1. KABANATA 10: ANG SAN DIEGO
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng
isang lawa at may malalapad na bukirin at palayan. Karamihan na nakatira rito ay
mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto
agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino. Mula sa pinakamataas na
bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may
itaas na bahagi, may kubo nasadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw
sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng
kabukiran.Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong
itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sabayan. Ito
ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Biniliniya ang buong
gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang
matanda ay nawala. Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng
masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at Nakita nila ang
nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti. Dahil sa
pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya,
takot na takot sa kanya ang mga babae sapagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung
tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda
at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog. Hindi nagtagal, isang batang mistisong
kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang
Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan,
nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na