IMPORTANTENG MATUTUNAN ANG KODIGO NG PAMAHALAANG LOKAL DAHIL ITO ANG NAGPAPATUNAY KUNG GAANO KAHALAGA ANG BAWAT YUNIT NG PAMAHALAAN NA TUMUTULONG SA PAMAHALAANG PAMBANSA.
3. Binubuo ang pamahalaang lokal ng
mga lalawigan, bayan at barangay.
Ang lalawigan ay pinamumunuan ng
gobernador. Ang lungsod at Bayan ay
pinamumunuan naman ng alkalde, kapitan
naman ang namumuno sa barangay.
Tinitiyak din ng gobernador kung tumutupad
sa tungkulin ang mga alkalde ng bayan o ng
lungsod. Ang pangasiwaan naman ng
barangay sa pamumuno ng kapitan ay nasa
Ano ang Pamahalaang Lokal?
4. Ano ang Pamahalaang Lokal?
ilalim ng alkalde ng bayan o lungsod.
Ang mga karaingan at suliranin ng mga
mamamayan sa lokal na nasasakupan ay
ipinararating ng mga pinuno ng
pamahalaang lokal sa pambansang
pamahalaan. Samantala, ipinararating
naman ng pamahalaang lokal sa mga
mamamayang nasasakupan nito ang mga
programa, patakaran at mga batas na
dapat sundin na ipinatutupad ng
pambansang pamahalaan.
6. Kodigo ng Lokal na
PamahalaanRepublic Act No. 7160
Republic Act No. 7160
7. Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ay
naisabatas noong ika-21 ng Hunyo, 1991.
Sa batas na ito, ang mga pamahalaang
lokal ay pinapayagang mamahala,
gumawa ng mga alituntunin o pang-lokal na
mga ordinansa, at ipatupad ito, at
pamahalaan ang kanyang lugar ng sakop.
Sila ay maaaring pumasok sa mga
pribadong transaksiyon at negosyo sa
Republic Act No. 7160
8. pamamagitan ng paghalal at
pagtalaga ng mga opisyal at lokal na
bubuwisan. Sila ay inaatasang ipatupad ang
mga batas, mapa-lokal man ito o
pambansa. Ang Pambansang Pamahalaan
ay umaalalay, nagbabantay at nagsisiguro
na ang mga lokal na pamahalaan ay hindi
lumalabag sa batas pambansa.
Republic Act No. 7160
9. Ito ay mahalaga dahil sa kabilang din sa
mahahalagang aspekto ng batas ang
sumusunod: Una, binibigyan ng
kapangyarihan ang mga sangay ng
pamahalaang lokal na magkusa at magsagawa
ng pagbawi ng kapangyarihan sa mga halal na
opisyal at magsulong ng referendum. Ikalawa,
inaatasan ang mga pambansang ahensiya na
makipag-ugnayan muna sa pamahalaang lokal
bago magsagawa ng anumang proyekto o
programa na maaaring makaapekto sa mga tao o
pook nito. Ikatlo, binibigyan ng kapangyarihan ang
bawat sangay ng pamahalaan na umiral na lawas
na pampolitika at pangkorporasyon upang
Bakit ito mahalaga?
10. maisulong ang kagalingan ng lahat.
May mga probisyon ang Kodigo na
nag-aatas sa pamahalaang lokal na
pagyamanin nito ang kultura ng bayan;
itaguyod ang kalusugan at seguridad ng mga
mamamayan; linangin ang kakayahang siyentipiko
o teknolohiko ng mga tao; isulong ang kabuhayan
at katarungang panlipunan; at palakasin ang
pambansang moralidad. Bukod dito, isinaad sa
Kodigo ang mga tiyak na alituntunin sa
pangangalap ng buwis at paglikha ng
pagkakakitaan ng mga sangay ng lokal na
pamahalaan.
Bakit ito mahalaga?