2. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Suriin ang mga
salitang may salangguhit.
1. Mapinsalang tsunami ang tumambad sa mga tao.
2. Magkasinglakas ang buhos ng ulan sa Infanta, Quezon at
Nueva Ecija.
3. Magkakatulad ang karanasan ng mga nagging biktima ng
tsunami.
3. Mayroon tatlong kailanan ang pang-uri, isahan, dalawahan, at
maramihan.
Isahan – kung iisa lamang ang inilalarawan. Gumagamit din ito ng
panlaping pang-isahan tulad ng ma,ka, at pang nang walang pag-
uulit sa unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa: Mahapdi pa rin ang sugat ni Alphie sa tuhod.
Kasama ko siya.
Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
4. Dalawahan – kung dalawa ang inilalarawan. Gumagamit ng mga
panlaping magka-, magkasing-, magsing-, o paggamit ng dalawang
pamilang dalawa at salitang kapwa.
Halimbawa: Magkalahi kami.
Kapwa magaling sa pagtula si Luffy at Toriko.
Magkasingtangkad si Onanay at Alphie.
5. Maramihan – kung higit sa dalawa ang inilalarawan. Maaring
gamiting ang pantukoy na mga, pag-uulit ng salitang – ugat, pag--
uulit ng pantig na ka sa panlaping magka- at magkasing-.
Halimbawa: Magkakalahi tayong lahat.
Matatamis ang mga prutas.
Maraming tao ang nagtipon-tipon sa court kahapon.