Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Ekonomiks Teaching Guide Part 3

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
33
DEPED COPY
PANIMULA
Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan
at pangangailangan ng ...
34
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga larawan ang nagturo sa iyo sa tamang sagot?
2.	 Sa iyong palagay, ano a...
35
DEPED COPY
Gawain 3: ENTRANCE AT EXIT SLIP
	 Papunan ng matapat na sagot ang dalawang kahon sa ilalim ng entrance slip....
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 36 Anzeige

Ekonomiks Teaching Guide Part 3

Herunterladen, um offline zu lesen

Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 3

------------------
Source: DepEd

Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay

Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 3

------------------
Source: DepEd

Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay

Anzeige
Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Ekonomiks Teaching Guide Part 3 (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Ekonomiks Teaching Guide Part 3

  1. 1. 33 DEPED COPY PANIMULA Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang Ekonomiks. Ang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat na ito ay bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapagsusuri sa kaugnayanngalokasyonsakakapusan,pangangailangan,atkagustuhan,mapahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang pangangailangan, at makapagsusuri ng mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan. ARALIN 4: ALOKASYON Gawain 1: FOUR PICS ONE WORD Ipasuri ang apat na larawan upang mabuo ang hinahanap na salita. S Q A L K O O N Y I A B Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa alokasyon at kung bakit kailangan ng mekanismo sa alokasyon ng pinagkukunang-yaman sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. ALAMIN
  2. 2. 34 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga larawan ang nagturo sa iyo sa tamang sagot? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng salitang nabuo? Gawain 2: SISTEMA IKAMO? Papiliin ang mga mag-aaral sa mga hanay ng salita sa ibaba na angkop sa bawat larawan. Ipasulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan. Tradisyonal na ekonomiya Mixed economy Command economy Market economy Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya? Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang entrance at exit slip upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa alokasyon.
  3. 3. 35 DEPED COPY Gawain 3: ENTRANCE AT EXIT SLIP Papunan ng matapat na sagot ang dalawang kahon sa ilalim ng entrance slip. Ang exit slip ay sasagutan lamang pagkatapos ng aralin. ENTRANCE SLIP EXIT SLIP Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa alokasyon, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan nang mas malalim ang konsepto nito. Ang alam ko tungkol sa alokasyon ay ... Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay ... Ang natutuhan ko tungkol sa alokasyon ay ... PAUNLARIN Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon ng mga mag-aaral. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa alokasyon. Inaasahan na magagabayan ang mga mag-aaral ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan kung bakit kailangan ng mekanismo ng alokasyon ng pinagkukunang-yaman sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?
  4. 4. 36 DEPED COPY Gawain 4: TANONG AT SAGOT Papunan ang kahon sa kaliwa ng apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko batay sa mga ibinigay na halimbawa sa kanang bahagi nito. • Palay, mais, kotse, o computer • Tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya • Mamamayan sa loob o labas ng bansa • 500 kilo ng bigas o 200 metrong tela Gawain 5: DATA RETRIEVAL CHART Magpasaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pang-eko- nomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magpabigay ng tatlo hanggang limang bansa at isulat ito sa kanang bahagi ng tsart. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSA Tradisyunal na ekonomiya market economy command economy mixed economy Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa alokasyon, maaari na silang magpatuloy sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda sila para sa mas malalim na pag-unawa sa konseptong ito. Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa alokasyon. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto ng alokasyon upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. PAGNILAYAN
  5. 5. 37 DEPED COPY Gawain 6: REPLEKSIYON Ngayon ay maaari nang itala ng mga mag-aaral ang lahat ng impormasyon na kanilang natutuhan sa aralin. Ipalagay o ipasulat sa isang buong papel at ipaipon sa kanilang portfolio ang naging kasagutan para mabasa ng guro at mabigyan ng grado. ANG AKING NATUTUHAN SA ARALIN ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Gawain 7: DIALOGUE BOX Papunan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon. Ano ba ang katangian ng tradisyonal na ekonomiya? Paano mo ilalarawan ang market economy?
  6. 6. 38 DEPED COPYPamprosesong Tanong: 1. Batay sa usapan ng mga tauhan sa itaas, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas? 2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang- ekonomiya na paiiralin sa ating bansa, anong sistema ang iyong pipiliin? Bakit? Gawain 8: ENTRANCE AT EXIT SLIP Papunan ng matapat na sagot ang exit slip. Sa pagkakataong ito ay inaasahang masasagot na nang wasto ng mga mag-aaral ang gawain. ENTRANCE SLIP EXIT SLIP Ang alam ko tungkol sa alokasyon ay... Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay... Ang aking natutuhan tungkol sa alokasyon ay... Sa command economy, sino ang nagpaplano ng ekonomiya? Bakit kaya ito tinawag na mixed economy?
