SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 26
Kabanata 1
Ang Pagsilang ng Pambansang
Bayani
Panimula:
Si Dr. Jose Rizal ay
katangi-tanging
halimbawa ng isang
henyo ng maraming
larangan. Biniyayaan ng
Diyos ng maraming
talino, maihahanay siya
sa ibang mga henyo sa
buong daigdig. Higit sa
lahat isa siyang bayani at
politikong martir na
naglaan ng kanyang
buhay para sa katubusan
ng mga inaaping
kababayan.
Siya ay isang:
doktor, makata, mandudula,
mananalaysay, manunulat, arkitekto,
pintor, eskultor, edukador,
lingwistika, musiko, naturalista,
etnolihista, agremensor, inhinyero,
magsasakang negosyante,
ekonomista, heyograpo, kartograpo,
pilolohista, folkorista, pilosopo,
tagapagsalin, imbentor, mahikero,
humorista, polemisista, manlalaro,
manlalakbay at propeta.
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag
ang buwan, Miyerkules ika-19 ng Hunyo 1861 sa
baybaying ng bayan ng Calamba, Laguna. Muntik ng
mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil
malaki ang kanyang ulo. Mabuti na lamang daw ay
namanata ang kanyang ina sa Biren ng Antipolo.
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng
kanyang bayan noong ika-22 ng Hunyo sa edad na
tatlong araw.
Trivia: Bahay ni Jose Rizal Noon at Ngayon
Noon 1800 Ngayon 2018
Trivia: Simbahan ng Calamba noon at ngayon
Kasalukuyan 1800-1863
were constructed after the great earthquake of 1863, which
demolished so many edifices throughout the central part of
the Philippines.
[Lineage, Life and Labors of Jose Rizal: Philippine Patriot.]
Trivia: Simbahan ng Calamba noon at ngayon
Kasalukuyang 2017 Nakaraang 1900
Padre Rufino Collantes
– kura paroko na nagbinyag kay
Jose Rizal na isang Batangueño.
Napuna din niya ang malaking ulo
ni Jose Rizal at sinabi “alagaan
ninyo ang batang ito, balang
araw ay magiging dakila siya”.
Ang kanyang ninong ay si Padre
Pedro Casana na taga-Calamba at
kaibigang matalik ng mag-anak na
Rizal. Ang pangalang “Jose” ay
pinili ng kanyang ina na deboto
kay San Jose.
Tinyente Jose Lemery
– gobernador-heneral ng Pilipinas, dating
senador ng Espanya. Pinamunuan niya
ang Pilipinas noong ika-2 ng Pebrero
1861 hanggang ika-7 ng Hulyo 1862.
nang araw na isinilang si Rizal nagkataon
nagpadala ng opisyal na liham sa
Ministrong Digma at Ministrong Utramar
sa Madrid, na tumutuligsa kay Sultan
Pulalun ng Sulu at iba pang
makapangyarihang datung Muslim na
nakikipagkaibigan sa isang Ingles na
konsul.
Nagtaguyod siya ng pagtatanim ng bulak
sa mga lalawigan at nagtatag ng
Pamahalaang Politiko-Militar sa Visayas
at Mindanao.
Si Rizal ay ika- 7 sa labing-isang anak nina
Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo
Realonda.
Francisco Mercado Rizal (1818-
1898)– ay isinilang sa bayang ng
Biñan Laguna noong ika- 11 ng
Mayo 1818 Nag aral siya ng
Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo
ng San Jose sa Maynila.
Pagkaraang mamatay ang mga
magulang sa murang edad pa
lamang ay napadpad na siya sa
Calamba at naging kasamang
magsasaka sa asyendang pag
aari ng mga Dominiko. Namatay
sa Maynila noong Enero 5 1898
sa edad na 80 sa tala ng
kanyang buhay ay tinawag ni
Rizal ang kanyang ama na
“Huwaran ng mga ama”.
Donya Teodora (1826-1911)- ang ina ni Rizal
ay isinilang sa Maynila noong ika-8 ng
Nobyembre 1826 at nakapag aral sa Kolehiyo
ng Santa Rosa isang kilalang kolehiyo para sa
kababaihan sa lungsod. May talino sa
panitikan negosyo at katatagan ng isang
babaing Sparta. Inilalarawan ni rizal ang
kanyang ina bilang katangi-tangi, maalam sa
panitikan, at mahusay sa Espanyol. Siya ang
nagwawasto kay Rizal sa mga tula at
nagbibigay payo nang nag aaral pa siya ng
retorika. Mahusay din sa matematika at
maraming aklat ang nabasa. Namatay siya sa
Maynila noong Agosto 16, 1911 sa edad na
85.Bago siya mamatay ay nag alay ng pensyon
ang pamahaalan ng Pilipinas ngunit
tinangggihan niya ito, sinabi niya: “Ang aking
pamilya ay hindi naging makabayan dahil
sa pera , kung maraming pondo ang
pamahalaan at hindi alam kung saan ito
ilalaan, mabuti pang babaan na lamang ang
buwis”. Sa ganitong pananalita ay di kataka
takang siya ang ina ng ating pambansang
bayani.
Pamilya ni Jose Rizal
Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina “ Neneng” - panganay na anak, napangasawa ni Manuel Hidalgo na mula Tanauan,
Batangas,may limang anak.
2. Paciano – ikalawa at nag iisang kapatid na lalaki ni Rizal, may dalawang anak,kapanatagang
loob ni Rizal, sumali at naging heneral sa rebolusyong Pilipino pagkatapos pumanaw ni Rizal.
