SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 24
Yunit 1: GE 9 (Batayang
Kaalaman sa Panunuring
Pampanitikan)
Danette May C. Abalos
Matatamong Kabatiran
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makasulat ng sariling akdang pampanitkan na tumatalakay
sa isang suliraning panlipunan.
2. Maisabuhay ang pagtataguyod ng wika bilang wika ng
panitikang pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at
mga pangarap ng mga mamamayang Pilipino.
Introduksyon
Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad,
at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Kinabibilangan ito ng
mga likhang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng sari-saring anyo at hubog na naglalarawan sa kalinangan ng
mga Pilipino. Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang
panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga
sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig pang-amoy, panlasa, at pandama.
Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit
payak na salitang may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa
mga arteryo at ugat ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito,
sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan
Introduksyon
Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na
nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Introduksyon
Ang Panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito nailalahad ng tao ang
kanyang mga kaisipan at damdamin, nailalarawan nang tapat, tunay at
totoo ang kanyang mga kaugalian, saloobin at ng kanyapaniniwala.
Ang bawat takbo ng ng buhay at mga pangyayari sa kanyang panahon
na naganap, nagaganap, at magaganap ay pag-unlad ng kanyang sarili
sapagkat, dito napangangatwiranan niya ang kanyang mga karanasan,
pagkatakot, pagkabigo, pakikiayon, pakikibaka at pag-iisa.
Pagtalakay
Simula lamang nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang
pagkatao nagsimulang maging isa itong disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang
dating behikulo lamang ng ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalaikhain, ang
panitikan ay naging isang karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-
edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay
gumanap/gumaganap ng iba’t ibang tungkulin iba-iba sa bawat panahon, sa bawat
lugar, sa bawat antas. Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular
sa antas koliheyo, ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing
aspeto: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng
pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitibo o pampag-iisip ng mga mag-aaral.
Pagtalakay
Bukod dito, kasangkapan din ito, particular ang pag-aaral ng ating
sariling panitikan, sa pagpapatibay ng ating sariling kabansaan at
pagkakakilanlan.
Hindi kaiba sa iba pang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang
prosesong debelopmental. Kaya bilang pagpapatuloy ng pag-aaral nito
na inyo nang nasimulan sa elementarya at hayskul at bilang pagsisimula
ng mas mataas na antas ng pag-aaral ng panitikan, talakayin natin ang
mga batayang kaalamang nauukol dito, na ang ilan o maging ang
karamihan ay balik-aral lamang.
Depinisyon
Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan
Sa panitikang pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay “isang paraan
ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa
mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.
 Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang panitikan ay “bungang-isip na
isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong
ikauunawa ng noon, ngayon, at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng
damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masining at
makahulugang mga pahayag.
Depinisyon
 Ayon naman kay Webster (1947:557), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong
anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
 Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag
ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa
masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at
kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan,
natitiyak ang kawalang-maliw nito.
Uri ng Panitikan
A. Prosa o Tuluyan. Ang mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang
takbo ng mga pangungusap. samantalang ang mga akdang patula ay yaong ang
mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig, tugma at aliw-iw. Ang buong
tula ay nahahati sa mga taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga
taludtod o linya ng tula.
B. Patula. Samantalang ang mga akdang patula ay yaong ang mga pahayag ay may
sukat o bilang ng mga pantig, tugma, at aliw-iw. Ang buong tula ay nahahati sa mga
taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga taludtod o linya ng tula. Ang
mga akdang patula ay may tatlong uri: ang tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko
at tulang padula.
Uri ng Tula o Patula
1. Tulang Pasalaysay- Ito ay may sukat at tugma. Ang nabibilang dito ay epiko, awit at
Kurido.
A. Epiko- Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipaglaban ng isa o grupo ng tao laban sa kanilang kaaway.
B. Awit- Ito ay salaysayin sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan ay walang sangkap na kababalaghan ito ay maaaring pakikipagsapalaran ng
mga tauhan at nagaganap sa tunay na buhay. Binubuo ng labindalawang pantig ang
bawat taludtod at sukat.
C. Kurido- Ito ay pakikipagsapalaran ng mga tauhan na di maaaring maganap sa tunay
na buhay. Binubuo ng walong pantig ang bawat taludtod.
Uri ng Tula o Patula
2. Tulang Liriko/Pandamdamin- Kilala din sa tawag na tulang paawit at buhat sa salitang Griyego na “Lira”
na ang ibig sabihin ay “awit o inaawit”, at ito ay may kaugnayan sa emosyon. Ang mga halimbawa nito ay
oda, sonata, elihiya, dalit at iba pa.
A. Oda- Ito ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o didikasyon sa isang tao o isang
bayan na kinukuha ang interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon sa akda.
B. Soneto- Ito ay isang uri ng musical na istruktura na binubuo ng tatlong pangunhing seksyon: Isang
pagsasaysay, isang pag-unlad at isang rekapitulasyon.
C. Elehiya- ay tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.
D. Dalit- Isang uri ng tula na karaniwang pangrehiyon, partikular, na nakasulat para sa layunin ng papuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na
halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay.
Uri ng Tula o Patula
3. Tulang Pantanghalan/ Pandulaan- Ginagamit sa pagtatanghal ng mga dula at ang mga halimbawa ay
duplo, karagatan, balagtasan, komedya, moro-moro at senakulo.
A. Duplo- Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
B. Karagatan- Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binate ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
C. Balagtasan- Ito ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
D. Komedya- Pagtatanghal na masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
E. Moro-Moro- Pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng Kristiyano at Pilipinong Muslim.
F. Senakulo- Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo.
Uri ng Tula o Patula
4. Tulang Patnigan- Ito ay tulang nagbibigay-aliw sa mga taong
namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw na.
Uri ng Prosa o Tuluyan
1. Pabula- ang mga tauhang gumaganao ay hayop. Ang aral ay karaniwang ibinibigay
sa paraang wakas sa pamamagitan ng kasabihan o salawikain
2. Alamat- Nagsasaad o nagpapaliwanag ng tungkol sa pinagmulan ng isang bagay,
pook at pangalan.
3. Maikling Kuwento- ang mga pangyayari ay simple, may mga kilos na organisado,
may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, sa kalagitnaan, ay may kasukdulan , at
may katapusan o wakas.
Uri ng Maikling Kuwento
a. Kuwento ng Tauhan- ang binibigyang diin ay ang pangunahing tauhan.
b. Kuwento ng Madulang Pangyayari- ang binibigyang pansin ay ang pangyayari.
c. Kuwento ng Kababalaghan- ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala at taliwas sa
katotohanan.
d. Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
e. Kuwentong Bayan- nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyang ng
buong bayan.
f. Kuwento ng Katatakutan- naglalaman ng mga pangyayaring katakot-takot o kasindak-
sindak.
Uri ng Maikling Kuwento
g. Kuwentong Sikolohiko- ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwento na
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
h. Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
i. Kuwento ng Katatawanan- nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mga mambabasa.
j. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao ang pokus ng
kuwentong ito.
Uri ng Prosa o Tuluyan
4. Nobela- Tinatawag din na kathambuhay. Ang mga pangyayari ay kawing- kawing at mas
mahaba kaysa sa maikling kuwento.
Uri ng Nobela
a. Nobelang Makabanghay- Ito ay nagbibigay diin sa balangkas.
b. Nobela ng Tauhan- Ang binibigyang pokus ay ang pangangailangan at hangarin ng
pangunahing tauhan.
c. Nobelang Masining- Ang binibigyang pansin ay ang paghahanay ng mga pangyayari at
paglalarawan.
d. Nobelang Maromansa- Ito ay nagtatanghal ng pag-iibigan.
e. Nobela ng Layunin- Nagbibigay diin sa mga simulain o layuning mahalaga sa buhay ng tao.
Uri ng Prosa o Tuluyan
5. Sanaysay- Tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at
kuro-kuro ng may-akda. Ito ay may dalawang uri:
◦
a. Pormal (maanyong sanaysay) - maingat, maayos at mabisa ang
paglalahad na karaniwang nagagawa ng isang may malawak na
kaalaman sa paksa.
b. Di-Pormal (malaya) - kung ang paksa ay higit na malapit sa
karaniwang mambabasa sapagkat ito ay tumatalakay sa pang-araw-
araw na pangayayari.
Uri ng Prosa o Tuluyan
6. Dula- Naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga
tauhang gumaganap sa ibabaw ng tanghalan.
Uri ng Dula
a. Komedya- Ang uri ng dulang ito ay masaya at kawili-wili sapagkat nagtatapos sa
tagumpay ng pangunahing tauhan.
b. Melodrama- Galing sa Griyegong salita na “MELOS” nangangahulugang awit at ito
ay may malulungkot na pangyayari.
Uri ng Dula
c. Trahedya- Ginagampanan ng tauhang mapupusok, sapagkat kinapalolooban ng
mahihigpit na tunggalian.
d. Parsa- Ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang pananalita.
e. Saynete- Ang paksa ay ugali na itinatanghal sa paraang katawa-tawa
7. Talumpati- Uri ng akdang pampanitikan na sadyang inihanda upang bigkasin.
Uri ng Talumpati
a. Talumpating Panlibang- Ginagamit sa mga pagtitipong sosyal o panlipunan.
b. Talumpating Pampasigla- Ginagamit sa mga okasyong tulad ng araw ng pagtatapos,
pagbubukas ng aklatan at iba pa.
c. Talumpating Nagbibigay Impormasyon- Talumpating ginagamit kung magbibigay ng ulat.
d. Talumpating Nagbibigay Galang- Binibigkas bilang simbolo ng pagtanggap.
e. Talumpati ng Papuri- May layuning magbigay ng parangal o papuri sa magagandang
nagawa.
8. Balita- Naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.
9. Talambuhay- Naglalahad ng pangyayari sa buhay ng isang tao mula ng siya ay
isinilang hanggang sa kanyang kamatayan. Ito ay may dalawang uri.
◦
Uri ng Talambuhay
◦
a. Pansarili- Siya mismo ang sumulat
b. Pang-iba- Ibang tao ang sumulat.
10. Editoryal- Naglalahad ng kuro-kuro o pananaw ng manunulat tungkol sa isang
napapanahong isyu.
11. Anekdota- Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ang
pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
12. Kuwentong Bayan- Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong bayan ng isang tiyak na pook na rehiyon ng isang bansa o lupain.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
Eumar Jane Yapac
 
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang PopularAng Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
mreiafrica
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Karen Fajardo
 

Was ist angesagt? (20)

MGA URI NG NOBELA
MGA URI NG NOBELAMGA URI NG NOBELA
MGA URI NG NOBELA
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
URI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYANURI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYAN
 
Ang nobela
Ang nobelaAng nobela
Ang nobela
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang PopularAng Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastila
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Mga sinaunang dula
Mga sinaunang dulaMga sinaunang dula
Mga sinaunang dula
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Mga Panitikan sa Bikol
Mga Panitikan sa BikolMga Panitikan sa Bikol
Mga Panitikan sa Bikol
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa Pilipinas
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
 

Ähnlich wie Modyul 1 (powerpoint)

FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
MaryJaneCabides
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
ArielAsa
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
RemyLuntauaon
 

Ähnlich wie Modyul 1 (powerpoint) (20)

Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
 
Ang Panitikan
Ang PanitikanAng Panitikan
Ang Panitikan
 
Ang
AngAng
Ang
 
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptxGROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
 
Filipino 10
Filipino 10Filipino 10
Filipino 10
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
 

Mehr von Samar State university

Mehr von Samar State university (10)

UNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREER
UNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREERUNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREER
UNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREER
 
YUNIT 1 Aralin 4.pptx
YUNIT 1 Aralin 4.pptxYUNIT 1 Aralin 4.pptx
YUNIT 1 Aralin 4.pptx
 
YUNIT 1 Aralin 3.pptx
YUNIT 1 Aralin 3.pptxYUNIT 1 Aralin 3.pptx
YUNIT 1 Aralin 3.pptx
 
YUNIT 1 Aralin 2.pptx
YUNIT 1 Aralin 2.pptxYUNIT 1 Aralin 2.pptx
YUNIT 1 Aralin 2.pptx
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
 
Mga teoryang pampanitikan
Mga teoryang pampanitikanMga teoryang pampanitikan
Mga teoryang pampanitikan
 
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKAGE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
 
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSAGE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
 
Unit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOOD
Unit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOODUnit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOOD
Unit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOOD
 
UNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSE
UNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSEUNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSE
UNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSE
 

Kürzlich hochgeladen

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 

Modyul 1 (powerpoint)