  7. 7. 39 DEPED COPY PANIMULA Saaralingitoaymauunawaanngmgamag-aaralangkonseptongpagkonsumo. Inaasahang masusuri at matataya nila ang kanilang mga pamantayan sa pagbuo ng matalinong desisyon tungo sa pagiging matalinong konsyumer. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapagpaliliwanag ng konsepto ng pagkonsumo, makapagsusuri ng mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo, makapagpapamalas ng talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili, makapagtatanggol ng mga karapatan, at magagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili. ARALIN 5: PAGKONSUMO Gawain 1: PAGBILHAN PO! Ipasuri sa mga mag-aaral ang sitwasyon at pasagutan ang pamprosesong tanong. Ipagpalagay na mayroon kang Php500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin? Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa alokasyon at kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa isang matatag na ekonomiya. ALAMIN
  8. 8. 40 DEPED COPY Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano-anong mga pagkain ang iyong bibilhin? 2. Ano ang iyong naging batayan sa pinili mong pagkain? Gawain 2: WQF DIAGRAM Pabigyang-pansin ang paksa sa pagbuo ng WQF Diagram. Ipatala sa kahon ng W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahon ng Q (questions), bumuo ng tatlo hanggang limang tanong na nais masagot ng mga mag- aaral tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts), ipasulat ang kanilang mga bagong natutuhan tungkol sa paksa. Sasagutan lamang ang bahaging F (facts) pagkatapos ng aralin. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin at hayaang magbigay ng sariling kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa paksa. Iwawasto ang mga kasagutan ng mga mag- aaral sa huling bahagi ng aralin, ang PAGNILAYAN. PAGKONSUMO Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang dayagram upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pagkonsumo. Matapos maisaayos ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pagkonsumo, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ang konsepto ng pagkonsumo. W Q F __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ __
  9. 9. 41 DEPED COPYGawain 3: WQF DIAGRAM Ngayon ay muling pasasagutan ang WQF Diagram. Ipatala sa kahong W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahong Q (questions) ay muling pabuuin ng tatlo hanggang limang tanong ang mga mag-aaral na nais nilang masagot tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts) ipasulat ang kanilang mga bagong natutuhan tungkol sa paksa. PAGKONSUMO W Q F __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ __ PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng mga mag-aaral ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pagkonsumo. Inaasahang magagabayan sila ng mga inihandang gawain at teksto sa pagsagot kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa isang matatag na ekonomiya.
  10. 10. 42 DEPED COPY Gawain 4: MATALINO AKONG KONSYUMER Ngayong alam na ng mga mag-aaral ang mga katangian ng isang matalinong konsyumer, ipasuri naman ang kanilang sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang pasagutan ang tsart ng buong katapatan upang magsilbi itong gabay sa pagpapaun- lad ng kanilang katangian bilang konsyumer. Pamarkahan ang kanilang sarili bilang mamimili. Palagyan ng tsek ( / ) ang bawat pamilang: 1 – napakatalino 3 – di-gaanong matalino 2 – matalino 4 – mahina 4 3 2 1 1. Madaling maniwala sa anunsiyo 2. Mapagmasid 3. Alam kung ano ang gagawin sa oras na makabili ng depektibong produkto 4. Mahilig tumawad 5. Matipid 6. Alam ang karapatan at pananagutan 7. May listahan ng bibilhin 8. Mabilis magdesisyon 9. Sumusunod sa badyet 10. Mahilig sa mura ngunit de kalidad na bilihin Halaw mula sa Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.) Project EASE: araling panlipunan. DECS. Pasig City Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pagkonsumo, maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga mag- aaral ang nabuo nilang kaalaman ukol sa pagkonsumo. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa pagkonsumo upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. PAGNILAYAN
  11. 11. 43 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Kung may mga sagot kang 3 at 4 sa tsart sa bawat isang katangian, ano- ano ang mga dapat mong gawin upang mabago ang mga katangiang ito? 2. Kung may mga sagot kang 1 at 2 sa tsart, ano ang epekto sa iyo ng mga katangian mong iyon? Bakit? Gawain 5: LIGHTS, CAMERA, ACTION! Magpagawa ng dula-dulaan na magpapakita ng sumusunod na tema: (Maaaring ang gawaing ito ay pauna nang ibinigay ng guro upang mapaghandaan ang dula-dulaan). Unang Pangkat – Katangian ng Matalinong Mamimili Ikalawang Pangkat – Mga Karapatan ng Mamimili Ikatlong Pangkat – Mga Tungkulin ng Mamimili Gagamitin ang rubrik sa ibaba sa pagbibigay ng marka sa dula-dulaan: Iskrip Maayos at malinaw ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya 5 puntos (pinakamataas) Presentation (Pagpapalabas) Nagpapakita ng pagkamalikhain 5 puntos (pinakamataas) Characters (Tauhan) Makatotohanang pagganap 5 puntos (pinakamataas) Theme (Paksa) May kaisahan at organisado ang diwa 5 puntos (pinakamataas) Relevance (Kaangkupan) Maaaring gamitin ang sitwasyon sa pang- araw-araw na pamumuhay. 5 puntos (pinakamataas) Pamprosesong Tanong: Para sa unang pangkat: 1. Ano-anong katangian ng matalinong konsyumer ang ipinakita ng unang pangkat? 2. Bakit kailangang magtanong-tanong muna ng presyo at lugar kung saan dapat mamili ng mga produkto o serbisyo? Para sa ikalawang pangkat: 1. Ano-anong karapatan ng mga konsyumer ang ipinakita ng ikalawang pangkat? 2. Bakit kailangang malaman natin ang ating mga karapatan bilang mga konsyumer? 3. Ano sa tingin mo ang karapatan ng konsyumer ang madalas na hindi napapahalagahan? Magbigay ng mga sitwasyon.
  12. 12. 44 DEPED COPY Para sa ikatlong pangkat: 1. Ano-ano ang tungkulin ng konsyumer na ipinakita ng pangatlong pangkat? 2. Ano-ano ang kahalagahan ng paghingi ng resibo sa mga produkto at serbisyong binili? 3. Bakit kailangang umiwas sa pagbili ng mga produktong kulang ang etiketa na nakasulat sa pakete, halimbawa manufacturer, expiry date, at ingredients? Gawain 6: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO! Sitwasyon: Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na binabanggit sa ibaba. Magpagawa sa mga mag-aaral ng kaukulang letter of complaint na ipararating sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Papiliin lang ang mga mag-aaral ng isang sitwasyon. 1. depektibong cellphone 2. lipstick na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi 3. double dead na karne ng baboy 4. maling timbang ng asukal 5. serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok Gawain 7: BABALIK KA RIN Ngayon ay maaari nang balikan ang unang gawain sa aralin upang maitala ang lahat ng bagay at impormasyon na kanilang natutuhan. Ipalagay o ipasulat ito sa isang buong papel at ipaipon sa kanilang portfolio ang naging kasagutan para mabig- yan ng grado. Mga paksang malinaw na natutuhan Mga paksang kailangan pa ng karagdagang paliwanag
  13. 13. 45 DEPED COPY PANIMULA Sa ating pang-araw-araw na buhay, kaakibat ng ating pagkonsumo ay ang produksiyon upang matugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan. Ngunit, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung papaano nabuo ang mga produkto at serbisyo? Ano ang mga sangkap na kinakailangan upang ito ay mabuo? Upang masagot ang katanungan sa itaas, tatalakayin sa aralin na ito ang mga salik ng produksiyon at implikasyon nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ang proseso sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na produksiyon. Sa pagtahak sa landas ng kaalaman, ang mga mag-aaral ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mapanghamong gawain na pupukaw sa kanilang interes. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapagpapali- wanag sa kahulugan ng produksiyon at mapahahalagahan ang mga salik at implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. ARALIN 6: PRODUKSIYON Gawain 1: INPUT OUTPUT Ipasulat sa loob ng kahon ng input ang mga bagay na kailangan upang mabuo ang produktong makikita sa output. Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa produksiyon at kung gaano kahalaga ang produksiyon at mga salik nito sa pang- araw- araw na pamumuhay. ALAMIN 11 1. 2. 3. 4. 5. 6. Input Output
  14. 14. 46 DEPED COPYPamprosesong Tanong: 1. Nahirapan ka ba sa pag-iisip ng mga input o sangkap na kailangan para sa output? Bakit? 2. Sa iyong palagay, ano ang ugnayan ng mga sangkap na nasa kahon ng input at ang larawan na nasa kahon ng output? 3. Ano ang katawagan sa proseso na nag-uugnay sa kahon ng input at sa kahon ng output? Gawin 2: TRAIN MAP Ipaayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakabuo ng produkto. Ipalagay ang bilang ng larawan sa mga kahon sa ibaba. 1 . 2 . 1. 2. 3. 4. 5. 6. Input Output 12 1. 2. 3. 4. 5. 6. Input Output 13
  15. 15. 47 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Sa iyong palagay, paano nagkakaugnay-ugnay ang mga larawan? 2. Ano ang naging batayan mo sa pagsasaayos ng larawan? 3. Ano ang tawag sa prosesong naganap mula sa una hanggang sa ikaapat na larawan? Gawain 3: IRF Chart Ipasagot ang IRF chart. Ipasulat sa hanay ng I–initial ang kasagutan sa tanong na Ano ang produksiyon? Ano-ano ang salik nito at ang implikasyon nito sa pang- araw-araw na pamumuhay? Ang dalawang natitirang hanay ay pasasagutan sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral sa paksa. IRF Chart I- nitial Answer R- evised Answer F- inal Answer = Matapos maorganisa ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa produksiyon, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ang konsepto ng produksiyon. 3 . 4 . Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa produksiyon.
  16. 16. 48 DEPED COPYGawain 4: CONCEPT MAPPING Papunan ng angkop na salik ng produksiyon ang concept map. Ipasulat sa loob ng bilog ang kahalagahan ng bawat isa sa proseso ng produksiyon. Ipasagot ang tanong na nasa kahon. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang salik ng produksiyon? Ipaliwanag ang ginagampanan ng bawat salik sa proseso ng produksiyon. 2. Sa iyong palagay, alin sa sumusunod na salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksyon? Pangatwiranan. PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan nila ng impormasyon.Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa produksiyon. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan sila upang masagot kung gaano kahalaga ang produksiyon at mga salik nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Halina’t umpisahan sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba. Ano ang kahalagahan ng produksiyon at ng mga salik nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
  17. 17. 49 DEPED COPY Gawain 5: IKOT-NAWAIN Ipasuri ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot na daloy ng produk- siyon. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang inilalarawan ng dayagram? 2. Batay sa dayagram, paano nauugnay ang input sa output? Ipaliwanag. 3. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng dayagram sa iyong pang-araw- araw na buhay? Gawain 6: S P G – (SANGKAP sa PRODUKSYON i-GRUPO) Ipalista ang mga bagay na ginamit sa paggawa ng sumusunod na produkto. Ipauri din ang sumusunod kung ang salik ay lupa, lakas-paggawa, kapital, o entrepre- neurship. Ipagamit ang talahanayan sa ibaba sa pagsagot. Produkto Mga ginamit sa pagbuo ng produkto Klasipikasyon ng salik ng produksiyon 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 1. 2. 3. 4. 5. 6. Mga Kabayaran sa Salik ng Produksiyon Upa, sahod, interes, at kita OutputProsesoInput Mga Kabayaran sa Salik ng Produksiyon Upa, sahod, interes, at kita
  18. 18. 50 DEPED COPY 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=cell+phone&biw=1024&bih=499&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=BQJqVPTY N4StmgXj94Iw&sqi=2&ved=0CAYQ_AUoAQ#facrc=_&imgdii=_&imgrc=0eFP9LFHnGWyNM%253A%3Bq0ofBtC7yOKtFM%3Bhttp% 253A%252F%252Fs.tmocache.com%252Fcontent%252Fdam%252Ftmo%252Fen-p%252Fcell-phones%252Fapple-iphone-5s%252 Fsilver%252Fstills%252Fcarousel-apple-iphone-5s-silver-380x380-1.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.t-mobile.com%252Fcell- phone-deals.html%3B380%3B380 Retrieved on July 2, 2014 http://images.clipartpanda.com/variety-clipart-variety_of_candies_in_brightly_colored_wrappers_0071-0909-1914-0625_SMU.jpg http://www.tummydiary.com/random-posts/happy-national-breakfast-day-heres-our-fave-pinoy-breakfast/: Retrieved on July 2, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ano ang naging batayan mo sa klasipikasyon ng iba’t ibang sangkap na ginagamit sa produksiyon? 2. Ipaliwanag ang bahaging ginagampanan ng ibat ibang salik ng produksiyon sa pagbuo ng produkto at serbisyo. Gawain 7: IRF CHART Sa pagkakataong ito, ipasagot na sa mga mag-aaral ang IRF Chart. Kung natatandaan ay ipinasulat na ang I–initial na kasagutan ng mga mag-aaral sa tanong na “Ano ang produksiyon?” Ano-ano ang salik nito at ang implikasyon nito sa pang- araw-araw na pamumuhay? Ngayon naman ang pagkakataon na baguhin o i-revise ang naunang kasagutan nila. Ipaayos ang mga konsepto na taliwas sa kanilang napag-aralan. Ipasulat ang kanilang kasagutan sa bahagi ng revised. I- nitial Answer R- evised Answer F- inal Answer Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa produksiyon, maaari na silang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda sila para sa mas malalim na pag-unawa ng konsepto ng produksiyon.
  19. 19. 51 DEPED COPY Gawain 8: NEWS ANALYSIS Ipabasa at ipasuri ang balita na may pamagat na “Hataw sa Rice Production, Pararangalan.” Pagtuunan ng pansin ang nilalaman, organisasyon, mensahe, pagkamalikhain, at kapakinabangan ng binasang lathalain. Pagkatapos ay pasagutan ang mga tanong sa ibaba. Hataw sa Rice Production, Pararangalan Posted by Online Balita on Mar 15th, 2013 CABANATUAN CITY – Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA) ng Agri- Pinoy Rice Achievers Award ang mga lalawigan, bayan, at indibidwal na malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng pamahalaan na staple self-sufficiency. Sinabi ni DA Regional Executive Director Andrew Villacorta na kabilang ang Nueva Ecija at Bulacan sa sampung top performing provinces sa buong bansa. Sila ay makakakuha ng tig-aapat na milyong pisong halaga ng mga proyekto. Kasama naman sa 48 na nagwagi sa municipal category at makakatanggap ng tig-isang milyong pisong halaga ng mga proyekto ang Talavera, Guimba, General Tinio, Llanera, Sta. Rosa, Sto. Domingo, Cuyapo, at Lupao sa Nueva Ecija at maging ang San Rafael sa Bulacan. May kabuuang 87 technicians at opisyal naman sa Gitnang Luzon ang itinanghal na Outstanding Agricultural Extension Workers (AEW) na mag-uuwi ng tig-Php20,0000 halaga ng insentibo. May 350 iba pang AEWs, 10 irrigators’ associations at tatlong small water impounding system associations sa buong kapuluan ang pagkakalooban din ng naturang pagkilala sa isang seremonya ngayong araw sa Philippine International Convention Center. Nakapagtala ang Gitnang Luzon ng 138 porsiyentong rice sufficiency level noong nakaraang taon kahit pa sinalanta ito ng matinding pag-ulan dulot ng habagat. Sinabi ni Villacorta na umabot sa 3,220,607 metriko toneladang palay mula sa 675,781 ektarya ang naani, na ang average yield ay 4.77 metriko tonelada kada ektarya. Ang produksiyon noong 2012 ay 23 porsiyentong mas mataas kumpara sa 2,616,083 metriko toneladang naitala noong 2011 at ito ay nakaambag sa 18 porsiyento ng pambansang produksiyon alinsunod sa Food Staple Self-Sufficiency Program. Ayon sa Regional Agriculture Chief, ang pagsasanib ng mga programa at proyekto patungkol sa climate change adaptation ng mga tanggapan ng pambansa at lokal na pamahalaan ang dahilan ng agarang pagkabawi mula sa sakuna at paglago ng produksiyon. – Light A. Nolasco Pinagkunan:http://www.balita.net.ph/2013/03/15/hataw-sa-rice-production-pararangalan/ Retrieved on November 7, 2014 Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong kaalamanngmgamag-aaralukolsaproduksiyon.Kinakailanganangmasmalalim na pagtalakay sa konsepto ng produksiyon at mga salik nito upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. PAGNILAYAN
  20. 20. 52 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Aling mga pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng parangal na Agri-Pinoy Rice Achievers Award? 2. Paano natamo ng mga bayan at lalawigang ito ang mataas na antas ng produksiyon sa bigas? Paano kaya makatutulong ang mga salik ng produksiyon sa pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa bansa? 3. Ano ang layunin ng “Food Staple Self-Sufficiency Program” ng pamahalaan? 4. Paano nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng produksiyon ng bigas? Gawain 9: IRF CHART Muling pabalikan ang IRF Chart. Sa bahaging ito ay ipasulat na ang final na kasagutan ng mga mag-aaral batay sa kanilang pag-unawa sa paksang tinalakay. Inaasahan din na malinaw nang masasagot ang mga katanungang: Ano ang produksiyon? Ano-ano ang salik nito at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? I-nitial R-evised F-inal Gawain 10: PAGBUO NG COLLAGE Bumuo ng apat na grupo sa klase at pagawain ng collage tungkol sa mga salik ng produksiyon. Papiliin ng isa sa mga salik ang mga mag-aaral. Tiyaking may napiling magkakaibang salik ang bawat grupo. Magpagupit ng mga larawan mula sa pahayagan o magasin at ipadikit ang mga ito sa isang buong kartolina. Palagyan ng maikling pahayag sa ibaba ng collage tungkol sa kahalagahan at kapakinabangan ng napiling salik. RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos 1. Nilalaman Naipakikita ang mga bumubuo, gamit, at kahalagahan ng salik ng produksiyon 10 2. Presentasyon Maayos at malinis ang presentasyon 10 3. Malikhaing Pagbuo Gumamit ng recycled materials at angkop na disenyo ayon sa salik na napili 10 4. Caption/Pahayag Naglalaman ang pahayag ng angkop na paliwanag ukol sa gamit at kahalagahan ng salik ng produksiyon 10
  21. 21. 53 DEPED COPY PANIMULA Ang negosyo ay may malaking ginagampanan sa ekonomiya ng bansa. Ito ay pangunahing pinagmumulan ng trabaho at kita. May iba’t ibang uri ang negosyo batay sa laki ng puhunan at dami ng kasapi. Tutuklasin sa araling ito ang mga katangian at tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo. May iba’t ibang gawain na inihanda at tataya sa kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa paksa. Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasabuhay ng mga mag-aaral ang pagkaunawa sa konsepto ng organisasyon ng negosyo at ang mga tungkulin nito. ARALIN 7: MGA ORGANISASYON NG NEGOSYO Gawain 1: BUSINESS AS USUAL Ipasuri ang mga larawang nasa ibaba. Matapos nito, pasagutan ang mga ka- tanungan sa pamprosesong tanong. http://www.nacentralohio.com/wp- content/uploads/2013/03/Virtue-Vegan-Salon- logo.jpg Retrieved on November 7, 2014 Bernice and Vina Beauty Parlor http://pinoytransplantiniowa.files.wordpress.com/201 1/02/micro-entrepreneur.jpg Retrieved on November 7, 2014 Aling Sonia’s Sari- Sari Store Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa mga organisasyon ng negosyo at kung ano-ano ang katangian at tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo. ALAMIN
  22. 22. 54 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang mga larawan na ipinakita sa itaas? 2. Pare-pareho ba ang mga negosyo ayon sa laki ng puhunan? 3. Kung pagbabatayan ang bilang ng nagmamay-ari, pare-pareho rin ba ito? 4. May kilala ka bang nagmamay-ari ng negosyo? Ilan ang nagmamay-ari nito? Gawain 2: WQF DIAGRAM Pagawan ng WQF dayagram ang paksa ukol sa organisasyon ng negosyo. Isaalang-alang ang sumusunod na panuto sa pagbuo nito: 1. Ipatala sa bawat kahong nasa ibaba ng W (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa. 2. Sa kahon ng Q (questions), magpabuo ng 3-5 tanong na nais masagot ng mga mag-aaral tungkol sa paksa. 3. Ipagpaliban ang pagsagot sa F (facts). Pabalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan. Sa susunod na bahagi ay pasagutan ang WQF Diagram upang inisyal na masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa konsepto ng mga organisasyon ng negosyo. http://www.visitinclinevillage.com/wp- content/uploads/2011/11/business-crystal-bay-incline- village-llc-corporation.jpg Retrieved on November 7, 2014 San Gabriel Corporation http://blogs.worldwatch.org/nourishingtheplanet/wp- content/uploads/2012/04/Co-ops.jpg Retrieved on November 7, 2014 San Roque Multi- Purpose Cooperative
  23. 23. 55 DEPED COPY Mga Organisasyon ng Negosyo Matapos maorganisa ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga organisasyon ng negosyo, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng mga organisasyon ng negosyo. PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan nila ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa mga organisasyon ng negosyo. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan sila upang masagot kung ano-ano ang katangian at tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo.
  24. 24. 56 DEPED COPY Gawain 3: CHECKLIST Ipatukoy at palagyan ng tsek kung anong uri ng organisasyon ng negosyo ang inilalarawan sa bawat bilang. Katangian Sole Proprietorship Partnership Corporation Cooperative 1. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo. 2. Layunin nito na makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga. 3. Pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao. 4. Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ay ipinamamahagi sa mga stockholder. 5. Binubuo ng hindi bababa sa 15 tao at pinagtitipon- tipon ang kanilang pondo upang makapagsimula ng negosyo. Gawain 4: TSART NG KALAKASAN - KAHINAAN Gamit ang tsart, ipasulat ang kahinaan at kalakasan ng bawat organisasyon ng negosyo. KAHINAAN ORGANISASYON NG NEGOSYO KALAKASAN Isahang Pagmamay-ari Sosyohan Korporasyon Kooperatiba Gawain 5: ISANG PANAYAM Pangkatang Gawain. Magpagawa ng interbyu sa nagmamay-ari ng isang tindahang sari-sari o kaya ay isang miyembro ng isang kooperatiba na malapit sa inyong lugar. Ipatala ang mga sasabihin nila ukol sa kahinaan at kalakasan ng kanilang negosyo. Ipakompara ito sa nagawang katangian ng mga mag-aaral. Iulat ito sa klase.
  25. 25. 57 DEPED COPY Gawain 6: 3M’s MAGPLANO, MAGSIGURO, MAGNEGOSYO! Pangkatang Gawain. Magpabuo ng isang mini business plan gamit ang natutuhan sa Technology and Livelihood Education para sa binabalak na negosyo ng grupo. Papunan ng kaukulang tugon at impormasyon ang chart base sa mga nakapaloob sa business plan. Mga Nakapaloob sa Business Plan Tugon/ Impormasyon 1. Hangarin o misyon ng negosyo 2. Ang pagkakaiba ng iyong negosyo sa ibang negosyo 3. Magiging mga kliyente (target market) 4. Magiging mga karibal o kakompitensiya 5. Uri ng produkto o serbisyo na ibebenta 6. Mga pamamaraan o estratehiyang gagamitin sa pagbebenta 7. Panggagalingan ng puhunan at papaano ito gagamitin 8. Inaasahang kikitain sa loob ng 1 hanggang 3 taon Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang business plan? Paano ito makatutulong sa pagsisimula ng isang negosyo? 2. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang salik sa pagtatagumpay ng isang negosyo? Ipaliwanag. Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa mga organisasyon ng negosyo, maaari na silang magsimula sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda sila para sa mas malalim na pag-unawa ukol sa mga organisasyon ng negosyo. Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong kaalaman ukol sa mga organisasyon ng negosyo. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa mga nasabing organisasyon upang maihanda ang mga mag- aaral sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. PAGNILAYAN
  26. 26. 58 DEPED COPY Gawain 7: WQF DIAGRAM Sa puntong ito, ipatala na ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kahon na naglalaman ng facts. Mga Organisasyon ng Negosyo Gawain 8: TALA NG TAGUMPAY Magsagawa ng roundtablediscussion ukol sapaksang “KuwentongTagumpay.” Mag-iimbita ng mga matagumpay na negosyante sa komunidad. Ang mga panauhin ay magbabahagi ng mga kaalaman at kahusayan sa kanilang larangan. Mula sa mga narinig na kaisipan at payo sa mga panauhin, magpatala ng mahahalagang bagay na narinig ng mga mag-aaral. Magpagawa ng tala gamit ang Three Column Notes. Tagapagsalita / Paksa Ano ang natutuhan mo mula sa tagapagsalita? Tala ng iyong mga ideya, kaisi- pan, at opinyon
  27. 27. 59 DEPED COPY Gawain 9: REPLEKSIYON Mulasamgatalananakuhasatagapag-salita,magpagawangisangrepleksiyon na may kinalaman sa pagiging matalino at mapanagutang may-ari ng bahay-kalakal. Maaaring pumili ng isang tanong o paksa sa ibaba: a. Paano ako magiging responsable at makatarungang bahay-kalakal? b. Ano ang maaari kong ipangako upang masiguro na makatarungan ako sa pagpepresyo sa pamilihan? c. Paano ko mapangangalagaan ang aking interes bilang bahay-kalakal at paano ko naman mapangangalagaan ang interes ng aking kostumer? RUBRIK PARA SA REPLEKSIYON Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Nakapaloob sa repleksiyon ang mahahalagang impormasyon ukol sa pagiging matalino at mapanagutang bahay-kalakal. 50 Estilo Malikhain ang pagkakasulat ng repleksiyon, pumili ang may-akda ng mga angkop na salita upang maipahayag ang kaniyang saloobin ukol sa pagiging matalino at mapanagutang mamimili. 30 Mekaniks Nasunod ang lahat ng mekaniks sa pagsulat ng repleksiyon. 20 Kabuuang Puntos 100 MAHUSAY! Natapos mong magabayan ang mga mag-aaral na maisakatuparan ang mga gawain para sa kanila!
  28. 28. 60 DEPED COPY ISABUHAY Ang gawaing ito ay naglalayong maitampok o maitaguyod ang mga pinagkukunang-yaman na mayroon ang iyong komunidad. Bukod sa mga likas na yaman ay maaari ding maitampok ang produkto at serbisyo na kilala, mahalaga, at ipinagmamalaki ng komunidad na iyong kinabibilangan. Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang alam mo na at napag-aralan ang mga pinagkukunang-yaman ng iyong lokal na komunidad at ang katangian at kahalagahan ng mga ito. Gawain 10: COMMUNITY ASSETS Atasan ang mga mag-aaral na pumili ng isa sa mga pinagkukunang-yaman ng iyong lokal na komunidad. Magpagawa ng plano kung paano nila ito maitatampok o maipakikilala. Maaaring gamitin ang sumusunod bilang batayan sa paglalagay ng detalye sa kanilang pagtatampok. Pinagkukunang-yaman Yamang Lupa Malawak na Taniman ng Palay Lokasyon kung saan ito matatagpuan Brgy. XYZ Katangian Nagkapag-aani ng isang libong tonelada ng palay sa isang anihan at nailuluwas sa iba’t ibang lalawigan at mga siyudad, tulad ng Laguna, Batangas, atbp. Kahalagahan sa Komunidad Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng maraming magsasaka Dito nanggagaling ang pinakamalaking kita ng barangay, ng bayan, atbp. Mga paraan kung paano ito maitatampok Upang magkaroon ng makabuluhang output ay iminumungkahing gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kagamitan sa pagkatuto. Maaaring gamitin ang sumusunod na pamamaraan: 1. Pag-uulat sa klase gamit ang iba’t ibang kagamitang biswal o ulat na nakasulat sa kartolina, manila paper, o anomang katulad nito at mga larawan ng lugar kung saan makikita ang pinagkukunang-yaman. 2. Pag-uulat sa klase gamit ang powerpoint sa presentasyon. 3. Pag-uulat sa klase gamit ang video clip presentation. Ngayong inaasahang lubos na ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa kahulugan ng ekonomiks, at mga konsepto ng kakapusan, pangangailangan at kagustuhan, alokasyon, at produksiyon sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang mailalapat na nila ang kanilang natutuhan sa pang-araw-araw na buhay. ISABUHAY
  29. 29. 61 DEPED COPY RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COMMUNITY ASSETS PAMANTAYAN 4 3 2 1 Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula Pagtatampok sa Pinagkukunang- yaman Komprehensibo at mahusay ang pagkakatam- pok ng pinagkukunang- yaman sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba’t ibang aspekto ng kabuhayan ng komunidad. Mahusay ang pagkakatampok ng pinagkuku- nang-yaman at naiugnay ito sa iba’t ibang aspekto ng kabuhayan ng komunidad. Hindi gaanong naipakita ng pagtatampok ang kaugnayan ng pinagkuku- nang-yaman sa mga aspekto ng kabuhayan ng komunidad. Hindi naipakita sa pagtatampok ang kaugnayan ng pinagkuku- nang-yaman sa mga aspekto ng pamumuhay. Pinaghalawan ng Datos Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng aklat, pahayagan, video clip, interview at iba pa. Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman subalit limitado lamang ang nakuhang datos. Ibinatay lamang ang impormasyon sa batayang aklat. Walang batayang pinagkunan ng mga impormasyon. Kaalaman sa Paksa Nailahad ang pangunahing kaalaman sa paksa at naibigay ang kahalagahan. Wasto at magkakaugnay ang mga impormasyon. Nailahad ang pangunahing kaalaman sa paksa ngunit di wasto ang ilan. May impor- masyon na hindi naipaliwanag. Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad. May mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman sa paksa ay hindi nailahad at natalakay. Walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuan ng gawain.
  30. 30. 62 DEPED COPY PANGWAKAS NA PAGTATAYA Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Sacommandeconomy,angekonomiyaaynasailalimngkomprehensibong kontrol at regulasyon ng; A. prodyuser. B. konsyumer. C. pamahalaan. D. pamilihan. 2. Maaaring umiiral ang kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang-likas, yamang-tao, at yamang-kapital. Ano ang dahilan ng kakapusan sa mga ito? A. Dahil may limitasyon ang maraming pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao B. Dahil sa malalakas na bagyo at iba pang kalamidad na sumisira sa mga likas na yaman C. Dahil sa hoarding o pagtatago ng produktong ibinebenta sa pamilihan upang mapataas ang presyo ng produkto D. Dahilan sa kawalan ng disiplina ng mga tao 3. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon? A. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin, at tradisyon B. Isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan C. Isinasaalang-alang ang trade off at opportunity cost sa pagde- desisyon D. Isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon 4. Ang paikot na daloy o circular flow ng ekonomiya ay nagpapakita ng ug- nayan at ng gawain ng bawat sektor. Ano ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa ekonomiya? A. Naniningil ng buwis sa bahay-kalakal B. Gumagamit ng mga salik ng produksiyon C. Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon D. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa ( K ) ( K ) ( K ) ( K )
  31. 31. 63 DEPED COPY 5. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksiyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya na: A. Gumagamit ng mga produkto at serbisyo B. Lumilinang ng likas na yaman C. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo D. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman 6. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan? A. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan. B. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na pagdedesisyon. C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kaniyang kinakaharap. 7. Maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan ang kakapusan. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito? A. Maaari itong magdulot ng pag-aaway, kaguluhan, at tunggalian ng mga pangkat ng tao. B. Maaari itong magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na makababawas sa kakayahan ng mga mamimili na bumili ng mga produkto. C. Maaari itong magdulot ng pag-init ng klima na pangunahing dahilan ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña. D. Maaari itong magpataas sa pagkakataon na kumita ang mga namumuhunan. 8. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay samantalang ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawang desisyon (Case, Fair, and Oster, 2012). Ano ang dahilan kung bakit may trade-off at opportunity cost? A. Dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao B. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon C. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo D. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke ( K ) ( P ) ( P ) ( P )
  32. 32. 64 DEPED COPY 9. Angsumusunodaymaaaringmaganapkunguunahinangpangangailangan kaysa kagustuhan, maliban sa _______. A. hindimaisasakatuparananglahatnglayuninsapagpiliatpagkonsumo. B. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang- yaman sa lahat ng tao. C. maaaring malulutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman. D. magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya. 10. Iayos ang herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow mula sa pinakamababa hanggang sa pinamataas na antas nito. 1. Responsibilidad sa lipunan 2. Pangangailangan sa karangalan 3. Pangangailangan sa sariling kaganapan 4. Pisyolohikal at bayolohikal 5. Pangangailangan sa seguridad A. 2, 3, 4, 5, 1 B. 1, 2, 3, 4, 5 C. 3, 2, 1, 5, 4 D. 4, 5, 1, 2, 3 11. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksiyon. Ang bawat salik ay may kabayaran kapag ginamit tulad ng: A. upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista at tubo sa entrepreneur B. tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista at interes sa entrepreneur C. upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa at interes para sa entrepreneur D. sahod sa entrepreneur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista at tubo sa entrepreneur Gamitin ang talahanayan sa susunod na pahina sa tanong sa aytem 12. ( P ) ( P ) ( P )
  33. 33. 65 DEPED COPY HOUSEHOLD FINAL CONSUMPTION EXPENDITURE AT CURRENT PRICES, IN MILLION PESOS Annual 2012 and 2013 ITEMS At Current Prices 2012 2013 Growth Rate (%) HOUSEHOLD FINAL CONSUMPTION EXPENDITURE 7,837,881 8,455,783 7.9     1. Food and Non-alcoholic Beverages 3,343,427 3,596,677 7.6   2. Alcoholic Beverages, Tobacco 100,930 110,059 9.0   3. Clothing and Footwear 108,492 116,635 7.5   4. Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels 965,753 1,062,100 10.0   5. Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance 310,249 326,101 5.1   6. Health 199,821 218,729 9.5   7. Transport 837,569 894,369 6.8   8. Communication 247,946 264,281 6.6   9.  Recreation and Culture 142,851 154,391 8.1 10.  Education 302,772 334,586 10.5 11.  Restaurants and Hotels 291,460 318,553 9.3 12.  Miscellaneous Goods and Services 986,611 1,059,301 7.4 Source: National Statistical Coordination Board (NSCB) Posted: 30 January 2014 12. Alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan batay sa talahanayan? A. Malaking bahagi ng pagkonsumo ng sambahayan ay nagmumula sa kalusugan. B. Nagpakita ng pagtaas sa kabuuang pagkonsumo sa pagitan ng taong 2012-2013. C. Pinakamababa ang pagkonsumo ng sambahayan sa transportasyon. D. Nagpakita ng pagbaba sa kabuuang pagkonsumo sa pagitan ng taong 2012-2013. ( P )
  34. 34. 66 DEPED COPY 13. Maituturing na production efficient ang mga punto ng PPF o Production Possibility Frontier. Ano ang kaugnayan ng PPF sa kakapusan. Piliin ang pinakatamang sagot? A. Ang PPF ay nagpapakita ng mga maaaring plano batay sa kakayahan ng isang ekonomiya na lumikha ng produkto. B. Ang hangganan ng PPF ay nagpapakita ng scarcity o kakapusan sa mga salik ng produksiyon. C. Sa pamamagitan ng PPF ay maipapakita ang iba’t ibang alternatibong magagamit sa paglikha ng produkto upang maging episyente ang paggamit sa mga limitadong pinagkukunang- yaman. D. Ito ang mga plano upang kumita nang malaki ang mga namumuhunan at mabawi ang gastos sa paglikha ng produkto. 14. Dalawang magkaibang konsepto ang kagustuhan at pangangailangan. Masasabing kagustuhan ang isang produkto o serbisyo kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto o serbisyo? A. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawahan sa buhay ng tao B. Kapag hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito C. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito D. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na gawain 15. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang “There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe? A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao. B. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan. C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman. D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig. ( U ) ( U ) ( U )
  35. 35. 67 DEPED COPY 16. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyonal na ekonomiya? A. Wala, sapagkat iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano. B. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinapakialaman ng pamahalaan. C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa mga pinagkukunang-yaman. D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain. 17. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili? A. Kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale B. Kapag bumibili ng segunda mano upang makamura at makatipid C. Kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang sangkap, presyo, at timbang ng produktong binibili D. Kapag bumibili ng labis labis sa mga pangangailangan upang matiyak na hindi siya maubusan 18. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitataguyod sa pamamagitan ng A. palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran. B. pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto. C. pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin. D. palaging pagpunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang timbang ng biniling produkto. ( U ) ( U ) ( U )
  36. 36. 68 DEPED COPY 19. Ang ilustrasyon sa itaas ay tungkol sa produksiyon, ano ang ipinapahiwatig nito? A. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad ng lupa, lakas-paggawa, kapital, at entrepreneur upang makabuo ng produkto at serbisyo. B. Magaganap lamang ang produksiyon kung kumpleto ang mga salik na gagamitin dito. C. Ang produksiyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa, kapital, at kakayahan ng entrepreneur. D. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa mga makinarya. 20. Ang produksiyon ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag nito? A. Ang kinita ng bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng mga sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo. B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo. C. Sa produksiyon nagmumula ang mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw araw. D. Ang produksiyon ay proseso na nagbibigay-daan sa paglikha ng hanapbuhay. ( U ) ( U ) Intput OutputProseso

×