SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 219
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK 8
JAY CRIS S. MIGUEL
TEACHER I
Want big impact?
Use big image.
2
KULTURA NG
MGA
SINAUNANG
PILIPINO
UNANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
4
BALIK-ARAL SA
MGA NAKARAANG
ARALIN
1. Ano-ano ang mga sistema
ng pamahalaan noong
sinaunang panahon?
5
2. Sino ang itinuturing na
pinuno sa pamahalaang
barangay?
6
3. Ano ang tawag sa taong
tagapagbalita ng mga batas
na napagkasunduan sa
isang barangay?
7
4. Bilang tanda ng pakikipagkaibigan
at pakikipag-ugnayan sa ibang
barangay ay naging kaugalian ang
Sanduguan sa pagitan ng ating mga
ninuno. Paano isinasagawa ang
Sanduguan?
8
◉ 5. Iba’t ibang uri ng
pamahalaan ang umiiral sa
bansa. Ano ang tawag sa
pamahalaan ng mga Muslim
noong unang panahon?
9
6. Sino ang itinuturing na
pinuno sa pamahalaang
sultanato?
10
11
12
13
14
MGA SINAUNANG
PANINIWALA AT
TRADISYON
”
Paniniwala sa
Espiritu at Diyos ng
Kalikasan
16
Ano ang pagkakaiba ng
pananampalataya ng mga
unang Pilipino at ng ating
pananampalataya ngayon?
17
Likas na sa mga sinaunang
Pilipino ang pagiging
relihiyoso bago pa man
dumating ang mga
Espanyol.
18
Naniniwala ang mga sinaunang
Pilipino na may mga espiritung
nananahan sa kanilang
kapaligiran, tinawag itong
“anito” ng mga Tagalog at
“diwata” ng mga Bisaya.
19
Ang ilan sa mga anitong
pinaniniwalaan ng mga
sinaunang Pilipino ay:
“Makaboteng”
“Pamahadi”
“Tonong”
20
Ang “makaboteng” ay ang
anitong nangangalaga sa
mga usa at baboy damo.
Naninirahan ito sa
kagubatan.
21
Ang “pamahadi” ay
anitong tagapangalaga
ng mga kalabaw at
kabayo.
22
Ang “tonong” naman
ay ang espiritung
tumutulong sa mga
tao.
23
Maaari itong mag-
anyong tao, hayop, o
nilalang na hindi
nakikita.
24
Ang “bul-ol” ng mga Ifugao ay isa sa
pinakatanyag na eskultura ng
Hilagang Luzon, lalo na sa
Cordillera, na nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Pilipino sa espiritu ng
kalikasan.
25
26
Kadalasang inuukit ito sa
punong kahoy na narra, yakal,
at ipil, at inilalagay sa loob ng
tahanan o imbakan ng palay.
Naniniwala sila na dadami ang
ani sa tulong ng “bul-ol.”
27
Pinaniwalaan ding sagrado ng
mga sinaunang Pilipino ang mga
bagay sa kalikasan tulad ng
araw, bituin, puno, hayop, at iba
pa. Ang tawag sa paniniwalang
ito ay “paganismo”
28
29
Pinaniniwalaan nila
ang mga kaluluwa ng
mga ninunong
pumanaw na.
30
Hinahandugan nila ng mga
pagkain, awitin, at panalangin
ang mga espiritu ng kanilang
mga ninuno, patunay na
naniniwala sila sa kabilang
buhay.
31
Makikita natin ang
halimbawa ng katibayan nito
sa takip ng “Manunggul Jar”
na nahukay sa Kweba ng
Tabon.
32
Sa takip nito ay may
inanyuang dalawang tao na
namamangka na
pinangangahulugang
naglalakbay patungo sa
kabilang buhay.
33
34
35
Ang “Manunggul
Jar” ay nagsilbing
kabaong o
libingan ng mga
sinaunang
Pilipino.
Ang mga mamamayan sa
bawat kapuluan ay may
kani-kaniyang paniniwala
at kaugaliang sinusunod.
36
Katunayan, may kanya-
kanya silang tawag sa
