SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 24
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Hamong Pangkabuhayan; sa
Tugon ng Pamahalaan ay
Mapagtatagumpayan
4
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Hamong Pangkabuhayan; sa Tugon ng
Pamahalaan ay Mapagtatagumpayan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City
Telefax: 09171781288
E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jason H. Hadap
Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico
Tagasuri: Ana N. Calisura
Tagaguhit:
Tagalapat: Edsel D. Doctama
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad : Regional Director
Francisco B. Bulalacao Jr. : CLMD Chief
Grace U. Rabelas : Regional EPS In-Charge of LRMS
Ma. Leilani R. Lorico : Regional ADM Coordinator
Imelda R. Caunca : CID Chief
Marites B. Tongco : Division EPS In-Charge of LRMS
4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Hamong Pangkabuhayan; sa
Tugon ng Pamahalaan ay
Mapagtatagumpayan
ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa mga hamong
pangkabuhayan sa bansa at ang tugon ng pamahalaan sa
paglutas nito.
Pamantayang sa Pagganap
Ang mag-aaral ay matutukoy ang mga hamon ng mga
gawaing pangkabuhayan at oportunidad na kaugnay nito.
Pamantayan sa Pagkatuto
Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa mga gawaing
pangkabuhayan sa bansa. (MELC) AP4LKE-IId-5
Sa nakaraang aralin, napag-alaman mo ang kahalagahan ng
pangangasiwa at pangangalaga ng mga likas na yaman ng ating
bansa na nagsisilbing gabay sa atin upang mapangalagaan ng
maayos ang ating likas na yaman.
Ngayon naman, ay mapag-aaralan mo ang mga hamon at
oportunidad sa kabuhayan ng mga tao sa bansa.
Ano kaya ang mga hamong pangkabuhayan na kinakaharap ng
ating bansa? May ginagawa kayang paraan ang pamahalaan upang
matugunan ang mga ito?
Iyong malalaman ang mga kasagutan ng mga iyan sa
pamamagitan ng pagbabasa at pagsagot sa modyul na ito.
2
Subukin
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Kadalasang ito ay nararanasan tuwing tag-init na nagiging
sanhi ng pagkatuyo ng lupang mga tinatamnan ng mga
magsasaka.
A. La Niña B. Climate Change C. Kaingin D. El Niño
2. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi
nakakarating ng sariwa ang mga isda at iba pang produktong
pangingisda?
A. Kakulangan sa pondo ng mga kooperatiba
B. Sira-sira o hindi maayos na daanan na nagpapabagal ng
transportasyon papuntang merkado o palengke
C. Kawalan ng pamasahe ng mga produkto
D. Maliit na bilang ng mga nagtitinda sa palengke
Kumusta kaibigan? Alam mo ba
kung sino at bakit ako narito? Ano kaya
ang magiging papel ko sa pagsama sayo
sa modyul na ito?
Ako ay si AP Lapis at your service!
Ang magiging gabay mo sa bawat araling
magpapatalas ng iyong isip.
Nawa’y masiyahan ka habang ako
ang iyong kasa-kasama.
Bago mo simulang pag-aralan ang
tungkol sa watawat at pambansang awit
ng Pilipinas ay subukin mo munang
sagutan ang mga tanong tungkol sa mga
ito. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
3
3. Ang _______ ay pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga
pangyayari tulad ng mga kalamidad na nakaaapekto sa
kabuhayan ng mga tao.
A. Deforestation B. Blue Revolution
C. Climate Change D. Green House Effect
4. Paano magkakaroon ng magandang edukasyon tungkol sa
pangkabuhayan sa pangingisda?
A. Gumawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa
marine at fishing
B. Hikayatin na walang mag-aral sa kolehiyo.
C. Pagtuunan ang mga kursong medical.
D. Wala sa nabanggit.
5. Kung ikaw ay isang OFW, ano kaya ang iyong magandang
pagtuunan ng pansin kung ikaw ay may lupang pansakahan?
A. Magtayo ng kainan o karenderya.
B. Mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain
C. Mamuhunan ng Buy and Sale.
D. Ibenta ang lupa para gawing mall o department store
6. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay maaring magdulot
ng ___.
A. Pagdami ng bilang ng isda sa karagatan.
B. Pagdami ng mahuhuling isda.
C. Pagkasira ng mga tahanan ng isda.
D. Pagpadali ng panghuhuli ng isda.
7. Anong paraan ang dapat na gawin upang mapadami ang
produkto sa pagsasaka.
A. Pag- aaral ng paraan sa pagpapadami ng ani.
B. Pagtatanim ng mga hybrid na pananim
C. Paggamit ng mga natural na pataba sa lupa.
D. Lahat ng nabanggit
4
8. Ang ____ ang dahilan ng pagkalason ng isda at pagiging marumi
ng tubig dagat.
A. Pagtatanim ng mga artipisyal na korales.
B. Tamang paraan sa pangingisda.
C. Pagtatapon ng basura sa mga karagatan
D. Wala sa nabanggit.
9. Sa anong paraan makakatulong ang pamahalaan upang
magkaroon ng puhunan ang mga tao sa kanilang gawaing
pangkabuhayan?
A. Pagwawalang kibo sa mga pangangailangan ng mga tao.
