2. LAYUNIN:
Nakikilala ang kahulugan ng kohesyong
gramatikal, ang anaphora at katapora.
Nagagamit ng cohesive device sa pagsulat
ng sariling halimbawang teksto.
4. Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang
kabisera ng Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quipo Church.
Pagkatapos magdasal ni Diego, nakita niya ako sa labas ng
simbahan. Nilibot namin ang Luneta. Ang Luneta ay lugar na
makikita ang sagisag sa pagkamartir ni Dr. Jose P. Rizal.
Nilibot namin ang Intramuros gamit ang kabayo. Pero ang
kabayo ay napagod kaya pinahinga muna. Higit sa
lahat,nakita namin ang Fort Santiago. Ang Fort Santiago ay
isang makasaysayang pook sa Maynila.
Basahin muna na ang Konteksto
5. Ang mga panandang kohesyong gramatikal ay
ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na
paggamit ng pangngalan o salitang ginagamit sa
pagpapahayag.
Halimbawa:
ito dito doon iyon (bagay/lugar/hayop)
sila siya tayo kanila kaniya (tao/hayop)
6.
7.
8.
9. Narito ang apat na uri ng panandang
kohesyong gramatikal:
Pagpapatungkol
Elipsis
Pagpapalit o Substitution
Pag-uugnay
11. May dalawang uri ang pagpapatungkol:
Anapora o sulyap na pabalik- tawag sa
panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa
unahan ng pangungusap.
12. Halimbawa:
o Ang Kwentong Katatawan ay isang uri ng maikling
kwento. Ito ay may layuning magbigay aliw sa mga
mambabasa.
o Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Isla ng
Boracay sa Aklan dahil sila’y totoong
nagagandahan dito.
o Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista
na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa
kanya, paborito niya itong pasyalan.
13.
14. Katapora o sulyap na pasulong- ang
tawag sa panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan ng pangungusap.
15. Halimbawa:
o Ang uri ng maikling kwento na Kwentong katatawanan ay
hangarin niyang magpatawa. Ipinakikita niya na ang
pagbibigay ng tuwa sa mag mambabasa ang isa sa
napapaganda ng isang kwento.
o Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil
ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
o Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na
pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon
kay Garcia Burnham paborto niya itong pasyalan.
16.
17.
18. TUKUYIN KUNG ANAPORA O KATAPORA
• Patuloy nilang binabalikan ang Bantayan Beach
Resort sa dahil ang mga turista’y totoong
namamangha sa kagandahan nito.
• Sina Peter at Hector ay halimbawa ng mga
estudyante sa Paaralang ABC Elementary. Sila ay
mga honor student.
• Si Eva ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy
na pumupunta sa Kikay Beach dahil ayon kay Peter,
ito ang paborito niya pasyalan.
• Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng
pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na kayamanan
ng isang bansa.
19. Elipsis- ito ay pagtitipid sa
pagpapahayag. May mga salitang
hindi na inilalagay o nawawala sa
pangungusap.
20. Halimbawa:
Bibihira ang nagbibigay ng ganito
sa kaniyang pamilya.
Pumunta si Erick sa tindahan at bumuli si Erick ng
tinapay.
Pumunta si Erick sa tindahan at bumili ng tinapay.
21. •Wala ng ibang hinangad ang mga
Pilipino kundi ang makapunta sa
bansang iyon.
•Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa
mga taong tulad nila.
22. Pagpapalit o Substitution- ito ay
paggamit ng iba’t-iba pang
reperensiya sa pagtukoy ng isang
bagay o kaisipan.
23. Halimbawa:
Dahil sa pagsasalin ng mga wikang
nauunawaan natin ay namumulat tayo sa
kulturang banyaga. Nalalaman natin ang
kulturang Hapones at natututo tayo sa
mga Gawain nila.
24. MGA URI NG PAMALIT O SUBSTITUTION
• Nominal – pinapalitan ay ang pangngalan.
Halimbawa: Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay
magkakaunawaan, kailangan lang nating pagyamanin ang ating wikang
Pambansa.
• Berbal – pinapalitan ay ang pandiwa.
Halimbawa: Inaayos ni Tatay ang mesa at sinimulan naman ni
kuya ang silya.
• Clausal – Pinapalitan ay sugnay.
Halimbawa: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw at hindi
rin nagawa ng mga pulis ang hulihin sila.
26. Halimbawa:
Ang lahat ng uri ng maikling kwento ay
maganda ang nilalaman lalo na’t kapag ito’y
kapupulutan ng aral.
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo
para sa mga anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang
mga magulang.
27. Kohesyong Leksikal- nagkakaroon ng
kohesyon ang isang teksto kung
magkakaugnay ang mga pangungusap
sa isang talata at sa iba pang mga
talata nito.