kanilang mga Diyos noong
sinaunang panahon.
37
38
“Bathala” sa mga
Tagalog
39
“Laon” sa
Kabisayaan
40
“Kabunyian” sa mga
pangkat Ifugao at
ibang taga Cordillera
at Ilokano
41
“Abba” sa mga
Cebuano
42
Iba-iba rin ang mga
katangian at
kapangyarihan ng
kanilang mga Diyos noong
sinaunang panahon.
43
“Dian Masalanta”
diyos ng pag-ibig ng mga
Katagalugan
44
“Hayo”
diyos ng karagatan ng
Katagalugan
45
“Sidapa”
diyos ng langit ng
Kabisayaan
46
“Dallang” diyos ng
kagandahan ng mga
Ilokano
47
“Apolaki” diyos ng
digmaan ng mga taga-
Pangasinan
48
Pinangunahan ng mga
Katalonan (sa mga Tagalog) at
Babaylan (sa mga Bisaya) ang
mga isinasagawang pag-aalay.
49
Ang mga Katalonan at
Babaylan ang pinaniniwalaang
tagapamagitan sa kanilang
mga diyos.
50
Naniniwala rin sila sa mga
aswang, kapre, tikbalang,
tiyanak, nuno sa punso,
duwende, manananggal at
kulam.
51
Naniniwala silang may
taong may
kapangyarihang mag-
ibang anyo.
52
Ang aswang ay maaaring
maging ibon, aso o kaya’y
mabangis na hayop at
kumakain ng atay at
bituka ng maysakit.
53
54
Ang manananggal ay
putol ang kalahati ng
katawan sa gabi, ngunit
pagdating ng araw ay buo
na namang muli.
55
56
Ang tikbalang ay may
mukha ng kabayo na
kapag may nakatuwaang
isang tao ay inililigaw ito.
57
58
Ang kulam ay
nakapagdudulot
ng lagnat at sakit
sa isang tao sa
pamamagitan
lamang ng salita.
59
Marami sa mga pangkat-etniko
ng Pilipinas ang napanatili ang
kanilang paniniwalang
animistiko.
60
Halimbawa ay
ang mga Igorot at
ang kanilang 12-
yugtong rituwal sa
pagtatanim at
pag-aani ng
palay. 61
Ito ay isinasagawa sa gabay ng
isang “mumbaki” sa loob ng
panahon ng pagtatanim ng
palay sang-ayon sa sinusunod
nilang kalendaryong agraryo.
62
Ipinagpapatuloy nila ang
tradisyong ito upang mapanatili
nila ang kanilang mabuting
ugnayan sa kalikasan (bilang
pasasalamat at paghingi ng pabor o
gabay) nang sa gayon ay matiyak
nila ang isang masaganang ani.
63
64
Mumbaki ang tawag sa
pinunong panrelihiyon ng
mga Igorot na nagsilbing
tagapamagitan ng tao sa
mga espiritu; itinuturing
din siyang manggagamot
ng kaluluwa.
65
Masasalamin din sa
paniniwalang “animismo” ng
mga katutubo sa mga
pamahiin na kanilang
nabuo.
66
Ang “pamahiin” ay
paniniwala batay sa kutob,
kinagawian, tradisyon, at
relihiyon ng isang
pamayanan.
67
Nagsilbing gabay ang mga
pamahiing ito ng mga
katutubo sa pagbuo ng
desisyon o paliwanag sa mga
pangyayari sa kanilang
kapaligiran.
68
Ang mga paniniwala at mga
pamahiin ay may malaking
kinalaman sa buhay ng mga unang
Pilipino.
Binigyan nila ng kahulugan ang
isang pangyayari tulad ng nasa
susunod na slide.
69
70
Dagdag dito, naniniwala rin sila
na nagbibigay ang kalikasan ng
mga babala, palatandaan, at
pangitain sa mga maaaring
mangyari sa hinaharap.
71
Ang paglabas ng bulalakaw
ay nagsilbing babala sa
parating na delubyo,
epidemya, o digmaan.
72
Ang pag-alulong ng aso ay
isang pagbabadya sa
kamatayan ng isang malapit
sa buhay.
73
GAWAIN
Gamit ang graphic organizer
na nasa susunod na slide,
paghambingin ang
