2. Ang natutunan ko sa pagsasalin,
Dapat mong ilipat sa tamang lalagyanan
Ang ideyang sinasalin
Kung hindi, hindi rin mapapakinabangan.
Ganoon din sa buhay,
Dapat mong piliin ang pinakaangkop sa’yo,
90% sure ka, hindi sayang efforts mo.
3. YUNIT II: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSASALIN
MGA LAYUNIN:
1. Nakapagpapahayag ng simulain ng pagsulat na may kinalaman
sa pagsulat at pagsasalin.
2. Nakapagpapaliwanag nang wastong kaalaman at kasanayan
sa pagsasaling-wika
3. Nakapagsasalin gamit ang iba’t ibang dulog sa pagsasaling-
wika.
4. Naipapakita ang kahalagahan pagsasaling-wika.
4. Mga Simulain sa Pagsasaling-Wika at
Ilang Bagay na Dapat Tandaan Hinggil sa Wika Kapag Nagsasaling-wika
Pagsasaling-Wika
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago,2003)
Halimbawa:
Orihinal: His paper was soaked in water.
Mahinang Salin: Basa ang kanyang papel.
Mabuting Salin: Basa sa tubig ang kanyang papel.
5. Mga Simulain sa Pagsasaling-Wika
1. Ang isang salin ay dapat magtaglay ng katumbas na mga salita sa orihinal. (literal)
Ang isang salin ay dapat magtaglay ng katumbas na diwa ng orihinal. (idyomatiko)
2. Ang isang salin ay dapat maging himig orihinal kapag binasa.
Ang isang salin ay dapat makilalang salin kapag binasa.
3. Dapat manatili sa isang salin ang estilo ng orihinal na awtor.
Dapat lumitaw sa isang salin ang estilo ng tagapagsalin.
4. Ang isang salin ay dapat maging himig kapanahunan ng orihinal na awtor.
Ang isang salin ay dapat maging himig kapanahunan ng tagapagsalin.
5. Ang isang salin ay maaaring may bawas, dagdag, o pagbabago sa diwa.
Ang isang salin ay hindi dapat bawasan, dagdagan, o baguhin sa diwa.
6. Ang pagsasalin ng isang tula ay dapat maging patula rin.
Ang pagsasalin ng isang tula ay dapat maging pasalaysay o tuluyan.
6. Ilang Bagay na Dapat Tandaan Hinggil sa Wika Kapag
Nagsasaling-wika
1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na
gumagamit nito.
Halimbawa:
Orihinal: Her heart is as white as snow.
Salin: Busilak sa kaputian ang kanyang puso.
2. Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging kakanyahan.
Halimbawa: Tagalog: alisin
Ilocano: ikkaten
English: remove
7. 3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang
maunawaan at tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.
4. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang
sinasalita ng bayan.
5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing
unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon
sa baybay ng katumbas sa Filipino.
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang maaaring ipanumbas sa isang
katawagang isinasalin, na ang lahat naman ay pawang tatanggapin ng
gagamit sa salin, gamitin ang alinman sa tinatanggap na katumbas at
pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba pang mga kahulugan.
Halimbawa: bahay • tahanan o tirahan
8. 7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita.
Halimbawa: Ingles: You make plans for the school year.
Salin: 1. Gumawa ka ng mga plano para sa taong panuruan. (Matipid)
2. Magplano ka para sa taong panuruan.
8. Kung walang maitumbas na salita sa isang salitang isinasalin, o kaya’y walang
eksaktong katumbas na maibigay, maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:
a) hiramin ang salitang isinasalin at baybayin ito nang ayon sa ating palabaybayan
b) alamin ang mga sinonimo o kakahulugan ng salita at baka sakaling mas madaling
tumbasan ang isa sa mga iyon
c) alamin ang katumbas na salita sa Kastila at baka higit na madali itong hiramin
d) alamin kung may katumbas ang salita sa alinman sa mga prinsipal na wikang
katutubo at siyang hiramin
e) lumikha
9. 9. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng
ibang maaaring ipalit dito.
