3. Halika, umpisahan natin ang pagtalakay…
Alam kong maraming katanungan ang gumugulo sa
iyong isipan. Isa na rito ang mga pangyayari
na kinapapalooban ng pakikipagsapalaran ko
tungo sa aking layunin. Subalit sa paglalakbay
nating ito, dalawang bagay lamang ang nais ko mula
sa iyo: una, buksan mo ang iyong kamalayan, puso at
isipan at hayaang dumaloy sa iyong katawan ang epekto ng mga pangyayaring iyong
mararanasan. Ikalawa, imulat mo ang iyong mga mata at hayaaang mahigop ng iyong
kaisipan ang mga mahahalagang impormasyon na posible mong matutunan
patungo sa paglalakbay na ito.
Marahil ay nakapaglakbay ka na. Kung hindi pa, ganito iyon. Kapag malayo ang
biyahe, sa kahit na anumang uri ng sasakyan, dumaraan ito sa mga istasyon upang magpahinga at
kumain. Ganoon din tayo, dadaan tayo sa iba’t ibang istasyon na mayroong
iba’t ibang gawain upang magsilbing pagkain ng ating kaisipan.
Ipapaliwanag ko muna sa iyo ang makikita mo sa bawat istasyon para alam mo ang
panahong gugugulin sa bawat bahagi at hindi ka mapag-iwanan ng iyong
sasakyan.
Magandang araw sa
iyo! Marahil ay
nakahanda ka nang
magsimula. Ito ang
modyul na pag-aaralan
mo sa Social Studies sa
Baitang 9.
Simple lang ang
aralin sa bahaging ito ng
modyul. Kailangan
lamang na mag-ukol ka
ng kaunting oras upang
matagumpay mong
matugunan ang mga
pangangailangan ng
araling ito.Samahan niyo kami sa
pag-aaral sa Scientific
Revolution!
4.
5. Ang unang istasyon(1) ay ang PATNUBAY(Guide Card). Ano
ang nakitamo …Tama ka! Ang ating layunin at mga araling ating
daraanan sa ating paglalakbay.
Ang ikalawang istasyon(2) ay ang MGA PAGSUBOK(Activity
Card). Ito ang maypinakamahabaat pinakamahirap na istasyong
hihintuan mo. Makikitamo rito ang iba’t ibanggawain na susubok sa
iyong kasanayan at pagkamalikhain. Binubuo ito ng mga aralin na
tutulong upang matamo mo ang iyong layunin. Kaya dapat ay
marami kang baongpagkain na pangkaisipan. Pero huwag kang
mag-alala, nakawiwili ang istasyongito at tiyak na masisiyahan ka.
Sinisigurado kong hindi ka maiinip.
Ang ikatlongistasyon(3) ay ang MGA PAGTATAYA
(Assessment Card). Makikitano rito ang mga karagdagang aralin at
gawain na higit pang magpapayamansa iyong kasanayan.
Ang ikaapat na istasyon(4) ay ang PAGPAPALALIM
(Enrichment Card). Makikitamo ang pangalawa sa huling gawain na
higit na magpapayaman sa iyong pagiging mapamaraan.
Ang ikalimang istasyon(5) ay ang TAMA KA (Reference Card).
Dito mo makikitakunghindi ka naligaw sa iyong paglalakbay. Narito
ang susi sa pagwawasto sa mga gawaing isinagawa mo sa mga
naunang mga istasyon.
6. Mahika, mistisismo at mga lumang sulatin ang nakapangyari
sa kaisipan ng mga Europeo noong Panahong Midyibal. Ibinase ng
mga Midyibal na iskolar ang kanilang mga teorya sa mga prinsipyo
atideya ng mga Klasikal na pilosopo gaya nina Aristotle, Ptolemy at
Galen.Pinaniwalaannila na ang mundo ay patag at kapag ang isang
maglalakbay sa karagatan ay nakarating sa dulo nito ay posible
siyang mahulog sa pinakadulo. Maging ang doktrina ng Simbahan
ay pinalaganap ang pagtuturo na ang mundo ang sentro ng
Sansinukuban(Universe). Ang patunay dito ng Simbahan ay batay sa
pagsasabing ang mundo ang tirahan ng tao kaya ito ang sentro ng
Sansinukuban.
Noong ika-16 na siglo, ay lumaganap ang panibagong kaisipan
sa tulong ng mga imbensiyon at pagsusuri ng mga siyentipikong
gaya nina Nicolaus Copernicus at Galileo Galilei. Ito ang naging
pasimula ng mga Makabagong Kaisipan o naging kilala sa
katawagang Rebolusyong Siyentipiko. Sinundan ito ng mga
inobasyon at pagtuklas ng mga makabagong gamit na nagpabilis sa
produksiyon ng mga Europeo at nagpatatatag ng kanilang
komersiyo, kalakalan at pangkabuhayan. Ang kaisipang ito ang
naging daan din sa pagtuklas at pag-imbento ng mga makabagong
makinarya na nakapagpabilis atnagparami ng produksiyon ng mga
taga Hilagang Amerika at Europa. Ang Panahon ng Industriya ay
isinilang kaya naging daan ito sa pagkakaroon ng “ factory system”
o mga malalaking industriya; pag-unlad ng komunikasyon at
transportasyon; paglawak ng pamilihang internasyonal; at
pagbubuo ng panggitnang uri ng antas ng pamumuhay ng mga tao
o ang “middle class”.
15. Assessment #1
Isulat kung ang pangungusap ay tama o mali.
1. Isaac Newton ang father of modern
physics.
2. Si Robert Boyle ang nakatuklasng
sirkulasyon ng dugo.
3. Si Gerardus Mercator ang gumawa ng
Mercator Projection.
4. Si Antoine Lavoisier ang naka diskubre
ng oxygen.
5. Si Alexandre Koyré ang nagpakilala ng
salitang “Scientific Revolution”.
6. Si Nicolas Copernicus ang naglathalang
heliocentric theory.
7. Theory of Magnetism and electricity ay
nilathalani William Gilbert.
8. Si Edmund Halley ang naglathalang
Novum Organum.
9. Si Galileo Galilei ang guma ng
teleskopyo.
10. Si William Harvey ang naglathalang
“three laws of planetary motion”.
16. ASSESMENT #2
PAGTAPAT-TAPATIN
1. Isaac Newton ModernChemistry
2. Nicolas Copernicus Law of Gases
3. Teleskopyo Edmund Jemer
4. vaccination Galileo Galilei
5. Robert Boyle Father of ModernPhysics
6. Antoine Lavoiser Discourseon the Method
7. Gerardus Mercator Heliocentric Theory
8. Rene Descartes Mercator Projection
9. William Harvey NovumOrganum
10. Sir Francis Bacon sirkulasyon ng dugo
17. ASSESMENT #3
AYUSIN ANG MGA LETRA
1. NCABO RNAFSCI – Novum Organum
2. NTIOCIACVAN – Edmund Jemer
3. ERNE TEDSARSEC - Discourse on the Method
4. MIWILLA YAHRVE - sirkulasyon ng dugo
5. CAIAS TENWON - Father of Modern Physics
6.BROTRE OYLEB - Law of Gases
7. DUSARREG EMRACROT - Mercator Projection
8.OPYKOETLES - Galileo Galilei
9.SALINOC USCPINEROC - Heliocentric Theory
10. NIETONA SIREVOAL - Modern Chemistry
19. Enrichment Card 1
Subukin natin!
Panuto: Ibigay ang
hinihingi ng sumusunod
na bilang.
1-7 mga siyentipiko
noong panahon nito
8-15 ilang pilosospo sa
scientific revolution
15-20 ano ang scientific
revolution
20. EnrichmentCard 2
MatchMeBaby!
Panuto: Pagtapatin ang angkop na depenisyonng mga sumusunod sa hanay A at B
A B
a. Francois Marie Arouet/ Voltaire - isang pilosopong French na
nagtaguyod ng paniniwalang ang demokrasya ay lalo lamang
nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa; ang isang
enlightenedmonarch lamang na pinayuhan ng mga intelektwal ang
maaaring makapagdulot ng pagbabago
b. Thomas Hobbes - pilosopong English; sa kanyang akdang Leviathan
kanyang inilahad ang katangian ng tao at ng estado; unang
tumalakay ng ideya ng kasunduang panlipunan (socia contracts)
c. John Locke - mahalaga ang gitnang uri at ang kanilang karapatan sa
pagmmay-ari, pananampalataya sa agha, at tiwala sa kabutihan ng
sangkatauhan; sa kanyang Essay Concerning Human
Understanding, tinalakay ang konsepto ng tabula rasa - ang utak ng
tao ay para lamang blangkong papel na magkakaroon lamang ng
laman sa pamamagitan ng paggamit ng limang pandama
d. Baron de Montesquieu -sa kanyang akdang The Spirit of Laws
kanyang inihambing ang tatlong uri ng pamahalaan - republika,
monarkiya, despotismo
e. DenisDiderot -patnugot ng Encyclopedie na siyang tumipon sa
halos lahat ng mahalagang manunulat na French sa panahon ng
Enlightenment para maambag ang nasabing akda
f. Jean Jacques Rousseau - Swiss-Frenchna pilosopo, manunulat,
teoristang pulitikal at kompositor; sa kanyang akdang Emile
tinuligsa niya ang tradisyunal na ideya na ang edukasyon ay
pagtuturo ng lahat ng bagay sa isang bata bagkus ito'y
pagpapalabas o pagpapalitaw kung ano na ang meron na
21. ENRICHMENTCARD 3
SINO AKO?
Panuto: Ilagay sa ibaba ng larawan ang pangalan ng ilan sa mga siyentipikong nakilala noong
scientific revolution.
Binabati kita sa matagumpay mong
paglalakbay. Tunay kang kahanga-
hanga!
28. Assessment Card
ASSESMENT#1
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. MALI
ASSESMENT#2
1. Father of Modern Physics
2. HeliocentricTheory
3. Galileo Galilei
4. Edmund Jemer
5. Law of Gases
6. Modern Chemistry
7. Mercator Projection
8. Discourse on the Method
9. sirkulasyon ng dugo
10. Novum Organum
ASSESMENT#3
1. Francis Bacon
2. Vaccination
3. Rene Descartes
4. William Harvey
5. Isaac Newton
6. Robert Boyle
7. Gerardus Mercator
8. Teleskopyo
9. Nicolas Copernicus
10. Antoine Lavoiser
29. Enrichment Card
Enrichment Card 1
Nicolaus Copernicus
Andreas Vesalius
Galileo Galilei
Johannes Kepler
William Harvey
Rene Descates
Isaac Newton
Enrichment Card 2
B
C
D
A
E
F
Enrichment Card 3
1-7
Nicolaus Copernicus
Andreas Vesalius
Galileo Galilei
Johannes Kepler
William Harvey
Rene Descates
Isaac Newton
8-15
John Howard
Thomas Hobbes
John Locke
Voltaire
Montesquieu
Denis Diderot
Rousseau
Cesare Beccaria
15-20
Nagwakas sa mga paniniwalang namayani sa Middle Ages na walang matibay
na batayang siyentipiko panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala
na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa ika - 17 siglo.