok upang malaman kung gaano na kalalim
ang kaalaman mo dito.
Simulan mo na!
Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (✖) kung
ito nama’y mali.
_______ 1. Ang wika ay may taglay na katangian kung kaya nananatili ito at ‘di nagbabago.
_______ 2. Ang wika ay may tunog.
_______ 3. Ang wika ay mahirap intindihin.
_______ 4. Ang mga wika ay magkakaiba para hindi magkaintindihan.
_______ 5. Ang wika ay arbitaryo.
W
I
K
A
20 |M o d y u l I I : W i k a
Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng
Sariling Linangan Kit na ito.
Makatutulong ang mga gawaing inihanda ko upang lalong malinang ang iyong pag-unawa
sa paksang pag-aaralan.
Handa ka na bang magsimula?
Mga Katangiang Tinataglay ng Wika
Mahalagang maunawaan ng bawat mag-aaral ang lahat ng tala at impormasyon tungkol
sa Wika, hindi lamang upang mapag-ibayo ang kaalaman kundi mapayabong din ang damdamin
ng pagmamalaki sa mga pagkakakilanlan natin bilang Pilipino.
Alam mo na ba ang mga katangian ng wika? Basahin mo ang inilahad kong paliwanag
upang lalong maging malinaw ito sa iyo.
Batid kong naunawaan mo ang iyong binasa. Ngayon ay nais kong sagutan mo ang mga
gawaing inihanda ko para sa iyo upang malaman ko kung gaano mong naunawaan ang iyong
binasa.
Narito ang mga katangiang tinataglay ng wika.
A. Masistemang Balangkas. Ito ay masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay
makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks)
upang makabuo ng pangungusap. Ang mga pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
B. Arbitaryo. Ang wika ay natututunan sa isang lipunan. Samakatuwid, hindi matututo ng
wika ang tao kung hindi siya makikihalubilo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga
gumagamit nito, kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o
pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang
pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.
C. Sinasalitang Tunog. Ang wika ay hindi maituturing na wika kung hindi ipinamamahagi.
Ito ay dumadaan mula sa isip ng tao patungo sa artikulador at resonador na siyang nag-
aamplify ng tunog.
D. Nagbabago. Ang wika ay dinamiko, patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabubuo sa lipunan.
E. Kabuhol ng Kultura. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit
nito na kabilang sa lipunang may umiiral na kultura. Maraming salita na hindi maisalin
sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon napipilitang
humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita ng kulturang
patutunguhan.
F. Kakanyahan. Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang wika.
G. Buhay na Anyo o Uri ng Komunikasyon. Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy itong
ginagamit ng bawat tao sa komunikasyon.
21 |M o d y u l I I : W i k a
Handa ka na ba?
Madali lamang ito. Simulan mo na!
Gawain I:
Panuto: Sumulat ng tatlong tiyak na interpretasyon ukol sa bawat salita na nasa ibaba.
1. Bomba 2. Bahaghari
___________________________ ______________________________
___________________________ ______________________________
___________________________ ______________________________
3. Ilaw 4. Susi
___________________________ ______________________________
___________________________ ______________________________
___________________________ ______________________________
5. Baboy
___________________________
___________________________
___________________________
Tapos ka na ba? Huwag kang mag-alala dahil lahat ng iyong sagot ay tama. Sapagkat ang
wika ay nagbabago at buhay ay nagkakaroon tayo ng kanya-kanya at pabago-bagong
interpretasyon dito.
Gawain II:
Panuto: Bumuo ng isang pangungusap batay sa mga salitang nakalahad sa ibaba. Maaaring
magdagdag ng salita.
1. nag-aaral eksamin Sarra mabuti makapasa
2. maaga Aeiden gumising magsimba
3. aso hinahabol mabilis Carol tumakbo
22 |M o d y u l I I : W i k a
4. boses biniyayaan Becky magandang
5. kahapon bisekleta Nanay niregaluhan Buboy
Aralin 3: Kahalagahan ng Wika
A. Ano-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo?
Matapos mapag-aralan ang araling ito inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Natutukoy ang ibat ibang kahalagahan ng wika.
2. Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa pahayag na may kaugnayan sa paksa.
3. Nakasusulat ng maaring maging bunga kung hindi wasto ang paggamit ng wika.
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
1. Alamin Mo...
Sa nakaraang modyul inilahad ang mga Katangian ng Wika. Ngayon, ay dumako naman
tayo sa Kahalagahan ng Wika.
2. Basahin mo...
KAHALAGAHAN NG WIKA
✔ Instrumento ng Komunikasyon ➡ Hindi mahalaga ang mataas ang kaalaman sa wika, sapat
na ang nagkakaintindihan gamit ang wika.
✔ Nagbubuklod ng bansa ➡ Wika ang naging dahilan upan magkaisa ang mga tao, umuunlad
at makamit ang kalayaan.
Mahusay!Nataposmolahat nanggawainna inihanda kopara saiyo. Iwastomo angiyong
sagotgamitangSusisaPagwawastonanasahulingbahaging SarilingLinanganKitnaito.Alamkong
madamikangnatutunansakaalamanginilaanko. Ngayonaymaaarikanangdumakosasusunodna
paksangpag-aaralanmo.
23 |M o d y u l I I : W i k a
✔ Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman ➡ paglalakbay, pagsasalin, pagtatala at
midyum ng karunungan.
✔ Lumilinang ng malikhaing pag-iisip ➡ Nagpapalawak ng ating imahinasyon.pagpapakita
ng emosyon at leybel ng wika.
Binasa mo bang mabuti? Nauunawaan mo ba ang mga detalye na nakapaloob?
Kung naunawaan mo ang mga nakapaloob, sagutan ang mga pagsasanay. Madali rin ang
mga ito. Simulan mo na!
3. Linangin mo...
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng (✔) tsek kung tama ang mga pahayag at (✖)
ekis kung itoy mali.
___1. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan.
___2. Ang wika ay nagagamit sa pakikipag-ugnayan, katulad ng pakikipagkalakalan sa
diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng mga kaalaman.
___3. Hindi mahalaga ang wika sa tao.
___4. Ang wika ang pinakapangunahing kailangan upang maipahayag natin ang damdamin,
saloobin at kaisipan.
___5. Ang wika ang susi sa pag-unlad.
___6. Ang wika ay hindi nakakatulong sa sosyal, sa pang-ekonomiya at pulitikal na pag-unlad ng
bansa.
___7. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyong ginagamit ng malaking bilang ng tao.
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling
Linangan Kit na ito.
Gamitin ang estratehiyang TAC (THINK ABOUT CONSEQUENCES) sa susunod na
pagsasanay.
Gawain I:
Panuto: Sabihin kung ano ang mangyayari kung sakaling:
a. Walang tiyak na wikang ginagamit ang mga tao.
b. Hindi wasto ang wikang ginagamit sa pakikipag-usap.
c. Hindi sapat ang kaalaman sa paggamit ng wika.
24 |M o d y u l I I : W i k a
d. Wala tayong wika.
Isa pang gawain ang inihanda ko sa iyo. Gamitin ang Graphic Organizer.
Gawain II:
Panuto: Suriin at pag-aralan ang kahalagahan ng wika para saiyo ano ang maaaring maging
bunga kong hindi wasto ang paggamit ng wika.
4. Palalimin mo...
Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.
Hindi na nabibigyang importansya ang wikang Filipino at hindi na ginagalang sapagkat
maraming umuusbong na salita halimbawa na rito ang mga balbal na salita na natutunan sa labas
o kalye. Lagyan ng ✔ ang maaari mong gawin at ✖ ang di mo gagawin.
