Anzeige

AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx

18. Jul 2022
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige
Anzeige

AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx

  1. Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School Poblacion, Pulilan, Bulacan
  2. Kapag natapos ang modyul na ito, ang mag aaral ay inaasahang  nakapag-isa-isa sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon;  nakapagsusuri ng mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Europa; at  napapahalagahan ang mga pangyayaring naganap sa Europa sa Gitang Panahon.
  3. Mga salik sa paglakas ng Simbahang Katoliko
  4. Pagbagsak ng Imperyong Romano  Sa pamumuno ni Marcus Aurelius (161- 180CE) naging suliranin ng imperyong Romano ang pananalakay ng mga barbarong tribo mula Alemanya, sa kanyang pagkamatay naghudyat ang pagbagsak ng imperyong Romano.  Naubos ang yaman ng imperyo.  Tumaas ang bilang ng mga mahihirap  Maraming nawalan ng hanap buhay  Pagiging gahaman sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan.
  5. Ang mga opisyal ng military ay nagtatag ng junta o hindi opisyal na pamunuan na handang pumatay ng ng mga hindi maayos na pinuno ng gobyerno.  Noong 476 CE tuluyang bumagsak ang imperyong Romano sa kamay ng mga barbaro.
  6. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan Presbyter- isang karaniwang tao na pinili ng mga mamamayan. Nang lumaon mula sa mga ordinaryong tao lumitaw ang mga pari at hiyarkiya nito. Obispo  Isang diyoses ng mga Kristiyano sa bawat lungsod at pinamumunuan ng isang Obispo.  Sila ang nagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod
  7. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan Pari  Sa ilalim ng mga nasabing obispo ay mga pari ng mayroong kanya- kanyang Parokya sa mga lungsod.  Sa kanilang pamamahala hindi lamang gawaing pang-espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, ilan rito ay ang pangasiwaan ang gawaing pang-edukasyon, pangkabuhayan at pagkakawang- gawa ng simbahan. . Arsobispo  Arsobispo naman ang itinawag sa mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging sentro ng Kristiyanismo.
  8. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan Papa  Ang Obispo ng Rome ay tinatawag na Papa nakinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europa.  Kabilang ang Papa sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga Parokya.  Sa kalagitnaan ng ika- 11 siglo, ang pagpili ng Papa ay sa pamamagitan lamang ng pagpalakpak depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal.  Noong 1719 sa konseho ng Lateran pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.  Ang salitang Pope ay nangangahulugang “Ama” na nagmula sa salitang latin na “Papa”.  Noong unang panahon tinuturing ang Papa ng mga Kristiyano na “Ama ng Kristiyanismo”.
  9. Pamumuno sa Simbahan  Siya ang nagbuklod sa lahat ng Kristiyano sa imperyo ng Rome at itinatag niya ang Konseho ng Nicea, isang konseho ng mga obispong Kristiyano na itinatag sa Bithynian city of Nicaea. CONSTANTINE THE GREAT
  10.  Sa pamamagitan naman ng Konseho ng Constantilope pinalakas ni Constantine ang kapapahan.  Sa konsehong ito, ang mga Obispo ay pinag uri-uri ang iba't-ibang malalaking lungsod sa buong imperyo.  Pinili rin ang Rome bilang pangunahing diyosesis at kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas ng pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.
  11.  Siya ang nagbigay diin sa Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo.  Siya rin ang nagmungkahi sa Kanlurang Emperador ng Rome na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo bilang pinakamataas ng pinuno ng Simbahan.  Sa kanyang pamumuno kinilala ng Kanlurang Rome ang Papa bilang pinakamakapangyarihan sa lahat ng Kristiyano, subalit ang silangang Rome ay tumangging kilalanin ito. PAPA LEO THE GREAT (440 - 461)
  12.  Ang kaniyang buong pagsisikap at paglilingkod ay iniukol niya sa pag patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.  Nakamit niya ang sukdulan ng kaniyang tagumpay nang ang mga iba't-ibang barbarong tribo ay sumampalataya at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa Kanlurang Europe.  Sumampalataya rin sa panahon niya ang England, Ireland, Scotland, at Germany. PAPA GREGORY I
  13.  Naganap ang laban ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany.  Itiniwalag niya sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag- utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII  Humingi ng kapatawaran si Henry IV ng mapansin nyang kaanib ng Papa ang mga Maharlika ng Germany. PAPA GREGORY VII
  14. Pamumuno ng mga Monghe  Ang mga Monghe ay binubuo ng mga pangkat ng pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.  Sila ay direktang nasa ilalim lamang ng pamumuno at pangangasiwa ng Papa.  Sila ay naniniwala sa “Ang pagtatrabaho at pagdarasal” sila ay nagsikap sa paglinang at pagtatanim sa paligid ng kanilang mga monasteryo.
  15. Mga gawain ng mga Monghe:  Sila ang nag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano.  Dahil sa wala pang natutuklasang pagawaan ng papel, ang mga monghe ay maingat sa kanilang aklatan at matiyagang isinusulat muli ang mga libro sa mga sadyang yaring balat ng hayop.  Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway.  Sila ang nag papalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’tibang dako ng kanlurang Europa.
  16. Piyudalismo  Ang Piyudalismo ay isang sistemang pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoong may lupa ay ibabahagi sa vassal at bibigyan ng proteksyon bilang kapalit manunugkulan ang vassal ng tapat at pagsisilbihan ang kanyang hari.
  17. King- Pinakamataas sa lipunan ng piyudalismo. Siya ang namamayari ng lupa at nagbibigay siyang lupa sa mga sumusuporta sa kanya. Lords- Sila ay mga nobles o dugong bughaw na nagiging vassal ng hari dahil sila ay nagbibigay ng suporta, pera at payo. Knights- Sila ay tinuturing din na vassals, at nagbibigay proteksyon sa Hari at mga nasasakupan nito. Peasants- Sila ang pinakamababang uri ng lipunan, sila ay mga magsasaka at nagtatrabaho sa bukid. Sila rin ang may pinakamaraming bilang sa lipunan.
  18.  Dahil sa hindi kayang ipagtanggol ng Hari ang lahat ng kanyang lupain, ibinahagi niya ang mga ito sa mga nobles o dugong bughaw. Sila ang nagiging vassal ng hari samantalang ang hari naman ay tinatawag ring panginoong may lupa.  Ang iba pang katawagan sa Lord ay “liege” o “suzerain”.  Fief naman ang tawag sa lupang ipinagkaloob sa mga vassals.  Mayroon ding tinatawag na Homage na kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito.  Bilang pagkilala o pagtanggap dito nag sasagawa ng lord ng isang investiture o isang seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassalng fief.  Ang tawag sa panunumpang ito ay Oath of Fealty.
  19. Ang mga Pari- Sila ay hindi tinuturing na natatanging sector ng lipunan sapagkat ang kanilang posisyon ay hindi namamana sa kadahilanang hindi sila maaaring mag-asawa. Ang mga pari ay maaaring manggaling sa mga Maharlika, manggagawa at alipin. Mga Kabalyero- Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain. Sila ay matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa hari. Sila ay pinagkalooban ng lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Mga Serfs- Sila ng bumubuo ng karamihan ng lipunan sa panahong ito ng Europa. Sila ay nananatili sa kanilang lupang sinasaka, napilitan silang magtrabaho sa lupain ng kanilang mga panginoon ng walang bayad. Lahat ng kanilang gawin ay dapat alam ng kanilang panginoon. Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo
  20. Taong 481- Si Clovis I ay pinag isa ang mga tribo ng mga Franks at sinugod ang mga Romano. Taong 496- Si Clovis I at ang kanyang buong sandatahan ay naging Kristiyano Taong 511- Matapos mamatay ni Clovis I ang kanyang kaharian ay hinati sa kanyang mga anak Taong 687- Ang tribung Franks ay pinamunuan ni Pepin II Taong 717- Humalili kay Pepin II ang kanyang anak na si Charles Martel Taong 751- Si Pepin the short, na anak ni Charles Martel ay hinirang na Hari ng mga Franks Ang Holy Roman Empire
  21.  Noong sumapit ang taong 768, humalili si Charlemagne o Charles the Great sa kanyang ama na si Pepin the short, na siya naming naging pinakamahusay na pinuno sa panahong ito ng Europa.  Sa edad na 40, kinuha niya si Alciun, pinakamahusay na iskolar upang magpaturo ng iba’t ibang wika.  Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano. Charlemagne
  22.  Pasko ng taong 800, si Charlemagne ay kinoronahan bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano.  Si Pope Leo III ang humirang sa kanya bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”.  Sa panahon ng imperyo ni Charlemagne ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco- Romano  Ito ay ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.
  23. .  Noong 814 namatay si Charlemagne at humalili sa kanya si Loius the Religious.  Hindi matagumpay ang kanyang pamumuno dahil sa mga maharlikang naglalaban- laban.  Nang mamatay si Louis, hinati nya ang kanyang imperyo sa kanyang tatlong anak sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841.  Charles the Bald – France  Louis the German – Germany  Lothair – Italy  Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga Hari sa mga Maharlika at nagsimula ang paglusob ng mga Vikings, Magyar at Muslim.  Namayani sa Europa ang mga Maharlika at humina ang kapangyarihan ng mga Hari.
  24.  Ang krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095.  Ito ay tinaguriang banal na labanan sa pagitan ng mga relihiyosong Europeo at mga Muslim na sumakop sa Jerusalem.  Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan. ANG KRUSADA
  25. Unang Krusada  Binuo ito ng 3000 na kabalyero at 12000 na madirigma sa pamumuno ng mga Prinsipe at mga Pranses.  Noong 1099 matagumpay nilang Nabawi ang Jerusalem at natatag ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean.  Sila ay nanatili ng 50 taon sa Jerusalem subalit sinalakay muli sila ng mga Muslim. Krusada ng mga Bata  Noong taong 1212 isang batang 12 taong na nagngangalang Stephan ay naniwalang tinawag siya ni Kristo upang mamuno ng Krusada.  Libo-libong mga bata ang sa kanya ay sumunod subalit karamihan sa kanila ay dinapuan ng sakit, nasawi sa karagatan at ipinagbili bilang alipin.
  26. Ikalawang Krusada  Hinikayat ni St. Bernard ng Clairvaux sina Haring Luis VII ng France at Emperor Conrad III ng Germany upang pumunta sa silangan.  Matagumpay nilang nasakop ang Damascus  Nagkasagupaan si Richard at Saladin na pinuno ng mga Turko at nagkasundo na itigil na ang labanan  Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Ikaapat na Krusada  Ang krusadang ito ay naging isang malaking iskandalo,a ng mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara.  Ang Papa ay nagalit sa ginawa ng mga krusador kaya sila ay idineklarang “excomunicado”.  Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine.  Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.
  27. Resulta ng mga Krusada Maganda ang naging resulta ng mga ito sa kalakalan, napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyanoat Islamic ay napayaman din. Subalit ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Nagkaroon ng pagkakataong makapaglakbay at makapangalakal.
  28.  Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao sa panahong ito.  Ang fief ay binubuo ng maraming manor na magkakahiwalay.  Maihahalintulad sa isang pamayanan, ang mga naninirahan dito ay umaasa sa pagsasaka sa manor.  Ang pinakapusod ng isang manor ay ang tirahan o kastilyo ng panginoong may lupa.  Nahahati ang mga lupain sa manor ng naaayon sa mga paggagamitan nito.  Sila ay kumpleto sa kagamitang pangsakahan.  Mayroon silang kamalig, kiskisan, panaderya, kuwadra ng panginoon, simbahan, pandayan, at pastulan. Ang Manoryalismo  Ang Manor ay isang malaking lupang sinasaka.  Ang malaking bahagi ng manor ay pagmamay-ari ng mga Lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng kanilang lupa.
  29. Maraming Salamat sa Pakikinig!
Anzeige