1. Markahan 2: Pagsibol ng Kamalayang Pilipino
Modyul 3:
KILUSANG PROPAGANDA
Gawain: 1. Mga Repormista at Kanilang Adhikain
2. Mga Problema ng Kolonya ayon sa Propagandista
3. Sariling Dyaryong Pampropaganda
TUKLASIN: ANG KILUSANG PROPAGANDA
Lalong lumala ang kalagayan ng mga Pilipino pagkaraan ng pag-aalsa 1872 dahil sa
patuloy na pang-aabuso ng mga Espanyol.Tatlong mahahalagang pangyayari ang nakagising sa
damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Ito ang pagsibol ng mga ilustrado o intelligentsia,
ang liberal na administrasyon ni Gobernador Heneral Carlos Ma. De La Torre, at ang pagbitay sa
tatlong pari na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora. Namulat ang mga Pilipino sa
katotohanang wala nang pag-aasang mabago pa ang pamamahala ng bayan sa ilalim ng
kapangyarihan ng mga Espanyol. Ang mga Pilipinong marurunong at nakakaangat-angat sa
buhay o mga tinaguriang “Ilustrado” ay nagtungo sa ibang lugar upang mag-aral. Nagbuklodbuklod sila at nagkaisa upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga mapayapang kampanyang
humihingi ng reporma at pagbabago sa sistema ng pamamahala ng mga Espaήol. Ito ay kilala
bilang "Kilusang Proganda". Kinilala sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at Marcelo H. Del
Pilar bilang mga pangunahing propagandista.
Ang pangunahing mithiin ng mga propagandista o repormista ay ang mapabuti ang
kalagayan ng mga mamamayang Pilipino at mabago ang pamamahala ng Pilipinas. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa
harap ng batas.
2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas.
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita,pamamahayag,
pagpupulong at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso.
6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang sarili sa mga
kasalanang ipinararatang sa kanila.
1|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
2. Nagtatag ng pahayagan ang Kilusang Propaganda. Ito ang La Solidaridad. Nagsilbing
instrumento ang pahayagan upang magsama-sama ang ating mga bayani at maipahayag ang
kanilang damdamin. Si Graciano Lopez Jaena ang hinirang na patnugot ng nasabing pahayagan
na naglabas ng unang isyu noong ika-15 ng Pebrero, 1889.
Sa pagpapalaganap ng mithiing Pilipino ay kasama rin sina Mariano Ponce, Antonio
Luna, Jose Ma. Panganiban, at ilan pang hindi naging masigasig sa bandang huli. Gumamit sila
ng iba’t ibang sagisag upang hindi makilala at mailigtas ang kanilang mga kaanak kung sakaling
paghigantihan sila ng mgaKastila.
Dahilan sa sila ay mga anak-mayaman, ilan sa mga propagandista ay naging aktibo
habang nasa Madrid at Europa.
Ang mga Layunin ng La Solidaridad
Nilayon ng La Solidaridad ang mga sumusunod:
Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan ang mga pagbabago sa pulitika at
lipunan.
Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino sa bansa upang mabigyang-lunas
ng Espanya.
Hadlangan ang masasamang impluwensya ng nepotismo (paggamit ng impluwensya
upang mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo (pagiging makaluma) sa
pamamalakad ng pamahalaan.
Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa.
Ipaglaban ang makatuwirang mga mithiin ng mga Pilipino sa buhay, demokrasya, at
pamumuhay na mapayapa at maligaya.
Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle at mga tiwaling patakaran ng
simbahan.
Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa.
Naging maayos ang unang isyu ng pahayagang La Solidaridad.Ang ikalawang isyu nito ay
isinulat sa Madrid, Espanya. Ang unang patnugot na si Graciano Lopez Jaena ay sumulat ng Fray
Botod na tumuligsa sa mga pang-aabuso ng mga prayleng Espanyol. Ang ikalawang patnugot ay
si Marcelo H. del Pilar. Itinatag at pinatnugutan niya ang Diariong Tagalog noong 1882 kung
saan inilathala niya ang karaingan at kahilingan para sa mga pagbabago ng mahihirap. Sa La
Solidaridad, gumamit siya ng sagisag na “Plaridel”. Si Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang
Bayani, ang sumulat naman ng nobelang Noli Me Tangere kung saan tinalakay niya ang maling
sistema ng lipunan na nagpapahirap sa mga Pilipino noon. Sa kanyang akdang El
Filibusterismo,tinalakay naman ni Jose Rizal ang mga gawain ng isang rebolusyonaryo.Sa
pagsulat sa La Solidaridad, gumamit si Rizal ng mga sagisag sa panulat tulad ng “Dimasalang” at
2|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
3. “Laong-Laan”. Ang iba pang manunulat at ang kanilang mga sagisag ay sina: Mariano Ponce
(Tikbalang, Naning at Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro Franco), Antonio (Tagailog), at
Jose Maria Panganiban (Jomapa).Hindi nalaunan at nagsara ang La Solidaridad bunga ng
maraming balakid na kinaharap nito. Kulang ang pondo, walang kalayaan ang operasyon, at
walang pagkakaisa ang mga Pilipino.