paniniwala ng mga Pilipino
“noon” at “ngayon”
74
75
IKALAWANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
Want big impact?
Use big image.
77
BALIK-ARAL
MUNA TAYO!
Ayusin ang mga jumbled na
mga letra sa susunod na mga
slides upang mabuo ang
salitang tinutukoy ng bawat
pahayag.
78
Want big impact?
Use big image.
79
O T I N A
Ang mga espiritung
nananahan sa
kapaligiran.
Want big impact?
Use big image.
80
U M M K I A B
Tawag sa pinunong
panrelihiyon ng mga Igorot na
nagsisilbing tagapamagitan
ng tao
sa mga espiritu.
Want big impact?
Use big image.
81
H L A A A T B
Ang itinuturing ng mga
Tagalog na dakilang nilalang
na siyang may likha ng langit
at lupa.
Want big impact?
Use big image.
82
L U B – L O
pinakatanyag na eskultura ng
Hilagang Luzon, lalo na sa Cordillera,
na nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Pilipino sa espiritu
ng kalikasan.
Want big impact?
Use big image.
83
L U G G N U N A M
R A J
Nagsilbing libingan ng
mga sinaunang
Pilipino
PAGLAGANAP NG
ISLAM SA
PILIPINAS
JAY CRIS S. MIGUEL
Bunsod ng pakikipagkalakalan ng
mga sinaunang Pilipino sa mga
Arabong Muslim ay nakarating sa
Pilipinas ang isang mahalagang
impluwensiyang umambag sa
mayamang kultura ng mga
Pilipino, ang “Islam.”
85
Ang “Islam” ay isang
relihiyong may
paniniwala sa iisang
diyos, si “Allah.”
86
Itinatag ito ng
propetang si
Muhammad bandang
600 C.E.
87
Qur’an
(Koran) ang
tawag sa banal
na aklat ng
Islam. 88
Tunghayan ang timeline na
nasa pahina 92 ng inyong
aklat upang malaman mo
kung paano lumaganap ang
Islam sa Pilipinas.
89
Taong 1210: Pagdating ng
mga Arabong mangangalakal
sa katimugang bahagi ng
kapuluan.
90
Taong 1280: Dumating sa
Sulu si Tuan Masha’ika,
itinuturing na kauna-
unahang nagpakilala ng
Islam sa Pilipinas.
91
Nakipag-isang dibdib siya sa
anak ni Rajah Sipad at
nagsimulang magtatag ng
mga pamayanang Muslim sa
Sulu.
92
Taong 1380: Mula Malacca
ay dumating si Karim-Ul-
Makdum sa Sulu at nangaral
ng Islam.
93
Taong 1390: Dumating si Rajah
Baginda ng Palembang sa Sulu.
Matagumpay niyang nahikayat
ang ilang katutubo na lumipat
sa relihiyong Muslim.
94
Taong 1450: Dumating si
Abu Bakr mula sa
Palembang. Siya ang
kinikilalang nagpalaganap
ng Islam sa Sulu.
95
Pinagkalooban siya ng
pangalang “Sharif ul-Hashim”
nang maging kauna-unahang
sultan ng itinatag niyang
pamahalaang batay sa Sultanato
ng Arabia.
96
Sa panahon ni Abu
Bakr, mabilis na
lumaganap ang Islam
sa Sulu.
97
Samantala, noong huling
bahagi ng ika-15 siglo,
nanguna sa pagpapalaganap
ng Islam sa Mindanao si
Sharif Kabungsuan mula sa
Johor, Malaysia.
98
Siya rin ang nagtatag at
naging unang sultan ng
pamahalaang itinatag
niya sa Mindanao.
99
Mula sa Sulu at
Mindanao ay mabilis na
lumaganap ang Islam
sa Luzon at Visayas.
100
Gayunpaman, mabilis ding
natuldukan ang paglaganap
na ito sa pagdating ng mga
Espanyol noong ika-16 na
siglo.
101
Nagtungo ang mga
Pilipinong Muslim sa
katimugang bahagi ng
Pilipinas upang mapanatili
ang kanilang pagsasarili
mula sa mga Espanyol.
102
Sa kabila ng hangarin ng mga