B. Pagpapahiram ng puhunan ng mga kooperatiba sa mga
magsasaka at mangingisda.
C. Pagpapautang ng mga napakataas na interes sa mga tao.
D. Pagpapasara ang mga kooperatiba
10. Alin kaya sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakalugi ng
mga magsasaka at pangingisda sa pagbebenta ng kanilang
produkto?
A. Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto.
B. Hindi maayos na daanan ng transportasyon.
C. Hindi maayos na kagamitan.
D. Lahat ng nabanggit.
5
Aralin
1
Mga Hamong Pangkabuhayan;
sa Tugon ng Pamahalaan ay
Mapagtatagumpayan
Balikan
Lagyan ng tsek ( / ) ang pahayag na nagpapakita ng tamang
pangangasiwa ng likas na yaman at ekis ( X ) kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
___1. Pagsusunog ng mga punong kahoy sa lupang pagtataniman
o pagkakaingin.
___2. Pagtatatag ng ng mga sentrong kanlungan para sa mga
mababangis na hayop.
___3. Pagtatapon ng mga basura sa mga anyong-tubig gaya ng ilog
at dagat.
___4. Pagtatanim ng mga punong kahoy sa mga bakanteng lupa.
___5. Pagwawalang bahala sa mga batas pangkalikasan.
___6. Pangongolekta ng mga endangered species o malapit ng
maubos na uri ng hayop.
___7. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
___8. Pagsunod sa programang 5R’s o Refuse, Reduce, Reuse,
Repurpose, Recycle.
___9. Paggamit ng mga organikong pataba para sa pananim.
__10. Pagtatanim ng puno bilang kapalit sa mga pinutol.
6
Tuklasin
HANAP SALITA
Hanapin sa puzzle ang mga salitang iyong mabubuo. Bilugan ang
mga ito. (Gawin sa loob ng 2 minuto)
H S D E L J O I G D A
I A E T H T L O A H E
O P O R T U N I D A D
H A E O P G T U N M I
N R T D T O L O P O L
K E U D S N E H J N M
O T O D S H Q G A S G
I A S D F S A A S O T
May mga nabuo ka bang mga salita?
MAGALING!
Magpatuloy sa iyong pagbabasa at
iyong alamin ang ating aralin.
Handa ka na ba? Tara na.
7
Suriin (Gawin sa loob ng 10 minuto)
Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na
bansa. Kung kaya, ang isa sa pangunahing gawaing
pangkabuhayan sa bansa ay pagsasaka. Sadyang
malawak ang taniman dito. Tinatayang nasa 35
bahagdan ang sinasakang lupain sa Pilipinas.
Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula
sa lupa ang mga produkto na pangunahing
pangangailangan ng tao para patuloy na mabuhay. Kung
liliit ang produksiyon, maaapektuhan ang taong bayan at
ang bansa. Ayon sa maraming magsasaka, ang uri ng
kanilang pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na
pakikipaglaban sa mga hamong kaakibat ng kanilang
hanapbuhay.
1. impormasyon sa mga
bagong pag-aaral at saliksik
upang gumanda ang ani at
dumami ang produksiyon;
2. paggamit ng mga
makabagong teknolohiya para
mapabilis ang produksiyon;
3. paghihikayat sa mga OFW
na mamuhunan sa pagsasaka
at linangin ang mga lupain sa
kani-kanilang mga probinsiya;
4.pagbibigay ng pagkakataon
para sa magsasaka na
makapag-aral ng tamang
paraan ng pagsasaka.
1. lumalaking bilang ng
mga angkat na
produktong agrikultural
2. kahirapan dulot ng
mababang kita ng mga
magsasaka
3.limitadong pondo na
pinagkakaloob ng
pamahalaan bilang tulong
sa maliliit na magsasaka
4. suliranin sa irigasyon,
5. kawalan ng kontrol sa
presyo
6. suliranin sa kalamidad,
7. pagkasira ng
kalikasan, 8. El Niño
phenomenon o
mahabang panahon ng
tag-init
HAMON TUGON/OPORTUNIDAD
PAGSASAKA
8
PANGINGISDA
1. Maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ay ang
climate change o pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga
pangyayari tulad ng mga kalamidad.
2. Kabilang din sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayang ito ay
ang mga kalsada, tulay, at iba pang impraestrukturang
nakababagal sa transportasyon ng mga produktong dagat kung
kaya’t hindi mapaabot sa merkado ang mga sariwang isda.
3. Hamon ding maituturing ang pagkasira ng mga tahanan ng mga
isda sa ilalim ng dagat at hindi epektibong pangangalaga sa mga
yamang dagat lalo na sa mga protektadong lugar.
HAMON
1. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) o
mas kilala ngayon sa tawag na Philippine Fisheries Development
Authority (PFDA). Ang PFDA ay ahensya ng pamahalaan na
naglalayong mapaunlad ang industriya ng pagbibili ng
isda sa pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang daungan o
pantalan sa mga istratehikong lugar upang mapalago ang kita at
produksiyon.
2. pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda;
3. paglalaan ng mga sasakyang pangisda;
TUGON/OPORTUNIDAD
Bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay
napalilibutan ng tubig kung kaya’t
napakayaman nito sa mga pagkaing
dagat at halamang dagat. Itinuturing ang
Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking
tagatustos ng isda sa buong mundo.
9
4. pagbili ng mga modernong kagamitan sa