Uri: reiterasyon at kolokasyon
28. •Reiterasyon – kung ang ginagawa
o sinasabi ay nauulit ng ilang
beses.
a. Pag-uulit o repetasyon
b. Pag-iisa-isa
c. Pagbibigay Kahulugan
30. PAGBIBIGAY KAHULUGAN
Kasingkahulugan o sinonim – tumutukoy sa mga salita
o parirala na may magkatulad na kahulugan na
nakapaloob sa pangungusap.
•Ang mga kapus-palad ay mga mahihirap na
kailangan ang pagkalinga ng mga taong
nakaaangat sa buhay sa lipunan.
Kasalungat o sinonim – tumutukoy sa mga salita o
parirala na may kabaliktarang kahulugan sa kapwa na
nakapaloob sa pangungusap.
•Habang bata pa ang tao, asahan mong di ‘to
marunong yumuko at parati itong nakatingala.
32. •Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa
kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapariha o maaari ding magkasalungat.
Halimbawa:
•Nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog
•Doktor – pasyente
•Puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap
33. MGA COHESIVE DEVICES SA
PAGSULAT NG SALAYSAY
Para sa Pagpapahayag ng Dahilan o Resulta ng
Isang Pangyayari o Kaganapan
Pagpapahayag ng Kondisyon –
Bunga/Kinalabasan
Pagpapahayag ng Pagbabago ng Paksa o
Tagpuan
Pagpapahayag ng Sabay na Kalagayan o
Pangyayari
Pagpapahayag ng Pagbibigay linaw,
Pagbubuod, at Panlalahat
-kaya/kaya naman -pagkat/sapagkat
-dahil/dahil sa/sa mga/kay/ kina -dahil dito
-bunga nito
-sana -kung -kapag
-sa sandaling -basta’t
-gayunman/ ganoon pa man/gayunpaman
-sa kabilang dako/banda/sa isang banda
-samantala
-Kasabay nito/niyan -kaalinsabay niyo/niyan
-Sa madaling salita/sabi -Kung gayon
-Bilang paglilinaw -Samakatuwid -Kaya
-Bilang pagwawakas/Bilang konklusyon
34. •Ang paggamit ng cohesive
devices sa isang tekstong
naratibo ay mahalaga sa
pagbibigay ng mas malinaw at
maayos na daloy ng mga
kaisipan sa isang texto. Ang
paggamit ng mga ito ay
makatutulong na gawing mas
35. MGA COHESIVE DEVICES SA PAGSULAT NG
TEKSTONG PROSIDYURAL
Layon Mga Cohesive Devices
1. Pagdaragdag - Ganoon din/Gayundin
- At/at saka
- Bilang karagdagan/dagdag pa
rito/riyan/roon
2. Kabawasan sa Kabuuan - Maliban sa/ sa mga/kay/kina
- Bukod sa/sa mga/kay/kina
3. Halimbawa - Bilang halimbawa
- Ilan sa mga halimbawa
4. Pag-uugnayan ng mga
pangungusap o talata
- Kaugnay nito/riyan
- Ilan sa mga halimbawa
5. Pagsusunuran ng
Kalagayan o Pangyayari
- Kasunod nito
- Kasunod niyan
36. Hindi lamang bilang isang kaibigan ang
nararamdaman ni Juan kay Maria kundi mas higit pa.
Matagal na niyang nararamdaman ito at gusto na
niyang umamin. Ang pag-usbong ng kanyang
damdamin sa dalaga ay marahil sa pagsasama nilang
palagi at ang busilak na puso ng babae. BIlang
karagdagan, matagal na ring magkakakilala,
magkaibigan at magkakapit-bahay ang dalawa.
Nakikita na rin ng lahat na umiibig ngang tunay si
Juan samantalang si Maria ay hindi niya sukat-akalain
na totoo ang mga haka-haka.
41. GAWAIN:
Pansinin ang mga paksang nasa ibaba. Pumili ng isang
paksa at gagawan mo ito ng tekstong deslriptibo.
Tiyakin na gagamitan mo ito ng higit sa dalawang uri ng
kohesyonh gramatikal. Ang tektong susulatin ay binubuo
ng dalawang talata lamang.
a. Ang mga Sakripisyong Hatid Dulot ng Pandemya
b. Sa Gitna ng COVID-19
c. Edukasyon: Noon at sa Kasalukuyan
42. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kabatiran sa paggamit ng wika - - - - - - - - - - - 10 puntos
Pag-oorganisa ng mga ideya- - - - - - - - - - - - - 10 puntos
Paggamit ng kohesyong gramatika- - - - - -- - 10 puntos
KABUOAN - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 30
puntos