Espanyol na binyagan ang mga
Muslim sa Kristiyanismo,
patuloy pa ring pangunahing
paniniwala ang Islam sa
rehiyon.
103
104
Ano ang Islam? Ang Islam ay relihiyon ng
mga Muslim. Ito ay salitang Arabe na ang
kahulugan ay kapayapaan o ganap na
pagpapailalim kay Allah. Ang tawag sa
kanilang diyos ay Allah at ang Koran ang
banal na aklat at batayan ng mga aral.
Itinatag ito ni Propreta Muhammad. Sa
Mecca ang sentro ng pagsamba.
105
Ang mga tungkulin ng
isang Muslim ay
nakapaloob sa limang
haligi ng Islam:
106
1. Walang ibang Diyos na
paniniwalaan maliban kay
Allah at si Muhammad ang
sugo ni Allah. Ang tawag
dito ay Shahada.
107
2. Magdasal nang 5 beses sa isang araw
na nakaharap sa direksyon ng Mecca.
Ito ay isinasagawa bago sumikat ang
araw, sa pananghalian, sa hapon, sa
paglubog ng araw, at bago
maghatinggabi. Ang tawag
dito ay Salat.
108
3. Magbigay ng Zakat sa mga
nangangailangan tulad ng mga
maysakit, ulila at mga naging biktima
ng bagyo, lindol, o pagbaha lalong-lalo
na kung panahon ng Ramadan. Ang
zakat ay ikasampung bahagi ng
kita ng isang Muslim.
109
4. Pag-aayuno o Saum sa panahon
ng Ramadan o ikasiyam na buwan
ng kalendaryong Muslim. Dahil
ang Ramadan ay buwan ng
pagsisisi ng kasalanan, ang pag-
aayuno ay ginagawa sa bawat
araw.
110
Hindi sila kumakain, umiinom at
nagsasalita ng masama mula sa
pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. Ipinagbabawal din
ang kasayahan at paggawa ng
mabibigat na gawain sa panahong
ito.
111
Ang pagtatapos ng Ramadan
ay araw ng pasasalamat kay
Allah at ito ay tinawag ng
Hariraya Puasa.
112
5. Maglakbay sa Mecca minsan sa
buong buhay kung
makakayanan. Hajj ang tawag sa
paglalakbay at Hadji ang tawag
sa mga taong nakapaglakbay sa
Mecca.
113
Naniniwala rin ang mga Muslim
sa araw ng paghuhukom at ang
kakayahang gumawa ng mabuti
o masama ay nagmumula sa
kapangyarihan, kagustuhan o
kautusan ni Allah.
114
PAGTATAYA
115
Basahing mabuti ang bawat
pahayag o katanungan.
Isulat sa kwaderno ang
titik ng tamang sagot.
116
1. Kung ang mga pagano ay
sumasamba sa kalikasan at iba
pang walang buhay, sino naman
ang sinasamba ng mga Muslim?
A. Allah C. Lalahon
B. Bathala D. Muhammad
117
2. Alin sa sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng tungkulin ng isang Muslim?
A. pagtupad ng Hajj
B. pangangalaga ng kalikasan
C. pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
D. pagdarasal nang limang beses maghapon
nang nakaharap sa direksyon ng Mecca
118
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagkakawanggawa ng mga Muslim lalong-lalo
na sa panahon ng Ramadan? Pagbibigay ng
____________
A. pagkain sa mga pulubi
B. bahay sa mga biktima ng bagyo
C. kalahating bahagi ng kanilang lupa
D. ikasampung bahagi ng kita sa mga ulila
119
4. Ano ang tawag sa mga Muslim na
nakagawa ng paglalakbay sa Mecca?
A. Hajj
B. Hadji
C. Haji
D. Hadj
120
5. Salitang Arabe na ang kahulugan
ay kapayapaan.
A. Islam
B. Zakat
C. Saum
D. Salat
121
IKATLONG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