pangingisda tulad ng underwater sonars at radars, ang mga
kagamitang ito ay nakatutulong upang mas madaling
mahanap ang mga isda sa ilalim ng dagat sa pamamagitan
ng tunog
5.paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa
marine at fishing, ito ay programa ng paaralan sa kolehiyo na
magpapalawak sa kaalaman at kakayahan na mapanatili at
mapaunlad pa ang paggamit ng yamang dagat. Ang
makabagong karunungan ay makatutulong sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.
6. paglulunsad ng mga programang makatutulong sa
pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda tulad ng Blue
Revolution o Biyayang Dagat na naglalayong matulungan ang
mga mangingisda sa pamamagitan ng pagpapautang ng
puhunan na maari nilang gamitin sa kanilang hanapbuhay
Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik
at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng
palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng
huling isda at pagpapalawak ng pamilihan.
7.pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong
masuportahan ang maliliit na mangingisda sa pamamagitan
ng pagpapahiram ng pera bilang puhunan sa kanilang
hanapbuhay.
10
GAWAIN 1: # FILL IT UP (Gawin sa loob ng 5 minuto)
Pagyamanin
A. mga sakuna sa dagat
B. pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng
underwater sonars at radars
C. suliraninsa irigasyon
D. El Niño phenomenon
E. pagpapatayo ng mga bagong pantalan
F. makabagong teknolohiya sa pagsasaka
G. pagdami ng mga angkat na produktong agrikultural
H. bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
I. pagkasira ng tahanan ng isda
J. programang Blue Revolution at Biyayang Dagat
K. paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka
L. pagkasira ng mga korales sa dagat
Isulat sa ugat ng puno ang mga
HAMON sa pangkabuhayang
pagsasaka at sa dahon naman
para sa oportunidad o tugon ng
pamahalaan. Hanapin ang iyong
sagot sa kahon na nasa itaas.
Isulat sa itaas na bahagi na tinik
ng isda ang mga HAMON sa
pangkabuhayang pangingisda
at sa ibabang bahagi naman
para sa oportunidad o tugon ng
pamahalaan. Hanapin ang iyong
sagot sa kahon na nasa itaas.
11
GAWAIN 2: TAMA O MALI
Basahin at unawain ang mga pahayag at isulat ang TAMA kung
may katotohanan ang sinasabi nito at MALI naman kung hindi.
______1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago kung kaya ang
pangunahing hanap-buhay ng mga tao ay pagsasaka at
pangingisda.
______2. Walang suliranin sa pangkabuhayan ng tao ang Pilipinas.
______3. Dahil sa pagkasira ng mga korales nababawasan ang
huling isda sa bansa.
______4. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga suliraning
pangkabuhayan ng mga tao.
______5. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mapaparami ang ani ng
mga magsasaka.
GAWAIN 3: LETTER PUZZLE
Punan ng titik ang puzzle upang mabuo ang inaasahang sagot sa
bawat bilang.
1. Ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga taong malapit sa
dagat.
2. Ito ay mahabang panahon ng tag-init kaya natutuyo ang mga
sakahan.
3. Pangunahing hanap-buhay sa bansa na patunay na isang
agrikultural na bansa ang Pilipinas.
P N G G I D
E - Ñ
G A S K
12
4. Ito ang kinakaharap na isyu ng gawaing pangkabuhayan ng
bansa.
5. Tulong ng pamahalaan matugon sa suliranin sa
pangkabuhayan.
Isaisip
Kilala ang ______ bilang isang _______________ na bansa.
_____________ang pangunahing gawaing pangkabuhayan ng bansa
ang ___________ at ___________.
A O
O P R U I A D
Nagustuhan mo ba ang iyong mga ginawa
sa bahaging Pagyamanin?
Ngayon naman kumpletuhin mo ang talata
sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang
nawawala gamit ang simbolo na makikita sa kahon
na magsisilbing gabay mo sa pagsagot dito.
Magsimula ka na. Gawin ito sa sagutang papel.
13
Ang mga gawaing ________ay nakararanas ng iba’t ibang
_____ na dapat malagpasan at mga ________ na makatutulong para
higit na mapaunlad ang _____ ng bansa.
Pangingisda Pangkabuhayan Dalawa
Pagsasaka Hamon Oportunidad
Pilipinas Ekonomiya Agrikultural
14
Isagawa
# TALI - MAZING
El
Niño
Pag-aaral
ng tamang
paraan ng
pagsasaka
Climate
Change
Pagpapatayo
ng planta ng
yelo at
imbakan ng
isda
Pagpatayo
ng
pantalan
v
v
v
v
v
Ngayon naman ay subukin ang iyong
galing sa pamamagitan ng pagkabit ng
lobo sa tamang paglalagyan nito.
Basahin ang nakasulat sa loob ng lobo.
Kung ito ay hamon sa gawaing
pangkabuhayan ikabit ito sa ULAP at
ikabit naman sa ARAW kung ito ay
OPORTUNIDAD.
15
Tayahin
GAWAIN A
Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Paano kaya matutugunan ang suliranin sa tubig ng mga
sakahan sa bansa?
A. Hikayatin ang mga magsasaka magtayo ng sariling patubig para
sa sakahan.
B. Umasa sa tubig ulan para magapagtanim.