_____1. Pag may kausap na nakakataas na uri ng tao gumamit ng wastong wika na naaayon sa
pag-uusap.
_____2. Gumamit ng balbal na salita sa pakikipag-usap sa nakakatanda.
_____3. Huwag ugaliing gumamit ng balbal na salita sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
_____4. Gamitin ang mga natututunang salitang balbal kapag nakikipagkwentuhan.
5. Gamitin mo...
Magbigay ng iyong sariling mungkahi upang mas lalong pahalagahan ng bawat tao ang ating
sariling wika.
Hindi Wastong
Paggamit ng
Wika
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
25 |M o d y u l I I : W i k a
Aralin 4: Antas ng Wika
A. Ano-ano ang Tiyak na Matutunan Mo?
Matapos mapag-aralan ang araling ito inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Natutukoy ang iba't ibang Antas ng Wika.
2. Nakababatid ng wastong gamit ng balbal sa isang awitin at natutukoy ang proseso kung
paaano ito nabuo.
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa na nauugnay sa wastong antas ng wika ang salitang
ginamit at nauugnay sa hinihinging pagsasanay.
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
1. Alamin mo...
Sa nakaraang modyul inilalahad ang mga kahalagahan ng wika. Ngayon tingnan natin kung
lubos mo itong naintindihan.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod at piliin sa kahon kung anong kahalagahan ng wika
ito. Isulat ang sagot sa patlang na nasa ibaba ng tanong.
Simulan mo na!Instrumento ng Komunikasyon
Nagbubuklod ng bansa
Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
Lumilinang ng malikhaing pag iisip
Mahusay! Natapos mo lahat nang gawain na inihanda ko para sa iyo. Iwasto mo ang iyong sagot gamit
angSusi saPagwawasto nanasa hulingbahagi ngSarilingLinangan Kitnaito.Alamkongmadami kangnatutunan
sapaksang ito.Ngayonaymaaari kanang dumako sasusunodna paksang pag-aaralan mo.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________
26 |M o d y u l I I : W i k a
1. Ito ay paglalakbay, pagsasalin, pagtatala at midyum na karunungan.
_______________________________________
2. Hindi mahalaga ang mataas na kalaaman sa wika, sapat na ang nagkakaintindihan gamit ang
wika. ___________________________________________
3. Wika ang dahilan upang magkaisa ang mga tao, umuunlad at makamit ang kalayaan.
___________________________________________
4. Nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika.
___________________________________________________
Napakabilis mong matapos at dahil dyan alam kong nangangahulugan lamang ito na
talagang nauunawaan mo ang paksang tinalakay ngayong araw.
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling
Linangan Kit na ito. Tama ba ang lahat ng iyong kasagutan? Kung ganon ako ay humahanga sa
iyo. Tandaan mo ang iyong mga kasagutan at paghandaan mo ang iyong babasahin. Handa kana
ba? Maari ka nang magsimula.
2. Tukuyin
Kung magiging mapanuri at mag-oobserba ka sa usapan ng mag tao, mapapansin mong
nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit depende sa lugar, okasyon, panahon,
gayundin sa taong kausap. Halimbawa, kapag may mga nakasalubong ka sa umaga ay maaaring
magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan sa pagbati mo depende kung sino ang babatiin mo.
Halimbawa, kung ang prinsipal ninyo ang nasalubong mo ay tiyak na pormal na "Magandang
umaga po" ang sasabihin mo. Magbabago ito kung kaibigang matalik o BFF mo na ang
makasasalubong mo. Maaaring maging "Kumusta,'Tol!" o kaya'y "Uy, Pre!" na may kasamang
pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo. Halika, higit mo pang kilalanin ang mga antas ng
wika batay sa Impormal at Pormal.
Mga Salitang Impormal o Di Pormal - mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-
usap sa mga kakilala o kaibigang. Ito ay nauuri sa tatlo:
1. Balbal (Slang) ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya't madalas
na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang ang mga salitang ito sa di pormal
na uri ng salita kaya't karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.
Halimbawa:
bagets - kabataan lespu - pulis
charing - biro nenok -nakaw
27 |M o d y u l I I : W i k a
datung - pera sikyo - guwardiya
ermat - nanay utol - kapatid
erpat - tatay yosi - sigarilyo
2. Kolokyal (Colloquial) ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas
na ito.
Halimbawa:
aywan - ewan naroon - naron
nasaan - nasan mayroon - meron
3. Lalawiganin (Provincialism) ito ay mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na
pinaggagamitan.
Halimbawa:
Ditse - Ate Talukbong - pandong
Sangko - kuya Bahay - balay
pasanin - problema
Mga Salitang Pormal - ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Ito ay nauuri sa dalawa:
Pampanitikan - ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at
masining.
Halimbawa:
Pambansa Pampanitikan
Ina Ilaw ng tahanan
Baliw Nasisiraan ng bait
Magnanakaw Malikot ang kamay
Kaibigan Katoto
Baraha Barah
Maharot Magaso
Pambansa - ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga
paaralan.
Halimbawa: Ina, baliw, magnanakaw, kaibigan, baraha, larawan
28 |M o d y u l I I : W i k a
Alam kong lubos mo nang naunawaan ang iba't ibang antas ng wika kaya mayroon akong
ipapagawa sayo ng mga pagsasanay na iyong sasagutan.
Handa ka na ba?
Simulan mo na!
Gawain I:
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa at
pampanitikan na ginamit sa pangungusap sa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang titik ng sagot
at saka isulat sa linya.
Hanay A Hanay B
____________1. Si erpat ang susundo sa akin mamaya. a. problema
____________2. Doon tayo malapit sa sikyo upang maging b. kaibigan
ligtas sa mga taong masasama. c. tatay
____________3. Ang ilaw ng tahanan ay mapagmahal d. ina
at maalaga. e. guwardiya
____________4. Sa buhay ay sadbang nakadaranas ng mga f. pera
pasanin. g. baliw
____________5. Ang katoto ko ay mabait, matulungin at h. kabataan
mapagmahal. i. pandong
____________6. Humingi ng datung si bunso kay tatay. j. biro
____________7. Lubos akong nalungkot sapagkat nasisiraan
ng bait ang isa sa aking kaibigan.
____________8. Mahalaga ang talukbong ngayong tag-ulan.
____________9. Mahalaga ang gampanin ng mga bagets sa
isang pamayanan.
____________10. Ang aking nanay ay mahilig magcharing sa aming magkakapatid.
Madali mo bang natapos ang iyong gawain? Iwasto mo ang iyong gawa gamit ang Susi
ng Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito.
SUBUKAN PA NATIN
Subukan mo namang sagutan ang isa pang gawaing inihanda ko para sayo.
Simulan mo na!
29 |M o d y u l I I : W i k a
Gawain II:
Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap. Kilalanin at isulat sa patlang
kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa at pampanitikan.
_____________1. Kay ermat ako humingi ng pambaon kanina.
_____________2. Kailanman, ako ay di natutong maglaro ng baraha.
_____________3. Lubos kong pinagkakatiwalaan ang aking katotong si Ana.
_____________4. Ang balay namin ay maganda at malinis pagmasdan.
_____________5. Naron ang aking mga magulang sa ibang bansa upang magtrabaho.
_____________6. Maraming lispu sa aming Lugar.
_____________7. Lagi kong itinatago ang larawang ito ng aking ina.
_____________8. Ang mga batang babae ay di dapat magaso kumilos.
_____________9. Nariyan na ang aking anak, ni hindi pa ako nakakapaghanda.
_____________10. Halos magtatatlong taon na kaming magkakasama ng aking erpat, simula ng
iniwanan niya kami.
