4. Gawain 1: MAKINIG, MAG – ISIP, MAGPAHAYAG (3MS)
Pakinggan ang awiting “TATSULOK.” Maaari
itong awitin gamit ang lyrics sa kabilang pahina.
Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito.
6. Gawain 1: MAKINIG, MAG – ISIP, MAGPAHAYAG (3MS)
Alam mo bang ang awiting “Tatsulok” ay orihinal na awitin
ng bandang Buklod na nilikha bilang reaksiyon sa polisiyang
militarisasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino? Layon ng
administrasyong Aquino na supilin ang armed revolutionary
movement. Ang militarisasyong ito ay nagdulot ng kapahamakan
sa malaking bilang ng sibilyan. Muling binuhay ni Bamboo ang
awiting ito bilang paalala sa di - pantay na istrukturang
panlipunan ng bansa.
7. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit?
2. Sino ang kinakausap sa awit?
3. Sino ang kinakatawan ng batang siTotoy?
4. Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok?
5. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
6. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa
rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng
maraming Pilipino?
9. Gawain 2: HAGDAN NG KARUNUNGAN
Punan ang kasunod na dayagram. Isulat sa bahaging
initial ang iyong nalalaman tungkol sa tanong.
10. PAGSASAKONTEKSTO
Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa istruktura ng lipunan kung
saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna,
at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos
ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok. Ito’y
mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang
mga dukha ay ilagay mo sa tuktok.”
Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng
salitang “rebolusyon?”
12. Gawain 3: HULA - RAWAN
Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang
pansin ang mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong
maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig.
13. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ano ang ipinakikita ng larawan?
2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan?
3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong
makikita rito?
4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo?
5. Sino naman ang kinakatawan ng taong bayan?
6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan?
7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig, o nasaksihang
katulad ng sitwasyong nasa larawan? Ikuwento ito sa klase.
8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan?
Pangatuwiranan.
15. PAGSASAKONTEKSTO
Malaki ang ginampanan ng Rebolusyong Siyentipiko (1500s -1600s)
sa pagbabago ng pagtingin ng mga Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng
agham ay nagpatunay sa lakas ng reason o katuwiran. Nagpag - isipang
kung ito ay nagagamit sa pag-unawa sa physical world (Physics, Geology,
Chemistry, Biology at mga tulad nito) bakit hindi ito ginagamit upang
maunawaan ang tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay
nagtulak sa pag-usbong ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o
Rebolusyong Pangkaisipan. Tinatalakay na sa nagdaang aralain ang
konseptong ito ngunit palalalimin pa ito.
16. PAGSUSURING PANTEKSTO
Isa sa mga aral ng kasaysayan na hindi maitatanggi ang
katotohanan ay ang isang pangyayari ay hindi sisibol kung walang
pinag-ugatan o pinagmulan. Patutunayan ito ng ugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Pampolitikal sa
Europe.
18. REBOLUSYONG PANGKAISIPAN
Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang
pagbabagong ginawa nito sa iba - ibang aspekto ng buhay ng tao.
Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito
upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa
edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan
(Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng
reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan,
pampolitikal, at pangekonomiya. Nagsimula ito sa batayang
kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.
20. KAISIPANG POLITIKAL
Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan
noong ika-18 na siglo (1700s). Isa sa kinilalang pilosopo sa
panahong ito ay si Baron de Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil
sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France ng panahong iyon.
Sa kaniyang aklat na pinamagatang “The Spirit of the Laws”
(1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa
Europe. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng
isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay
nililimitahan ng parliament.
21. KAISIPANG POLITIKAL
Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu
na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa
tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura, at hudikatura).Ayon sa
kaniya, ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay
nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso ng
kapangyarihan ng pamahalaan.
23. PHILOSOPHES
Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo, isang
pangkat ng mga taong tinatawag na philosophes ang
nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na
ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto
ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran
sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo
sa kanilang pilosopiya.
24. PHILOSOPHES
1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan
(truth) ay maaaring malaman gamit ang katuwiran. Para sa
kanila, ang katuwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan
ng pag-unawa sa mga bagay-bagay.
2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng
isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay mabuti.
Naniniwala rin sila na may likas na batas (natural law) ang lahat ng
bagay. Tulad ng pisikal na may likas na batas na sinusunod, ang
ekonomiya, at politika ay gayon din.
25. PHILOSOPHES
3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng
mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang
maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa
paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang
nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay.
4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na
maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan.”
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga
British, ninais nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng
relihiyon, pakikipagkalakalan, at maging sa paglalakbay. Mangyayari
lamang ito kung gagamitin ang reason.
26. PHILOSOPHES
Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa
kanilang paniniwala na maaaring maranasan ang
kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay?
27. PHILOSOPHES
Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes si Francois Marie
Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit sa 70
aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika, at maging drama.
Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali
tulad ng mga pari, aristocrats, at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang
pagtuligsa sa mga ito, ilang beses siyang nakulong. Matapos nito’y ipinatapon
siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang
pamahalaang Ingles.
Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas
at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man
siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinyon, hindi siya huminto sa
pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at
pagpili ng relihiyon, at tolerance.
28. PHILOSOPHES
1. Bakit ganoon na lamang ang paghanga niVoltaire sa
pamahalaang Ingles?
2. Anong aspekto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni
Voltaire?