10. Hangga’t magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may
kaanyo sa ibang wika sa Pilipinas ngunit hindi kakahulugan (homonimo).
11. Kung may kahirapang isalin ang pamagat, isalin ito pagkatapos isalin ang buong
teksto ng materyales na isinasalin.
12. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y maging
bahagi ng pangungusap.
13. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan na ipinahahayag nang tahasan sa
Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismong salita sa Filipino upang hindi maging
pangit sa pandinig
14. Ang kawalan ng lubos na tiwala sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan
ay nauuwi sa panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati mga
idyoma, katutubong paraan ng pagpapahayag, balangkas ng pangungusap, sa
wikang isinasalin.
10. 15. Sapagkat hindi pa estandardisado ang wikang Filipino, sikaping ang mga salitang
gagamitin sa salin ay yaong mga salitang mauunawaan at tatanggapin ng higit ng
nakararami.
16. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang wikang kasalukuyang sinasalita ng bayan
kaysa wikang nakasulat.
17. Sa pagpili ng mga salita, isiping lagi kung alin ang sa palagay ng tagapagsalin ay
higit na gamitin.
18. Isaalang-alang ang kaisahan sa porma ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.
19. Bawat wika ay may kani-kanyang natatanging kakanyahan.
20. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi kailangang ilipat sa
pinagsasalinang wika.
Bilang karagdagang kaalaman, ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y
mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapua’t
hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.
11. Kahulugan at Pagpapakahulugan ng Pagsasaling-wika at
Antas ng Pagsasaling-wika
Kahulugan at Pagpapakahulugan ng Pagsasalin
Paglalahad ng orihinal na ideya sa katumbas na wika
Isang pagtatangkang mabigyan ng pakahulugan ang diwa ng
orihinal na akda sa ibang wika.
Paglilipat ng konsepto at paraan ng pagpapahayag mula sa
orihinal na wika.
Pagpapalit ng tekstuwal na materyal mula sa orihinal na wika.
12. Paglilipat ng katumbas na kahulugan ng isang akda o sulatin mula
sa orihinal na wika patungong paglilipatang wika.
Pagtutumbas ng diwa sa orihinal na wika patungong paglilipatang
wika.
Sistematikong paraan ng paglilipat-diwa mula sa isang wika
patungong ibang wika.
Pagpapahayag ng orihinal na diwa ng isang sulatin sa ibang wika.
13. Sa isang artikulo ni Dizon (1998) na pinamagatang
“Ideolohiya at Pagsasalin” kanyang sinabi na “Ang gawaing
pagsasalin ay kinasasangkutan ng paglilipat ng isang tekstong
nakasulat sa isang wika patungo sa iba at partikular na wika” .
Sa isang artikulo na isinulat naman ni Silapan, na
pinamagatang “Mga Pagsasalin Mula sa Wikang Iloko Tungo sa
Wikang Pambansa”, hinango niya ang katuturan sa pagsasalin mula
kay Newmark (1988), na nagsasabing “ang pagsasalin ay ang
paglilipat ng kahulugan ng teksto sa ibang wika sa paraang ayon sa
intensyon ng awtor sa teksto”.
14. ANTAS NG PAGSASALING-WIKA
KARANIWANG SALIN- gumagamit ng karaniwang mga pangungusap na
madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa.
PAMPANITIKAN- Mataas na uri ng pagsasaling-wika na nagpapahalaga sa
timbang na bigat ng impormasyon at estilo ng pagkakasulat.
IDIYOMATIKO- Nagpapahalaga sa mga pragmatiks at simbolong kultural sa
pagpili ng mga itutumbas na salita.
TEKNIKAL- Nakapokus sa ugnayan ng impormasyong pang-agham at epekto
nito sa institusyong panlipunan.