C. Pagpapatayo ng pamahalaan ng mga irigasyon para sa mga
lupang sakahan.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ano kaya ang dahilan kung bakit naaantala ang pagdating ng
mga isda sa palengke kung kaya ang mga ito ay hindi na
sariwa?
A. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang
makarating ng maayos at maaga ang mga isda sa palengke.
B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda.
C. Mahabang panahon ng tagtuyo.
D. Walang masasakyan ang mga mangingisda.
3. Ano kaya ang posibleng solusyon sa pagpaparami ng ani ng
mga magsasaka?
A. Pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka.
B. Pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral ng sa tamang paraan
ng pagsasaka.
C. Pagpapatayo ng mga kooperatiba.
D. Hindi pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim.
16
4. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan ng panghuhuli ng isda
sa dagat. Isa sa mga ito ay ang dahilan ng pagkasira ng tahanan
ng mga isda sa ilalim ng dagat. Alin ito?
A. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda.
B. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda.
C. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng
isda.
D. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng
katotohanan tungkol sa gawaing pangkabuhayan ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay hindi natutugunan ang pangangailangan ng
mga tao.
B. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang
bansa, may tugon ang pamahalaan at ibinibigay ang
oportunidad sa magsasaka at mangingisda.
C. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
D. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda at
pagsasaka sa buong Asya.
GAWAIN B
Pagtapatin ang HAMON sa gawaing pangkabuhayan sa posibleng
TUGON / OPORUNIDAD na ibinigay ng pamahalaan.
A. HAMON B. TUGON/OPORTUNIDAD
1. Kawalan ng puhunan A. Pagbabantay ng mga
Bantay-Dagat
2. Kaunting huling isda B. Pagpapatayo ng irigasyon na
magbibigay patubig sa mga
sakahan
3. Kawalan ng kaalaman sa
tamang pagtatanim
C. Pagpapautang ng mga
Kooperatiba sa taong na may
mababang interes
4. Pagkasira ng tahanan ng
isda
D.Paggamit ng Underwater
Sonar at Radars sa
pangigisda
5. Di sapat na patubig sa
sakahan
E. Pag-aaral at pananaliksik sa
tamang paraan ng
pagsasaka
17
GAWAING PANGKABUHAYAN (PAGSASAKA o PANGINGISDA)
HAMON TUGON/OPORTUNIDAD
Karagdagang Gawain
Ano ang pangunahing hanapbuhay sa inyong
pamayanan?
Ito ba ay pagsasaka o pangingisda?
Magtanong sa inyong magulang o tao sa inyong
komunidad tungkol sa HAMON o SULIRANIN sa kanilang
kabuhayan at ang naging tugon nila o tulong na naibigay sa
kanila ng pamahalaan upang sila ay matulungan.
Punan ang talahanayan na nasa ibaba.
Kumusta ang iyong nakuhang iskor sa
Pagtataya? Nasiyahan ka ba sa iyong mga
ginawa sa araling ito?
Narito ang inihandang gawain para mapaunlad
pa ang iyong kaalaman tungkol sa iyong aralin.
18
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1.
D
6.
C
2.
B
7.
D
3.
C
8.
C
4.
A
9.
B
5.
B
10.
A
BALIKAN
1.
EKIS
(X)
6.
EKIS
(X)
2.
TSEK
(/)
7.
EKIS
(X)
3.
EKIS
(X)
8.
TSEK
(/)
4.
TSEK
(/)
9.
TSEK
(/)
5.
EKIS
(X)
10.
TSEK
(/)
TUKLASIN
HAMON
TUGON
OPORTUNIDAD
Pagyamanin
GAWAIN
1
DAHON
-
FHK
UGAT
–
CDG
ITAAS
NA
TINIK
-
AIL
IBABANG
TINIK
-
BEJ
Pagyamanin
GAWAIN
2
1.
TAMA
2.
MALI
3.
TAMA
4.
MALI
5.
TAMA
GAWAIN
3
1.
PANGINGISDA
2.
EL
NIÑO
3.
PAGSASAKA
4.
HAMON
5.
OPORTUNIDAD
ISAISIP
Kilala
ang
Pilipinas
bilang
isang
agrikultural
na
bansa.
Dalawa
sa
pangunahing
gawaing
pangkabuhayan
ng
bansa
ang
pagsasaka
at
pangingisda.
Ang
mga
gawaing
pangkabuhayang
ito
ay
nakararanas
ng
iba’t
ibang
hamon
na
dapat
malagpasan
at
mga
oportunidad
na
makatutulong
para
higit
na
mapaunlad
ang
ekonomiya
ng
bansa.
ISAGAWA
ARAW
-
Pag-aaral
ng
tamang
paraan
ng
pagsasaka
-
Pagpapatayo
ng
pantalan
-
Pagpapatayo
ng
planta
ng
yelo
at
imbakan
ng
isda
ULAP
-
El
Niño
-
Climate
Change
TAYAHIN
GAWAIN
A
GAWAIN
B
1.
C
1.
C
2.
A
2.
D
3.
B
3.
E
4.
D
4.
A
5.
B
5.
B
KARAGDAGANG
GAWAIN
Answers
may
Vary
19
Sanggunian
Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A.
Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos
Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia
L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval, Araling Panlipunan –
Ikaapat na Baitang, Unang Edisyon 2015 Kagamitan ng Mag-
aaral, Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS), pp.164-170
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
COT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptx
COT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptxCOT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptx
COT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptxJeverlyAnnCasumbal
 
