2. Paano nakatutulong ang ekonomiks sa
paglutas sa suliranin ng kakapusan?
Pangunahing suliranin ng isang ekonomiya
ang kakapusan at walang katapusang
pangangailangan ng tao.
Layunin ng ekonomiks na malutas ang
mga suliraning ito.
3. Bagaman hindi
matutugunan ng limitadong
pinagkukunang-yaman ang
lahat ng panganga-ilangan at
kagustuhan ng tao, dapat pa
ring tiyakin ang lubos na
paggamit nito.
4. Magkano ang nakahanda mong gastusin sa mga
sumusunod na pangangailangan?
Meryenda sa tanghali
Bagong T-shirt
Pampagupit o pampaayos ng buhok
Notebook
Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng
halaga?
5. Tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi o
distribusyon ng mga Likas na yaman , yamang tao at
yamang pisikal sa iba’t-ibang paggagamitan upang
masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya.
Pagtatakda takdang dami ng pinagkukunang
yaman para matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa
suliranin ng kakapusan ng mga pinagkukunang yaman.
6. Ang Pamilihan ay
itinuturing na pangunahing
mekanismo ng alokasyon
dahil ito ang nagpapakita
kung paano nagagawang
ibahagi ang mga
Pinagkukunang yaman ng
bansa sa paglikha ng
maraming produkto.
Nagsilbing sagot sa
kakapusan ang alokasyon.
7. May mga pamamarang ginagamit sa pamamahagi ng
mga pinagkukunang yaman upang sagutin ang mga
problemang Pang-ekonomiya.
May tatlong mahalagang pamamaraan upang mapalawak
ang mga pinagkukunang yaman.
1. Mabisa , Wasto at
Matalinong paggamit ng
mga ito.
2. Pamumuhunan
3. Paggamit ng makabagong Teknolohiya.
8. Paraan na isinasagawa ng mga bansa sa daigdig upang
sagutin ang problemang pangkabuhayan ay ang
pagpapatupad ng Iba’t-ibang sistemang pang-ekonomya.
Sumasaklaw sa mga istruktura, institusyon at mekanismo na
batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksyon
upang sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-
ekonomiya.
Ang bawat sistema ay maaaring baguhin ayon sa
pangangailangan ng ekonomiya kaya sinasabing walang
perpektng sistema na angkop sa isang bansa sa bawat
pagdaan ng panahon.
Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga
kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito.
9. Feudalismo
Isang sistemang pangkabuhayan na ang batayan ng
kapangyarihan ng tao ay ang pagmamay-ari ng
malawak na lupain.
Panginoong Feudal- taong nagmamay-ari ng malawak na
lupain.
Basalyo(Vassals)- mga Tao na naglilingkod sa mga
Panginoong Feudal
Fief – kapirasong lupa na ipinagkakaloob sa tapat na
naglilingkod sa Panginoong Pyudal.
10. Merkantilismo – naniniwalang nasa dami ng
Ginto at Pilak ang batayan ng kapangyarihan ng
Bansa.
Pasismo- ang pagmamay-ari ng yaman at
industriya ng bansa ay kinokontrol at
hinahawakan ng isang diktator.
Benito Mussolini – nagpasimula ng Pasismo sa
Italy.
Adolf Hitler - Germany
Ipinagbawal ang pag-angkat ng produkto sa
ibangbansa , welga at unyon ng manggagawa.
Ang produksyon ay nakatuon sa mga bagay na
kailangan ng Bansa.
11. Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang
dapat likhain at gaano karami ito?
Paano lilikhain ang mga kalakal at
serbiyong ito?
Para kanino ang mga lilikhaing kalakal
at serbisyo?
12. Kabilang dito ang pagpili ng mga sa mga
bagay na dapat likhain at kung anu-ano
ang maaring gawing alternatibo para dito.
Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang
dapat likhain at gaano karami ito?
13. Kabilang dito kung sinu-sino ang lilikha
ng mga kalakal at serbisyo at ang mga
paraan, teknolohiya at presyo ng mga
bagay na kailangan sa paglikha nito.
Paano lilikhain ang mga kalakal at
serbiyong ito?
14. Kabilang dito kung sino-sino ang
makikinabang sa mga malilikhang kalakal
at serbisyo at kung paano maisasagawa
ang maayos na distribusyon nito.
Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at
serbisyo?
16. Umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan
ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan.
Ito ay nakabatay sa tradisyon,
kultura at paniniwala ng lipunan.
17. Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay
nagaganap sa malayang pamilihan.
Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa
kanyang pansariling interest.
18. Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon
ng pamahalaan.
Ang pamahalaan ay may ganap na
kapangyarihan na gamitin ng husto ang lupa,
paggawa at kapital upang makamit ang mga
layuning pang-ekonomiya.
19. Pinaghalong sistema ng Market at
Command ekonomiya.
Hinahayaan ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaring manghimasok
ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan
ng mamimili.