MALIKHAING PAGSASALIN- Pagpapahalaga sa bagong kaisipan, estilo o paraan
ng paglikha ng sining.
MAPANURING PAGSASALIN- Nakatutok sa pagpapakahulugan kaysa sa
pagtutumbas lamang ng mga salin
15. Kahalagahan ng Pagsasalin
Makikita ito mula sa kasaysayan.
Ayon kay Ramos (1998), sa kanyang artikulong Pagsasalin “Tungo sa
Pagpapayaman ng Wikang Pambansa”, bago pa man dumating ang mga
taga-kanluran, sigurado ng umiiral sa kapuluan ang impormal na
pagsasalin sa oral na komunikasyon. Mahalaga ito sa inter barangay at/o
inter-etnikong komunikasyon upang ayusin ang mga gusot sa pagitan
ng mga magkakaway na mga tribo at barangay. Mahalaga rin siguro ito
sa kanilang kabuhayan tulad ng barter system sa pagpapalitan ng mga
kalakal hindi lamang sa pagitan ng mga katutubo kundi sa mga taga
ibang bayan sa silangan, tulad ng mga Tsino na napadpad sa kapuluan
ng Pilipinas.
16. Nang dumating naman ang mga Kastila, kinakailangan ang
pagsasalin para sa dalawang layunin…
(1) ang pananakop
(2) ang pagpapalaganap ng kristiyanismo.
Sa aklat ni Venuti (1998) ay kanyang sinabi sa pamamagitan ng
pagsasalin ay sabay na nagaganap ang pagbibinyag at
pananakop. Ang kanyang paliwanag na batay kay Rafel (1998) ay
ganito ang isinasaad: ang mga mananampalataya na tumatanggap
sa Diyos na Kristyano ay nagpapasakop rin sa Haring Kastila na
banal na itinalaga, lalo na sapagkat iniuugnay ng mga misyonero
ang pampolitika na pananakop dito sa lupa sa kaligtasan sa
kabilang buhay.
17. Ayon pa rin kay Ramos, “Bilang bahagi ng layuning mapalaganap sa bansa
ang kristiyanismo, isinalin ng mga misyonaryong Kastila sa Tagalog (at iba
pang wika sa bansa) ang mga aklat-dasalan, katekismo, awit
pansimbahan, sermon, pagsasanay sa mga gawaing pangkabanalan.” Sa
pamamagitan ng pagsasalin ay naitanim ng mga mananakop na Kastila sa
isip at damdamin ng kanilang sinakop ang kanilang mga ideolohiya,
paniniwala at pananampalataya.
Ayon kay Santiago (1994): “Batay sa kanilang karanasan (mga kastila) sa
Timog at Hilagang Amerika, higit na nagiging matagumpay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng mga
wika ng mga katutubo”. Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila
ayon na rin sa huli ang maituturing na unang yugto ng kasiglahan ng
pagsasaling-wika sa Pilipinas. Mula sa nabanggit, makikita ang kahalagahan
ng pagsasalin, sa ugnayang pangkomersyo sa dalawa o mahigit pang
bansa, sa pagpapairal ng kapangyarihan at kamulatang panrelihiyon.
18. Bukod kahalagahang ito, may malaking bahaging ginagampanan ang
pagsasalin sa paglilipat at palitan ng kultura’t kaalaman sa buong
mundo. Sabi ni Almario sa kanyang artikulong Pagsulyap sa
Kasaysayan ng Pagsasalin, “kung ang pagkaimbento ng papel ay
napakahalaga sa lansakan at matagalang pag-iimbak ng matatayog
na karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang
naging mabisang kasangkapan sa pagpakalat at patanggap ng
naturang pamana ng sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong
mundo.
