2. -Isang nobelang naglalahad ng
mga paghihirap ng mga
kababayan sa ilalim ng mga
kastila
Ito rin ang nagmulat sa mga
Pilipino upang labanan ang mga
mapang-abusong kastila
3.
4.
5. naglalahad ng mga bagay,
damdamin, at kaisipan sa
pamamagitan ng mga sagisag
6.
7. Sa pamagat pa lamang ay mayroon ng
simbolismong ginamit. Ang katagang “Noli
me Tangere” na nangangahulugang “Huwag
mo akong salingin” ay nagpapahiwatig ng
isang babala sa maaaring mangyari sa buhay
ng mambabasa noong panahon ng Kastila.
8. Kaliwang Bahagi: Kanang Bahagi:
Sunflower Paa ng Prayle
Sulo Salakot ng Guardia
Ulo ng Babae Sibil
Krus Latigo ng Alperes
Supang ng Kadena
Suha/Pomelo Suplina
Dahon ng Laurel Punong Kawayan
9.
10. Ipinapahiwatig nito kung sino ang pinakabase at
tunay na nagpapalakad ng bayan.
Ang sapatos naman ang nagpapahiwatig ng
pagiging maluho ng mga prayle at ang pagtalikod
nila sa aral ni Kristo.
Ang nakalabas na binti sa ibaba ng abito at ang
mga balahibo ay nagpapahiwatig naman ng
kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle.
11. Ito ay simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal
na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa
karapatang pantao ng mga Pilipino sa
kanyang kapanahunan.
12. Ito ay simbolo ng kalupitan ng opisyal ng
kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si
Rizal ay nakaranas ng hagupit ng latigo mula
sa isang alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng
latigo ay nagpapahiwatig na hindi niya
malimutan ang ginawang pananakit sa kanya
ng alperes ng Calamba noong kanyang
kabataan.
13. Inilagay ni Rizal ang kadena bilang
simbolo ng kawalan ng kalayaan
ng mga Pilipino sa ilalim ng
pamumuno ng mga Kastila.
14. Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa
kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang
mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay
makapaglilinis sa kanilang mga nagawang
kasalanan. Sa paningin ni Rizal, ang pananakit at
pagpapahirap ng mga guardia sibil sa mga Pilipino
ay hindi pa sapat para sa kanila, kailangan pang sila
na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang
mga sarili.
15. Ang punong kawayan ay isang mataas
ngunit malambot na puno na kadalasang
sumasabay lamang sa ihip ng hangin.
Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang
ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa
pakikibagay sa mga nagaganap na
kalupitan at pagsasamantala ng mga
Kastila sa kanilang lipunan.
16.
17. Ang sunflower ay isang natatanging
bulaklak na may kakayahan na sumunod
sa sikat ng araw. Sinisimbolo nito ang
mga Pilipino na naliliwanagan sa
pamamagitan ng pagbabasa ng Noli me
Tangere ukol sa mga ginagawang
pagsasamantala ng mga kastila.
18. Samantala ang Sulo naman ang
nagsisimbolo ng Noli me Tangere na
nagbibigay ng liwanag o kamalayan sa
mga tao.
Pinapahiwatig nito ang pagtatapos ng
kamangmangan at simula ng
panibagong uri ng pamumuhay na
hindi magpapaapi sa mga Kastila
19. Ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay
walang iba kung hindi ang inang bayan.
Kung mapapansin, ito ay malapit sa
pinag-uukulan niya ng paghahandog sa
nobela. Ang “A Mi Patria” na malapit sa
ulo ng babae ay nangangahulugang
inang bayan kung isasalin ito.
20. Ang krus ang siyang simbolo ng pagiging
relihiyoso ng mga Pilipino.
Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa
halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Ito
ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng
lahat ng mga bagay.
Simbolo rin ito ng paggamit ng mga Kastila
ng relihiyon sa pananakop.
21. Ang suha ay sumisimbolo sa kalinisan.
Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal
supang ng suha tabi ng krus ay isang mataas na anyo
kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na
umiiral sa kaniyang kapanahunan. Itinabi niya iyon sa krus
para ipahiwatig ang kawalan ng kalinisan sa paggamit ng
katolisismo ng mga kastila.
22. Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa
matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito
ginagawang korona para sa kanilang mga
mapagwagi, matatapang, matatalino, at
mapanlikhaing mga mamamayan.
Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-asa na
ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga
laurel na ito upang gawing korona ng inang bayan.
Ang dahon ng laurel na nagpapahiwatig ng korona
ay sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ng
ating inang bayan.