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...EDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptxEPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptxCyrelleJocson1
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdaminAlice Failano
 
HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf
HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdfHEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf
HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdfJay Cris Miguel
 
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na SalitaPamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salitairvingrei gamit
 
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unladYUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unladEDITHA HONRADEZ
 
Pangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na Yaman
Pangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na YamanPangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na Yaman
Pangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na YamanMavict De Leon
 
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat
Nakapagbibigay ng angkop na pamagatNakapagbibigay ng angkop na pamagat
Nakapagbibigay ng angkop na pamagatRemylyn Pelayo
 
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahanIct lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahanMary Ann Encinas
 
Grade 4 e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...
Grade 4  e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...Grade 4  e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...
Grade 4 e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...Arnel Bautista
 
Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman EDITHA HONRADEZ
 
Topograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IVTopograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IVJamaica Olazo
 
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptxPaghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptxJovyTuting1
 

Was ist angesagt? (20)

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
COT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptx
COT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptxCOT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptx
COT-1-Mga-Salitang-Magkatugma.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
 
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptxEPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
 
Wastong Gamit ng Pang-ukol.pptx
Wastong Gamit ng Pang-ukol.pptxWastong Gamit ng Pang-ukol.pptx
Wastong Gamit ng Pang-ukol.pptx
 
HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf
HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdfHEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf
HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf
 
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na SalitaPamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
 
Yunit 2 lesson 5
Yunit 2 lesson 5Yunit 2 lesson 5
Yunit 2 lesson 5
 
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unladYUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
 
Pangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na Yaman
Pangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na YamanPangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na Yaman
Pangangalaga at Wastong Pangangasiwa sa mga Likas na Yaman
 
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat
Nakapagbibigay ng angkop na pamagatNakapagbibigay ng angkop na pamagat
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat
 
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahanIct lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan
 
Grade 4 e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...
Grade 4  e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...Grade 4  e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...
Grade 4 e.p.p. aralin 3 h.e. wastong paraan ng pag-aayos at paglilinis sa sa...
 
Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Matalino at di Matalinong Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
 
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
Quarter 3-week-1-worksheet (1)Quarter 3-week-1-worksheet (1)
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
 
Topograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IVTopograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IV
 
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptxPaghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
 

Ähnlich wie AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF

AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdfAP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdfRoselynAnnPineda
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAngelika B.
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfMelvieCasar
 
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfAp10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfJenoGono4
 
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docxnalynGuantiaAsturias
 
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAngelika B.
 
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdfAP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdfRoselynAnnPineda
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Rain Ikemada Sahagun-Tadeo
 
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASER Borres
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfjosefadrilan2
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpointAraling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpointMariaTheresaSolis
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfEmmylouMolitoPesidas
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics南 睿
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdfAP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdfAngelika B.
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxHonneylouGocotano1
 
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 

Ähnlich wie AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF (20)

AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdfAP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
 
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfAp10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
 
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
 
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
 
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdfAP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
 
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpointAraling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdfAP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
 
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
 

Kürzlich hochgeladen

AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxesp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxVielMarvinPBerbano
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxEumariePudadera1
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 

Kürzlich hochgeladen (20)

AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxesp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 

AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF

  • 1. Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Hamong Pangkabuhayan; sa Tugon ng Pamahalaan ay Mapagtatagumpayan 4
  • 2. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Hamong Pangkabuhayan; sa Tugon ng Pamahalaan ay Mapagtatagumpayan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City Telefax: 09171781288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jason H. Hadap Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico Tagasuri: Ana N. Calisura Tagaguhit: Tagalapat: Edsel D. Doctama Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad : Regional Director Francisco B. Bulalacao Jr. : CLMD Chief Grace U. Rabelas : Regional EPS In-Charge of LRMS Ma. Leilani R. Lorico : Regional ADM Coordinator Imelda R. Caunca : CID Chief Marites B. Tongco : Division EPS In-Charge of LRMS
  • 3. 4 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Hamong Pangkabuhayan; sa Tugon ng Pamahalaan ay Mapagtatagumpayan
  • 4. ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 Alamin Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa mga hamong pangkabuhayan sa bansa at ang tugon ng pamahalaan sa paglutas nito. Pamantayang sa Pagganap Ang mag-aaral ay matutukoy ang mga hamon ng mga gawaing pangkabuhayan at oportunidad na kaugnay nito. Pamantayan sa Pagkatuto Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa mga gawaing pangkabuhayan sa bansa. (MELC) AP4LKE-IId-5 Sa nakaraang aralin, napag-alaman mo ang kahalagahan ng pangangasiwa at pangangalaga ng mga likas na yaman ng ating bansa na nagsisilbing gabay sa atin upang mapangalagaan ng maayos ang ating likas na yaman. Ngayon naman, ay mapag-aaralan mo ang mga hamon at oportunidad sa kabuhayan ng mga tao sa bansa. Ano kaya ang mga hamong pangkabuhayan na kinakaharap ng ating bansa? May ginagawa kayang paraan ang pamahalaan upang matugunan ang mga ito? Iyong malalaman ang mga kasagutan ng mga iyan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsagot sa modyul na ito.
  • 6. 2 Subukin Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Kadalasang ito ay nararanasan tuwing tag-init na nagiging sanhi ng pagkatuyo ng lupang mga tinatamnan ng mga magsasaka. A. La Niña B. Climate Change C. Kaingin D. El Niño 2. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi nakakarating ng sariwa ang mga isda at iba pang produktong pangingisda? A. Kakulangan sa pondo ng mga kooperatiba B. Sira-sira o hindi maayos na daanan na nagpapabagal ng transportasyon papuntang merkado o palengke C. Kawalan ng pamasahe ng mga produkto D. Maliit na bilang ng mga nagtitinda sa palengke Kumusta kaibigan? Alam mo ba kung sino at bakit ako narito? Ano kaya ang magiging papel ko sa pagsama sayo sa modyul na ito? Ako ay si AP Lapis at your service! Ang magiging gabay mo sa bawat araling magpapatalas ng iyong isip. Nawa’y masiyahan ka habang ako ang iyong kasa-kasama. Bago mo simulang pag-aralan ang tungkol sa watawat at pambansang awit ng Pilipinas ay subukin mo munang sagutan ang mga tanong tungkol sa mga ito. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
  • 7. 3 3. Ang _______ ay pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga pangyayari tulad ng mga kalamidad na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga tao. A. Deforestation B. Blue Revolution C. Climate Change D. Green House Effect 4. Paano magkakaroon ng magandang edukasyon tungkol sa pangkabuhayan sa pangingisda? A. Gumawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine at fishing B. Hikayatin na walang mag-aral sa kolehiyo. C. Pagtuunan ang mga kursong medical. D. Wala sa nabanggit. 5. Kung ikaw ay isang OFW, ano kaya ang iyong magandang pagtuunan ng pansin kung ikaw ay may lupang pansakahan? A. Magtayo ng kainan o karenderya. B. Mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain C. Mamuhunan ng Buy and Sale. D. Ibenta ang lupa para gawing mall o department store 6. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay maaring magdulot ng ___. A. Pagdami ng bilang ng isda sa karagatan. B. Pagdami ng mahuhuling isda. C. Pagkasira ng mga tahanan ng isda. D. Pagpadali ng panghuhuli ng isda. 7. Anong paraan ang dapat na gawin upang mapadami ang produkto sa pagsasaka. A. Pag- aaral ng paraan sa pagpapadami ng ani. B. Pagtatanim ng mga hybrid na pananim C. Paggamit ng mga natural na pataba sa lupa. D. Lahat ng nabanggit
  • 8. 4 8. Ang ____ ang dahilan ng pagkalason ng isda at pagiging marumi ng tubig dagat. A. Pagtatanim ng mga artipisyal na korales. B. Tamang paraan sa pangingisda. C. Pagtatapon ng basura sa mga karagatan D. Wala sa nabanggit. 9. Sa anong paraan makakatulong ang pamahalaan upang magkaroon ng puhunan ang mga tao sa kanilang gawaing pangkabuhayan? A. Pagwawalang kibo sa mga pangangailangan ng mga tao. B. Pagpapahiram ng puhunan ng mga kooperatiba sa mga magsasaka at mangingisda. C. Pagpapautang ng mga napakataas na interes sa mga tao. D. Pagpapasara ang mga kooperatiba 10. Alin kaya sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakalugi ng mga magsasaka at pangingisda sa pagbebenta ng kanilang produkto? A. Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto. B. Hindi maayos na daanan ng transportasyon. C. Hindi maayos na kagamitan. D. Lahat ng nabanggit.
  • 9. 5 Aralin 1 Mga Hamong Pangkabuhayan; sa Tugon ng Pamahalaan ay Mapagtatagumpayan Balikan Lagyan ng tsek ( / ) ang pahayag na nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng likas na yaman at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (Gawin sa loob ng 3 minuto) ___1. Pagsusunog ng mga punong kahoy sa lupang pagtataniman o pagkakaingin. ___2. Pagtatatag ng ng mga sentrong kanlungan para sa mga mababangis na hayop. ___3. Pagtatapon ng mga basura sa mga anyong-tubig gaya ng ilog at dagat. ___4. Pagtatanim ng mga punong kahoy sa mga bakanteng lupa. ___5. Pagwawalang bahala sa mga batas pangkalikasan. ___6. Pangongolekta ng mga endangered species o malapit ng maubos na uri ng hayop. ___7. Paggamit ng dinamita sa pangingisda. ___8. Pagsunod sa programang 5R’s o Refuse, Reduce, Reuse, Repurpose, Recycle. ___9. Paggamit ng mga organikong pataba para sa pananim. __10. Pagtatanim ng puno bilang kapalit sa mga pinutol.