29. PHILOSOPHES
Samantalang bukod sa magkataliwas na ideya ni
Thomas Hobbes at John Locke tungkol sa katangian ng
pamahalaang nararapat na mamuno sa mamamayan, isa
pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay
si Jean Jacques Rousseau (roo-SOH).
Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay
kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay
na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-
indibiduwal (individual freedom).
30. PHILOSOPHES
Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng
kaunlaran, siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o
sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa kabutihan ng tao.
Ayon sa kaniya, likas na mabuti ang tao. Nagiging masama
lamang ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunang kaniyang
kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at
sinira ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na siya namang
katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang diin niya na ang
kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi
pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa
pagkamal nito.
31. PHILOSOPHES
Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting
pamahalaan sa kaniyang aklat na The Social Contract.
Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na
pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang
kagustuhan’ (general will). Samakatuwid, isinusuko ng tao
ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan.
Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga
batas ng rebolusyon sa France.
33. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA
Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya
ng mga philosophe sa pamamagitan ng pagsulat at
pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tumatalakay
sa iba-ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan
ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala,
pilosopiya, at relihiyon.
34. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA
Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang
tradisyonal na relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng
pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at
binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito.
Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang
na 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-1789.
Nang ito ay maisalin sa ibang wika, naipalaganap ang mga
ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan
hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa
America at kalaunan ay sa Asya at Africa.
35. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA
Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o
Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng
Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at
Africa.
37. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT
Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay
tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa
kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang
karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa
kalalakihan.
Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa
kalagitnaan ng ika-18 na siglo (1700s) nang magprotesta
ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin.
Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang
uring kababaihan kaysa kalalakihan.
38. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT
Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary
Wallstonecraft ang laban ng kababaihan. Sa akdang A
Vindication of the Rights of the Woman ni Wallstonecraft
ay hiningi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang
makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang magkaroon
ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at kababaihan.
Mahabang panahon bago binigyang pansin ang
ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw: naisatinig sa
Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa
kababaihan.
39. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT
1. Makatuwiran ba ang ipinaglalaban nina Mary
Wallstonecraft? Pangatuwiranan.
2. Bakit kaya hindi agad pinakinggan ang ipinaglalaban
ng kababaihan ng panahong iyon?
41. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA
Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng
pagbabago sa panahong ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo na
matagal ng namayani sa Europe at kinilala ang polisiyang laissez
faire. Binibigyang diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng
ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan.
Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan
ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak.
Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging
pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman.
Tinawag na physiocrats ang mga naniwala at nagpalaganap nito
ng ganitong kaisipan.
42. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA
Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng
malayang ekonomiya.
Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan
ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang
British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring
dumaloy nang maayos nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
43. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA
Ang pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan
ay ang pagbibigay proteksiyon sa mamamayan,
panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan at ang
mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo
ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada.
Kung maisasagawa, ang mga ito’y higit na madaling
magkakaroon ng interaksiyong pang-ekonomiko sa bawat
indibiduwal na siya namang magpapaangat ng ekonomiya
at pamumuhay ng mamamayan.
44. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europe
at iba-ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag-aralang
Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang
babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian.
Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga
pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang
salons noong 1600s dito nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan.
Sa pagsapit ng 1700s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon
ng kani-kanilang pagtitipon.
Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at
noble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng
mga ideyang liberal.
45. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA
1. Ano ang kaibahan ng prinsipyong merkantilismo sa
prinsipyo ng laissez faire?
2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats?
3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan
ng Europe?
47. IMPLUWENSIYA NG PAGKAMULAT NG KAISIPAN
Nagbigay ang pagkamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na
siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon.
Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon
ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya.
Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba-ibang pananaw ang
kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong
magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal ng sinunod.
Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng
lipunan samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang
ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon ang
Rebolusyong Politikal.
49. Gawain 4:TALA – HANAYAN (3-2-1 CHART)
Punan ang sumusunod na chart. Gawin ito sa kwaderno.
50. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal, at pilosopikal ang
sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europe?
2. Paano binago ng iba-ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa kanilang
pinuno at pamahalaan?
3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga
Philosophes? Pangatuwiranan.
4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng maraming
mamamayan sa:
a. relihiyon
b. pamahalaan
c. ekonomiya
d. kalayaan
52. REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON
Ang digmaan para sa kalayaan ng America ay lalong kilala sa
katawagang Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan
nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika
ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng
Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento
upang sabihin ang kanilang mga hinaing.
Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776.
Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na naging
tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan para sa kalayaan ang
naging dahilan ng pagbubuo ng United States of America.
53. PAGSUSURING PANTEKSTO
Sa huling bahagi ng ika-18 na siglo, ibang uri ng himagsikan
ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan
ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment.
Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong
monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at
pampolitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay
naging daan upang patalsikin ang tradisyonal na rehimen sa
America at France.
54. PAGSUSURING PANTEKSTO
Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13
kolonya sa Timog America at Great Britain. Ito ang unang
himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan.
Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong
rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan
noong 1789. Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng
Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europe at iba pang panig ng
mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang
prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan,
pagkakapantaypantay, at ang kapatiran.
56. ANG LABINTATLONG KOLONYA
Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at
manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 na siglo. Karamihan sa kanila
ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong pananampalataya
na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europe. Sa kalagitnaan ng
ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang
hangganan sa hilaga ay Massachusetts at sa timog ay Georgia. Bawa’t isa
sa mga kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay
gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France upang
mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Nais ng British na
ang mga kolonya ay mag-ambag sa kanilang gastusin sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga buwis.
61. WALANG BUWIS KUNGWALANG REPRESENTASYON
Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa
London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na
ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang
“walang pagbubuwis kung walang representasyon.” Noong 1773 ay isang
pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong
Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles.
Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston
Harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa
na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito
bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng
kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na
insidente.
63. WALANG BUWIS KUNGWALANG REPRESENTASYON
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765
ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya.
Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula
sa mga kolonya.
65. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great
Britain sa America ay dagling sumaklolo sa naging
kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo nila
ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga
kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia.
Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga
kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa
mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa
kanila.
66. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan ng
mga kolonya ang dumalo dito. Binigyang diin ng grupo na
sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na
si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba
ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York, at New
England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-
samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang
kolonya. Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan
sa Great Britain at ito’y nagpasimula pagkatapos ng
Setyembre, 1775.
67. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at
gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang
puwersa ng Great Britain. Sa bawa’t kolonya ay bumuo ng
magiging kabilang sa boluntaryong army at handang
makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.
69. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng
mga sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang
tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord.
Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere
ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may
paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng
pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay
napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban.
Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay
na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na
papalapit sa bayan ng Lexington.
70. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang
walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang
Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa Concord naman
ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-
organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British
sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong
British sa loob ng siyudad.
71. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo
at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang
labanan ang puwersa ng Great Britain.
74. ANG IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL
Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang
pagkakataon noong Mayo 1775 at idineklara ang pamahalaan na
tinawag nilang United Colonies of America (Pinagbuklod na mga
Kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga military ay tinawag na
Continental Army at ang naatasan na commander-in-chief ay si
George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang
Boston ngunit natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill.
Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t
natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga
Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hanggat
tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na
nakukubkob sa Boston noong Marso 1776.
75. ANG IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL
Ang mapa sa ibaba ay nagpapakita ng digmaan sa pagitan
ng Amerikano labansa mga mananakop na British.
77. ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN
Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang
Great Britain sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang
puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong
pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na
aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang
dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang
manananggol. Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga
kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Great Britain. Sila, sa
panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa
katawagang Estados Unidos ng Amerika.
78. ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN
Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Great
Britain at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni
George Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay
napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang
hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang
ang bilang.
Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya noong
ika-25 ng Disyembre 1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbong isang
sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni
Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kaniyang balak.
Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa
Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa New
York.
80. ANG PAGLUSOB MULA SA CANADA
Simula noong 1777 sinimulan na ng mga British ang pag-
atake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka
nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental
Army ay lumaki at umaabot na sa halos 20,000 sundalo.
Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa labanan sa
Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa
pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada.
Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni
Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni
Heneral Horacio Bates.
82. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN
Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at
ang mga French ay naging lihim na taga-suporta ng mga
rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang
1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang
France ang United States of America bilang isang malayang
bansa. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang
matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa
mga British. Dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay
minabuti ng Great Britain na sakupin ang katimugang bahagi ng
kolonya isa-isa.
83. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN
Noong Disyembre 1778 ay nakuha ng mga British ang
daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito
ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang
Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses.
Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa
daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa
pamahalaan ng Great Britain.
84. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN
Paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang
kalayaan?
86. ANG LABANAN SAYORKTOWN
Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles
Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina.
Ngunit sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at
Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong
huling bahagi ng 1780 at sa labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng
1781.
Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya
pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang
hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang
sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin nang lubusan ang
mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang sumuko ni
Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang
kanilang kalayaan.
88. PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN
Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay
malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Great
Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na
kapangyarihan na mayroong mahuhusay at sinanay na mga
sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di
nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban.
Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na
tinanggap ng Great Britain ang kalayaan ng kanilang dating
kolonya, ang Amerika. Samantalang ang mga nasa Amerika na
nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England ay lumipat sa
Canada na nanatiling kolonya ng Great Britain.
89. PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN
Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa
mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging daan
sa pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang
makapangyarihang bansa sa hinaharap.
Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay
naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais
lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga
rebolusyonaryong Pranses.
Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad
ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa
France noong 1789 at nagbuo ng isang republika nang lumaon.
92. Gawain 5: PULONG - ISIP
Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat
sagutin ang mga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong
guro.
93. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ano-ano ang pangyayaring nagbunsod sa pagsilang ng Rebolusyong
Amerikano?
2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa
kamalayan ng mga Amerikano?
3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng
Great Britain?
4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng
daigdig sa Great Britain? United States? Pangatuwiranan.
5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino
para sa kalayaan mula sa mga mananakop? Pangatuwiranan.
96. MGA SALIK NA NAGPASIKLAB SA REBOLUSYONG PRANSES
Ano ang mga salik na nagbigay daan sa Rebolusyong
Pranses? Ilan sa mga ito ay:
■ kawalan ng katarungan ng rehimen;
■ oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan;
■ walang hangganang kapangyarihan ng hari;
■ Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI
bilang mga pinuno, at
■ krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.
97. Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789
Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis
XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay
itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang
kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang Divine Right
Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay
nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.
Ang lipunang France naman ay nahahati sa tatlong pangkat na
tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari, at
ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo
ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo
ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari
ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga
manggagawa.
98. Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789
Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng
malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang
bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di
ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang
nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng
hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo
sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng
France kabilang na dito ang tagumpay na digmaan para sa kalayaan ng
mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng
mga pangkaraniwang Pranses.
99. Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789
1. Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng
kapangyarihan ng hari ng France?
2. Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng
buwis? Makatuwiran ba ito? Ipahayag ang iyong saloobin.
101. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA
Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na
kailangan ng France nang panahong iyon ay minabuti ni Haring
Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan
ng tatlong estate noong 1789 saVersailles.
Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil
hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati,
nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y
saka pa lamang sila boboto. Bawat estate ay may isang boto.
Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang estate
laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli.
102. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA
Dahil dito humiling ang ikatlong estate na may malaking
bilang kasama ng mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng
asemblea ay magkaroon ng tigiisang boto. Sapagkat humigit-
kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estate,
malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na
mga reporma.
Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng
ikatlong estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly
noong Hunyo 17, 1789. Inimbitahan nila rito ang una at ikalawang
estate .
103. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA
Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin
ni Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Isinara
ang lugar na dapat sana’y pagpupulungan ng ikatlong estate kung
kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court ng palasyo.
Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa kanila at
hiniling sa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang
hindi aalis hangga’t hindi naisakatutuparan ang kanilang layunin.
104. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA
Matapos ang isang linggo’y ibinigay na ng hari ang hiling ng
ikatlong estate nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at
ikalawang estate sa pambansang asemblea.
Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagwawagi ng
ikatlong estate.
108. ANG PAGBAGSAK NG BASTILLE
Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang
Bagong Asembleya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni
Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at
Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap na
kaguluhan.
Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng
rebelyon. Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo
14, 1789 nang sugurin ng mga galit na mamamayan ang Bastille.
Ito ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng
kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan
ang mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay
palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa
pamahalaan.
109. ANG PAGBAGSAK NG BASTILLE
Lumaganap ang kaguluhan sa iba-ibang panig ng France at
tinawag na mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa
pakikipaglaban. Sila’y binubuo ng mga sundalong sinanay at
handang ipagtanggol ang Asemblea.
Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti, at
bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa
kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa
watawat ng bansang France.
111. KALAYAAN, PAGKAPANTAY – PANTAY, KAPATIRAN
Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong
katawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng
isang bagong saligang batas. Ang pambungad na pananalita ng
saligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang
Pantao at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang
Pranses ay kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan,
pagkapantaypantay, at kapatiran.
Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang
napapayag si Louis XVI na pamahalaan na ang France sa
pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng
mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at
ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos.
112.
113. KALAYAAN, PAGKAPANTAY – PANTAY, KAPATIRAN
• Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan?
Naniniwala ka ba dito? Bakit?
• Bakit mahalaga na paliwanagang inosente ang
nasasakdal hanggat hindi napatutunayan ang kanyang
kasalanan?
• Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyong
nabanggit sa Declaration of the Rights of Man?
115. ANG PAGSIKLAB NG REBOLUSYON
Maraming mga monarko sa Europe ang labis na
naapektuhan sa pagsiklab ng French Revolution. Natakot silang
ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga
kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala
ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin
ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng
pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga
sundalong tumulong upang sila’y patigilin.
Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa
pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong
nagngangalangGeorges Danton.
116. ANG PAGSIKLAB NG REBOLUSYON
Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng
ang mga noble ng France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang
mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng
hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli
nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya at pinatay sa
pamamagitan ng paggamit ng guillotine.
Tinawag ang pangyayaring ito sa France bilang September
Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo si
haring Louis XVI. Sa taong ding iyon ay sinunod naman nila si
Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod nitong
pangyayari ay idineklarang isang Republika ang France.
117. ANG PAGSIKLAB NG REBOLUSYON
1. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa kasaysayan
ng monarkiya sa France?
2. Ilarawan ang kalagayan ng France sa panahon ng rebolusyon.
119. ANG REIGN OFTERROR
Marami sa mga bansa sa Europe kabilang na ang Great
Britain ang sumama na sa digmaan laban sa France. Malaking
bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang pinuwersang
sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong
republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang
isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of
Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay
ang isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isang
masidhing republikano.
121. ANG MANANANGGOL NA SI MAXIMILIEN ROBESPIERRE
Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang
maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming
mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng Republika. Ang mga
kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng guillotine at
tinawag ang panahong ito bilang reign of terror. Umabot sa
17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at
may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan.
123. ANG FRANCE SA ILALIM NG DIRECTORY
Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga
rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala.
Kabilang sa mga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina
Danton at Robespierre ay pinatay rin sa pamamagitan ng
guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang
pakikidigma sa mga bansang Europe kaya ang mga ito ay
lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britain. Taong 1795
nang ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-
batas na ang layunin ay magtatag ng isang direktoryo na
pinamumunuan ng limang tao na taon-taon ay ihahalal.
124. ANG FRANCE SA ILALIM NG DIRECTORY
Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa
dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba-
ibang pangkating pampolitika ang nagnais na hawakan ang
pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik sa monarkiya.
125. ANG FRANCE SA ILALIM NG DIRECTORY
1. Ano ang reign of terror? Bakit ito lumaganap?
127. ANG PAGIGING POPULAR NI NAPOLEON
Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang
rebolusyon, kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay
na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa
panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking
bahagi ng Europe at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804.
Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga
disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan,
pagkapantay-pantay at kapatiran.
128. ANG PAGIGING POPULAR NI NAPOLEON
Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa
Europe. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga
ideyang pampolitika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal
na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat.
Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa
pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang
pamahalaan.
132. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Paano nakaapekto ang kalagayang panlipunan ng karamihang mamamayang
Pranses sa pagsibol ng rebolusyon?
2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya?
3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng lipunan?
Pangatuwiranan.
4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo?
5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses?
6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe?
7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng Europe?
8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga Pilipino
partikular sa pagsisingil ng mataas na buwis? Pangatuwiranan.
134. ANG NAPOLEONIC WARS
Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon
Bonaparte na naging pinuno ng France noong 1799 at
nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng pamahalaan sa
buong Europe. Ang Napoleonic Wars ay serye ng mga digmaang
pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaan ay
nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo
noong 1815.
136. MGA PANGUNAHING DAHILAN NG DIGMAAN
Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng
Rebolusyong Pranses. Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na
mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng hari sa France at
maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay
nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong
paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sa
kanilang mga pamumuno.
137. MGA PANGUNAHING DAHILAN NG DIGMAAN
Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at
Prussia ng hukbong sandatahan upang lusubin ang France. Natalo
sila ng mga rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw nila ang
mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay palaganapin
ito sa karatig-bansa. Noong 1793 ay nagsimulang lusubin ng mga
rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands. Upang mapigil ang
papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng Great
Britain, Spain, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan.
138. MGA PANGUNAHING DAHILAN NG DIGMAAN
1. Ano ang NapoleonicWars?
2. Bakit inilunsad ang NapoleonicWars?
140. ANG PAGKILALA SA KAKAYAHAN NI NAPOLEON
Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europe ay nanatili ang
lakas ng France sa pakikihamok sa kalupaan at ang mga British
naman ay sa katubigan. Nagbago lang ang sitwasyon ng naging
kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral si Napoleon
Bonaparte.
Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa
Europe ay naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa
kalupaan. Noong 1805 ay nasakop niya ang Hilagang Italya,
Switzerland, at angTimog Germany.
141. ANG PAGKILALA SA KAKAYAHAN NI NAPOLEON
Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang
pinagsanib na puwersa ng mga Austrians at Russians sa Battle of
Austerlitz. Taong 1806 nang durugin ng puwersa ni Napoleon ang
hukbo ng mga Prussian sa Battle of Jena at sa kabuuan ay
kaniyang nasakop ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine
Confederation.
Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italy. Noong
1807 ay tinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of
Friedland. Nakontrol din niya nang lumaon ang Poland. Napilitan
ang mga Ruso na makipagkasundo sa France. Sinunod naman
niya ang pagsakop sa Spain at Portugal.
142. ANG PAGKILALA SA KAKAYAHAN NI NAPOLEON
Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at
napalawak na ni Napoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang
Europa. Tanging ang Great Britain na lamang ang nakikipagdigma
sa France. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Napoleon ay
nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan
ay miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na
lalaki, si Joseph, ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang
lumaon bilang hari ng Espanya. Ang isa pa niyang kapatid na si
Louis, ay naging hari sa Holland.
Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga
reporma upang baguhin at gawing modernisado ang mga
kaharian.
143. ANG PAGKILALA SA KAKAYAHAN NI NAPOLEON
1. Sino si Napoleon Bonaparte?
2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng
NapoleonicWars?
145. PENINSULA WAR (1808)
Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa
pamamahala ng mga Pranses sa Spain at Portugal. Nagpadala ng
tulong na mga sundalo ang Great Britain sa mga rebelde ngunit
tinalo sila ng mga Pranses sa Spain kaya minabuti ng mga British
na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng
Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa
dahilang ang Spain at Portugal ay nasa bahagi ng Europe na
Iberian Peninsula.
147. ANG PAGLUSOB SA RUSSIA (1812)
Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang
kapag ito’y kaniyang masakop madali na niyang mapapasok ang Britain.
Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo
ng Polish, German, Italyano, at mga Pranses upang lumaban sa Battle of
Borodino. Marami sa mga sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay
sa labanan kaya kinulang ang bilang ng mga sundalo na magpatuloy ng
paglaban. Nakaabot ang hukbo ni Napoleon hanggang sa Moscow ngunit
laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao dito nang sila’y dumating.
Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow.
Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa
sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima.
148. ANG PAGLUSOB SA RUSSIA (1812)
Sino kaya ang maaaring nagsimula ng sunog sa Moscow?
Pangatuwiranan.
150. ANG PAGKATALO NG FRANCE
Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa
France dahil sa nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa
natirang mga sundalo na kaniyang nakasama sa Battle of
Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik sa
France. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima, o
napatay ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na
lamang ang nakabalik nang maluwalhati sa France.
Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay
sinamantala naman ng mga British ang Spain at nanalo sila ng
maraming beses sa kanilang pakikipaglaban.
151. ANG PAGKATALO NG FRANCE
Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at
ang pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang
sumakop naman sa Hilagang France. Napulbos ang hukbo ng mga
Pranses sa Digmaan sa Leipzig at unti-unting bumagsak ang
imperyong itinayo ni Napoleon.
154. ANG PAGTAKAS NI NAPOLEON
Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Great
Britain, Austria, Prussia, at Russia ang emperador na Pranses na si
Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at itinatag ni
Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kaniyang
nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI
(ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses)
ang naging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay
ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng
Italya.
157. ANG PAGKAMATAY NI NAPOLEON
Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa
France. Nang ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang
sinalubong ng dati niyang mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang
hukbo at nagmartsa patungong Paris upang agawin ang trono sa haring si
Louis XVIII.
Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at
naglunsad ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo
na matatagpuan sa Netherlands.
158. ANG PAGKAMATAY NI NAPOLEON
Dahil sa pinagsamang puwersang
militar ng Britain at Prussia, madaling
natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang
sumuko si Napoleon sa mga British.
Natapos na rin ang kanyang “Isang
Daang Araw.” Siya ay ipinatapon sa isla
ng St. Helena. Ito ang lugar na kaniyang
kinamatayan noong 1821 na batay sa
mga bagong pagsusuri ay dahil sa
arsenic poisoning. Si Haring Louis XVIII
ang naluklok na emperador ng France
pagkatapos na maipatapon si Napoleon
sa St. Helena.
160. BUNGA NG REBOLUSYON
Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa
kasaysayan ng daigdig. Sang-ayon sa mananalaysay na si John B.
Harrison, “Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang mabuksan ay
nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya
sa halos lahat ng sulok ng daigdig.” Ang simulain ng kalayaan,
pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang
naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga
kilusang panlipunan, politikal, at pangkabuhayan.
162. Gawain 7:TURN – BACKTIME (TIME PLOTTING)
Panuto: Sundin ang sumusunod.
1. Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa
Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic.
2. Itala ang mga esensiyal na pangyayaring magtutulak sa pag-usbong ng
Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito.
3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging
malinaw ang timeline.
4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang
kanilang saloobin tungkol dito.
5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng
pagmamarka sa ginawang timeline.
165. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng
mga bansa sa Europe?
2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europe?
3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europe na ibalik ang
pamahalaang monarkiya?
4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang
monarkal sa France? Katulad ba ito ng dating monarkiya?
Ipaliwanag.
167. PAGPAPAHALAGA SA NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi
maaaring biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapan ng mga tao upang
matutuhan nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay
damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, ito ay
pagsasakripisyo pati ng buhay.
Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan.
Hangad ng mga tao na may ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang
tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging
makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano
nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang
kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng
kanilang damdamin na humahantong sa digmaan.
169. PAG – UNLAD NG NASYONALISMO SA SOVIET UNION
Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa
itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at
Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988,
ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego
(Orthodox) (CE) kaya tinawag siyangVladimirThe Saint.
Ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at
sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-
iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang
nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo,
at nakapagbagsak sa mgaTartar sa Labanan sa Oka si Ivan the Great
171. HIMAGSIKANG RUSO
Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang
rebolusyon ng mga Ruso na naganap noong unang bahagi ng ika-
20 na siglo.
Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang
pinakamalaking burukrasya sa mundo, kontrolado ito ng mga
maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa
bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa
utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala
ng czar.
172.
173. HIMAGSIKANG RUSO
Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan
upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng
pagkakataong makapagaral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang
mga intelektuwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila
nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang
mga ito ng dalawang partido.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef
Stalin at Leon Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin
ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat
agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
174. HIMAGSIKANG RUSO
Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan
upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng
pagkakataong makapagaral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang
mga intelektuwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila
nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang
mga ito ng dalawang partido.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef
Stalin at Leon Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin
ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat
agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
175. HIMAGSIKANG RUSO
Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon
dahil mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang
tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay
noong 1940.
Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang
Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi
ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan
ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang
Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging
Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari
si Stalin.
178. NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Pagtapos makamit ng United States ang kanilang kalayaan
sa Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America
laban sa Spain.
Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa
awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang
kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa
pangangalakal.
179. NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa
pagpapaliwanag kung bakit ito umunlad bilang hiwa-hiwalay na
bansa. Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng Bundok Andes at ng
Disyerto ng Atacama.
Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng
mga talampas at bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay
sa isa’t isa ang Colombia, Venezuela, at Ecuador, ng mga bahagi
ng Bundok Andes.
180.
181. NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay
pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga tao
ang nagkakamaling tawaging bansa ang LatinAmerica.
Hindi ito nakapagtataka. Maraming Latin Americans ang
nagsasalita ng Espanyol at may pananampalataya ng Katoliko
Romano.
182. NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Nakalilikha ng likas na hangganan ang malalaking daanan
ng ilog upang paghiwalayin ang mga bansa. Nakahiwalay ang
Argentina sa Uruguay dahil sa Rio de Plata at mga bahagi nito.
Ang Ilog Orinoci ang naging hangganan ng Colombia at
Venezuela. Nasa timog Brazil ang pinakamalaking ilog sa daigdig,
ang Amazon. Ang mga bundok, gubat, ilog, at ang Dagat
Caribbean ay nakatutulong na paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa
iba’t ibang bansa.
184. PAGKAKAIBA NG LAHI BILANG SALIK NG NASYONALISMO
Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa
Latin America tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica, at Chile.
Ang populasyon ng iba tulad ng Ecuador, Peru, Bolivia, at
Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican Republic,
itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng
Brazil ay lahing Aprikano, Indian, at mga nanggaling sa Portugal,
France, Spain, Germany, at Italy. Maraming Europeo ang
naninirahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa Brazil
lamang nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba-ibang lahi at
nasyonalidad.
185. PAGKAKAIBA NG LAHI BILANG SALIK NG NASYONALISMO
Hindi tulad ng 13 kolonya sa United States, nag-alsa ang
mga kolonya ng mga Espanyol sa iba-ibang panahon at sa ilalim
ng iba-ibang pinuno. Nais ng mga bagong republika na
mabigyang halaga ang kanilang mga naiambag gayundin ang
kanilang mga bayani. Sa Latin America gumamit ang mga
rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban
sa republika. Nagbigay diin ito sa mga pagkakaiba ng mga
bansang Latin American. Maraming himagsikan ang nagpasiklab
sa kanilang pambansang pagkamuhi.
187. ANG MGA CREOLE
Tinatawag na creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na
may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole
ang populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at iba-
ibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo
(Espanyol at Indian), zambo (Indian at ibang lahi), at mulatto (puti at ibang
lahi).
Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa
mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita
ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang
mga taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang
nagsasalita ng kanilang katutubong wika.
189. MGA SAGABAL SA NASYONALISMO
Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa
LatinAmerica. Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at
mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-aalsa
noong nagsimula ang ika-19 na siglo.
Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga
paborito ang malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga
estado ng mga maharlikang Espanyol. Marami ang nakabaon sa
utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa lupa at sa pagkakaalipin.
Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng
piyudalismong umunlad sa Latin America at nakasagabal sa
kanilang nasyonalismo.
190. MGA SAGABAL SA NASYONALISMO
Ang mga bansang Latin Amerikano, ay napabayaan ang
nasyonalismo sapagkat napatagal bago sila nagkaroon ng panggitnang uri
ng lipunan. Itinuturing na mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba
pang gawain. Higit na mahalaga sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya
marami sa kanila ang mahihirap.
Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang
magtayo ng tahanan o magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng
kayamanan. Maraming mga Indian ang pinilit na maghanap ng ginto sa
mga minahan ng Mexico at Peru. Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador, at
Bolivia ang tumira sa bundok upang mapalayo sa pamamahala ng
banyaga.
191. MGA SAGABAL SA NASYONALISMO
Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng
panggitnang uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo?
193. SI BOLIVAR – ANGTAGAPAGLAYA
Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais
na palayain ang South America laban sa mga mananakop. Siya ay
si Simon Bolivar. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa
mga nasimulan ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang
huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi
siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula
sa Spain.
Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa
isang bartolina ng mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan na
ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng
South America.
194. SI BOLIVAR – ANGTAGAPAGLAYA
Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela,
ginulat niya ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang
kaniyang hukbo. Ang tagumpay niya ay humantong sa
pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng
South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at
pagkatapos, naging pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo
ng kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol
sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes.
195. SI BOLIVAR – ANGTAGAPAGLAYA
Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose
de San Martin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa
mga Espanyol sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San
Martin sa kaniyang grupo sa Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng
Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni
Bernard o’Higgins, isang Chileno.
Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar.
Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador.
Binalak naman ng iba na patayin siya.
Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang
nagkakaisang South America nang mahati ito sa tatlong
republika- angVenezuela, Colombia, at Ecuador.
198. ANG DEMOKRASYA AT NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga
hakbang sa pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman
ng mga diktador. Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno sa
Argentina mula noong 1820 hanggang 1827, siya ang nagtaguyod
ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para
sa lahat, at gumawa ng paraan upang magkaroon ng
makatarungang sistemang legal.
Nawalan ng saysay ang mga ito dahil sa pananakot,
pagpapahirap, katiwalian , at mga pagpatay na isinagawa ni Juan
Manuel de Rosas, ang sumunod na namahala sa Argentina
hanggang 1852.
202. ANG DEMOKRASYA AT NASYONALISMO SA AFRICA
Ang Sahara ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa.
Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy
ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na
maunlad na mga lahing itim sa kanluran at mga Bantu sa
silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at
Pygmy.
Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab,
mga Asyano, at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng
kulturang masalimuot. Samantalang ang puting minorya
(dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa
kayamanan ng Africa, ang nakararaming lahing itim (98 bahagdan
ng populasyon) naman ay naghihirap.
203. ANG DEMOKRASYA AT NASYONALISMO SA AFRICA
Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang
ekonomiya ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng
mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang
kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng
mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad.
Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang
bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia, at Republic of South Africa.
Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Haring Solomon
at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong
ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng
United States ang kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British
Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910.
204. ANG DEMOKRASYA AT NASYONALISMO SA AFRICA
Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang
walang karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago
nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang
Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya
ang Angola, Mozambique, at Guinea Bissau noong 1975.
205. ANG DEMOKRASYA AT NASYONALISMO SA AFRICA
Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo sa Africa?
207. KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG INTELEKTUWAL SA PAGLINANG NG
NASYONALISMO
Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ito
ay nag-uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng
pilosopo at nagmumulat sa katotohanan na ang bawat tao ay
isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya, at maging
maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil
ay nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga
mananakop.
208. KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG INTELEKTUWAL SA PAGLINANG NG
NASYONALISMO
May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan
ng mapayapang paraan subalit marami ding mga bansa na may
mga buhay na ibinuwis upang lumaya tulad ng mga Pilipino,
Amerikano, Hindu, at iba pa. Ang pagnanais na makamtan ang
kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan
upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin. Nakahanda silang
magbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong
ipinaglalaban.
212. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng
damdaming nasyonalismo?
2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso?
3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa
pagusbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America?
4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa
Africa? Patunayan ang iyong sagot.
5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig, kailan
nadarama ang nasyonalismo?
6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng
halimbawa.
214. Gawain 9:WHO’S WHO INTHE REVOLUTION? PERSONAL ANS HISTORY
(Group Dynamics) Upang higit mong makilala ang mga
personalidad na malaki ang ginampanan sa Rebolusyong Politikal
sa iba-ibang bahagi ng daigdig, hanapin ang sumusunod gamit
ang internet.
Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga
personalidad na itinakda sa inyong pangkat. Humanap ng mga
kawili-wiling bahagi ng kanilang buhay na maaaring ikuwento sa
klase .
215. Gawain 9:WHO’S WHO INTHE REVOLUTION? PERSONAL ANS HISTORY
Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong
nakalap sa klase. Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong
hahanapin.
Pangkat I - Patrick Henry
Thomas Jefferson
Pangkat II - Napoleon Bonaparte
Camille Desmoulins
Pangkat III -Vladimir Lenin
Josef Stalin
Pangkat IV - Simon Bolivar
Jose de San Martin
216.
217. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing
isinagawa?
2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng
mga personalidad na sangkot sa rebolusyon?
3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa
kanilang bansa?
4. Sa iyong palagay, lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na
ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan.
5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo rin ba ang kanilang
ginawa? Bakit oo? Bakit hindi?
218. PAMPROSESONG MGATANONG
Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri
ng awit, subukin muling sagutan ang mga katanungan.
1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit
2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit?
3. Sino ang kinakatawan ng batang siTotoy? Bakit kaya ninanais ng
may-akda na baliktarin ang tatsulok?
4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa
rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong ideya.
219. PAMPROSESONG MGATANONG
6. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ?
7. Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit?
222. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing
isinagawa?
2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng
mga personalidad na sangkot sa rebolusyon?
3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa
kanilang bansa?
4. Sa iyong palagay, lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na
ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan.
5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo rin ba ang kanilang
ginawa? Bakit oo? Bakit hindi?
224. Isang batikang mananalaysay na nagngangalang Dr. Jaime
Veneracion ang nagsabi na sa pag-aaral ng kasaysayan ay
mahalagang maunawaan hindi lamang ang pangyayari kundi pati
ang ugnayan ng panahon at pangyayari. Ginamit niya ang
terminong spirit of the time upang ilarawan ang ‘esensiya ng
isang panahon’ at ang kuwentong pumapaloob dito. Kailangang
lubusang maunawaan ang pangyayari at panahon kung ang nais
ay makuha ang aral ng kahapon.
226. Gawain 11: KUWNETONG MAY KUWENTA (TANUNGIN MO SILA … )
Kapanayamin ang isa o dalawang taong may kaalaman o nakilahok
na sumama sa Epifanio delos Santos Avenue Revolution noong 1986 (EDSA
I). Maaaring ito ay iyong lolo o lola, magulang, tiyo o tiya, guro, kapitbahay,
malayong kamaganak, o kakilala. Maaaring idokumento ang panayam
gamit ang video camera o anumang electronic gadget na makatutulong sa
pagkuha ng impormasyon kaugnay ng pangyayari.
227. Gawain 11: KUWNETONG MAY KUWENTA (TANUNGIN MO SILA … )
Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay sa
pakikipanayam.
1. Ano po ang dahilan ng pagsama ninyo sa EDSA I?
2. Mayroon po bang pumilit sa inyo na sumama o ito ay kusang-loob ninyong desisyon?
3. Ano po ang naging karanasan ninyo sa pagsama rito? Maaari po bang ikuwento
ninyo?
4. Nakuha po ba ang inyong ipinaglalaban (kung meron man) sa pagsali sa EDSA ?
5. Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon, uulitin po ba ninyo ang pagsama dito?
Ipaliwananag.
Ibahagi sa klase ang iyong dokumentaryo o impormasyong nakalap. Ikaw ay
mamarkahan gamit ang kasunod na rubric.
* May kalayaan ang mga mag-aaral kung ito ay isasagawa ng indibidwal o
pangkatan.
229. PAMPROSESONG MGATANONG
1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa?
2. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng
iyong kinapanayam sa kaniyang pagsama sa EDSA I?
3. Nakita o naramdaman mo ba ang katuwaan, kasiyahan, o
kalungkutanna ipinakita ng iyong kinapanayam?
4. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong
kinapanayam?
5. Ibigay ang iyong natutunan mula sa kuwento ng iyong narinig mula sa
kinapanayam.
233. Gawain 13: PANGAKO SA’YO
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng
panata na isasabuhay ang pagiging mapagmahal sa bayan o
isasabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo.
• Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong
pang-araw - araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga
produktong Pilipino?
• Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata na
isabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo?
237. Gallery Walk/ Every Child ATour Guide
Magsasagawa kayo ng isang open exhibit tungkol sa mga kaganapan at
naging pamana ng mga pangyayaring nagbunsod sa transpormasyon ng daigdig
tungo sa makabagong panahon. Gawin ito nang pangkatan lalo na sa bahagi ng
paghahanda ng mga gagamitin para sa exhibit. Maaari ninyong gamitin ang mga
ginawang poster, editorial cartoon, collage, at biograpiya ng mga indibiduwal na
bahagi ng aralin sa nakalipas na mga gawain. Kung madadagdagan pa ito ng iba
pang puwedeng i-exhibit ay gawin ito. Kung may gamit para sa audio-visual na
presentasyon at marunong lumikha ng multi-media presentation ay maaari din
isama ito sa exhibit.
Magtatalaga ang grupo ng mga tagapagpaliwanag o curator tungkol sa
mga larawan o bagay na kanilang i-exhibit. Bibigyang diin nang bawat pangkat
ang naging implikasyon ng mga kaganapan at pamanang ito sa pamumuhay,
komunidad, at bansa ng daigdig.