Panimulang Gawain #1. You-Scoop Po! Suriin ang mga sumusunod na mga larawan. Tukuyin
ang mga suliranin ng Pilipinas sa panahon ng Kolonisasyon ng mga Español at sa kasalukuyan na
ipinapakita sa mga larawan.
Pamprosesong Tanong:
Ano-ano ang mga suliraning panlipunan ang makikita sa mga larawan?
Makikita pa ba ang mga nasabing suliranin sa kasalukuyan? Patunayan.
Paano sinubukang solusyunan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Español ang mga
nasabing suliranin?
Para sa Guro:
Batay sa larawan, makikita ang ilan sa mga suliranin ng Pilipinas sa panahon ng kolonisasyon
ng mga Español hanggang sa kasalukuyan tulad ng kahirapan, katiwalian sa iba’t ibang
institusyon, at ang mga suliraning dala ng ipinakilalang bagong relihiyon – ang Katolisismo.
Ang ilan sa mga nasabing suliranin ay sinubukang solusyunan sa pamamagitan ng
mapayapang pakikibaka, ang ilan nama’y sa pamamagitan ng armadong pakikibaka o mga
pag-aalsa/rebolusyon.
3|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
4. Panimulang Gawain #2: Punan ang tsart na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa
Kilusang itinatag ng mga Ilustrado na naghahangad ng reporma o pagbabago sa Pamahalaang
Español.
LAYUNIN
KILUSANG PROPAGANDA
MGA PROPAGANDISTA
MGA SAGISAG-PANULAT
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda?
2. Bakit gumagamit ng sagisag-panulat ang mga propagandista sa pagsusulat ng kanilang
mga akda?
3. Paano napukaw ang damdaming makabayan ng mga Pilipino upang maghangad ng
pagbabago sa Pamahalaang Español?
PAGSUSURI
Sanggunian 1: The Aspiration of the Filipinos
Learner’s Module, pp. 97-98
Gawain 1: Ating Alamin. Ilahad ang mga adhikain/kahilingan ng mga Propagandista ayon sa siping
binasa sa pamamagitan ng pagpunan ng tsart sa ibaba.
ADHIKAIN/KAHILINGAN
Pamprosesong Tanong:
a. Sa iyong palagay, may katwiran ba ang mga pagbabagong hinihiling ng mga Propagandista sa
Pamahalaang Español?
b. Anong kalayaan o karapatan ang nais makamit ng mga Pilipino sa ilalim ng Pamahalaang
España?
c. Sa paanong paraan hinangad ng mga Ilustradong propagandista ang kanilang kahilingan?
4|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
5. Gawain 2. Liham para sa Pagbabago. Gumawa ng liham para sa mga pinuno ng ating Pamahalaan na
naglalaman ng mga nais mong pagbabago sa ating lipunan.
ISKORING RUBRICS PARA SA ISANG LIHAM
PAGKAKAISA
ORGANISASYON
MEKANIKS
1. Maayos ang paglalahad ng ideya.
2. Namumukod tangi ang mga detalye
3. Ang lahat ng ideya ay lohikal na sumusuporta sa nailahad na paksa
1. Organisado ang mga ideya sa kabuuan ibinatay ang presentasyon ng daloy sa
iba’t ibang mga kaalaman (halimbawa, karanasan, ilustrasyon)
2. Ang pinagsama-samang ideya ay malinaw na naipahayag
1.Ang pangungusap ay nailahad sa lohikal na pamamaraan.
2.Ang mga salita ay malinaw at madaling mabasa.
3.Maayos ang gramatika at may istilong kakaiba.
Kung ang lahat ng mga katangian ay matatagpuan sa gawaing liham magbigay ng 3 puntos, kung dalawa
lamang magbigay ng 2 puntos at kung isa lamang 1 puntos. Pagsama-samahin ang puntos at bigyan ito
ng karampatng grado base sa inyong istandard.
Sanggunian 2. Monarchism in the Philippines ni Marcelo H. del Pilar
Learner’s Module, p. 100-101
Gawain 3. I-ART e Mo! Pangkatang Gawain: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat
upang gumawa ng isang tableau nagpapakita ng mga gawain at tungkulin ng mga prayle sa
panahon ng pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas .
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang mga tungkulin at gawain ng mga prayle noong panahon ng mga
Kastila batay sa ipinakitang tableau.
2. Ano-ano ang mga naging epekto ng mga di- makatwirang pamamalakad ng mga
prayle sa buhay ng mga Pilipino?
3. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang mga tungkuling iniatang sa mga prayle
noon? Bakit? Pangatwiranan ang sagot.
5|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
6. RUBRIKS PARA SA TABLEAU
Markahan ang ipinakitang pagsasadula: sa iskalang 1-5 kung saan ang 5 ang
pinakamataas at 1 ang pinakamababa.
Batayan
1. Malinaw na nailahad ang paksa
2. Napili ang mga karapat-dapat na magsisiganap
3. Naisasadula ang mensahe ng ulat
4. Magaling ang pagtatanghal ng dula
Kabuuang Iskor
Natamong Iskor
Katumbas na Interpretasyon:
16-20
-Napakahusay
11-15
-Mahusay
6-10
-Katamtaman
1-5
-Dapat pang linangin
Sanggunian 3. Aba Ginoong Barya ni Marcelo H. del Pilar
Learner’s Module, p. 103
Gawain 4. Noon at Ngayon. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasang
akda.
Tungkol saan ang akda ni Marcelo H. del Pilar? Ano-ano ang maaring dahilan ng pagsulat
niya nito?
Batay sa panimulang gawain, anong suliranin ng Pilipinas sa ilalim ng mga Español ang
ipinapakita ng nasabing akda?
Makikita pa ba ang mga nasabing puna sa ilang mga institusyon sa kasalukuyang
panahon?
Mula sa nasabing akda, ang mga mag-aaral ay magpapangkatan upang gumawa ng isang
pagsasaliksik ukol sa mga puna ni Marcelo H. del Pilar sa Simbahan sa nasabing panahon at mga
isyung kinakaharap ng Simbahan sa kasalukuyan. Tignan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga ito sa pamamagitan ng pagbuo sa sumusunod na graphic organizer
6|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
7. NGAYON
NOON
Para sa Guro:
Ang akda ni Marcelo H. del Pilar na pinamagatang “Aba Ginoong Barya” ay posibleng naiakda dahil sa mga
kapuna-punang mga suliranin at/o problemang kinasangkutan ng Simbahang Katoliko. Ito na rin marahil ang
isang dahilan kung bakit ito nasa anyo ng isangdasal.
Batay sa unang gawain, ang suliraning ipinapakita ng akda ni del Pilar ay ang suliranin sa loob ng Simbahang
Katoliko na siyang itinuturing na isa sa pinakamahalagang institusyon ng nasabing panahon.
Opo.
Ang sagot ay maaaring maiba batay sa resulta ng pananaliksik.
Gawain 5. PINTAdos
a. Magdala ng mga sumusunod:
Cartolina
Kagamitang pang-guhit
Kagamitang pang-kulay
b. Gamit ang mga nasabing kagamitan, ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang
masining na representasyon ng akda ni Marcelo H. del Pilar na “Aba Ginoong Barya”
sa anyo ng isang poster.
c. Gamitin ang rubric bilang batayan ng pagmamarka sa pangkatang gawain.
7|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
8. Pamantayan
Nilalaman
(20%)
Kaangkupan ng
Konsepto
(20%)
Orihinalidad
(10%)
Kabuuang
presentasyon
(25%)
Pagkamalikhain
(25%)
Napakahusay
(3)
Naipapakita at
naipaliliwanag ng
maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto
sa paggawa ng
poster
Maliwanag at angkop
sa paggawa ng
Poster
Mahusay
(2)
May kakulangan sa
maayos na
nagpapaliwanag sa
ugnayan ng lahat ng
konsepto sa paggawa
ng poster
May kakulangan sa
mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto
Nagsisimula
(1)
Hindi naipaliwanag
ng maayos ang
ugnayan ng lahat ng
konsepto sa paggawa
ng poster
Hindi maliwanag at
hindi angkop ang
mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto
Orihinal ang
May kakulangan sa
Walang orihinalidad
konsepto sa paggawa orihinal na konsepto sa konsepto at paksa
ng poster
o paksa sa paggawa
sa paggawa ng
ng poster
poster
Malinis at maayos
May bahaging may
Hindi malinis at
ang kabuuang
kakulangan sa aspeto maayos ang
presentasyon
ng kalinisan at
kabuuang
kaayusan ng
presentasyon
kabuuang
presentasyon
Gumamit ng
Hindi gaanong
Hindi gumamit ng
tamanag
gumamit ng tamang tamang kombinasyon
kombinasyon ng
kombinasyon ng
ng kulay upang
kulay upang
kulay upang
maipahayag ang
maipahayag ang
maipahayag ang
nilalaman, konsepto
nilalaman, konsepto nilalaman, konsepto at mensahe
ng mensahe
at mensahe
Sanggunian 4. The Distressing Situation of the Philippines ni Graciano Lopez Jaena
Learner’s Module pp. 104-105
Gawain 6. Nakababagabag Nga Ba? Suriin ang nilalaman ng akda ni Graciano Lopez Jaena sa
pamamamagitan ng pagsagot sa APPARTS Analysis Chart sa ibaba.
8|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
9. The Distressing
Situation
of the Philippines
Significance
Author
Ano ang kahalagahan
ng sipi?
Sino ang
nagsulat?
The Main Idea
Place
Ano ang mensaheng
gustong iparating ng
sipi?
Ano ang konteksto ng sipi?
Reason
Prior knowledge
Bakit sinulat ang
dokumento?
Sino ang nagsulat?
Audience
Para kanino ang
sipi?
Pamprosesong Tanong:
1. Anong problema ang nakita ni Jaena sa pagtupad ng mga opisyal ng kanilang tungkulin?
2. Ano ang reaksyon ni Jaena sa mga kasanayan ng mga empleyado ng pamahalaan?
3. Paano nakaapekto ang pagpapalit ng mga opisyal at empleyado sa pamamahala ng
Pilipinas ayon sa sipi?
4. Paano inilarawan ni Jaena ang kalagayan ng Pilipinas ayon sa sipi?
Para sa Guro
Author – Graciano Lopez Jaena
Place – Espanya, 1887
Prior knowledge – maaring magkaiba
Audience – mga opisyal na Espanyol sa Espanya
Reason – Ipakita ang mga problemang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol
The Main Idea – kawalan ng kakayahan ng mga opisyal sa Pilipinas sa kanilang pagtupad ng kanilang
tungkulin/Kawalan ng pagbabago o pag-asenso sa pamumuhay ng mga Pilipino
Significance – Ipinakikita nito ang pananaw ng isang Pilipino sa katauhan ni Jaena ukol sa dahilan ng
paghihirap ng mga Pilipino
9|DIVISION OF MALABON AND NAVOTAS
10. Gawain 7. Ganito Sila Noon, Ganito Tayo Ngayon. Sa pamamagitan ng t-tsart ay paghambingin ang
paraan ng pamamahala noong panahon ng mga Espanyol at sa kasalukuyan.
Panahon ng Espanyol
Kasalukuyan
Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong mga aspeto nagkakapareho at nagkakaiba ang pamamahala noong panahon ng mga
Espanyol at sa kasalukuyan?
2. Ano ang dahilan ng pagbabago sa pamamahala mula noong panahon ng mga Espanyol at sa
kasalukuyan?
Gawain 8. Pangako Sa’ Yo. Gumawa ng isang panunumpa bilang mag-aaral na naglalahad ng iyong
gagawin upang hindi na maranasan ng Pilipinas sa kasalukuyan ang mga problemang inilahad ni Jaena sa
kanyang sipi.
PANUNUMPA
Ako si ____________________________ ay nangangakong
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
10 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
11. Sanggunian 5. The Indolence of the Filipinos ni Jose Rizal
Learner’s Module, pp. 106-107
Gawain 8. Anim na C, Very Easy. Bumuo ng iyong grupo at sama-samang suriin ang nilalaman ng
akdang ito ni Jose Rizal sa pamamagitan ng pagbigay ng mga kinakailangang impormasyon sa 6
C’s of Primary Source Analysis Chart sa ibaba.
Content
Citation
(Ano ang mahahalagang ideya ang nakasaad sa
(Sino ang nagsulat?)
dokumento?)
(Kailan at saan sinulat?)
Context
(Anong historikal na kaganapan ang
nangyayari nang isulat ang dokumento?)
Communication
(Ano ang bias ng nagsulat?)
On the
Indolence
of the
Filipinos
Connections
(Ano ang iyong dating kaalaman
ukol sa primaryang batis na ito?)
Conclusions
(Ano ang kahalagahan ng siping ito sa pagunawa ng kasaysayan ng Pilipinas?)
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng bias sa mensaheng nais iparating ni Jose Rizal sa kanyang akda?
2. Gaano kahalaga ang konteksto sa paghubog ng mensaheng nais iparating ni Rizal?
3. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ni Jose Rizal, ano naman ang iyong magiging kaisipan
ukol sa kawalan ng pambansang damdamin ng mga Pilipino?
11 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
12. Para sa Guro:
Content - Ang dokumento ay tungkol sa problemang dulot ng kawalan ng pambansang damdamin. Isinaad ni
Rizal ang dahilan at ang epekto ng kawalan ng pambansang damdamin.
Context – Ang mga Propagandista sa panahong ito ay masigasig na naglalantad ng mga problemang
nararanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng paglalathala ng mga babasahin.
Communication - Si Jose Rizal ay miyembro ng Propagandista na ang layunin ay maglantad ng mga problema sa
Pilipinas.
Citation – Si Jose Rizal ang nagsulat at isinulat noong Agosto 31, 1890
Connections – Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata batay sa kanilang dating kaalaman
Conclusion – Napakalaking suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa panahong ito ay ang kawalan ng
pambansang damdamin. Ito ay dulot na rin ng kawalan ng karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol.
Hindi magiging possible ang pag-unlad kung walang pakialam ang mga tao sa mga pang-aabusong kanyang
nararanasan sa kamay ng Espanyol at mga tiwali at walang kakayahang opisyal.
Para sa Guro:
Content - Ang dokumento ay tungkol sa problemang dulot ng kawalan ng pambansang damdamin. Isinaad ni
Rizal ang dahilan at ang epekto ng kawalan ng pambansang damdamin.
12 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
13. Gawain 9. Tara! Usap Tayo! Ang nasa ibaba ay isang kunwaring usapan ng isang bata at ni Jose
Rizal. Ipagpalagay na ikaw si Jose Rizal at sagutin ang mga katanungan ng mga bata batay sa
siping On the Indolence of the Filipinos.
Dr. Rizal, ano po ang
ibig ninyong sabihin
sa katawagang
pambansang
damdamin?
Ang pambansang damdamin
ay_______________________
_________________________
_________________________
_________________________
__
Sa tingin po ba ninyo ay
mayroong pambansang
damdamin ang mga
Pilipino noon? Bakit po?
____ sapagkat _____________
Napakahalaga ang
_________________________
pagkakaroon ng pambansang
_________________________
damdamin sapagkat________
_________________________
__
_________________________
_________________________
__
Ano po ang mga
maaaring maging epekto
sa bayan kapag ang mga
opisyal ng pamahalaan
ay walang kakayahan at
mga tiwali?
Ang ating bayan ay__________
_________________________
_________________________
_________________________
________________________.
Dr. Rizal, bakit po
mahalagang mabuo
sa mga Pilipino ang
pambansang
damdamin?
Napakahalaga ang
pagkakaroon ng pambansang
damdamin sapagkat________
_________________________
_________________________
_________________________
__
13 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
14. Para sa Guro:
Mga posibleng sagot:
1. Ang pambansang damdamin ay ang damdaming dulot ng pagiging isang bayan katulad ng
organismong may mga ugat na dinadaanan ng dugo para bumuhay at kumilos nang isa. Sa
damdaming ito ay umiiral ang bayan at hindi ang indibidwal na tao.
2. Wala, sapagkat walang kalayaang tinatamasa ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol.
Mahirap ding hubugin itong kamalayan dahil sa pagnanais ng Pilipino sa katahimikan at
kawalan ng gulo o away.
3. Magiging patuloy lamang ang mga pang-aabusong ginagawa sa mga Pilipino.
4. Inasahang magsisilbi itong basehan ng pagkabuklod-buklod ng mga Pilipino.
Ang sama-samang pagkilos ay susi sa pag-unlad ng bansa.
Mababawasan ang pangungurakot sa gobyerno kung may damdaming pambansa.
Pagtutuunan ng pansin ang mga kapos-palad na kababayan dahil di lang ang sarili ang
pagiisipan.
Gawain 10. Ikaw ang Humusga. Isa-isahin ang mga mahahalagang puntos na sinulat ni Jose
Rizal at ilahad ang iyong pagsang-ayon o pagtutol sa kanyang mga ideya kalakip ang iyong mga
dahilan sa pamamagitan ng You Be the Jury Worksheet. Isulat ang mga mahahalagang ideyang
binanggit ni Jose Rizal sa kanyang akda. Iyong lagyan ng (/) ang iyong posisyon sa ideya ni Rizal
(sang-ayon o tutol) at ilagay ang iyong dahilan
Ideya#1:
Sang-ayon
Dahilan:
Tutol
Ideya#2:
Sang-ayon
Dahilan:
Tutol
14 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
15. ABSTRACTION
Gawain 11. Kumpletuhin ang mga exit slips sa ibaba upang mabuo ang mga mahahalagang
kaisipang natutunan sa modyul.
Exit Slip #1
Ang kilusang propaganda ay may
layuning_____________________________________________
___________________________________________________.
Exit Slip #2
Nakamit/Hindi nakamit ng mga propagandista ang kanilang mga
layunin sapagkat_____________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________.
Exit Slip #3
Nanatili pa/Hindi na nanatili ang mga suliraning inilahad ng mga
propagandista sa kasalukuyan sapagkat ____________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________.
Application
Gawain 12. ANG SCRAPBOOK KO!
1.
Ikaw ay naatasan na gumawa ng scrapbook na maaaring maglaman ng mga larawan,
sariling karanasan, mga sipi o artikulo na nakuha mula sa iba’t ibang sanggunian na
nagpapakita ng diwa ng kabayanihan, katapangan, pagkakaisa at pagmamahal sa bayan
ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Inaasahan na dapat ay maglagay ng repleksyon sa bawat
bagay na lalamanin ng scrapbook. Sa repleksyon ay dapat makita ang pagkakaugnay ng
mga suliraning kinaharap ng mga Pilipino noong panahon ng mga propagandista at sa
kasalukuyan at ang mga mungkahi upang bigyang tugon ang mga inilahad na suliranin.
15 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
16. Rubriks sa Pagmamarka ng Scrapbook.
Pamantayan
4
3
Kaugnayan sa
paksa
Ang
scrapbook ay
nagpapakita
ng mahusay
na paguugnay sa
paksa
Ang
scrapbook ay
nagpakita ng
pag-uugnay
sa paksa
Mensahe ng
scrapbook
Naipabatid
ng buo ang
mensahe ng
scrapbook
Naipabatid
ang mensahe
ng scrapbook
sa mga
tagapagmasid
Naipabatid ng
kaunti ang
mensahe ng
scrapbook sa
mga
tagapagmasid
Hindi
naipabatid ang
mensahe ng
scrapbook sa
mga
tagapagmasid
Pagkamalikhain
Nakalikha ng
orihinal na
scrapbook
ang pangkat
Nakalikha ng
scrapbook
ang pangkat
Hindi natapos
ng pangkat ang
scrapbook
Walang
nagawang
scrapbook ang
pangkat
Nakatawag Nakatawag ng
agad ng
pansin ang
pansin ang
scrapbook sa
scrapbook sa
mga
mga
tapagmasid
tagapagmasid
Hindi agad
nakatawag ng
pansin ang
scrapbook sa
mga
tagapamasid
Hindi
nakatawag ng
pansin ang
scrapbook
Kulang ang
mga
kagamitang
ginamit sa
paggawa ng
scrapbook
Walang dalang
gamit ang
pangkat sa
paggawa ng
scrapbook
Dating
( Impact )
Kalidad ng mga
kagamitang
ginamit
Kumpleto,
malinis at
maayos ang
mga
kagamitang
ginamit sa
paggawa ng
scrapbook
Malinis ang
mga
kagamitang
ginamit sa
paggawa ng
scrapbook
2
1
Puntos
Ang scrapbook Ang scrapbook
ay nagpakita ng
ay hindi
maliit na pagnagpakita ng
uugnay sa
pag-uugnay sa
paksa
paksa
16 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S
17. Kabuuan ng
Puntos
/20
Division of Malabon City
Cardenas, Fitzpatrick I.
Castro, Fe
Cruz, Mark Alvin M.
Villarico, Erlinda
Division of Navotas City
Francis R. Pascual
Ligaya A. Orqueza
Antonia Dy
Emerlito Matias
17 | D I V I S I O N O F M A L A B O N A N D N A V O T A S