Kapamahal People's Council
Payatas Poem
Written by: Lucy Rocha, Kgwd. Alex Adan, Ptr. Erlindo Ganiban, Ptr. Florentino Del Carmen, Adelaida Ramirez, Anna Katrina Ocampo,Tess Pantaleon, Janece Argullozos, Sofia Perez
2. Kay gandang pagmasdan
mga punong luntian
Masaganang bunga galing kay Bathala
Masayang ibon nag-aawitan
kay gandang pagmasdan
Payatas, ito ang ating kinabukasan
3. Payatas, turuan natin ang pamilya na
handang bigyang halaga hindi lamang
ang sarili kundi pati ang komunidad
Payatas, turuan nating ibigin ang bayan
sa hindi pagtapon ng basura sa
kapaligiran
Payatas, ipapahayag ko sa kabataan na
ipagtatanggol kita dahil iniibig kita
4. Pilipinas, bigyan natin ng edukasyon ang
kabataan
Pahalagahan natin ang bawat isa
Gisingin ang kamalayan ng bawat isa sa
ating Panginoong Hesus
Pilipinas, Iniibig kita at aalagaan kita
5. Pilipino ako sa anyo at kulay
Sa wika sa gawa sa kalinangan
Ang mutyang bayan ko’y
Perlas ng Silangan
Mahirap na buhay aming dinanas
6. Ako, Ikaw, Tayo
hindi ka na nag-iisa ngunit kaisa
Hindi na pang-ako, pang-ikaw
ngunit pang-tayo
Ito ang PANTAYONG pananaw
Handang tumayo at makiisa
Para sa tinig ng maralitang taga-lungsod
7. Isinilang na kayumanggi,
namumuhay sa Payatas
Mga magulang maralita ay nagpapagal
Upang anak mabigyan ng karangalan
Upang manilbiihan sa lugar na sinilangan
8. Ang aking buhay ay hindi sapat
Upang ang ating bayan ay umunlad
Ang mga mamamayan ay nahihirapan
Kaya magtulangan ng tayo’y yumaman
9. Luzviminda, huwag ka ng umiyak dahil
ikaw ay may mahalaga
Payatas, Ikaw ay kilala sa buong mundo
dahil sa basura at kahirapan
Pilipino, ikaw at ako ay handang
magsakripisyo at magtiis
Para sa ikakaunlad ng susunod na
henerasyon
10. Written by: Lucy Rocha, Kgwd. Alex Adan, Ptr. Erlindo Ganiban, Ptr. Florentino Del Carmen,
Adelaida Ramirez, Anna Katrina Ocampo,Tess Pantaleon, Janece Argullozos, Sofia Perez