19. Isang halimbawa nang dakilang panitikang naipamana dahil sa
pagsaslin ang epikong Odyssey ni Homer na sinasabing
pinakamatandang nakaulat na salin. Ang mga karunungang isinulat
nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang mga dakilang
Griyego ay naipamana rin sa daigdig dahil sa pagsasalin. Mula pa
rin sa artikulong huling binanggit ay sinabi ni Almario na
“Kasangkapan ang pagsasalin upang ganap na makinabang ang
isang bansa o pook sa mga impluwensiyang mula sa isang sentro
o sulong na kultura.” Ibinigay niyang halimbawa dito ang pagsagap
at pakikinabang ng mga kulturang Latin at Arabe sa kulturang
Griyego sa pamamagitan ng salin
20. Ang ating sariling kulturang Pilipino ay sumagap at nakinabang din sa
mga kultura ng mga kolonisador nito sa pamamagitan ng salin. Ayon
kay Ramos, “ sa mga kolonisador nito ang mga Kastila ay may
pinakamalaking impluwensiya sa bansa lalo na sa basehan ng unang
Wikang Pambansa natin, ang Tagalog”. Nalaman natin ang batayang
aralin sa kristiyanismo sa pamamagitan ng Doctrina Christiana en la
lengua Espanola at mula sa iba pang salin tungkol sa simbahan o
eklesyastik. Nagkaroon tayo ng kaalaman sa politika dahil sa mga
salin na pampolitika at nilalaman at layunin.
21. Kung noong unang panahon ng pananakop ng mga Kastila ay krus o
relihiyon ang naging isa sa pangunahing kasangkapan ng pananakop
nila, ayon kay Santiago (1994) “noong panahon naman ng mga
Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang
Ingles”. Ipinaliwanag pa niya sa panahong ito nagsimulang
makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang iba’t ibang uri ng genre
ng panitikan at naging masigla ang pagsasalin sa wikang
pambansa lalo na ng mga akdang klasika. Ang pakikipag-ugnayang
intelektuwal ng mga Pilipino sa ibang bansa ay naging liberal ang
iba’t ibang anyo at uri ng karunungan mula sa kanluran”.
22. Mahalaga rin ang pagsasalin upang maunawaan, matutuhan at sa
gayon ay mapakinabangan ng masang Pilipino ang mga bagong
teknolohiya mula sa dayuhan. Ito ay mapatutunayan ng karanasan
ni Teo Antonio, isang manunulat at tagasalin sa Technology at
Livelihood Resource Center, na kanyang inilahad sa artikulong
Pagsasalin ng Kaalaman Panteknolohiya (1995). Sa artikulong ito ay
kanyang sinabi: “Pinatunayan ng maraming tagasubaybay na
mamamayan na dumagsa sa pagbili ng mga babasahing gabay sa
kaalamang panteknolohiya na sila ay natuto, nakinabang at
nagamit sa kanilang pag-unlad ang mga babasahing naisalin.”
23. Hindi rin dapat kaligtaan ang kahalagahan ng pagsasalin sa
pagsulong o pagyabong ng Wikang Pambansa o sa
intelekwalisasyon nito. Mula sa artikulo ni Fortunato na
pinamagatang “Pagsasalin: Instrumento sa intelekwalisasyon ng
Filipino” (1991) ay kanyang sinabi: na napakahalaga ng
pagsasaling-wika upang mailapat ang mga naimbak na
karunungang nasa mga aklat na nasusulat sa Ingles at iba pang
intelekwalisadong wika.
24. Bilang pagwawakas, mainam na malaman natin ang sinabi ni
Theodore H. Savory (1959) tungkol sa unibersal na gawain ng
pagsasalin. Ganito ang kanyang sinabi na isinalin ni G. Almario: “Sa
lahat ng dako, isinagawa ang mga salin alang-alang sa mga dalisay
na layuning utilitaryo at walang ibang nasa ang tagasalin maliban
sa pag-aalis ng hadlang na naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng
mga wika sa manunulat at sa mambabasa”.
25. Repleksyon:
1. Para sa iyo, Ano ang kahalagahan ng pagsasaling-wika?
(Batay sa sariling karanasan)