Aralin 5: Barayti ng Wika
A. Ano-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo?
Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan.
1. Naiisa-isa ang mga uri ng Barayti ng Wika.
2. Natutukoy kung anong barayti ng wika ang salita o pahayag na mababasa.
3. Nakapagbibigay ng halimbawa sa iba’t ibang barayti ng wika.
Mahusay! Natapos mo lahat nang gawain na inihanda ko para sa iyo. Iwasto mo ang iyong sagot gamit
angSusi saPagwawasto nanasa hulingbahagi ngSarilingLinangan Kitnaito.Alamkongmadami kangnatutunan
sapaksang ito.Ngayonaymaaari kanang dumako sasusunodna paksang pag-aaralan mo.
30 |M o d y u l I I : W i k a
B. Ano-ano ang mga Tiyak na Alam Mo?
Matapos mong mabatid sa Aralin 4 ang mga Antas ng Wika. Nararapat lamang na mabatid
mo ang mga Barayti ng Wika at ang iba’t ibang uri nito upang malaman mo ang kaibahan ng Wika
depende sa lugar na iyong kinabibilangan.
Alam mo ba ang mga ito?
Sagutin mo ang mga pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak ang
iyong kaalaman sa paksang ito.
Gawain I:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita o parirala kung anong uri ito ng Barayti ng
Wika. Piliin ang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.
________________1. Mama, Papa
________________2. Mahal kita sa Tagalog, Dili ko sabot sa Cebuano
________________3. Mi nombre
________________4. Kalipay – saya, tawa, kasiya
________________5. Jejemon, Kain na u, wer na u?
________________6. ‘Te Meg, shat ‘ta?
________________7. Magandang gabi, Bayan.
________________8. Ako punta banyo
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng
Sariling Linangan Kit na ito.
C. Mga Gawain sa Pagkatuto
I. Alamin Mo….
Bilang isang nagsasalita o gumagamit ng Wika, mahalagang malaman mo at matutunan
ang kahulugan at iba’t ibang uri ng Barayti ng Wika na maaari mong magamit upang lalong
makilala ang tawag sa wikang iyong naririnig o maririnig pa lamang nang walang kalituha ng
magaganap.
Mahalagang maunawaan ng mag-aaral ang lahat ng impormasyon tungkol sa wika, hindi
lamang upang mapag-ibayo ang kaalaman kundi mapayabong din ang damdamin ng pagmamalaki
sa mga pagkakakilanlan natin bilang Pilipino.
Idyolek Etnolek Ekolek Dayalek Pidgin
Register Sosyolek Creole
31 |M o d y u l I I : W i k a
Alam mo ba ang Barayti ng Wika at ang walong uri nito? Basahin mo ang inilahad kong
paliwanag upang lalong maging malinaw ito sa iyo.
Narito ang mga uri ng Barayti ng Wika.
1. Idyolek- ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay
may istilo sa pamamahayag o pananalita.
Halimbawa
 “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
 “Hindi ka naming tatantanan” – Mike Enriquez
2. Dayalek- ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikong kinaroroonan. Ang barayti na ito ay
ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirahan.
Halimbawa
 Tagalog – “Mahal kita”
 Bikolano – “namumutan ta ka”
 Hiligaynon – “langga ta gd ka”
3. Sosyolek- uri ng barayti na pansamntala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo.
Halimbawa
 Te meg, shat ta? – (Pare, mag-inuman tayo?)
 Oh my God! It’s so mainit naman dito – ( Naku, ang init naman ditto)
4. Etnolek- ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga ng iba’t
ibang rtnolek dahil sa maraming mga pangkat etniko.
Halimbawa
 Palangga- Sinisinta, Minamahal
 Kalipay- saya, tuwa, kasiya
 Bulamin- pagkahugis ng buo ng buwan
5. Ekolek – ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan.
Halimbawa
 Palikuran – banyo o kubeta
 Papa – ama/tatay
 Mama – ina/nanay
6. Pidgin- wala itong pormal na estrktura at tinatawag ding “lenggwahe ng wala ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
32 |M o d y u l I I : W i k a
Halimbawa
 Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo
 Sali ako laro ulan – sasali ako maglaro sa ulan
7. Creole- ito ay pinaghalo-haong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa
nagging personal na wika.
Halimbawa
 Mi nombre- Ano pangalan ko
 Yu ting yu man, a? – akala mo espesyal ka o ano?
8. Register- ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain.
Halimbawa
 Jejemon
 Binaliktad
 Pinaiksi sa teks
Gawain II:
Alam mo ba na may mga pagkakakilanlan ang mga Wika?
Subukin mong sagutin ang inihanda kong pagsubok upang malaman kung gaano ka
kagaling sa paksang ito.
Handa ka na ba?
Simulan mo na!
Panuto: Isulat ang (✔) kung tama ang pahayag at (✖) kung mali.
______1. Ang dayalek ay ginagamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o lalawigang
tinitirhan.
______2. Ang ekolek ang wikang sinasalita sa bahay.
______3. Ang creole ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar.
______4. Ang register ay nakadepende sa larangan, modo, at tenor ayon sa relasyon sa kausap.
______5. Ang etnolek ay mula sa salita ng mnga etnolongwistang grupo.
______6. Ang idyolek ay istilo ng pamamahayag at pananalita ng bawat isa.
______7. Ang pidgin ay ginagamit ng mga taong hindi lubhang bihasa sa isang wika.
______8. Ang sosyolek ay pansamantala lang at ginagamit sa isang particular na grupo.
33 |M o d y u l I I : W i k a
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.
Alam kong handang-handa ka na ngayon sa mga gawaing inihanda ko.
Gawain III. Gamit ang Iyong Tiyak na Wika
Upang matukoy mo kung ano ang mga wikang iyong nagagamit sa pang-araw-araw,
sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at gawin ito sa paraang pasalaysay.
1. Paano ka nakikipag-usap sa iyong kaibigan, ano ang madalas na wika na iyong ginagamit?
2. Ano ang wikang lagi mong nababanggit na naging pagkakakilanlan sa iyo ng iyong pamilya o
mga kaibigan?
3. Ano ang sinasabi mo kapag ikaw ay nasasaktan?
4. Paano ka nakikipag-usap sa isang Amerikano o sa mga taong hindi bihasa sa kanilang wika?
5. Magbigay ng karaniwang usapan ninyo sa inyong bahay.
Matapos mong sagutin ang mga katanungan ay tiyak kong masasagot mo na ang inihanda
kong gawain para sayo.
Gawain IV:
Panuto: Magbigay ng limang halimbawa sa 8 barayti ng wika na madalas mong ginagamit
o naririnig.
Idyolek Register Dayalek Sosyolek Etnolek Pidgin Creole
1. 1. 1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5. 5. 5. 5.
34 |M o d y u l I I : W i k a
Gawain V. Lugar na Kinabibilangan ng Salita o Parirala
Iba’t iba ang wika, kahulugan at bigkas nito depende sa lugar na kinabibilangan ng salita.
Nais kong sagutan mo ang gawaing inihanda ko upang mas mapaunlad ang iyong kaalaman
sa paksang ito.
Simulan mo na!
Panuto: Tukuyin kung saang lugar nabibilang ang wika o salita.
_________1. Where are you?
_________2. “Namumutan ta ka”
_________3. Mahal kita
_________4. “Langga ta gd ka”
_________5. Masaya ako!
_________6. “Dili ko sabot”
Banyaga Cebuano
Tagalog Ilokano
Bikolano Hiligaynon
Mahusay! Nataposmolahatnang gawainna inihandakopara saiyo.Iwasto moangiyong sagotgamitang
Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ngSariling Linangan Kitna ito.Batidkong madami kang natutunansa
mga kaalamang inilaan ko para sa iyo. Nawa ay marami akong naitulong sa pagpapaunlad mo ng kaalaman sa
Wika.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxIBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
chelsiejadebuan
 
Mga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplina
Mga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplinaMga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplina
Mga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplina
JessiePedalino2
 

Was ist angesagt? (20)

Maanyo o Pormal na Sanaysay
Maanyo o Pormal na SanaysayMaanyo o Pormal na Sanaysay
Maanyo o Pormal na Sanaysay
 
Artikulo
ArtikuloArtikulo
Artikulo
 
Ugnayan ng wika sa tao
Ugnayan ng wika sa taoUgnayan ng wika sa tao
Ugnayan ng wika sa tao
 
Talata
TalataTalata
Talata
 
Tula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nitoTula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nito
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docx
 
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxIBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
Banghay Aralin sa Filipino 1: KomunikasyonBanghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
 
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOSUnang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
Aralin 1- ISANG PUNONG KAHOY.pptx
Aralin 1- ISANG PUNONG KAHOY.pptxAralin 1- ISANG PUNONG KAHOY.pptx
Aralin 1- ISANG PUNONG KAHOY.pptx
 
Mga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplina
Mga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplinaMga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplina
Mga Hakbang sa Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa iba't ibang disiplina
 
Kontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliKontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagli
 
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptxPONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
 
Mga Panlaping Makauri
Mga Panlaping MakauriMga Panlaping Makauri
Mga Panlaping Makauri
 
Debate ppt
Debate pptDebate ppt
Debate ppt
 
Ang nobela
Ang nobelaAng nobela
Ang nobela
 

Ähnlich wie Modyul Wika

Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Lerma Sarmiento Roman
 
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
AngelitoDolutan
 

Ähnlich wie Modyul Wika (20)

Modyul-1.pptx
Modyul-1.pptxModyul-1.pptx
Modyul-1.pptx
 
PPT KOM ARALIN 1.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptxPPT KOM ARALIN 1.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptx
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
Konseptong Pangwika
Konseptong PangwikaKonseptong Pangwika
Konseptong Pangwika
 
wika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptxwika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptx
 
KOMPAN WEEK1.pptx
KOMPAN WEEK1.pptxKOMPAN WEEK1.pptx
KOMPAN WEEK1.pptx
 
Wika todo
Wika todoWika todo
Wika todo
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
WIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).pptWIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).ppt
 
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
 
Wika
WikaWika
Wika
 
WEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptx
WEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptxWEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptx
WEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptx
 
WEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptx
WEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptxWEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptx
WEEK 1-day 1-Konseptong Pangwika.pptx
 
Wika at linggwistiks
Wika at linggwistiksWika at linggwistiks
Wika at linggwistiks
 
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
001.-Yunit-1.1-Ang-Wika-at-Pakikipagtalastasan.pdf
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
 

Kürzlich hochgeladen

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 

Kürzlich hochgeladen (20)

POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 

Modyul Wika

  • 1. 10 |M o d y u l I I : W i k a Mayroon ka bang mga katanungan sa iyong sarili ukol sa kahulugan ng wika? Iniisip mo rin ba na hindi lamang kahulugan ng wika ang mayroon dito, ito rin ay mayroong sumusunod: katangian ng wika, teorya ng pinagmulan ng wika, kahalagahan ng wika, antas ng wika at barayti ng wika. Malalaman mo lamang kung ano pa ang nakapaloob dito sa susunod nating pag-aaralan. Halina’t iyong basahin ang mga impormasyong tiyak kong iyong kapupulutan ng mga bagong kaalaman na daragdag sa iyong isipan. Wika. Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin na Lengua na ang literal na kahulugan ay “dila.” Ito ay mayroong 3000-6000 wika sa buong daigdig subalit 400 lamang sa ating bansa. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat. Ilan sa mga taong nagbigay pakahulugan ukol sa Wika: Webster. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo. MODYUL IIWika Alam mo ba? Tinatayang mayroon tayong mahigit na 6,000 wika sa daigdig. Ang 230 na wikain ay sinasalita sa Europeo samantalang 2,197 ang sinasalita sa Asya at ang iba ay nagkalat sa ib a’t ibang parte ng mundo. (Ayon kay Constantino)
  • 2. 11 | M o d y u l I I : W i k a Hill. Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng pansimbulikong gawain. Gleason. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa mga taong kabilang sa iyong kultura. Whitehead. Isang edukador at pilosopong Ingles: Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi. Constantino. Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. San Buenaventura(1985). “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat, isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat yaman ng mga tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa. Chomsky. Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik. Hymes. Ang wika ay nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa Sistema ang wika na nakikipaginteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao. Dr. Jose Villa Panganiban. Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang makipagunawaan sa kapwa tao. John Locke. Ang wika ay arbitraryong walang kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pag- iisip ng tao. Sa mga taong nagbigay pakahulugan sa wika, naisip mo ba na magkakaiba man ang kahulugan nito subalit iisa lamang ang hangarin nito ito ay ating mahalin, tangkilikin at higit sa lahat ito’y dapat nating ipagmalaki. Sapagkat ito ang nagbubuklod at nagbibigay pagkakakilanlan sa bawat bansa. Ito ay nakabatay sa ating kultura at kasabay ng ating pag-unlad ay ang pagbabago nito. Gawain I. Mula sa iyong nabasa, alam ko na ikaw ay may natutunan upang malaman ko kung talagang may tumatak sa iyong isipan. Narito ang isang gawain na iyong sasagutan. Handa ka na ba? Simulan mo na!
  • 3. 12 |M o d y u l I I : W i k a Panuto: Isaayos ang mga titik sa loob ng panaklong upang makuha ang tamang kasagutan mula sa aking mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. 1. Ito ay hango sa salitang latin na lengua na ang kahulugan ay dila. (IKWA) 2. Ayon sa kanya ang wika ay isang prosesong mental. (SOCYKMH) 3. WIka ay pinakaelaboreyt at pangunahin sa anyo ng pansimbulikong gawain. (ILHL) 4. Nagsabi na ang wika ay ay isang buhay. (MHSEY) 5. Ayon sa kanya ang wika ay arbitraryong walang kahulugan. (OHNJ CKLEO) 6. Sinasabi niya na ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. (ANS ABARTUENUENV) 7. Siya ay isang edukador at pilosopong ingles. (EETHIWADH) 8. Ayon sa kanya ang wika ay Sistema ng komunikasyon na pasulat at pasalitang simbolo. (SBWERET)
  • 4. 13 |M o d y u l I I : W i k a 9. Nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili. (AGELNOS) 10. Ayon sa kanya ang wika ay maituturing na paraan ng pagpapahayag ng damdamin. (ONITSNOCANT) Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. Gawain II. Tiyak ako na napakahusay mo sa pagsagot ng unang gawain upang mas mahasa pa ang iyong kaisipan ito ang susunod mong gagawin. Panuto. Sumulat ng isang sanaysay kung paano dapat nating pangalagaan ang ating wika. Isulat ito sa loob ng kahon. Alam kong marami kang natutunan mula sa mga impormasyong aking inilaan. Nakakasiguro ako na ito ay tumatak sa iyong isipan. Masasabi ko na ikaw ay parang Wika sapagkat ang nakuha mong mga kaalaman kailanman ay ‘di mo malilimutan bagkus ito ay tatatak sa iyong murang isipan. Ngayon ay iyo namang pag-aralan kung saan naman nagmula ang wika.
  • 5. 14 |M o d y u l I I : W i k a Aralin 1: Simu - simula ng Wika A. Ano-ano ang mga Tiyak na Matutunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan. a. Nababatid ang mga ibat’t ibang klase ng teorya ng wika. b. Nabibigyan ng kahulugan ang mga teoryang napag –aralan at; c. Nakakagawa ng sariling halimbawa ng bawat teorya ng wika. B. Anu-ano na ang Tiyak na alam mo? Matapos mong malaman ang kahulugan ng wika. Nararapat lamang na mabatid mo ang mga teorya ng wika upang lalo mo itong maunawaan. May iba’t ibang Teorya ng Wika, nais ko na malaman mo ito upang ikaw ay makabuo ng isang maganda at maayos na pagsasalin. Halina’t iyong basahin at unawain. Sa paksang ito, tutuklasin natin ang iba’t ibang teorya ng wika na mga basehan kung saan nagsimula ang wika. Pero bago natin sila kilalanin, ano ba ang teorya? Teorya – ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang batayan pero hanggang ngayon di pa napapatunayan ng lubos MGA TEORYA NG WIKA 1. TEORYANG BOW-W0W- ito ay mga tunog na nilikha ng mga hayop. Halimbawa: ungol at salita ng mga hayop tulad ng: Pusa- ngiyaw-ngiyaw, Aso- aw- aw-aw 2. TEORYANG DING-DONG- ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran. Halimbawa: mga simbolo ng pag-ibig doon 3. TEORYANG POOH-POOH- ang paggamit ng bibig na bumubuo ng mga tunog na galing sa mga emosyon. Halimbawa: takot- naku, tuwa-yehey, sakit-aray 4. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- ang wika ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga ritwal. Halimbawa: pakikidigma at pag-aani (-da-da-da-, bum-bum) 5. TEORYANG SING-SONG- ang wika ay galing sa musika. 6. TEORYANG BIBLIKAL- Genesis 11:1 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita. Halimbawa: “Lungsod ng Babel”
  • 6. 15 | M o d y u l I I : W i k a 7. TEORYANG YOO-HE YO- natuto ang mga taong magsalita dahil sa kanyang puwersang pisikal. Halimbawa: pagkarate- ya-ya-ya, pagsuntok- o-o-p-s, ug-ug 8. TEORYANG TA-TA- nangangahulugan itong paalam. Halimbawa: Pagkumpas at galaw ng kamay na nangangahulugang paalam 9. TEORYANG MAMA- unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother. Halimbawa: mama, wiwi 10. TEORYANG HEY YOU! - ito ay mula sa linggwistang si Revesz. Nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (ako) (tayo) 11. TEORYANG COO-COO- tinutukoy nito sa mga tunog na nilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda. 12. TEORYANG BABBLE LUCKY- nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao. 13. TEORYANG HOCUS POCUS- nanggaling ang wika sa tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyon ng mga ninuno. 14. TEORYANG EUREKA - ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Matapos mong basahin kung ano ang teorya at ang iba’t ibang teorya ng wika na inihanda ko. Masasagot mo na siguro ang inihanda kong gawain para sa iyo. Handa ka na ba? Alam mo ba ang mga ito? Gawain I: Kung iyong nauwaan ang mga paksa na iyong nabasa, sagutin mo ang mga pagsubok na inihanda ko sa iyo kung gaano kalawak ang iyong pang-unawa. Panuto: Ayusin ang mga letra na nakalagay sa kahon at alamin kung anong teorya ang tinutukoy dito. 1. Teorya na nanggaling ang wika sa tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyon ng mga ninuno? O h U s C o c p s u 2. Teorya na unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother. A M m a
  • 7. 16 | M o d y u l I I : W i k a 3. Teoryang mula sa linggwistang si Revesz. Y H E o y u 4. Teorya na ang wika ay galing sa musika. N S g I n o g s 5. Teorya na natuto ang taong magsalita dahil sa kanyang puwersang pisikal. O Y o e h o y 6. Teorya na ang paggamit ng bibiga na bumubuo ng mga tunog na galing sa mga emosyon. P O h O p h o o 7. Teorya na nangangahulugan itong paalam. A T t a 8. Teorya na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at salita. K L a B i l b i 9. Teorya na ang mga tunog ay niliha ng mga hayop. O W B o w w 10. Ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran. D N g I n g o d Iwasto mo ang iyong sagot.gamitin mo ang Susi sa Pagwasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. 1. Alamin mo…. Lubos mo ng naunawaan ang mga paksa na ating pinag-aralan. Bilang isang mag-aaral, mahalagang matutunan mo ang mga teorya ng wika na maaari mong maging gabay.