  • 10. 6 Tuklasin HANAP SALITA Hanapin sa puzzle ang mga salitang iyong mabubuo. Bilugan ang mga ito. (Gawin sa loob ng 2 minuto) H S D E L J O I G D A I A E T H T L O A H E O P O R T U N I D A D H A E O P G T U N M I N R T D T O L O P O L K E U D S N E H J N M O T O D S H Q G A S G I A S D F S A A S O T May mga nabuo ka bang mga salita? MAGALING! Magpatuloy sa iyong pagbabasa at iyong alamin ang ating aralin. Handa ka na ba? Tara na.
  • 11. 7 Suriin (Gawin sa loob ng 10 minuto) Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Kung kaya, ang isa sa pangunahing gawaing pangkabuhayan sa bansa ay pagsasaka. Sadyang malawak ang taniman dito. Tinatayang nasa 35 bahagdan ang sinasakang lupain sa Pilipinas. Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa ang mga produkto na pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na mabuhay. Kung liliit ang produksiyon, maaapektuhan ang taong bayan at ang bansa. Ayon sa maraming magsasaka, ang uri ng kanilang pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa mga hamong kaakibat ng kanilang hanapbuhay. 1. impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang gumanda ang ani at dumami ang produksiyon; 2. paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon; 3. paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain sa kani-kanilang mga probinsiya; 4.pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na makapag-aral ng tamang paraan ng pagsasaka. 1. lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agrikultural 2. kahirapan dulot ng mababang kita ng mga magsasaka 3.limitadong pondo na pinagkakaloob ng pamahalaan bilang tulong sa maliliit na magsasaka 4. suliranin sa irigasyon, 5. kawalan ng kontrol sa presyo 6. suliranin sa kalamidad, 7. pagkasira ng kalikasan, 8. El Niño phenomenon o mahabang panahon ng tag-init HAMON TUGON/OPORTUNIDAD PAGSASAKA
  • 12. 8 PANGINGISDA 1. Maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ay ang climate change o pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga pangyayari tulad ng mga kalamidad. 2. Kabilang din sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayang ito ay ang mga kalsada, tulay, at iba pang impraestrukturang nakababagal sa transportasyon ng mga produktong dagat kung kaya’t hindi mapaabot sa merkado ang mga sariwang isda. 3. Hamon ding maituturing ang pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat at hindi epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa mga protektadong lugar. HAMON 1. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) o mas kilala ngayon sa tawag na Philippine Fisheries Development Authority (PFDA). Ang PFDA ay ahensya ng pamahalaan na naglalayong mapaunlad ang industriya ng pagbibili ng isda sa pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang daungan o pantalan sa mga istratehikong lugar upang mapalago ang kita at produksiyon. 2. pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda; 3. paglalaan ng mga sasakyang pangisda; TUGON/OPORTUNIDAD Bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay napalilibutan ng tubig kung kaya’t napakayaman nito sa mga pagkaing dagat at halamang dagat. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
  • 13. 9 4. pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng underwater sonars at radars, ang mga kagamitang ito ay nakatutulong upang mas madaling mahanap ang mga isda sa ilalim ng dagat sa pamamagitan ng tunog 5.paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine at fishing, ito ay programa ng paaralan sa kolehiyo na magpapalawak sa kaalaman at kakayahan na mapanatili at mapaunlad pa ang paggamit ng yamang dagat. Ang makabagong karunungan ay makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. 6. paglulunsad ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda tulad ng Blue Revolution o Biyayang Dagat na naglalayong matulungan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagpapautang ng puhunan na maari nilang gamitin sa kanilang hanapbuhay Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng pamilihan. 7.pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang maliliit na mangingisda sa pamamagitan ng pagpapahiram ng pera bilang puhunan sa kanilang hanapbuhay.
  • 14. 10 GAWAIN 1: # FILL IT UP (Gawin sa loob ng 5 minuto) Pagyamanin A. mga sakuna sa dagat B. pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater sonars at radars C. suliraninsa irigasyon D. El Niño phenomenon E. pagpapatayo ng mga bagong pantalan F. makabagong teknolohiya sa pagsasaka G. pagdami ng mga angkat na produktong agrikultural H. bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani I. pagkasira ng tahanan ng isda J. programang Blue Revolution at Biyayang Dagat K. paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka L. pagkasira ng mga korales sa dagat Isulat sa ugat ng puno ang mga HAMON sa pangkabuhayang pagsasaka at sa dahon naman para sa oportunidad o tugon ng pamahalaan. Hanapin ang iyong sagot sa kahon na nasa itaas. Isulat sa itaas na bahagi na tinik ng isda ang mga HAMON sa pangkabuhayang pangingisda at sa ibabang bahagi naman para sa oportunidad o tugon ng pamahalaan. Hanapin ang iyong sagot sa kahon na nasa itaas.
  • 15. 11 GAWAIN 2: TAMA O MALI Basahin at unawain ang mga pahayag at isulat ang TAMA kung may katotohanan ang sinasabi nito at MALI naman kung hindi. ______1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago kung kaya ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao ay pagsasaka at pangingisda. ______2. Walang suliranin sa pangkabuhayan ng tao ang Pilipinas. ______3. Dahil sa pagkasira ng mga korales nababawasan ang huling isda sa bansa. ______4. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga suliraning pangkabuhayan ng mga tao. ______5. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mapaparami ang ani ng mga magsasaka. GAWAIN 3: LETTER PUZZLE Punan ng titik ang puzzle upang mabuo ang inaasahang sagot sa bawat bilang. 1. Ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga taong malapit sa dagat. 2. Ito ay mahabang panahon ng tag-init kaya natutuyo ang mga sakahan. 3. Pangunahing hanap-buhay sa bansa na patunay na isang agrikultural na bansa ang Pilipinas. P N G G I D E - Ñ G A S K
