Anzeige
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige
Anzeige

Q2 lesson 10 kilusang propaganda

  1. Aralin 10 Kilusang Propaganda Pag-usbong ng Nasyonalismo Reporma sa Mapayapang Paraan Inihanda ni: Arnel O. Rivera
  2. Pagsilang ng Diwang Makabansa Mga pangyayari noong ika-19 na siglo na naging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. • Liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre • Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan • Pagbubukas ng Canal Suez • Pagkakaroon ng pangkat na ilustrado • Pagtatatag ng Kilusang Sekularisasyon • Pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA)
  3. Kilusang Propaganda  Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA, sumidhi ang diwang makabansa ng mga Pilipino. Naghangad sila ng mga repormang panlipunan.  Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas.
  4. Layunin ng Kilusang Propaganda  Makaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Spain.  Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas.  Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas.  Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas.  Ipagkaloob sa mga Pilipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita.
  5. La Solidaridad  Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.  Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena. Pumalit sa kanya si Marcelo H. del Pilar noong Disyembre 15, 1889.
  6. Layunin ng La Solidaridad  Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran.  Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan.  Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito.
  7. Mga Nobela ni Rizal  Sa mga aklat na ito, tinuligsa ni Rizal ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng sistema ng pamahalaang Español. Noli Me Tangere (1887) El Filibusterismo (1891)
  8. La Liga Filipina  Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas.  Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.  Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang samahan dahil ipinahuli ni Gobernador- Heneral Eulogio Despujol si Rizal noong Hulyo 7, 1892 upang ipatapon sa Dapitan.
  9. Konklusyon  Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil hindi dininig ng Spain ang mga karaingan ng mga Pilipino.  Isa rin sa dahilan ng pagkabigo ng kilusan ang kawalan ng pondo upang maipagpatuloy ang mga gawain ng samahan.  Ang pagkabigo ng Kilusang Propaganda ang naging simula ng Rebolusyon.
Anzeige