1. BLOCK PLAN TEMPLATE FOR THE WEEK IN
Araling Panlipunan 9
Pangalan ng Guro: Crystal Mae S. Salazar Quarter: 4th
Week No . 1
Paksang Aaralin: Mga Sektor Pang-Ekonomiya at Mga Patakarang Pang-Ekonomiya Nito (Sektor ng Agrikultura at Industriya)
Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at
pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Pamantayan sa
Pagganap
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Pamantayan sa
Pagkatuto
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor agrikultura at industirya tungo sa isang masiglang ekonomiya.
2. Nasusuri ang pagkaka-ugnay sa sektor agrikultura at industriya tungo sa pag unlad ng kabuhayan.
3. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiyang nakakatulong sa sektor ng agrikultura at industriya.
Daily Essentials Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday
Mga Layunin 1. Nabibigyang
kahulugan ang
Agrikultura.
2. Natutukoy at
naipaliwanag ang mga
gawain na bumubuo sa
sektor ng agrikultura.
3. Napapahalagahan ang
sektor ng agrikultura sa
pag-unlad ng bansa.
1. Natutukoy ang mga
patakarang pang-
ekonomiya na
nakakatulong sa sektor
ng agrikultura.
2. Nakakagawa ng isang
presentasyon na
nagpapakita sa aktuwal
na pag-aplay ng mga
patakarang pang-
ekonomiya sa
agrikultura.
1. Nabibigyang
kahulugan ang
Industriya.
2. Natutukoy ang mga
bumubuo sa sektor ng
industriya.
3. Naipaliliwanag at
nabibigyang halaga ang
bahaging ginagampanan
ng sektor industriya sa
ekonomiya.
4. Nakakagawa ng isang
adbokasiya upang
maisulong ang
kahalagahan ng sektor ng
idustriya sa ating bansa.
1. Natutukoy ang mga
karapatan na nakakatulong
sa sektor ng industriya.
2. Napapahalagan ang mga
karapatang ito bilang gabay
para sa pambansang
kaunlaran.
1. Naipapalabas ang
saluobin sa kahalagahan ng
sektor ng agrikultura at
industriya sa ekonomiya ng
ating bansa sa pamamagitan
ng paggawa ng isang poster.
Level 1 (15%)
QA) Knowledge
Activities
Gawain 1: Hula - Akting
Gawain 2: Video
Showing
Gawain 1: Pagpapakita
ng Larawan
Gawain 1: Crossword
Puzzle
Gawain 1: Game: Amazing
Race
2. Level 2 (25%)
QB) Process
Activities
Gawain 2: Video
Interpretation
Gawain 2: Plan-Plan Pa
More
Level 3 (30%)
QC) Understanding
& Reflections
Activities
Gawain 3: Ayusin ang
Puzzle
Gawain 3: Nakita ko,
Nalaman ko
Gawain 2: Naranasan ko,
Pag-isipan ko
Level 4 (30%)
QB) Activities on
Products or
Performances
Gawain 3: Dramatization Gawain 4: Adbokasiya Gawain 1: Poster Exhibit
Teacher’s Remarks
Principal’s
Comments
3. DESIRED LEARNING ACTIVITIES (DLA) SA ARALING PANLIPUNAN
(Wednesday Lesson)
Crystal Mae S. Salazar
DLA No. 1
Subject: Araling Panlipunan
Grade Level: Grade 9
Learning Competency: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya, tulad ng
pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya.
Lesson/s: Mga Sektor Pang-Ekonomiya : Sektor ng Industriya
Layunin: Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nabigbigyan kahulugan ang industriya;
2. natutukoy ang mga bumubuo sa sektor ng industriya;
3. naipaliliwanag at nabibigyang halaga ang bahaging ginagampanan ng sektor
industriya sa ekonomiya; at
4. nakakagawa ng isang adbokasiya upang maisulong ang kahalagahan ng sektor ng
industriya sa ating bansa.
I. Getting to Know the Lesson (Knowledge)
Bilang paghahanda para sa bagong leksyon, ibibigay ng guro ang mga katanungan na
sasagutan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang risitasyon. Ito ay magsisilbing review at
gabay ng mga mag-aaral para sa mas malawak na interpretasyon sa bagong leksyon.
1. Sino dito ang makapagbibigay ng kahulugan sa agrikultura?
2. Sino ang makapagbibigay sa mga sektor ng agrikultura? (Inaasahang sagot:
pangangahoy, pagtatanim, pagmamanukan, paghahayupan, at pangingisda)
3. Sino dito ang makapagbibigay sa mga kahalagahan ng agrikultura? (Inaasahang sagot: 1.
Pinagmumulan ng mga hilaw na materyal, 2. Tagapagbili ng mga produkto ng industriya, 3.
Nagkakaloob ng hanapbuhay, at 4. Pinanggalingan ng dolyar)
Pagkatapos ay ibibigay niya ang gawain.
Gawain 1. Crossword Puzzle
Direksyon: Mula sa mga titik na nasa kahon, ibigay ang sagot sa mga tanong sa ibaba.
Ang sagot ay makukuha sa anumang direksyon. Maaaring sapamamagitan ng pagbilog o
paglinya sa mga titik maipapakita ang mga sagot.
4. 1. Ito ay tumutukoy sa malawakang paglikha ng mga produkto at serbisyo na ibinebenta
sa pamilihan.
2. Ito ay ang paraan ng pagkuha, pagpoproseso at pagbebenta sa pamilihan ng mga
yaring produkto ng nakukuhang mga yamang-mineral, yamang di-metal at enerhiya.
3. Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng mga bagay na ginagamitan ng mga
kemikal na pamamaraan upang makalikha ng isang produkto sa pamamagitan ng
makina o kamay na isinasagawa sa pabrika o bahay.
4. Ito ay itinuturing na mga fixed capital na kung saan ginagawa ang mga produkto.
5. Dito nakapaloob ang kuryente, tubig at gas.
6. Siya ay may malaking responsibilidad para siguraduhing makakaabot ang serbisyo
ng kuryente, tubig at gas sa mga mamamayan.
II. Skill Development (Process)
Gawain 2. Plan-Plan Pa More
Naipapamalamas ng mga mag-aaral ang kanilang imahinasyon ukol sa kahalagahan ng
industriya sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng isang pagpaplano o eskima.
1. Pabubunotin ng guro ang mga mag-aaral ng isang papel na naglalaman ng isang
salita. Ang mga nakasulat sa papel ay ang 4 na sektor ng industriya.
2. Matapos makabunot o makapili ng sektor, sasagutin nila ang katanungan sa ibaba.
Ipapakita nila ang kanilang mga sagot sapamamagitan ng isang dayagram, eskima,
concept map, o sa isang chart. Ang katanugan ay:
“Paano makakatulong ang (sektor) sa pag-ulad ng ekonomiya ng bansa?”
5. III. Constructing Meanings (Understanding and Reflections)
Sa pamamagitan ng mga gawain sa ibaba ay magkakaroon ng sariling pananaw at
interpretasyon ang mga mag-aaral sa Industriya. Maibabahagi rin nila ang kanilang saluobin
ukol sa paksa.
Gawain 3. Nakita ko, Nalaman ko
A. Ipapakita ng guro ang larawan, maaari nya itong ilagay sa isang kartolina para
makita ng lahat, at itatanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral.
1. Anu-ano ang mga bagay na nasa larawan?
2. Ano ang iyong unang naisip nang makita mo ang larawan?
3. Maari mo bang isuwalat o ibahagi ang iyong saluobin matapos mong tingnan at
analisahin ang larawan?
4. Matapos tingnan ang larawan, gamit ang iyong salita, ano ang Industriya?
B. Suriin ang talahanayan at pagkatapos ay sasagutan ng mga mag-aaral ang sumusunod na
tanong:
6. Pinagkunan: Current Labor Statistics, 2017
(psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/cls/ECLS-July%202017.pdf)
1. Tungkol saan ang talahayan? Ano ang ipinapakita nito?
2. Kung wala ang mga manggagawang ipinapakita sa talahayan, ano kaya ang mangyayari
sa ating bansa? Paano mo masusulosyonan ito pagnagkataon?
IV. Learning Transfer (Products or Performances)
Gawain 4. Adbokasiya
Batay sa mga napag-aralan tungkol sa sektor ng industriya at sa mga gawain na ginawa,
ang mga mag-aaral, isang seksyonan, ay aatasan na gumawa ng isang adbokasiya (Video)
na nagsusulong sa kahalagahan ng industriya sa ating bansa. Ito ay ilalapat bilang kanilang
proyekto sa markahang ito. Wawastohan ito batay sa mga sumusunod:
Kontent-------------------------------75 puntos
Pagkamalikhain--------------------20 puntos
Kabuoang Uras (10-15mins.)------5 puntos
100 puntos
V. Evaluation (Summative Assessment)
A. Identification
Panuto: Uriin ang mga sumusunod na produkto. Lagyan ng letra A kung ito ay
nabibilag sa pagmimina, B kung ito ay pagmamanupaktura, C kung konstruksyon, at D
kung ito ay nabibilang sa utilities.
_____1. Serbisyo ng tubig
_____2. Canned goods
_____3. Pagkuha ng langis
_____4. Paggawa ng kalsada
_____5. Pagbebenta ng bakal
_____6. Pagpoproseso ng asbestos
____7. Paggawa ng shampoo at sabon
7. ____8. Pagpapatayo ng tirahan
____9. Pagbibigay ng kuryente
____10. Serbisyong telepono
B. Essay
Panuto: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na katanungan. Sa luob ng 5 sanaysay
ay sasagutan ang mga ito. Ang bawat katanungan ay mayroong 10 puntos batay sa sumusunod
na criteria:
Kontent----------------------------8 puntos
Pagkasunod-sunod ng idea------2 puntos
10 puntos
1. Alin ang puwedeng mangyari?
Uunlad ang industriya kahit walang agrikultura o uunlad ang agrikultura kahit
walang industriya? Bakit?
Ang industirya ba ang magsisilbing susi sa pag-unlad ng bansa? Bakit?
VI. Assignment
Panuto: Magsaliksik ukol sa mga karapatan na nakakatulong sa sektor ng industriya.