3. Narcisa “Sisa” – ikatlo at pinakamatulungin na kapatid na babae ni Rizal, ikinasal siya kay
Antonio Lopez(pamangkin ni Padre Leoncio Lopez).
4. Olimpia “Ypia” – ikinasal siya kay Sylvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula sa
Maynila.
5. Lucia – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Padre Casanas.
Namatay sa kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing
dahil bayaw niya si Dr. Rizal.
6. Maria “Biyang” – ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Biñan, Laguna.
7. JOSE “Pepe” – ang pinaka dakilang bayaning Pilipino at henyo; habang desterado sa Dapitan,
nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong, nagkaanak siya rito ng
lalaki ngunitn ilang oras lamang nabuhay ang sanggol pagkapanganak, pinangalanan siyang “
Francisco” ni Rizal sunod sa pangalan ng ama at inilibing sa Dapitan.
8. Concepcion “Concha” – namatay siya sa edad sa sakit sa edad na 3 ang kanyang pagkamatay
ay unang kaluungkutang naranasan niRizal.
9. Josefa “Panggoy” – namatay siyang matandang dalaga sa edad na 80.
10. Trinidad “Trining” - namatay rin siyang matandang dalaga noong 1951 sa edad na 83.
11. Soledad “ Choleng” – bunso sa magkakapatid na Rizal, ikinasal siya kay Pantaleon Quintero
ng Calamba.
Nagmamahalan ang mga magkakapatid. Tulad ng ibang
magkakapatid, nagaaway din sila ngunit nang tumanda na’y nanatili pa
rin ang paggalang ni Rizal sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.
Tinatawag niyang Doña o Señora (kung may asawa) at Señorita (kung
dalaga).
Sampung taon ang tanda ni Paciano, nag-iisang kapatid na
lalaki , ni Rizal. Hindi lamang nakatatandang kapatid na lalaki ang turing
sa kaniya kundi para na rin siyang pangalawang ama ni Rizal. Sa
kanyang nobelang Noli Me Tangere, binibigyang-buhay ni Rizal ang
kanyang kapatid sa katuhan ni Pilosopo Tasio. Sa kanyang liham kay
Blumentritt, isinulat sa London noong Hunyo 23, 1888, sinabi ni Rizal
na si Paciano ang “Pinakamaginoong Pilipino” at “kahit na isang indio
(dating katawagan ng mga Kastila sa mga katutubong Malay ng
Pilipinas) mas mapagbigay at maginoo siya kaysa sa mg Espanyol
kahit pa pagsamasamahin silang lahat”. Sa susunod na liham para
kay Blumentritt, isinulat sa London noong Oktubre 12, 1888, ganito
naman ang sinabi ni Rizal sa kanyang pinakamamahal na kapatid na
lalaki. “Mas mabini siyang kumilos kaysa sa akin; mas seryoso; mas
malaki at mas balingkinitan, hindi naman gaanong kayumanggi ang
kulay; maganda at matangos ang ilong; ngunit sakang”.
Ang mga Ninuno ni Rizal
Gaya ng karaniwang
Pilipino si Rizal ay isang
produkto ng pinaghalu-
halong lahi. Sa kanyang
mga ugat ay nananalaytay
ang dugo ng Silangan at
Kanluran – Negrito,
Indones, Malay, Tsino,
Hapon at Espanyol. Ngunit
mas nakalalamang ang
pagiging Malay niya at isa
siyang mahusay na
ispesimen ng kalalakihan.
Partido ng Ama ni Rizal
Domingo Lamèo (Cue Yi-Lam)
– nagmula sa distrito ng
Chinchow, Probinsiya ng
Fookien, Tsina. Anak ni Siong-
co at Jun-nio, dumating sa
Maynila noong 1690 at naging
Kristiano siya; napangasawa
niya si Inez Dela Rosa; ginamit
ang apelyidong Mercado taong
1731 dahil sa pagiging isang
komersyante.
Inez Dela Rosa
- Mayamang Tsinong
Kristiyano sa Maynila, anak
nina Jacinta Rafaela at Agustin
Chinco na isang mangangalakal
mula sa Chuan Chow. Ina nila
Francisco at Josefa, ngunit
makalipas ang limang araw ay
binawian din ng buhay si
Josefa.
Partido ng Ama ni Rizal
Francisco Mercado –
anak nina Domingo Lamèo
at Inez Dela Rosa
nanirahan sa Biñan;
napangasawa ng
mestisang Tsinong-
Pilipino, si Cirila
Bernacha, at nahalal
gobernadorcillo (alkalde
ng bayan) ama ni Juan at
Clemente.
Juan Mercado (Lolo ni
Rizal) –
Naging gobernadorcillo ng
bayan ng Biñan tulad ng
kanyang ama, mas kilala
bilang Kapitan Juan.
Napangasawa niya si Cirila
Alejandro. Mayroon silang
13 na anak at ang bunso
ay si Francisco Mercado
na ama ni Jose Rizal.
Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang
siya ay 8 taong gulang pa lamang at lumaki sa
pag-aaruga ng kanyang ina. Nag-aral siya ng
Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa
Maynila. Habang nag-aaral ay nakilala niya’t
umibig siya kay Teodora Alonzo Realonda, isang
estudyante sa Kolehiyo sa Santa Rosa. Ikinasal
noong Hunyo 28, 1848, at pagkaraa’y nanirahan
sa Calamba, kung saan pagsasaka at negosyo
ang ibinuhay nila sa malaki nilang pamilya.
Partido ng Ina ni Rizal
Eugenio Ursua –
napangsawa niya si
Benigna (di alam ang
apelyido), mula sa lahing
Hapones, ama ni Regina
Ursua. Sinasabing
nagmula kay Lakandula,
ang huling katutubong
hari ng Tondo.
Regina Ursua – anak nina
Eugenio at Benigna Ursua.
Napangasawa niya si
Manuel de Quintos isang
abogadong Tsinong-
Pilipino mula sa
Pangasinan. Mayroong 4
na anak kabilang si
Brigida de Quintos ina ni
Teodora.
Partido ng Ina ni Rizal
Brigida de Quintos – anak
nina Regina at Manuel de
Quintos, ikinasal kay
Lorenzo Alberto Alonzo.
Ang kanilang mga anak ay
sina: Narcisa, Teodora (ina
ni Rizal), Gregorio, Manuel
at Jose.
Lorenzo Alberto Alonzo -
isang kilalang mestisong
Espanyol-Pilipino ng
Biñan. Ang ama ni Teodora
Alonzo.
Ang Apelyidong Rizal
Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na
ginamit noong 1731 ni Domingo Lamèo na isang Tsino (ninuno ni
Rizal). Ginamit ng mag-anak ang “Rizal”(na ang ibig sabihin sa salitang
Espanyol ay isang bukid na tinatamnan ng trigo, inaani habang lunti pa
at muling tutubo) na ibinigay ng isang Espanyol na isang alcalde mayor
(gobernador heneral ng Lalawigan) ng Laguna, na kaibigan ng pamilya.
Kaya sinabi ni Rizal sa sulat nya kay Blumetritt:
“ Ako lamang ang Rizal dahil sa aming bahay, ang mga magulang
ko’t kapatid, pati na ang ibang kamag-anak ay tinatawag sa dati naming
apelyido, ang Mercado. Ang aming pamilya ay talaga namang Mercado,
ngunit maraming Mercado sa Pilipinas na hindi naman namin kamag-anak.
Sinasabing isang kaibigan sa pamilya ang nagbigay sa amin ng apelyidong
Rizal. Hindi naman ito gaanong pinapansin ng pamilya, ngunit ngayon ay
kailangan kong gamitin iyon. Sa ganitong paraan, nagmumukhang anak
ako sa labas”.
Ang Tahanan ng mga Rizal
Ang tahanan ng mga Rizal kung saan
isinilang ang bayan, ay isang katangi-tanging
bahay-na-bato sa Calamba noong panahon
ng mga Espanyol. May dalawang palapag
ito, parihaba ang hugis, gawa sa batong
adobe at matigas na kahoy at may bubong
na pulang tisa. Ganito inilarawan ni Dr.
Rafael Palma, mananalambuhay ni Rizal.
“ Mataas at malaki ang bahay, matatag at
may laban sa lindol, may bintanang kapis.
Malalapad ang mga pader sa unang
palapag ay gawa sa kahoy, liban sa bubong
na pulang tisa; ang estilo ay tulad ng mga
gusali sa Maynila ng panahong iyon... Sa
likod ay may azotea at malapad at malalim
na imbakan ng tubig ulan para magamit sa
bahay”.
“Sa likod ng bahay ay may manukan at nag
aalaga din sila ng pabo . May malaking
hardin ng mga namumungang puno - atis,
balimbing, tsiko, makopa, papaya, santol,
tampoy at iba pa”.
Ang Bahay at ibang mga gamit ng mag-anak na Rizal
Mabuting Pamilya na Nakaluluwang
sa Buhay o Nakaririwasa
Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga principalia,
mayayaman ng isang bayan noong panahon ng Espanyol. Sila ay isa sa
mga kilalang pamilya sa Calamba. Bunga ng katapatan, katapatan,
kasipagan at pagiging masinop sa buhay, nakapamuhay ng maayos ang
mga magulang ni Rizal. Mula sa lupang inuupahan sa Ordeng
Dominiko, nakapag-aani sila ng palay, mais at tubo. Nag-aalaga sila ng
baboy, manok, at pabo sa kanilang likod-bahay. Bukod sa pagsasaka at
paghahayupan, si Donya Teodora ay may maliit na tindahan, maliit na
gilingan ng arina at gawaan ng hamon.
Patunay ng pagiging mayaman nila, nakabiliat nakapagpatayo
ng malaking bahay ang mga magulang ni Rizal sa tabi ng simbahan at
nakabili pa sila ng isa pang bahay. Mayroon silang karwahe na simbolo
ng mga illustrados ng panahong iyon at pribadong aklatan
(pinakamalaki sa Calamba) na may higit 1000 tomo.
Ang Buhay ng mga Rizal
Payak ngunit masaya ang buhay pamilya ng mga Rizal. Tulad ng ibang
mag-anak na Pilipino, malapit sa isa’t-isa ang mag-anak na Rizal. Sa kabila ng
kanilang pamumuhay hindi silang lumaki sa layaw. Istrikto ang kanilang
magulang tinuruan nila ang mga anak na magmahal sa Diyos, kumilos nang
ayon sa kagandahang asal, maging masunurin at magalang sa lahat, lalo na sa
mga nakatatanda sa kanila.
Noong bata pa pinapalo nila ang kanilang mga anak kapag may
ginawang kalokohan kasama si Jose Rizal naniniwala sila sa kasabihang “kundi
papaluin ang bata, lalaki sila sa layaw”. Araw-araw ay nakikinig ng misa ang
mga Rizal sa simbahan ng kanilang bayan lalo na kapag Linggo at pista opisyal.
Sama-sama silang nagdarasal sa bahay – orasyon kapag takip-silim at Rosaryo
bago matulog sa gabi. Pagkatapos magdasal ay nagmamano ang mga anak sa
mga magulang.
Ngunit hindi naman dasal at pagsisimba lamang ang buhay ng mga
batang Rizal. Mayroon din silang panahon para maglaro sa azotea o hardin.
Ang mga nakatatandang kapatid ay pinapayagang makipaglaro sa mga bata
buhat sa ibang pamilya.
Thank you…

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

The life of rizal
The life of rizalThe life of rizal
The life of rizalGian Romano
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalCedrick Abadines
 
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizalyel08
 
Rizal as an Educator
Rizal as an EducatorRizal as an Educator
Rizal as an EducatorLeslie Umali
 
Rizal Chapter 4: Scholastic Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )
Rizal Chapter 4: Scholastic  Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )Rizal Chapter 4: Scholastic  Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )
Rizal Chapter 4: Scholastic Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )Noriel Caisip
 
Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose RizalMga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose RizalKent Rodriguez
 
Mga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizalMga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizalKea Sarmiento
 
Rizal chapter 3 - early education in calamba and biñan
Rizal   chapter 3 - early education in calamba and biñanRizal   chapter 3 - early education in calamba and biñan
Rizal chapter 3 - early education in calamba and biñanAntonio Delgado
 
Noli me tangere characters
Noli me tangere charactersNoli me tangere characters
Noli me tangere characterscharlhen1017
 
RIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereRIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereZarahBarrameda
 
Noli me tangere characters
Noli me tangere charactersNoli me tangere characters
Noli me tangere charactersImYakultGirl
 
Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)
Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)
Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)Anthony Javier
 
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose RizalFilipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose RizalJuan Miguel Palero
 

Was ist angesagt? (20)

Buhay ni rizal
Buhay ni rizalBuhay ni rizal
Buhay ni rizal
 
The life of rizal
The life of rizalThe life of rizal
The life of rizal
 
Rizal - Kabanata 4
Rizal - Kabanata 4Rizal - Kabanata 4
Rizal - Kabanata 4
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
 
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizal
 
Rizal as an Educator
Rizal as an EducatorRizal as an Educator
Rizal as an Educator
 