  • 8. 17 |M o d y u l I I : W i k a Subukin mong sagutin ang mga inihanda kong pagsubok kung gaano ka kagaling sa paksang ito. Gawain II: Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teorya ang mga halimbawa sa bawat bilang. ________________1. langit-ngit ng kawayan. ________________2. Unang salita ng bata.”MAMA” ________________3. hango ito sa bibliya ‘’Tore ni Babel’’ ________________4. tuwa”yehey” ________________5. Simbolo ng pag-ibig ________________6. kumpas at galaw ng kamay ________________7. pagkarate”Ya-ya-ya” ________________8. pakikidigma at pag-aani(da-da-da-bum-bum) ________________9. aso(aw-aw-aw)pusa(ngiyaw) ________________10. palakpak,padyak Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. 2. Lagumin Mo Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinasagawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay. Panuto: Isulat sa mga kahon ang pagkakasunod sunod ng mga teorya ng wika. 2. 12. 8. 3. 4. 5. 13. 14. 9.7. 10. 11. 6. 1.
  • 9. 18 |M o d y u l I I : W i k a Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor. 3. Subukin Mo Panuto: Punuan ng wastong sagot ang bawat patlang. Piliin sa kahon ng mga salita ang iyong sagot. Teorya teoryang ding-dong wika Revesz Bow-wow ritwal teoryang coo-coo Teoryang biblikal musika paalam mama 1. Ang teoryang __________ay mga tunog na nilikha ng mga hayop. 2. Ang wika ay galing sa _____________. 3. Ang Teoryang Tata ay nangangahulugang____________. 4. Unang sinabi ng sanggol “_________” dahil hindi niya masabi ang salitang mother. 5. Ang___________ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran. 6. Ang ________ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang batayan pero hanggang ngayon di pa napapatunayan ng lubos. 7. Ang teoryang Ta-ra-ra-Boom De ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga_________. 8. Tinutukoy nito sa mga tunog na nilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda___________. 9. Ang Teoryang Hey you! ay mula sa linggwistang si__________. 10. Nagmula ang______ sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao. 4. Paunlarin Mo Tama ba lahat ng iyong kasagutan? Nangangahulugan lamang n’yan na alam mo na ang mga iba’t ibang teorya ng wika. Dahil lubos mo nang nauunawaan ang araling ating pinag-aralan. Maaari mo ng pag-aralan ang susunod na aralin. Aralin 2: Katangian ng Wika A. Ano-ano Ang Mga Tiyak Na Matututunan Mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan:
  • 10. 19 |M o d y u l I I : W i k a 1. Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng wika. 2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang kahulugan ng katangian ng wika. 3. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang katangian ng wika. B. Ano-ano na ang Tiyak na Alam Mo? Matapos mong malaman sa Aralin 1 ang pinagmulan ng wika, nararapat lamang na mabatid mo ang mga katangiang tinataglay ng wika. May ideya ka na ba? Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa paksang ito. Panuto: Buuin ang akronim ng salitang WIKA batay sa iyong napag-aralan. C. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo….. Bilang isang indibidwal na gumagamit ng wika, mahalagang malaman mo at matutunan na hindi lamang basta salita ang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon, ang wika ay may iba’t iba ding katangiang tinataglay. Alam mo ba kung ano-ano ang mga katangian ng wika? Subukin mong sagutin ang inihanda kong pagsubok upang malaman kung gaano na kalalim ang kaalaman mo dito. Simulan mo na! Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (✖) kung ito nama’y mali. _______ 1. Ang wika ay may taglay na katangian kung kaya nananatili ito at ‘di nagbabago. _______ 2. Ang wika ay may tunog. _______ 3. Ang wika ay mahirap intindihin. _______ 4. Ang mga wika ay magkakaiba para hindi magkaintindihan. _______ 5. Ang wika ay arbitaryo. W I K A
  • 11. 20 |M o d y u l I I : W i k a Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. Makatutulong ang mga gawaing inihanda ko upang lalong malinang ang iyong pag-unawa sa paksang pag-aaralan. Handa ka na bang magsimula? Mga Katangiang Tinataglay ng Wika Mahalagang maunawaan ng bawat mag-aaral ang lahat ng tala at impormasyon tungkol sa Wika, hindi lamang upang mapag-ibayo ang kaalaman kundi mapayabong din ang damdamin ng pagmamalaki sa mga pagkakakilanlan natin bilang Pilipino. Alam mo na ba ang mga katangian ng wika? Basahin mo ang inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw ito sa iyo. Batid kong naunawaan mo ang iyong binasa. Ngayon ay nais kong sagutan mo ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo upang malaman ko kung gaano mong naunawaan ang iyong binasa. Narito ang mga katangiang tinataglay ng wika. A. Masistemang Balangkas. Ito ay masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng pangungusap. Ang mga pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. B. Arbitaryo. Ang wika ay natututunan sa isang lipunan. Samakatuwid, hindi matututo ng wika ang tao kung hindi siya makikihalubilo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito, kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika. C. Sinasalitang Tunog. Ang wika ay hindi maituturing na wika kung hindi ipinamamahagi. Ito ay dumadaan mula sa isip ng tao patungo sa artikulador at resonador na siyang nag- aamplify ng tunog. D. Nagbabago. Ang wika ay dinamiko, patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabubuo sa lipunan. E. Kabuhol ng Kultura. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa lipunang may umiiral na kultura. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita ng kulturang patutunguhan. F. Kakanyahan. Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang wika. G. Buhay na Anyo o Uri ng Komunikasyon. Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy itong ginagamit ng bawat tao sa komunikasyon.
  • 12. 21 |M o d y u l I I : W i k a Handa ka na ba? Madali lamang ito. Simulan mo na! Gawain I: Panuto: Sumulat ng tatlong tiyak na interpretasyon ukol sa bawat salita na nasa ibaba. 1. Bomba 2. Bahaghari ___________________________ ______________________________ ___________________________ ______________________________ ___________________________ ______________________________ 3. Ilaw 4. Susi ___________________________ ______________________________ ___________________________ ______________________________ ___________________________ ______________________________ 5. Baboy ___________________________ ___________________________ ___________________________ Tapos ka na ba? Huwag kang mag-alala dahil lahat ng iyong sagot ay tama. Sapagkat ang wika ay nagbabago at buhay ay nagkakaroon tayo ng kanya-kanya at pabago-bagong interpretasyon dito. Gawain II: Panuto: Bumuo ng isang pangungusap batay sa mga salitang nakalahad sa ibaba. Maaaring magdagdag ng salita. 1. nag-aaral eksamin Sarra mabuti makapasa 2. maaga Aeiden gumising magsimba 3. aso hinahabol mabilis Carol tumakbo
  • 13. 22 |M o d y u l I I : W i k a 4. boses biniyayaan Becky magandang 5. kahapon bisekleta Nanay niregaluhan Buboy Aralin 3: Kahalagahan ng Wika A. Ano-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang ibat ibang kahalagahan ng wika. 2. Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa pahayag na may kaugnayan sa paksa. 3. Nakasusulat ng maaring maging bunga kung hindi wasto ang paggamit ng wika. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO 1. Alamin Mo... Sa nakaraang modyul inilahad ang mga Katangian ng Wika. Ngayon, ay dumako naman tayo sa Kahalagahan ng Wika. 2. Basahin mo... KAHALAGAHAN NG WIKA ✔ Instrumento ng Komunikasyon ➡ Hindi mahalaga ang mataas ang kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaintindihan gamit ang wika. ✔ Nagbubuklod ng bansa ➡ Wika ang naging dahilan upan magkaisa ang mga tao, umuunlad at makamit ang kalayaan. Mahusay!Nataposmolahat nanggawainna inihanda kopara saiyo. Iwastomo angiyong sagotgamitangSusisaPagwawastonanasahulingbahaging SarilingLinanganKitnaito.Alamkong madamikangnatutunansakaalamanginilaanko. Ngayonaymaaarikanangdumakosasusunodna paksangpag-aaralanmo.
  • 14. 23 |M o d y u l I I : W i k a ✔ Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman ➡ paglalakbay, pagsasalin, pagtatala at midyum ng karunungan. ✔ Lumilinang ng malikhaing pag-iisip ➡ Nagpapalawak ng ating imahinasyon.pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika. Binasa mo bang mabuti? Nauunawaan mo ba ang mga detalye na nakapaloob? Kung naunawaan mo ang mga nakapaloob, sagutan ang mga pagsasanay. Madali rin ang mga ito. Simulan mo na! 3. Linangin mo... Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng (✔) tsek kung tama ang mga pahayag at (✖) ekis kung itoy mali. ___1. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan. ___2. Ang wika ay nagagamit sa pakikipag-ugnayan, katulad ng pakikipagkalakalan sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng mga kaalaman. ___3. Hindi mahalaga ang wika sa tao. ___4. Ang wika ang pinakapangunahing kailangan upang maipahayag natin ang damdamin, saloobin at kaisipan. ___5. Ang wika ang susi sa pag-unlad. ___6. Ang wika ay hindi nakakatulong sa sosyal, sa pang-ekonomiya at pulitikal na pag-unlad ng bansa. ___7. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyong ginagamit ng malaking bilang ng tao. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. Gamitin ang estratehiyang TAC (THINK ABOUT CONSEQUENCES) sa susunod na pagsasanay. Gawain I: Panuto: Sabihin kung ano ang mangyayari kung sakaling: a. Walang tiyak na wikang ginagamit ang mga tao. b. Hindi wasto ang wikang ginagamit sa pakikipag-usap. c. Hindi sapat ang kaalaman sa paggamit ng wika.
  • 15. 24 |M o d y u l I I : W i k a d. Wala tayong wika. Isa pang gawain ang inihanda ko sa iyo. Gamitin ang Graphic Organizer. Gawain II: Panuto: Suriin at pag-aralan ang kahalagahan ng wika para saiyo ano ang maaaring maging bunga kong hindi wasto ang paggamit ng wika. 4. Palalimin mo... Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Hindi na nabibigyang importansya ang wikang Filipino at hindi na ginagalang sapagkat maraming umuusbong na salita halimbawa na rito ang mga balbal na salita na natutunan sa labas o kalye. Lagyan ng ✔ ang maaari mong gawin at ✖ ang di mo gagawin. _____1. Pag may kausap na nakakataas na uri ng tao gumamit ng wastong wika na naaayon sa pag-uusap. _____2. Gumamit ng balbal na salita sa pakikipag-usap sa nakakatanda. _____3. Huwag ugaliing gumamit ng balbal na salita sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. _____4. Gamitin ang mga natututunang salitang balbal kapag nakikipagkwentuhan. 5. Gamitin mo... Magbigay ng iyong sariling mungkahi upang mas lalong pahalagahan ng bawat tao ang ating sariling wika. Hindi Wastong Paggamit ng Wika _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________
  • 16. 25 |M o d y u l I I : W i k a Aralin 4: Antas ng Wika A. Ano-ano ang Tiyak na Matutunan Mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang iba't ibang Antas ng Wika. 2. Nakababatid ng wastong gamit ng balbal sa isang awitin at natutukoy ang proseso kung paaano ito nabuo. 3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa na nauugnay sa wastong antas ng wika ang salitang ginamit at nauugnay sa hinihinging pagsasanay. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO 1. Alamin mo... Sa nakaraang modyul inilalahad ang mga kahalagahan ng wika. Ngayon tingnan natin kung lubos mo itong naintindihan. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod at piliin sa kahon kung anong kahalagahan ng wika ito. Isulat ang sagot sa patlang na nasa ibaba ng tanong. Simulan mo na!Instrumento ng Komunikasyon Nagbubuklod ng bansa Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman Lumilinang ng malikhaing pag iisip Mahusay! Natapos mo lahat nang gawain na inihanda ko para sa iyo. Iwasto mo ang iyong sagot gamit angSusi saPagwawasto nanasa hulingbahagi ngSarilingLinangan Kitnaito.Alamkongmadami kangnatutunan sapaksang ito.Ngayonaymaaari kanang dumako sasusunodna paksang pag-aaralan mo. ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ____________________
  • 17. 26 |M o d y u l I I : W i k a 1. Ito ay paglalakbay, pagsasalin, pagtatala at midyum na karunungan. _______________________________________ 2. Hindi mahalaga ang mataas na kalaaman sa wika, sapat na ang nagkakaintindihan gamit ang wika. ___________________________________________ 3. Wika ang dahilan upang magkaisa ang mga tao, umuunlad at makamit ang kalayaan. ___________________________________________ 4. Nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika. ___________________________________________________ Napakabilis mong matapos at dahil dyan alam kong nangangahulugan lamang ito na talagang nauunawaan mo ang paksang tinalakay ngayong araw. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. Tama ba ang lahat ng iyong kasagutan? Kung ganon ako ay humahanga sa iyo. Tandaan mo ang iyong mga kasagutan at paghandaan mo ang iyong babasahin. Handa kana ba? Maari ka nang magsimula. 2. Tukuyin Kung magiging mapanuri at mag-oobserba ka sa usapan ng mag tao, mapapansin mong nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit depende sa lugar, okasyon, panahon, gayundin sa taong kausap. Halimbawa, kapag may mga nakasalubong ka sa umaga ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan sa pagbati mo depende kung sino ang babatiin mo. Halimbawa, kung ang prinsipal ninyo ang nasalubong mo ay tiyak na pormal na "Magandang umaga po" ang sasabihin mo. Magbabago ito kung kaibigang matalik o BFF mo na ang makasasalubong mo. Maaaring maging "Kumusta,'Tol!" o kaya'y "Uy, Pre!" na may kasamang pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo. Halika, higit mo pang kilalanin ang mga antas ng wika batay sa Impormal at Pormal. Mga Salitang Impormal o Di Pormal - mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag- usap sa mga kakilala o kaibigang. Ito ay nauuri sa tatlo: 1. Balbal (Slang) ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya't madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang ang mga salitang ito sa di pormal na uri ng salita kaya't karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat. Halimbawa: bagets - kabataan lespu - pulis charing - biro nenok -nakaw
  • 18. 27 |M o d y u l I I : W i k a datung - pera sikyo - guwardiya ermat - nanay utol - kapatid erpat - tatay yosi - sigarilyo 2. Kolokyal (Colloquial) ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. Halimbawa: aywan - ewan naroon - naron nasaan - nasan mayroon - meron 3. Lalawiganin (Provincialism) ito ay mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan. Halimbawa: Ditse - Ate Talukbong - pandong Sangko - kuya Bahay - balay pasanin - problema Mga Salitang Pormal - ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Ito ay nauuri sa dalawa: Pampanitikan - ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining. Halimbawa: Pambansa Pampanitikan Ina Ilaw ng tahanan Baliw Nasisiraan ng bait Magnanakaw Malikot ang kamay Kaibigan Katoto Baraha Barah Maharot Magaso Pambansa - ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan. Halimbawa: Ina, baliw, magnanakaw, kaibigan, baraha, larawan
  • 19. 28 |M o d y u l I I : W i k a Alam kong lubos mo nang naunawaan ang iba't ibang antas ng wika kaya mayroon akong ipapagawa sayo ng mga pagsasanay na iyong sasagutan. Handa ka na ba? Simulan mo na! Gawain I: Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa at pampanitikan na ginamit sa pangungusap sa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang titik ng sagot at saka isulat sa linya. Hanay A Hanay B ____________1. Si erpat ang susundo sa akin mamaya. a. problema ____________2. Doon tayo malapit sa sikyo upang maging b. kaibigan ligtas sa mga taong masasama. c. tatay ____________3. Ang ilaw ng tahanan ay mapagmahal d. ina at maalaga. e. guwardiya ____________4. Sa buhay ay sadbang nakadaranas ng mga f. pera pasanin. g. baliw ____________5. Ang katoto ko ay mabait, matulungin at h. kabataan mapagmahal. i. pandong ____________6. Humingi ng datung si bunso kay tatay. j. biro ____________7. Lubos akong nalungkot sapagkat nasisiraan ng bait ang isa sa aking kaibigan. ____________8. Mahalaga ang talukbong ngayong tag-ulan. ____________9. Mahalaga ang gampanin ng mga bagets sa isang pamayanan. ____________10. Ang aking nanay ay mahilig magcharing sa aming magkakapatid. Madali mo bang natapos ang iyong gawain? Iwasto mo ang iyong gawa gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. SUBUKAN PA NATIN Subukan mo namang sagutan ang isa pang gawaing inihanda ko para sayo. Simulan mo na!
  • 20. 29 |M o d y u l I I : W i k a Gawain II: Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa at pampanitikan. _____________1. Kay ermat ako humingi ng pambaon kanina. _____________2. Kailanman, ako ay di natutong maglaro ng baraha. _____________3. Lubos kong pinagkakatiwalaan ang aking katotong si Ana. _____________4. Ang balay namin ay maganda at malinis pagmasdan. _____________5. Naron ang aking mga magulang sa ibang bansa upang magtrabaho. _____________6. Maraming lispu sa aming Lugar. _____________7. Lagi kong itinatago ang larawang ito ng aking ina. _____________8. Ang mga batang babae ay di dapat magaso kumilos. _____________9. Nariyan na ang aking anak, ni hindi pa ako nakakapaghanda. _____________10. Halos magtatatlong taon na kaming magkakasama ng aking erpat, simula ng iniwanan niya kami. Aralin 5: Barayti ng Wika A. Ano-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Naiisa-isa ang mga uri ng Barayti ng Wika. 2. Natutukoy kung anong barayti ng wika ang salita o pahayag na mababasa. 3. Nakapagbibigay ng halimbawa sa iba’t ibang barayti ng wika. Mahusay! Natapos mo lahat nang gawain na inihanda ko para sa iyo. Iwasto mo ang iyong sagot gamit angSusi saPagwawasto nanasa hulingbahagi ngSarilingLinangan Kitnaito.Alamkongmadami kangnatutunan sapaksang ito.Ngayonaymaaari kanang dumako sasusunodna paksang pag-aaralan mo.
  • 21. 30 |M o d y u l I I : W i k a B. Ano-ano ang mga Tiyak na Alam Mo? Matapos mong mabatid sa Aralin 4 ang mga Antas ng Wika. Nararapat lamang na mabatid mo ang mga Barayti ng Wika at ang iba’t ibang uri nito upang malaman mo ang kaibahan ng Wika depende sa lugar na iyong kinabibilangan. Alam mo ba ang mga ito? Sagutin mo ang mga pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa paksang ito. Gawain I: Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita o parirala kung anong uri ito ng Barayti ng Wika. Piliin ang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang. ________________1. Mama, Papa ________________2. Mahal kita sa Tagalog, Dili ko sabot sa Cebuano ________________3. Mi nombre ________________4. Kalipay – saya, tawa, kasiya ________________5. Jejemon, Kain na u, wer na u? ________________6. ‘Te Meg, shat ‘ta? ________________7. Magandang gabi, Bayan. ________________8. Ako punta banyo Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ng Sariling Linangan Kit na ito. C. Mga Gawain sa Pagkatuto I. Alamin Mo…. Bilang isang nagsasalita o gumagamit ng Wika, mahalagang malaman mo at matutunan ang kahulugan at iba’t ibang uri ng Barayti ng Wika na maaari mong magamit upang lalong makilala ang tawag sa wikang iyong naririnig o maririnig pa lamang nang walang kalituha ng magaganap. Mahalagang maunawaan ng mag-aaral ang lahat ng impormasyon tungkol sa wika, hindi lamang upang mapag-ibayo ang kaalaman kundi mapayabong din ang damdamin ng pagmamalaki sa mga pagkakakilanlan natin bilang Pilipino. Idyolek Etnolek Ekolek Dayalek Pidgin Register Sosyolek Creole
  • 22. 31 |M o d y u l I I : W i k a Alam mo ba ang Barayti ng Wika at ang walong uri nito? Basahin mo ang inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw ito sa iyo. Narito ang mga uri ng Barayti ng Wika. 1. Idyolek- ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag o pananalita. Halimbawa  “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro  “Hindi ka naming tatantanan” – Mike Enriquez 2. Dayalek- ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikong kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirahan. Halimbawa  Tagalog – “Mahal kita”  Bikolano – “namumutan ta ka”  Hiligaynon – “langga ta gd ka” 3. Sosyolek- uri ng barayti na pansamntala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Halimbawa  Te meg, shat ta? – (Pare, mag-inuman tayo?)  Oh my God! It’s so mainit naman dito – ( Naku, ang init naman ditto) 4. Etnolek- ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga ng iba’t ibang rtnolek dahil sa maraming mga pangkat etniko. Halimbawa  Palangga- Sinisinta, Minamahal  Kalipay- saya, tuwa, kasiya  Bulamin- pagkahugis ng buo ng buwan 5. Ekolek – ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Halimbawa  Palikuran – banyo o kubeta  Papa – ama/tatay  Mama – ina/nanay 6. Pidgin- wala itong pormal na estrktura at tinatawag ding “lenggwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
  • 23. 32 |M o d y u l I I : W i k a Halimbawa  Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo  Sali ako laro ulan – sasali ako maglaro sa ulan 7. Creole- ito ay pinaghalo-haong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa nagging personal na wika. Halimbawa  Mi nombre- Ano pangalan ko  Yu ting yu man, a? – akala mo espesyal ka o ano? 8. Register- ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. Halimbawa  Jejemon  Binaliktad  Pinaiksi sa teks Gawain II: Alam mo ba na may mga pagkakakilanlan ang mga Wika? Subukin mong sagutin ang inihanda kong pagsubok upang malaman kung gaano ka kagaling sa paksang ito. Handa ka na ba? Simulan mo na! Panuto: Isulat ang (✔) kung tama ang pahayag at (✖) kung mali. ______1. Ang dayalek ay ginagamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o lalawigang tinitirhan. ______2. Ang ekolek ang wikang sinasalita sa bahay. ______3. Ang creole ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar. ______4. Ang register ay nakadepende sa larangan, modo, at tenor ayon sa relasyon sa kausap. ______5. Ang etnolek ay mula sa salita ng mnga etnolongwistang grupo. ______6. Ang idyolek ay istilo ng pamamahayag at pananalita ng bawat isa. ______7. Ang pidgin ay ginagamit ng mga taong hindi lubhang bihasa sa isang wika. ______8. Ang sosyolek ay pansamantala lang at ginagamit sa isang particular na grupo.
  • 24. 33 |M o d y u l I I : W i k a Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Alam kong handang-handa ka na ngayon sa mga gawaing inihanda ko. Gawain III. Gamit ang Iyong Tiyak na Wika Upang matukoy mo kung ano ang mga wikang iyong nagagamit sa pang-araw-araw, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at gawin ito sa paraang pasalaysay. 1. Paano ka nakikipag-usap sa iyong kaibigan, ano ang madalas na wika na iyong ginagamit? 2. Ano ang wikang lagi mong nababanggit na naging pagkakakilanlan sa iyo ng iyong pamilya o mga kaibigan? 3. Ano ang sinasabi mo kapag ikaw ay nasasaktan? 4. Paano ka nakikipag-usap sa isang Amerikano o sa mga taong hindi bihasa sa kanilang wika? 5. Magbigay ng karaniwang usapan ninyo sa inyong bahay. Matapos mong sagutin ang mga katanungan ay tiyak kong masasagot mo na ang inihanda kong gawain para sayo. Gawain IV: Panuto: Magbigay ng limang halimbawa sa 8 barayti ng wika na madalas mong ginagamit o naririnig. Idyolek Register Dayalek Sosyolek Etnolek Pidgin Creole 1. 1. 1. 1. 1. 1. 1. 2. 2. 2. 2. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 3. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 4. 4. 4. 4. 5. 5. 5. 5. 5. 5. 5.
  • 25. 34 |M o d y u l I I : W i k a Gawain V. Lugar na Kinabibilangan ng Salita o Parirala Iba’t iba ang wika, kahulugan at bigkas nito depende sa lugar na kinabibilangan ng salita. Nais kong sagutan mo ang gawaing inihanda ko upang mas mapaunlad ang iyong kaalaman sa paksang ito. Simulan mo na! Panuto: Tukuyin kung saang lugar nabibilang ang wika o salita. _________1. Where are you? _________2. “Namumutan ta ka” _________3. Mahal kita _________4. “Langga ta gd ka” _________5. Masaya ako! _________6. “Dili ko sabot” Banyaga Cebuano Tagalog Ilokano Bikolano Hiligaynon Mahusay! Nataposmolahatnang gawainna inihandakopara saiyo.Iwasto moangiyong sagotgamitang Susi sa Pagwawasto na nasa huling bahagi ngSariling Linangan Kitna ito.Batidkong madami kang natutunansa mga kaalamang inilaan ko para sa iyo. Nawa ay marami akong naitulong sa pagpapaunlad mo ng kaalaman sa Wika.