  • 1. Yunit 1: GE 9 (Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan) Danette May C. Abalos
  • 2. Matatamong Kabatiran Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Makasulat ng sariling akdang pampanitkan na tumatalakay sa isang suliraning panlipunan. 2. Maisabuhay ang pagtataguyod ng wika bilang wika ng panitikang pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mga mamamayang Pilipino.
  • 3. Introduksyon Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Kinabibilangan ito ng mga likhang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas. Naglalaman ito ng sari-saring anyo at hubog na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at ugat ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan
  • 4. Introduksyon Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
  • 5. Introduksyon Ang Panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito nailalahad ng tao ang kanyang mga kaisipan at damdamin, nailalarawan nang tapat, tunay at totoo ang kanyang mga kaugalian, saloobin at ng kanyapaniniwala. Ang bawat takbo ng ng buhay at mga pangyayari sa kanyang panahon na naganap, nagaganap, at magaganap ay pag-unlad ng kanyang sarili sapagkat, dito napangangatwiranan niya ang kanyang mga karanasan, pagkatakot, pagkabigo, pakikiayon, pakikibaka at pag-iisa.
  • 6. Pagtalakay Simula lamang nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang pagkatao nagsimulang maging isa itong disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating behikulo lamang ng ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalaikhain, ang panitikan ay naging isang karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon. Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang- edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay gumanap/gumaganap ng iba’t ibang tungkulin iba-iba sa bawat panahon, sa bawat lugar, sa bawat antas. Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas koliheyo, ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing aspeto: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitibo o pampag-iisip ng mga mag-aaral.
  • 7. Pagtalakay Bukod dito, kasangkapan din ito, particular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa pagpapatibay ng ating sariling kabansaan at pagkakakilanlan. Hindi kaiba sa iba pang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong debelopmental. Kaya bilang pagpapatuloy ng pag-aaral nito na inyo nang nasimulan sa elementarya at hayskul at bilang pagsisimula ng mas mataas na antas ng pag-aaral ng panitikan, talakayin natin ang mga batayang kaalamang nauukol dito, na ang ilan o maging ang karamihan ay balik-aral lamang.
  • 8. Depinisyon Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan Sa panitikang pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay “isang paraan ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.  Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang panitikan ay “bungang-isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon, at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masining at makahulugang mga pahayag.
  • 9. Depinisyon  Ayon naman kay Webster (1947:557), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.  Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
  • 10. Uri ng Panitikan A. Prosa o Tuluyan. Ang mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap. samantalang ang mga akdang patula ay yaong ang mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig, tugma at aliw-iw. Ang buong tula ay nahahati sa mga taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga taludtod o linya ng tula. B. Patula. Samantalang ang mga akdang patula ay yaong ang mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, at aliw-iw. Ang buong tula ay nahahati sa mga taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga taludtod o linya ng tula. Ang mga akdang patula ay may tatlong uri: ang tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko at tulang padula.
  • 11. Uri ng Tula o Patula 1. Tulang Pasalaysay- Ito ay may sukat at tugma. Ang nabibilang dito ay epiko, awit at Kurido. A. Epiko- Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipaglaban ng isa o grupo ng tao laban sa kanilang kaaway. B. Awit- Ito ay salaysayin sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na kababalaghan ito ay maaaring pakikipagsapalaran ng mga tauhan at nagaganap sa tunay na buhay. Binubuo ng labindalawang pantig ang bawat taludtod at sukat. C. Kurido- Ito ay pakikipagsapalaran ng mga tauhan na di maaaring maganap sa tunay na buhay. Binubuo ng walong pantig ang bawat taludtod.
  • 12. Uri ng Tula o Patula 2. Tulang Liriko/Pandamdamin- Kilala din sa tawag na tulang paawit at buhat sa salitang Griyego na “Lira” na ang ibig sabihin ay “awit o inaawit”, at ito ay may kaugnayan sa emosyon. Ang mga halimbawa nito ay oda, sonata, elihiya, dalit at iba pa. A. Oda- Ito ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o didikasyon sa isang tao o isang bayan na kinukuha ang interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon sa akda. B. Soneto- Ito ay isang uri ng musical na istruktura na binubuo ng tatlong pangunhing seksyon: Isang pagsasaysay, isang pag-unlad at isang rekapitulasyon. C. Elehiya- ay tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan. D. Dalit- Isang uri ng tula na karaniwang pangrehiyon, partikular, na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay.