Rizal sa europa (1882 1892)
Rizal sa europa (1882 1892)Rizal sa europa (1882 1892)
Rizal sa europa (1882 1892)
 
Rizal Chapter 4: Scholastic Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )
Rizal Chapter 4: Scholastic  Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )Rizal Chapter 4: Scholastic  Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )
Rizal Chapter 4: Scholastic Triumphs at Ateneo de Manila (1872 – 1877 )
 
Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose RizalMga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
 
Chapter 8 (complete)
Chapter 8 (complete)Chapter 8 (complete)
Chapter 8 (complete)
 
Rizal in Spain
Rizal in SpainRizal in Spain
Rizal in Spain
 
KABANATA 8
KABANATA 8KABANATA 8
KABANATA 8
 
Mga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizalMga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizal
 
Rizal chapter 3 - early education in calamba and biñan
Rizal   chapter 3 - early education in calamba and biñanRizal   chapter 3 - early education in calamba and biñan
Rizal chapter 3 - early education in calamba and biñan
 
Noli me tangere characters
Noli me tangere charactersNoli me tangere characters
Noli me tangere characters
 
RIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereRIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me Tangere
 
Noli me tangere characters
Noli me tangere charactersNoli me tangere characters
Noli me tangere characters
 
Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)
Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)
Chapter 8: Noli Me Tangere Published in Berlin (1887)
 
Jose Rizal in UST
Jose Rizal in USTJose Rizal in UST
Jose Rizal in UST
 
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose RizalFilipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
 

Ähnlich wie Rizal chapter1 (20)

rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Panitikan 1.docx
Panitikan 1.docxPanitikan 1.docx
Panitikan 1.docx
 
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
 
Talambuhay ni jose rizal
Talambuhay ni jose rizalTalambuhay ni jose rizal
Talambuhay ni jose rizal
 
Talambuhay ni Rizal.pptx
Talambuhay ni Rizal.pptxTalambuhay ni Rizal.pptx
Talambuhay ni Rizal.pptx
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINO
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
Mga bayani
Mga bayaniMga bayani
Mga bayani
 
Kabanata 24 buhay ni jose rizal
Kabanata 24 buhay ni jose rizalKabanata 24 buhay ni jose rizal
Kabanata 24 buhay ni jose rizal
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptx
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 

Mehr von Ruel Baltazar

Menu planning and basic marketing
Menu planning and basic marketingMenu planning and basic marketing
Menu planning and basic marketingRuel Baltazar
 
Understanding system final
Understanding system finalUnderstanding system final
Understanding system finalRuel Baltazar
 
Physical aspect of personality
Physical aspect of personalityPhysical aspect of personality
Physical aspect of personalityRuel Baltazar
 
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysayMga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysayRuel Baltazar
 
Tourism & planning development
Tourism & planning developmentTourism & planning development
Tourism & planning developmentRuel Baltazar
 

Mehr von Ruel Baltazar (9)

Menu planning and basic marketing
Menu planning and basic marketingMenu planning and basic marketing
Menu planning and basic marketing
 
Deviance
DevianceDeviance
Deviance
 
Psychology 201
Psychology 201Psychology 201
Psychology 201
 
South asian cuisine
South asian cuisineSouth asian cuisine
South asian cuisine
 
Understanding system final
Understanding system finalUnderstanding system final
Understanding system final
 
Physical aspect of personality
Physical aspect of personalityPhysical aspect of personality
Physical aspect of personality
 
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysayMga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysay
 
Pre socratic
Pre socraticPre socratic
Pre socratic
 
Tourism & planning development
Tourism & planning developmentTourism & planning development
Tourism & planning development
 

Kürzlich hochgeladen

Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your courseFatimaCayusa2
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...CristinaLoyola5
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 

Rizal chapter1

  • 1. Kabanata 1 Ang Pagsilang ng Pambansang Bayani
  • 2. Panimula: Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan. Biniyayaan ng Diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang mga henyo sa buong daigdig. Higit sa lahat isa siyang bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan.
  • 3. Siya ay isang: doktor, makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwistika, musiko, naturalista, etnolihista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heyograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahikero, humorista, polemisista, manlalaro, manlalakbay at propeta.
  • 4. Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules ika-19 ng Hunyo 1861 sa baybaying ng bayan ng Calamba, Laguna. Muntik ng mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Mabuti na lamang daw ay namanata ang kanyang ina sa Biren ng Antipolo. Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong ika-22 ng Hunyo sa edad na tatlong araw.
  • 5. Trivia: Bahay ni Jose Rizal Noon at Ngayon Noon 1800 Ngayon 2018
  • 6. Trivia: Simbahan ng Calamba noon at ngayon Kasalukuyan 1800-1863 were constructed after the great earthquake of 1863, which demolished so many edifices throughout the central part of the Philippines. [Lineage, Life and Labors of Jose Rizal: Philippine Patriot.]
  • 7. Trivia: Simbahan ng Calamba noon at ngayon Kasalukuyang 2017 Nakaraang 1900
  • 8. Padre Rufino Collantes – kura paroko na nagbinyag kay Jose Rizal na isang Batangueño. Napuna din niya ang malaking ulo ni Jose Rizal at sinabi “alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya”. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casana na taga-Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang pangalang “Jose” ay pinili ng kanyang ina na deboto kay San Jose.
  • 9. Tinyente Jose Lemery – gobernador-heneral ng Pilipinas, dating senador ng Espanya. Pinamunuan niya ang Pilipinas noong ika-2 ng Pebrero 1861 hanggang ika-7 ng Hulyo 1862. nang araw na isinilang si Rizal nagkataon nagpadala ng opisyal na liham sa Ministrong Digma at Ministrong Utramar sa Madrid, na tumutuligsa kay Sultan Pulalun ng Sulu at iba pang makapangyarihang datung Muslim na nakikipagkaibigan sa isang Ingles na konsul. Nagtaguyod siya ng pagtatanim ng bulak sa mga lalawigan at nagtatag ng Pamahalaang Politiko-Militar sa Visayas at Mindanao.
  • 10. Si Rizal ay ika- 7 sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo Realonda. Francisco Mercado Rizal (1818- 1898)– ay isinilang sa bayang ng Biñan Laguna noong ika- 11 ng Mayo 1818 Nag aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Pagkaraang mamatay ang mga magulang sa murang edad pa lamang ay napadpad na siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag aari ng mga Dominiko. Namatay sa Maynila noong Enero 5 1898 sa edad na 80 sa tala ng kanyang buhay ay tinawag ni Rizal ang kanyang ama na “Huwaran ng mga ama”.
  • 11. Donya Teodora (1826-1911)- ang ina ni Rizal ay isinilang sa Maynila noong ika-8 ng Nobyembre 1826 at nakapag aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. May talino sa panitikan negosyo at katatagan ng isang babaing Sparta. Inilalarawan ni rizal ang kanyang ina bilang katangi-tangi, maalam sa panitikan, at mahusay sa Espanyol. Siya ang nagwawasto kay Rizal sa mga tula at nagbibigay payo nang nag aaral pa siya ng retorika. Mahusay din sa matematika at maraming aklat ang nabasa. Namatay siya sa Maynila noong Agosto 16, 1911 sa edad na 85.Bago siya mamatay ay nag alay ng pensyon ang pamahaalan ng Pilipinas ngunit tinangggihan niya ito, sinabi niya: “Ang aking pamilya ay hindi naging makabayan dahil sa pera , kung maraming pondo ang pamahalaan at hindi alam kung saan ito ilalaan, mabuti pang babaan na lamang ang buwis”. Sa ganitong pananalita ay di kataka takang siya ang ina ng ating pambansang bayani.
  • 13. Magkakapatid na Rizal 1. Saturnina “ Neneng” - panganay na anak, napangasawa ni Manuel Hidalgo na mula Tanauan, Batangas,may limang anak. 2. Paciano – ikalawa at nag iisang kapatid na lalaki ni Rizal, may dalawang anak,kapanatagang loob ni Rizal, sumali at naging heneral sa rebolusyong Pilipino pagkatapos pumanaw ni Rizal. 3. Narcisa “Sisa” – ikatlo at pinakamatulungin na kapatid na babae ni Rizal, ikinasal siya kay Antonio Lopez(pamangkin ni Padre Leoncio Lopez). 4. Olimpia “Ypia” – ikinasal siya kay Sylvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula sa Maynila. 5. Lucia – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Padre Casanas. Namatay sa kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw niya si Dr. Rizal. 6. Maria “Biyang” – ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Biñan, Laguna. 7. JOSE “Pepe” – ang pinaka dakilang bayaning Pilipino at henyo; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong, nagkaanak siya rito ng lalaki ngunitn ilang oras lamang nabuhay ang sanggol pagkapanganak, pinangalanan siyang “ Francisco” ni Rizal sunod sa pangalan ng ama at inilibing sa Dapitan. 8. Concepcion “Concha” – namatay siya sa edad sa sakit sa edad na 3 ang kanyang pagkamatay ay unang kaluungkutang naranasan niRizal. 9. Josefa “Panggoy” – namatay siyang matandang dalaga sa edad na 80. 10. Trinidad “Trining” - namatay rin siyang matandang dalaga noong 1951 sa edad na 83. 11. Soledad “ Choleng” – bunso sa magkakapatid na Rizal, ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
  • 14. Nagmamahalan ang mga magkakapatid. Tulad ng ibang magkakapatid, nagaaway din sila ngunit nang tumanda na’y nanatili pa rin ang paggalang ni Rizal sa kanyang nakatatandang kapatid na babae. Tinatawag niyang Doña o Señora (kung may asawa) at Señorita (kung dalaga). Sampung taon ang tanda ni Paciano, nag-iisang kapatid na lalaki , ni Rizal. Hindi lamang nakatatandang kapatid na lalaki ang turing sa kaniya kundi para na rin siyang pangalawang ama ni Rizal. Sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, binibigyang-buhay ni Rizal ang kanyang kapatid sa katuhan ni Pilosopo Tasio. Sa kanyang liham kay Blumentritt, isinulat sa London noong Hunyo 23, 1888, sinabi ni Rizal na si Paciano ang “Pinakamaginoong Pilipino” at “kahit na isang indio (dating katawagan ng mga Kastila sa mga katutubong Malay ng Pilipinas) mas mapagbigay at maginoo siya kaysa sa mg Espanyol kahit pa pagsamasamahin silang lahat”. Sa susunod na liham para kay Blumentritt, isinulat sa London noong Oktubre 12, 1888, ganito naman ang sinabi ni Rizal sa kanyang pinakamamahal na kapatid na lalaki. “Mas mabini siyang kumilos kaysa sa akin; mas seryoso; mas malaki at mas balingkinitan, hindi naman gaanong kayumanggi ang kulay; maganda at matangos ang ilong; ngunit sakang”.
  • 15. Ang mga Ninuno ni Rizal Gaya ng karaniwang Pilipino si Rizal ay isang produkto ng pinaghalu- halong lahi. Sa kanyang mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng Silangan at Kanluran – Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon at Espanyol. Ngunit mas nakalalamang ang pagiging Malay niya at isa siyang mahusay na ispesimen ng kalalakihan.
  • 16. Partido ng Ama ni Rizal Domingo Lamèo (Cue Yi-Lam) – nagmula sa distrito ng Chinchow, Probinsiya ng Fookien, Tsina. Anak ni Siong- co at Jun-nio, dumating sa Maynila noong 1690 at naging Kristiano siya; napangasawa niya si Inez Dela Rosa; ginamit ang apelyidong Mercado taong 1731 dahil sa pagiging isang komersyante. Inez Dela Rosa - Mayamang Tsinong Kristiyano sa Maynila, anak nina Jacinta Rafaela at Agustin Chinco na isang mangangalakal mula sa Chuan Chow. Ina nila Francisco at Josefa, ngunit makalipas ang limang araw ay binawian din ng buhay si Josefa.
  • 17. Partido ng Ama ni Rizal Francisco Mercado – anak nina Domingo Lamèo at Inez Dela Rosa nanirahan sa Biñan; napangasawa ng mestisang Tsinong- Pilipino, si Cirila Bernacha, at nahalal gobernadorcillo (alkalde ng bayan) ama ni Juan at Clemente. Juan Mercado (Lolo ni Rizal) – Naging gobernadorcillo ng bayan ng Biñan tulad ng kanyang ama, mas kilala bilang Kapitan Juan. Napangasawa niya si Cirila Alejandro. Mayroon silang 13 na anak at ang bunso ay si Francisco Mercado na ama ni Jose Rizal.
  • 18. Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang siya ay 8 taong gulang pa lamang at lumaki sa pag-aaruga ng kanyang ina. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag-aaral ay nakilala niya’t umibig siya kay Teodora Alonzo Realonda, isang estudyante sa Kolehiyo sa Santa Rosa. Ikinasal noong Hunyo 28, 1848, at pagkaraa’y nanirahan sa Calamba, kung saan pagsasaka at negosyo ang ibinuhay nila sa malaki nilang pamilya.
  • 19. Partido ng Ina ni Rizal Eugenio Ursua – napangsawa niya si Benigna (di alam ang apelyido), mula sa lahing Hapones, ama ni Regina Ursua. Sinasabing nagmula kay Lakandula, ang huling katutubong hari ng Tondo. Regina Ursua – anak nina Eugenio at Benigna Ursua. Napangasawa niya si Manuel de Quintos isang abogadong Tsinong- Pilipino mula sa Pangasinan. Mayroong 4 na anak kabilang si Brigida de Quintos ina ni Teodora.
  • 20. Partido ng Ina ni Rizal Brigida de Quintos – anak nina Regina at Manuel de Quintos, ikinasal kay Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanilang mga anak ay sina: Narcisa, Teodora (ina ni Rizal), Gregorio, Manuel at Jose. Lorenzo Alberto Alonzo - isang kilalang mestisong Espanyol-Pilipino ng Biñan. Ang ama ni Teodora Alonzo.
  • 21. Ang Apelyidong Rizal Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na ginamit noong 1731 ni Domingo Lamèo na isang Tsino (ninuno ni Rizal). Ginamit ng mag-anak ang “Rizal”(na ang ibig sabihin sa salitang Espanyol ay isang bukid na tinatamnan ng trigo, inaani habang lunti pa at muling tutubo) na ibinigay ng isang Espanyol na isang alcalde mayor (gobernador heneral ng Lalawigan) ng Laguna, na kaibigan ng pamilya. Kaya sinabi ni Rizal sa sulat nya kay Blumetritt: “ Ako lamang ang Rizal dahil sa aming bahay, ang mga magulang ko’t kapatid, pati na ang ibang kamag-anak ay tinatawag sa dati naming apelyido, ang Mercado. Ang aming pamilya ay talaga namang Mercado, ngunit maraming Mercado sa Pilipinas na hindi naman namin kamag-anak. Sinasabing isang kaibigan sa pamilya ang nagbigay sa amin ng apelyidong Rizal. Hindi naman ito gaanong pinapansin ng pamilya, ngunit ngayon ay kailangan kong gamitin iyon. Sa ganitong paraan, nagmumukhang anak ako sa labas”.
  • 22. Ang Tahanan ng mga Rizal Ang tahanan ng mga Rizal kung saan isinilang ang bayan, ay isang katangi-tanging bahay-na-bato sa Calamba noong panahon ng mga Espanyol. May dalawang palapag ito, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy at may bubong na pulang tisa. Ganito inilarawan ni Dr. Rafael Palma, mananalambuhay ni Rizal. “ Mataas at malaki ang bahay, matatag at may laban sa lindol, may bintanang kapis. Malalapad ang mga pader sa unang palapag ay gawa sa kahoy, liban sa bubong na pulang tisa; ang estilo ay tulad ng mga gusali sa Maynila ng panahong iyon... Sa likod ay may azotea at malapad at malalim na imbakan ng tubig ulan para magamit sa bahay”. “Sa likod ng bahay ay may manukan at nag aalaga din sila ng pabo . May malaking hardin ng mga namumungang puno - atis, balimbing, tsiko, makopa, papaya, santol, tampoy at iba pa”.
  • 23. Ang Bahay at ibang mga gamit ng mag-anak na Rizal
  • 24. Mabuting Pamilya na Nakaluluwang sa Buhay o Nakaririwasa Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga principalia, mayayaman ng isang bayan noong panahon ng Espanyol. Sila ay isa sa mga kilalang pamilya sa Calamba. Bunga ng katapatan, katapatan, kasipagan at pagiging masinop sa buhay, nakapamuhay ng maayos ang mga magulang ni Rizal. Mula sa lupang inuupahan sa Ordeng Dominiko, nakapag-aani sila ng palay, mais at tubo. Nag-aalaga sila ng baboy, manok, at pabo sa kanilang likod-bahay. Bukod sa pagsasaka at paghahayupan, si Donya Teodora ay may maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina at gawaan ng hamon. Patunay ng pagiging mayaman nila, nakabiliat nakapagpatayo ng malaking bahay ang mga magulang ni Rizal sa tabi ng simbahan at nakabili pa sila ng isa pang bahay. Mayroon silang karwahe na simbolo ng mga illustrados ng panahong iyon at pribadong aklatan (pinakamalaki sa Calamba) na may higit 1000 tomo.
  • 25. Ang Buhay ng mga Rizal Payak ngunit masaya ang buhay pamilya ng mga Rizal. Tulad ng ibang mag-anak na Pilipino, malapit sa isa’t-isa ang mag-anak na Rizal. Sa kabila ng kanilang pamumuhay hindi silang lumaki sa layaw. Istrikto ang kanilang magulang tinuruan nila ang mga anak na magmahal sa Diyos, kumilos nang ayon sa kagandahang asal, maging masunurin at magalang sa lahat, lalo na sa mga nakatatanda sa kanila. Noong bata pa pinapalo nila ang kanilang mga anak kapag may ginawang kalokohan kasama si Jose Rizal naniniwala sila sa kasabihang “kundi papaluin ang bata, lalaki sila sa layaw”. Araw-araw ay nakikinig ng misa ang mga Rizal sa simbahan ng kanilang bayan lalo na kapag Linggo at pista opisyal. Sama-sama silang nagdarasal sa bahay – orasyon kapag takip-silim at Rosaryo bago matulog sa gabi. Pagkatapos magdasal ay nagmamano ang mga anak sa mga magulang. Ngunit hindi naman dasal at pagsisimba lamang ang buhay ng mga batang Rizal. Mayroon din silang panahon para maglaro sa azotea o hardin. Ang mga nakatatandang kapatid ay pinapayagang makipaglaro sa mga bata buhat sa ibang pamilya.