  • 16. 12 4. Ito ang kinakaharap na isyu ng gawaing pangkabuhayan ng bansa. 5. Tulong ng pamahalaan matugon sa suliranin sa pangkabuhayan. Isaisip Kilala ang ______ bilang isang _______________ na bansa. _____________ang pangunahing gawaing pangkabuhayan ng bansa ang ___________ at ___________. A O O P R U I A D Nagustuhan mo ba ang iyong mga ginawa sa bahaging Pagyamanin? Ngayon naman kumpletuhin mo ang talata sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang nawawala gamit ang simbolo na makikita sa kahon na magsisilbing gabay mo sa pagsagot dito. Magsimula ka na. Gawin ito sa sagutang papel.
  • 17. 13 Ang mga gawaing ________ay nakararanas ng iba’t ibang _____ na dapat malagpasan at mga ________ na makatutulong para higit na mapaunlad ang _____ ng bansa. Pangingisda Pangkabuhayan Dalawa Pagsasaka Hamon Oportunidad Pilipinas Ekonomiya Agrikultural
  • 18. 14 Isagawa # TALI - MAZING El Niño Pag-aaral ng tamang paraan ng pagsasaka Climate Change Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng isda Pagpatayo ng pantalan v v v v v Ngayon naman ay subukin ang iyong galing sa pamamagitan ng pagkabit ng lobo sa tamang paglalagyan nito. Basahin ang nakasulat sa loob ng lobo. Kung ito ay hamon sa gawaing pangkabuhayan ikabit ito sa ULAP at ikabit naman sa ARAW kung ito ay OPORTUNIDAD.
  • 19. 15 Tayahin GAWAIN A Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Paano kaya matutugunan ang suliranin sa tubig ng mga sakahan sa bansa? A. Hikayatin ang mga magsasaka magtayo ng sariling patubig para sa sakahan. B. Umasa sa tubig ulan para magapagtanim. C. Pagpapatayo ng pamahalaan ng mga irigasyon para sa mga lupang sakahan. D. Lahat ng nabanggit. 2. Ano kaya ang dahilan kung bakit naaantala ang pagdating ng mga isda sa palengke kung kaya ang mga ito ay hindi na sariwa? A. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang makarating ng maayos at maaga ang mga isda sa palengke. B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda. C. Mahabang panahon ng tagtuyo. D. Walang masasakyan ang mga mangingisda. 3. Ano kaya ang posibleng solusyon sa pagpaparami ng ani ng mga magsasaka? A. Pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka. B. Pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral ng sa tamang paraan ng pagsasaka. C. Pagpapatayo ng mga kooperatiba. D. Hindi pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim.
  • 20. 16 4. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa mga ito ay ang dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat. Alin ito? A. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda. B. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda. C. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda. D. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli. 5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa gawaing pangkabuhayan ng Pilipinas? A. Ang Pilipinas ay hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga tao. B. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang bansa, may tugon ang pamahalaan at ibinibigay ang oportunidad sa magsasaka at mangingisda. C. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa. D. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda at pagsasaka sa buong Asya. GAWAIN B Pagtapatin ang HAMON sa gawaing pangkabuhayan sa posibleng TUGON / OPORUNIDAD na ibinigay ng pamahalaan. A. HAMON B. TUGON/OPORTUNIDAD 1. Kawalan ng puhunan A. Pagbabantay ng mga Bantay-Dagat 2. Kaunting huling isda B. Pagpapatayo ng irigasyon na magbibigay patubig sa mga sakahan 3. Kawalan ng kaalaman sa tamang pagtatanim C. Pagpapautang ng mga Kooperatiba sa taong na may mababang interes 4. Pagkasira ng tahanan ng isda D.Paggamit ng Underwater Sonar at Radars sa pangigisda 5. Di sapat na patubig sa sakahan E. Pag-aaral at pananaliksik sa tamang paraan ng pagsasaka
  • 21. 17 GAWAING PANGKABUHAYAN (PAGSASAKA o PANGINGISDA) HAMON TUGON/OPORTUNIDAD Karagdagang Gawain Ano ang pangunahing hanapbuhay sa inyong pamayanan? Ito ba ay pagsasaka o pangingisda? Magtanong sa inyong magulang o tao sa inyong komunidad tungkol sa HAMON o SULIRANIN sa kanilang kabuhayan at ang naging tugon nila o tulong na naibigay sa kanila ng pamahalaan upang sila ay matulungan. Punan ang talahanayan na nasa ibaba. Kumusta ang iyong nakuhang iskor sa Pagtataya? Nasiyahan ka ba sa iyong mga ginawa sa araling ito? Narito ang inihandang gawain para mapaunlad pa ang iyong kaalaman tungkol sa iyong aralin.
  • 22. 18 Susi sa Pagwawasto SUBUKIN 1. D 6. C 2. B 7. D 3. C 8. C 4. A 9. B 5. B 10. A BALIKAN 1. EKIS (X) 6. EKIS (X) 2. TSEK (/) 7. EKIS (X) 3. EKIS (X) 8. TSEK (/) 4. TSEK (/) 9. TSEK (/) 5. EKIS (X) 10. TSEK (/) TUKLASIN HAMON TUGON OPORTUNIDAD Pagyamanin GAWAIN 1 DAHON - FHK UGAT – CDG ITAAS NA TINIK - AIL IBABANG TINIK - BEJ Pagyamanin GAWAIN 2 1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. MALI 5. TAMA GAWAIN 3 1. PANGINGISDA 2. EL NIÑO 3. PAGSASAKA 4. HAMON 5. OPORTUNIDAD ISAISIP Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Dalawa sa pangunahing gawaing pangkabuhayan ng bansa ang pagsasaka at pangingisda. Ang mga gawaing pangkabuhayang ito ay nakararanas ng iba’t ibang hamon na dapat malagpasan at mga oportunidad na makatutulong para higit na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. ISAGAWA ARAW - Pag-aaral ng tamang paraan ng pagsasaka - Pagpapatayo ng pantalan - Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng isda ULAP - El Niño - Climate Change TAYAHIN GAWAIN A GAWAIN B 1. C 1. C 2. A 2. D 3. B 3. E 4. D 4. A 5. B 5. B KARAGDAGANG GAWAIN Answers may Vary
  • 23. 19 Sanggunian Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval, Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang, Unang Edisyon 2015 Kagamitan ng Mag- aaral, Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), pp.164-170
  • 24. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph