1. Republic of the Philippines
Department of Education
Region 7
Pal-ew High School
Banghay Aralin sa Filipino 7
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy kung ang panghalip na panao ay palagyo o paari;
2. naipakikita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo at paari ayon
sa gamit;
3. nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panaong palagyo at
paari, nakikiisa nang may pagkukusa
I. Paksang Aralin
Paksa: Panghalip na Panao at mga Uri nito;
Sanggunian: Usbong, Wika, at Panitikan
Kagamitan: Panturong biswal, larawan at iba pa
II. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa Panalangin
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang
pangunahan ang Panalangin)
Panginoon, maraming salamat po sa
panibagong araw na ipinagkaloob nyo
po sa amin, nawa’y gabayan nyo po
kami sa aming mga Gawain na aming
gagawin sa araw na ito. Sana po
gabayan nyo rin po ang aming guro na
syang magtuturo sa amin. At sana din
po bigyan nyo po kaming lahat ng
2. https://www.slideshare.net/
tjiglesias/masusing-banghay-
aralin-sa-filipino-detailed-
lesson-plan-in-filipino-cdsga-
students?from_action=save
Pagbati
Magandang Umaga, mga Bata!
Pagsasaayos ng silid aralan at pagtetsek ng
liban at hindi liban sa klase
Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat
na nasa ilalim ng iyong lamesa at pakiayos
na rin ang inyong mga upuan.
Maari na kayong umupo.
Mayroon bang lumiban sa klase ngayong
araw?
malinaw na pag-iisip na magkaroon ng
maraming makukuhang aral sa araw
na ito. At ang lahat ng itoy aming
dinadalangin sa ngalan ning Hesus.
Amen
Magandang Umaga din po ma’am/Sir
(Pangalan Ng Guro)
(Magpupulot ng kalat ang mga Mag-
aaral at aayusin ang kanilang mga
upuan)
Wala pong liban sa klase ma’am/sir
B. Pagsasanay
Piliin ang angkop na salita na ayon sa
larawan upang mabuo ang pangungusap.
Ako Akin Tayo
Amin Ikaw
1. _________ ay naglilinis sa bakuran.
2. ________ ang cellphone na iyan.
(Mga inaasahang Sagot)
1. Ako ay naglilinis sa bakuran.
2. Akin ang Cellphone na iyan
3. 3. ________ ay magka kaibigan.
4. Sa ________ ang mga pananim na iyan.
5. _________ ay aking mahal.
3. Tayo ay magka kaibigan.
4. Sa amin ang mga pananim na
iyan.
5. Ikaw ay aking mahal
C. Balik Aral: Simuno at Panaguri
Ano ang bahagi ng pangungusap?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Ang simuno ito ay ang paksa o ang pinag-uusapan
sa iisang pangungusap, natutukoy ang salita sa
pangungusap ang simuno kung ito ay sinusundan ng
pananda.
Sa ngayon sino sa inyo ang makapagbibigay ng
isang halimbawa na mayroong isang simuno?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro na
makapagbigay ng isang halimbawa)
May dalawang bahagi ang
pangungusap ito ay ang; simuno at
panaguri.
Sina Anna at Luis ay kumain ng
tinapay.
4. Mahusay, palakpakan natin si Mark….
Ang kanyang ibinigay na halibawa na sina Anna at
Luis ay kumain ng tinapay ay tama.
Ang mga nakasalungguhit na salita na sina Anna at
Luis ay ang simuno sa pangungusap.
Ngayon dadako na tayo sa panaguri.
Sino sa inyo ang makapagbigay ng kahulugan ng
panaguri at isa na ring halimbawa nito?
(Ang Guro ay magtatawag ng isang mag-aaral na
makapagbibigay ng sagot)
Magaling…….
Ang halimbawa na kanyang ibinigay na Bumili si
Princess ng Bagong damit ay tama.
Ang nakasalungguhit dito na bumili at bagong
damit ay ang panaguri sa pangungusap.
Magaling! Mayroon na kayong natutunan sa ating
aralin, ngayon dadako na tayo sa panibagong paksa
na ating tatalakayin.
(Maaaring halimbawa na ibinigay ng
mag-aaral)
Ito ang bahagi ng pangungusap na
naglalahad ng impormasyon tungkol
sa simuno.
Bumili Si Princess ng bagong damit.
D. Panlinang na Gawain
Pagganyak:
Magsitayo ang lahat at humanap ng kapareha at
umawit tayo sa saliw ng awiting, Ako, Ikaw, Tayo
isang komunidad.
Ako, ako, ako'y isang komunidad (3x)
Ako'y isang komunidad.
5. La la la
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
(Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng ikaw.... at tayo
Magaling! At ngayon maaari na kayong umupo at
maghanda para sa panibagong paksang ating
tatalakayin.
Pagganyak na Tanong
Bago natin simulang talakayin ang
panibagong paksa sa araw na ito, pakibasa
muna ang aking mga nakahandang
katanungan na dapat ninyong masagutan
pagkatapos ng ating talakayan.
(Ang guro ay maaaring magtawag ng isang
mag-aaral para magbasa sa mga katanungan
ng Guro)
E. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa
panghalip na panao at ang dalawang uri nito.
Pakibasa ang kahulugan ng Panghalip na
panao.
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral)
Tama! ang panghalip panao ay
pamalit o panghalili sa pangalan ng
tao at mayroon itong dalawang uri.
Ang palagyo at paari.
Ako, ako, ako'y isang
komunidad (3x)
Ako'y isang komunidad.
La la la
Sumayaw-sayaw at umindak-
indak
Sumayaw-sayaw katulad ng
dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-
indak
Sumayaw-sayaw katulad ng
dagat
(Ulitin ang awit. Palitan ang
ako ng ikaw.... at tayo)
Ano ang panghalip na panao?
Ano ang dalawang uri ng panaghalip
na panao?
Ang mga panghalip na panao ay
pamalit o panghalili sa mga pangalan
ng tao.
6. Pakibasa sa pisara ang kahulugan ng
panghalip na panaong palagyo.
(Magtatawag ang guro ng isang
Mag-aaral upang magbasa)
Samantala ano naman ang kahulugan
ng panghalip na panaong paari?
Pakibasa ang kahulugan nito sa
Pisara.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Magaling!
May tatlong panauhan
ang pang halip na panao. Nagsasabi
ito kung sino ang taong kinakatawan
ng mga ito. Tinatawag itong una,
ikalawa at ikatlong panauhan.
Tignan sa talahanayan ang mga
panauhan ng panghalip ng panaong
palagyo.
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Unang
Panauhan
ako kata, kita tayo
Ikalawang
Panauhan
Ikaw,
ka
kayo
Ang panghalip na panaong palagyo
ay mga panghalip na ginagamit na
simuno o panaguri.
Ang panghalip panaong paari ay
mga panaghalip na ginagamit upang
ipakilala ang pagmamay-ari.
7. Ikatlong
Panauhan
siya sila
Basahin ang unang halimbawa ng
panghalip na panaong palagyo na may
unang panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Ako ay isang Pilipino. Ako ang
gagamiting salita kapag ang
taong tinutukoy ay ang iyong sarili.
Basahin ang unang halimbawa ng
panghalip na panaong palagyo na may
ikalawang panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Ikaw ay ginagamit naman sa pagtukoy sa
iyong kausap.
Basahin ang unang halimbawa ng
panghalip na panaong palagyo na may
ikatlong panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Sila ang mga bagong guro ng
paaralang ito. Ginagamit ang salitang
sila kapag ang tinutukoy ay ang mga
taong pinaguusapan.
Magbigay pa ng mga halimbawang
pangungusap gamit ang mga salitang
panghalip na panaong palagyo na
mayroong ibat-ibang panauhan at isulat
sa pisara.
(Magtatawag ang guro ng ilang
mag-aaral)
1. Ako ay isang Pilipino.
2. Ikaw din ay isang
mamamayang Pilipino.
3. Sila ang mga bagong guro ng
paaralang ito.
(inaasahang sagot)
8. Mahuhusay!
Sa ating pagpapatuloy, tignan
naman natin sa talahanayan ang mga
panauhan ng panghalip na panaong
paari.
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Unang
Panauhan
akin,
ko
atin, natin
amin,namin
Ikalawang
Panauhan
iyo,
mo
kanita, kita Inyo, ninyo
Ikatlong
Panauhan
kanya,
niya
kanila, nila
Basahin ang unang halimbawa ng
panghalip na panaong paari na may
unang panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Magaling!
Ginagamit ang salitang akin kapag ang
bagay na iyong tinutukoy ay sa iyo.
Basahin ang ikalawang halimbawa ng
panghalip na panaong paari na may
ikalawang panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
Ikaw ba ay may matuwid at
maitim na buhok?
Kayo ay Pilipino kung ang isa
o parehong magulang mo ay
Pilipino.
1. Akin ang bag na ito.
9. mag-aaral)
Ginagamit ang salitang mo kapag ang
bagay na tinutukoy ay sa iyong kausap.
Basahin ang ikatlong halimbawa ng
panghalip na panaong paari na may
ikatlong panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Ginagamit naman ang salitang
kanya, Kapag ang bagay na tinutukoy
Ay sa ibang tao.
Ngayon, Magbigay ng mga halimbawang
pangungusap gamit ang mga
salitang panghalip na panaong paari
na mayroong ibat-ibang panauhan
at isulat sa pisara.
(Magtatawag ang guro ng ilang
mag-aaral)
Pagpapalawak ng Kaalaman
Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang grupo ay
gagawa ng mga tatlong pangungusap gamit ang
panghalip na panaong palagyo at ang kabilang
pangkat naman ay gagawa ng tatlong pangungusap
gamit ang panghalip na panaong paari. Isusulat ang
sagot sa kartolina na aking ibibigay. Isang
miyembro ng bawat pangkat ang magpi-presenta sa
harapan upang basahin ito.
2. Ang damit mo ay nalabhan na.
3. Kanya itong panyo.
(inaasahang sagot)
Akin ang kwadernong pula.
Kanya naman ang kwadernong kahel.
(Inaasahang sagot)
Unang pangkat
10. 1. Mamamayan ka ng bansa kahit
nakatira ka sa Luzon, Visayas
o Mindanao.
2. Tayong lahat ay nga Pilipino,
kahit ibat-iba ang anyo.
3. Kata ay dapat magpasalamat
sa maykapal
Ikalawang pangkat
1. Ang mga taong unang
dumating sa Pilipinas ay mga
ninuno rin ninyo.
2. Kanya ang mga lapis na nasa
ibabaw ng lamesa
3. Sa iyo ang sapatos na ito.
Paglalahat:
Ano ang panghalip na panao?
Ano ang dalawang uri nito?
Ang mga panghalip na panao ay
pamalit o panghalili sa mga pangalan
ng tao.
Ang panghalip na panaong palagyo
ay mga panghalip na ginagamit na
simuno o panaguri.
Ang panghalip panaong paari ay
mga panaghalip na ginagamit upang
ipakilala ang pagmamay-ari.
Pagpapahalaga:
Bakit natin kailangan pag-aralan ang
panghalip na panao at ang ibat-ibang uri
nito?
Naintindihan niyo ba ang aralin natin sa
araw na ito?
Wala ba kayong mga tanong?
(Ang mga mag-aaral ay may ibat-
ibang sagot)
Mahalaga ito upang magamit natin ang
mga angkop na salita sa angkop nitong
pag-gamit.
(inaasahang sagot)
Opo ma’am ( pangalan ng Guro)!
Wala nap o ma’am/sir.
11. 3.
Kung gayon wala na kayong mga katanungan,
ihanda ang iyong mga sarili at sagutan sa sagutang
papel ang pagtataya. (Mga mag-aaral kumuha ng papel at
agad sinagutan ang pagtataya na
ibinigay ng guro)
I. Pagtataya
Kumuha ng isang buong pirasong papel at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.
A. Bilugan ang mga panghalip na ginamit
sa mga pangungusap. Isulat sa kahon
kung ito ay palagyo o paari.
1. Iba-iba ang anyo nating mga Pilipino
dahil sa ibat-ibang anyo ng ating
mga ninuno.
2. Ang mga pilipinong tulad ko ay may
kayumangging balat.
3. Ikaw ba’y may matuwid at maitim
na buhok?
4. Ang ating taas ay katamtaman
lamang tulad ng ating mga ninuno.
5. Silang mga Malay ang pinagkukunan
ng maitim na mata ng mga Pilipino.
B. Salungguhitan ang panghalip na dapat
gamitin upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap.
1. Naniniwala (mo, ka, ninyo) ba na mas
maganda at matitibay ang mga
produktong imported?
2. Ibig (mo, ko, kita) rin ba ng
mamulamulang buhok, matangos na
ilong at maputing balat?
3. (Ako, Natin, Kanya) ay nakapapansin
nakakaunti pa rin ang tumatangkilik ng
mga bagay na sariling atin.
4. Mas ibig kasi (inyo, amin, natin) ng mga
kagamitan at pagkaing gawa ng ibang
bansa.
(Inaasahang sagot sa Tanong A)
1. Paari,nating
2. Paari,ko
3. Palagyo,ikaw
4. Paari,atin
5. Palagyo,silang
(Inaasahang sagot sa Tanong B)
1. Ka
2. Mo
3. Ako
4. Natin
5. ninyo
12. 5. Maging sa pananamit, anyo, at wika ay
ginagaya (ka, ninyo, kanya) ang mga
dayuhan.
II. Takdang-Aralin
Magsulat ng tig-limang (5) pangungusap gamit ang panghalip na panaong palagyo at
paari.
III. PAGTATALA
Isulat sa patlang ang panghalip na panao.
___________1. Ako ay si Amy.
___________2. Aalis kami bukas papuntang Cebu.
___________3. Ikaw ang magbabasa ng kwento.
___________4. Sasakay kami ng tren.
___________5. Magaling siya sa pagluto ng adobo.
IV. REPLEKSYON
Sinubok ang kakayahan ng mga studyante sa pamamagitan ng pag sagot sa mga Gawain
na ibinigay ng guro, kung ano ang mga wastong gamit ng iba’t ibang panghalip na panao
at mga uri nito. Makikita natin na na-iintindihan talaga nila ang aralin na inilahad sa klase.
Nakakatukoy at naibibigay na nila ang pagkakaiba sa dalawa. Nakakasulat na rin ng mga
pangungusap gamit ang dalawang panghalip.