  • 13. Uri ng Tula o Patula 3. Tulang Pantanghalan/ Pandulaan- Ginagamit sa pagtatanghal ng mga dula at ang mga halimbawa ay duplo, karagatan, balagtasan, komedya, moro-moro at senakulo. A. Duplo- Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. B. Karagatan- Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binate ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga. C. Balagtasan- Ito ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. D. Komedya- Pagtatanghal na masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob at ang bida ay laging nagtatagumpay. E. Moro-Moro- Pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng Kristiyano at Pilipinong Muslim. F. Senakulo- Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo.
  • 14. Uri ng Tula o Patula 4. Tulang Patnigan- Ito ay tulang nagbibigay-aliw sa mga taong namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw na.
  • 15. Uri ng Prosa o Tuluyan 1. Pabula- ang mga tauhang gumaganao ay hayop. Ang aral ay karaniwang ibinibigay sa paraang wakas sa pamamagitan ng kasabihan o salawikain 2. Alamat- Nagsasaad o nagpapaliwanag ng tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook at pangalan. 3. Maikling Kuwento- ang mga pangyayari ay simple, may mga kilos na organisado, may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, sa kalagitnaan, ay may kasukdulan , at may katapusan o wakas.
  • 16. Uri ng Maikling Kuwento a. Kuwento ng Tauhan- ang binibigyang diin ay ang pangunahing tauhan. b. Kuwento ng Madulang Pangyayari- ang binibigyang pansin ay ang pangyayari. c. Kuwento ng Kababalaghan- ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala at taliwas sa katotohanan. d. Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. e. Kuwentong Bayan- nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyang ng buong bayan. f. Kuwento ng Katatakutan- naglalaman ng mga pangyayaring katakot-takot o kasindak- sindak.
  • 17. Uri ng Maikling Kuwento g. Kuwentong Sikolohiko- ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwento na bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. h. Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento. i. Kuwento ng Katatawanan- nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mga mambabasa. j. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao ang pokus ng kuwentong ito.
  • 18. Uri ng Prosa o Tuluyan 4. Nobela- Tinatawag din na kathambuhay. Ang mga pangyayari ay kawing- kawing at mas mahaba kaysa sa maikling kuwento. Uri ng Nobela a. Nobelang Makabanghay- Ito ay nagbibigay diin sa balangkas. b. Nobela ng Tauhan- Ang binibigyang pokus ay ang pangangailangan at hangarin ng pangunahing tauhan. c. Nobelang Masining- Ang binibigyang pansin ay ang paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan. d. Nobelang Maromansa- Ito ay nagtatanghal ng pag-iibigan. e. Nobela ng Layunin- Nagbibigay diin sa mga simulain o layuning mahalaga sa buhay ng tao.
  • 19. Uri ng Prosa o Tuluyan 5. Sanaysay- Tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at kuro-kuro ng may-akda. Ito ay may dalawang uri: ◦ a. Pormal (maanyong sanaysay) - maingat, maayos at mabisa ang paglalahad na karaniwang nagagawa ng isang may malawak na kaalaman sa paksa. b. Di-Pormal (malaya) - kung ang paksa ay higit na malapit sa karaniwang mambabasa sapagkat ito ay tumatalakay sa pang-araw- araw na pangayayari.
  • 20. Uri ng Prosa o Tuluyan 6. Dula- Naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng tanghalan. Uri ng Dula a. Komedya- Ang uri ng dulang ito ay masaya at kawili-wili sapagkat nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan. b. Melodrama- Galing sa Griyegong salita na “MELOS” nangangahulugang awit at ito ay may malulungkot na pangyayari.
  • 21. Uri ng Dula c. Trahedya- Ginagampanan ng tauhang mapupusok, sapagkat kinapalolooban ng mahihigpit na tunggalian. d. Parsa- Ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang pananalita. e. Saynete- Ang paksa ay ugali na itinatanghal sa paraang katawa-tawa
  • 22. 7. Talumpati- Uri ng akdang pampanitikan na sadyang inihanda upang bigkasin. Uri ng Talumpati a. Talumpating Panlibang- Ginagamit sa mga pagtitipong sosyal o panlipunan. b. Talumpating Pampasigla- Ginagamit sa mga okasyong tulad ng araw ng pagtatapos, pagbubukas ng aklatan at iba pa. c. Talumpating Nagbibigay Impormasyon- Talumpating ginagamit kung magbibigay ng ulat. d. Talumpating Nagbibigay Galang- Binibigkas bilang simbolo ng pagtanggap. e. Talumpati ng Papuri- May layuning magbigay ng parangal o papuri sa magagandang nagawa.
  • 23. 8. Balita- Naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa. 9. Talambuhay- Naglalahad ng pangyayari sa buhay ng isang tao mula ng siya ay isinilang hanggang sa kanyang kamatayan. Ito ay may dalawang uri. ◦ Uri ng Talambuhay ◦ a. Pansarili- Siya mismo ang sumulat b. Pang-iba- Ibang tao ang sumulat.
  • 24. 10. Editoryal- Naglalahad ng kuro-kuro o pananaw ng manunulat tungkol sa isang napapanahong isyu. 11. Anekdota- Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. 12. Kuwentong Bayan- Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong bayan ng isang tiyak na pook na rehiyon ng isang bansa o lupain.