Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
marcelo (1).docx
1.
2. Mayaman ang mga magulang ni Marcelo.
Marami silang palaisdaan at sakahan.Si Julian
Hilario del Pilar, ang kanyang ama, ay tatlong
beses na naging gobernadorcillo. Naglingkod
din si Julian bilang oficial de mesa ng alkalde
mayor. Ang ina ni Marcelo ay si Blasa
Gatmaitan. Kilala si Blasa sa bansag na Blasica.
Pang-siyam sa sampung magkakapatid, ang
mga kapatid ni Marcelo ay sina: Toribio (paring
ipinatapon sa Marianas noong 1872), Fernando
(ama ni heneral Gregorio del Pilar), Andrea,
Dorotea, Estanislao, Juan, Hilaria (maybahay ni
Deodato Arellano), Valentin at Maria.Ang tunay
na apelyido ng pamilya ay "Hilario". Ginamit
nila ang apelyidong "del Pilar" alinsunod sa
kautusan ni Gobernador Heneral Narciso
Claveria noong 1849. Noong Pebrero 1878,
pinakasalan ni Marcelo ang pinsang niyang si
Marciana (kilala sa bansag na Tsanay/Chanay).
Sila ay may pitong anak, dalawang lalaki at
limang babae: Sofía, José, María Rosario, María
Consolación, María Concepción, José Mariano
Leon, at Ana (Anita). Si Sofia at Anita lamang
ang lumaki (ang lima ay namatay noong
sanggol pa lang sila). Sa murang edad ay natuto
si del Pilar mag biyulin, mag piyano, at mag
plauta. Magaling din siya sa larong arnis. Kapag
panahon ng Flores de Mayo ay tumutugtog siya
ng biyulin. Kumakanta din siya sa mga harana
(serenata). Noong 1 Hulyo 1882, itinatag niya
ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao
Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang
labas ay inilathala noong 1 Hunyo 1882) kung
saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga
prayle at kalupitan ng pamahalaan. Tinulungan
siya dito nina Basilio Teodoro Moran, Pascual
H. Poblete, at Francisco Calvo y Muñoz. Noong
Agosto 20, 1882, itinampok sa Diariong Tagalog
ang tula ni José Rizal na pinagamatang El Amor
Patrio. Ito ay isinalin ni del Pilar sa wikang
Tagalog, Ang Pagibig sa Tinubúang Lupà.