Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.
MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO GRADE 8
Ika-5 ng Nobyembre 2016
Ipinasa nina:
MA. ROXIE C. AGUSTIN
ROBELYN S. BULAN
WY...
MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 8
PAMANTAYAN NG
PROGRAMA
Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanu...
Ang mga nakaupo sa una at pangalawang
hilera sa aking kanan ay ang grupong
BALITA, ang mga nakupo sa pangatlo at
pang-apat...
Ano ang sagot?
Magaling, pakibasa ang susunod na
bugtong.
Ano ang sagot?
Tama, ang pang-anim na bugtong ay…
Ano ang sagot?...
Ngayon klas, ano an gating paksa sa araw na
ito? Subukin mo nga Jestony.
Tama. Ano nga ba ang tabloid klas? Basahin
mo nga...
Tama, at ang panghuling katanungan,
subukin mo nga Ilaiza.
Tumpak!
C. PAGPAPAYAMAN
Ngayon, manonood naman kayo ng isang
bi...
Maaari na kayong magpalitan ng papel sa
inyong katabi.
Ito ang mga kasagutan sa mga katanungan.
(Ipapakita ang mga sagot)
...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8

Pahayagan (Tabloid)

Ähnliche Bücher

Kostenlos mit einer 30-tägigen Testversion von Scribd

Alle anzeigen

Ähnliche Hörbücher

Kostenlos mit einer 30-tägigen Testversion von Scribd

Alle anzeigen
  • Als Erste(r) kommentieren

Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8

  1. 1. MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO GRADE 8 Ika-5 ng Nobyembre 2016 Ipinasa nina: MA. ROXIE C. AGUSTIN ROBELYN S. BULAN WYETH D. CALANTOC JOYCEL C. GAMMAD Ipinasa kay: G. RICARDO G. DUMALE Guro
  2. 2. MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8 PAMANTAYAN NG PROGRAMA Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya. I. LAYUNIN DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO PAG-UNAWA SA BINASA Naipaliliwanag ang mga: kaisipan, layunin at paksang natalakay. PAGLINANG NG TALASALITAAN Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa pagkakagamit sa bugtong. PANONOOD Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw sa paraan ng paglalahad ng nagsasalita. PAGSASALITA Naipapahayag ang sariling opinion o pananaw tungkol sa napapanahong isyu. PAGSULAT Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling opinion o pananaw tungkol sa napapanahong isyu o paksa. II. PAKSANG ARALIN PAKSA: Anyo ng Kontemporaryong Panitikan – Pahayagang Tabloid KAGAMITAN: Laptop, PowerPoint Presentation, SANGGUNIAN: Panitikang Filipino 8 pp. 128-131 III. PAMAMARAAN GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL A. PANIMULANG GAWAIN Magandang umaga klas. Maaari na kayong umupo. Bago natin simulan ang ating bagong talakayan, may inihanda akong Gawain para sa inyo. Bago riyan, papangkatin ko muna kayo ng lima. Magandang umaga rin po guro. Maraming salamat po guro.
  3. 3. Ang mga nakaupo sa una at pangalawang hilera sa aking kanan ay ang grupong BALITA, ang mga nakupo sa pangatlo at pang-apat na hilera ay ang grupong TSISMIS, ang mga nakaupo naman sa una at pangalawang hilera sa aking kaliwa ay ang grupong ISPORTS, ang mga nasa pangatlo at pang-apat na hilera ay ang grupong LITERATURA, at ang mga nasa hilerang likod ay ang grupong PALAISIPAN. Pakibasa nga ang panuto Roger. Maraming salamat. Handa na ba ang lahat? Kung gayon, ang oras niyo ang magsisimula na. Tapos na ang sampung minuto klas, magpalitan na ng papel sa kabilang grupo at atin nang alamin ang inyong mga sagot. (Ipapakita sa t.v. ang crossword puzzle na sasagutin) Klas, basahin nga ang unang bugtong. Ano ang sagot? Magaling, ang susunod na bugtong ay… Ano ang sagot? Tama, pakibasa ang pangatlong bugtong. Ano ang sagot? Mahusay, ang pang-apat pakibasa nga. Yehey! Panuto. Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat ang mga letra ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle. Gawin lamang ito ng sampung minuto. Opo guro. (Sumasagot sa crossword puzzle) (Nagtsetsek ng sagot) 1. Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampok! Pelikula guro. 2. Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan, tunay na kinagigiliwan ng kabataan! Komiks guro. 3. Ako ay itinuturing, na pang masang pahayagan. Tabloid guro.
  4. 4. Ano ang sagot? Magaling, pakibasa ang susunod na bugtong. Ano ang sagot? Tama, ang pang-anim na bugtong ay… Ano ang sagot? Magaling, at ang pang huli pakibasa nga. Ano ang sagot? Mahusay! Mukhang handa na kayo para sa ating aralin. Bago riyan, may isa pa akong bugtong na ipasasagot. Ang makakasagot nito ay may karagdagang limang puntos sa susunod na pagsusulit. Handa na ba kayo klas? Ang bugtong na ito ay, “Maliit na diyaryong inilalako sa daan: balita, tsismis, at iba pa ang laman.” Sino ang makakasagot? Subukin mo ng Katrina. Tumpak! Bigyan natin siya ng limang palakpak. B. LINANGIN 4. Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-FB, Twitter, o magsaliksik pa. Internet guro. 5. Musika’t balita ay mapakikinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa! Radyo guro. 6. Kuwadradong electronikong kagamitan, tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaliwan! Telebisyon guro. 7. Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Magasin guro. Yehey! Opo guro. (Nagtaasan ang mga kamay) Tabloid guro. (Pak, pak, pak, pak, pak)
  5. 5. Ngayon klas, ano an gating paksa sa araw na ito? Subukin mo nga Jestony. Tama. Ano nga ba ang tabloid klas? Basahin mo nga Maricel. Maraming salamat. Naintindihan ba klas? Batid kong naunawaan na ng lahat. Kung gayon ay mayroon akong ibibigay na babasahin ninyo tungkol sa tabloid. Basahin ng tahimik. (Ibibigay ang babasahin) Nabasa niyo na ba klas? Ipagpatuloy ang pagbabasa. Tapos na ba klas? Ngayon, batid kong masasagot ninyo ang aking inihandang mga tanong. Ang unang tanong, pakibasa at pakisagot nga Carla. Magaling! Dumako naman tayo sa ikalawang katanungan. Subukin mo nga Loren. Tungkol po sa pahayagang tabloid guro. Tabloid. Maliit at abot-kaya kumpara sa isang broadsheet. Sapagkat mas maliit ang espasyo ng tabloid, mas maliit din ang inaasahang pagkonteksto sa mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa kaunting espasyong ito, nagkakasya ang maraming sambahayan para sa balita at impormasyon. Higit na binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories at mga kwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balitahanggang sa paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o mali. Opo guro. (Magbabasa ng tahimik) Hindi pa guro. Opo guro. 1. Bakit itinuturing na pangmasa ang pahayagang tabloid? -Itinuturing itong pangmasa dahil ito ay nakasulat sa tagalog. 2. Sa iyong nabasa, anong pamagat ng tabloid ang nagtataguyod ng alternatibong pamamahayag?
  6. 6. Tama, at ang panghuling katanungan, subukin mo nga Ilaiza. Tumpak! C. PAGPAPAYAMAN Ngayon, manonood naman kayo ng isang bidyo. (Ipapanood sa klase ang bidyo tungkol sa isyung same sex marriage na binitawang salita ni Manny Pacquiao) Para sa panghuling gawain, sa dating mga grupo, gumawa ng headline mula sa napanood na bidyo. Ang gawaing ito ay tatapusin sa loob ng tatlong minuto. Ang oras ay mag-uumpisa na. Natapos na ang tatlong minuto, maaari na ninyong ibahagi sa klase ang nagawang headline ng bawat grupo. Umpisahan natin sa grupong BALITA, sa grupong TSISMIS, sa grupong ISPORTS, sa grupong LITERATURA, at ang grupong PALAISIPAN. Mahusay ang lahat. D. PAGTATAYA Bago ko iwan ang inyong takdang-aralin ay magkakaroon muna kayo ng maikling pagsusulit. Maglabas ng isang kapat na papel at alamin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Tapos na ba klas? -PINAS po guro. 3. Ito ay tawag sa uri ng tabloid na sagad sa kalaswaan? -Smut tabloid po guro. (Manonood ng bidyo) (Gagawa ng isang headline) (Magbabasa ng nagawang headline ang bawat grupo) (Sasagutin ang pagsusulit) Opo guro.
  7. 7. Maaari na kayong magpalitan ng papel sa inyong katabi. Ito ang mga kasagutan sa mga katanungan. (Ipapakita ang mga sagot) Pakipasa na ang mga pape. E. TAKDANG-ARALIN Para sa inyong takdang-aralin. Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga bahagi o pahina nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay kung bakit inilagay ang bahaging iyon at kung ano ang inaasahan nitong mambabasa. Pangalan ng tabloid: Petsa ng pagkakalathala: Bahagi Deskripsyon Pagsususri Iyan lamang para sa araw na ito. Paalam! (Magpapalitan) (Magtsetsek) (Magpapasa) Paalam din po guro.

×