TRADISYON SA
KASAL, PATAY, AT
PAGPAPANGALAN
JAY CRIS S. MIGUEL
”
Tradisyon sa
Kasal
124
Ang bahay ng datu
ang karaniwang
lugar ng kasalan.
125
Ang mga naatasang
Babaylan o Katalonan
ang nagsasagawa ng
seremonya ng kasal.
126
Pinauupong magkaharap
ang ikinakasal sa isang
dulang na may nakalatag
na alak at isang tasa ng
bigas.
127
Matapos ang seremonya,
paghahawakin ng kamay
ang ikinasal, sasabuyan ng
bigas, at paiinumin ng
alak sa iisang tasa.
128
Magdarasal ang Babaylan
o Katalonan at ang mga
panauhin at kamag-anak
naman ay sisigaw ng
“mabuhay.”
129
Matapos nito ay kasunod
na ang ilang araw ng
pagdiriwang ayon sa kaya
ng lalaki.
130
Ang ilan naman ay
nagbibigay ng bigay-kaya
o dote.
131
132
Alam mo ba kung paano
isinasagawa ang
panliligaw ng lalaki sa
babae noon?
133
Ano-ano ang mga
pagkakaiba ng panliligaw
ng isang lalaki sa babae
noon at ngayon?
134
“Ligawan Noon at Ngayon:
Ano ang Pagkakaiba?”
Halaw mula sa blog ni Marri Bermudez
135
NOON…
Kahoy ay sinisibak
Tubig ay iniigib
Mabangong bulaklak
ang handog sa babaeng
iniibig
136
NOON…
Matagal-tagal ding sinuyo
ang dalagang iniirog
Nagpakipot pa ng husto
Bago ibigay, matamis
na “OO.”
137
NOON…
Harana ang paraan
ng binata sa panliligaw
lumilikha pa ng awit
upang dilag ay mabingwit
138
NOON…
Liham ng busilak na pag-ibig
Tula ng tunay na pagmamahal
Awit ng pusong handang
maghintay
Kahit ialay ang sariling buhay
139
ANO NAMAN ANG
IYONG MASASABI
NGAYON?
140
”
Tradisyon sa
Patay
141
Inihahanda ng mga sinaunang
tao ang kanilang yumao para sa
kabilang buhay sa pamamagitan
ng paglilinis, paglalangis, at
pagbibihis ng magagarang
kasuotan sa bangkay.
142
Pinababaunan din ng mga
sinaunang Pilipino ang kanilang
yumao ng mga kasangkapan
tulad ng seramika at mga
palamuti upang may magamit
ang mga ito sa kabilang buhay.
143
May dalawang bahagi
ang paglilibing ng
mga sinaunang
Pilipino.
144
Una, inililibing muna
nila ang mga yumao
sa lupa kasama ang
ilang kasangkapan.
145
Matapos matuyo ang mga
labi ay hinahango ito mula
sa libingan at isinisilid sa
loob ng banga.
146
Isang halimbawa ng
tapayan na ginamit sa
paglilibing ang bangang
“Manunggul”.
147
Natagpuan ito ng pangkat
ni Dr. Robert Fox noong
1962 malapit sa mga labi
ng Taong Tabon.
148
Ang dalawang pigura ng
tao sa ibabaw ng takip nito
ay sumisimbolo sa
paghahatid ng yumao sa
kabilang buhay.
149
150
Dagdag pa sa patunay na
pinahahalagahan ng mga sinaunang
Pilipino ang kanilang mga patay ay
ang pag-aalaga ng kanilang
bangkay sa pamamagitan ng
kanilang preserbasyon sa mga ito.
151
Kung ang Egypt ay kilala sa
kanilang mummies, ang mga
sinaunang Pilipino ay di
pahuhuli sa paraan kanilang
mamipikasyon.
152
Katunayan, may ilan pa ngang
mananalaysay ang nagsabi na
higit pa ang paraan ng mga
Pilipino sa mamipikasyon
kaysa sa mga Ehipsyano.
153
Nang matuklasan ang mummy
ni Apo Anno ng mga Ibaloy sa
Cordillera, napag-alaman na
ang teknolohiya noong
panahong yaon ay hindi
matawaran.
154
Ayon pa sa mga
mananalaysay, patuloy pa
rin ang preserbasyon sa mga
bangkay hanggang katapusan
ng 1800.
155
”
Tradisyon sa
Pagpapangalan
156
Karaniwang ang ina ang
nagbibigay ng pangalan sa
kaniyang anak noong
sinaunang panahon sa
Pilipinas.
157
Malimit na ang pagpapangalan noon
ay nakabatay sa isang partikular na
pangyayari tulad ng pangalang
“Maliuag” na nangangahulugang
“mahirap na pagluluwal ng sanggol.”
158
Walang apelyido
ang mga sinaunang
Pilipino.
159
Ang mga magulang
noon ay tinatawag batay
sa pangalan ng kanilang
panganay na anak.
160
Halimbawa, ang tatay at
nanay ni Maliuag ay tinawag
na “Ama ni Maliuag” at “Ina
ni Maliuag.”
161
Nakikita naman ang kaibahan
ng pangalan ng babae sa lalaki
sa pamamagitan ng
pagdugtong ng katagang “in” sa
pangalan.
162
Halimbawa, ang pangalang
“Ilog” para sa lalaki ay
nagiging “Ilogin” kung
ipapangalan sa babae.
163
GAWAIN
164
Gamit ang graphic organizer na nasa
susunod na slide, pumili ng isang
paksa sa ibaba na nais paghambingin.
“Tradisyon sa Kasal Noon at Ngayon”
“Tradisyon sa Patay Noon at Ngayon”
“Pagpapangalan Noon at Ngayon”
165
166
IKAAPAT NA ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
PANANAMIT
AT PALAMUTI
JAY CRIS S. MIGUEL
Ang sinaunang
kalalakihang Pilipino ay
nagsuot ng pantaas na
damit na tinawag na
kanggan (o kangan).
169
Ang kulay ng kanggan ay batay
sa katayuan sa lipunan ng may
suot nito- pula para sa datu at
asul o itim para sa may mas
mababang katayuan sa datu.
170
Bahag naman ang
kanilang naging
pang-ibabang
kasuotan.
171
172
Binalutan din nila ng putong
ang kanilang ulo. Tulad ng
kanggan, sinalamin din ng
putong ang katangian ng may
suot nito.
173
Halimbawa, pulang
putong ang suot ng mga
taong nakapaslang na ng
isang tao.
174
Ang mga nakapaslang
naman ng may pitong
tao ay nagsusuot ng
burdadong putong.
175
176
Sa kababaihan, ang pang-itaas na
kasuotan ay ang “baro” at ang
pang-ibaba naman ay ang
maluwag na palda na tinatawag
na “saya” ng mga Tagalog at
“patadyong” ng mga Bisaya.
177
178
179
Mahilig magsuot ng mga
palamuti sa katawan ang
mga sinaunang kababaihan
at kalalakihang Pilipino.
180
Kadalasang gawa sa
ginto ang mga
palamuting ito.
181
Halimbawa ng mga palamuting
kanilang sinusuot ay ang
“pomaras”- isang alahas na
hugis rosas- at “ganbanes”- isang
uri ng gintong pulseras na
isinusuot nila sa braso at binti.
182
183
Nagsuot naman ang kababaihan
at kalalakihang Bisaya ng
hanggang apat na pares ng
gintong hikaw sa kanilang tainga.
184
Gumamit din sila ng ginto
upang palamutian ang
kanilang ngipin.
185
Gayundin, naglalagay sila
sa kanilang katawan ng
mga tattoo o mga
permanenteng disenyo at
marka sa balat.
186
Sa pagdating ng mga
Espanyol, tinawag nilang
“pintados” ang mga
katutubong puno ng tattoo
sa katawan.
187
188
189
Pinaniniwalaan din ng
mga sinaunang Pilipino na
may taglay na mahika at
kapangyarihan ang mga
tattoo sa kanilang katawan.
190
Ayon sa kanila, sino
mang mayroon nito ay
magtataglay ng ibayong
lakas at husay sa
pakikidigma.
191
Naging tanda rin ang tattoo
ng tapang at mga tagumpay
ng mga mandirigma.
192
Talamak ang ganitong
tradisyon sa mga Bontok,
Igorot, Kalinga, at Ifugao sa
kabundukan ng Hilagang
Luzon.
193
Kilala
niyo ba
siya?
194
GAWAIN
195
Ano ang kaibahan ng
pananamit ng mga Pilipino
Noon at Ngayon? Isulat ang
iyong mga sagot sa
talahanayang nasa susunod
na slide.
196
197
PANANAMIT NOON PANANAMIT NGAYON
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
IKALIMANG ARAW
“ARAW NG PAG-AANI NG
NATUTUNAN”
198
“Kapag may itinanim,
may aanihin.”
199
200
Panuto: Pag-aralan ang mga pangungusap
sa susunod na slide. Tukuyin kung anong
sistema ng pamumuhay ng mga unang
Pilipino ang inilalarawan. Isulat ang bilang
ng pangungusap sa angkop na kahon upang
mabuo ang sumusunod na tsart.
201
202
1. May parusa ang hindi sumunod sa
mga batas ng barangay.
2. Ang kumpederasyon ang pinakamalaking
yunit ng pamahalaan noon.
3. Ang mga Pilipino at mga dayuhang
mangangalakal ay nagtatagpo sa
dalampasigan.
203
4. Kung ang Konseho ay sa datu, ang
Ruma Bichara ay sa sultan naman.
5. May mga ritwal din isinasagawa ang mga
Muslim.
6. Upang mapawi ang galit ng mga diyos at
diyosa, humihingi ng tulong ang mga tao sa
Katalonan.
204
7. Ang mga seda at porselana ang ipinapalit
ng mga Tsinong mangangalakal sa mga
alahas at pulot-pukyutang kinakalakal ng
mga Pilipino.
8. Naniniwala na ang mga Pilipino noon pa
man sa kabilang buhay.
205
9. May iba’t ibang hugis at laki ang mga
tapayang pinaglalagyan ng mga buto ng
patay.
10. Ginamit ang piloncitos bilang perang
barya sa pagbili ng mga kalakal.
206
Ang sumusunod ay gawain
sa pananampalataya ng mga unang
Pilipino. Buuin ang Venn Diagram. Isulat sa
loob ng bilog A ang letra ng mga nauukol sa
Paganismo at Animismo at sa bilog B
naman ang sa Islam. Kung angkop sa Islam
at Animismo/ Paganismo ang
tinatalakay isulat sa loob ng C.
207
A B
C
208
A. pagsisisi ng kasalanan tuwing
buwan ng Ramadan
B. may mga pinaniniwalaan at
tungkulin
C. paniniwala sa anito o
diwata
209
D. pagtupad ng Hajj
E. pagbibigay ng Zakat
F. pagsamba sa
kalikasan
210
G. pagtupad sa
paniniwala at tungkulin
H. paniniwala sa aral ng
Koran
211
Piliin ang salitang
hindi kabilang
sa pangkat ng mga salita sa
bawat bilang sa mga susunod na
slides at ipaliwanag kung
bakit
hindi ito kabilang.
212
1. Umalohokan, Ruma
Bichara, Sultan,
Pandita
213
2. Pangangaso,
Pananahi,
Pagpapalayok,
Pagkakaingin
214
3. Shahada, Salat,
Zakat, Anito
215
4. Katalonan, Babaylan,
Mumbaki, Bathala
216
5. Muhammad, Sharif
Kabungsuan, Sharif Ul-
Hashim, Abu Bakr
Maraming Salamat!
#ParaSaBata
#ParaSaBayan
migueljaycris119@gmail.com
217
Para sa inyong mga komento at
mungkahi, mangyari lamang na
magpadala ng mensahe sa aking
Facebook account:
Jay Cris Miguel
218
Credits
Special thanks to all the people who made and released these awesome resources for
free:
◉ Presentation template by SlidesCarnival
◉ rexinteractive.com
◉ GRADE V PROYEKTO: PANANAMPALATAYA NG MGA UNANG
PILIPINO
◉ MISOSA Kulturang Materyal ng Unang Pilipino
◉ UGAT NG LAHI Handog nina Asis, Bueno, Dolorito, Foronda, Meer, at
Talaguit 219

Weitere ähnliche Inhalte

Ähnlich wie ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx

Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismojetsetter22
 
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonAng Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonYosef Eric C. Hipolito, BA, LPT
 
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxRELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxMaeAnnePulido2
 
Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxjennellemendez
 
Ang Pinagmulan ng pilipinas araling.pptx
Ang Pinagmulan ng pilipinas araling.pptxAng Pinagmulan ng pilipinas araling.pptx
Ang Pinagmulan ng pilipinas araling.pptxbravestrong55
 
AP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptx
AP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptxAP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptx
AP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptxCaryllJeaneMarfil1
 
Mga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
Mga Tanyag na Simbahan sa ating PilipinsMga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
Mga Tanyag na Simbahan sa ating PilipinsMichelleRivas36
 
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga AsyanoMga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyanosevenfaith
 
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...GIFTQUEENSAAVEDRA
 
536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx
536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx
536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptxKatDestraYummero
 
mitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdf
mitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdfmitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdf
mitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdfThirdyAlonso1
 
Mito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asya
Mito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asyaMito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asya
Mito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asyakelvin kent giron
 
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)jetsetter22
 
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)jetsetter22
 
Panitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.ppt
Panitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.pptPanitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.ppt
Panitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.pptJericoJericoFuaso
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...dianarasemana1
 
Relihiyong Paganismo
Relihiyong PaganismoRelihiyong Paganismo
Relihiyong PaganismoRuth Cabuhan
 

Ähnlich wie ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx (20)

Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
 
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonAng Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
 
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxRELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
 
Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docx
 
Ang Pinagmulan ng pilipinas araling.pptx
Ang Pinagmulan ng pilipinas araling.pptxAng Pinagmulan ng pilipinas araling.pptx
Ang Pinagmulan ng pilipinas araling.pptx
 
Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya
 
AP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptx
AP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptxAP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptx
AP8 - Q1 - M3 - Heograpiyang Pantao - RELIHIYON.pptx
 
Mga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
Mga Tanyag na Simbahan sa ating PilipinsMga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
Mga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
 
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga AsyanoMga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
 
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
 
Las mga relihiyon sa asya
Las mga relihiyon sa  asyaLas mga relihiyon sa  asya
Las mga relihiyon sa asya
 
536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx
536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx
536647524-Week-7-Paglaganap-Ng-Islam.pptx
 
mitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdf
mitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdfmitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdf
mitongpinagmulanatsinaunangkaisipanngtimogsilangangasya-171012120926.pdf
 
Mito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asya
Mito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asyaMito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asya
Mito ng pinagmulan at sinaunang kaisipan ng timog silangang asya
 
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
 
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
 
Panitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.ppt
Panitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.pptPanitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.ppt
Panitikan ScarpBoook fuaso 2d bs crim.ppt
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
 
Relihiyong Paganismo
Relihiyong PaganismoRelihiyong Paganismo
Relihiyong Paganismo
 

Kürzlich hochgeladen

FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 

Kürzlich hochgeladen (20)

FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 

ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx