1. Liham kay Rizal, Aking Bayani
Bo. Luz Elem. School
Arch. Reyes Ave., Cebu City
Ika-6 ng Oktubre, 2011
Pinakamamahal kong bayani,
Ako po ay isang mag-aaral sa ikaanim na baitang, sa mura kong gulang ay
naramdaman ko na ang hirap na dinaranas ng iyong pinakamamamahal na mga
kababayan dahil sa maling pamamalakad at pamumulitika ng halos lahat ng mga
opisyales ng pamahalaan. Nangarap ako na sana ikaw ay nasa aking harapan nang
maipahiwatig ko ang aking nararamdaman, na mararamdaman mo rin siguro kung ikaw
ay nasa aking katayuan. Siguro ikaw na yata ang pinakamalungkot dahil sa kalagayan
ng ating bansa ngayon, na dinadaranas ang paghihirap dahil sa ating pamahalaan na
nanungurakot sa kaban ng bayan na sana’y gagamitin para makaahon sa kahirapan,
kasabay din nito ang mga batas na ipinangakong ipatupad ngunit ang lahat ay nabigo
dahil ang batas ng bayan ay sinawalang bahala kaya ang mga tao sa ating bansa ay
pawang nalululong sa masasamang gawain sapagkat umaasa sila sa mga namamahala
sa pamahalaan na akala nila buong tapat itong nagsisilbi sa taong bayan ngunit sila ay
nabigla sa kanilang nararanasang paghihirap ng ating inang bayan, ang iyong nag-
iisang pinakamamahal na bansa ay ngayo'y nalubog sa kahirapan dahil sa mga taong
nawalay sa kanilang landas kagaya na lang ng mga krimeng nangyayaring holdapan,
panluluko sa kapwa at naglipanang mga taong walang trabaho na gumagawa ng iba't
ibang karahasan, mga batang kagaya ko na sa murang gulang ay ibinibenta ang sarili
upang mairaos ang pang araw araw na buhay, mga batang gumagamit ng bawal na
gamot at dahil dito’y nagiging sanhi pa ito ng pagkitil ng buhay ng kapwa tao. Ang
2. patuloy ang pag-angat ng kahirapan na nadaragdagan pa ng mga kalamidad na
kalahati nito ay kasalanan din ng mga mamamayan at ng gobyerno kagaya na ng
“Global Warming” ang dahilan nito ay ang pagpapabaya ng ating mga kababayan, gaya
na lamang ang walang pakundangang pagputol ng mga punongkahoy, ngunit may mga
programa ang pamahalaan na isinasagawa upang maiwasan ito pero hindi nila
siniseryoso ang mga suliranin datapwat naging daan pa ang mga programang ito upang
makakurakot ng mga pundo para sa sariling kapakanan.
Alam kong nalulungkot po kayo sa mga pangyayaring ito sa ating bansa kaya
sumulat ako po sa inyo upang maiparating ang aking payo hinggil sa bayan na gusto
kong imungkahi upang mapabuti ang kalagayan ng ating bayan. Una, sana ay kausapin
n’yo po (kahit sa kanilang panaginip) ang ating mga masasamang opisyal na humuking
magbago sa mga masasama nilang intensyon sa ating inang bayan at linawin n’yo sa
kanilang mga puso’t isip ang epekto at dulot sa kanilang pinaggagawa. Pangalawa,
para sa pambansang kaunlaran at pagkakaisa gusto kong ipabatid sa ating pangulo na
sana ay kanyang panghawakan ang sariling pangako na tutuparin niya ang
pangangailangan ng ating bansa upang bumalik sa dating anyo kung saan
mararamdaman ang mapayapang pamumuhay at sa ating bise-presidente na sana’y
bigyang-lakas at makipagtulungan sa ating pangulo na iisa ang layunin, “Pilipinas
baguhin para sa kapakanan natin” at gampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang
mga proyekto na pinamamahalaan tulad ng mga proyektong pabahay kung saan
kanyang tinutulungan ang ating mamamayan na makaahon mula sa mga sakunang
kanilang nararanasan ngayon at hikayatin din niya ang mga opisyal ng “imbahada” na
sagipin ang mga OFW na pinagsamantalahan sa ibang bansa at walang awang
3. ginahasa. Pangatlo, bilang isang batang nag-aaral pa, nagsisilbi kang gabay upang
ako’y magpatuloy at magsikap, upang makamit ko ang tugatog ng tagumpay.
Nakatamin lagi sa aking isip ang iyong salitang “Kabataan ang pag-asa ng Bayan.”
Sana po ay matulungan ninyo akong maging instrumento ng pagiging isang modelo ng
kabataan upang maisakatuparan ko ang aking mga iminumungkahi sa inyo at gabayan
n’yo po ako na magampanan at maisakatuparan ko ito sa abot na aking makakaya.
Alam kong malulungkot ka at iisiping walang naging saysay ang iyong pagbuwis
ng buhay. Pero alam mo, habang may mga kabataang gaya ko na palaging
nangingibabaw ang pagmamahal sa edukasyon, habang buhay sa puso ko ay ang
iyong tapang at determinasyon sa gitna ng mga pagsubok at habang nakalimbag sa
isipan ko pagmamahal sa lupang sinilangan ang mangingibabaw, walang dahilan upang
hindi marating ang minimithi ng bayan.
P.S.
Lagi ko pong ipinagdarasal na sana uusbong pa ang maraming Rizal sa
katauhan naming mga kabataan.
Lubos na nagmamahal,
JUSTIN AARON S. FIRME
Kalahok