2. Art by Julia Baustista/
wordpress.com
Depinisyon
Ano ang Panitikan ayon sa mga prominanteng
manunulat?
► Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang
panitikan ay “bungang isip na isinatitik.”
► Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay nasusulat
ng mga tala ng “pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao.”
► Wika ni Arrogante (1983), ang panitikan ay talaan
ng buhay ng literatura.
► Para naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan
ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri
ng lipunan.
► Sinabi naman ni Maria Ramos na ang panitikan ay
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.
Jens
Martensson
3. Depinisyon
Ano ang kahulugan ng Panitikan?
► Batay sa Webster Dictionary, ang panitikan ay
katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala
sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at
kawalang-maliw
► Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao.
► Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang
"pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik"
naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na
litterana nangunguhulugang titik.
Jens
Martensson
Art by Mari Kloie D. Ledesma/The
Varsitarian
4. Kahalagahan
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
► Upang ipaalala sa atin ang magagandang
kaugalian, kultura’t tradisyon na ikinaiiba
natin sa ibang lahi.
► Upang tuklasin ang ating aydentidad bilang
mga Pilipino.
► Upang madiskubre at maipagmalaki natin ang
mga mahuhusay na PIlipinong manunulat
► Upang mabatid ang sariling kahusayan sa
panitikan gayundin ang ating mga kapintasan
at kahinaan.
Jens
Martensson
Native Tagalog men
5. Kahalagahan
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
► Upang mabatid natin ang magaganda at
mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang
sa gayon ay matutuhan nating pahalagahan at
pagmalasakitan ang mga ito.
► Upang maipakita bilang Pilipino ang
pagmamahal sa sariling kultura at
pagmamalasakit sa sariling panitikan.
Jens
Martensson
Noble Tagalog couple
6. Filipino commoner couple
Mga Tagahubog
Ano-ano ang mga humuhubog sa Panitikan ng isang
bansa?
► Kultura, Kaugalian at Tradisyon
► Hanapbuhay o Gawain/ Propesyon
► Lipunan at Pulitika
► Edukasyon at Pananampalataya
► Lugar na tinitirahan
Jens
Martensson
8. Kasaysayan
Ano ang lagay ng panitikan sa Pilipinas bago sumakop
ang mga Kastila?
► Bago pa man dumating ang mga Kastila sa
Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa
mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat
at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Martensson
Jens
9. Kasaysayan
Ano ang lagay ng panitikan sa Pilipinas bago sumakop
ang mga Kastila?
► Bagaman karamihan sa mga panitikang ito ay
pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat
sa mga piraso ng kawayan, matitibay na
kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga
arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga
prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng
demonyo.
Martensson
Jens
10. • Batay sa Pagsasalin
• Batay sa Anyo
Iba’t ibang uri
ng Panitikan
Jens
Martensson
15. Halimbawa ng Panitikang Tuluyan/ Prosa
Nobela- mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba't ibang kabanata.
Alamat- isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig.
Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao.
Pabula- (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang
uri ng kathang-isip na panitikan kung saan
mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan,
katulad ng leon at daga, pagong at matsing,
at lobo at kambing.
Parabula- maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Jens
Martensson
16. Halimbawa ng Panitikang Tuluyan/ Prosa
Maikling kwento- maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang.
Dula- uri ng panitikan na itinatanghal sa mga
teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
Sanaysay- maiksing komposisyon na
kailimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.
Talambuhay- anyo ng panitikan na nagsasaad
ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango
sa mga tunay na tala, pangyayari o
impormasyon.
Jens
Martensson
17. Patula
Ang akda ay patula kapag ito’y nasusulat sa taludturan
at saknungan.
► Mga halimbawa:
• Epiko
• Awit at Kurido
• Soneto
• Elehiya
• Awiting-bayan
• Oda
• Dalit
• Pastoral
• Senakulo
• Panunuluyan
• Karagatan
• Duplo
Jens
Martensson
Biag ni Lam-ang
18. Halimbawa ng Panitikang Patula
► Tulang Pasalaysay- pinapaksa nito ang
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.
► Awit- musika na magandang pakinggan.
Mayroon itong tono at sukat.
► Korido- isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may
sukat na walong pantig bawat linya at may
apat na linya sa isang stanza.
► Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga. May mga
epikong binibigkas at mayroong inaawit.
Jens
Martensson
Ibalon: Epiko ng Bicol
19. Halimbawa ng Panitikang Patula
► Balad- uri o tema ng isang tugtugin.
► Sawikain- maaaring tumukoy sa:
1. Idioma: isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. Moto: parirala na nagpapahiwatig ng
sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. Salawikain: mga kasabihan o kawikaan.
► Bugtong- Ang bugtong, pahulaan, o patuuran
ay isang pangungusap o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan
ang bugtong).
Jens
Martensson
Bugtong? Bugtong!
20. Tanaga
Halimbawa ng Panitikang Patula
► Kantahin– (katulad din ng awit) mga awitin na
matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa
bansa.
► Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling
katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng
pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit
ng matatanda sa pagpapagunita sa mga
kabataan. May estrukturang itong apat (4) na
taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.
Jens
Martensson
21. • Mabait, M. (2014, July 8). Panitikan Bago Dumating ang mga
Kastila. https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-
bago-dumating-ang-mga-kastila.
• Bows, A. (2011, July 13). Katutubong Panitikan bago
dumating ang mga Kastila.
https://www.slideshare.net/bowsandarrows/katutubong-
panitikan-bago-dumating-ang-mga-kastila-8584598.
• Bautista, J. (2016, August 18). Ang Literatura: Panitikang
Mediterrenean-Panitikang Pilipino.
https://theliteratura.wordpress.com/2016/08/18/panitikang-
mediterrenean/
• Salosa, J. (2019, November 14). Ang Panitikan.
https://www.slideshare.net/JhonRickySalosa/ang-panitikan-
193399071
• Rubi, R. (2021, August 16). Panitikan ng Pilipinas Module 1-2.
https://classroom.google.com/c/Mzc4NDU3NjM1ODcy/m/Mz
c4NDY4MjcxODE2/details
Bibliograpiya